UST NSTP CWTS | LTS DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT AGAPAY FIfRirSsTt AaIiDd MmAanNwWalAL
AGAPAY 1 2 Tayo ang kaagapay ng ating 3 bayan. Ngayong panahon ng 4 pandemya, maaari tayong makatulong at magtulungan. 5 Ang pagkakaroon ng ideya sa 6 pangunang lunas ay maaring makasalba ng isang buhay sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sino sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo? nilalamanTALAAN NG Nilalaman ng manwal na ito ang mga impormasyon tungkol sa sangkapan sa mga pangunahing kaalaman, praktikal na kasanayan at saloobin na kinakailangan upang magsagawa ng naaangkop na pangunahing pangangalaga sa pangunang lunas bilang pagtugon sa mga nangangailangan ng pangangalaga.
INTRODUKSYON MACARAEG FIRST AID ALMASA CARDIAC ARREST FABELLA ASTHMA DE LEON CHOKING GLORIANI & URBANO ALLERGY VERGARA
AGAPAY KABANATA 1: INTRODUKSYON agapay manwal INTRODUKSYON Ang Agapay manwal ay tumutugon sa mga layunin at target ng Sendai Framework para sa Disaster Risk Reduction 2015-2030 at Sustainable Development Goals, na nananawagan para sa patuloy na pandaigdigang pampublikong edukasyon at kampanya ng kamalayan na lumilikha ng kultura ng pag-iwas at edukasyon sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad sa pamamagitan ng pagsasama at partisipasyon ng mga kabataan at mga bata sa mga paaralan at komunidad. Nilalaman nito ang mga impormasyon ukol sa mga pangunahing kaalaman, praktikal na kasanayan at saloobin na kinakailangan upang magsagawa ng naaangkop na pangunahing pangangalaga sa pangunang lunas at pagtugon sa mga nangangailangan ng pangunahing pangangalaga. Bagama't tayong lahat ay nakatira sa apat na dingding ng ating mga tahanan, walang masama sa pagiging handa sa lahat ng oras, lalo na sa oras ng sakuna. Ang mga pangunahing seksyon ng manwal na pangunang lunas ay nagdedetalye ng maraming pinsala, kondisyon at paggamot na may paglalarawan, gabay sa mga palatandaan at sintomas, at mga detalye kung paano ito gagamutin. Mayroon ding ilang iba pang impormasyon tulad ng kung paano haharapin ang isang insidente at ilang pinakapangunahing mga paliwanag tungkol sa paggana ng katawan kung saan ito ay nauugnay sa gabay sa first aid. Ang mga larawang may kulay ay ginagamit sa buong manwal upang ipakita ang ilan sa mga pangunahing impormasyon sa paggamot.
AGAPAY KABANATA 1: INTRODUKSYON Ang Agapay: First Aid Manual ay materyales na tinipon at isinaayos ng mga miyembro ng iHEAL team na maaaring magsilbing sanggunian sa panahon ng pangangailangan. Ang anumang pagsasanay ng first aider sa pangkat nito ay magagawang suriin ang lahat ng kanilang mga responsibilidad at gamitin ito para sa pagpapaalala sa kanilang sarili ng kanilang pangangailangan. Ang kasanayan sa pagbibigay ng pangunang lunas ay makatutulong upang magsalba ng buhay ng maraming tao. Higit pa dito, ang pagbibigay kaagad ng naaangkop na pangunang lunas ay makakatulong upang mabawasan ang oras ng paggaling ng isang tao at gawin ang pagkakaiba sa pagitan ng pasyente na may pansamantala o pangmatagalang kapansanan. Matututuhan mo kung paano manatiling kalmado sa mga sitwasyong pang- emergency at matututo ka ng mga simpleng acronym upang matulungan kang maalala ang mga hakbang na kailangan mong gawin. Ang pagsasanay sa pangunang lunas ay gagawin kang kumpiyansa at komportable, at samakatuwid ay mas epektibo at may kontrol sa oras ng pangangailangan. mga kaagapay.TAYO ANG SARILI NATING -iHEAL
AGAPAY KABANATA 2: FIRST AID ikalawang kabanata FIRST AID Ang First Aid ay isang pansamantala ngunit agarang pangangalagang ibinibigay sa isang taong nasugatan, biglang nagkasakit, o nanganib ang buhay na maaaring gamitin kung ang tulong medikal ay naantala. Kasama sa first aid ang pagkilala sa mga kondisyong maaaring magbanta sa buhay ng isang tao. Ipinipakita rin dito ang mga mabisang pagkilos na maaaring gamitin upang mapanatiling buhay at nasa mabuting kalagayan ang taong nasaktaon o nagkasakit hanggang sa mabigyan ito ng angkop na medikal na atensyon. Hindi pinapalitan ng first aid ang medikal na atensyong kayang ibigay ng mga doktor, nars, o paramedics. Nagsisilbi lamang itong interbensyon upang makapagligtas ng nanganganib na buhay sa mga di inaasahang pagkakataon. SCENE SIZE-UP Sa anumang sitwasyong pang-emergency, mayroong tatlong simpleng hakbang na maaaring gawin upang gabayan ang iyong mga aksyon. Kung nakakaramdam ka ng kaba o pagkalito, tandaan ang tatlong aksyong pang-emergency na ito mga hakbang upang igabay ka sa pagsasagawa ng first aid: Ang 3Cs SURIIN ANG LUGAR AT TAO TUMAWAG SA LOKAL NA INGATAN ANG NASUGATAN EMERGENCY HOTLINE Bago lapitan ang tao, huminto muna at suriin ang lugar: Anong nangyari? Kung ito ay ligtas? Paano ito nangyari? May mga panganib na banta sa buhay ng tao?
AGAPAY KABANATA 2: FIRST AID PANGUNAHING ASSESSMENT 1.CHECK - Suriin ang lugar at tao Kung ang lugar ay ligtas, mabilisan nating suriin ng mabuti ang kalagayan ng tao. 1.Tignan at suriin ang tao kung may malay pa ito 2.Suriin ang ABCD’s ng tao: AIRWAY - Siguraduhin ang tao ay may bukas na airway. Kung ang tao ay nagsasalita, umuungol, o umiiyak, and kanyang airway ay bukas BREATHING - Suriin kung normal ang paghinga ng tao sa loob ng 5-10 segundo. Ang tao ay humihinga ng maayos kung may hangin na labas pasok sa kaniyang baga at kung umaangat at bumababa ang kaniyang dibdib. CIRCULATION - Agad na tignan ang tao mula ulo hanggang paa kung may bleeding na maaring magdulot ng banta sa buhay ng tao. DISABILITY - Suriin ang neurological status ng tao. Siya ba ay alerto? Nagsasalita? May masakit ba sakanya? Siya ba ay may malay?
AGAPAY KABANATA 2: FIRST AID 2. CALL Kung ang indibidwal ay unresponsive o may tiyak na sakit na nagbabanta sa kaniyang buhay, agad na tawagan ang lokal na emergency hotline. Kung ang tao ay unresponsive, tignan ang kanyang vital signs lumalala, o ang sekondaryang assessment ay lumabas na mayroong kondisyon ang tao na kailangan ng mabilisang alaga, tawagan ang 9-1-1 o ang lokal na emergency hotline. 3. CARE Una, tignan agad kung may kondisyon na nagbabanta sa buhay ng tao. Bigyan ng kinakailangang tulong ang pasyente sa abot ng makakaya ng first aider. Patuloy pa rin ang pag Check, Call, and Care, at patuloy ang pag alaga na sumusunod sa guidelines na ito: I-monitor ang paghinga, responsiveness at kabuuang kalagayan. Gabayan ang taong may sakit sa tamang posisyon upang siya ay makapagpahinga ng maayos. Kung kinakailangan, i-roll ang pasyente papunta sa posisyong pang recovery. Siguraduhing hindi masyadong malamig at hindi rin masyadong maiinit ang temperatura sa paligid ng pasyente. Kinakailangan na i-reassure upang mapakalma ang tao..
AGAPAY KABANATA 2: FIRST AID PANGALAWANG ASSESSMENT Ang secondary assessment ay isinasagawa pagkatapos ng primary assessment upang malaman kung ano pa ang ibang kondisyon na kinakaharap ng pasyente. Matapos siguruhing ligtas at malayo na sa kapahamakan na maaaring makapag palala sa sitwasyon, maaari nang gawin ang secondary assessment. Ito ay binubuo ng tatlong hakbang: 1. Pagtatanong ng SAMPLE Questions - Itanong sa may malay na nadisgrasya o sa may sakit, o sa mga taong nakasaksi sa pangyayari ang: S - Signs and Symptoms (Senyales at Sintomas) A - Allergies (Mga alerhiya) M - Medications (Mga medikasyon o mga gamot na iniinom) P - Past Medical History (Mga nakalipas na kondisyong medikal) L - Last Oral Intake (Huling kinain at/o ininom) E - Events leading up to emergency (Mga pangyayari bago ang disgrasya) 2. Pagsusuri at pag-alam sa vital signs - Ang vital signs ay kinabibilangan ng temperatura, presyon ng dugo, bilis ng pulso, at bilis ng paghinga. Mahalaga ang mga ito dahil mula rito ay makakabuo ng klinikal na ebalwasyon na makapagsasabi kung gaano at ano ang pangangailangang medikal ng pasyente (Sapra et al., 2021), kung kaya’t mahalaga ang pagsasagawa ng mga sumusunod: a.Pagsusuri ng lebel ng kakayahang tumugon - Mahalagang alamin kung mayroon bang malay ang tao, at kung sila ba ay alerto, nalilito, o inaantok. b.Pagsusuri ng paghinga - Mahalagang mapakinggan ang paghinga at tukuyin kung ito ba ay mabagal o mabilis. c.Pagsusuri ng balat - Suriin ang balat kung ito ba ay tuyo o basa. Kilatisin rin kung may pagbabago ba ito sa natural nitong kulay at kung ang temperatura ba nito ay normal. d.Kung ang tao ay walang malay, hindi tumutugon, o paiba-iba ang lebel ng kanyang kakayahang tumugon ngunit nakakahinga ng normal, kinakailangang mailagay siya sa recovery position. e. 3. Pagsusuri para sa iba pang pinsala o sugat - tignang mabuti at alamin kung mayroon pang ibang mga sugat o komplikasyon ang tao na hindi nakita noong primary assessment.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST ikatlong kabanata CARDIAC ARREST Ang paghina o ang tuluyang pagtigil ng pagtibok ng puso ay tinatawag na cardiac arrest. Dulot nito, hindi nakakadaloy ang dugo sa utak at sa iba pang mahahalagang parte ng katawan. Dahil rin sa paghina o pagtigil ng pagtibok ng puso, ang paghinga ay mahihinto rin, na magdudulot naman ng kakapusan sa oxygen na kinakailangan ng mga organs upang magawa ang kanilang mga gawain. Ang pangunahing dahilan ng paghina o pagtigil ng tibok ng puso sa mga matatanda ay sakit sa puso o cardiovascular disease. Maaari ring magdulot ng cardiac arrest ang iba’t ibang mga pangyayari, tulad na lamang ng nabubulunan (choking), nalulunod (drowning), pagkakakuryente (electrocution), labis na paggamit ng droga (drug abuse), pagkakaroon ng malalang pinsala (severe injury), at pinsala sa utak (brain damage). Ang sudden cardiac arrest o sudden cardiac death ay ang cardiac arrest na maaaring mangyari nang walang kahit anong babala, hindi tulad ng makikita sa heart attack. Dulot ito ng arrhythmia, o ang hindi normal at magulong electrical activity ng puso. SIGNS AND SYMPTOMS Pagbagal, hindi pagkakaroon ng regular na pagtibok, at pagkawala ng tibok ng puso. Kawalan ng malay at paghinga, mapa-sanggol, bata, o matanda. Kawalan ng pulso dahil sa hindi pagtibok ng puso at kawalan ng pagdaloy ng dugo. Nangangahulugang hindi na dumadaloy ang dugo at oxygen sa utak at iba pang mga mahahalagang organs kung makikita ang mga senyales na ito.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST aCnoPaRng Ang cardiopulmonary resuscitation, o mas kilala bilang CPR, ay isang pamamaraan ng pagsasagip ng buhay na isinasagawa kung ang pagtibok ng puso ay huminto. Ito ay binubo ng chest compressions at rescue breaths na maaaring pumalit sa pagtibok ng puso at paghinga. Ang CPR ay importanteng maisagawa sa taong nakakaranas ng cardiac arrest dahil maaari nitong mapalitan ang nawalang pagtibok ng puso at paghinga, at napapataas nito ang tiyansang mabuhay ng tao. HANDS-ONLY CPR Ang Hands-only CPR ay isang uri ng cardiopulmonary resuscitation na hindi na nangangailangan pa ng mouth-to-mouth resuscitation, at maaaring gawin ng kahit sino. Maaaring maibuod ang Hands-Only CPR sa pamamagitan ng 4Cs; Check, Call, Cover, Care/Compress. CHECK Pagsusuri ng kapaligiran Siguraduhin ang kaligtasan ng sarili, ng biktima, pati na rin ng mga tao sa paligid. Suriin ang paligid para sa mga bagay na maaring maging peligro sa sitwasyon. Gawin ang 10-second survey kung saan titignan mo ang mga maaaring makapiligro sa lahat, ang dahilan o nagdulot ng disgrasya, at kung ilan ang nangangailangan ng tulong. Kung maari magsuot ng gloves. Suriin ang kapaligiran upang makakuha ng importanteng impormasyon tungkol sa kung anong nangyari. Ipakilala ang iyong sarili, sabihin na ikaw ay tutulong, at humingi ng pahintulot bago magpatuloy. Bukod pa rito, mahalaga rin na magpakita ng kakayahan, kumpiyansa sa sarili, at pagunawa sa tutulungan.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST CHECK Pagsusuri ng kakayahang tumugon - importante upang malaman kung anong pinsala o disgrasya ang nangyari at para malaman rin kung anong marapat na gawin bilang first aid. Maaaring i-assess ang kakayahang tumugon ng tao sa pamamagitan ng mga hakbang na ito: 1.Alamin kung may malay o wala ang tao sa pamamagitan ng pagtapik at pagtatanong, tulad ng “Ayos lang po ba kayo, ate/kuya?”. Ang tugon ay maaaring pasalita o paggalaw ng iba’t ibang parte ng katawan. Kung may malay at nakakasagot, maaari nang magpatuloy sa ikalawang hakbang; kung walang malay at hindi nakakasagot, kaagad na magpatuloy sa mga susunod na C (Call, Cover, Care/Compress). 2.Importanteng humingi muna nang pahintulot bago magpatuloy sa pagtatanong. Itanong kung anong nangyari, at sa sagot ay malalaman ang estado ng paghina, ng pag- iisip, at ang dulot ng pinsala o disgrasya. 3. Itanong rin kung saan nakakaranas ng sakit ang biktima, at sa kanyang tugon ay malalaman kung saan sa kanyang katawan ang makikitaan ng pinsala o injury. 4. Suriin ang itsura ng biktima at alamin kung siya ba ay pinagpapawisan at kung nakakaranas ba siya ng cyanosis o kakulangan ng oxygen. CALL Tumawag at i-activate ang Emergency Medical Service o EMS system para sa mga sitwasyong lagpas na sa iyong kakayahan. Huwag nang tumawag ng iba pa dahil maaaring maka-aksaya lamang ito sa oras. Ang national emergency hotline ay 911. Bisitahin ang link na ito para sa iba pang mga emergency hotlines: https://www.gov.ph/hotlines
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST COVER - sa konteksto ng pandemya dulot ng COVID-19, mahalagang takpan ang bibig ng biktima gamit ang kahit anong tela o facemask nang mabawasaan ang tiyansang magkahawaan ng sakit. CARE/COMPRESS - isagawa na ang chest compressions. PAGSASAGAWA NG HANDS-ONLY CPR GAMIT ANG CHEST COMPRESSIONS 1.Siguraduhing nakahiga ng maayos ang biktima sa matatag at patag na lugar o lapag. 2.Lumuhod sa gilid ng biktima, malapit sa kanyang katawan. I-ayos ang posisyon ng katawan kung saan ang mga braso ay mapapanatiling nakadiretso, at ang mga balikat ay direktang naka-ibabaw at kapantay ng mga kamay. a.Importante ang tamang posisyon ng katawan para maatim ang tamang lalim ng chest compressions at nang maisagawa ito ng tama nang hindi kaagad napapagod. 3.Ilagay ang sakong o heel ng isang kamay sa sternum ng biktima na matatagpuan sa gitna ng kanyang dibdib. Pagkatapos nito, ilapat ang iyong ikalawang kamay sa taas ng unang kamay. Maaaring ihabi o interlace ang mga daliri ng ikalawang kamay sa pagitan ng mga daliri ng unang kamay, o kaya naman yan i-angat na lamang ang mga ito.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST PAGSASAGAWA NG HANDS-ONLY CPR GAMIT ANG CHEST COMPRESSIONS 4. Itulak pababa ang sternum gamit ang pwersa mula sa itaas na bahagi ng katawan. Panatilihing diretso ang mga braso at siguraduhin na hindi ang pwersa mula sa kalamnan ng mga braso ang gagamitin sa pagtulak. a.Tiyakin rin na aabot sa 2 inches at hindi lalampas sa 2.4 inches ang lalim ng pag-compress. b.Panatilihing diretso ang pagtulak pababa ng sternum, at tiyakin na ang pababa at pataas na paggalaw ng dibdib ay pulido. c.Sa loob ng isang minuto, kinakailangang makagawa ng 100 to 120 compressions. d.Kinakailangan rin na konsistent ang bilis at presyon ng isinasagawang chest compressions, kaya mabuting may kapalitan sa pagsasagawa nito kung sakaling mapagod na ang unang nagsasagawa. 5. Ipagpatuloy lamang ang chest compressions hanggang sa maatim ang mga kondisyon sa STOPS, na nangangahulugang: S - Spontaneous signs of life - kung may senyales na ng buhay tulad ng paghinga at pulso, maaari nang itigil ang Hands-only CPR. T - Turn-over to medical professionals (EMS) - kung dumating na ang emergency medical services (EMS) at maaari nang ipasaubaya sa kanila ng biktima, maaari nang itigil ang Hands-only CPR. O - Operator is exhausted - kung napagod na ang nagsasagawa ng CPR, maaari nang itigil ang chest compressions at ipaubaya ito sa kapalitan, kung mayroon. P - Physician or Doctor assumes responsibility - kung mayroon nang doktor na aako ng responsibilidad, maaari nang itigil ang Hands-only CPR. S - Scene becomes unsafe - kung hindi na ligtas ang lugar, maaari nang itigil ang Hands-only CPR.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST RECOVERY POSITION Gaya nang nasabi, kung ang tao ay walang malay, hindi tumutugon, o paiba-iba ang lebel ng kanyang kakayahang tumugon ngunit normal ang kaniyang paghinga, kinakailangang mailagay siya sa recovery position. Ito ay isinasagawa upang mapanatili ang normal na paghinga ng tao at para mapanatili ring bukas ang kanyang daluyan ng hangin habang siya ay walang malay. Paano ito ginagawa? Lumapit sa tao at lumuhod sa tabi Siguraduhing nakadiretso ang niya. Piliin kung kaliwa o kanang bahagi, depende kung saang bahagi kaniyang mga binti. pinakaligtas na ipatagalid ang tao. Tanggalin ang mga gamit sa kanyang mga bulsa. Hawakan ang braso na pinakamalapit Kunin ang kamay na malayo sa iyo at sa iyo at ilagay ito sa posisyong iposisyon ito sa kanyang pisngi na makabubuo ng 90 degree angle. malapit, ang likuran ng kamay ang Siguraduhing ang kanyang palad ay dapat na nakalapat rito. Alalayan ang nakaharap pataas. kamay at ipanatili nakalapat sa pisngi.
AGAPAY KABANATA 3: CARDIAC ARREST Gamit ang isa mo pang kamay, iangat Habang pinapanatili pa rin ang kamay ang kanyang tuhod na pinakamalayo ng tao sa kanyang pisngi, dahan- sayo hanggang sa nakalapat na ang dahang hilahin papalapit sa iyo ang kanyang paa sa lapag. nakatukod na tuhod, at dahan-dahan ring ipatagilid ang tao paharap sa iyo. Ayusin ang posisyon ng nakapaibabaw Itingala ang ulo nang masiguradong na binti at siguraduhing ito ay bubuo bukas ang kanyang daluyan ng hangin. ng 90 degree angle. I-ayos ang kamay na nakapailalim sa kanyang pisngi kung kinakailangan. MGA PAALALA: Importanteng suportahan ang ulo ng tao habang siya ay pinapatigilid. Kung posible, sikapin na gawing sabay-sabay ang paggalaw ng ulo, likod, at mga binti habang pinapatagalid ang tao. Pagkatapos mailagay sa recovery position, tignan muli ang airway, breathing, at circulation (ABCs) ng tao. Makalipas ang tatlumpung minuto, ipatagilid ang tao sa kabilang direksyon nang humupa ang presyon na maaaring namuo sa kanilang braso. Gawin lamang ito kung ligtas na ipatagilid ang tao sa kabilang bahagi ng kanyang katawan.
AGAPAY KABANATA 4: ASTHMA ikaapat na kabanata ASTHMA Asthma (Filipino: Hika). Ang Asthma ay isang pangkaraniwang sakit sa baga na nagdudulot ng okasyonal na kahirapan sa paghinga. Anumang edad ay maaaring maapektuhan nito at karaniwan itong nagsisimula sa pagkabata. Dahil sa tendensi ng asthma na maging genetic, kung may isa sa mga magulang ng isang bata ang may taglay nito, mas mataas ang tsansa na maipapasa rin ito sa kanilang anak. Maaari ring magdevelop ang okupasyonal na asthma dulot ng mahalumigmig na kapaligiran at iba’t ibang allergens tulad ng alikabok at usok ng sigarilyo. Sa kasalukuyan ay wala pa ring lunas para sa sakit na ito, ngunit may mga simpleng remedyo upang makatulong sa pagkontrol ng mga sintomas ng sakit upang hindi ito makasagabal sa buhay ng taong may asthma. SINTOMAS NG ASTHMA Maaaring lumitaw ang sintomas ng hika anumang oras, tumagal ng ilang minuto at mas tumagal sa pag tindi mula illang oras hanggang araw. Ang mga kadalasang sintomas ng asthma ay ang mga sumusunod: Wheezing (pumipitong tunog habang humihinga) Breathlessness (Kawalan ng hininga) Tight chest (pagsikip ng dibdib habang humihinga) Madalas na pag-ubo FIRST AID INSTRUCTION Tulungan ang taong hinihika na Kung hindi ganoon kalala ang sintomas gamitin ang kaniyang quick-acting ngunit may kaunting paninikip ng (rescue) inhaler. dibdib, maaaring painumin ng gamot 3-4 na oras matapos ang atake.
AGAPAY KABANATA 5: CHOKING ikalimang kabanata CHOKING Choking (Filipino: Nabubulunan) Ang taong nabubulunan ay maaaring hindi tumugon, hindi makaubo, makapagsalita, or makahinga. Ang agaran na pagtugon ay kinakailangan sa mga ganitong sitwasyon. Ang choking ay madalas nangyayari sa mga bata ngunit maaari itong mangyari anuman ang edad. Ito ay nangyayari kapag ang mga choking hazard ay bahagyang o lubusang hinaharangan ang airway sa paghinga. FIRST AID INSTRUCTION ANO ANG GAGAWIN KAPAG ANG SANGGOL AY NABUBULUNAN ? Kapag ang sanggol ay may malay at hindi makaubo, makaiyak, o makahinga, kailangan mong magbigay ng kombinasyon ng 5 back blows na sinusundan ng 5 chest thrusts. LIMANG BACK BLOWS LIMANG CHEST THRUSTS
AGAPAY KABANATA 5: CHOKING ANO ANG GAGAWIN KAPAG ANG NAKATATANDA O BATA AY NABUBULUNAN? 1.SIGARADUHIN na nabubulunan ang tao “Okay ka lang ba?” Kung ang tao ay kaya magsalita, hikayatin ang tao na umubo at paghanadaan na magbigay ng first aid kapag ang kondisyon ay nagbago. Kung ang tao ay hindi kaya magsalita, tumawag o manghingi ng tulong mula sa iba. Kumuha muna ng pahintulot bago magbigay ng first aid. 2. GIVE 5 BACK BLOWS. Iposisyon ang iyong sarili sa gilid, bahagyang sa likod ng tao. Ilagay ang isang braso nang pahilis sa dibdib ng tao. Iyuko ang tao pasulong sa baywang (ang itaas na bahagi ng katawan ay mas malapit sa kahanay sa lupa hangga't maaari) at magbigay ng 5 back blows sa pagitan ng mga shoulder blades gamit ang sakong ng iyong kamay. 3. GIVE 5 ABDOMINAL THRUST. Patayuin ng tuwid ang tao. Ilagay ang isang kamao gamit ang gilid ng hinlalaki sa gitna ng tiyan ng tao, sa itaas lamang ng pusod. Takpan ang iyong kamao gamit ang iyong kabilang kamay at magbigay ng 5 mabilis, papasok at pataas na abdominal thrusts. 4. IPAGPATULOY ANG PAG-AALAGA Panatilihing magbigay ng 5 na back blows at 5 na abdominal thrusts hanggat makalabas ang bagay mula sa lalamunan. Ang tao ay maaaring ipilit ang kanyang ubo o huminga. KAPAG ANG TAO AY NAWALAN NG MALAY Dahan-dahang ihiga ang tao sa sahig at gawin ang CPR. Buksan at obserbahan ang bibig upang makita ang mga bagay na bumabalakid dito pagkatapos ng bawat isang compression. Tanggalin ito kung may nakita. Huwag ilagay ang iyong mga daliri sa loob ng bibig kung walang nakikitang mga balakid.
AGAPAY KABANATA 6: ALLERGIC REACTION ikaanim na kabanaata ALLERGIC REACTION Ang allergy ay dulot ng reaksyon ng immune system ng tao sa mga panlabas na elemento o allergens gaya ng pollen, alikabok, pagkain, balahibo ng hayop at gamot. Ang mga bagay na ito ay nagdudulot ng negatibong reaksyon sa katawan ng mga sensitibong tao. Ang iba sa pangkaraniwang halimbawa ay skin allergy, food allergy, drug allergy at anaphylaxis na dulot ng kamandag ng iba’t-ibang insekto o antigen. FIRST AID INSTRUCTION Tumawag agad ng Emergency Medical Services kagaya ng ambulansya dahil maaring makaapekto ito sa katawan sa loob lamang ng ilang minuto kung hindi ito maagapan agad. Kung may dalang gamot laban sa kanyang allergy ay agad itong ipainom sa kanya upang maiwasan at maagapan kahit papaano ang allergic reaction
AGAPAY KABANATA 6: ALLERGIC REACTION SANHI NG ALLERGIC REACTION Ang mga sanhi ng allergies ay nakadepende sa indibidwal at kung saang allergen siya sensitibo. Hindi ang allergen mismo ang nagdudulot ng mga sintomas kundi ang immune system ng ating katawan. Ito ang dahilan kung bakit hindi lahat ng tao ay naapektuhan ng allergens. Kung ikaw ay sensitibo sa isang allergen, nakaranas ka ng mga sintomas na nakakaapekto sa iyong balat, tiyan o sa isang bahagi ng iyong respiratory system. Mahigit isang libong allergens ang maaaring makaapekto sa mga sensitibong indibidwal. Para sa karamihan, ang mga sanhi ng allergies tulad ng skin allergy, food allergy, anaphylaxis o drug allergy. SINTOMAS NG ALLERGIC REACTION Ang bawat kaso ng allergies ay may iba’t-ibang sintomas depende sa tao. Karamihan sa mga ito ay hindi nakamamatay ngunit ito ay nakaiistorbo sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga sintomas na ito ay depende rin sa allergen na nagdulot ng kondisyon at ang naapektuhang bahagi ng katawan. Ang mga kadalasang sintomas ng allergy na dulot ng allergens sa hangin tulad ng pollen, balahibo ng hayop at alikabok ay ang mga sumusunod: Rhinitis – Pagbahing, pagbabara ng ilong, pangangati ng ilong o pagtulo ng sipon Conjunctivitis – Pangangati, pagluluha o pamumula ng mga mata Asthma – Hirap na paghinga, pag-ubo o pag-aagahas (wheezing) Ang mga kadalasang sintomas ng allergy na dulot ng allergens sa pagkain o gamot ay ang mga sumusunod: Swelling – Pamamaga ng iba’t-ibang bahagi ng katawan tulad ng labi, mata, mukha at dila Urticaria o hives – Pamamantal, pangangati o pamumula ng balat Pagtatae o diarrhea – Maaari ring kasabay ng iba pang sintomas gaya ng pagsusuka o pananakit ng sikmura Atopic eczema – Panunuyo, pamamaga o pag bitak ng balat
AGAPAY SANGGUNIAN mga sanggunian : Allergies: Types, Symptoms, Causes & Treatments. (n.d.). Cleveland Clinic. Retrieved December 9, 2021, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8610-allergy-overview Asthma attack - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic. (2016). Mayoclinic.org. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma-attack/diagnosis- treatment/drc-20354274 Brekke, I.J., Puntervoll, L.H., Pedersen, P.B., & Brabrand, M. (2019). The value of vital sign trends in predicting and monitoring clinical deterioration: A systematic review. PLoS One, 14(1). https://doi.org/10.1371/journal.pone.0210875 CDC. (2019, September 6). Asthma FAQs. Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/asthma/faqs.htm iHASCO. (2019, October 18). Recovery Position Steps | Recovery Position | iHASCO [VIDEO]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=9MyAGIaJV14 NHS Choices. (2019). Overview - Asthma. NHS. Retrieved from https://www.nhs .uk/conditions/asthma/ LIFESAVER. (2019, September 29). How to Conduct Hands only Cardiopulmonary Resuscitation or CPR? [VIDEO]. Youtube. https://www.youtube.com/watch? v=wa5oPu2hTdw
AGAPAY SANGGUNIAN Online Doktora (2020, October 17). ALLERGY: Posibleng Sanhi at Paano Maiiwasan | Tagalog Health Tips | Allergic Rhinitis. Retrieved from: https://www.youtube.com/watch?v=sVtscPqhhx4 The American Red Cross (2017). Responding to emergencies: comprehensive first aid/cpr/aed. Retrieved from: http://pchs.psd202.org/documents/mopsal/1539703875.pdf Sapra, A. Malik, A. & Bhandari, P. (2021). Vital Sign Assessment, StatPearls. StatPearls Publishing.https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK553213/ St. John Ambulance. (2016, August 25). The Recovery Position - First Aid Training - St John Ambulance [VIDEO]. Youtube. https://www.youtube.com/watch? v=GmqXqwSV3bo
FABELLA, Jane Milarie ALMASA, Jillian Marie GLORIANI, Aaliyah DE LEON, Julienne Marie MACARAEG, Tanya PoleeLnEAB.DER EDITO Franceska URBANO, Althea Cassandra VERGARA, JewelAISanSTK.aLyEADER
RIAL BOARD INTERACTIVE HELP FOR EVERYONE TO ATTAIN LITERACY MACARAEG, Tanya Poleen FABELLA, Jane Milarie [email protected] [email protected] 1SLPA | Layout Artist 1SLPA | Writer VERGARA, Jewel Ian Kay GLORIANI, Aaliyah Franceska [email protected] [email protected] 1SLPA | Writer 1SLPA | Writer ALMASA, Jillian Marie URBANO, Althea Cassandra [email protected] [email protected] 1SLPA | Writer 1SLPA | Writer DE LEON, Julienne Marie [email protected] 1SLPA | Writer
Tayo ang kaagapay ng ating bayan. Ngayong panahon ng pandemya, maaari tayong makaatulong at magtulungan. Ang pagkakaroon ng ideya sa pangunang lunas ay maaring makasalba ng isang buhay sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sino sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo? ACADEMIC YEAR 2021 - 2022
Search
Read the Text Version
- 1 - 26
Pages: