Alamat Ng Corona
Nalikha ang mga Kru noong unang panahon pa lamang, noong dadalawang tao pa lamang ang nakatira sa mundo. Sila ay mga espiritu - mga mahiwagang nilalang na nakatira sa mga gubat. Ang layunin nila ay protektahan ang kalikasan. Ang mga Kru na ito ay mababait at hindi mahilig makipag-sapalaran sa tao. Sila ay maliliit at mahirap makita. Mas malaki ang ulo nila kaysa sa katawan. Kulay puti ang balat nila at ang mukha ay kulang-kulang. Mayroon lamang silang butas para sa dalawang mata, at isang bibig. 1
Ang kanilang buong ulo ay mabilis na gumagalaw para magsalita. Mahilig din silang magtipon-tipon sa isang lugar. Sa buong kasaysayan ay wala pang nakasulat tungkol sa Kru dahil hindi sila makita ng tao. Ang totoo ay hindi nga alam ng tao na mayroong mga Kru. Ngunit kahit hindi sila makita, nariyan sila. Dahil sa mga Kru na ito ay nananatiling maayos ang kalikasan. Patuloy na lumalago ang mga puno. Ang mga bulaklak ay kumakalat. Ang mga hayop ay nagkakaroon ng tirahan at pagkain. 2
Ngunit, ang mga Kru na ito ay hindi dumadami. Ang dami ng mga Kru noong unang panahon ay ang dami pa rin ng Kru ngayon. Walang nadadagdagan at walang nababawasan. Hindi sila naaapektuhan ng sakit o pagtanda. Ang kanilang buhay ay nakatali sa kalikasan. Kung ano ang mangyayari sa kalikasan, ay nangyayari sa kanila. Sa paglipas ng mahabang panahon ay dumadami ang mga tao sa mundo. Dumadami rin ang kasamaaan sa mundo. Ang mga gubat ay unti-unting nababawasan at nawawala. Ito ay napapalitan ng mga malalaking gusali at kalye na walang hanggan. Madami na ang kinuha ng mga tao mula sa mga Kru. Ngunit mas madami pa ang gusto ng mga tao. Nagkaroon ng teknolohiya, at kung ano-ano pang mga imbensiyon. 3
4
Mabilis ang pag-unlad ng mga tao. Masyado nang mabilis para sa mga Kru. Sa mga munting gubat na tinitirhan nila ay umaabot na ang mga usok mula sa mga kotse. Ang mga tao ay patuloy na nagiging sakim. Ang mga hayop ay pinapatay para sa pera. Kinukuha ang kung ano- anong halaman para sa kanilang kasiyahan. Halos wala nang natira sa mga Kru. Isang araw ay naglaho ang isa sa mga Kru. Hindi nakaya ng kaniyang munting katawan ang kasakiman ng mundo at ang pagkahina ng kalikasan. Ang lahat ng mga ulo ng Kru ay gumagalaw. Mabilis nagkalat ang pagkamatay at paglaho ng Kru na ito. Ang mababait na mga Kru ay nagalit. Ngunit hindi nila alam kung paano mahiganti ang namatay na Kru. 5
Maliliit ang kanilang mga katawan. Hindi sila kita ng mga tao. At wala silang kakayahan na manakit dahil ginawa sila para protektahan lamang ang kalikasan. Mayroong isang Kru na nagkaroon ng matinding hinagpis. Isang gabi, siya ay nakipag- usap sa isang paniki. Ang mga paniki ay madalas naninirahan sa mga gubat o kuweba at sila ay halos kasingliit lamang ng mga Kru kaya naman madalas silang kinakausap ng mga ito. 6
“Ano po ang magagawa ko para sa iyo, kagalang-galang na Kru?” Bati ng paniki. Sumagot ang Kru na malungkot, “Nabalitaan mo na ba ang kamatayan ng kapwa kong, Kru?” “Opo, bakit po?” Naupo ang Kru at tinitigan ang paniki, “Nais naming maghiganti, di namin alam kung paano.” “Puwede po kayo sumapi sa amin, at kung matindi nga ang nais niyong maghiganti, ay magiging anyong ‘sakit’ kayo,” Sagot ng paniki. “Hindi! Kailangan naming protektahan ang kalikasan, kasama na kayo roon. Kung makakadulot kami ng sakit, ay huwag na lang.” 7
Umiling ang paniki, “Hindi po, kagalang-galang na Kru. Ang dulot niyo po sa amin ay simpleng sakit lamang. Ngunit, kapag nahawa ang mga tao, magiging lubha po ito para sa kanila. At tsaka naman, kung hindi rin po kayo aaksyon, edi unti-unting mamatay rin po ang ibang Kru. Paano na ang kalikasan?” Napaisip ang Kru. Totoo nga naman na kailangan nilang umaksyon. Kailangan nilang solusyunan ito kundi sila ang mawawala. Pumayag ang Kru sa plano ng paniki at sumapit dito. Naging sakit nga ang Kru! Ngunit, hindi ito nakakamatay para sa mga hayop. Nagpahuli ang paniki at nadala sa isang ‘wet market’ kung saan maraming hayop ay pinapatay at binibili. Naawa ang Kru ngunit masosolusyonan niya ito sa kaunting panahon. 8
Ang Kru ay dumami at naging maliliit na parang butil-butil. Hinawaan ng Kru ang tao at mas dumami pa lalo. Sa anyong sakit, ang Kru ay dumadami at kumakalat. Sila ngayon ay natuklasan na ng mga tao. Ang tawag sa kanila ngayon ng kalikasan ay ang ‘Kuruna’ at ang tawag ng mga tao naman ay ang ‘Corona’ o ‘Coronavirus.’ Lumaganap ang Kru sa buong mundo sa pamamagitan ng anyong Coronavirus. At sa kaniyang paghawa ng sakit, nais niyang bumalik sa kanila ang kalikasan at gumaling ang mundo mula sa kasakiman. ~Wakas~ 9
10
Angela Patrice G. Navarrete 9 - Genesis
Search
Read the Text Version
- 1 - 12
Pages: