Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore PIRING: Paglaya sa Dagtum

PIRING: Paglaya sa Dagtum

Published by pslipabtg, 2020-10-29 05:35:24

Description: Tunghayan ang pagparam ng lipos; Sulyapan ang pagsindi ng mga bihag sa kabulagan.

Search

Read the Text Version

1

2 art by Kristel

3 Ang pulisbyMariposa na baboy at berdugo (Sa tono ng May Pulis sa Ilalim ng Tulay ng D’ Big 3 Sullivans) Ang pulis, ang pulis ay mamamatay-tao Ang pulis, ang pulis ay mamamatay-tao Ang pulis, ang pulis, ang pulis, ang pulis Ang pulis ay tuta ng estado May baril na bitbit ang pulis na mamamatay-tao May bomba na bitbit ang pulis na mamamatay-tao May baril na bitbit, may bomba na bitbit Handa nang manupil ang pulis na mamamatay-tao May dugo, may dugo ang kamay ng pulis na mama- matay-tao May dugo, may dugo ang kamay ng pulis na mama- matay-tao May dugo, may dugo, may dugo, may dugo Ang dugo sa kamay ng pulis ay dugo ng masang Pilipino Singilin ang utang na dugo sa kamay ng pulis na mamamatay-tao Singilin ang utang na dugo sa kamay ng pulis na mamamatay-tao Singilin, singilin, singilin, singilin Halina’t singilin ang pulis, ang pulis, ang pulis na baboy at berdugo

4 art by Chorn

5 Luhod by Nj Ama namin, sumasalangit ka Ikaw ang tatay naming nagpangako ng pagbabago. Ipinalangin naming matatapos mo ang aming pagdurusa. Lumipas ang panahon, naging ganap ka lang na tarantado. Sambahin ang ngalan mo Sinamba ka namin, sinuportahan kita Inakala ko ang mga kamalian ay iyong nakikita Ngunit pinili mong magkamayroon ng panibagong amo Mapasaamin ang kaharian mo Amin ang lupang ito. Amin ang tubig na ito. Subalit bakit mo ito ipinamimigay? Sabagay, ‘di naman ‘to kita ng mga bulag na nahalik sa’yong kamay. Sundin ang loob mo Ilang taon ka naming pinagbigyan Para ayusin mo ang ‘yong mga kasalanan Dinagdagan mo lang. Ang kapal ng mukha mo. Tama na, sobra na. Hindi ka nararapat dasalan Isa kang demonyong nagbabait-baitan. Malalagot ang rosaryo ko sayo. Tama na, sobra na.

6 art by Byel

7 berde at dugo at ang mga berdugo” by Raya kaya nating punitin ang mga busal sa ating bibig gamit ang nagngangalit na mga ngipin, ngunit kung atin lamang susumahin kulang pa ang sirain ang tela, o ito’y kagat-kagatin; para ibalik ang buhay na nawala sa kamay ng mga halimaw na tunay kaliwa’t kanan na pagpatay sa rami’y ang hirap mahimay aba, kabang-kaba tama ba? ang matakot sa kanila? bagama’t naging normal na, na ito’y madama lalaya’t lalaya at lalaban ka kasama ang sining sa gagamot ang tela’y hindi lamang lulukot sa bibig nating maaaring takot ito ay hindi makababalot bigat man ay mahahakot armas ng masa ang lalagot

8 EXTRA REHAS NG RAHAS art by Anduy

9 KISLAP by Luna Ang tunay na malayang lipunan ay walang naiiwan sa laylayan. Marahuyo. Madiwa. Ako’y namangha sa dami ng tao sa lansangan. Ngunit, ako’y napapatanong sa aking sarili, ano nga ba ang kanilang ipinaglalaban? Sa aking pagmama- sid, mapapansin ang nagliliyab na galit, na para bang may hinihingi ang kanilang mga mata. Hustisya. Sa loob ng anim na taon na nagugulumihanan. Walang maintindihan sa nangyayari sa ginagalawan. Hindi ko na namalayan, na ang aking sarili pagkatapos ng mga taon na hindi ko maintindihan, ay isa sa mga nakatayo sa lansangan. May hawak na karatula. Sumisigaw. Nagwe-welga. Nagsusunog. Lumipas ang panahon at doon ako namulat. Sa wakas, naunawaan ko na kung bakit may nagpro-protesta. Isusulat mo na lang ba sa tubig ang dinanas na lipos ng sambayanan? Ipagpapaubaya mo na lang ba na tangayin ng hangin ang masalimuot na nakaraan? At kung sa kasalukuyan ay umuulit. Pipiliin mo pa rin bang pumikit? Kailangan ka ng masa sa patuloy na pakikipaglaban at pagpupumiglas. Makiisa sa mga winiwikang mapagpalaya. “Tama na! Sobra na! Welga na kami!” “Makibaka! ‘Wag matakot!” “Patalsikin ang pahirap, diktador, at tuta!” “Ang masa, ang bayan, ngayon ay lumalaban!” Ilan lamang ito sa mga litanya na hinihiyaw ng mga kabilang sa progresi- bong grupo. “Ang opresyon ay hindi hahayaang manaig! Sumulong hanggang sa maka- mit ang hustisya, ang karapatan, at ang demokrasya. Hindi tayo pa- sisiil. Hindi tayo patuloy na magiging biktima at magpapaalipin. Hindi na tatangis ang bayan dahil sa kahirapan. Tatangis na tayo sapagkat nakamtan na natin ang ating inaasam-asam! Kalayaan!” Sa aking pagtatapos, nag-iwan ako ng isang maalab na kawikaan. “Ang masa, ang siyang tunay na bayani.” Ito na pala ang huli kong sasambitin na linya. Nakakapanginig. Nakakataranta. Nakakagalit. Duguan ang aking katauhan. Dahil sa pagkalabit ng baril, ako pala ang tinamaan. Nalaglag ang mikropono kasabay ng pagkatumba ko. Sino ang tunay na mga terorista?

10 Gabi ng Lagim art and story by Venus

11 “Parang awa niyo na po, wala po akong kasalanan!” Pagmamakaawa ng biktima sa dalawang lalaking nasa harapan n’ya. Pilit nyang kinikilala ang mukha ng dalawang lalaki, ngunit natatak- pan ito ng ilaw mula sa lenteng hawak ng isang lalaki. “Parang awa n’yo na po, pakawalan n’yo na po ako! Hindi po ako adik, hindi po ako pusher…” Sa pagragasa ng ulan, sumasama ang patak ng luha ng binata, at sa mga oras na iyon din, alam niyang hindi na niya muling masisilayan ang bukas. Gunita ang kanyang kahihimlayan. “Bang! Bang! Bang!” Sa bawat kalabit ng pisil ng dalawang lalaki, Dumadampi ito hanggang sa kaibuturan ng binata. Bago matapos ang lahat, nasilayan ng binata ang nagnakaw sa kanyang buhay. Nagulat at nabigla siya sa kanyang nakita, Mga lalaking armado at naka-unipormeng asul. Makikita sa dalawang lalaki ang pagkahayok sa dugo na animo’y mga aswang. Mga mata nila ay nanlilisik at nagagalak sa mga nangyayari. Sa bawat patak ng ulan ay balang umulan sa katawan ng binata. Ang tubig ulan na dumadaloy sa binata ay nabahiran ngayon ng dugo na nanggagaling sa kanya. Unti-unting bumabagsak ang katawang lanta ng binata sa maputik na kalsada. “Ama, kayo na po ang bahala.” Ang huling sambit ng binata bago Dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga matang mulat. At kasabay ng paglaho ng dalawang lalaki, nag-iwan sila ng isang karatula, “Pusher ako, ‘wag tularan!” Sa isang iglap, nalagutan ng hininga ang binata. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata, At ang bawat patak nito ay alaala ng masalimuot na kahapong hindi niya malilimutan. At sa isang gabi, buhay ng binata nawaglit, nawala.

12 by Yael art by ByelPagpatay:Damang-Dama Ang pagkitil sa apat na Army intelligence officers noong ika-29 ng Hunyo sa Jolo, Sulu ay walang iba kundi ang siyam na pulis bilang mga suspek sa nabalitaang kaso tungkol dito. Nabanggit sa isang panayam na ang hindi pagkakasundo ng Armed Forces of the Philippines (AFP )at Philippine Nation- al Police (PNP) ang nag-udyok sa pagpatay sa mga tao na ito.

Paningin 13 Ilang bala ang ipinutok ng mga baril na hawak ng mga pulisya ang natamo nga opisyales na ito. Hindi isa, hindi dalawa. Kundi, marami. Biruin mo ‘yon, kung sino pa ang dapat pumoprotekta sa sambayanan ay siya ding dapat nating ki- natatakutan. Sa pagkakakaalam ng nakakara- mi, ang pulis ay isang indibidwal na naka-un- iporme, may tsapa, at sandata upang ilayo ang mga Pilipino sa kapahamakan. Eh anong gagawin kung sila ang nanghahamak sa sangkatauhan? Narinig niyo ba ‘yon? Ulitin natin. “Ang pag- Pandinig patay sa mga tauhang iyon ay dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pulisya.” Aba, sila-sila na nga rin lamang ang magkakasama sa pamaha- laan ‘di pa rin sila nagkakaintindihan? Pasok sa kaliwa, labas sa kanan. Walang maayos na komunikasyon ang bawat isa na nasa parehong organisasyon. Ayan tuloy, daig niyo pa ang mga bingi na ‘di nakakarinig at nakaka-intindi. Pang- amoy Masangsang at masalimuot. Iyang dalawang salita ang bumabalot sa isipan ng karami- han. Sing-baho nila ang kanilang mga kri- men. Alam niyo kung bakit? Kase kahit saan sila pumuntang lupalop, maamoy at maamoy pa rin ng mga tao kung saan nagmumula ang bu- lok na basura. Marahil umaalingasaw ang na- pakabahong amoy patungo sa mga ilong ng mga mga makaka-amoy. Hindi hamak na mapapangi- bit at mandidiri sa mga hindi makaturungang pagpatay sa mga inosenteng tao na ito. Hindi.

14 Ang pait, ano? Ang hirap sikmurain ng lahat Panlasa ng mga pangyayari na ito sa isang upuan. Ang masakit pa, nangayari ito sa isang saglit la- mang. Ang pait na mayroon sila sa kanilang mga bunganga ay dapat tinatapon na. Tanging mga inosente lamang ang nagdurusa sa kanil- ang mga aksyon na hindi rin naman pinag-iisi- pan sa umpisa pa lamang. Papayag ba ang lahat ng Pilipino kung ang inihahain ng pulisya at gobyerno ay ang panis at masaklap na pagkain? Panghipo Bakit kailangang mayroong pinsala dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari? Hindi hamak na hindi marunong makiramdam o maka-dama ang mga miyembro ng organisasyon na ito. Ang pagkuyom ng damdamin ay isa sa mga kauga- liang Pilipino. Ngunit, hindi ba’t Pilipino rin ang pumatay sa kapwa Pilipino? Napakahirap, napakaskit kung iisipin na hindi nila kayang magkubili ng nasa loob - hindi ng kanila, kun- di ang kalooban ng taong nasa kamay nila.

15 DUGO’T BALA EXTRA art by Byel

16 art by Jan

17 Katarungan ay Kasinungalingan by Sumereshi Hindi natatapos na mga tanungan Nasaan na nga ba ang katarungan? Kung sino ‘tong nasa kapangyarihan, Salita’y ubod ng kasinungalingan Pinalaya ang tunay na maysala Inalis sa dapat niyang tanikala Batas ay ipinagwalang bahala May hustisya nga ba sa pamamahala? Sistemang puno ng katiwalian Hindi nga mapagkakatiwalaan Isipan ng mamamayan ay nabuksan Naghahangad nga ng kapayapaan Sigaw ng kalayaan ng kabataan mismo Paglalahad ng saloobin ay ‘di terorismo ‘Di natamasa ang planong algoritmo Maayos na sistema lamang ang gustong matamo.

18 dds - devoted dirty servants by Raya training hard to sweat, crawling with heavy breath, serving the government, whom people feel unprotected, whom people feel dread, whom people feel dread, causing a thousand deaths, a thousand brutality and deaths. dirtiest are the hands wet, covered by the blood of the innocent.

19 art by Anton

20 EXTRA SIGAW art by Byel

21 Araw at Buwan by Luna Bakit tumutulo ang aking mga luha? Hindi ba’t nakangiti ako kanina at nakikipaglaro sa mga ulap? Kung gayon, saan nagmula ang mga ito? Sa aking pagbangon, tumambad sa akin ang lamesa na may nakaabang na mainit na kape at ang balita na may panibago na namang pinaslang. Gani- to ang madalas kong agahan. Araw-araw na mauulatan ukol sa karahasan. Masalimuot. Tinitigan akong mabuti ni Inay sa aking mga mata. Pagkatapos, minamasdan niya ang bawat pagkilos ko. Nakakapagtaka. Wala naman akong ginagawang iba. Habang buhat-buhat ko ang aking kapatid, sinabi ng aking ina, “Alala- hanin mo ang ginawa nila sa iyong ama, maging sa ibang nakibaka.” Ki- nilabutan ako at parang may naramdaman akong kirot. Hindi ko man alam kung ano ang nais ipahayag noon. Namalayan ko na lang na ang sarili ko’y humahagulhol. Saan? Bakit? Paano? Sa tuwing ako’y nagugulumihanan, para bang may digmaan ang humaharang sa akin. Habol hininga. Ilang beses pa bang mulat-pikit? Palayain. Ang mga boses na aking naririnig, ang siyang sumampal sa akin ng kato- tohanan, binugbog ako nito ng masasakit na salita, sinugatan sila ng na- karaan, duguaan silang iniwan. Durog na durog. “Magsisilbi, magkakaisa, makakamtan ang tagumpay! Para sa bayan, para sa masa!” Ayon sa kwento ng aking ina, ito ang tumatak sa kanyang kaluluwa na binigkas ni Itay, bago siya nakawan ng buhay. Ilang araw na ba akong walang malay? Hindi pa tapos ang aking pagninilay… Kakaiba. Sa aking muling pagpikit, doon ko nakita ang lahat. Ang kasaysayan at historya sa pamamalakad noon. Mabigat. Masakit. Mahi- rap. Ano nga ba ang magulang ko noon? At isang magiting ang lumapit sa akin at bumulong, “Itaas mo ang iyong kamao, ikaw ang pag- asa.” “Itay?”

22 photo by t.r. SINO

23 Sino by t.r. Tinanong ako ng buwan, kung sino ba raw ako Wala akong naisagot Wala akong naisip Kunwari’y wala akong nadinig Bata lamang “daw” ako Wala gaanong puwang sa buhay Kaya’t manahimik na lamang At ang matatanda ay hayaan Estudyante lamang “daw” ako Madami pa raw akong matututunan Gobyerno ang nag papaaral Kaya dapat huwag labanan Aktibista ako, makamasa ako Pero bakit iba ang tingin ng mga matang na- katingin sa akin? Nanlilisik sa galit na sa likod nito malamang ay takot Kung pare-pareho tayong takot, bakit hindi tayo mag sama-samang matakot at lumaban? Imbis na ibsan ang kilabot Umambag ka pa bilang hayop Naturingang tagapagligtas Ngunit kami nama’y inyong inuutas Tinanong ko ang buwan, “sino ba sila? Bakit sila ang nagdedesisyon para sa masa Kung sino ang papakinggan At kung sino ang aapakan?” “May mukha ba ang karangyaan?”

24 art by Raya

25 Tatlong Titik by Lyza and t.r Sila na may tatlong titik, sa karahasan pinapatikim ang bagsik Batas na marahas ay sa atin idinidikdik Paano na ang tinig ng Pilipino na nais umimik? Iisa sa mata nila, Ang magkaibang espada: karahasan at literatura, At tila ang adhikain ay itinuturing na isa Pilit tinatakpan ang tainga Sa magkaibang paraan ng pakikibaka, Sino ang tunay na lumalaban para sa masa? At sino ang nagamit ng dahas para sa sa- riling pagnanasa? Patuloy ang pagdiin nila sa pusal, ng kolektibong pilit binabago ang siste- mang kay kapal Takot at banta ay hindi sagabal, sa puso na ang hangarin ay tila bakal Sila na may tatlong titik, na ang dapat layunin ay kay rikit Utak nga ba nila ang putik, O ang hari nila ang lintik

26 Pekeng Tulong art by Anton EXTRA

27 AKO AT ANG LIBONG BINARIL MO EXTRA art by Kristel



29

Isang taas-kamaong pagpupugay sa mga bumubuo at patuloy na sumusuporta sa paglikha at pakikibaka! Ang librong ito ay naglalayong maipakita ang kabagsikan ng administra- syon, maging ang mga berdugong nagpapatianod sa kadili- man. Ang dugong dumanak, kasabay ng mga luhang pumapa- tak, ay sumisimbulo sa buhay na kanilang inutang na ating sisingilin. Wala sa ating bokabularyo ang pananahimik. Sumigaw, maki martsa, pabagsakin ang pasista! Hindi tayo matutuldukan, sumulong sa himagsikan. Lubos na nagpapasalamat sa mga artista ng Lipa - ang mga gumamit ng tinta, lumagda sa aklat ng mga salita, at sa walang sawang pagbaybay. Maging sa mga kasamahang sina Chorn at Kristel, taos-pusong ipinapaabot ang pasasalamat sa inyong pagkakapit-bisig upang maisagawa ang librong ito, at higit sa lahat, kay Byel, ang walang patid na nag- pamalas ng kanyang pagiging malikhain at dedikasyon. At sa’yo, na may naising dumulog o gamitin ang liyab sa’yong mga mata, sa’yo na handang makipaglaban para sa bayan, para sa masa, sa ngalan ng perlas ng pagkakaisa, magka- kaagapay, titindig, tayo’y sama-sama. Mananatiling tanglaw at inspirasyon, ang bayang inapi, sa paglikha ng sining na mapagpalaya! Ang boses mo ay makapangyarihan.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook