SINO NGA BA ANG ANTIKRISTO? 39 ”Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapa‐ hayag na si Jesukristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan. Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig ng sanglibutan. Tayo nga'y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.” — (JUAN 4:1-6 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Napakalayo ng paliwanag ng mga kritiko sa pagsasabi na hindi si Yahweh ang nagpahayag sa laman kundi si Jesukristo. Para sa mga mananampalatayang Oneness ay madaling unawain ang mga sipi na ito na \"ang Diyos ay nahayag sa laman\" (1 Timoteo 3:16); ang Espiritu ay nahayag sa laman. Hindi tinatalakay dito kung ano ang pangalan ng nagpahayag sa laman, kundi ang pagtatapat na ang kabuuan ng pagka-Diyos ay nananahan kay Jesukristo (Colosas 2:9). Hindi ito isang payak na pag-uulit ng mga talata kundi pananampalataya na ang Diyos na na kay Kristo ay pinakipagkasundo tayo sa Kaniya rin sa pamamagitan ni Kristo (2 Corinto 5:18-19).
40 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” Ang 1 Juan 4:2-3 ay may tatlong \"textual variants\" subalit hindi ito tatalakayin dito. Sa halip ay makikita ang mga ito sa ilang salin ng Bibliya. Ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesukristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios (Ang Dating Bibliya). Ang bawat espiritung kumikilala na si Jesukristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay mula sa Diyos (Salita ng Diyos). Ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Kristo ay dumating bilang tao (Magandang Balita Biblia). You can know which ones come from God. His Spirit says that Jesus Christ had a truly human body (Contemporary English Version). Every spirit who acknowledges that Jesus the Messiah[a] has become human—and remains so—is from God (International Standard Version). Every spirit which acknowledges and confesses [the fact] that Jesus Christ (the Messiah) [actually] has become man and has come in the flesh is of God [has God for its source] (Amplified Bible). Ayon sa 1 John 4:2-3 , ang mga espiritu ay susubukin batay sa kani‐ lang pagtatapat ayon sa aral Kristiano: ang taong naudyukan ng Espiritu ng Diyos ay magtatapat na “si Jesus bilang ang Kristo ay naparito sa laman”; habang ang taong udyok ng espiritu ng panlilin‐ lang ay hindi ipagtatapat si \"Jesus\" at samakatuwid ay hindi mula sa Diyos. Bakit ganito? Sino nga ba ang anticristo? Sila ay yaong mga laban kay Kristo o kaaway ni Kristo na hindi naniniwala na si Jesus ang Kristo na naparitong nasa laman ( John 9:22), tumatanggi na si Jesus ay siyang Kristo at tumatanggi sa Ama at sa Anak (1 John 2:22). Ang umamin sa Pagkakatawang-tao ay pagpapatunay na ang isang tao ay kumukuha ng inspirasyon mula sa Diyos sa pamamag‐ itan ng kanyang Espiritu. Katulad ng pagtatapat ni Pedro nang
SINO NGA BA ANG ANTIKRISTO? 41 tanungin siya ni Jesus, \"ano ang sabi ninyo kung sino ako?\" (Matthew 16:15). At sumagot si Simon Pedro at sinabi, \"Ikaw ang Kristo, Ang anak ng Dios na buhay\" (Mateo 16:16). At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, \"Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipina‐ hayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit\" (Mateo 16:17). PAGPAPASYA Ang 1 Juan 4:1-6 ay hindi nagtataguyod sa pahayag ng mga kritiko sapagkat ang pinag-uusapan sa mga siping ito ay tungkol sa pagiging \"anointed\" ng taong si Kristo Jesus bilang Mesias. Upang maiwasan ang kalituhan, kailangang lubos na maunawaan na ang Diyos ng Lumang Tipan na espiritu ay nagpahayag sa laman o nagkatawang-tao (1 Timothy 3:16) para sa kaligtasan ng sanlibutan, at \"wala na tayong pagtatalo sa hiwagang ito.\" Ito ang pagsubok para sa mga espiritu: bawat espiritu na nagpapa‐ hayag na si Jesus ang Kristo na naparito sa laman ay mula sa Diyos. Pansinin na ang pagsubok ay parehong pagtatapat (tungkol sa kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao) at aral-Kristiyano (tungkol sa kung ano ang paniniwala ng isang tao tungkol kay Jesus). Malamang na ang mga salungat sa paniniwalang aking pinaninindigan ay hindi magagawang gumawa ng pagtatapat na ito, dahil ito ay ginawa upang subukan ang katotohanan o kasinungalingan ng kanilang mga pagpa‐ pahayag. Malinaw na ang \"mga bulaang propeta\" na binanggit sa 1 Juan 4:1 ay ang mga kalaban ng may-akda ng 1 Juan, dahil tinawag na niya silang \"mga antikristo\" sa 1 Juan 2:18 at 1 Juan 2:22, at ginamit muli ang pare‐ hong tatak sa 1 Juan 4:3. Ang marami nilang bilang ay nagpapahiwatig na may malaking bilang ng mga kalaban na umatras mula sa pakik‐ isama sa pamayanang Kristiyano kung saan sumusulat ang may-akda. Ang lahat ng mga kalaban, gayunpaman (hindi lamang ang ilan sa kanila), ay tinitingnan bilang \"mga bulaang propeta\" dito, dahil ayon sa 4:3 at 4:6, ang espiritu na nag-uudyok sa bawat isa sa kanila ay ang
42 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” espiritu ng panlilinlang o kamalian. Sa balangkas ng antikristo ng may-akda ay dalawa lamang ang posibleng alternatibo: alinman sa 1. Isang tao ay udyok ng Espiritu ng Diyos, kung saan siya ay isang tunay na mananampalataya at kabilang sa tapat na pamayanang Kristiyano; o 2. Ang isa ay hinihimok ng espiritu ng panlilinlang, kung saan siya ay kabilang sa mga kalaban, na mga \"bulaang propeta\" dahil tulad ng huwad na propeta ng Deuteronomy 13:1-3 ay nagtataguyod sila ng isang anyo ng idolatriya. Sa unawa ng may-akda, ang \"idolatriya\" na ito ay binubuo sa kanilang pagtatangka na akitin ang iba sa pagpapatibay ng kanilang mga erehe na may pananaw sa aral-Kristiyano habang tinatanggihan ang aposto‐ likong patotoo (1 Juan 1:1-4) tungkol sa kung sino si Jesus (1 Juan 4:2).
PUNDASYONG INILAGAY NG MGA APOSTOL AT MGA PROPETA PUNA NG MGA KRITIKO A ng sipi na ito mula sa Bibliya ay ginamit ng mga kritiko upang ipahiwatig na ang \"mga propeta\" na tinuran ay mula sa Lumang Tipan upang ipangaral na si Kristo Jesus. ANG TALATA SA BIBLIYA NA KANILANG GINAMIT \"Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Kristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok.”
44 ANG KALITUHAN SA KAHULUGAN NG “AKO NGA” — EFESO 2:20 “And are built upon the foundation of the apostles and prophets, Jesus Christ himself being the chief corner stone.” — EPHESIANS 2:20 PALIWANAG LABAN SA KANILANG PUNA Ang Kabanata 2 ng Aklat ng Efeso ay nagbibigay-diin sa tema ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananam‐ palataya kay Kristo Hesus. 1. Una, inilarawan ni Pablo ang proseso ng kaligtasan bilang resulta ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya (Efeso 2:1–10). Ang pagsisikap ng tao, at ang kabutihan ng tao, ay ganap na hindi epektibo sa ating kaligtasan. 2. Pangalawa, lumipat si Pablo sa isang pagtuon sa pagkakaisa kay Kristo (Efeso 2:11–22). Kabilang dito ang pagwasak sa dating pagkakahati sa pagitan ng mga Hudyo (mga tuli) at mga Gentil (mga di tuli) na ngayon ay isang espirituwal na pamilya ng Diyos. Pagmasdan ang talinhaga na ginamit ng may-akda: mula sa sambahayan (verse 19) patungo sa bahay (verse 20), mula sa mga kababayan hanggang sa mga bato. Ang bato ay binigyan ng buhay mula sa kawalan ng buhay (verses 1-3) patungo sa pagkakaroon ng buhay sa pamamagitan ng Espiritu (verses 20-22). Kaya, ang paningin ng talatang na ito ay nakatuon kay Jesukristo. \"Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta” (verse 20). Dalawa ang maaring kaisipan dito. Ang ikalawa ang pinaka-angkop na kahulugan.
PUNDASYONG INIL AGAY NG MGA APOSTOL AT MGA PROP… 45 1 Maaaring natural nating ipagpalagay ang mga propeta sa Lumang Tipan. Inihahambing ang iglesiya sa isang gusali, na itinatag sa aral ni Kristo na inihula ng mga propeta ng Lumang Tipan, at inihatid ng mga apostol ng Bagong Tipan. 2 Sa pagkakataong ito sa talata 20, nabanggit una ang apostol kaysa sa propeta. Pansinin din na ang pantukoy na \"the\" (sa salin ng Bibliya sa Inglis) ay nasa unang bahagi at wala sa ikalawa. Ibig sabihin ay may iisa silang uri na tumutukoy sa mga tungkulin (offices) ng Bagong Tipan. \"Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at mga propeta\" (Efeso 3:5). \"At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro\" (Efeso 4:11). PAGPAPASYA Ang sambahayan ng Diyos ay itinayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta; ang pundasyon na inilatag ng mga apostol at mga propeta sa pamamagitan ng kanilang pangangaral, at iyon ay si Kristo, na kanilang pinanghahawakan bilang tanging Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao (1 Timoteo 2:5), ang tanging Tagapagligtas (Judas 1:25) at Pinuno ng iglesia (Efeso 5:25; Colosas 1:18). Ang pundasyon ng mga apostol at mga propeta ay nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng kanilang aral na nakasentro kay Kristo.
PANGWAKAS Mayroong dalawang pananaw na tuntunin ng dagdag-bawas sa Bibliya batay sa Deuteronomio 4:2, Deuteronomio 12:32, Kawikaan 30:6, Pahayag 22:18-19: 1. Literal na dagdag-bawas sa salita ng Diyos na magdudulot ng pagbabago sa konteksto o mensaheng ibinabahagi (Kawikaan 30:6, Pahayag 22:18-19). Halimbawa: Idinagdag ng ahas ang salitang \"hindi\" sa Genesis 3:4 sa kahihinatnan ng pagsuway sa Diyos (Genesis 2:17). Gayunpaman, ang pagsasatitik o pagsasalin mula sa orihinal na wika patungo sa isa pa ay hindi lumalabag sa utos kung ang konteksto o mensahe ay hindi binago. 2. Ang pagsuway sa mga utos ng Diyos (Deuteronomio 4:2, 12:32). Mapanganib na pabayaan o hindi sundin ang mga utos ng Diyos, ibig sabihin ay \"MABAWASAN.\" Mapanlinlang din ang pag-aliw sa mga pamahiin, pilosopiya at walang kabuluhang panlilinlang, ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga simulain ng sanlibutan, at hindi ayon kay Kristo (Colosas 2:8, Marcos 7:8), ibig sabihin, \"MADAGDAGAN\".
48 PANGWAKAS Ang mga paham at lingguwista ay nagdagdag ng mga titik sa orihinal na teksto ng Kasulatan para sa layunin ng pagbigkas, o nagdaragdag sila ng mga salita at inaayos ang mga ito para sa pagsasalin sa ibang wika upang maging tama ang gramatika. Bilang halimbawa, sa pagbigkas ng “ehyeh” o “hayah” (Genesis 3:14) bilang “AKO NGA” sa Tagalog, na tinatawag Siyang “The Great I AM”, Yahweh, Jehovah, El, Elohim, Adonai, The Lord Who Heals, atbp. ay hindi lumalabag sa tuntunin ng dagdag-bawas ng Bibliya, kundi ito ay tumutukoy pa rin sa Panginoong ating Diyos, ang Nag-iisang Diyos. Sa kabilang banda, kalapastanganan ang mariing sabihin na ang Diyos ay si Baal dahil lamang sa pagsasatitik o pagbibigay ng tunog upang tawaging Yahweh o Jehovah, batay sa opinyon ng tao, mga artikulo sa internet o mga natuklasang arkeolohiko. \"Mayroon bang Diyos bukod sa akin? Oo, walang Diyos; wala akong kilala,\" sabi ng Panginoon (Isaias 44:8). Kapag binanggit natin ang pangalan ng Panginoon nating Diyos, ibigay natin ang ating buong paggalang sa Kanya. \"Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan\" (Exodo 20:7). Hindi kami nagtuturo ng doktrina ng isang sekta at hindi kami umaasa sa mga opinyon ng tao, mga artikulo sa internet o mga natuk‐ lasan sa arkeolohiko. Sa pagtuturo ng Salita ng Diyos, hindi namin binibigyan ng lugod ang mga tao. Pinagsisikapan namin na maging karapat-dapat sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan (2 Timoteo 2:15). “Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.” — DEUTERONOMIO 4:2
PANGWAKAS 49 “Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isas‐ agawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.” — DEUTERONOMIO 12:32 “Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya. Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.” — KAWIKAAN 30:5-6 “Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.” — PAHAYAG 22:18-19 PAGKILALA SA NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS Bilang isang propeta ng Diyos, naniwala si Elias sa Panginoong ating Diyos at tinanggihan ang pagsamba kay Baal. Hindi siya nalito kailan‐ man. Ang Panginoong ating Diyos at si Baal ay dalawang magkasalungat na paniniwalaan at hindi maaaring pareho ang ibig sabihin. “At sila'y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi sa kanila sa mga talinghaga, Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas? At kung ang isang kaharian ay magkabahaba‐ hagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring maka‐ panatili ang kaharian yaon. At kung ang isang bahay ay
50 PANGWAKAS magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon. At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili, at magkabahabahagi, hindi siya makapanananatili, kundi magkakaroon ng isang wakas. Datapuwa't walang maka‐ papasok sa bahay ng malakas na tao, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, malibang gapusin muna niya ang malakas na tao; at kung magkagayo'y masasamsaman ang kaniyang bahay. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma't sila'y mangagsasalita ng kapusungan: Datapuwa't sino‐ mang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan.” — MARCOS 3:23-29 Ang Panginoon ay Diyos at si Baal ay isang paganong diyos. Kung sinasamba ko ang Diyos ng Lumang Tipan, Siya ang parehong Diyos sa Bagong Tipan. Kung ang Panginoon ay Diyos, sundin natin Siya (1 Hari 18:21). Kung mali ang pagsasatitik o pagsasalin ng Bibliya sa ibang wika, lahat tayo ay naliligaw dahil wala tayong pagbabatayan ng ating paniniwala. Dapat ba tayong umasa sa mga opinyon ng tao, mga artikulo sa internet o arkeolohiya upang mapanghawakan ang ating pananampalataya sa Diyos? Ipinagbabawal ng Diyos! Iniingatan ng Diyos ang Kanyang mga Salita. Kaya, “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (2 Timoteo 3:16-17). Ngayon, “Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan” (Santiago 3:13).
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA NG APOSTOLIC JESUS NAME CHURCH Layunin ng AJNC na ipalaganap ang mga aral ng Panginoong Hesukristo. Ang aming mga pangunahing doktrina ay ang mga sumusunod: Naniniwala kami na mayroong isang hindi mahahati na Diyos, ang isang tunay na buhay na Diyos na nahayag sa laman sa katauhan ni Jesu-Kristo. Naniniwala kami na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, ang hindi nagkakamali na Salita ng Diyos. Naniniwala kami na ang Bibliya ang tanging bigay ng Diyos na kapangyarihan na taglay ng tao; samakatuwid, ang lahat ng doktrina, pananampalataya, pag- asa, at lahat ng pagtuturo para sa iglesiya ay dapat na nakabatay at naayon sa Bibliya. Naniniwala kami sa bigay ng Diyos na plano ng kaligtasan para sa sangkatauhan sa dispensasyon ng biyaya sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapabautismo sa pangalan ni Jesus, at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo na pinatutunayan sa pagsasalita ng iba pang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu Santo na bigkasin. Naniniwala kami na ang planong ito ng kaligtasan ay magagamit, sa ating panahon, kapwa sa mga Hudyo at sa mga Hentil na tinatawag na “sa mga nasa malayo” Mga Gawa 2:39, “na inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Kristo” (Efeso 2:13). At ang
pangakong ito ay para sa lahat ng tinatawag ng Diyos sa Kanyang sarili. Naniniwala kami na ang buhay ng kabanalan dapat ipagpatuloy dahil kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon. Ang aming mga pangunahing pagpapahalaga ay binubuo ng pagsamba, pangangalaga ng pastor at pagiging alagad, pangangalaga sa mga bagong mananampalataya, pakikisama, pag-eebanghelyo, at edukasyong Kristiyano. Para sa mga katanungan o iba pang alalahanin, mangyaring magpadala sa amin ng inyong mensahe. 2336 Agua Marina St. San Andres Bukid Manila, Philippines Website: https://ajncphilippines.com/ 0917 840 6460 [email protected] [email protected]
Search