Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Aralin 1

Aralin 1

Published by Paul T, 2019-05-05 06:14:53

Description: Aralin 1

Search

Read the Text Version

Magandang Araw! Ako si _____, ang tutulong sa’yo upang sipatin ang kaalamang hatid ng iba’t ibang uri ng Panitikan mula sa Polo ng Mindanao. Halina’t simulan natin!

TARGET MARANAO PANGALAN PAARALAN ANTAS/PANGKAT PETSA Maranao

Simulan natin ang pagtuklas sa nakatagong kagandahan sa pag- aaral ng panitikan sa pamamagitan pagsagot sa bahaging talasalitaan. HANDA KA NA BA?

Sa bahaging ito, upang iyong higit na maunawaan ang nilalaman ng akdang tatalakayin ay iyo munang bigyan ng kasingkahulugan ang mga piling salita na mababasa sa akda. Lagyan ng ekis (x) ang kahon na naglalaman ng letra na hindi kabilang sa salita.



Pagbati! Iyo ng natuklasan ang kasingkahulugan ng bawat salita, ngayon naman ay ikaw ay bubuo ng isang makabuluhang pangungusap gamit ang mga kasingkahulugang salita.

Nangingibabaw Pasaway

Magaling! Sa pamamagitan ng mga pangungusap na iyong nabuo ay nababatid kong ikaw ay handa ng basahin at unawain ang isang akda mula sa Maranao.

Sipatin ang Pinagmulan PinaPinagmulan Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng iba’t ibang pangkat o tribo. Isa na rito ang pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao. Ang mga Maranao ay ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito’y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay tinatawag na “Maranao”



Basahin Natin PinaPinagmulan ANG PILOSOPO Noong unang panahon, sa isang bayan ay may taong mga naninirahan na sunod-sunuran sa kanilang pinuno dahil sa takot na lumabag sa umiiral na batas roon. Ang pinunong si Abed ay bumibisita sa kanyang mga tauhan upang alamin kung sino ang mga higit na nangangailangan.



Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw ang pinunong si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad syang kumuha ng bato at isinalang sa kalan. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nang mapansin niya ito, sinabihan niya si Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte na nakalaan para sa kanya.



Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila ay sya namang pagdating ni Subekat. Nagpahayag si Subekat ng kagustuhang sumama sa pag-alis. Pinayagan ni Abed na sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal.

Si Subekat po Sino ang Aalis tayo upang Pinunong Abed. nawawala sa maghanap ng lupa aking mga nang magamit sa tauhan? susunod na henerasyon Nais ko pong sumama sa paghahanap ng lupain pinuno.

Sa pag-alis nilang ito ay matatanto ni Abed kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Sa pag-alis ng pangkat, sinabi ni Abed na kailangang magdala ang bawat isa ng bato na tamang- tama lang ang bigat para sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kaniyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa kanilang paglalakbay ay minabuti nilang magpahinga at magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat sa kaniyang mga kasamahan.



Pagkatapos magdasal ay ipinag-utos ni Abed na buksan ng kanyang mga tauhan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, ang lahat ng dala nilang bato ay naging tinapay. Bukod tanging si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ang nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.



Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kaniyang makukuhang lupa.



Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kaniyang nakuhang lupa ay sinabi niya kay Subekat na nangyari iyon dahil sa hindi ito sumusunod sa mga patakaran at sa ganitong pag-uugali ay hindi siya magkakaroon ng magandang kinabukasan.

Nangyari ito sapagkat wala kang sinunod sa aking mga iniutos. Kung mananatili ang ganyang uali ay marahil hindi ka magkakaroon ng magandang kinabukasan

Suriin ang bakas Ang Kuwentong bayan o folklor ay mga kuwentog nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salasay ngisang lugar. Kadalasang nagpapalita ito ng katutubong kulay ( local color ) tulad ng pagbanggit ng mga bagau, lugar, hayop o pangyayari na doon lamang makikita. Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito. Madalas din itong ikinukuwento sa mga bata upang kapulutan ng aral.

Siyasatin Natin Pangalan : _________________________ Antas _________________ Pangkat _____________ Petsa _____________________________ Guro _________________ Paaralan _____________ 1. Ilarawan ang mga taong naninirahan sa bayan na pinamumunuan ni Abed. _______________________________________________________________________ __________________ 2. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa kaniyang mga kasamahan? _______________________________________________________________________ 3. Ano ang suliranin na kinakaharap ng mga tao sa bayan? _______________________________________________________________________ 4. Ano ang layunin ng pinuno kung bakit nia isinama ang mga kalalakihan sa pag-alis? _______________________________________________________________________ _5_. _A_n_o_-_a_n_o__a_n_g_m__g_a_t_u_n_t_u_n_in_g__s_in_a_b_i_n_g__n_i _A_b_e_d__sa__m_g_a__k_a_la_l_a_k_ih_a_n__s_a_k_anilang paglalakbay? _______________________________________________________________________ ` _____________________________________________________________

6. Ano ang kinahantungan ni Subekat sa hindi niya pagsunod sa alituntunin ng kaniyang pinunong si Abed? _______________________________________________________________________ 7_._A_n_o_n_g__p_a_g_-u__u_g_a_li_a_n_g_i_p_in__a_m_a_l_a_s_n_i_S_u_b_e_k_a_t_s_a_k_u_w__e_n_t_o_?____________ _______________________________________________________________________ 8. Sino ang sinisimbolo ng pag-uugaling ipinamalas ni Abed sa lipunan? ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________ 9. Ilarawan si Abed bilang pinuno ng kaniyang bayan. ______________________________________________________________________ 10. Sino/ Ano ang sinisimbolo ni Abed sa ating lipunan? ______________________________________________________________________

Salamat sa iyong kooperasyon! Ngayon, ikaw kasama ng iyong kapangkat ay aatasang makabuo ng isang dula na nagpapakita ng kung ano ang naidudulot sa tuwing hindi sumusunod sa mga alituntunin ang mga kabataan ngayon.

Pamantayan sa Pagtatanghal sa Dula Kraytirya NNaappaakakahhuusasayy MMaahhuussaayy KaKtaatmamtatmamanan KKaialailnangagnan Makatotohanan ppaanngg at maayos ang pagkakaganap at kaksaasnanayaaynan malinaw ang pagbigkas ng 4 32 1 mga tauhan Kabisado ang mga linya at pagkakasunod- sunod ng eksena Nakapagbabatid sa mga manonood hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa tuntunin Nakapupukaw at malakas ang dating sa mga manonood Kabuoang puntos

Nasipat Ko, Isasalaysay Ko!

Binabati kita sa iyong husay! Ikaw ay makatatanggap ng isang medalya ng tagumpay dahil sa matagumpay mong nasipat an kagandahang taglay ng panitikan mula Maranao!


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook