Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Manunggul- Ang Paglalakbay sa Kabilang Buhay Readex2

Manunggul- Ang Paglalakbay sa Kabilang Buhay Readex2

Published by Daniel Tabinga, 2023-02-07 11:45:37

Description: Manunggul- Ang Paglalakbay sa Kabilang Buhay Readex2

Search

Read the Text Version

MANUNGGUL Ang paglalakbay sa kabilang buhay



MANUNGGUL Ang paglalakbay sa kabilang buhay MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs): ENGLISH EN6RCE-IENgN-62V6.2WC4-C.I1I-:IIEaV-vb6a.-l2u2:.a2Itde: eCnnoatrmirfyaptorievsaeelsaobpraesmresdaukoaesn-ibvheeoliewesvsteah,yefoaacnuttsoherolfrn-sodenelev-cfeatloecdtpietmdopatgihcee.se. lements ESP pangyayari. ENsPa6pPatKutPu-nIaayi–an3n7:aNnaakgappaapgasuunsluardi nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at ispiritwalidad ng pagkatao ang ispiritwalidad. Hal. pagpapaliwanag na ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman ang paniniwala; pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos. F6PN-Ia-g-3n.a1p,aFk6iPnNgg-aIna-gg/-3n.a1b,aFs6aPnBg -pIacb-eu-l3a.,1Fk.uI2Lw, IFeP6nIPNtoNO, -t:eIak-sgto-3n.g1:paNnags-aismagpootrmanagsymognaattaunsoanpgantu. ngkol sa F6PN-Indg-em-1g2a, Fp6anPgBy-aIyIaIfr-i2b4a:gMo,ahkaabpaanggbiabtigmaaytnapgohsinanughapasagbkaaslaa.labasan ART: A6PR-IIc: Creates a digital painting similar with thethMemasete, rest’c(.e.g., Van Gogh, Amorsolo, etc.) in terms of style,

Treasury of Storybooks …………………………………………. . This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the following is recommended. Tabinga, Daniel, Jr C.,Manunggul: Ang Paglalakbay sa Kabilang Buhay,. DepEd-BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Writer: Daniel C. Tabinga, Jr. Illustrator:Daniel C. Tabinga, Jr. Learning Resource Managers: Freddie Ray R. Ramirez Ronald M. Brillantes Puerto Princesa City MIMAROPA Region

DISCLAIMER Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Kumuha ito ng inspirasyon mula sa iba’t ibang mitolohiya na may nahahawig na tema sa iba’t ibang bahagi ng mundo at etnikong kultura ng Pilipinas. Ito ay hindi tumutukoy o kumakatawan sa kahit anong relihiyon, lokal na dialekto o Pangkat Katutubo sa Pilipinas. Bangâ ng Manunggul (890–710 B.C.) Nadiskubre nina Dr. Robert B. Fox and Miguel Antonio noong 1964

“Isang taos-pusong pagpupugay para sa kaluluwa ng isang bagani na nasawing palad sa pakikipagdigma.” Matapos ang ikaapatnapung araw na pagkakahimlay sa lupa, muling hinukay ang kanyang mga buto para ilipat sa isang sisidlang bangâ upang ito’y ilagak sa sagradong yungib ng Manunggul.



Ang ritwal ng paglilipat ng mga labî ay taimtim na isinasagawa sa kapangyarihan ng mga basbas, dasal, at orasyon ng natatanging babaylan ng tribong kinaaniban. Sa kalagitnaan ng ritwal, muling nagising ang ispirito ni Asdam mula sa apatnapung araw na pamamahinga sa sagradong yungib na iyon. Ginigising ng mga orasyon ang namayapang kamalayan ng kanyang kaluluwa upang maghanda na sa panibagong paglalakbay.



Sa dako kung saan lumulubog ang araw, naghihintay na ang isang malakul maut ── nilalang na sumusundo at nagtatawid sa mga kaluluwa patungo sa kabilang buhay. Mayroon siyang maliit na bangka at sagwan na ginagamit upang imaniobra ang paglalayag. Tinatawag nito si Asdam. “Halika rito natatanging bagani ng iyong lahi, tapos na ang iyong paglalakbay at pakikipagsapalaran sa lupa,” pag-anyaya ng malakul maut kay Asdam upang sumakay sa bangka nito. “Anowar, ang aking ‘ngalan. Ako ang makakasama mo sa paglalakbay,” magalang na pagpapakilala ng malakul maut sa kanyang pahinante. “May himlayan para sa mga natatanging kaluluwa na tulad mo! Sa dako pa roo’y nakahimlay na rin ang iyong mga ninuno na nauna nang lumisan sa mundong ito,” panghihikayat pa ni Anowar kay Asdam.



Inabot ni Asdam ang kamay ni Anowar upang sumampa sa mahiwagang bangka. Pumuwesto siya sa unahang bahagi ng bangka upang dito’y masaksahin niya ang buong paglalakbay. Pinili ni Asdam ang sumama na kay Anowar. Naisip niya na sapat na ang kanyang pakikipagsapalaran bilang magiting na kawal sa kalupaan. Ang kanyang katawang-lupa ay tuluyan na ring naging alabok. Nalasap na rin niya ang saya at lungkot na mabuhay sa mundo.Nagawa na niya ang mga bagay na dapat niyang ginawa bilang isang nilalang na may buhay ⸻ at natuto na rin siya mula rito.





Matapos ang kanyang pagmumuni-muni, namulat si Asdam at napagtanto na sila ay naglalakbay na sa gitna ng isang ilog patungo sa bukana ng isang misteryosong karagatan. Kulay kayumangi ang ilog na iyon at rumaragasa ito tulad ng tunog ng mga bato at lupa. Sa unang pagkakataon nakita at naririnig ni Asdam ang daluyon ng umaagos na lupa na wari’y isang pagyanig. Sa dalampasigan na naghahati sa mundo ng kalupaan at tubig, bumungad kina Asdam at Anowar ang mas marami pang bangkang may lulan ng mga kaluluwa at may gumagabay na malakul maut na nagmamaniobra ng sagwan ng kani-kaniyang mga bangka.



“ “Tayo ngayo’y naglalayag sa ikalawang mundo pagkatapos ng kalupaan ⸻ ang mundo ng walang hanggang tubig at karangyaan,” pahayag ni Anowar. Malakristal ang dagat na wari’y hindi madampian ng ano mang dungis at mantsa. “Sa mundong ito, makikita ang malakristal na linaw ng tubig. Sa pusod ng karagatang ito, masaksihan mo ang hiwagang mayroon sa kalaliman nito,” dugtong pa ni Anowar.



Napakayaman ng mundong iyon. Mula sa bangkang kinalululanan, nagpapamalas ang napakaputing buhangin na wari’y dinurog na mga perlas sa ilalim ng dagat. Habang pumapalaot, maririnig din ang himig ng mga manlalabiyot (nilalang na natutulad sa sirena) na nag-uudyok sa mga manlalakbay na sumisid sa pusod ng dagat. Unti-unti ring bumubukadkad ang karangyaang tinatangi ng mundong iyon. Nasasaksihan ni Asdam ang parami nang paraming mga perlas na bumabanig sa puting buhangin nito. Sa kabilang banda, maging ang mga kaluluwang lulan ng ibang bangka ay nahuhumaling din dito. Habang mas pumapalaot, mas marami pang kayamanan ang nagniningning sa ilalim ng dagat. Naririyan na rin ang mga brilyante at ang mga baryang ginto na kumikinang sa kailaliman ng tubig. Sa mas malalim pang bahagi ng dagat, matatanaw ang kumpol ng mga yayamaning bato, mga ginto at pilak. Magiliw itong iaalok ng mga manlalabiyot ang mga kayamanan sa mga kaluluwang nasa bangka. Ilan sa mga kaluluwa lulan ng mga bangkang kanilang kasabayang naglalayag ang tuluyan nang nahumaling ⸻ lumusong at sumisid sa ilalim ng dagat upang angkinin ang mga kayamanang iyon.



Tumingin si Asdam sa kanilang paligid. Libo-libong mga kaluluwa ang nagsisitalunan at sumisisid sa laot upang angkinin ang mga kayaman. “Hindi ka ba tatalon tulad ng iba?” tanong ni Anowar kay Asdam. Napabuntong-hininga si Asdam. “Ninanais ko rin ang kayamanang tulad ng mga iyan noong ako’y nabubuhay. Ngunit ako’y naglalakbay upang makarating sa kinaroroonan ng aking mga ninuno. Hindi ko sila nakikita sa mundong ito. Ninanais kong magpatuloy sa paglalakbay.” Maya-maya pa’y unti-unti nang sumubok umahon ang mga sumisid na kaluluwa. Nakapagtatakang hindi na sila makaahon mula sa tubig. Nagbago rin ng pag-uugali ang mga kagiliw-giliw na mga manlalabiyot. Marahas nilang inangkin ang mga kaluluwang nahumaling sa mga kayamanan. Kung hindi man nila inilulubog ang mga kaluluwa, ito’y kanilang hinihila pailalim. Kung pagmamasdan ang mga kaluluwa, sila’y parang pilit na ikinulong sa salaming kristal na dagat. Nakapangingilabot ang mga sumunod na pangitain. “Nagtagumpay ka sa pagsubok ng mundong ito Asdam!” pagbati ni Anowar. “Ang sinumang dadampi sa tubig ng dagat na ito ay tuluyan nang makukulong sa ilalim. Ito ang sumpa ng mga kayamanang iyan sa ilalim ng laot. Ang sinumang mahuhumaling sa kayamanan ay hindi na makakaalis dito at mabibilanggo na ng pagiging ganid sa karangyaan.” “Ngunit anong mangyayari sa mga kaluluwang iyan sa ilalim ng tubig?” takot na tanong ni Asdam. “Tuluyan na silang malilimutan ng mga tao sa mundo ng lupa dahil sa mapanlinlang na biyayang tatangapin ng kanyang mga naiwan. Makakalimutan na sila nitong ipagdasal at sa oras na sila’y tuluyan nang mawala sa alaala ng kanilang mga naiwan, ang mga kaluluwang iyan ay isinumpa na rin upang maging mga perlas, brilyante, pilak at ginto sa ilalim ng dagat. Mas malaki ang pagiging ganid sa kanilang puso, mas higit silang kikinang upang humikayat pa ng iba pang ganid na kaluluwa na mapadadaan sa mundong ito.

Sa hangganan ng mundo ng tubig, nag-aantay ang makapal na hamog. Itinuro ni Anowar ang kanyang mga daliri sa dakong iyon. “Iyan ang dalampasigan para sa imkautllionnggpmaguknadbouh─a─y.” ang mundo ng hangin at ng Matapos lumampas sa dalampasigang hamog ang bangkang kinalululanan nina Asdam, bumungad sa kanya ang dagat-dagatang ulap. May kalahating bilang pa ng mga bangka na kasabayan nina Asdam ang matagumpay na nakaalpas sa dalampasigang iyon. “Tama ang iniisip mo Asdam, tayo ay nasa alapaap.” Sa duayalakmpo.anMhgiawuynamaghagnaangnhpaaaklanatmiatnoa’inymmndgairmtaorgnaagtiamnnggitanoabnunalaantkianumdauinwmgauh─laar─kdliaintkon. g Napakabango nito na hindi maikukumpara sa alinmang pmhaagklaapmmakaan.lâaítkbàtu─la─klamkgsaa mundo ng lupa. Binabantayan ito ng mahiwagang nilalang na may mga





Maya-maya nga’y bumungad na ang napakaputing hardin na may gintong tarangkahan. Malamig ang simoy ng hangin doon. Ang mga halaman, puno, at mga bulaklak ay puting-puti at nagliliwanag. Puti na walang kasinlinis. Hayan na nga’t papalapit na ang mga malâíkàt. Sumasalubong sila at naghahandog ng bulakudiwa sa mga paparating na kaluluwang lulan ng bangka. Bawat bangka ay may lumalapit na malâíkàt. Magiliw nilang inaalok at inuudyok ang mga manlalakbay na amuyin ang halimuyak ng bulakudiwa. “Lasapin ninyo ang halimuyak ng bulakudiwa at kayo’y muling hihinga ng hangin ⸻ babalik sa lupa at muling mabubuhay,” pag-anyaya ng mga malâíkàt. “Kunin mo na ang bulaklak Asdam.” Pag-uudyok ni Anowar kay Asdam. Muli, napabuntong-hininga si Asdam. “Nais kong bumalik at mabuhay sa lupa, ngunit sa ngayon mas ninanais kong makapiling ang aking mga ninuno. Nais kong ipagpatuloy ang ating paglalakbay patungo sa kanilang kinaroroonan!” Matuwid na pagtangi ni Asdam sa paanyaya ni Anowar at ng mga malâíkàt.



Tumingin si Asdam sa kanyang paligid. Ilan sa mga kaluluwa ang tuluyan nang nahumaling sa bango ng bulakudiwa at sila’y nagbago ng anyo bilang mga hayop at halaman. Pagkatapos ay hinihip ng hangin paalis sa kani- kanilang mga bangka at tuluyan nang nahulog pababa. Lubos na kinilabutan si Asdam. Napasigaw siya dahil sa kanyang mga nasasaksihan. “Nahuhulog ang mga kaluluwa mula sa kanilang mga bangka!” Humalakhak ng malakas si Anowar, “Binabati kita muli! Napagtagumpayan mo ang pagsubok at hamon ng mundo ng hangin. Sa mundong ito, iiwan mo na ang makamundong paghinga tulad ng isang buhay at magpatuloy ka pa sa iyong paglalakbay patungo sa kabilang buhay.” “Ngunit ano ang mangyayari sa mga kaluluwang nahuhulog pababa?” pag-aalalang tanong ni Asdam. “Tulad ng pangako ng bulaklak ng bulakudiwa, muli silang mabubuhay sa lupa at hihinga ng hangin, ngunit hindi na bilang tao. Ilan sa kanila ay muling sisibol bilang halaman at mga puno, muling isisilang bilang mga insekto, mga isda, mga ibon at kung ano-ano pang mga nilalang na nagtataglay ng kaluluwa. Iyon ang sumpa ng bulakudiwa, mananatili siyang ganoon hanggang sila ay muling bawian ng buhay,” pagpapaliwanag ni Anowar.



Mausok at naglalagablab na dalampasigan. Malayo pa lang ay rinig na ang lagim ng mga hiyaw at pighati sa likod ng dalampasigang iyon. Sa kanyang paglingon may ilan pa rin silang kasunurang naglalayag. Kinilabutan si Asdam habang tumatawid ang kanilang bangka sa bahaging iyon ng bagong mundo. Walang kasinlagim at kilabot ang nasasaksihan ni Asdam habang umaalpas sa panibagong dagat. Isang napakalawak at wari’y walang hanggang dagat-dagatang apoy.



T“ayo ngayon ay tumatawid na sa mundo ng apoy at kasalanan. Dito tinutubos ng mga marara’ët (mga nilalang ng lagim, kasalanan at kadiliman) ang mga bagay na ginawa natin sa mundo na hindi naayon sa itinakda para sa tao ni Bathala,” paghahayag ni Anowar. Napatingin si Asdam sa gilid ng bangka. Nasaksihan niya ang mga kaluluwang nagbabaga’t nalulusaw sa init tulad ng kumukulong putik na iniluluwa ng bulkan. “Wala kaming kasalanan! Wala kaming ginawang masama!” malagim na sigaw mga kaluluwa. Ayan na nga’t papalapit na ang mga marara’ët. Nasaksihan ni Asdam ang pagbaliktad ng mga nilalang na iyon sa mga bangka ng mga kasabayang manlalakbay upang mahulog sa dagat-dagatang apoy.

“Wala kaming kasalanan! Wala kaming ginawang masama!” mga hiyaw ng mga manlalakbay na nahulog sa dagat na iyon. Hayan na nga’t nakita na ng mga marara’ët ang bangkang kinalululanan nina Asdam. Takot na takot si Asdam sa sabayang pag-atake at tangkang pagbaliktad ng mga nilalang na iyon sa kanilang bangka. Sa kabila ng takot, pinili ni Asdam na ihulog at ikubli ang kanyang katawan mula sa pagdagsa ng mga nakakikilabot na nilalang at lumuhod. Matapos ay tuwiran siyang sumamba sa kanyang Bathala. Iniyuko niya ang kanyang ulo at nagdasal. “O! Bathala ── minamahal kong Bathala, sinasamo ko ang inyong ‘ngalan! Patawarin po ninyo ako sa aking mga kasalanan. Patnubayan ninyo ako sa aking paglalakbay patungo sa inyong kanlungan. Patnubayan ninyo po ako patungo sa hantungan ng aking mga ninuno. Hinihiling ko po ang inyong kapatawaran at ang inyong mapagpalang gabay para makaalpas sa mundong ito,” taimtim na dasal ni Asdam.



Sa pag-usad ng bangka ni Anowar, taimtim na nanalangin nang paulit-ulit at walang patid si Asdam. Hindi natinag ng mga marara’ët sa tangkang pagbaliktad ng kanilang bangka, ang pananampalataya ni Asdam para sa kanyang Bathala. Paulit-ulit niya itong tinatawag upang humingi ng tawad at patnubay sa kanilang paglalakbay. Nakakaubos ng lakas ang pakikipagbunô sa mga marara’ët. Unti-unti nang nanghina ang kanyang kaluluwa hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa kanyang ulirat. Magkagayon pa man ay naitatak na ni Asdam sa kanyang puso at isipan ang panalangin ng paghingi ng tawad at patnubay sa kanilang paglalakbay sa kanyang Bathala.



“Gising na Asdam!” Papungay-pungay na bumangon si Asdam mula sa kanyang pagkawalang-ulirat. “Nagtagumpay ka sa pagtawid sa mundo ng apoy. Dininig ng Bathala ang iyong paghingi ng tawad at lahat ng iyong kasalanan ay naiwan na sa mundong iyon.” pagbati ni Anowar sa kanyang pahinante. Ginawaran ka rin ng kanilang patnubay para sa iyong paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.”



Muling inikot ni Asdam ang kanyang tingin sa paligid. Naglalakbay sila kasabay ang iilang bangka sa napakalawak at malakristal na ilog kung saan makikita ang higit pang kayaman tulad ng mga pilak, ginto at mga makikinang na bato sa ilalim nito. Bumungad sa kanyang paningin ang mga gusaling gawa sa ginto na matayog na nakatayo sa mga napakalalambot na ulap. Walang kasingganda ang lugar na iyon. “Nasaan na tayo?” tanong ni Asdam. Ngumiti si Anowar. “Naririto na tayo sa paraiso ng mga anito at Bathala. Sa lugar kung saan pumaparoon ang mga kaluluwa ng iyong mga ninuno. Ito na ang iyong huling hantungan.”



Manghang-mangha si Asdam sa kanyang mga nakikita. Isang mundo ng ginto at hiwaga. Matapos ang ilang sandali ay sumadsad na ang bangka sa dalampasigan na may buhangin ng maliliit na perlas at alikabok ng ginto. “Maligayang pagdating,” pagbati ni Bathala kay Asdam. Manghang-mangha si Asdam sa kanyang nasasaksihan. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa harap ng kanyang Bathala. Lumuha si Asdam at lumuhod sa harap ng kanyang Panginoon. Humalik siya sa malahiganting paa nito, na nagpalugod naman sa kanyang natatanging Bathala. “Tumayo ka aking nilalang na anak. Wala nang dahilan upang ika’y tumangis. Naririto ka na sa aking paraiso kasama ng iyong mga magulang, mga kaibigan at mga ninuno.”



Mula sa kawalan, bumukas ang isang napakalaking pintuan. Sabik na lumabas ang mga magulang ni Asdam, ang kanyang lolo at lola, mga namayapang kaibigan at lahat ng kanyang mga ninuno mula sa iba’t ibang henerasyon. Gayon nga’y narating na niya ang kanyang paroroonan. Tuluyan na nga siyang sinundo ng mga ito, niyakap at inanyayahan upang sila’y makasama sa paraiso ng walang hanggan. Sa bagong lugar kung saan siya magsisimula ng bagong buhay na puno ng pag-ibig at kapayapaan ⸻ sa bagong mundo kapiling ang mga anito at ang Bathala ⸻ sa wakas, natanggap na ni Asdam ang taimtim na paanyaya ⸻ sa KABILANG BUHAY. WAKAS

Ang may Akda at Ilustrador Si Ginoong Daniel C. Tabinga, Jr. ay isang gurong manunulat at ilustrador mula sa Mataas na Paaralan ng San Miguel, Dibisyon ng Puerto Princesa City, MIMAROPA. Nagtuturo ng asignaturang Agham at aktibo rin sa pagtuturo ng iba’t ibang porma ng sining katulad ng pagguhit, pagpipinta at pagwawangis ng mga pahayagan. Nakatanggap din siya ng Unang Gantimpala sa Ikatlong Edisyon ng National Storybook Compitition para sa kuwentong “Ang mga Gokgok sa Bintana ni Mira. Tumanggap din siya ng Ikalimang Gantimpala para sa pagsulat ng kuwentong “Booo! Tiki! sa kapareho ring kompetisyon. Ginawaran din siya bilang pinakamahusay na ilustrador noong gabi ng parangal.

May buhay pa ba pagkatapos ng ating paglisan sa mundo? Saan ang hantungan ng mga kaluluwang namayapa na? Nasaan ang himlayan ng mga kaluluwa ng ating mga ninuno? Samahan natin si Asdam at Anowar sa kanilang paglalakbay patungo sa KABILANG BUHAY.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook