Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Ang Bautismo sa Espiritu Santos

Ang Bautismo sa Espiritu Santos

Published by kitkeshawn.production.studio, 2021-11-07 02:40:40

Description: ANG BAUTISMO SA ESPIRITU SANTO. Isang mahalagang tanong! "Tinanggap n'yo na ba ang Espiritu Santo simula ng kayo'y manampalataya?" Bumaba na ba sa'yo ang Espiritu Santo? Napuspos ka na ba ng Espiritu Santo? Hindi ito alam ng iba. Ang iba naman ay nagsasabing mayroon silang bunga (Galacia 5:22-23) at mga kaloob ng Espiritu Santo (1 Corinto 12:7-10); kaya tinanggap na nila ito. Sapat kayang sagot ito? Ano nga ba ang unang patunay na tinanggap ng unang iglesia ang Espiritu Santo ayon sa Biblia?

Mahalaga ngang tanong ito ayon sa sinabi ni Jesus "malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos" (Juan 3:5). Ang kapanganakan sa Espiritu ay bautismo sa Espiritu Santo. Narito ang isang video na magpapaliwanag ng bautismo sa Espiritu Santo.

Search

Read the Text Version

Ang Bautismo sa Espiritu Santo

Ang Bautismo sa Espiritu Santo

Si Jesus at Si Nicodemo Ano ang Bautismo sa Espiritu Santo? Ngunit Paano sa Kasalukuyang Panahon? Paano Ka Naman? 31 21 6 5



Si Jesus at Si Nicodemo May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” “Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong ni Nicodemo. Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay

espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.” (Juan 3:1-8) Ang bautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasang iniaalok mula sa unang iglesia hanggang sa kasalukuyang panahon. Ano ang Bautismo sa Espiritu Santo? Upang bigyan ng kahulugan ang mga salita, ang bautismo ay nangangahulugang \"paglulubog o ganap na balutin.\" Ang Espiritu Santo ay ang Diyos mismo. Isipin mo lang na ganap kang balutin ng Espiritu ng Diyos. Lubhang nakakalugod ito! Ang bautismo ng Espiritu Santo ay kapareho ng pagiging \"lubos ng Espiritu Santo.\" Ang mga terminong ito ay

ginamit nang magkasingkahulugan sa Mga Gawa 1:5 at Mga Gawa 2:4. Ang bautismo ng Espiritu Santo ay isang karanasan ayon sa Banal na Kasulatan. Ilang beses itong binanggit ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministeryo. Sa Juan 7:37-39 ay mababasa natin, “Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, 'Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’” Ang tinutukoy niya'y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Sapagkat hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa niluwalhati.\" Sa Juan 3:5, ipinahayag ni Jesus, \"Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa

kaharian ng Diyos.\" Bago ang Kanyang pag-akyat sa langit, sinabi ni Kristo sa mga alagad na maghintay sa Jerusalem, \"Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Si Juan ay nagbautismo sa tubig, ngunit di magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo” (Mga Gawa 1:4-5). Pagkaraan ng mga sampung araw, sa Araw ng Pentecostes, ang Espiritu Santo ay bumaba sa 120 alagad na nagtipon sa isang silid sa itaas sa Jerusalem. Ang labindalawang apostol at si Maria, ang ina ni Jesus, ay kabilang sa bilang na ito. “At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu” (Mga Gawa 2:4). Ang kababalaghang ito at ang makapangyarihang mensahe ni Apostol Pedro ay nagbunga ng paniniwala at pagpapabautismo ng may tatlong libong katao ng araw na iyon.

Sa Mga Gawa 8:14-17, ang mga Samaritano ay napuspos ng Espiritu Santo. \"Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo.\" Sinasabi sa atin ng Mga Gawa 10:44-48 na ang sambahayan ng isang Italyano na nagngangalang Cornelio ay nakatanggap ng napakagandang karanasang ito ng pagsasalita ng ibang mga wika habang sila ay napuspos ng Espiritu. \"Nagsasalita pa si Pedro, nang bumabâ ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig. Namangha ang mga

mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro sapagkat ibinigay din sa mga Hentil ang kaloob ng Espiritu Santo. Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya't sinabi ni Pedro, “Tulad natin, sila'y pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino ang makakapagbawal na bautismuhan sila sa tubig?” At iniutos niyang bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na manatili pa roon nang ilang araw.\" Ang labindalawang alagad ni Juan Bautista ay napagbagong loob sa Mga Gawa 19:1-6, binautismuhan muli sa pangalan ni Jesucristo at napuspos ng Espiritu Santo. Sila rin, ay nagsalita ng iba't ibang wika na ibinigay sa kanila ng Espiritu upang kanilang salitain. \"Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang iba't ibang dako ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. May natagpuan siya roon na ilang alagad at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo

ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?” “Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila. “Kung gayon, anong uri ng bautismo ang tinanggap ninyo?” tanong niya. “Bautismo ni Juan,” tugon nila. Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga nagsisi at tumalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya sa mga Israelita na sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos.\" Ang karanasang ito ay isang makapangyarihang lakas sa buhay ng mga unang Kristiyano. Palibhasa'y ipinanganak na muli sa Espiritu, sila ay pumasok sa isang bagong espirituwal na kaharian ng buhay. Binigyan sila ng Espiritu ng kapangyarihan sa pagpapatotoo, inaliw sila sa mga pagsubok, at

pinayaman ng mga pagpapala ang kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang bunga ng Espiritu ay nahayag habang ang Espiritu ay nilinang ang pagiging Kristiyanong banal sa kanilang buhay na binanggit sa Galacia 5:22-23. \"Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag- ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.\" Ngunit Paano sa Kasalukuyang Panahon? Ang bautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasang iniaalok sa buong kasalukuyang panahon. Sa nakaraang siglo, milyong tao ang nakatanggap ng Espiritu Santo. Nangyari ito sa mga iglesia, sa mga tahanan, sa mga tren, sa mga sasakyan, at kung saan man ang isang

pusong nagsisisi ay tumingin sa Diyos nang may pananampalataya. Pinatunayan ng mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay at lahat ng paniniwala ang pangako ng Kasulatan sa Mga Gawa 2:38: “Sumagot si Pedro, 'Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.'\" Paano Ka Naman? “Sinumang magnanais” ay ang wika ng Kasulatan. Lahat ng susunod sa mga tuntunin ng ebanghelyo ay maaaring makatanggap ng mahalagang karanasang ito kasama ang Diyos. Huwag mapanatag sa anumang kulang ang itinuturo! Kalimutan ang mga maling aral, at

pag-aralan ang iyong Bibliya tungkol sa karanasang ito. Pagkatapos ay humanap ng iglesia na nangangaral ng buong ebanghelyo, kung saan tinatanggap ang Espiritu Santo. Buksan mo ang iyong puso kay Kristo at hayaan Siyang maging totoo sa iyo. Gusto ka Niyang maging templo ng Kanyang Espiritu Santo. Sinasabi ng Pahayag 3:20, \"Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya.\"


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook