Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Pagsasalita sa Ibang mga Wika

Pagsasalita sa Ibang mga Wika

Published by ajncphil, 2023-08-10 00:53:24

Description: Pagsasalita sa Ibang mga Wika

Search

Read the Text Version

PAGSASALITA SA IBANG MGA WIKA Tinagalog ni NELSON P. MARANAN



CONTENTS 1 1 PAGSASALITA SA IBANG MGA WIKA 1 Ang Unang Katibayan ng Pagtanggap ng 3 Espiritu Santo Ano ang Ibig Sabihin ng Lahat ng Ito? 4 Bakit pinili ng Diyos ang kakaibang 5 pagsasalita ng mga wika bilang unang 7 katibayan ng Banal na Espiritu? 9 Kaibahan ng Kaloob ng Espiritu (Mga Gawa 2:38) kung Ihahambing sa mga Kaloob ng Espiritu (1 Corinto 14) Mga Patunay sa Bibliya Paano sa Kasalukuyang Panahon? Pahayag ng Pananampalataya



PAGSASALITA SA IBANG MGA WIKA Ang Unang Katibayan ng Pagtanggap ng Espiritu Santo M ga kuwento sa pahayagan, mga artikulo sa magasin, mga espesyal na pagpupulong sa mga basement ng simbahan, mga grupo ng panalangin sa mga pribadong tahanan—kadalasan ngayon ay nababahala sila sa paksa ng pagsasalita ng mga wika. Ano ang Ibig Sabihin ng Lahat ng Ito? Nang ang Diyos ay handa nang tuparin ang Kanyang pangako at hula tungkol sa bautismo sa Espiritu Santo (ang pananahan ng Kanyang Espiritu sa buhay ng mga nananam- palatayang Kristiyano), pinili Niya ang pagsasalita ng mga wika bilang unang katibayan ng bautismong ito. Nakatala sa Gawa 2:1, 4,

2 “Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes… At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.\" Hinayaan ng 120 alagad ang kanilang sarili na ganap na magpasa-ilalim at magpaubaya sa Espiritu ng Diyos. Nagsalita sila ng iba't ibang wika na hindi pa nila natutunan. Inilarawan ni Propeta Isaias sa isang hula ang karanasang ito: \"Dahil sa ayaw nilang makinig, makikipag-usap ang Panginoon sa mga taong ito sa pamamag- itan ng mga dayuhang iba ang wika. Ito ang sasabihin niya, “Mararanasan ninyo ang kapahingahan sa inyong lupain.” Pero ayaw pa rin nilang makinig.” — ISAIAS 28:11-12 Ayon kay Apostol Pedro, tinupad ng karanasang ito ang hula ni Joel: “At pagkatapos, ibibigay ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita. Ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip, at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain. Sa mga araw

Pagsasalita sa Ibang mga Wika 3 na iyon, ibibigay ko rin ang aking Espiritu sa mga utusang lalaki at babae.” — JOEL 2:28-29 Bakit pinili ng Diyos ang kakaibang pagsasalita ng mga wika bilang unang katibayan ng Banal na Espiritu? Lumilitaw na pinili ng Diyos ang pagsasalita ng mga wika para sa ilang mga kadahilanan. Ang isa ay ang dila ay karani- wang huling bahagi ng katawan na na sumusuko sa Diyos. Ito ang hindi mapigilan na bahagi ng katawan. Sinasabi ng Santiago 3:3-11, \"Kapag nilagyan ng renda ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. Gayundin ang barko. Kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, naibabaling ito saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon. Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napa- palagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpa- parumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. Lahat ng uri ng ibon at

4 hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at napaamo na ng tao, ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na naka- mamatay. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hind- ing-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.\" Hanggang ang isang tao ay sumuko sa Diyos nang lubu- san, upang ganap na pigilin ng Diyos ang kanyang mga kakayahan, hindi niya matatanggap ang kaloob na Espiritu Santo. Ang pare-pareho at panlabas na katibayan ng pagsasalita ng mga wika ay ang paraan ng Diyos upang patu- nayan ang Kanyang kapangyarihan sa buhay ng isang tao. Kaibahan ng Kaloob ng Espiritu (Mga Gawa 2:38) kung Ihahambing sa mga Kaloob ng Espiritu (1 Corinto 14) Ang pagsasalita ng mga wika bilang unang katibayan ng pagtanggap ng Espiritu Santo (Mga Gawa 2, 10, 19) at ang

Pagsasalita sa Ibang mga Wika 5 pagsasalita ng mga wika bilang isang kaloob na dapat gamitin sa mga pagpupulong ng iglesia (1 Corinto 14) ay magkaiba sa gawain. Hindi na kailangang bigyang-kahu- lugan ang mga wikang sinasalita ng mga tao kapag sila ay nabautismuhan sa Espiritu Santo. Ang karanasang ito ay isang personal na bagay sa pagitan nila at ng Diyos at hindi idinisenyo upang maghatid ng mensahe sa iglesia. Sa kabi- lang banda, ang isang tao ay maaaring gumamit ng kaloob ng mga wika upang magsalita ng isang tiyak na mensahe ng aliw at pagpapatibay, at mapalad ang iglesia kapag ang nagsasalita o ibang tao ay nagpapaliwanag ng mensahe (1 Corinto 14:13). Mga Patunay sa Bibliya Sa Araw ng Pentekostes, lahat ng mga napuspos ng Espiritu Santo ay nagsalita ng mga wika na ibinigay ng Espiritu upang kanilang salitain. Hindi nila ipinangaral ang ebanghelyo sa iba't ibang wika para sa kapakanan ng mga nakikinig, dahil may isang mensahe ng ebanghelyo na ipinangaral noong araw na iyon sa pamamagitan ni Pedro, na nagsalita sa wikang naiintindihan ng lahat. Sa Samaria, maraming tao ang napuspos ng Espiritu Santo nang ipatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa panalangin. Mukhang sila ay nagsalita ng mga wika, dahil nakakita si Simon na Salangkero ng patunay. Kaya inalok niya ang mga apostol ng salapi para bilhin ang kapangyarihan magkaloob ng Espiritu Santo sa sinumang mapatungan ng mga kamay (Acts 8:14-19). Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na

6 tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo. Nakita ni Simon na ang Espiritu'y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpa- patong ng kamay ng mga apostol, kaya't inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap ng Espiritu Santo,” sabi niya.\" Ang Mga Gawa 10:44-46 ay nagsasabi tungkol sa pangan- garal ni Pedro ng ebanghelyo sa tahanan ni Cornelio, isang sundalong Italyano. \"Nagsasalita pa si Pedro, nang bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig. Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro sapagkat ibinigay din sa mga Hentil ang kaloob ng Espiritu Santo. Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos\" (Mga Gawa 10:44-46). Ang Mga Gawa 19:1-6 ay nagsasabi sa atin na ang labindalawang alagad ni Juan Bautista ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng mga wika. Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang iba't ibang dako ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. May natagpuan siya roon na ilang alagad at sila'y tinanong niya,

Pagsasalita sa Ibang mga Wika 7 “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?” “Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila. “Kung gayon, anong uri ng bautismo ang tinanggap ninyo?” tanong niya. “Bautismo ni Juan,” tugon nila. Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga nagsisi at tumalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya sa mga Israelita na sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos. Paano sa Kasalukuyang Panahon? Sa buong lupain at sa buong mundo, ang mga tao ngayon ay nakararanas ng bautismo sa Espiritu Santo kasama ang kalakip nitong katibayan. Milyon ang nakatanggap ng kaloob na ito sa kasalukuyang siglo, at ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ilan ang nakatanggap nito mula noong unang siglo hanggang ngayon. Mapapabilang ka ba sa mga naglalakas-loob na maniwala sa Diyos, at sumubok na sumuko nang lubusan sa Kanya?

8 \"Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Pangi- noong Diyos.” — MGA GAWA 2:39

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA NG APOSTOLIC JESUS NAME CHURCH Layunin ng AJNC na ipalaganap ang mga aral ng Panginoong Hesukristo. Ang aming mga pangunahing doktrina ay ang mga sumusunod: Naniniwala kami na mayroong isang hindi mahahati na Diyos, ang isang tunay na buhay na Diyos na nahayag sa laman sa katauhan ni Jesu- Kristo. Naniniwala kami na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, ang hindi nagkakamali na Salita ng Diyos. Naniniwala kami na ang Bibliya ang tanging bigay ng Diyos na kapangyarihan na taglay ng tao; samakatuwid, ang lahat ng doktrina, pananampalataya, pag-asa, at lahat ng pagtuturo para sa iglesiya ay dapat na nakabatay at naayon sa Bibliya. Naniniwala kami sa bigay ng Diyos na plano ng kaligtasan para sa sangkatauhan sa dispensasyon ng biyaya sa pamamagitan ng pagsisisi,

pagpapabautismo sa pangalan ni Jesus, at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo na pinatutunayan sa pagsasalita ng iba pang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu Santo na bigkasin. Naniniwala kami na ang planong ito ng kaligtasan ay magagamit, sa ating panahon, kapwa sa mga Hudyo at sa mga Hentil na tinatawag na “sa mga nasa malayo” Mga Gawa 2:39, “na inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Kristo” (Efeso 2:13). At ang pangakong ito ay para sa lahat ng tinatawag ng Diyos sa Kanyang sarili. Naniniwala kami na ang buhay ng kabanalan dapat ipagpatuloy dahil kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon. Ang aming mga pangunahing pagpapahalaga ay binubuo ng pagsamba, pangangalaga ng pastor at pagiging alagad, pangangalaga sa mga bagong mananampalataya, pakikisama, pag-eebanghelyo, at edukasyong Kristiyano. Para sa mga katanungan o iba pang alalahanin, mangyaring magpadala sa amin ng inyong mensahe. 2336 Agua Marina St. San Andres Bukid Manila, Philippines Website: https://ajncphilippines.com/ 0917 840 6460 [email protected] [email protected]




Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook