PAG-UNAWA SA KATANGIAN NG NAG-IISANG DIYOS
PAG-UNAWA SA KATANGIAN NG NAG-IISANG DIYOS
Paunang Salita 7 Ang Hiwaga ng Kabanalan 11 Nasa Iyo ang Pagpili 13 Bakit Hiwaga? 14 Iisang Diyos Lamang 15 Wala nang Iba Liban sa Kaniya 16 Walang Diyos Maliban sa Akin 16 Walang Ibang Dios na Nauna sa Kaniya, at Wala ring Dios na Susunod pa sa Kaniya 17 Walang Diyos na Katulad Niya 17 Ang Tanging Marunong na Diyos 18 Kahit ang mga Demonyo ay Alam na May Iisang Diyos Lamang 18 Diyos ba si Hesus? 19 Ang Diyos ang Tanging Tagapagligtas 21 Ang Diyos ay si Jesus 21 Maniniwala Ako Kapag Nakita Ko Ito 23 Ang Espiritu Santo ay Diyos 24 Ang Espiritu Santo ay ang Ama 25 Ang “Diyos Ama” ay Hindi ang Ama? 25 Ang Espiritu Santo ay si Jesus 26
Ang Maunawaan ang pagka-Diyos ay Maunawaan din ang Bautismo 27 Bakit Kailangang Magbautismo sa Pangalan ni Jesus? 28 Buod 29 Mula Kawalang Hanggang Nakaraan hanggang Kawalang Hanggang Bukas 31 Ang Karanasan ng Tao 32 Bago pa ang Simula 33 Naging May Hangganan ang Diyos 34 Nang Magpasya ang Makapangyarihang Diyos na Gawin ang Kanyang Sarili na Isang Katawan at Maging Espiritu at Katawan, Bumuo ba Ito ng Ibang Diyos? 37 Ang Kaniyang Pangalan Ay Lihim 39 Ang Malaking Pagkakamali ni Satanas 41 Pagtulay sa Agwat sa Pagitan ng Diyos at Tao 43 Pagtukso sa Diyos 45 Kaligtasan sa Pamamagitan ni Jesus 46 Pagbibigay ng Katuwiran sa Pamamagitan ng 48 Bautismo Ang Plano ni Satanas para sa Susunod na 2,000 Taon 50 Pag-unawa sa Katangian ng Nag-iisang Diyos 53
Pangwakas na Kaisipan 55
Ang mga sipi mula sa Bibliya ay hango sa salin mula sa Ang Dating Biblia (1905) maliban na lamang kung iba ang tinuran. SND : Ang Salita ng Diyos - AB: Ang Bibliya - MBB: Magandang Balita Biblia -- FSV: Filipino Standard Version
PAUNANG SALITA Ang eBook na ito ay naglalayon na patuloy na sagutin ang mga nangangaral na ang pangalang Jesus ng Diyos ay ipinahayag na simula sa Exodus 3:14 sa paggamit ng etymology sa katagang “AKO NGA” na itinataguyod ng maling paggamit ng mga talata sa Banal na Kasulatan (Lucas 2:21 na ang pangalang Jesus ay itinawag na ng anghel bago Siya ipinaglihi sa tiyan; Juan 5:43-45 kung saan ipinahayag ni Cristo ang pangalan ng Ama kaya Jesus ang pangalan ng Diyos noon pa man; 1 Juan 4:1-6 na nagsasabing kabulaanan ang paniniwala na si Yahweh ay nagpahayag sa laman. Sinasabi ng Bibliya na si Jesucristo ay naparitong nasa laman). Sa aral ng Oneness, hindi ito sumasalungat sa katotohanan na ang pangalang Jesus ay pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Ito ay isang paghahayag sa Bagong Tipan. Bagama’t ang Diyos unti-unting naghahayag ng Kaniyang katangian na pagkakakilanlan sa Lumang Tpan sa ilang mga tao sa iba’t ibang panahon, ang nakaliligtas na pangalang Jesus ay ipinahayag lamang sa tamang panahon sa Bagong Tipan.
Hindi saklaw ng talakayang ito ang code cracking ng orihinal na teksto sapagkat ako ay hindi isang linguist o etymologist. Sa halip ay maingat na gumamit ng mga sipi mula sa Banal na Kasulatan na mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran. Ang salitang Hebreo na “AKO NGA\" (Exodus 3:14) ay karaniwang ginagamit ng Diyos sa Lumang Tipan, subalit bihirang gamitin bilang Kaniyang titulo. Ang salitang ito ay ginagamit ng maraming tao para lamang tukuyin ang kanilang sarili. Sina Jephthah (Mga Hukom 11:9), Ruth (Ruth 2:13), David (1 Samuel 18:18), Jonathan, (1 Samuel 23:17), Hushai (2 Samuel 16:18), Job (Job 12:4) at marami pang iba ang gumagamit nito upang tukuyin ang kanilang sarili. Ito ay isa lamang normal na paraan upang sabihin na ang “AKO NGA\" ay para sa sinuman. Hindi natin maitatangi ang pangalang Jesus bilang ang pagpapakahulugan sa \"AKO NGA.\" Kung hindi, lahat ng taong nabanggit ay may kahulugan din na Jesus. Sa kabilang dako, sa Bagong Tipan, ang salitang “AKO NGA\" (ἐγώ εἰμι na kung bibigkasin ay egō eimi) ay ginamit ni Jesus (Juan 6:19-20; Juan 8:58; Juan 18:6-8), ni Judas (Mateo 26:25), ni angel Gabriel (Lucas 1:19), ng bulag na lalaki
(Juan 9:9), ni Pedro (Mga Gawa 10:21), at ni Pablo (Mga Gawa 22:3, 26:29, Roma 11:13, 1 Timoteo 1:15), at lahat ay tumutukoy sa kanilang sarili. Sa buong kasaysayan ng kaligtasan, gumamit ang Diyos ng mga pangalan at titulo upang ihayag ang Kanyang sarili sa Kanyang mga tao. Sabi ng isang pinagmulan, “ang malaman ang pangalan ng Diyos ay ang pagsaksi sa pagpapakita ng mga katangiang iyon at pag-unawa sa katangiang iyon na tinutukoy ng pangalan… ang pangalan ng Diyos [ay] Kanyang paghahayag sa sarili.” Sa buong Lumang Tipan, magiliw na ginamit ng Panginoon ang mga titulo at pangalan upang ihayag ang Kanyang kalikasan at ilang piniling katangian sa Kanyang mga tao. Sa bawat pangalan, sa bawat titulo, at sa bawat bagong paghahayag ay binigyan ng Diyos ang mga tao ng higit na pagkaunawa sa Kanyang kalikasan at Kanyang katangian, ngunit ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan ay hiwaga pa rin, hanggang sa ang Diyos ay nagpahayag sa laman. Tinanggihan ko ang interpretasyon ng pangalang Jesus mula sa katagang AKO NGA dahil sa mga sumusunod:
- Dahan-dahang paghahayag ng katangian ang - pagkakakilanlan ng Diyos sa Lumang Tipan Pagnanais ng mga tao sa Lumang Tipan na - malaman ang pangalan ng Diyos Mga hula sa Lumang Tipan tungkol sa - darating na Mesias Ang mga Israelita ay hindi kailanman tinawag ang pangalang Jesus sa mga talata sa - Lumang Tipan Sa Bagong Tipan, hindi nila kailanman ginamit ang pangalang Jesus kapag sinipi ang mga - talata sa Lumang Tipan May mga talata sa Bibliya na nagpapatunay na ang pangalang ito ay inilihim hanggang sa ihayag sa Bagong Tipan.
ANG HIWAGA NG KABANALAN Sinasabi na ang kabanalan ay isang hiwaga. Ano ang isang \"hiwaga\"? Ang hiwaga ay isang bagay na naiintindihan ng ilan ngunit nakatago sa iba. Isinasaad sa 1 Timoteo 3:16, “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.” Ngunit malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya na ang pagka-Diyos ay mauunawaan. Sinasabi ng Roma 1:19-20, “Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan.” Ang buong ministeryo ni Jesucristo ay nailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
narinig ko sa aking likuran ang malakas na tinig na katulad ng tunog ng isang trumpeta. Sinabi nito: Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Isulat mo sa isang aklat ang anumang iyong makikita at ipadala mo ito sa mga iglesiya na nasa Asya, sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamo, sa Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicia.” Ang parehong tinig ay nagsasalita kay Juan sa magkabilang talata. Sinabi Niya sa bersikulo 8, “Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas,” at sinabi Niya sa talata 11, “Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas.” Sinasabi ng Pahayag 1:17-18, “Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na katulad ng isang taong patay. Ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay at sinabi sa akin: Huwag kang matakot. Ako ang una at ang wakas. Ako yaong nabubuhay at yaong namatay. Narito, ako ay buhay magp kailan pa man. Siya nawa. Nasa akin ang mga susi ng hades at ng kamatayan.” Alam nating si Jesus ang nagsasalita dito dahil ang Isa na nagsabi, “Ako ang Alpha at Omega, ang pasimula at ang wakas, ang Makapangyarihan-sa- lahat” ay siya ring Isa na nagsabi, “Ako ang nabubuhay at namatay at narito, ako ay buhay magpakailan pa man.” Ipinangako ni Jesucristo a
ang pag-angkin hindi lamang sa pagiging Diyos kundi sa pagiging Diyos na Makapangyarihan-sa- lahat! ANG DIYOS ANG TANGING TAGAPAGLIGTAS Sinasabi sa atin ng Isaias 43:11 na ang Panginoong Diyos ang tanging Tagapagligtas. “Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.” ANG DIYOS AY SI JESUS Sa Mga Gawa 9, nasaksihan natin ang pagbabalik-loob ni Saulo (Pablo) sa pamamagitan ng paghahayag ni Jesucristo. Si Saulo ng Tarsus, isang mang-uusig noon sa simbahan, ay patungo sa pag-usig sa mga Cristiyano sa Damascus. Mayroon siyang mga papeles na nagbigay sa kanya ng pahintulot na tuparin ang mga ito. Gayunpaman, may ibang plano ang Diyos sa kanyang buhay. Sinasabi sa atin ng Mga Gawa
anghel na sabihin ang Kanyang pangalan, sinabi Niya, “Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan?” (Genesis 32:29). Hindi sinabi sa kanya ng Diyos. Ngunit inihayag ni Jesus ang pangalan ng Diyos sa Juan 5:43 nang sabihin Niya, \"Naparito ako sa pangalan ng aking Ama.\" Kung sasabihin ko sa iyo na pumarito ako sa pangalan ng aking ama, at alam mo na ang aking pangalan ay Paolo, kung gayon ano ang dapat na pangalan ng aking ama? Ang pangalan ng aking ama ay malinaw na Paolo. Ang totoo, ang pangalan ng Diyos noon pa man ay Jesus, ngunit ito ay inilihim. Hindi inihayag ng Diyos ang Kanyang pangalan dahil inilagay Niya ang Kanyang kapangyarihan sa Kanyang pangalan. Ang Kanyang Pangalan ay Kanyang sandata upang puksain ang kamatayan at impiyerno at itinago Niya ito hanggang sa oras na gamitin ito. ANG KANIYANG PANGALAN AY LIHIM Ang pangalan ng Diyos ay isang lihim sa Lumang Tipan, ngunit ito ay inihayag sa Bagong Tipan. Sinasabi sa atin ng 1 Corinto 2:7-8 kung bakit, “Kundi sinasalita namin ang karunungan ng
Search