Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore 11S3 ALAMAT BOOK

11S3 ALAMAT BOOK

Published by Jav Volante, 2022-05-03 10:27:10

Description: 11S3 ALAMAT BOOK

Search

Read the Text Version

Mga Alamat Tungkol sa Pinagmulan ng Ilang Piling Apilyedo



TALAAN NG NILALAMAN I. ALAMAT NG MONDRAGON 1 II. ANG ALAMAT NI JACOBO 5 III. ANG ALAMAT NI GABRIEL 12 IV. \"BER NA BE YA!\" ANG ALAMAT 19 NG APELYIDONG BERNABE 32 V. ANG ALAMAT NI MUÑOZ 37 VI. ANG ALAMAT NG ILAGAN 42 VII. MAY AKDA

PAUNANG SALITA Ang aklat na ito, Talapilyedo: Mga Alamat tungkol sa Pinagmulan ng Ilang Piling Apelyido ay may layuning mahubog ang bawat bata na magkaroon ng pagmamahal sa pagbabasa at matuto mula sa mga Alamat upang matugunan ang pangkalahatang layunin ng kurikulum k to 12 at upang makalinang ng mga mag-aaral na may pakinabang ang literatura. Maingat na binuo ang mga alamat at kalakip na pagsasanay upang makapaghandog ng mga gawaing lilinang ng kakayahang komunikatibo, replektibo, at mapanuring pag iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag aaral. Ang aklat na ito ay hindi lamang magsisilbi bilang libangan, ngunit maghahatid rin ito ng mga makabuluhang aral na nararapat na isabuhay ng mga bata. Sinikap na paigtingin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa iba't ibang domain ng pagkatuto sa wika, katulad ng: Pagunawa sa napakinggan, pagsasalita, pag-unawa sa binasa, paglinang ng talasalitaan, pagsulat, wastong gamit ng wika at gramatika, istratehiya sa pananaliksik sa pagsulat ng alamat, may mga pagsasanay na humamon sa mga mag-aaral upang maging malikhain, matataas, at epektibo na paggamit ng wikang Filipino. Nawa'y makatulong ang alamat sa paglinang ng inaasahang mga pamantayan para sa mga tao o mag-aaral. Nakapa-loob sa aklat na ito ang anim na Alamat na nilikha ng mga mag- aaral mula sa San Beda Univerity Manila - Grade 11 STEM 3 .

MAOLNAMDRAAT GNOGN PANGKAT 1 1

I ANG ALAMAT NG MONDRAGON Isang araw, mayroong batang nagngangalang Mon. Si Mon ay isang batang walang problema dahil isa siyang masiyahing bata. Siya ay napakaligalig at napakabait na bata. Mahilig siyang maglaro sa labas at nakakakuha ng matataas na grado sa kaniyang eskuwela. Mahilig din siyang magbasa ng mga librong pambata. Madami siyang nababasang nakakaaliw patungkol sa mga dragon kaya’t ito ay nakahiligan niya. Palagi niya kinukuwento sa kaniyang mga kalaro ang istoryang nababasa niya mula sa kaniyang libro at ito pa ay ginagawa niya na parang siya ay nasa sitwasyon ng kuwento. TALASALITAAN eskuwela - lugar kung saan tinuturuan ang mga estudyante upang magkaroon sila ng kaalaman 2 dragon - isa itong mitolohiyang hayop

Isang gabi ay natutulog nang mahimbing si Mon at nakapanaginip ito ng mga dragon. Napanaginipan niya na siya ay nakikipaglaro sa mga dragon, para bang mga kaibigan niya ang mga ito. TALASALITAAN 3 mahimbing - malalim panaginip - isang basal na bagay na nabubuo kapag ang tao ay tulo minsan naman ay habang gising at tulala

Laking gulat niya na nang kausapin siya ng mga dragon dahil hindi niya naman inaasahan na nagsasalita ang mga ito. Nang kausapin ng mga dragon si Mon, tinanong ng mga dragon kung gusto ni Mon maging isang ganap na dragon. Si Mon ay nagulat sa tanong ng mga dragon at hindi na ito nag dalawang isip pa. Nang siya ay nag bagong anyo at gumanap na bilang isang dragon, Mondragon na ang tawag ng mga dragon sa kaniya. Nung siya ay nagising, ito ay tuwang tuwa at dahil doon, nag- bunga ang apelyidong \"Mondragon\". ARAL Masasabing ang aral sa kuwentong ito ay ang hindi masamang mangarap. Kahit anong edad, anyo, klase, ugali man yan, lahat tayo ay mayroong kalayaan na mangarap. Sabi nga nila, \"hindi masamang mangarap.\" Maihahalintulad ang kuwentong ito sa Benedictine Hallmark na Coversatio: the way of formation and transformation. Madalas, ang mga pangarap natin ay ang mga pangyayari o gamit na gusto nating makamit. Ibig sabihin, ang mga pangarap na ito ay posibleng maging dahilan ng pagbabago, at yun ang tinutukoy na transformation sa Benedictine Hallmark na Coversatio. TALASALITAAN bagong anyo - ang pagbabago ng buong pisikal na katawan ng isang tao 4

5

II ANG ALAMAT NI JACOBO Mayroong isang hari at reyna na nakatira sa malayong kaharian na tinatawag na Mariquina. Isang araw ay pumunta ang hari sa isang parke sa kanilang kaharian kung saan siya nakakakita ng madaming Jac-o Lanterns na kaniyang hilig at sobra na kinatutuwaan dahil minsan lang ito nakikita tuwing nagdidiwang ng pista ng araw ng mga patay sa Nobyembre kung kailan madaming lumalabas na mga kalabasa bilang tema ng pagkain, disenyo, at palamuti. Habang siya ay naglalakad sa parke ay nalaman niyang nagdadalang-tao pala ang kaniyang asawa kung kaya't dali-dali niyang pinuntahan ang mahal na reyna at sinama niya ito sa lugar kung saan madaming makikitang Jac-o-Lanterns, ito ay nagsibili bilang munting selebrasyon ng kanilang natanggap na pagpapala. TALASALITAAN palamuti - dekorasyon o kolorete 6 nagdadalang-tao - buntis

Lumipas na ang ilang buwan at habang papalapit nang papalapit ang araw kung kailan manganganak ang mahal na reyna ay pinaglilihi naman niya ang kanilang anak sa buko dahil hilig at paborito ng mahal na reyna ang buko na bagong pitas. Isang araw ay naging emosyonal ang reyna at sabi niya'y kailangan niyang makakain ng bagong pitas na buko ngayon din, ngunit nagulat ang hari sa hiling ng reyna dahil malayo pa ang taniman ng mga buko mula sa palasyo. TALASALITAAN pinaglilihi - pabagu-bagong pagnanais ng isang buntis. 7

Umalis ang hari at ang kaniyang mga kawal para maghanap ng pinakamataas na kalidad ng buko sa buong kaharian. May nakita ang hari na isang kalabasa sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay at sinubukan niyang gumawa ng Jac-o Lantern mula rito habang sila ay naghahanap ng buko. Nakaamoy ang hari ng masangsang na amoy mula sa kalabasa ngunit pinagpatuloy niya pa rin ang paggawa ng Jac-o Lantern mula dito. Wala siyang mapaglagyan ng laman ng kalabasa kaya kinain niya nalang ito dahil ilang buwan na rin naman ang nakalipas mula noong selebrasyon ng pista ng araw ng mga patay noong Nobyembre at nasasabik na ang hari sa lasa ng kalabasa. TALASALITAAN kalidad - kondisyon ng kayarian ng isang bagay o gawain masangsang - mabaho o hindi ka nais-nais na amoy 8 nasasabik - nagagalak, nagmamadali, o hindi makapag-intay

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakakita na sila ng puno ng buko, sila'y pumitas ng madaming buko at agad nang bumalik sa kaharian para ibigay ang buko sa mahal na reyna. Kasabay nito, nais din ibigay ng hari ang kaniyang nagawa na Jac-o Lantern sa asawa bilang regalo, ngunit biglaang sumakit ang tiyan ng hari. Sabi niya sa mga kawal na nag-aalala ay \"Wala ito, wag kayong mag-alala.\" Sila ay nakauwi na at naibigay na ng hari ang kaniyang bagong gawang Jac-o Lantern sa asawa pati na ang bagong pitas na buko. Ngunit masakit pa rin ang tiyan ng hari. Hindi nagtagal ay nilagnat ang hari at tuluyan na ngang lumipas. TALASALITAAN 9 lumipas - namatay o nawala

Napagtanto ng reyna at ng mga kawal sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon na ang nagdulot pala ng sakit ng tiyan ng hari ay ang laman ng kalabasang ginamit ng hari bilang pang-gawa ng Jac-o Lantern na niregalo niya sa reyna. Ang kalabasa pala na kanilang nadaanan ay ilang buwan nang panis at galing pa sa pista ng araw ng mga patay noong nakaraang Nobyembre. TALASALITAAN masusi - maingat o pinaghandaan 10

Nagdaan ang ilang buwan at nanganak na ang reyna habang nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng minamahal na asawa. Pinangalanan ang munting prinsipe na \"Jacobo\" bilang pagpupuri sa hari na may hilig sa Jac-o Lanterns at sa Buko na hilig naman ng reyna. Ang bigayan ng regalong Jac-o Lantern at Buko rin ang huling naging makabuluhang interaksyon ng hari at reyna bago pa man magkasakit ang hari. Si Prinsipe Jacobo ang tanging nagsisilbing pagpapaalala sa reyna ng huling masayang pagkakataon na kanilang pinagsaluhan ng hari. ARAL Ang kuwentong ito ay tumatalakay sa Benedictine Hallmark na Discipline dahil sinasabi nito na kailangan nating matutong alagaan ang ating sarili at huwag baliwalain ang mga nararamdaman na sakit, magsabi agad sa ibang tao upang matulungan ka nila. Maging disiplinado sa iyong kinakain at ginagawa, maganda rin na pagisipan muna ito ng mabuti bago gawin dahil kung hindi, mapapasama lamang ang iyong kalagayan katulad ng nangyari sa hari. TALASALITAAN makabuluhan - makatotohanan, importante, o may saysay 11

\"Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.\"

152

III ANG ALAMAT NI GABRIEL May isang batang babaeng nagngangalang Rouiella. Siya ay gutom na gutom at naninirahan lamang siya sa lansangan. Kahit na wala siyang makain at wala siyang maayos na damit, palagi siyang nagdarasal sa Panginoon na sana may mag-alaga sa kaniya na mapagmahal na magulang. Sumunod ang ilang araw, may mabuting mag- asawa na nakakita sa kaniya at agad siyang tinulungan. Kinupkop ng mag-asawa si Rouiella at pinalaki siya sa tamang paraan sa buhay na ayon sa kalooban ng Diyos. Lumaking maka-Diyos, matulungin, at marespeto sa kapwa si Rouiella. TALASALITAAN 6 lansangan- daanan, kalsada, kalye 13 kinupkop- inalagaan, inaruga

Naisipan ng mga magulang ni Rouiella na kailangan na niyang pumasok sa eskuwelahan. Nang pumasok si Rouiella sa eskuwelahan ay lagi naman siyang inaasar at inaaway ng kaniyang mga kaklase bilang ampon. Palagi naman siyang ipinagtanggol ng kaniyang kaklase na si Gabby. Hindi niya pinapatulan ang kaniyang mga kaklase at ipinagdarasal pa niya ang mga ito na sana ay maisip nila na hindi maganda ang ginagawa nila. Dahil dito, naging magkalapit sina Gabby at Rouiella at naging matalik sila na magkaibigan. Pagkalipas ng ilang taon, sabay sila nakapagtapos ng kolehiyo bilang guro. Ilang eskuwelahan na ang sinubukang pasukan ni Rouiella, pero ni-isa ay walang tumatanggap sa kaniya. TALASALITAAN 164 ipinagtanggol- prinotektahan, dinipensahan matalik na kaibigan- malapit na kaibigan na laging nandyan para sayo

Habang si Gabby naman ay nagtatrabaho na bilang guro sa isang malaking eskuwelahan. Hindi nawalan ng pag-asa si Rouiella at patuloy siyang nanalig at humingi ng gabay sa Panginoon. Sa mabuting palad, natanggap siya bilang guro sa eskuwelahan na pinapasukan ni Gabby. Hindi makapaniwala ang dalawa at sabay nilang hinarap ang mga pagsubok ng pagiging guro. Ginalingan nila sa kanilang trabaho dahil pinangarap nila na makatulong sa mga bata at estudyante na magkaroon ng maayos na edukasyon. Sa tuwing magkasama sina Gabby at Rouiella, ay napapansin ni Gabby na may nararamdaman na siya para kay Rouiella. TALASALITAAN nanalig- naniwala, nagtiwala 15 mabuting palad- mabuting kapalaran, swerte 6 pagsubok- problema, paghamon,

Lalo niyang nagustuhan si Rouiella sa sobrang pagtitiwala niya sa Panginoon at pagmamahal niya sa kaniyang mga magulang. Nagplano si Gabby kung paano siya aamin kay Rouiella. Lumipas ang ilang araw, pumunta ang dalawa sa isang peryahan at sumakay sa Ferris wheel. Matapos sumakay ng Ferris Wheel, ay inamin na ni Gabby ang kaniyang nararamdaman para kay Rouiella. Sinabi naman ni Rouiella na parehas sila ng nararamdaman at inamin niyang matagal na siyang may gusto kay Gabby. Simula palang daw noong ipinagtatanggol siya ni Gabby sa mga nang-aaway sa kaniya noong bata sila ay may malaking pag-hanga na siya kay Gabby. TALASALITAAN ipinagtatanggol- pinoprotektahan, dinidipensahan 166

Lumipas ang tatlong taon, at sila ay nagpakasal sa harap ng altar. Matapos ang kasalan, isang biyaya ang dumating sa kanila. Biniyayaan sila ng isang anghel. Bago pa lumabas ang bata ay napag-isipan ng mag-asawa na bigyan na ito ng pangalan. Agad namang naisip ni Rouiella na ipagsama ang kanilang pangalan ni Gabby, at naisip nito ang pangalang \"Gabriel\". Hindi lamang ang kombinasyon ng pangalan nila ang kahulugan nito sapagkat ang pangalang Gabriel ay galing sa salitang “gavriel”, na ang kahulugan ay “God has given me strength”. TALASALITAAN 6 altar- isang istrukturang inilaan sa relihiyosong pagsimba, 17 kung saan ginagawa ang mga pag-aalay

Ang kahulugan naman nito sa bibliya ay “ang Diyos ay dakila”. Pinalaki rin ni Rouiella at Gabby si Gabriel sa paraan ng kagustuhan ng Diyos. Dito nagmula ang pangalang Gabriel. ARAL Maihahalintulad natin ang buhay ni Rouiella sa Benedictine Hallmark na Prayer: A life marked by liturgy, lectio and mindfulness. Dahil sa lahat ng pagsubok at paghihhirap na hinarap ni Rouiella ay nagdasal at nagtiwala siya sa Panginoon. Dapat nating gayahin at gawing inspirasyon si Rouiella, dahil hindi niya ginamitan ng masamang salita ang mga umaway sa kaniya kundi, pinagdasal niya sila at pinatawad. TALASALITAAN dakila - marangal, makapangyarihan 188

\"Wag ka maghanap ng taong makakaintindi sayo. Ang hanapin mo ay ang taong kahit hindi ka naiintindihan, hindi ka pa rin iniiwan.\"

19

IV ANG ALAMAT NG BERNABE Sa isang gubat, may isang munting kulisap na nakadapo sa isang malaking dahon na kung saan lagi itong sumisilip at tinitignan ang maliit na bayan. Humihiling na sana magawa rin niya ang mga nagagawa ng mga tao gaya na lamang ng paglalakad ng may dalawang paa, makakain ng masasarap na pagkain, makipag-usap sa mga tao at magkaroon ng kaibigan. Isang araw, may mga batang naligaw sa kagubatan at dito napukaw ang pansin ng mga bata at lumapit sila rito, ngunit hindi namalayan ng munting kulisap ang makukulit na mga bata ay palapit na sa kaniyang likuran. Nasiyahan ang mga bata nang makita ang kulisap at pinalibutan nila ito. TALASALITAAN kulisap - insekto 20 napukaw - nagising 18 namalayan - naramdaman o nakita

Naisipan ng mga bata na paglaruan ito at insultuhin. Ang munting kulisap ay natakot at sinubukang tumakas ngunit napapalibutan ito kaya naman nang mahawakan siya ng isang bata ay nakagat niya ito dahil sa takot. Gayunpaman, ang isang bata na nagngangalang “Louise” ay napadaan at nakita ang mga pangyayari. Lumapit siya at pinagtanggol ang munting kulisap, pinagsabihan ni Louise ang mga bata na maghanap na lamang ng daanan upang makalabas sa gubat sapagkat malapit nang bumaba ang araw. Tuluyan nang umalis ang grupo ng mga bata at iniwan na ang munting kulisap. Nang iniwan ng mga bata ang munting kulisap ay lumipad ito palayo bagama’t napansin niya na hindi umalis si Louise. Kinabahan nanaman ang munting kulisap nang lumapit ang bata. Ito ay humingi nang patawad sa ikinilos ng mga bata kanina. TALASALITAAN 21 insultuhin - galitin o inisin pinagtanggol - dinepensahan gayunpaman - Ngunit o bagama't

Napaisip rin si Louise na sana tao na lamang ang kulisap para hindi na siya nag-iisa. Aalis na sana ang bata ng biglang may isang liwanag na nagpakita. Ang kulisap at ang bata ay biglang natakot ngunit habang lumalapit ang liwanag, napansin nila na ito pala ay isang diwata. Ito ay nagsalita at sinabing narinig niya ang kanilang mga hiling. Sinabi ng diwata na bibigyan niya ng pagkakataon ang kulisap na maging isang bata ngunit sa isang kundisyon: magiging tao lamang ito sa unang araw ng Setyembre hanggang sa huling araw ng Disyembre. “Ber na, be ya!” Sabi ng diwata kay Louise. Kailangang sabihin ito ni Louise ng tatlong beses upang maging tao ang kulisap. TALASALITAAN diwata - sinaunang babaeng bathala, o kaya'y nilalang na nasa anyong babae. 22 kundisyon - Isang pangyayari na dapat may maganap bago pahintulutan ang isang bagay.

ber na , be ya! Natuwa ang dalawa nang marinig nila ito lalo na nang napagtanto nila na ‘ber months na. Sinabi bigla ni Louise ang “Ber na, be ya!” at biglang nagbago ang anyo ng kulisap. Napasigaw ang dalawa sa tuwa at nagpasalamat sa diwata. Pagkatapos ay sinabi ni Louise na ipapakita niya sa bata ang kabuoan ng bayan upang kaniyang maranasan kung paano mamuhay bilang isang tao. Namangha ang bata sa mga palamuting nakasabit para sa kapaskuhan at ang kabuoang kasiglahan ng mga mamamayan. Napag desisyonan ni Louise na “Eya” na lamang ang ipangalan at itawag sa kulisap habang ito ay tao pa. Sa wakas, naranasan na din niya kumain ng iba’t ibang mga pagkain, TALASALITAAN 23 napagtanto - nalaman namangha - nabilib palamuti -dekorasyon, dekor

makipag-usap sa mga tao, pumunta sa mararaming lugar gamit ang kaniyang dalawang paa at magkaroon ng kaibigan. Isang araw, habang ang dalawang magkaibigan ay papunta na sana sa tabing dagat ay nakita ni Eya ang mga batang gumulo sa kaniya noong siya ay kulisap pa. Napuno ng galit si Eya at nilapitan ang mga bata kahit na binalaan na siya ni Louise pero ang nasa isip lamang ni Eya ay sinaktan sila parehas at nararapat lang na maghiganti siya. Biglang itinulak ni Eya ang batang unang nanggulo sa kaniya at natumba ito. “Lexa!” sigaw ng kaniyang mga kaibigan at agad na pinalibutan si Lexa para protektahan ito. Aawayin na sana ulit ni Eya ang iba pang mga bata ngunit hinila siya ni Louise at tumakas ang TALASALITAAN maghiganti - ibalik ang ginawang masama sa iyo sa kapwa mo 24

dalawa patungo sa gubat. Pinagsabihan ni Louise si Eya at sinabi na kahit inaway siya, masama pa rin ang maghiganti. Sa pagsabi niya nito ay may biglang lumitaw na liwanag. Nagulat ang magkaibigan nang nagpakita muli ang diwata. Galit ang diwata. Sinabi ng diwata na dahil sa ginawa ni Eya ay ibabalik na siya sa pagiging kulisap kahit ‘ber months pa. Si Eya ay tuluyan nang bumalik bilang isang kulisap at napag isip-isip niya na mali ang kaniyang mga ginawa. Makalipas ang ilang linggo, hindi pa tapos ang ‘ber months ay muling lumitaw ang diwata. “Ako ay nagagalak na napagtanto mo na ang iyong mga maling nagawa. Bibigyan muli kita ng isa pang pagkakataon para maging tao,” sabi ng diwata. TALASALITAAN lumitaw - nagpakita 25

“Ber na, be ya! Ber na, be ya! Ber na, be ya! ” sigaw ng diwata at naging tao na ulit ang kulisap. Dali-dali siyang lumabas sa gubat upang hanapin at sorpresahin ang kaibigang si Louise. Sa kaniyang paglalakbay, nakasalubong niya ang isang matandang babae na may dala-dalang malaking bayong na may lamang mga palamuti para sa darating na kapaskuhan. Napansin ni Eya na hirap magbuhat ang matanda kaya nagdesisyon siyang lapitan ito at tulungan. Binuhat niya ang malaking bayong hanggang sa makarating sa bahay ng matanda. Nagpasalamat ang matanda kay Eya at umalis na siya upang hanapin si Louise. Habang siya ay naglalakad sa may palengke, may nakita siyang bata na umiiyak at sumisigaw ng “Mama!” TALASALITAAN bayong - isang uri ng lalagyan na gawa sa dahon ng palma 26

Agad niya itong tinanong kung saan sila huling magkasama ng kaniyang ina. Itinuro naman ito ng bata at nagbakasakali ang dalawa na bumalik ang ina ng bata roon. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik nga ang ina ng bata sa lugar na iyon na may dalang pang Noche Buena at niyakap ang bata ng mahigpit. Bilang pasasalamat kay Eya, niyaya ng mag-ina na saluhan sila sa Noche Buena mamayang hating gabi. Tumanggi si Eya dahil hahanapin niya pa ang kaniyang matalik na kaibigan at matapos magpasalamat ay kaagad na itong umalis. Nakaramdam bigla si Eya ng pagkagutom at pumunta sa pinakamalapit na tinapayan. Bumili siya ng dalawang pandesal at habang TALASALITAAN 27 Noche Buena - Pagsasalu-salo ng mga pamilya na nagaganap tuwing bisperas o bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko

kinakain niya ang isa dito ay may lumapit na mapayat na aso. Mukha itong gutom na gutom kaya naman naawa siya rito at binigay na lamang ang natitirang pandesal. Nagpatuloy si Eya sa paglalakad at nakarating sa simbahan. Pumasok siya sa simbahan upang dumalo sa Simbang Gabi. Natapos na ang Simbang Gabi at siya ay nagtungo na sa bahay ni Louise. Siya ay nakakita ng grupo ng mga bata na tila may inaaway. Nalungkot at naalala niya ang nangyari sa kaniya noong siya ay kulisap pa. Naglakas loob siyang lapitan ang mga ito at hindi niya inaasahang si Louise pala ang inaaway ng mga bata. Upang bigyan ng leksyon ang mga bata, dali-dali niyang kinuha ang atensyon ng pulis na malapit sa kaniya. Agad namang napansin ng pulis at lumapit kay Eya at tinanong kung anong problema. TALASALITAAN Simbang Gabi - isang tradisyonal na pagdiriwang ng Banal na Misa sa 28 Pilipinas sa panahon ng Pasko.

Ipinaliwanag ni Eya ang nangyayari at pinuntahan na nga ang mga batang nang-aaway kay Louise. Pumito ang pulis at nagulat ang mga bata. Agad tinulungan ni Eya si Louise at ang pulis naman ay pinagsabihan ang mga batang nang-away. Humingi ng tawad ang mga bata at sinabing hindi na ito mauulit. Pinatawad naman sila ni Louise. Nagpasalamat ang dalawang magkaibigan sa pulis at sila ay nagpatungo na sa bahay ni Louise upang doon mag- Noche Buena at magdiwang ng kapaskuhan. Araw na ng kapaskuhan at naglalaro ang dalawa sa labas nang muling lumitaw ang diwata. Nagulat ang magkaibigan. Napangiti naman ang diwata sa reaksyon ng dalawa. TALASALITAAN 29 kapaskuhan - isang pang-relihiyosong piyesta opisyal kung saan ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang kapanganakan ni Jesucristo

“Ako ay may dalang magandang balita para sa iyo Eya,” sabi ng diwata. Nagtanong si Eya kung ano ito. \"Hindi ka na babalik sa pagiging munting kulisap at pang habang buhay nang magiging tao,” wika ng diwata. Tuwang-tuwa ang dalawa at paulit-ulit nagpasalamat sa diwata. Naglaho na ang diwata at nagpatuloy nang maglaro ang dalawa. Dahil sa kasiyahan, inulit-ulit ni Louise ang salitang “Ber na, be ya!” upang asarin ang kaibigan. Naisip ni Eya na gawin na lamang “Bernabe” ang kaniyang apelyido kaya naman naging Eya Bernabe ang buo niyang pangalan. At dito nga nagmula ang apelyidong Bernabe. TALASALITAAN Naglaho - nawala 30

ARAL Ang aral na makukuha natin sa maikling kuwento ay ang paghihiganti ay hindi nakakadulot ng maganda sa lahat sapagkat may kapalit itong kaparusahan sa iyo. Kapag ang isang tao ay nakagawa ng mali dapat marunong din tayo humingi ng tawad sapagkat dito nagsisimula ang pagkakaroon ng maayos na pakikipag- usap sa taong ating nasaktan. Bukod rito, ang paghihingi ng tawad sa ating kapwa ay nagpapagaan sa ating isip at kalooban dahil nakakatulong ito sa pag-aayos ng relasyon. Bilang estudyante ng San Beda University, ilan sa benedictine hallmark ang makikita sa maikling kuwento at itong ang pagiging responsable sa lahat ating maling nagawa, mapagkumbaba at ang pagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa ating kapwa. Karagdagan, kapag ang isang tao ay nangangailangan ng tulong, wag tayo matakot ipagtanggol ang naaapi dahil kung alam nating nasa tamang panig tayo, ang Diyos na ang magbibigay ng daan upang matulungan tayo. 31

Kapag nadapa ka, Bumangon ka! Tandaan mo, may pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, TAMA sila!

ANG ALAMAT NI MUÑOZ 932

V ANG ALAMAT NG MUÑOZ Noong unang panahon ang mga hayop lamang ang mga namumuno sa mundo. Sila ay may iba't-ibang mga tunog na nililikha. Katulad na lamang ng ibon na kumakanta ng “twit twit”, mga liyon na nagsasabi ng “ROARR” at marami pang iba. Isang araw, may nakasalubong ang mga hayop na isang tulad nila, ngunit hindi pa nila nakikita. Napatingin ang mga ibon, layon, elepante, tigre at marami pa at namangha sa ginawang tunog na ginawa ng baka. “MU! MU,” ang sabing tinig nito. Hindi sila makapaniwala dahil ngayon lamang nila narinig ang tinig na ito. Ang leon at elepante gustong makipagkaibigan sa bagong hayop ngunit pinigilan sila ng tigre at ibon at sinabihan na huwag lalapit sa bagong hayop dahil hindi pa ito kilala. TALASALITAAN tinig - tunog 33

Isang araw mayroong nakakatakot na ahas na ginambala ang mapayapang pamumuhay ng mga hayop. Masyadong takot ang ibang hayop kaya nagtago na lamang sila sa isang kuweba. Ngunit naglakas loob ang baka na paalisin ang ahas. Nang matagumpay nyang mapa-alis ito, nagsilabasan ang mga hayop sa kuweba at nagdiwang. Sila ay nagpakilala sa baka na tinatawag na nilang “MU” dahil sa tunog na ginagawa nito. TALASALITAAN ginambala - inabala 34

Makalipas ang panahon naging magkaibigan ang mga hayop na ito at sila ay nag nagdiwang kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang grupo. Napaisip si tigre na bakit hindi na lang kaya “Ñoz” dahil yun ang tawag sa bundok na pinagkukunan nila ng mga pagkain upang sila ay mabuhay. Napaisip rin si ibon na bakit hindi nalang ipagdugtong ang ginagawang tinig ng baka “MU” at “Ñoz” at doon nabuo ang sinasabing apelyido na “Muñoz”. TALASALITAAN 12 makalipas - pagkatapos 35

ARAL Ang aral na mapupulot sa nasabing alamat ay maaaring patungkol sa “tiwala,” mahalagang mag-ingat muna bago kilalanin ang isang nilalang sapagkat hindi natin alam kung anong pupuwedeng mangyari sa atin kapag nagtiwala tayo agad. Sa kabilang panig naman ay huwag din tayo maging mapanghusga dahil masama ang panghuhusga ng hindi muna sinusuri ang totoong kaugalian ng nasabing bagay. 36

\"Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.\"

37

VI ANG ALAMAT NG ILAGAN Sa isang isla, pinamamahayan ito ng mga diwata/engkantada na may iba’t ibang kapangyarihan. Ginamit nila ito sa kanilang pagpapaunlad ng kanilang nasasakupan. Laking tuwa ng kanilang pinuno sa naging resulta ng pagpapaganda, at gusto niya pa itong gawing engrande para may ipagmalaki siya sa kaniyang sinasakupan. TALASALITAAN pinamamahayan- tinitirhan diwata/engkantada- fairy, goddess, diyosa, nimpa, o lakambini 38 engrande- bongga, mas maganda, malaki

Isang araw, masaya silang nagsalo-salo at patuloy ang paggamit ng kanilang kapangyarihan para sa kanilang ikasasaya. Ngunit tila may narinig silang boses na hindi sila tiyak kung kanino nanggagaling; sinabi na may hangganan ang kanilang kapangyarihan at gamitin lang ito sa mahahalagang bagay. Sinabi niya ang paalala sa kaniyang pinuno subalit wala itong pakialam, at sinabi niya na hindi raw yuon totoo. TALASALITAAN nagsalo-salo- isang piging o handaan, sama-sama 39

Wala nang nagawa ang diwata. Kinabukasan, may hindi sila inaasahan na sakuna. Pipigilan dapat ito ng mga diwata ngunit hindi na sapat ang kapangyarihan na mayroon sila. Hindi na nila NAILAGAN ang sakunang dumating sa kanilang lugar. TALASALITAAN 40 sakuna- kasawian, desgrasya, kapahamakan

ARAL Ang aral na makukuha sa alamat na ito ay huwag mong abusuhin ang mga bagay-bagay at iwasan rin ang masyadong pagmamayabang sa kung ano ang mayroon ka. Ang alamat na ito ay maihahalintulad sa Benedictine Hallmark na \"Obedience\" o pagiging masunurin, matutong makinig at sumunod sa sinasabi ng iba at huwag rin itong babaliwalain sapagkat para rin ito sa sarili mong ikabubuti. 41

MGA MAY-AKDA ANG ALAMAT NG MONDRAGON Baylosis, Christine Emerille Chua, Christian Andrew Gadi, Llana Drizelle Mondragon, Nadine Sicat, Marco Augustine Velas, Mikeala Emery ANG ALAMAT NI JACOBO Asistio, Samantha Grace Disono, Janno Christian Jacobo, Jhamir Bren Ortaliz, Julianna Clarisse Paligutan, Jamil Cres Perez, Lyndon Xavier Saturnino, Keane Frey Volante, Jose Antonio ANG ALAMAT NI GABRIEL Careng, Alyssa Felice Gabriel, Danisha Keziah Leyte, Dana Elisha Plazaras, Jed Monde Sadoy, Zarah Dominique 42


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook