The Birth of Jesus (ANG KAPANGANAKAN NI JESUS) THE MT. CARMEL BIBLE STORY 21-0001M 1521-2021 500 Years of Christianity in the Philippines
Philippine Copyright © 2023 by Mt. Carmel Printhouse All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored or transmitted in any manner whatsoever without written permission from the publisher, except in the case of brief quotations embodies in critical article and reviews. Inquiries should be addressed to: Mt. Carmel Printhouse 517 Quirino Highway, Talipapa, Novaliches, Quezon City Philippines (09178942266 | 09173054903) Printed in the Philippines Ang Kapanganakan ni Jesus (Matthew 1:18-25, Luke 1 & 2) Retold by Marlene Esquilona Sabio – Oliva Art by Steve Galang 1949 – 2017 Project Coordinator Printing Coordinator Jamaica Marlene S. Oliva Jerome Manuel S. Oliva Researcher Bulk Sales Coordinator Ibarra Esquilona Sabio Jawarah Marlene S. Oliva (09171076386) Consultant Layout and Design by Manuel Munoz Oliva, Jr. Rhed Tenebro and Ranz Tenebro This Project is dedicated for my late Parents: Artemio Promencio Capinig Sabio & Estrella Albao Esquilona-Sabio “That In All Things, GOD Maybe Glorified” (Purihin ang Diyos sa lahat ng bagay)
One day, the Angel Gabriel was sent by God to the house of Mary. Gabriel announced to her that she will conceive a child through the power of the Holy Spirit. And she shall him Jesus. The woman was bothered because she was a virgin and betrothed to Joseph, a carpenter from the line of King David. (Isang araw, inutusan ng Panginoon si Anghel Gabriel na pumunta sa bahay ni Maria. Sinabi ni Gabriel kay Maria na siya ang napiling magsisilang ng isang sanggol. Nabalisa ang babae dahil siya ay isang birhen at nakatakdang maging asawa ni Jose, isang karpentero mula sa lahi ni Haring David.) Sino Maria? - Siya ay anak nina Anna at Joachim. - Siya ang ina ni Jesus, ang Diyos Anak. - Nag-iisang babae kasama si Jesus mula kapanganakan hanggang sa kamatayan sa krus. - Ipinanganak na walang orihinal na kasalanan. Ang kasalanan naipasa sa sangkatauhan, dahil sa pagkakasala ng mga unang magulang natin sina Adan at Eba. - Ang babaing pinagpala bukod sa babaing lahat.
After the angel left, Mary went to visit her cousin Elizabeth who was also pregnant despite her old age. Upon hearing her voice, the baby inside Elizabeth's womb had leapt with joy. (Agad, dinalaw ni Maria ang kamag-anak na si Elizabeth na noon ay buntis din sa kabila ng kanyang edad. Ibinalita niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Gumalaw ang sanggol sa sinapupunan ni Elizabeth, pag karinig sa boses ni Maria.) Sino si Elizabeth? - Siya ay mula sa lahi ni Aaron- ang kapatid nina Merriam at Moises. - Asawa ni Zacarias - mula sa pangkat ni Abias. - Dating baog, sa huli binayayaan ng Panginoon ng anak. - Siya ang ina ni Juan na Tagapag bautismo. - Kamag-anak ni Maria – ang ina ni Jesus, ang Diyos Anak.
Joseph learned about the pregnancy of Mary. He was determined to secretly divorce her. He was an upright man and did not want Mary to be humiliated. The angel visited him in a dream and told him that the baby in Mary's womb was conceived through the power of the Holy Spirit. And that he should not worry. (Nang nalaman ni Jose ang pagbubuntis ni Maria, buo na ang kanyang pasiyang, sikretong hihiwalayan ang nobya. Mabuting tao si Jose at ayaw niyang mapahiya si Maria. Dinalaw ng anghel si Jose sa kanyang panaginip. Sinabing huwag siyang mag- alala dahil ang nobya ay buntis sa pamamagitan ng Espiritu Santo.) Sino si Jose? - Siya ay mula sa lahi ni Haring David. - Siya ay isang karpentero at mabuting tao. - Naging asawa ni Maria na ina ni Jesus, ang Diyos Anak. Naging ama-amaan ni Jesus sa lupa.
After the wedding of Joseph and Mary, she went to live in the house of Joseph in Nazareth. She became busy preparing the clothes of her forthcoming child, her first born. (Pagkatapos ng kasal nina Jose at Maria, sa bahay na ni Jose sa Nazareth tumuloy si Maria. Naging abala ang babae sa paghahanda ng mga damit ng kanyang magiging panganay na anak.) Dagdag Kaalaman: - Nazareth, ang pinakamalaking siyudad sa Hilagang Distrito ng Israel. - Sa panahon ni Jesus ang Nazareth ay isang nayon ng mga Hudyo nan gang lupa ay sakop pa ng Emperyo ng Roma at Byzantine. - Tinawag ang Nazareth na lugar kung saan lumaki si Jesus. - Nazareth, isang siyudad sa Israel na mababasa ang kasaysayan sa Biblia.
One day, Emperor Augustus sent a decree for a worldwide census. At that time Palestine was under the Roman Empire. All the people had to go back to his hometown. (Isang araw, nagpalabas ng kautusan si Emperador Augustus. Layunin nito isilang si Jesus, nag palabas ng kautusan ang emperador na lahat ng tao ay kailangan mag patala. Sinabi na magkaroon nang malawakang sensus. At sa panahong iyon ang Palestine ay sakop ng Emperyo ng Roma. Lahat ay kailangan umuwi sa kanilang bayan. Si Jose ay nag tungo sa Bethlehem sa bayan ng kanyang ninunong si Haring David.) Dagdag Kaalaman: Ang Emperyo ng Roma ay itinatag ni Augustus Caesar at siya ang unang emperador ng Roma noong 31 BC at ng mga sumunod na mga taon. Bago isilang si Jesus, nag palabas ng kautusan ang emperador na lahat ng tao ay kailangan magpatala. Sinabi ng mga Bible Scholar, ito raw ay upang ipagyabang ng emperador kung gaano kalaki ang kanyang nasasakupang mga tao. Ito ang pangunahing layunin ng census noon. Nag tapos ang Emperyo ng Roma noong 1453 CE sa pag bagsak ng Constantinopole, isang sinaunang siyudad na ngayon ay parte ng Istanbul.
Upon learning about the decree, Joseph heeded the call. He wanted to travel alone to Bethlehem , the birthplace of his ancestors. But Mary did not want to be left behind in Nazareth. She travelled along with her husband despite of her pregnancy. (Agad tumalima si Jose at balak niyang mag-isang maglalakbay papuntang Bethlehem, ang lugar ng kanyang mga ninuno. Hindi pumayag si Maria na maiwan mag-isa. Naglakbay sila papuntang Bethlehem kahit pa kabuwanan na niya.) Nazareth papuntang Bethlehem: Sinasabi ng mga Bible Scholar, na sa panahon ni Jesus, ang dalawang lugar na ito ay maaring lakbayin ng apat (4) na araw. Kung ang tao ay maglalakbay ng dalawa at kalahating (2.5) milya sa isang oras. At kung maglalakbay ng walong oras sa isang araw.
When Joseph and Mary were at Bethlehem, Mary gave birth to her first born son. At that moment, the angels visited the shepherds to inform them that Baby Jesus was born in a manger. Because, the couple could not find a place to stay. (Nang nasa Bethlehem na sina Jose at Maria, isinilang ni Maria ang panganay niyang anak. At sa oras din iyon, dinalaw ng mga anghel ang mga taga pastol ng tupa upang ipag bigay alam ang pagsilang ng sanggol na si Jesus sa sabsaban. Dahil, walang makuhang bakanteng bahay panuluyan.) Pagbabahagi: Isang araw, tumawag sa akin ang kapatid ng aking kaibigan. Landline to landline, ang tawag namin noon kapag ang tawag ay mula sa isang probinsiya papunta sa ibang probinsiya. May kamahalan din ang presyo nito.
Good Morning Bing! Huwag kang maniwala siyan kay Mama Mary. Hindi lang si Jesus ang anak niya. Marami pa siyang mga anak. Isa siyang masamang babae! Etc! Etc! Etc! Ang haba- haba ng kanyang mga sinabi. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung paano putulin ang aming usapan. Ilang araw din akong nanlumo. “Anong nangyari?” Ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili. Bakit kailangan niyang gumastos nang malaking pera, para siraan lang si Mama Mary? Mabubuti naman silang tao, nang hindi pa sila nakapag trabaho sa Saudi Arabia. Pagkalipas ng ilang araw, nag overseas call (America to Philippines) ang aking kaibigan. “Mars, pwedeng pakidalaw ang aking pamangkin - anak ni Ate X? Naoperahan siya sa puso. Nasa St. Lukes Hospital siya ngayon. Agad kaming pumunta ng aking asawa. Laking gulat ko! Ang lalaki ng mga hiwa ng bata sa dibdib. Pigeon chest ang tawag nila. Sobrang nalungkot ako! “Ito ba ay nagkataon lamang? Coincidence ba ito?” Marahil hindi pinayagan ni Jesus na lapastanganin ang Kanyang Ina...
After the angels left. The shepherds went to visit Joseph, Mary, and Jesus, the baby in the manger. (Paglisan ng mga anghel, agad nagtungo ang mga tagapastol sa isang sabsaban upang dalawin sina Jose, Maria, at Jesus, ang bagong silang na sanggol.) Sa totoo, hindi kapani-paniwala na ang isang Anak ng Diyos na tatawagin nating Jesus, ang Diyos Anak ay ipanganganak sa isang sabsaban at sa kulungan lamang ng mga baka, asno, at iba pang uri ng mga hayop. Talagang napakahirap arukin. Marahil, nangyari ito upang tayong mga nilalang ng Diyos ay huwag magyayabang sa mga materyal na bagay na mayroon tayo.
PAGBABAHAGI: MARLENE ESQUILONA SABIO-OLIVA Isang araw kinausap ako ni Kristof, ang panganay naming apo. Ito ang sinabi niya: “Do you know Lola, if Mama Mary did not say yes to the angel, we will not celebrate Christmas?” Totoo naman talaga! Kung hindi pumayag si Mama Mary na magdadalangtao siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo, talagang wala tayong ipagdiriwang na Pasko. Kaya natin ipinagdiriwang ang Pasko dahil ito ay ang araw nang kapanganakan ni Jesus – ang dakilang Tagapagligtas. Ibig sabihin, buo ang tiwala ni Mama Mary sa Panginoon sa kanyang pagpayag na maging ina ng Dakilang Tagapagligtas. Sinabi ni Propeta Isaias na ang Dakilang Tagapagligtas ay ipapanganak ng isang Birhen sa pamamagitan ng Espiritu Santo at mula sa lahi ni Haring David. Naganap nga ang lahat! Si Mama Mary ay mababa ang kalooban. Sinabi niya, “Tatawagin akong mapalad ng mga susunod na henerasyon.” Hindi siya nagmamalaki o nagyayabang, ibig niyang iparating sa atin na ang isang katulad niya na pangkaraniwang babae ang pinili ng Panginoon upang magsilang ng Kanyang Anak. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi naniniwala na si Jesus, ang Tagapagligtas. Siya ay totoong Tao at totoong Diyos. Ang buong akala kasi nila, ang Anak ng Diyos ay darating sa mundo, bilang isang kamangha-manghang hari. Katulad sa batayan ng mundo tungkol sa isang hari. Isisilang sa isang Palasyong yaring ginto at marmol. Napalibutan nang sangkaterbang kawal. Maraming alalay. Nakasuot ng damit na yari sa pinaka- espesyal na tela, sagana ang hapag-kainan, nagmamay- ari ng magagandang kamelyo, baka, at iba pa.
Isipin na lang na ipinanganak sa isang sabsaban ang Dakilang Hari at Manunubos ng sangkatauhan. Hindi talaga kapani-paniwala! Sinabi ni Fr. Jose Pascual, MSC, mahal ng Diyos ang mga hayop. Sa panahon na ipinanganak si Jesus, ang init ng katawan ng mga hayop ang nagsilbing panlaban sa nanlalamig na katawan ni Jesus. Talagang mahirap arukin ang isipan ng Panginoon. Kaya nga kapag ako ay may problema bumabalik sa aking isipan ang naging kalagayan ni Jesus sa sabsaban at ang Kanyang kamatayan sa krus. Sino ako, kung ihahambing sa dinaanan ng Anak ng Diyos? Kaya anuman ang aking problema, wala lang. Ang pangako ng Diyos ay hindi nababali. Gaano man ito katagal, talagang mangyayari. Mag mula pa sa panahon ni Propeta Jeremiah, at Isaiah, ipinangako ng Panginoon na magpapadala Siya ng isang Hari. Hindi lang basta isang Hari. Siya ay magiging Hari ng lahat. Higit na makapangyarihan sa lahat at gagawa ng mga kababalaghan. Magbibigay ng paningin sa bulag. Makalalakad ang lumpo. Makaririnig ang bingi. Pagagalingin ang may sakit. Ililigtas ang mga tao sa tiyak na kapahamakan. Bubuhayin ang patay. At marami pang iba. Hindi Siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasanan ang Kanyang tinig. Hindi Niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi Siya titigil hanggang magwagi ang katarungan. Ang Kanyang Pangalan ang inaasahan ng lahat ng bansa. Ibig sabihin sa ipinahayag ni Propeta Isaiah, ating nalaman na hindi hari na ating nakagisnan ang matutunghayan. Kungdi isang hari, na kabaliktaran ng haring makikita sa mundo.
SHARING: MARLENE ESQUILONA SABIO-OLIVA One day, Kristof, our grandson told me, “Do you know Lola, If Mama Mary did not say yes to the angel, we will not celebrate Christmas?” That is true! Because, if Mama Mary did not assent to the proposal that she will conceive a child through the power of the Holy Spirit, there will be no Jesus Christ. We celebrate Christmas, because it is the birthday of our Savior, the Messiah, the Son of the living God. He is the Word Incarnate that dwells amongst us. Simply said, Mama Mary is full of faith. Imagine this scenario: A young Jewish woman, virgin, betrothed to a man and suddenly shall conceive a child through the power of the Holy Spirit. Of course, no one in her right mind will not think twice before saying yes. But since she has a humble heart and full of faith, she immediately said yes! It is written in the Book of Isaiah, that the Redeemer of humanity shall be conceived by a virgin, through the power of the Holy Spirit, and shall come from the line of King David. Therefore, everything happened as foretold. Mama Mary is very humble. She said, “The people will call me blessed.” Meaning, all generations will remember that an ordinary woman is chosen by God
to give birth to His Incarnate Son. She is not bragging, what she means is that God did not choose a woman from the rich, the powerful, and the mighty. But from the lowly strata. One of the reasons why many people do not believe that Jesus is the Messiah and the Son of the Living God, because they can't accept the fact that Jesus comes from a very humble beginning. He is born in a manger, by an ordinary woman, lives in a modest home, not in a palace made of gold and marble, does not own a chariot, and once riding on a colt, no countless bodyguards, not wearing an expensive clothes, no jewelries, no money, no expensive and fancy food in the table, does not own cattle and camel, and many more. He is not the typical prince as the world knows. Imagine, the Son of the Living God is born in a manger – the Redeemer of the world! It is amazing and unbelievable! Fr. Jose Pascual, MSC, once said that God loves the animals. Jesus is born in the corral - the shelter for cattle, horses, and other animals. At that time, the heat that comes out of the bodies of these animals serve as the blanket for the chilling body of the newborn Baby Jesus. It is inconceivable that Jesus is born in a manger and later in his life is crucified on the cross. The birth of Jesus in the manger and His crucifixion are my inspirations in life.
Sometimes, I am asking myself this question, “Who am I to question God about the problems I am going through in my life? Jesus is true God and true Man, and yet he is born in a manger and is crucified on the cross for our sins and the sins of humanity. Jesus is a sinless Man.” After that, I am with myself again and full of energy and inspiration. God's promise will be fulfilled, no matter what happens and how long it shall take. He promised that He will send a Redeemer to the world. A King, not only a king, but the King of all kings. A powerful One. He will let the blind see. The lame to walk. The deaf to hear. Heal the sick. He will rise the dead. And countless more. He will not shout. His voice will not be heard in the plaza. He will not remove a bruised twig or will put o a dying wicker. He will not stop until justice is obtained. His name is the hope of all nations. As mentioned by Isaiah, we have learned that the king is not the kind of a king we all know but a king that is the exact opposite of an earthly king.
Search
Read the Text Version
- 1 - 16
Pages: