Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Doon po sa Amin

Doon po sa Amin

Published by lrportal, 2023-02-10 10:00:22

Description: Doon po sa Amin

Search

Read the Text Version

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - Doon Po Sa Aminelectronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Kuwento at guhit ni Jeanwin S. Geronaga

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Y ehey!” masiglang wika ni Carl habang naghahanda sa pagpasok. Ngayon ang huling araw ng kanilang pasok sa paaralan. Bukas kasi ang simula ng isang masayang bakasyon para sa kaniya.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Magandang umaga po, Nanay at Tatay,” matamis na bati ni Carl sa mga magulang. Nakangiting tumugon sina Aling Trixie at Mang Buboy sa masayang bati ng anak. “Halika na’t kumain. Mayamaya parating na ang iyong sundo,” paalala ng kaniyang nanay.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Carl,!” tawag ng kaibigan niyang si Jepoy. “Masaya ka ba dahil bukas ay hindi na tayo papasok? Makapaglalaro na tayo nang matagal sa bahay at hindi na rin tayo gigising nang maaga para maligo,” sunod-sunod nitong paglalahad.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Oo, Jepoy!” mabilis na sagot ni Carl sa kaibigan. “Uuwi kami sa probinsiya. Doon kami magbabakasyon,” dagdag pa ni Carl. “Mabuti ka pa, may probinsiyang pupuntahan. Sina Mama at Papa ay parehong tagarito sa Maynila,” pagbabahagi naman ni Jepoy sa kaibigan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Huwag kang mag-alala, Jepoy. Magiging masaya rin naman ang iyong bakasyon kahit hindi ka aalis ng Maynila dahil kasama mo naman ang pamilya mo. Hayaan mo, ikukuwento ko sa iyo ang aking mga karanasan sa aming magiging bakasyon.”

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Ikukuwento ko sa iyo lahat ng mga bagay na ginawa ko at mga lugar na pinasyalan ko sa aming probinsiya. Kukunan ko ito ng mga litrato para maipakita ko sa iyo pagbalik ko mula sa aming bakasyon,” mahabang paliwanag ni Carl kay Jepoy.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Saan ba ang probinsiya ninyo?” tanong ni Jepoy sa kaibigan. Hindi na nakasagot si Carl sa tanong ni Jepoy dahil dumating na ang kanilang guro na si Ginang Luna. Dali–daling bumalik ang mga bata sa kani–kaniyang upuan upang maghanda sa sasabihin ng guro.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Magandang umaga, mga bata!” bati ng guro. “Magandang umaga rin po, Ginang Luna,” magalang na bati naman ng buong klase. “Nais kong ipabatid sa inyo ang pagtatapos ng ating klase ngayong araw,” masayang wika ng guro.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Ayos!” tuwang–tuwang hiyaw ng mga bata. Sandaling umingay ang loob ng silid–aralan dahil sa iba’t ibang reaksiyon mula sa mga ito. Mapapansing tuwang-tuwa ang magkaibigang sina Carl at Jepoy.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Saan man kayo magpunta ngayong bakasyon, tiyakin lamang na magiging sulit at kapaki-pakinabang ito,” payo ni Ginang Luna sa mga bata. “Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam sa inyo mga bata,” masayang pagwawakas ng guro.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa bahay, masayang nagluluto si Aling Trixie sa kusina. “Carl, anak, nandiyan ka na pala. Pakikuha mo ang mangkok sa mesa. Magpalit ka na rin ng damit mo. Bilisan mo at may sasabihin ako sa iyo na ikasisiya mong tiyak,” nakangiting pagsasalaysay ng nanay ni Carl.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Agad tumalima si Carl sa utos ng kaniyang nanay. Ang pagpapalit niya ng damit ay kasimbilis ng takbo ng tren. Ano kaya ang magandang balita na sasabihin ni Aling Trixie kay Carl? Ito kaya ay tungkol sa kanilang bakasyon sa probinsiya?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Anak,” bungad ni Aling Trixie. “Samakalawa na tayo aalis. Ihanda mo na ang iyong mga gamit. Maaga tayong bibiyahe upang makaiwas sa maraming pasahero at mabigat na daloy ng trapiko lalo pa’t malapit na ang Mahal na Araw,” paliwanag kay Carl ng ina. Masayang- masaya si Carl sa ibinalita ng kaniyang nanay.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Carl. Umalis sila ng lungsod sakay ng pampasaherong bus papuntang pantalan kung saan sasakay naman sila ng barko hanggang makarating sa kanilang probinsiya. Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Carl ng araw na iyon.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Habang papalapit ang barkong sinasakyan ng mag–anak sa pantalan ng probinsiya, manghang–mangha si Carl sa ganda ng tanawing bumungad sa kaniya. Hindi niya napigilang magtanong sa ama. “Tatay, nasaan na po tayo?” tanong ni Carl kay Mang Buboy.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Nasa Marinduque na tayo, anak. Dito ang probinsiya natin,” may pagmamalaking wika ni Mang Buboy sa anak. “Wow!” bulalas ni Carl. Nilapitan sila ni Aling Trixie. “Malaki na ang ipinagbago ng ating lugar. Marami pa tayong magagandang tanawin na makikita at mapapasyalan,” wika pa nito sa mag-ama.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa tahanan ng mga magulang nina Aling Trixie at Mang Buboy sa probinsiya, masayang nagkumustahan ang lahat. Matagal na rin ang huling beses na umuwi ang pamilya nila rito. Hindi sila magkamayaw sa pagpapalitan ng kuwento.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Walang sinayang na sandali ang mag–anak ni Mang Buboy. Ilang araw lamang ang ilalagi nila rito. May trabaho pa siyang babalikan sa Maynila. Plano nilang libutin ang mga dinarayong lugar sa bawat bayan sa probinsiya. Umarkila sila ng dyip. Ito ang sasakyan nila kasama ang iba pang kamag-anak.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa kanilang unang pupuntahan, nasilayan ni Carl ang ganda ng tatlong pulong animo’y tulad ng bangkang naglalayag sa kalmadong karagatan. Kinuhanan niya ito ng litrato. “Anong lugar po iyon, Lolo?” magalang na tanong niya. “Iyon ang Tres Reyes Island,” sagot ng matanda sa apo.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa kanilang ikalawang paghinto, tumambad sa kaniya ang linis ng isang bukal na ang tubig ay sing–init ng sikat ng araw ng umagang iyon. Kinunan niya ito ng litrato. “Anong lugar po ito, Lolo?” magalang na tanong niya. “Ito ang Malbog Hot Spring,” sagot muli ng matanda sa apo.  

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Tanghali na. Mahaba–haba na rin ang kanilang nilakbay. Tumigil sila sa isang lugar para magtanghalian. Pagbaba ni Carl ng dyip, namalas niya ang tubig-dagat na sing-asul ng langit. Kinunan niya ng litrato ang buong lugar. “Anong lugar po ito, Lolo?” magalang na tanong niya. “Ito ang Poctoy White Beach,” sagot ng matanda.  

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Maya–maya pa, umarangkada na muli ang dyip sa kalsada. Busog na busog ang mata ng lahat sa magagandang tanawin ng probinsiya. “Tama si Gng. Luna. Sulitin ang bakasyon at gawing kapaki- pakinabang,” wika ni Carl sa sarili mula sa dyip na kaniyang sinasakyan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Narating nila ang Bathala Cave kung saan ang loob ng kuweba ay sindilim ng gabi. Tumulak din sila sa Luzon Datum, ang bundok na kasintaas ng tore ng hari. Dito raw matatagpuan ang sentro ng Pilipinas. Kinunan niya ang lahat ng mga ito ng litrato gaya ng ipinangako niya kay Jepoy.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Bago sila tuluyang umuwi, dumaan muna sila sa simbahan ng Boac upang magpasalamat sa Diyos para sa kanilang ligtas na pamamasyal. Muli, kinuhanan ito ni Carl ng litrato. “Wow! Ang simbahang ito ay kasinluma ng mga sinaunang bagay sa museo,” manghang wika ni Carl sa sarili.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Lumapit kay Carl ang kaniyang lolo. “Pagod ka na ba, apo? May pupuntahan pa tayo mamayang gabi,” wika ng kaniyang lolo. “Saan po, Lolo?” tanong niya. “Manonood naman tayo ng praktis ng Pugutan sa plasa. Ipapalabas ito sa susunod na araw sa gitna ng bayan.”

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. “Sasama po ako Lolo. Susulitin ko po ang aking bakasyon para marami po akong maikuwento sa aking kaibigan pagbalik ng Maynila,” masayang sagot ni Carl sa kaniyang lolo. “Ay hala, tayo nang umuwi para makapagpahinga muna at makakain,” yaya na ng lolo sa apo.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Naging masaya ang bakasyon ng pamilya nina Mang Buboy at Aling Trixie lalo na ni Carl sa kanilang magandang probinsiya ng Marinduque. Dahil dito, nangako sila na muling babalik sa susunod na taon upang magbakasyon.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Tungkol sa May-akda Si Jeanwin S. Geronaga ay nagtapos ng kolehiyo sa Marinduque Midwest College sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education noong 2006. Kumuha ng units sa Master of Arts in Educational Management sa Marinduque State College ng taong 2014. Siya ay kasalukuyang Teacher II sa Gasan Central School sa Purok ng Gasan, Sangay ng Marinduque.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook