ANG PORMULA NG BAUTISMO SA TUBIG AYON SA BIBLIYA AT AYON SA KASAYSAYAN Tinagalog ni NELSON P. MARANAN
CONTENTS 1 1 ANG PORMULA NG BAUTISMO SA TUBIG 8 AYON SA BIBLIYA AT AYON SA KASAYSAYAN 17 Ang Tala sa Bibliya 19 Mga Tala sa Kasaysayan Pagpapasya Pahayag ng Pananampalataya
ANG PORMULA NG BAUTISMO SA TUBIG AYON SA BIBLIYA AT AYON SA KASAYSAYAN A yon sa parehong Bibliya at kasaysayan, sinasambit ng iglesia ng Bagong Tipan ang pangalang Jesus sa bautismo sa tubig. Ang pormula ng bautismo nito ay “sa pangalan ni Jesucristo” o “Panginoong Jesus,” hindi “sa pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.” Ang Tala sa Bibliya Sa tuwing itinatala ng Bibliya ang pangalan o pormula na nauugnay sa isang aktwal na bautismo sa iglesia ng Bagong Tipan, ipinapahayag nito ang pangalang Jesus. Lahat ng limang ganoong mga ulat ay makikita sa aklat ng Mga Gawa, ang aklat ng kasaysayan ng unang iglesia. Itinatala nito na ang mga tao ay nabautismuhan sa pangalan ni Jesus. Mga Hudyo: \"Sumagot si Pedro, Pagsisihan ninyo't talikuran
2 ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.” — MGA GAWA 2:38 Mga Samaritano: \"Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.” — MGA GAWA 8:16 Mga Hentil: \"At iniutos niyang bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na manatili pa roon nang ilang araw.” — MGA GAWA 10:48 (Ang pinakaunang mga manuskrito ng Griyego na sinasabi natin, “Sa pangalan ni Jesucristo,” gaya ng karamihan sa mga bersyon ngayon.) Ang mga Alagad ni Juan (muling binautismuhan): “Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Kas… 3 — MGA GAWA 19:5 Apostol Pablo: “At ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na, magpabautismo at tumawag ka sa kanyang pangalan upang mapatawad ka sa iyong mga kasalanan.” — MGA GAWA 22:16 Bukod dito, ang mga Sulat (epistles) ay naglalaman ng ilang mga kaugnayan o mga pagtukoy sa bautismo sa pangalang Jesus. \"Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng pani- bagong buhay.” — ROMA 6:3-4 \"Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang
4 ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan niya?\" — 1 CORINTO 1:13 \"Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.” — 1 CORINTO 6:11 \"Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.” — COLOSAS 2:12 \"Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?\" — SANTIAGO 2:7 Ang tanging talata sa Bibliya na maaaring gamitin ng sinuman bilang suporta sa paggamit ng pangalan ng tatlong persona sa pagbabautismo ay ang Mateo 28:19, kung saan
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Kas… 5 iniutos ni Jesus ang bautismo “sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.” Ang salitang pangalan sa talatang ito ay isahan, na nagpapahiwatig na ang parirala ay naglalarawan ng isang pinakamataas na pangalan kung saan ang nag- iisang Diyos ay ipinahayag, hindi ang tatlong pangalan ng tatlong natatanging persona. Naunawaan ng mga apostol ang mga salita ni Kristo na isang paglalarawan ng Kanyang sariling pangalan, dahil tinupad nila ang Kanyang utos sa pamamagitan ng pagbabautismo sa pangalang Jesus. Iisa lamang ang Diyos (Deuteronomio 6:4), at mayroon Siyang isang pinakamataas na pangalan ngayon (Zacarias 14:9). Si Jesus ay ang nagkatawang-tao kung saan ipinahayag sa atin ang Ama (Juan 5:43; 10:30; 14:9-11), \"Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya'y inyong tatanggapin.” — JUAN 5:43 \"Ako at ang Ama ay iisa.” — JUAN 10:30 “Sumagot si Jesus, Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing
6 ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko.” — JUAN 14:9-11 At sa pangalang Jesus din ipapadala ang Espiritu Santo (Juan 14:16-18, 26). \"Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo. Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo.” — JUAN 14:16-18 \"Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Kas… 7 magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.” — JUAN 14:26 Ang Lucas 24:47 ay isang katulad na talata sa Mateo 28:19, at inilalarawan nito si Jesus na nagsasabi na ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay ipangangaral “sa kanyang pangalan.” Ang bautismo ay para sa kapatawaran ng mga kasalanan (Mga Gawa 2:38). Jesus ang tanging nagliligtas na pangalan, ang pangalan kung saan natatanggap natin ang kapatawaran ng mga kasalanan, ang pinakamataas na pangalan na ipinaalam sa atin, at ang pangalan kung saan dapat nating sabihin at gawin ang lahat ng bagay. \"Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.” — MGA GAWA 4:12 \"Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kani- lang ipahayag na ang bawat sumampalataya sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.” — MGA GAWA 10:43
8 \"Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.” — FILIPOS 2:9-11 \"At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Pangi- noong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” — COLOSAS 3:17 Kaya ang pinakadakila at nakapagliligtas na pangalan ng Mateo 28:19 ay Jesus. Dapat nating tuparin ang utos ng tala- tang iyon tulad ng ginawa ng unang iglesia, sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalang Jesus sa bautismo. Mga Tala sa Kasaysayan Ang mga iginagalang na mapagkukunan ng tala sa kasaysayan ay nagpapatunay na ang sinaunang iglesiang Kristiyano ay hindi gumamit ng pormula ng tatlong persona sa pagbabautismo. Sa halip ay tinawag ang pangalang Jesus sa bautismo hanggang sa ikalawa at ikatlong siglo.
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Kas… 9 \"Ang ginamit na pormula ay ‘sa pangalan ng Panginoong Jesucristo’ o ilang magkasing-kahulugang parirala; walang patunay na ginagamit ang 'ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo'… Ang pinakaunang paraan ng bautismo, na ipinapahayag sa Aklat ng Mga Gawa, ay simpleng paglulubog… sa tubig, ang paggamit ng pangalan ng Panginoon, at ang pagpapatong ng mga kamay. Idinagdag na lamang dito pagsapit ng iba't ibang panahon at mga lugar ang paggamit sa \"'ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo'…\" — ENCYCLOPEDIA OF RELIGION AND ETHICS (1951), II, 384, 389
10 \"Ang ebidensya . . . ay nagpapahiwatig na ang bautismo sa sinaunang Kristiyanismo ay pinangangasiwaan, hindi sa 'ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo,' kundi ‘sa pangalan ni Jesu-Kristo’ o ‘sa pangalan ng Panginoong Jesus.'\" — INTERPRETER’S DICTIONARY OF THE BIBLE (1962), I, 351
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Ka… 11 \"Sa unang pagbabautismo ay pinangangasiwaan sa pangalan ni Jesus, ngunit unti-unti ay ang pangalan ng tatlong persona ng pagka-Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo.\" — OTTO HEICK, A HISTORY OF CHRISTIAN THOUGHT (1965), I, 53
12 \"[Ang isang paliwanag ay] ang orihinal na paraan ng mga salita ay ‘sa pangalan ni Jesu-Kristo; o ‘ang Panginoong Jesus.’ Ang pagbabautismo sa pangalan ng tatlong persona ay dulot ng makabagong pagsulong.\" — HASTINGS DICTIONARY OF THE BIBLE (1898), I, 241
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa Ka… 13 \"Pinalitan ng pormula ng bautismo ng tatlong persona… ang mas lumang bautismo sa pangalan ni Kristo.\" — WILLISTON WALKER, A HISTORY OF THE CHRISTIAN CHURCH (1947), PAGE 58
14 \"Ang alam lamang na bautismo sa Bagong Tipan ay sa pangalan ni Jesus…, na nangyari pa rin kahit sa ikalawa at ikatlong siglo.\" — THE NEW SCHAFF-HERZOG ENCYCLOPEDIA OF RELIGIOUS KNOWLEDGE (1957), I, 435
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa K… 15 \"Ang mga tao ay nabautismuhan noong una ‘sa pangalan ni Jesu-Kristo’… o ‘sa pangalan ng Panginoong Jesus’… Pagkatapos, sa pag-unlad ng doktrina ng tatlong persona, sila ay binautismuhan ‘sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo'.\" — CANNEY’S ENCYCLOPEDIA OF RELIGIONS (1970), PAGE 53
16 \"Natural lang na ipagpalagay na ang bautismo ay pinan- gangasiwaan noong pinakaunang panahon 'sa pangalan ni Jesu-Kristo,' o sa 'pangalan ng Panginoong Jesus.' Ang pananaw na ito ay pinatutunayan ng katotohanan na ang unang paraan ng bautismo ay lumilitaw na isahan—hindi tatluhan, gaya ng huling doktrina.\" — ENCYCLOPAEDIA BIBLICA (1899), I, 473
Ang Pormula ng Bautismo sa Tubig Ayon sa Bibliya at Ayon sa K… 17 \"Ang pormula ng tatlong persona ay hindi batay sa unang… bautismo sa pangalan ng Panginoon na karani- wang pormula ng Bagong Tipan. Noong ika-3 siglo, ang pagbabautismo sa pangalan ni Kristo ay laganap pa rin kaya't ipinahayag ito ni Pope Stephen na tama, sa pagsalungat kay Cyprian ng Carthage.\" — ENCYCLOPAEDIA BRITANNICA, 11TH ED. (1910), II, 365 Pagpapasya Ang mga Kristiyano ngayon ay dapat gumamit ng pormula sa pagbabautismo na matatagpuan sa Bagong Tipan. Bawat isa ay dapat mabautismuhan sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig sa pangalan ng Panginoong Jesucristo para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA NG APOSTOLIC JESUS NAME CHURCH Layunin ng AJNC na ipalaganap ang mga aral ng Panginoong Hesukristo. Ang aming mga pangunahing doktrina ay ang mga sumusunod: Naniniwala kami na mayroong isang hindi mahahati na Diyos, ang isang tunay na buhay na Diyos na nahayag sa laman sa katauhan ni Jesu- Kristo. Naniniwala kami na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, ang hindi nagkakamali na Salita ng Diyos. Naniniwala kami na ang Bibliya ang tanging bigay ng Diyos na kapangyarihan na taglay ng tao; samakatuwid, ang lahat ng doktrina, pananampalataya, pag-asa, at lahat ng pagtuturo para sa iglesiya ay dapat na nakabatay at naayon sa Bibliya. Naniniwala kami sa bigay ng Diyos na plano ng kaligtasan para sa sangkatauhan sa dispensasyon ng biyaya sa pamamagitan ng pagsisisi,
pagpapabautismo sa pangalan ni Jesus, at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo na pinatutunayan sa pagsasalita ng iba pang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu Santo na bigkasin. Naniniwala kami na ang planong ito ng kaligtasan ay magagamit, sa ating panahon, kapwa sa mga Hudyo at sa mga Hentil na tinatawag na “sa mga nasa malayo” Mga Gawa 2:39, “na inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Kristo” (Efeso 2:13). At ang pangakong ito ay para sa lahat ng tinatawag ng Diyos sa Kanyang sarili. Naniniwala kami na ang buhay ng kabanalan dapat ipagpatuloy dahil kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon. Ang aming mga pangunahing pagpapahalaga ay binubuo ng pagsamba, pangangalaga ng pastor at pagiging alagad, pangangalaga sa mga bagong mananampalataya, pakikisama, pag-eebanghelyo, at edukasyong Kristiyano. Para sa mga katanungan o iba pang alalahanin, mangyaring magpadala sa amin ng inyong mensahe. 2336 Agua Marina St. San Andres Bukid Manila, Philippines Website: https://ajncphilippines.com/ 0917 840 6460 [email protected] [email protected]
Search
Read the Text Version
- 1 - 28
Pages: