PROLOGUE SA ISANG MAKIPOT NA ESKINITA, naglalakad si Yera habang sukbit sa kaniyang likuran ang itim na backpack na may bulaklak na design. Hawak niya ang strap ng kaniyang bag. Palinga-linga siya sa kaniyang paligid. Ultimong paghakbang niya ay may kabilisan pero magaan. Ayaw kasi niyang may makaalam kung saan ba siya papunta. Paglabas niya sa eskinita, tumapat siya sa crossing lane habang hindi pa rin mapakali. May ilang tatawid na nakitabi sa kaniya para maghintay sa pag-ilaw ng traffic lights at kaniya itong pasimpleng minukhaan. Sa kabutihang palad, wala naman sa mga iyon ang nakakakilala sa kaniya. Kahit tatlumpung segundo lamang ang itinagal niya sa paghihinaty ay inip na inip na siya rito. Lumingon muna siya sa kaniyang likuran bago sya tumawid sa kalsada. Nakayuko siya habang naglalakad para walang makapansin sa kaniyang mukha. Suot niya ngayon ang paborito niyang putting t-shirt na binili pa ng nanay niya sa ukay. Habang ang pantalon naman niya ay pinaglumaan na ng kaniyang ina. Napabuntong-hininga si Yera nang siya ay makatawid. Hindi naman sa kinakabahan siyang tumawid sa kalsada kundi gusto lang talaga niyang mag-ingat papunta sa kaniyang pupuntahan. Tagaktak na ang kaniyang pawis sa noo pero hindi ito masyadong halata dahil sa kaniyang bangs na tumataklob dito. Kaunting lakad pa ang kaniyang ginawa at narating na rin niya ang kaniyang pupuntahan. “Brother High.” Basa niya sa napakalaking nakasulat sa taas ng gate. Halatang bago pa ang paaralan kasi wala pang makikitang dumi sa kanilang gate. Lingid sa kaalaman niya, lagi lang talaga itong pinupunasan. Taong 2015 pa noong maging ganap na eskwelahan ang Brother High. Hindi nga akalain ng mga nag- sponsor dito na magiging matagumpay ang pagpapatakbo rito dahil sandamakmak na issue pa ang kinaharap nito noong nagsisimula pa lamang. Muntik na rin na hindi mag-operate ang paaralan dahil lamang hindi sila tangkilikin ng mga tao sa kanilang lugar. Bukod sa mahal ang tuition, ang sabi ng ilan ay wala naman daw natututunan ang mga bata sa loob ng paaralan na iyon. Ang hindi nila alam ay kakaiba ang pagtuturo rito. Hindi ito ordinaryong paaralan na ang karaniwang pagtuturo ay pagkaklase. Mas pinahahalagahan sa paaralan na ito ang pagiging chill lamang pero may natututunan. Pero hindi chill lang ang nararamdaman ni Yera sa pagtingin niya sa gate. Alam niyang hindi siya dapat naririto pero heto at nasa harapan na niya ang paaralan. Sino ba namang babae ang may lakas ng loob na papasok sa isang all-boys school? Syempre siya lang. Mabuti na lang at pasok siya sa scholarship program kaya kahit all-boys school ito, pinayagan pa rin siya nung may-ari na rito mag-aral. ‘Yun nga lang nangangamba ang may-ari na baka may mangyaring masama sa kaniya kaya ang alam niya ay pababantayan siya ng maigi sa kanilang homeroom teacher. Pero ‘di bale na. Kaya naman siguro niya ang sarili niya, ‘di ba? Pinili niya ang landas na ito kaya dapat kayanin niya. *****
Sa isang classroom sa Brother High, isang tipikal na ayos lang ang makikita rito. Cream ang kulay ng dingding. May chart na nakakapit sa tabi ng pinto sa unahan na nagpapakita ng Mission, Vision, at Core Values ng paaralan. Sa unahang bahagi ng classroom, makikita ang white top and light-brown bottom na teacher’s table. Hindi lang ito basta teacher’s table dahil sa ilalim nito ay may nakatagong hammer toy na ginagamit kapag nagkaklase. Pagpasok pa lamang ay makikita agad ang kulay green nilang board. Ang tanging nakasulat lang rito ay mga pangalan ng estudyante at kanilang mga posisyon sa klase. Sa itaas na bahagi ng green board, katabi ng larawan ng pambansang watawat, makikita na may nakasulat na paalala sa lahat. “Pinapanood kita.” Sa kaliwang bahagi ng classroom, mayroong mga bintana na hanggang baywang ang baba. Kapag sumilip sa bintana ay makikita ang napakahabang hallway ng paaralan. Sa gitna ng mga ito ay may orasan at kalendaryo na sa kabutihang palad ay tama naman ang pagkakalagay ng oras at petsa. Ang likurang bahagi ng classroom ay hinahati sa tatlong parte. Ang kaliwang parte ay kung nasaan ang cleaning materials at grooming area. Sa gitnang bahagi naman ay ang mga artworks at projects na nais i- display ng klase. Ilan sa mga ito ay ang hand-drawing portrait ng mukha ng bawat estudyante. Sa kanang bahagi ay mga school supplies tulad ng mga libro at extrang silya at lamesa. Sa gitna ng classroom mayroong walong magkakahiwalay na silya at lamesa. Apat sa kaliwa at apat rin sa kanan. Sa kaliwanag bahagi ng unang row ay nakaupo si Henry Katindig. Mas maputi pa siya sa snow. May pagka- feminine ang kaniyang galawan. Pero, may history na siya ng pagiging typical na playboy. Laging babae ang unang umaamin sa kaniya kaya hindi rin niya naranasan na manligaw. Dahil sa kaniyang taglay na kagandahan at kagwapuhan, naa-attract niya ang mga lalaki at babae sa kahit anong edad. Madalas siyang dumaldal pero entertaining. Siya ang pinakabaliw sa kanilang lahat. Singer at dancer din si Henry. Mahina ‘man ang pangangatawan, marami naman siyang unexpected abilities na hindi niya rin alam na kaya niya palang gawin. Dahil sa taglay na kadaldalan, kaibigan niya ang lahat ng estudyante sa paaralan. Sa kanang bahagi naman ng unang row ang upuan ni Yohan Kalaw. Mahilig siyang mag-joke pero hindi naman nakakatawa. Siya ang pinakamagaling sa pagsasalita ng English dahil sa sariling pagsusumikap. Matalinong estudyante si Yohan. Sa katunayan, siya ang pangalawa sa pinakamatalino sa klase. Hindi ‘man halata pero siya ay isang singer. Sa likod ni Henry, naroon naman si Kyan Manzano. Siya ang pangalawa sa pinakabata sa klase. Sa unang tingin, aakalain mo na mahiyain at tahimik siya pero may pagkabaliw rin siya katulad ng kaniyang mga kaklase. Mahilig niyang asarin si Homer kahit na hindi sila magkasingkatawan at magkasing-edad. Kumakanta siya sa kanilang school band. Pero, nagiging bulate siya kapag sumasayaw. Sa likod ni Yohan, nariyan ang upuan ni Homer Kayanan. Maalin lagi sa kanila ni Henry ang late sa klase. Si Homer ay nag-aastang lider ng kanilang klase pero hindi siya ang tunay na president. Siya ang pinakamalakas sa kanila na kitang kita naman sa pangangatawan. May katabaan si Homer kaya napapagkamalan siyang hoodlum. Kahit na umaasta siyang matapang, mas madalas pa rin siyang magpa- cute na siya naman kinauumayan ng kaniyang mga kaklase. Mukha siyang professor dahil bukod sa uniform lagi siyang nakasuot ng itim na sombrero at kapa.
Sa ikatlong row sa kaliwa, si Jaime Salvador naman ang nakaupo. Matangkad siya at syempre isa siyang basketball player sa kanilang eskwelahan. Madalas nakakunot ang kaniyang noo at minsan lang ngumiti. Lagi siyang naiirita sa kaniyang paligid. Napakalinis din niyang tao kaya hindi siya nag-iimbita ng bisita sa kaniyang bahay. Ayon kay Henry, may million dollars daw na pera si Jaime sa bangko na hindi naman malaman kung totoo. Pero, sa kaniyang edad ngayon, may ilang apartment buildings na siya na sa kaniyang pangalan nakapangalan. Siya ang pinakamatalino sa klase. Siya ay nakaranas na ng major heartbreak sa kaniyang buhay na madalas ipinang-aasar sa kaniya. Sa kanang bahagi naman ng ikatlong row ay si Soren Lazaro. Sikat siya sa kaniyang mga slapstick jokes at kilala siya bilang kanilang class clown. Siya rin ang pinakamaliit sa kanila kaya minsan tinatawag din siyang ‘Smurf.’ Childhood best friend niya si Homer at itinuturing siya nitong kanang kamay. Sa likod ni Soren ay si Samuel Leynes. Siya ang isa sa nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom. Madalas siya ay tahimik at pabulong-bulong lang. Sikat siyang singer at dancer noong siya ay nasa grades school at isang legend na ang turing sa kaniya sa high school. Sa kasamaang palad, wala siyang pera dahil andami niyang utang. Katulad ni Jaime, nakaranas na rin siya ng major heartbreak sa kaniyang buhay. Ang huling estudyante ay nasa likod ni Jaime, si Jinjin Landicho. Late na nag-enroll si Jinjin last year kaya siya ay nasa likod kahit na medyo maliit siya para rito. Siya ang pinakabata sa kanilang magkaklase. Wala syang sense of rhythm kaya kahit pakantahin mo siya, walang mapapala. Mahilig siyang makihalubilo at mag-joke sa kaniyang mga kaklase. Marami rin siyang undercover connections kaya madami siyang nalalaman sa bawat estudyante. Unti-unting dumating ang walong estudyante sa classroom. Pinakahuling pumasok ay ang kanilang homeroom at all-around teacher na si Professor Dodong Santos. Siya ay professor na may pagka-chubby, magaling kumanta at sumayaw, at madaling kausap. Bukod sa kaniyang professor uniform, mayroon siyang suot na itim na sombrero at kapa katulad ng kay Homer. Lagi rin siyang may dalang index card na naglalaman ng agenda niya sa klase. “Hello, everyone! Good morning sa inyong lahat! Ayos naman ba ang ating mga naging weekend?” Tumaas ng kamay si Homer habang nagpapa-cute. “Ayos naman po. Pero siguro po si Jaime hindi, kasi may…” “Okay, salamat. Ngayon simulan na natin ang pagtatawag para sa attendance.” Putol ni Prof. Dodong sa gusto pang sabihin ni Homer. Alam kasi niyang magtatagal lang ang oras dahil magbabangayan pa sila ni Jaime. “Kalaw?” “I’m present!” Sinagot ni Yohan with English accent. “Katindig?” “Yow.” Pa-cool na sagot ni Henry. “Kayanan?” “Present puppu!” Sagot ni Homer habang ginagaya ang tunog ng tren.
“Landicho?” “Present ser.” Sagot ni Jinjin with matching taas ng kamay para makita siya. “Lazaro?” “Uy! Hello ser.” Muntik nang mahulog sa upuan si Soren dahil sa trick na ginawa niya para mapansin siya. Tatawa-tawa naman ang buong klase. “Leynes?” “Present po.” Mahinang sagot ni Samuel. “Leynes? Absent ba?” “Present po!” Biglang tumayo si Samuel at sumagot habang nakataas ang kamay. “Manzano?” “Hehe. Present po.” Mahiyaing sagot ni Kyan. “At pinakahuli, Salvador?” “Sir, present po.” Sagot ni Jaime habang naka-face palm. Matapos mag-attendance, sinimulan na ni Prof. Dodong ang kaniyang klase. Gamit ang hammer toy na nakatago sa ilalim ng teacher’s table, masayang nagklase ang mga ito. Bago matapos ang oras ng klase, nag-announce si Prof. Dodong. “Nga pala, may transferee na dadating bukas. Ang alam ko babae raw.” ~SilenttAvi~
Search
Read the Text Version
- 1 - 4
Pages: