Ang Mga Kaloob ng Pagpapagaling
Ang Mga Kaloob ng Pagpapagaling (The Gifts of Healing)
Ang eBook na ito ay naglalaman ng mga sipi na isinalin sa wikang Tagalog musa sa aklat ni David Bernard na “Spiritual Gifts.” Ang layunin nito ay ipaliwanag ang mga kaloob ng pagpapagaling (gifts of healing) at ang kahalagahan ng pananampalataya upang maiugnay sa mga patunay ukol sa mahimalang pagpapagaling at sa kasalukuyan na nararanasan na karamdaman. Gayundin naman, makakatulong ito sa bumabasa na maunawan ang mga kaloob ng pagpapagaling at malaman kung paano ito isasagawa. Para sa mga may karamdaman, uusbong ang inyong pag-asa at palalakasin ang inyong pananampalataya kay Jesus. Kung nanaisin ninyo na maranasan ang espiritwal na kaligtasan ayon sa Bibliya, ito ay magbibigay sa inyo ng higit na panananaw ukol sa buhay na ito at sa kabilang dako, at tatak ng pagkakahirang upang ang lahat ng pangako ng Diyos ay makamtan ng mga hinirang.
Ang Mga Kaloob ng Pagpapagaling .......................5 Pagpapagaling Na Napapaloob Sa Pagbabayad- Sala ...............................................................................7 Patuloy Na Paggaling ...............................................12 Ang Papel Ng Doktor At Gamot.............................17 Pananampalataya Kapag Hindi Dumating Ang Pagliligtas o Kagalingan ..........................................20 Bakit Minsan Ay Hindi Nagkakaron Ng Paggaling?.. 27 Pananampalataya para sa Paggaling .....................38 Ang Mahalagang Papel Ng Pananampalataya .....41 Ang Pagtawag Sa Pangalan Ni Jesus .....................47 Nakatuon Na Pananampalataya .............................51 Pagpapahid Ng Langis ............................................54 Para Sa Lahat Ng Nanampalataya ..........................57 Mga Patunay..............................................................60
1 Ang Mga Kaloob ng Pagpapagaling A ng ibig sabihin ng “pagalingin” ay “ibalik sa kalusugan o kagalingan; lunas; . . . upang itama; pagkukumpuni; . . . upang ibalik ang (isang tao) sa . . . kabuuan.” Sa pinakamalawak na kahulugan, ang pagpapagaling ay maaaring tumukoy sa pisikal, mental, at espirituwal na pagpapanumbalik. Sa karanasan ng pagbabagong loob, lahat ng Kristiyano ay tumatanggap ng espirituwal na pagpapagaling, kabilang ang kapatawaran ng mga kasalanan, pakikipagkasundo sa Diyos, at bagong espirituwal na buhay. Habang lumalago sila sa biyaya, nagsisimula silang magkaroon ng positibong emosyonal at espirituwal na mga katangian tulad ng pag-ibig, kagalakan,
Nazareth para sa isang pagbisita sa karamihan ng mga tao ay hindi tinanggap ang Kanyang ministeryo dahil inaakala nila na kilala nila Siya at ang Kanyang pamilya. Dahil dito, “At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya gumawa roon ng maraming himala” (Mateo 13:58). 2. Sariling kilos natin. Kapag hindi dumating ang kagalingan, hindi lamang natin dapat suriin ang ating pananampalataya kundi dapat nating suriin ang ating pamumuhay, kilos, at kapaligiran. Sa maraming beses, ang sakit ay nagreresulta mula sa ating hindi sinasadya o sinasadyang mga gawain. Minsan, ngunit hindi palagi, ang sakit ay bunga ng kasalanan. Matapos pagalingin ang isang lalaking nakaratay sa imbakan ng tubig sa Bethsaida, sinabi sa kanya ni Jesus, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang man yari sa iyo” (Juan 5:14). g
Search