All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Kwento ni: Guhit ni: Jocelyn A. Inigo Marianne A. Manzano
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Treasury of Storybooks This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2017 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2017 of the Department of Education. Inigo, Jocelyn A. Isa, Dalawa, Tatlo, DepEd-BLR, 2018. Development Team Writer: Jocelyn A. Inigo Illustrator: Marianne A. Manzano Layout Artist: Edna S. Ong Learning Resource Managers: Florecita G. Razo, PhD (Candon City Division) Gina A. Amoyen (Region 1) Candon City Division Region 1
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. LEARNING COMPETENCIES: 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento (F3PN-Ic-j-3.1.1) 2. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa paligid (F3WG-Ia-d-2) 3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento (F3PBH-If-3.2) 4. Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamangbilis, diin, tono, antala at ekspresyon (F3TA-Oa-j-3) 5. Nailalarawan ang mga elemento ng kuwento (tauhan, tagpuan, banghay) (F3PB-IIb-e-4)
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Minamahal kong mag-aaral, Ang may-akda ay lubos na nagagalak na kayo ay bahaginan ng isang kuwentong kapupulutan ninyo ng aral. Ipinapakita ng mga tauhan sa kuwento ang iba’t ibang magagandang pag-uugali na dapat taglayin ng bawat bata, ang pagsusumikap at determinasyon upang abutin ang pangarap anumang pagsubok ang dumating sa inyong buhay. May Akda
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa isang tahimik na baryo kung saan payapa ang lahat na namumuhay, may isang matalino, magalang at mabait na batang babae. Siya si Celine. Siya ay palakaibigan kaya marami siyang kakilala sa kanilang lugar. 5
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Maaga siyang pumapasok sa paaralan ng Balingaoan.Dahil ito ay malayo sa kanilang bahay, madilim pa lang ay inuumpisahan na niyang maglakad sa mabatong daan. Ayaw kasi niyang mahuli sa klase. Bitbit pa niya sa kanang kamay ang mabangong bulaklak ng sampagita at ilang-ilang na kanyang pinagpuyatang gawin kagabi. Ibinibenta niya ito habang naglalakad. 6
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa kanyang paglalakad, nasalubong niya si Mang Filo, isang mabait na tsuper. “Magandang umaga po, Mang Filo,” bati ni Celine. “Magandang umaga, Celine. Mabango ang mga bulaklak na dala mo. Pabili nga ako ng tatlong sampagita,” nakangiting wika ni Mang Filo. “Isa, dalawa, tatlo. Ito po Mang Filo. Salamat po!” Nakangiting sabi ni Celine sabay abot kay Mang Filo ng mahalimuyak na sampagita. 7
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Naglakad muli si Celine. Papatawid na siya sa daan nang makita niya si Mang Cardo, ang matipunong pulis. “Magandang umaga, Mang Cardo,” masayang bati ni Celine.” Magandang umaga naman sa iyo, Celine,” nakangiting tugon ni Mang Cardo. 8
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. C“ eline, pabili ako ng tatlong sampagita at tatlong ilang-ilang,” pakiusap ni Mang Cardo. “Isa, dalawa, tatlo. Ito po Mang Cardo. Salamat po.” Nakangiting sabi ni Celine. 9
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Naglakad muli si Celine. Nasalubong niya si Ginoong Fernan, ang matiyagang guwardiya. “Magandang umaga Ginoong Fernan,” nakangiting bati ni Celine.” Magandang umaga naman sa iyo, Celine,” malugod na tugon ni Ginoong Fernan. 10
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. C“ eline, kaunti na lang iyang bitbit mong sampagita, ah! Ang sipag mo talaga.” sabi ni Ginoong Fernan. “Maraming salamat po Ginoong Fernan”, sagot ni Celine. 11
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Napadaan siya sa tapat ng tanggapan ng punongguro. Nakitaniya si Ginang Gamilde, ang mabait na punongguro. “Magandang umaga po, Ginang Gamilde. Bulaklak pong sampagita at ilang-ilang bigay ko po sa inyo. Mabango po ang ilang-ilang at sampagita.” alok ni Celine. “Maraming salamat, Celine.” natutuwang sagot ni Ginang Gamilde. 12
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Y“ ehey! Mabilis na naubos ang aking panindang mababangong bulaklak. May dagdag ipon na naman ako. Salamat po, Diyos ko.” sambit ni Celine. Agad niyang inilagay ang pera sa maliit na pitaka. Pagkatapos isinuksok niya ito sa malalim na bulsa ng kanyang bag. 13
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Tuwang-tuwa siyang pumasok sa malinis na silid- aralan. Binati niya ang kanyang guro na si Ginang Inigo. “Magandang umaga po, Ginang Inigo,” masayang bati ni Celine. Magandang umaga naman sa iyo, Celine,” nakangiting tugon ni Ginang. Inigo. Dali-daling tumulong si Celine sa mga gawain. 14
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Nagpakita ng gilas muli sa iba’t ibang mahihirap na asignatura ang bibong si Celine. Sadyang nabiyayaan siya ng Panginoon ng kakaibang talino sa pag-aaral. Nangunguna na naman siya sa klase. 15
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Matapos ang maghapong pag-aaral. Naglakad muli si Celine pauwi sa kanilang bahay. Tinanggal muna niya ang lumang sapatos at ipinalit ang pudpod niyang tsinelas. Nag-aalala kasi siya na baka masira ang nag- iisang pares ng sapatos. 16
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Sa paglalakad pauwi, naaliw siya sa kaniyang mga nakita. Malalaking bahay na may magagarang sasakyan. Punong-puno pa itong iba’t ibang luntiang halaman na lalong nagpapaganda sa malawak na hardin. 17
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Binibilang niya ito habang naglalakad. “Isa, dalawa, tatlo. Wow! Ang gaganda ng bahay!” Napadilat ang bilog niyang mata sa nakita. 18
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Biglang tumigil si Celine at nag-isip. “ Mag-aaral ako nang mabuti at tutuparin ko ang aking pangarap,” sambit ni Celine. 19
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Muling nagpatuloy sa paglalakad. Pagod man siya nang makarating, dali-dali niyang hinanap ang kanyang Nanay Fely at Tatay Ipe. “Nay, Tay, nandito na po ako. Mano po, Nanay,”wika ni Celine. “Kaawaan kang Diyos, anak.” tugon ni Nanay Fely. “Nasaan po si Tatay, Nanay?” tanong ni Celine sa kanyang Nanay. “Nasa labas, anak.” sagot ng kanyang ina. Hinanap agad ni Celine ang kanyangTatay. 20
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. M“ ano po, Tatay.” wika ni Celine. “Kaawaan ka ng Diyos, anak.” masayang sagot ng kanyang Tatay. 21
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Isa, dalawa, tatlo. Buhat! Isa, dalawa, tatlo. Buhat!” Paulit-ulit na sigaw ng mga malalakas na kalalakihan. Tulong-tulong sila sa pagbubuhat ng kanilang munting bahay kubo. “Nanay, ano po ang ginagawa nila sa ating bahay?” nagtatakang tanong ni Celine sa kanyang ina.“ “Bayanihan ang tawag diyan, anak,” malungkot na wika ni Nanay Fely. 22
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. P“ inapaalis na tayo sa lupang iyan, anak. Wala na tayong pambayad sa rentang lote dahil kaunti lang ang kita natin, anak,” sabay buhos ng luha na umagos sa mapulang pisngi ng ina. 23
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Ang pangyayaring ito na tila isang bangungot ang tumatak sa murang isipan ni Celine. Muli siyang nag-isip at napahinga nang malalim. “ Hay, balang araw…” pabulong na nawika ni Celine. 24
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Pagkatapos mahimasmasan, tumulong na si Celine sa pagliligpit ng mga nagkalat nagamit. Isa-isa niyang binuhat ang mga lumang karton nalagayan ng kanilang damit. 25
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Tumulong din siya sa pagluluto ng pagkain at paghahanda ng hapag-kainan. Pagkatapos kumain, iniligpit na niya ito. 26
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Maya’t maya, may naisip si Celine. Inilabas niya ang kanyang munting alkansiya. “Nay, pwede po nating gamitin ang naipon kong pera.” alok ni Celine sa ina. “Itabi mo nalang yan, anak para sa iyong pag-aaral,” tanggi ni Nanay Fely. “Magtiwala lang tayo sa mapagmahal na Poong Maykapal. Palagi lang tayong magdarasal. Alam kong kaaawaan Niya tayo,” malumanay na wika ni Nanay Fely. 27
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Isa, dalawa, tatlo… Taon ang lumipas. Ang lahat ay nakasuot ng puting damit. Araw ng pagtatapos. Walang pagsidlan ng saya ang lahat lalo na si Celine. Nagtapos siyang nakamit ang pinakamataas na karangalan. 28
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Ipinagpatuloy ni Celine ang kanyang pag-aaral sa Junior High School at Senior High School bilang isang iskolar ng kanilang bayan. Higit na nakatulong ito upang maitaguyod ang kanilang gastusin para sa kanyang pag- aaral. Muli nagkamit siya ng mataas na karangalan. 29
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Napabilang si Celine na iskolar ng kanilang bayan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at kumuha ng kursong medisina. Nagtrabaho rin siya bilang student assistant sa kanilang unibersidad upang matugunan ang iba pa niyang pinansiyal na pangangailangan. 30
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Walong taon pa ang lumipas. Si Celine ay isa nang napakahusay na doktor. Handang tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mahihirap. 31
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. May sarili na silang bahay. Hindi lang isa, hindi rin dalawa kundi tatlo pa ang magaganda niyang bahay. 32
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. Salamat po, Diyos ko. Talagang hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay,” masayang nasambit ni Celine. -Wakas- 33
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2020. JOCELYN ASIO INIGO Si JOCELYN A. INIGO ay kasalukuyang nagtuturo bilang Guro III sa Paaralang Elementarya ng Balingaoan, Lungsod ng Candon. Siya ay guro sa baitang-3. Nagtapos siya ng Bachelor in Elementary Education sa University of Northern Philippines. Kumuha din siya ng 36 units Masteral Academic Requirements sa St. Mary’s College.
Search
Read the Text Version
- 1 - 35
Pages: