Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Ang Pananampalatayang Nagliligtas

Ang Pananampalatayang Nagliligtas

Published by kitkeshawn.production.studio, 2021-11-08 10:43:16

Description: Naliligtas ba ang isang tao sa pamamagitan lamang ng pananampalataya o sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod?

Search

Read the Text Version

ANG PANANAMPALATAYANG NAGLILIGTAS

ANG PANANAMPALATAYANG NAGLILIGTAS

Prologue 5 Ginagawa ng Pananampalataya na Maging Totoo ang Kaligtasan 6 Paano Iniligtas ng Pananampalataya si Noe 7 Paano Naligtas ang Isang Bantay ng Bilanguan 8 Ang Pagpapahayag ng Kasalanan ay Dapat 10 Samahan ng Pananampalataya Ang Panalangin ay Dapat Kaakibat ng 11 Pananampalataya Pananampalataya at Pagsunod 13



PROLOGUE Naliligtas ba ang isang tao sa pamamagitan lamang ng pananampalataya o sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod?   Ang isang taong gumagawa ng masusing pag- aaral ng plano ng kaligtasan ng Diyos mula sa kasalanan ay makumbinsi na ang kaligtasan ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya. Nilinaw ito ni Pablo sa pagsasabing,   “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili” (Efeso 2:8).   Ngunit ano ang pananampalatayang nagliligtas? Ang tao ba ay nakalaan para sa pagbabagong-buhay, gaya ng pinaninindigan ng ilan? Ang paniniwala ba sa isip kay Jesu-Kristo, at walang ginagawang iba, ay nagdudulot ng kaligtasan?

GINAGAWA NG PANANAMPALATAYA NA MAGING TOTOO ANG KALIGTASAN P ara sa sagot sa mahahalagang tanong na nabanggit, basahin natin ang Juan 1:12:   \"Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.\"   Ayon sa talatang ito ang paniniwala kay Kristo ay ginagawang posible para sa isang tao na maging anak ng Diyos. Ang gayong pananampalataya lamang ay hindi nagliligtas sa kanya; sa halip ay inilalagay nito ang kaligtasan sa kanyang abot. Maliwanag, kung hindi siya naniniwala sa pangalan ni Jesucristo o sa plano ng kaligtasan na ibinigay Niya, hindi siya gagawa ng mga hakbang na kailangan para maligtas.    









    ANG PANALANGIN AY DAPAT KAAKIBAT NG PANANAMPALATAYA   Sa pagpapatuloy ng kanyang pagtuturo tungkol sa kaligtasan, sinabi ni Pablo,   “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon” (Roma 10:13).   Siyempre, ang isang tao ay maaaring tumawag sa Panginoon mula sa kanyang puso, nang walang pisikal na pagsisikap. Ngunit ang salitang “tumatawag” ay kadalasang nagpapahiwatig ng paggamit ng tinig, o sinsambit na panalangin. At anumang paggamit ng boses sa panalangin ay isang gawa, bilang karagdagan sa pananampalataya. Higit pa, itinuro sa atin sa Salita ng Diyos na ang isang tao ay tumatanggap ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya (Galacia 3:2,14).  








Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook