Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FINAL-FILIPINO-8-JHS-Q1-MODYUL-1-MPNHS

FINAL-FILIPINO-8-JHS-Q1-MODYUL-1-MPNHS

Published by Mary Ann Lazo Flores, 2020-10-05 02:57:41

Description: FINAL-FILIPINO-8-JHS-Q1-MODYUL-1-MPNHS

Search

Read the Text Version

88 Filipino Unang Markahan – Modyul 1 FilipinoKarunungang-bayan: Salawikain, KaruUnunnaSgnaagnwgMi-kbFaaa8yrinaPkn,Ba:ah-SItaaaKlbnacwa-–is2kMa2aibno,idhSyaawunilka1in, at Kasabihan

Filipino– Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: KARUNUNGANG-BAYAN: SALAWIKAIN, SAWIKAIN, AT KASABIHAN Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio BuBmuumoubsuaoPsaagPsaugssuulalat tngngMoMdyoudlyul ManunMualantuE:ndEuitlorawrt:: inEMDraw.riSianuSDloi.tcSourlrito C. Japone / Ethel V. Reyes Editor: TMTaagagaragiasuuhSritio:: coMErrarworiianCSD.o.JcSaouprlroitonCe. /JaEptohneel V/ E. tRheelyVe.sReyes TagasuTrai:gaMlaapraiat: SEorcwoirnroD.CS.uJliat pone / Ethel V. Reyes TTaaggaapgamuahhita:laE: rwin D. Sulit GTraeggaolraiopCa.tQ: uEirnwtoin, JDr.,. ESduDlit CRTahaiiegnfea, lCpdauarmMric.auBlhulaamnlaIcmo: p, lPehmDentaNtiIoCnODLivAisiSonT. CAPULONG, Ph.D, CESO V Regional Director Education Program Supervisor - LRMDS Agnes R. Bernardo, PhD MA. EDITHA R. CAPARAS, Ed.D. NESTOR P. NUESCA, Ed.D. EEPLSIZ-DAiBviEsiToHn AMD. MPECRoFoErdCinTaOto, rEd.D. Glenda S. CoCnLsMtaDnCthinieof Regional EPS In Charge of LRMS Regional ADM Coordinator Project Development Officer II EAGPnRaSEs–GtaOFciRilaipIOiNn.oCVC.iIQcDtUCohIrNiienTfoO, ,EJdRD., Ed.D. RAINELDA M. BLANCO, Ph.D. AGNES R. BERNARDO, Ph.D. Joannarie C. Garcia Division EPS In Charge of LRMS Division ADM Coordinator Librarian II Department of Education, Schools Division of Bulacan Curriculum Implementation Division Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email address: [email protected]

8 FFiilliippiinnoo Unang Markahan – Modyul 1 KKaarruunnuunnggaanngg--bbaayyaann:: SSaallaawwiikkaaiinn,, SSaawwiikkFaa8iinnP,,Baa-IttaKKbcaa-ss2a2abbiihhaann F8PB-Iabc-22

Paunang Salita Gawain Para sa Tagapagdaloy Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain, at Kasabihan! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. 1iv

Para sa Mag-aaral Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Baitang 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain, at Kasabihan! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsasanay na ito, masusukat natin ang iyong kaalaman sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang araling ito sa modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Pagyamanin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay iyong matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraan tulad sa pagbasa ng isang ng kuwento, awitin, tula, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Naglalaman ito ng mga katanungan. Maaaring punan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung ano ang iyong natutuhan mula sa aralin. 5 2

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman Karagdagang Gawain o kasanayan sa tunay na sitwasyon o Susi sa Pagwawasto realidad ng buhay. Ito ay pagsasanay na naglalayong masukat ang antas ng iyong pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, ang panibagong gawain ay makatutulong upang madagdaganang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! 36

Alamin Pagbati! Isang panibagong taon upang hasain ang iyong isipan at kilitiin ang iyong imahinasyon ng mga araling magbibigay sa iyo ng mga kaalaman sa tinatawag ngayong New Normal na pag-aaral. Isa sa mga layunin ng modyul na ito ay matuto ang bawat mag-aaral sa pinakasimpleng paraan na hindi nawawala ang kalidad ng edukasyon. Sa pagsisimula ng aralin, ating alamin ang mga karunungang-bayang sumasalamin sa ating lahi. Ating tuklasin ang mga aral ng kahapon na naging daan upang magpatuloy sa buhay natin ngayon. Tara na! Sabay-sabay nating alamin ang mga karunungang-bayang malapit sa puso natin. Narito ang kasanayang malilinang sa pagtahak mo sa araling ito: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa buhay sa kasalukuyan. (F8PB-Iabc-22) Ang sumusunod ay iyong magagawa sa pagtatapos ng araling ito: 1. Natutukoy ang iba’t ibang karunungang-bayan. 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita at matatalinghagang pahayag sa mga karunungang-bayan. 3. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga makabagong pangyayari sa buhay sa kasalukuyan. 14

Subukin A - Panuto: Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag.Piliin at isulat sa patlang ang titik ng may pinakatamang sagot sa bawat bilang. (A-D) _______1. Ang karunungang-bayan ay panitikan sa panahon ng ____________. A. Espanyol C. Katutubo B. Amerikano D. Hapon _______2. Ang karunungang-bayan sa panahon ng mga katutubo ay nalilipat sa sumusunod na henerasyon sa pamamagitan ng ______________. A. pasalin-dila C. teyp rekorder B. bidyo rekorder D. pagsulat sa libro _______3. Alin sa sumusunod na mga pagpipilian ang HINDI kabilang sa natagpunan ng mga arkeologo na pinagsulatan ng mga katutubo ng panitikan? A. makapal na papel C. piraso ng kawayan B. makinis na bato D. matibay na kahoy _______4. Isang pangungusap o tanong na may dalawa at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. A. salawikain C. kasabihan B. bugtong D. sawikain _______5. Ang pahayag na “Kung ano ang puno, siya rin ang bunga” ay isang uri ng karunungang-bayan na _______________. A. salawikain C. bugtong B. sawikain D. kasabihan _______6. Ang kasagutan sa bugtong na “Kinatog ko ang bangka, nagsilapit ang mga isda” ay __________________. A. saging C. batingaw B. kampana D. tambol _______7. Tinatawag din itong idyoma o matalinghagang salita dahil ito ay salita o mga salitang nagtataglay ng malalim na kahulugan. A. kasabihan C. sawikain B. salawikain D. epiko _______8. Ang sumusunod na mga panitikan ay kabilang sa uri ng karunungang-bayan MALIBAN sa ______________. A. epiko C. kasabihan B. bugtong D. maikling kuwento 52

B – Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga kasagutan sa WORD SEARCH. PA TU L AERT T I E A E RW I N F A KML SMEE I RN SHAUHNP J XG I AML AA I Z AU YRB I RNKQL I ORUT PROSAN NQH L OV E SMG I PAN I T I KAN ZHYXRSOPT T 1. Ibang katawagan sa salitang tuluyan na uri ng panitikan. 2. Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, at mga karanasan sa paraang pasulat ng tuwiran o tuluyan at patula. 3. Tawag sa uri ng panitikan na tumutukoy sa mga tauhan o pangyayaring kathang-isip lamang. 4. Akdang pampanitikan na nasa anyong patula na nagpapahayag ng kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway. 5. Akdang pampanitikan na tumutukoy sa pagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. 6. Ang mga akdang tulad ng tula, epiko at bugtong ay sinusulat sa paraang ______________. 7. Di-piksiyong akda na naglalaman ng mga tala sa buhay. Ito ay mga mahahalagang impormasyon at pangyayari sa buhay ng isang tao. 36

Aralin Karunungang-bayan: Salawikain, Sawikain, at Kasabihan 1 Balikan Panuto: Ibigay ang mga impormasyon ng bawat hanay sa talahanayan sa ibaba batay sa hinihingi ng paksa. Paksa: Karunungang-bayan Know Want to know Learned Ano-ano ang mga alam Ano-ano ang mga nais Ano-ano ang mga na? mo pang malaman? natutuhan mo? Sa gawaing ito, nasubukan mong maisa-isa ang iyong mga bagay na Alam na at Nais pang malaman tungkol sa paksa. Sa pagtatapos ng talakayan sa aralin na ito, maisusulat mo rin ang mga Natutuhan mo sa KWL tsart. 74

Tuklasin Kay ni Erwin Sulit Gising na ngunit ‘di parin matinag Ano kaya itsura ng sa pagkakahiga si Joel. Mataas na Paaralan ng Bagong Pag-asa Joel! Bumangon ka na. ngayon? mahuhuli ka na sa klase mo! Anak, huwag tulog mantika. Mag-ayos ng sarili mo at mag-almusal ka na. Mag-uumpisa na ang online class n’yo. Mama, Oh! Ba’t nag-uniporme Opo Ma. Gusto ko Ok. Sige mag-almusal ka na nakaayos na ka pa? Online class kayo lang po kasi na pero maghugas muna ng maramdaman na kamay. Sa panahon ngayon, po ako. di ba? parang nasa “Ang ikahahaba ng buhay, paaralan ako. nasa paghuhugas ng kamay.” 85

Ma… Totoo yun. ‘Di lang yan. Sa Yung unang sinabi ni Mama tungkol ngayon masasabi mong, “Sa sa kamay, ok na, gets ko na. Pero larangan ng digmaan, ito, ano yun? Bakit may digmaan eh nakikilala ang tapang.” pandemya ang meron ngayon. Sa online class sa Filipino 8, inumpisahan ni Bb. Sino sa inyo ang nakarinig ng isang Santos ang talakayan sa pagbibigay ng isang tanong. pahayag mula sa taong inyong kausap, tapos hindi n’yo naman maintindihan ang ibig ipakahulugan ng kanyang sinabi? Oh. Ano naman kaya Ako po Mam. yung sinabi ng Mama Kanina lang po mo na nagbigay sayo ung Mama ko. ng kalituhan? Yung una po niyang sinabi, “tulog mantika” tapos, “’Kapag naghugas ng kamay, hahaba ang buhay.” Naiintindihan ko po at alam kong sawikain at kasabihan iyon. Pero ung isa po, hindi ko talaga maintindihan Mam. Sabi nya “Sa larangan ng digmaan, makikilala ang tapang.” Wala naman pong digmaan ngayon Mam. 96

Sino sa inyo makapagbibigay ng Ang kahulugan po non Mam, lumalabas ang galing o kahulugan ng pahayag na iyon? abilidad ng isang tao sa oras o panahon na kakailanganin ito. Halimbawa po ngayon may Ano kaya ibig pandemya, lumalabas po ang puso ng isang bayani sabihin non? sa mga tao upang makatulong sa kapwa. Magaling Pat! Kung ang pahayag na “Sa Salawikain po paghuhugas ng kamay, hahaba ang Mam. buhay” ay tinatawag na kasabihan, at ang “Tulog mantika “ ay sawikain, Ano naman ang tawag sa pahayag na “Sa larangan ng digmaan, makikilala ang tapang”? Magaling Carlo! Ang kasabihan, sawikain, Karunungang-bayan Mam! at salawikain ay tinatawag na _________ na isang matandang panitikan. Mahusay Joel! Wakas 170

Pagpapaunlad ng Kaisipan: Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong papel. 1. Ano ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng binasang diyalogo? 2. Sa iyong palagay, naging mabisa ba para sa mga mag-aaral tulad ng pangunahing tauhan ang pagkatuto sa distance learning (online class) batay sa akdang binasa? Patunayan. 3. Sa new normal setting na distance learning, ano ang nais ipabatid na mensahe ng binasang komiks sa mga mag-aaral na katulad mo? Mga Tala para sa Guro Isa ang distance learning sa mga paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng sitwasyon ng ating mundo sa kasalukuyan. Hindi solusyon ang takot sa mga pagbabago. Kailangan natin itong tanggapin at yakapin upang maihanda ang ating mga sarili sa mas magandang bukas. Suriin Alam mo ba? Ang salawikain, sawikain, at kasabihan ay kilala rin sa tawag na karunungang-bayan. Ang karunungang-bayan ay panitikan sa panahon ng katutubo. Tinatawag din itong matandang panitikan. Sumibol ang panitikang ito bago pa man dumating ang mga dayuhang Español sa ating bansa noong taong 1521. Ito ay tumutukoy sa gawi o paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Masasalamin rin sa karunungang-bayan ang kaugalian, aral, at paniniwala na nagmimistulang gabay sa buhay ng ating mga ninuno. Ang mga panitikang ito ay nalilipat sa sumusunod na mga henerasyon sa pamamagitan ng pasalin-dila. May mga natagpuan ang mga arkeologo na panitikang nakasulat sa piraso ng kawayan, matibay na kahoy at makikinis na bato ngunit ang karamihan nito ay pinasunog ng mga dayuhang prayle nang dumating sa ating bansa sa pag-aakalang gawa ang mga ito ng masamang espiritu. 181

Salawikain – ito ay katutubong tula na may tugma at hitik sa mga gintong aral sa buhay. Ito ay nagtataglay ng malalalim na pahiwatig o tagong kahulugan at mga aral sa buhay. Halimbawa: 1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Kahulugan: Sa tinagal-tagal ng pagsasama ng magkasintahan, mauuwi rin sa kasalan. 2. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Kahulugan: Sa panahon ng kagipitan, matutong pagkasyahin o tipirin kung ano lang ang meron ka. 3. Kung hindi uukol, hindi bubukol. Kahulugan: Huwag asahang makamtan ang swerte kung hindi naman nakalaan para sa iyo. Sawikain – salita o mga salitang nagtataglay ng hindi literal na kahulugan. Tinatawag din itong matalinghagang salita na may layuning hindi makasakit ng damdamin ng iba. Halimbawa: 1. Itaga mo sa bato. Kahulugan: Tandaan 2. Ilista mo sa hangin. Kahulugan: Kalimutan 3. Balat sibuyas Kahulugan: pagiging manipis o maramdamin Kasabihan – isang pahayag na nasa anyong patula. Tulad ng salawikain na naglalayong magbigay aral at maging gabay sa buhay ngunit ito ay may mababaw na kahulugan at mga salita ay ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap. Halimbawa: 1. Ang batang makulit, pinapalo sa puwit. Kahulugan: Ang bata ay makakatikim nang palo kung siya ay makulit. 2. Ang batang matalino, nag-aaral nang husto. Kahulugan: Kung ikaw ay mag-aaral ng mabuti, ikaw ay tatalino. 3. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap. Kahulugan: Kung ayaw mong makaranas ng hirap sa buhay, ikaw ay magsikap sa pagtatrabaho. 9 12

Pagyamanin Ating subukin ang antas ng iyong pang-unawa matapos mong basahin ang mga pahayag tungkol sa karunungang-bayan. Pang-isahang Gawain 1 Panuto: Pagtapatin ang kahulugan sa Hanay A na tutugma sa salita sa Hanay B. Gumamit ng linya para rito. Hanay A Hanay B Pahayag na nasa anyong tula. Salawikain Nagbibigay ng aral sa buhay at Kasabihan 1. literal ang kahulugan Panitikan Sawikain Salita o mga salitang 2. matatalinghaga Isang matandang panitikan na 3. nagbibigay ng aral sa buhay at may malalalim na kahulugan Pang-isahang Pagsusulit 1 Panuto: Tukuyin isa-isa ang mga katangian ng mga karunungang-bayan. Isulat ang sagot sa tamang talahanayan sa ibaba. Salawikain Sawikain Kasabihan 1130

Pang-isahang Gawain 2 Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na karunungang-bayan. Isulat sa patlang ang kung ito ay salawikain, kung kasabihan, at kung sawikain. _____1. Taingang- kawali _____2. Bato-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit. _____3. Pusong-mamon _____4. Ang batang iyakin, nagiging mutain. _____5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. _____6. Lahat ng gubat ay may ahas. _____7. Matalas ang dila _____8. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan. _____9. Magbiro na sa lasing, huwag lang sa bagong gising. _____10. Ang batang malinis sa katawan, malayo sa karamdaman. Pang-isahang Pagsusulit 2 Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na karunungang- bayan. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. 1. Pusong-bato 2. Ang tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim. 3. Ang batang matalino, nag-aaral nang husto. 4. Kabiyak ng dibdib 5. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. 1141

Pang-isahang Gawain 3 Panuto: Piliin ang wastong karunungang-bayan na tumutukoy sa pahayag o sitwasyon sa bawat bilang. Itiman ang puso na nagpapakita ng iyong sagot. 1. Pinigilan ni Jose ang kanyang kamag-aral sa ginagawa nitong pambu-bully sa ibang mga bata. Kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin sa iba. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. 2. Minabuti ni Kaloy na ipagtapat sa kanyang ina ang katotohanan kahit alam niyang siya ay maaaring mapagalitan. Kung hindi uukol, hindi bubukol. Walang lihim ang hindi nabubunyag. 3. Gumawa ng isang palatandaan ang magkaibigang Nadia at Karen na nagpapakita ng kanilang matatag na pagkakaibigan. Ilista mo sa hangin. Itaga mo sa bato. 4. Bumalik si Doktor Jane Cruz sa kanyang bayang sinilangan upang magsagawa ng panggagamot sa mga naapektuhan ng pandemya. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. 5. Ang mga frontliners ay handang magbigay nang tulong sa mga mamamayang apektado ng pandemyang Covid-19. Bukas-palad Butas ang bulsa 1152

Pang-isahang Pagsusulit 3 Panuto: Ibigay ang literal at nakatagong kahulugan ng sumusunod na karunungang-bayan. Karunungang-bayan Literal na Kahulugan Nakatagong kahulugan 1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. 2. Sala sa init, sala sa lamig. 3. Mabulaklak ang dila 4. Magbiro kana sa lasing, huwag lang sa bagong gising. 5. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. Isaisip Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Mahalaga ba ang karunungang-bayan sa buhay ng mga Pilipino? Pangatwiranan ang sagot. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Ano ang naitutulong ng mga karunungang-bayan sa kabataang tulad mo? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga ng mga kabataang tulad mo sa ating panitikan tulad ng karunungang-bayan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 1613

Isagawa Isang pagbati dahil matagumpay mong natapos ang ilang bahagi para sa araling ito. Ngayon ay susubukin ang iyong galing sa isang gawaing susukat sa iyong kamalayan tungkol sa mga pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan. Pumili ng isa sa tatlong paksa at sumulat ng talata na naglalaman ng iyong sariling saloobin tungkol sa paksang napili. Gumamit ng karunungang-bayan sa iyong sulatin ayon sa napiling paksa. Ang iyong sinulat ay mamarkahan ayon sa mga pamantayan na nakatala sa ibaba. Paksang Pagpipilian: 1. New normal setting ng edukasyon sa Pilipinas (Salawikain) 2. Gampanin ng mga frontliners sa panahon ng pandemya (Sawikain) 3. Pakikipagkapwa-tao sa panahon ng Covid-19 (Kasabihan) _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _ 1147

Pamantayan sa Pagmamarka ng Sulatin PAMANTAYAN Pinakamahusay Mahusay Di gaanong Mahusay Marka 5 puntos 4 puntos 3 puntos /10 Nakasusulat ng talata tungkol sa napiling Nakapagbigay ng higit Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng hindi hihigit paksa sa tatlong punto o tatlong punto o sa dalawang punto o mensahe tungkol sa Naiugnay ang paksa. mensahe tungkol sa mensahe tungkol sa paksa. mensahe ng paksa. karunungang-bayan Hindi gaanong naipakita ang sa paksa ng talatang Lubhang naipakita ang Naipakita ang kaugnayan ng napiling kaugnayan ng napiling kaugnayan ng napiling sinulat karungang-bayan sa karungang-bayan sa karungang-bayan sa paksa ng talatang sinulat. paksa ng talatang paksa ng talatang sinulat. sinulat. Kabuuang Marka Tayahin Ang iyong kahusayan ay bunga ng iyong sipag at tiyaga sa pag-abot sa bahaging ito ng ating aralin. A. Panuto: Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag.Piliin at isulat sa patlang ang titik ng may pinakatamang sagot sa bawat bilang. (A-D) _______1. Ito ay panitikang patula na ipinasa ng ating mga ninuno. Nagbibigay ng paalala at aral sa buhay at ginamitan ng mga salitang hindi malalim ang kahulugan. A. salawikain C. kasabihan B. sawikain D. idyoma _______2. Panitikang sumibol sa panahon ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga Español. A. karunungang-bayan C. moro-moro B. panitikan D. sarswela _______3. Tinatawag din itong idyoma at nagtataglay ng mga salitang malalalim ang kahulugan. A. salawikain C. kasabihan B. sawikain D. karunungang-bayan _______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa salawikain? A. Uri ng karunungang-bayan na patula, nagtataglay ng mga aral sa buhay at may malalalim o matatalinghagang salita. B. Matatalinghagang salita C. Uri ng karunungang-bayan na patula, nagtataglay ng mga aral sa buhay D. Tula na may malalalim na kahulugan 1185

_______5. Ang pahayag na “Kung ano ang puno, siya rin ang bunga”, ano ang kahulugan na tumutukoy sa salitang puno sa ibinigay na pahayag? A. lalagyang maraming laman C. anak B. magulang D. mataas na halaman ______6. Ang sawikain na “makapal ang palad” ay may katumbas na kahulugan na_____. A. maraming kalyo ang kamay C. mapanakit B. tamad maghugas ng kamay D. masipag ______7. Ano ang kahulugan ng pahayag na, “Kung anong itinanim ay siyang aanihin.” A. Matutong magtanim ng puno at gulay B. Ang pagpuputol ng mga puno ay nakasasama sa kapaligiran. C. Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang mangyayari sa’yo. D. Kung ano ang ugali ng ama, ganoon din ang magiging anak. ______8. Sa pahayag na “Ang mga nars ay lantang-gulay dahil walang tigil sa pagbabantay sa ospital”, ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. nahawa ng sakit C. sobra ang pagod B. natuyot na gulay D. taong ‘di kumakain ng gulay ______9. Ano ang mensahe ng kasabihan na “Nasa paghuhugas ng kamay ang ikahahaba ng buhay.”? A. Sa palaging paghuhugas ng kamay makaiiwas na mahawa ang tao sa sakit tulad ng Covid-19. B. Humahaba ang buhay ng tao dahil sa malilinis na mga kamay. C. Nagiging immortal ang tao kapag malinis ang kamay. D. Nakagagaling ng sakit ang may malilinis na mga kamay. ______10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari maaaring iugnay ang salawikaing “Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan?” A. Nars at doktor na nanggagamot sa mga pasyenteng nahawahan ng Covid-19. B. Maraming tao ang buong pusong tumutulong sa iba. C. Mga puro komento at utos ang ginawa ng mga tao sa iilang tumutulong sa kanilang kapwa. D. Mamamayang nagbibigay ng ayuda sa panahon ng Enhanced Community Quarantine B. Panuto: Muling balikan ang KWL tsart sa bahaging SUBUKIN at isa-isang isulat ang iyong mga natutuhan sa pagtalakay sa araling ito. 5 puntos para sa iyo. Binabati kita! 1169

Karagdagang Gawain Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng karunungang-bayan sa mga aspeto ng iyong buhay. Gawing gabay ang tsart sa ibaba. Pangalan Karunungang-bayan Diyos Sarili Kalikasan Naging matiwasay ba ang iyong paghahanap sa mga bagong kaalaman? Huwag isiping ito ang huli, sapagkat nag-uumpisa pa lamang ang iyong pagkamit sa tagumpay. Ngunit, heto muna ang wakas, hanggang sa muling pakikibaka. Pagbati, mahusay ka! 1720

Subukin 5. A Balikan Susi sa PagwawastoPagpapaunlad ng Kaisipan 6. B A. 7. C 1. Natukoy ang iba’t ibang 1821 (Batay sa pananaw ng mag- 1. C 8. D karunungang-baya aaral) 2. A 3. A 2. Nabigyang kahulugan ang 4. B mga makabuluhang salita / matatalinghagang B. pahayag sa mga karunungang-bayan 1. Prosa 2. Panitikan 3. Naiugnay ang 3. Piksiyon mahahalagang kaisipang 4. Epiko nakapaloob sa mga 5. Alamat karunungang-bayan sa 6. Alamat mga pangyayari sa tunay 7. Talambuhay na buhay sa kasalukuyan Pagyamanin Pang-isahang Pagsusulit 1 Pang-isahang Gawain 2 Pang-isahang Gawain 1 Salawikain: 1. 6. 1. May aral sa buhay 2. 7. 1. Kasabihan 2. Anyong patula 3. 8. 2. Sawikain 3. May malalim na kahulugan 4. 9. 3. Kasabihan 5. 10. Sawikain: 1. Salita o mga salita na may Pang-isahang Pagsusulit 2 nakatagong kahulugan 2. Matalinghaga (Batay sa pananaw ng mag- aaral) Kasabihan: 1. Anyong patula 2. May aral sa buhay 3. Literal ang kahulugan Pangisahang Gawain 3 Isaisip Tayahin B 1. 4. (Ayon sa guro ang - Natukoy ang mga pagwawasto) karunungang-bayan. 2. 5. - Nabigyang-kahulkugan Isagawa ang matatalinghagang 3. (Pagwawasto ng guro batay pahayag sa karunungang- sa ibinigay na rubriks) bayan. Pang-isahang Pagsusulit 3 - Naiugnay ang kaisipang Tayahin A nakapaloob sa (Ayon sa guro ang 1. C 6. D karunungang-bayan sa mga pagwawasto) 2. A 7. C pangyayari sa tunay na 3. B 8. C buhay sa kasalukuyan. 4. A 9. A 5. B 10. C Karagdagang Gawain (Batay sa pananaw ng mag- aaral)

Sanggunian Agnes, Wilma G., Ruiz, Florian L. at Tiongson, Pat C. (2014) Ang Batikan I Salamin ng Kahapon, Balikan Ngayon, Educational Resources Corporation, Philippines Canubas, Charissa L. (2018) Mga Karunungang-bayan at Kantahing-bayan, slideshare.net, https://www.slideshare.net/CharissaLongkiao/mgakarunungang-bayan-at-kantahing- bayan-87834924 1292

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Schools Division of Bulacan Curriculum Implementation Division Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email Address: [email protected] 20


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook