Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FAQs - Kasalang Martinez at Comia

FAQs - Kasalang Martinez at Comia

Published by Karlo Zyri Martinez, 2023-08-24 14:42:10

Description: Mga Kalimitang Tanong

Search

Read the Text Version

FAQS MGA KALIMITANG TANONG Karlo at Zyri FYI, TAGLISH TO, UBOS NA UNG TAGALOG NAMIN. HIRAP MAGTRANSLATE KAYA BASAHIN NYO NG MAIGE PLEASE.

1.May theme ba? Oo, Boho-Filipiniana kaya nirerequest namin na ang mga bininibini at ginang ay magsuot ng Modern Filipiniana or mahabang bistida. Para sa mga binata at ginoo naman, kung maari ay magsuot kayo ng barong Tagalog (na walang kulay please!) Let our special day be a fun excuse para magdress up tayo and look fab. Para din may pang-update ng profile picture bago matapos ang 2023, dba? Please refer sa invitation para sa gabay sa kulay ng kasuotan. 2. Anong oras ang kasal? Magsisimula po ang kasal ng 2pm. Kung maari lamang ho ay nasa simbahan na kayo ng o bago ang 1:30 pm para makaupo ng ayos at maihanda ninyo ang inyong mga sarili para sa Banal na Sakramento. Tsaka syempre para pretty and pogi sa pictures and hindi pawis! Remember, tag-init yun! ;)

3. Saan ang baysanan? Kami ho ay ikakasal sa Auckland, New Zealand sa ika-19 ng Disyembre, 2023. Gustuhin man ho naming makarating ang lahat ng mga mahal namin sa buhay na nasa ibang bansa, naiintindihan ho namin na maraming mga ganap ng Disyembre. Maiintindihan ho namin kung kayo ay hindi makakarating. 4. Anong gusto nyong gift? Kompleto na po kami sa gamit pambahay pero kung mapilit kayo, regalong salapi para pam- panimula ang aming nais. Pampaswerte daw yun? Tingnan nga natin kung totoo! haha tumatanggap po kami ng cash or pwede din bank transfer ganern. CHAR. Kidding aside, your presence po sa araw na ito ang pinakamagandang present.

5. NakapagRSVP na ako pero hindi na pala ako makakadalo. Naiintindihan namin na may mga pwedeng mabago dahil wala namang perpekto sa mundo. Kung dumating ka man sa ganitong sitwasyon, pakisabihan kami agad-agad. Wag kang mahiya. No questions asked either from our end. Kung maari ay pakisabihan kami ng maaga para din maiayos namin ang aming guest list agad para less stress for all of us. Ayaw natin ng brideZYlla, dba? 6. Paano kung nag-NO na ako pero pede na pala ako makadalo? No promises pero sabihan mo lang kami as soon as possible. Kapag nagNO na or wala kaming natanggap na RSVP, we may have already allocated yung upuan mo sa iba. Ganunpaman, sabihan mo pa rin kami in case may mga ibang magcancel last minute. Sana maintidihan mo na wala kaming maipapangako.

7. Pwede ba mag plus one? Hindi po pwede, sorry! Naka-saad kung ilang upuan ang nakareserve para sa inyo. Limitado lamang po ang space sa venue na pinili namin as we want to try and keep it intimate. Pero alam nyo naman, mahirap ang small number/intimate na event para kay Zyri at Karlo kasi pareho silang extrovert. Gustuhin man naming makasama lahat ng mga taong malapit sa puso namin, hindi ito possible. 8. What if magshow up ako kahit di ako nagconfirm or RSVP? We love surprises pero wag naman po sana yung ganito please. Pero kung may dala kayong susi ng brand new Toyota Highlander ZR na dream car ni Zy, sige po baka magbago isip namin. CHAR!!! Seriously, wag nyo po kaming ilagay sa ganitong sitwasyon please. Again, we'll take silence or no reaction as a NO.

9. Sino ang contact person pag hindi kayo mareach on the day? Kalma, kami lang to! Grabe naman sa hindi ma- reach. Kapag tumama kami sa lotto, di namin kayo kakalimutan. Charot! Pakicontact po si Danielle David a.k.a. Nielle on 021 162 3154 kung may mga katanungan po kayo sa araw na iyon. 10. Pwede bang kumuha ng mga larawan sa simbahan? Super bet namin yan! Request sana namin na tulungan nyo kaming icapture ang espesyal na araw namin through your eyes. Pero sana po, try nating wag maging pasaway lalo na sa simbahan. May mga photographers and videographers kami so there will be official photos and videos pero we would also love your snaps! Please make sure na hindi puro phone ang makikita kapag naglalakad na ng aisle ha? Habang nagmimisa, let us be more present para mas madama natin ang tunay na pag-ibig which is the main reason kung bakit tayo ay magtitipon tipon sa araw na iyon.

11. Pwede bang umupo kahit saan sa reception? May seating chart po na pinagpuyatan namin para masigurado na komportable tayong lahat. Pakirefer nalang sa gabay na iyon para malaman kung saan kayo dapat umupo. Malay nyo may surpresa palang naghihintay sa upuan nyo. 12. Kailan ang kainan? May canapés po na iseserve at 5pm sa may lawn area ng Turanga Creek. Tapos ang hapunan naman po ay iseserve ng 7pm. Pakihanda po hindi lamang ang inyong mga tyan kasi bubusugin namin kayo hindi lang ng pagkain pero pati na din sa tawanan at pagmamahal sa araw na yun. 13. Pwede ba umuwi ng maaga? Sobrang pili ang aming mga bisita at may tiwala kami na excited din kayong makicelebrate sa bagong kabanata namin. Kung maaari po ay magstay kayo hanggang sa dulo. Ngunit, kung kailangan nyo nang umalis, don't forget na magbeso and magpicture bago gumora ha!


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook