Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore El Filibusterismo (1)

El Filibusterismo (1)

Published by m, 2022-03-31 00:48:23

Description: El Filibusterismo (1)

Search

Read the Text Version

El Filibusterismo

Talasalitaan Nagbabalat-kayo nangangahulugan ng pagkukunwari o pagtatago ng totoong ugali, pisikal o katauhan dahil marahil may masamang itong intensiyon. Kinutya panlalait sa sa ibang tao

7Kabanata

Si Simoun Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.

Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Basilio ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.

Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.

Mga Katanungan: Ano ang natuklasan ni Basilio kay Simoun? Ano ang nakita ni Basilio pagkatapos ng labing-tatalong taon? Ano ang binabalak gawin ni Simoun?

Tinaggap ba ni Basilio ang alok ni Simoun na sumali sa kanyang adhikain? Batay sa kabanata 7, masasabi mo bang kanya-kanya ang layunin ang mga tao at mga paraan upang matupad nila ang kanilang mga layunin? Bakit?

Maraming

Salamat


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook