BATANGAS STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES KULTURA AT SIKOLOHIYA OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO: ANG KONSEPTO NG MUTUAL UNDERSTANDING SA MGA PILIPINO Carsocho, Michaella Mae Custodio, Clarissa Magbuhat, Ae Be Kye Manliquid, Drezel May 2022
Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .01 Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .02 Hipotesis . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .06 Pagpapakilala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 08 Mga Halimbawa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .14 Ilustrasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 23 Diskusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .28 Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .40 Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .43 Talaan ng NILALAMAN
ABSTRAK Ang konsepto ng Mutual Understanding sa mga Pilipino ay nakatuon sa isang romantikong relasyon ng dalawang tao na may malalim na pagkakaunawaan at pagkakaroon ng karaniwang interes sa isa’t-isa ngunit walang tiyak na label o pamagat. Ito ay komplikadong na kung saan walang kasiguraduhan kung ano ang patutunguhan ng isang relasyon. Nagbibigay ng kalituhan sa dalawang tao ang ganitong klaseng perspektibo ng mga Pilipino. Hindi nila matiyak kung ano ang katuyuan nila sa buhay ng isa’t-isa. Kung kaya't karamihan sa mga Pilipino, partikular na sa mga kabataan ay may maling interpretasyon sa konsepto nito at sa katagalan ay nabigyan na nga ito ng negatibong konotasyon. May mga positibo at negatibong bagay sa likod ng mutual understanding bilang uri ng relasyon. Humahantong ang mutual understanding sa pagkabigo at pagkakasakitan dahil wala pinanghahawakan sa ganitong klaseng relasyon. Sa simula pa lang ay nagkakasundo na ang dalawa na hindi na lang pag-usapan ang tunay nilang katayuan. Wala kang karapatan na magselos at magmagdemand dahil sa simula pa lamang alam mo ng walang kayo. Dumarating pa sa puntong iiwan nyo na ang isa’t-isa dahil hindi na kayo magkakaintindihan. Masasaktan ka na lang dahil nakatagpo na pala sya ng iba at iiwan ka na lang na umaasa. Mahirap pumasok sa ganitong klase ng relasyon dahil walang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nito. Maaring ginagamit ka lang upang pansamantalang punan ang papel ng naunang kasintahan. Alam nilang posibleng masaktan at mabigo sitwasyong nilang ito, pero pinili pa rin nilang manatili dito. Ang kilig at saya na nakasanayan ay maaaring mawala at maraming oras ang nasasayang pero sa huli naman ay sakit at pagkabigo lang at matatamasa kaya naman dapat ay alam ng isang tao ang kanyang lugar sa isang relasyon. Kaya naman kung papasok sa ganitong uri ng relasyon, dapat maging handa dahil ito ay mapanghamon. Pahina 01
PANIMULA “Cancel mo selos mo, wala kang karapatan” “Tampo ka? Kayo ba?” “Parang kayo pero hindi, eh saan ka lulugar?” Sa paglipas ng mga taon at pagbabago ng henerasyon, samu't saring mga konsepto ang nabibigyang-buhay ng mga kabataang Pilipino. Hindi maipagkakaila na ang mga Pilipino ay mahilig mag-imbento ng sariling konsepto sa mga bagay o pangyayari na tanging kapwa Pilipino lamang ang nakakaintindi. Sa katunayan, ang wikang Filipino ay napaka kulay at umabot na nga sa puntong ang bokabularyo ng mga Pilipino ay hindi lamang limitado sa mga termino o konsepto sa iba't ibang aspekto, tulad na lamang ng pag-ibig. Katuwang nito ay mayroon na ring partikular na konsepto ang mga Pilipino para sa iba't ibang yugto ng isang relasyon. Isa na nga rito ang ang konsepto ng M.U o Mutual Understanding. Ang pag-ibig ang nagpapakilos sa mundo. Ito ang nagiging daan ng mga taong ipinagtatagpo upang bumuo ng libo-libong dahilan para magpatuloy sa buhay. Ngunit hindi sapat na pag-ibig lamang ang pundasyon sa pangmatagalang relasyon, ang ilang mga bagay ay maaaring maging mas mahalaga. Ayon kay Ivanova (2020), ang empatiya, paggalang, at pasensya ay ilan lamang sa mga mahahalagang elemento na nagpapanatili sa isang romantikong samahan na malusog at tumatagal. Ang pangmalawakang konsepto ng mutual understanding ay nagsusulong ng paggalang sa mga pangunahing interes at pangunahing alalahanin, at pagpapalawak ng mga karaniwang interes na siyang pundasyon para sa isang pangmatagalang malusog at matatag na relasyon. Pahina 02
Ngunit sa konsepto ng mga Pilipino, Ang mutual understanding ay isang uri ng relasyon sa pagitan ng dalawang tao na mayroong malalim na ugnayan sa isa't isa at pagkakaroon ng karaniwang interes ngunit walang tiyak na label o pamagat. Ang ganitong klase ng relasyon ay nagbibigay ng kalituhan sa pagitan ng dalawang taong hindi tiyak ang katayuan sa buhay ng isa't isa. Kung kaya't karamihan sa mga Pilipino, partikular na sa mga kabataan ay may maling interpretasyon sa konsepto nito at sa katagalan ay nabigyan na nga ito ng negatibong konotasyon. Bakit nga ba maraming Pilipino ang hindi gusto sa mutual understanding? Ito ay marahil karamihan sa mga Pilipino na dumaan na sa ganitong relasyon ay hindi nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng mas malalim at malinaw na pagsasamahan. Kung kaya't itinuturing nila ang konseptong ito bilang isang “Malabong Ugnayan.” Sabi nga, ang mutual understanding ay isang malabong yugto ng relasyon na kung saan ay ginagamit ito ng dalawang tao na may romantikong interes sa isa’t isa ngunit walang katiyakan sa kung anong maitatawag sa relasyong mayroon sila. Maaari nilang gawin ang mga tipikal na bagay na ginagawa ng mga magnobyo/nobya ngunit sa huli ay wala pa rin silang karapatan na angkinin ang isa’t isa dahil walang malinaw na label sa relasyon nila. Isang komplikadong relasyon na walang kasiguraduhan sa magiging kahahantungan ng kanilang sinimulan. Ngunit sa katunayan, ang konsepto ng mutual understanding ay malinaw na nagbibigay ng potensyal sa relasyon ng dalawang taong mayroong parehong romantikong damdamin sa isa't isa. Pahina 03
Gayundin, nagbibigay ito ng pagkakataon para sa dalawang taong may pagkakaunawaan na mas makilala ang isa't isa upang magkaroon ng mutual understanding sa commitment bago magpatuloy sa susunod na yugto ng relasyon kung saan ginagawa na itong pormal o opisyal. Mayroong mga nag-aakala na ang konsepto ng mutual understanding ay isang aktwal na relasyon o nagsisilbi nang “label” ng relasyon. Tipong nakahanay na ito sa lebel ng magnobyo/nobya o iyong nasa opisyal na relasyon na. Kung kaya't mahalaga na pag-usapan at usisain ang konseptong ito upang magkaroon ng sariwang perspektibo ang karamihan sa usaping pag-ibig lalo na iyong mga taong nagbabalak na magkaroon ng kasintahan o 'di kaya iyong mga taong pumapag-ibig at hindi pa sigurado kung paano ito susuungin. Ito rin ay upang mas madaling maipakita sa mga tao ang kaibhan ng mga yugto ng relasyon na kanilang balak pasukin o kanilang kasalukuyang sinisiyasat. Ang pag-aakala na ito ay isang akwal na relasyon ay isang karaniwang maling kuro-kuro na humahantong sa parehong pakiramdam ng takot at pagkabalisa ng isang tao. Ang buklet na ito ay nagsisilbing pambukas ng mata, isipan, at puso ng mga taong nagbabalak na pumasok sa romantikong relasyon at sa mga taong napagkasunduan na manatili sa relasyong walang kasiguraduhan. Naglalaman ng mga dapat malaman at isaalang-alang bago suungin ang relasyong “Parang tayo pero hindi.” Pahina 04
Maraming pinagbabatayan na mga kadahilanan kung bakit ang mga Pilipino ay hindi tumatagal at hindi nalalagpasan ang walang label na relasyon. Mahalagang mas pagtuunan ng pansin ang ganitong usapin upang mas mapalawak pa ang pag-intindi ng mga Pilipino sa mga konseptong hindi malalim na nauunawaan. Ang konsepto ng mutual understanding ay maaaring maging daan din para sa mga Pilipino na bumuo ng mas malalim na ugnayan sa isa't isa bilang kapwa tao. Kung kaya't ang buklet na ito ay naglalayon na talakayin ang konsepto ng M.U sa mga Pilipino partikular na sa mga kabataan. Ang pag-aaral ng konseptong ito ay maaaring makadaragdag sa pag- aaral bilang isang Pilipino lalo na't ito ay hindi kilala bilang katutubong konsepto. Pahina 05
HIPOTESIS Sa ganitong uri ng relasyon, hindi 1. maiwasang isipin na ginagamit ka upang pansamantalang punan ang papel ng naunang kasintahan. 2. Ito ay humahantong sa pagkabigo at pagkakasakitan. 3. Walang karapatan na magselos sapagkat hindi naman kayo magka-relasyon. Pahina 06
Dahil walang \"pormalidad\" na kayo ay 4. nasa isang eksklusibong relasyon, may posibilidad na ang isa ay makatagpo ng iba at iwanan kang umaasa. Nagkakasundo ang lalaki at babae 5. na hindi na pag-usapan ang kanilang tunay na katayuan. Pahina 07
PAGPAPAKILALA Ang konsepto ng mutual understanding sa mga Pilipino ay mayroong malaking pagkakaiba sa ibang bansa. Ayon sa Vocabulary.com, ito ay tumutukoy sa pakikisimpatya ng bawat tao sa kanilang kapwa na pwede rin iugnay sa pagkakaisa at pagmamahalan ng mga tao. Sa mga Pilipino, ang mutual understanding ay laging nakaugnay sa romantikong relasyon ng dalawang tao na mayroong malalim na pagkakaunawaan sa isa’t isa. Ito ay maituturing na isang yugto sa relasyon ng dalawang tao, kung saan wala silang kasiguraduhan kung saan magpapatungo ang kanilang relasyon (Lim, 2019). Sa madaling salita, ito ay isang komplikadong relasyon. Kapag ang dalawang tao ay mag M.U, batid nila na may romantikong damdamin sila sa isa’t isa ngunit hindi pa opisyal ang kanilang relasyon, o kaya naman ay wala pa silang label (Claridad, 2021). Maaaring mapagkamalan ang magka M.U na sila ay magkasintahan. Sa Facebook, ang status ng relasyon na ito ay kabilang sa uri na “it’s complicated” (pinaycoach, 2014). Ito ay pwede rin na napagkasunduan o hindi direkta dahil may mga pagkakataon na sa isang relasyon, isa lamang sa kanilang dalawa ang nag iisip na mag MU sila (Co, 2019). Pahina 08
Ayon kay Schenk (2020), marahil ang stigma ng panliligaw, lalo na sa probinsya, ang naging dahilan ng pagkakaroon ng ibang pagpapakahulugan ng mga Pilipino sa mutual understanding. Dahil sa umiiral na mutual understanding, nagkakaroon ng pagkakasundo ang babae at lalaki na hindi na lang pag-usapan ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Bigla na lang sila nagkaroon ng pagkakaintindihan sa kung anong meron sila ay kuntento na sila rito (pinaycoach, 2014). Ngunit ayon sa TLW Team (2013), ang M.U ay hindi masasabing hakbang sa isang relasyon dahil isa itong mekanismo ng mga Pilipino upang umiwas sa commitment. Ayon kay Amy (2021), ang commitment ay isang malaking elemento ng pakikipagrelasyon dahil ito ay ang pagiging responsable kahit na ano man ang mga pagsubok na pwedeng harapin sa pakikipagrelasyon. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng integridad, respeto, at pangangalaga sa kabila ng mga negatibong emosyon na maaring maramdaman kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon. Maraming gustong pumasok sa isang relasyon ngunit takot sa kalakip na responsibilidad kaya mas pinipili nilang pumasok sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan at commitment. Ang mga kadalasang dahilan ng mga taong ayaw sa commitment ay hindi pa sila handang pumasok sa relasyon, hassle o sagabal lang ito sa relasyon dahil dagdag lang ito sa responsibilidad, hindi sila seryoso o kaya naman ay hindi nila alam (unconsciously) na hindi sila seryoso sa relasyon, at ang tingin naman ng iba ay mabigat na pasanin ang pagkakaroon ng commitment sa relasyon (TLW Team, 2013). Para kay Kuroro (2012), kapag nagmamahal ka, hindi dapat ituring na commitment ang commitment. Sa madaling salita, ang pagmamahal ay hindi isang tungkulin o responsibilidad dahil hindi ito dapat isipan na commitment, ito ay pagpapahayag ng nararamdaman. Nakapaloob na sa terminong iyon ang mga bagay na gustong gawin ng taong nagmamahal, hindi dahil kailangan niya, kung hindi ay dahil mahal niya ang taong iyon. Halimbawa na lang nito ay paggawa ng mga bagay ng bukal sa puso at pagsasakripisyo para sa isang taong minamahal. Pahina 09
Dagdag pa ni Kuroro (2012), ito ay nagpapakita ng kasiyahan sa isang tao dahil naipapakita o naipaparamdam niya ang kaniyang pagmamahal. Kumbaga, may pagkukusa ang taong nagmamahal. Ayon sa TLW Team (2013), hindi sagot ang M.U para sa mga hindi pa handang pumasok sa relasyon o makipagsapalaran sa pag- ibig. Kaya naman kung hindi pa handa sa commitment ay maghintay na lang sa tamang panahon para na rin mas maging malinaw at hindi komplikado ang isang relasyon. Ang M.U ay context-driven. Kadalasan, ang mga M.U, gusto magka-relasyon sa isa’t isa pero may iglap ng di-pagkasiguraduhan o di-pagkahanda sa mga responsibilidad ng pagkakaroon ng bagong relasyon. Ito ay karaniwan sa mga bata o inexperienced. Kapag nasa M.U ka, kumakapa o nakikiramdam muna kayo. Naghahanda o nagsasanay kayo para sa mas malalim na relasyon. Nagkakaroon din ng M.U kapag may mga isyu na humahadlang sa pagkakaroon ng nobyo o nobya. Kadalasan ito ay mga istriktong magulang na hindi pumapayag sa kanilang mga anak na mag-karelasyon para matutukan ang pag-aaral. Nag-e-M.U ang mga nasa sitwasyong ito para makaranas ng relasyon pero hindi kailangang magsabi na may nobyo/nobya siya (Gutierrez, 2013). “Safety mode” ang pagka-M.U, o sa mga salita ni Ramon Bautista, “proteksyon para sa puso mo”. Dahil hindi seryosong-seryoso sa relasyon, hindi kayo sobrang malalaglag kung nasira ang inyong relasyon. Ang pag- M.U ay maka-kapwa sapagkat dito unang nalilinaw ang konsepto ng \"tayo\", kagaya ng, “Nagkakagustuhan tayo kaya’t mag-aminan na.” Lalong lalalim ang “tayo” na ito unti-unti kung magiging kayo nga (Gutierrez, 2013). Pahina 10
Ano nga ba ang mga opinyon ng mga Pilipino sa mutual understanding o M.U? May mga nagsabi na mas magandang masigurado munang handa ang sarili para sa commitment kaysa sa M.U dahil mas malaki ang posibilidad na masaktan at maiwan sa ere kapag pinili ang M.U bilang istraktura ng relasyon. Ang payo naman ng iba ay kapag tinamaan na daw sa isang tao ay iwasang ma-attach agad kung hindi pa naman talaga handa sa isang relasyon upang maiwasan ang M.U, at hindi mauwi sa kalungkutan at pagsisisi. Marami rin ang nagsasabi na napakahirap ng sitwasyong ito dahil karamihan sa nasa ganitong sitwasyon ay hindi nagtatagal o nagkakatuluyan sa huli, kaya naman iilan lang ang nagtatagal at nagkakatuluyan. Ilan sa mga malaking dahilan nito ay ang kawalan ng commitment at kasiguraduhan. Halimbawa na lang, kapag nasa sitwasyon ng M.U tapos ang isang tao ay may kailangan o gusto ngunit wala siyang karapatan na mag demand, pwede siyang maghanap ng iba dahil hindi napapagbigyan ang mga kailangan at kagustuhan niya. Kaya sa huli, hindi rin nagiging maganda ang resulta nito. Kaya naman may ilan na hinalintulad ang M.U sa pagiging duwag at makasarili dahil hindi pa naman kayang makipagrelasyon ngunit sumusugal sa M.U at mas pinipili ang panandaliang relasyon imbis na maghintay kapag handa na sa seryoso at pangmatagalang relasyon. May iba naman na positibo ang opinyon sa mutual understanding. Para sa kanila ang walang label na relasyon ay mas mabuti para sa kanila dahil ayaw naman nilang mag commit. Ang iba naman ay hindi pa handang pumasok sa seryoso at pangmatagalang relasyon kaya mas gusto nila ang label dahil walang mga expectations at mas malaya silang gawin ang gusto nila. Ang kalamangan naman nito para sa iba ay para mas mabilis silang maka-move on sa nakaraan nila at muling maging masaya. Pahina 11
Ang katwiran naman ng iba ay isa itong yugto sa relasyon upang mas makilala pa ang isa’t isa at kung sakaling maging maayos ito ay umunlad ang pagiging mag-M.U nila sa relasyong may label. Sa madaling salita ay para mas masigurado na karapat- dapat sila para sa isa’t isa. Inilahad ni Pinaycoach (2014) ang mga positibo at negatibong bagay sa likod ng mutual understanding bilang uri ng relasyon. Ang mga kalamangan ng M.U bilang isang uri ng relasyon ay wala itong commitment o kasunduan kaya pwede ito sa mga taong gusto ng open relationship. Hindi mo mararamdaman na ikaw ay nag- iisa dahil kahit wala kayong label ng ka-M.U mo ay palagi pa rin siyang nandyan. Mayroong kilig at pananabik kung uunlad ba ang relasyon ng dalawang tao at maging eksklusibo sila, at isa rin itong hakbang kapag hindi nagmamadali ang dalawang tao na pumasok sa isang relasyon. Ang mga kahinaan naman nito ay hindi pormal o eksklusibo ang relasyon dahil sa kawalan ng commitment. Pwedeng makatagpo sila ng iba, hindi pwedeng mag reklamo o magselos dahil wala namang label, pwedeng humantong sa pagkabigo at dalamhati, pwede rin na hindi umunlad o mag tuloy-tuloy ang relasyon, nagiging pansamantalang kasiyahan o kilig lamang, at nagiging komplikado ang ganitong uri ng relasyon dahil parang magsyota kayo pero hindi naman talaga. Ang payo ni Pinaycoach (2014), kung papasok sa ganitong uri ng relasyon, dapat maging handa dahil ito ay mapanghamon, kaya dapat ay alam ng isang tao ang kanyang lugar sa isang relasyon. Pahina 12
Ang teorya na pwedeng iugnay sa konsepto ng mutual understanding sa mga Pilipino ay ang Attachment Theory of Love nina Cindy Hazan at Phillip Shaver (1987). Ito ay batay sa Attachment Theory ni John Bowlby (1958). Ayon kay Cherry (2020), ang attachment ay mailalarawan sa kung paano magpalitan ng ginhawa, pag-aalaga, at kasiyahan ang bawat isa. Ito ay masasabing isang espesyal na uri ng pakikipagrelasyon. Ayon sa teoryang ito, ang romantikong pag-ibig ay may pagkakatulad sa kung paano binubuo ng mga bata ang attachment o pagkagiliw sa kanilang mga magulang. Sa madaling salita, ang paraan ng mga tao sa pagbuo ng paraan ng pagkagiliw sa pagkabata ay nadadala nila hanggang sa pagtanda sa pagbubuo ng romantikong relasyon. Ayon pa kay Cherry (2020), ang attachment styles ay ang basehan ng mga paraan ng pakikipag-ugnayan at pag-uugali ng mga tao sa pagbuo ng kanilang relasyon. May tatlong istilo ng attachment para sa mga matatanda o nasa hustong gulang, ito ay ang anxious/ambivalent, avoidant, at secure. Ang anxious/ambivalent ay ang mga uri ng tao na laging nag-iisip at nag-aalala kung mahal pa ba sila ng kanilang kasintahan kaya nagkakaroon sila ng malakas na pagnanais na makasama ang kanilang minamahal, at natatakot kapag may ibang taong kasama ang kanilang kasintahan. Ayon kina Hazan at Shaver (1987), ito ang huli sa pinaka karaniwang metodo ng attachment. Ang avoidant naman ay ang pangalawa sa pinaka karaniwang istilo ng attachment. Ito ay tumutukoy sa mga taong umiiwas na maging malapit sa iba dahil nahihirapan silang magtiwala. Ang secure naman ay ang mga taong may matibay na tiwala sa kanilang relasyon sa iba, pakiramdam nila ay ligtas sila kasama ang ibang tao, at hindi sila masyadong nag-aalala sa posibilidad na iwan sila o maging masyadong malapit sila sa isang tao. Ito ang pinaka karaniwang paraan ng attachment (Hazan at Shaver, 1987). Ayon din sa teoryang ito, hinuhubog ang paniniwala ng bawat tao sa kanilang karanasan sa pag-ibig at attachment. Base sa mga ito, naaapektuhan ang mga resulta ng relasyon ng mga tao sa iba. Ito ay isang paulit-ulit na proseso at ang mga resulta ay depende sa kung ano ang istilo ng attachment ng isang tao. Pahina 13
MGA 1. Long Distance Relationship (LDR) HALIMBAWA Ang ganitong kaugalian ng Ang konsepto ng Long mga kabataang Pilipino ay Distance Relationship ay hindi tanyag na sa kasalukuyang na bago sa mga Pilipino. panahon. Samu't saring mga Parehong umiiral ang online dating apps ang terminong ito sa Pilipinas at kumakalat sa social media na mga karatig bansa o di kaya'y sa madali lamang magamit ng buong mundo. Ang long kung sino man ang may gusto. distance relationship ay isang Oo nga't isa itong maituturing uri ng romantikong relasyon sa na oportunidad sa marami na pagitan ng dalawang taong makahanap ng kanilang magkalayo at hindi madalas makakasama sa buhay ngunit magkita. Sa henerasyon ng mga hindi lahat ganoon ang kabataan ngayon at sa mabilis intensyon pagdating sa na pag-unlad ng teknolohiya, paghahanap ng karelasyon. madali na lamang para sa Maraming kabataan ngayon ang karamihan ang pumasok at nagkakasundo sa no label sumubok makipagrelasyon sa relationship o mutual anumang oras at pagkakataon. understanding na antas ng Kung kaya't isa ito sa mga relasyon dahil hindi sapat sa dahilan kung bakit karamihan kanila ang pamamaraan ng sa mga sumusubok makaranas pagpapakita ng kanilang ng romantikong relasyon ay intensyon sa isa't isa. Hindi nagkakasundo na lamang sa sapat na nag-uusap lamang sila malabong usapan at magulong at mayroong malayong ugnayan. Hindi sapat na nag- distansya sa isa't isa. Maraming uusap lamang sila at mayroong hadlang na pumipigil sa malayong distansya sa isa't isa. kanilang suungin ang mas Maraming hadlang na pumipigil malalim na antas ng relasyon. sa kanilang suungin ang mas malalim na antas ng relasyon. Hindi rin natin sila masisisi kung bakit mas pinipili nilang Pahina 14
maghintay ng panahon upang Ang commitment ay tanda ng mas makilala pa at bigyan ng responsibilidad, sakripisyo, pagkakataon na patunayan ang pagtitiwala, at pagiging nararamdaman ng isa't isa sa seryoso. Marahil kaya may mga oras na magkita sila. Kung taong takot sa commitment ay kaya't ang kaugaliang ito ay dahil may dati silang mga hindi nagsisilbi ring puno't dulo ng magandang karanasan na may mga taong naiipit sa kaugnayan dito, kaya natatakot komplikadong relasyon. na silang sumubok muli. Hindi naman literal na takot ang mga 2. Takot sa commitment tao sa commitment o sa relasyon, siguro hindi pa lang Ang commitment ay isa sa talaga tayo handa sa kung anong pwedeng mangyari o sa pinakamahalagang elemento ng pwedeng kahihinatnan ng pakikipagrelasyon. Kaya bilang pakikipagrelasyon, ngunit resulta nito, nagiging defense mechanism na natin ang mutual marami pa rin sa atin ang takot understanding. Ang ibang halimbawa rin nito ay ang mga sa commitment pero gustong kabataang may gusto sa isa’t isa pero ayaw pa ng commitment makipagrelasyon. Kung kaya dahil para sa kanila ay hassle ito, kaya mas pinipili nila ang naman may mga Pilipino na pakikipag-M.U. Ang iba naman sa atin ay gusto lang yung pinipiling manatili sa isang pakiramdam ng may nag-aalala sa kanila, iyong laging komplikadong relasyon na magtatanong kung “kumain ka na ba?” o “kumusta araw mo?” walang label o kung tawagin pero ang totoo naman ay yung pakiramdam lang na nating mga Pilipino ay “mutual nararamdaman nila tuwing nagiging maalalahanin na ang understanding” o “M.U”. Pahina 15 Kadalasan ang mga taong takot sa commitment ay ang mga gustong pumasok sa isang relasyon ngunit mas matimbang ang takot na mabigo sila.
MGA isang tao sa kanila ang gusto pinag-uusapan. Ito ang isa sa HALIMBAWA nila pero ayaw naman talaga mga dahilan kung bakit nilang makipagrelasyon o nagkakaroon ng M.U, dahil sa umunlad ang pagiging mag- pagbabawal ng mga magulang M.U nila. na makipagrelasyon ang kanilang mga anak. Gayunpaman, nasa sa atin pa rin talaga ang desisyon sa huli. Kilala ang mga magulang na Mas pipiliin ba natin manatili sa Pilipino bilang istrikto mutual understanding dahil pagdating sa pagkakaroon ng natatakot tayong magcommit sa relasyon ng kanilang mga anak. isang relasyon o magiging Ang pagkakaroon ng matapang tayo na harapin ang boyfriend/girlfriend ay bawal takot natin sa commitment at lalong-lalo na kapag nag-aaral pumasok sa isang relasyon na pa. Hindi naman sa hindi sila may label? pinapayagan ng kanilang mga magulang, ngunit para lang sa 3. Bawal pa kanila unahin muna ang pag- aaral at karera at huwag “Bata ka pa, huwag ka munang munang gawing prayoridad ang mag boyfriend/girlfriend.” pakikipagrelasyon dahil bata pa at marami pang dapat “Magtapos ka muna ng pag- matutunan sa buhay. aaral bago ka pumasok sa isang relasyon!” Kaya naman karamihan sa mga kabataan ngayon ang Maraming makakarelate dito, pumapasok sa no label lalong-lalo na kapag ang magulang ay isang Pilipino. Ito relationship o mutual ay ilan lang sa mga laging understanding na klase ng sinasabi ng mga magulang sa relasyon. Ayon nga sa kanilang mga anak kapag Facebook post ni Tadeo, pakikipag-relasyon na ang (2019), “Sabi ni mama wag daw muna ako mag jowa kaya ayon nag M.U na lang ako.” Pahina 16
Dahil sa kagustuhan na Maaaring ito rin ang magkaroon ng koneksyon, mas nararanasan ng ilan sa inyo. Sa pinipili na lang ng mga iyong kaibigan, bestfriend, kabataan ngayon ang mutual klasmeyt o katrabaho. “Love ba understanding. Kahit na walang talaga 'to?” Sa likod ng iyong label basta nandoon pa din ang isip, ikaw ay nalilito. Ang M.U koneksyon nila sa isa’t-sa. o Mutual Understanding ay naging uso sa ating kultura 4. Trending ngayon partikular na sa mga bagets at singles out there. \"Uy, uso, gayahin natin\" Paulit-ulit mong maririnig ang iba't ibang kwento sa M.U sa \"Alam mo ba ang trending ilang buwan ng pagtetext, pag- ngayon, yung M.U o mutual blog, pakikipag-usap sa kahit understanding kung tawagin?, anong social media platforms, masubukan nga din.\" at pagiging magkaibigan sa facebook. Maraming nagtatagal Bakit nga ba nauso ang M.U o sa ganitong set up. Hindi alam mutual understanding sa mga kung saan sila pupunta? Paano Pilipino? Dahil sa paglipas ng gagana ang kanilang relasyon? panahon nadadagdagan ang Sa madaling salita, magulong ating malawak na imahinasyon usapan! at ginugusto natin na gawin ito sa reyalidad. Para sa lalaki at 5. Peer Pressure babae na nagkaroon ng damdamin sa isa't-isa na takot “Ayie, bagay talaga kayo. Wag pumasok sa commitment dulot kang mag alala, akong bahala sa ng naunang nasirang relasyon inyo.” dito pumapasok ang usaping M.U at dahil trending na rin ito Ang mga Pilipino ay kilala sa ating henerasyon ay marami bilang palakaibigan dahil ang sumusubok ng ganitong uri madali tayong makisama sa iba ng relasyon. kaya ang madalas na nagiging Pahina 17
MGA kahinaan natin ay pag na peer Napakahirap kapag HALIMBAWA pressure na tayo. Kapag naimpluwensyahan ka ng mga naimpluwensyahan na tayo ng kaibigan mo pumasok sa isang ating mga kaibigan, wala komplikadong sitwasyon ng tayong choice kaya mutual understanding dahil sa mapepressure tayo na sundin peer pressure. Ang isang grupo sila kahit na labag sa kalooban ng magkakaibigan ay pwedeng natin. Katulad na lang kapag magkaroon ng hidwaan dahil lahat sa magbabarkada ay may dito lalo na kapag kani-kanila ng mga ka-M.U o nagkakalabuan na ang mag- syota, minsan darating ka sa M.U sa kanilang grupo. Hindi punto na maiisipan mo na din nila alam kung sino ang maghanap ng ka-M.U dahil kakampihan nila, kung saan sila hindi mo pa gusto ang may lulugar, at pwedeng maging label na relasyon dahil sa una sobrang awkward na nila. Kaya pa lang naman ay ayaw mo mas mainam na huwag munang pumasok sa relasyon. Pwede pumasok sa relasyon kapag rin naman na sinabihan ka o hindi pa handa at kung palagi kang binibiro ng mga napipilitan lang naman. kaibigan mo na maghanap na rin ng “bebe” dahil ikaw na 6. Talking Stage lang ang single at laging third- Sa panahon ngayon ang wheel sa grupo niyo. May terminong talking stage ay ang mga pagkakataon naman na makabagong katawagan sa tinutukso kayo ng mga nauusong antas ng relasyon na kaibigan nyo sa isang tao o ng mutual understanding. Ayon sa isa niyo pang kaibigan. blog ni Sulaiman (2020), ang Pwedeng dito mabuo ang talking stage ay ang panahon pagkakaroon ng feelings sa kung saan ang dalawang tao na isa’t isa na kadalasan ay nagpahayag ng romantikong hanggang M.U lang dahil na interes sa isa't isa, ay nakilala peer pressured lang talaga sila. ang isa't isa sa antas na mas Ang nagiging dahilan naman malalim kaysa sa ng iba ay ayaw nilang masira pagkakaibigan. Pahina 18
Ito ay upang tulungan silang Sulaiman (2020), ang ilang mga magpasya sa mga susunod na tao ay nananatili lamang sa hakbang ng kanilang talking stage na walang pagkakaroon ng interes sa isa't intensyon na talagang mangako. isa. Ang konseptong ito ay ay Ito ay sa kadahilanang hindi na nakapagtataka na isa nakukuha na nila ang lahat ng ring nakakalitong antas ng makukuha nila sa isang tunay pakikipagrelasyon. Sa yugtong na relasyon nang walang label ito dumarating ang maraming at pagiging eksklusibo. Isang katanungan at napapatanong bagay na nilikha ng ating nalang sa sarili, “Ano ang ibig henerasyon upang maiwasan sabihin nito?” “Ano ang mga ang commitment. aasahan ko?” “Ano ang dapat kasunod?” 7. Takot Masaktan Ang talking stage ay nilikha Ang lahat naman siguro tayo upang bigyan ng pormal na ay takot masaktan, pero ang katawagan ang modernong mapait na katotohanan kasi ay antas ng pakikipagrelasyon na hindi natin pwedeng iwasang walang pressure. Kumbaga ito masaktan dahil parte na ito ng ay iyong simple, mayroon buhay natin. Katulad na lang sa lamang kawal na inaasahan na pagmamahal, kasama na dito waring nakikipag-usap lang. ang posibilidad na masaktan Ito ay ang yugto kung saan tayo ng ating mga minamahal, makikilala mo ang isang tao maging magulang, kapatid, ngunit hindi ka sigurado kung kamag-anak, kaibigan, syota o gaano ka ka-interesado sa kaklase man yan, darating taong iyon. Alam mo na gusto talaga tayo sa punto na mo sila upang matuto nang masasaktan tayo. higit pa, ngunit hindi ka sigurado kung gusto mo bang May kanya-kanya tayong aktwal na simulan ang dahilan kung bakit may takot pakikipag-relasyon sa kanila. tayong masaktan, lalo na sa Ayon pa nga sa blog ni Pahina 19
MGA isang romantikong relasyon. 8. Natatakot masaktan ulit o HALIMBAWA wala ng tiwala Pwedeng dahil galing ka sa Ang mga taong may hindi broken family at ayaw mong magandang karanasan sa pakikipag relasyon ay maranasan din iyon, marami nawawalan ng pag-asa at tiwala. May mga nakaranas na niloko kang napapanood o nababasa sila sa dati niyang karelasyon kay natatakot na silang sa social media tungkol sa pumasok muli sa isang relasyon dahil baka maulit na naman ito. pakikipagrelasyon na hindi Mahirap naman talaga kapag ang pagtitiwala ay nasira na, nauwi sa happy ending, at mahirap ng bumuo ng lakas ng loob upang muling umibig dahil naghiwalay ang mga kakilala sa pait ng nakaraan. Kahit sino naman siguro sa atin ay mong magkasintahan kahit na nakaranas ng masaktan at ayaw na uling masaktan pa o maalala sobrang tagal na nila. Marami ang nakaraan nila. Minsan kahit M.U ay iwas sila pero may ang gustong makaranas pagkakataon naman na sinusubukan nila ang walang makipagrelasyon pero label na relasyon dahil umaasa sila na mas makilala nila ang natatakot lang talaga sila sa postensyal na maging kasintahan nila. Minsan kasi, posibilidad na masaktan o mas nagiging masakit ang manatili sa walang label na hindi matugunan ang kanilang relasyon dahil pag natapos ito, mahirap na magkaclosure kaya. expectations. Kung kaya Mas masakit kasi wala na ngang kayo tapos nabigo ka pa. Pero naman, mas nagiging ang iba mas gusto ito dahil komportable sila sa walang label na relasyon. Pero may mga pagkakataon na dumarating din sa masaklap na katapusan ang mutual understanding, kaya sa huli may masasaktan at masasaktan din talaga. Sabi nga sa Facebook post ni Kuya Allan (2019), kung natatakot ka na masaktan o mabigo sa relasyon, huwag mo na munang subuking pumasok sa relasyon, kahit na walang label na relasyon, dahil hindi laging kasiyahan ang dala nito. Pahina 20
walang expectations kaya Mas gusto muna nilang tanggap nila kung ano man kilalanin ang isa’t-isa kung ang mangyari at ang tama bang pumasok sila sa posibilidad na magtapos din isang relasyon. May namumuo ito. nang feelings para sa isa’t-isa pero alam nilang hindi pa ito Ang pagtanggap sa mga ganoong kalalim para pumasok nangyari sa nakaraan, sa isang relasyon. Interesado pagpapatawad sa sarili o sa lang sa kaniya kaya naman taong nagdulot ng trust issues sinubukan niyo na M.U na lang mo, pagmomove on, at muna. pagiging matatag ay ilan lang sa mga bagay na pwedeng Wala namang masama na gawin upang unti-unting hanggang M.U lang muna ang mawala ang takot natin na estado ng relasyon ng dalawang magmahal at magtiwala muli. tao. Kung sa tingin nila ay ito ang mas makakabuti sa takbo 9. Hindi ganoon kalalim ang ng kanilang relasyon. Kasi nararamdaman sa isa’t-isa habang nakikilala nila ang isa’t- isa dito nila malalaman kung Gusto nila ang isa’t-isa pero ititigil na lang nila ang kung alam din nila na hindi pa anong meron sila o kung ayos gaanong kalalim ang lang ba na lagyan ng label ang nararamdaman nila. Kaya kanilang relasyon. naman mas pinipili na lang nilang mag M.U sila dahil ito 10. Isa lang ang nag-iisip na iyong sa tingin nila mag-M.U sila (Maling Akala) makakabuti sa relasyon nila lalo pa at ayaw pa nilang Mayroong mga senaryo na pumasok sa isang seryosong relasyon na hindi naman sila kapag ang dalawang tao ay handa. nagkaroon ng malalim na relasyon sa isa't isa pagkatapos nilang magkakilala, iisipin ng isa sa Pahina 21
MGA kanila na mayroong HALIMBAWA namamagitan sa kanilang dalawa. Kadalasan nangyayari ang senaryo na ito dahil ang konsepto ng mutual understanding ay walang pormal na pag-uusap sa pagitan ng dalawang tao. Ito ay hindi nila namamalayan at bigla na lamang dadating o magkakasomething sa kanila. Sa pagkakataong ang isa sa kanila ay higit na sa kaibigan ang nararamdaman, nagkakaroon na rito ng pagbibigay ng malisya sa mga gawaing pinapakita at pinaparamdam sa kaniya ng kaibigan o kausap niya. Binibigyan na ng isa sa kanila ng mas malalim na kahulugan ang simpleng pag-uusap na itinakda nila sa isa't isa noong una. Pahina 22
ILUSTRASYON Aktwal na karanasan ng mga mananaliksik Pahina 23
Ang larawang ito ay isang screenshot ng Ang larawan na ito ay nagpapahiwatig pag-uusap sa pagitan ng taong nasa no na ang pag-ibig ay hindi kailangang label relationship at kausap nito ang magkaroon ng pormal na katawagan. kaibigan na waring tinatanong sa kaniya Ang pagmamahal ay kusang kung anong mayroon sa kanila ng nararamdaman ng tao at walang kaniyang kausap — dating kausap. anumang label ang makakapagsukat sa pag-ibig na kayang ibigay ng tao. Ang larawang ito ang nagpapatunay na kapag sa tingin Dito sa ipinapakita na ang mo ay walang patutunguhan ang relasyong Mutual Understanding ay relasyon ninyong dalawa ay itigil komplikado at karamihan ng nasa mo na agad. ganitong sitwasyon ay ‘it’s complicated’ and estado. Pahina 24 Ito ay nagpapakita ng nauusong meme o larawan noong kasagsagan ng lockdown. Nagpapahiwatig ng dalisay na nararamdaman sa isang tao ngunit wala naman silang pormal na label o commitment.
Ang larawan na ito ay nagpapakita kung paanong may label ang de lata, pero sila ng kanyang kasama ay wala. Ipinapahiwatig ng larawang ito na huwag agad-agad ipagmamalaki ang iyong ka-talking stage sa kadahilanang wala pa namang malinaw na namamagitan sa inyong dalawa sapagkat nagkakakilanlan pa lamang naman kayo. Ito ay isang larawan na nagpapakita ng screenshot ng pag-uusap ng dalawang tao na mag-MU o walang label. Pahina 25
Ipinapakita ng larawang ito na naguguluhan ang babae sa kanyang ka-text kung ano ba talaga sila. Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang senaryo na kung saan nagkakaroon na ng mas mataas na ekspektasyon ang isang tao sa kaniyang kausap o ka-M.U. Kung kaya’t dito na pumapasok ang katanungang “kayo ba?” Ipinapakita sa larawan na ito ang isang tula tungkol sa mutual understanding. Pahina 26
Ipinapakita ng larawang ito na kahit opisyal man ang relasyon o walang label, kapag naattach na ang isang tao, may posibilidad talagang masaktan siya kapag nawala ito o nagtapos ang kanilang relasyon. Pahina 27
DISKUSYON Hipotesis 1: Sa ganitong uri ng relasyon, hindi maiwasang isipin na ginagamit ka upang pansamantalang punan ang papel ng naunang kasintahan. Hindi maitatanggi na kapag tayo ay galing sa nasirang relasyon at hindi naging maayos ang kinahantungan nito, mayroong parte sa ating mga puso na gusto muli nating madama ang tunay, payak, at buong pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Kaya naman kapag mayroon muling gustong pumasok sa ating buhay na makapagpupuno ng mga bagay na iyon, paminsan-minsan ay nagpapadalos-dalos tayo ng desisyon dahil sa bugso ng ating damdamin sa taong iyon. Nakakalimutan na natin na kailangan muna nating hilumin ang sugat na dulot ng ating nakaraan. Para maibsan ang sakit at makalimot kahit papaano ay pinipili natin na minsan na magpapasok muli ng panibagong tao sa ating buhay upang ma-kompleto muli tayo at para magkaroon muli ng kagalakan ang ating mga puso. Hindi na bago sa ating mga naririnig sa radyo o napapanood sa telebisyon at pelikula ang mga ganitong sitwasyon – gagamitin ang isang tao upang tayo ay makalimot, na baka sakaling siya ang makapagbuo sa durog nating mga puso dulot ng pagkasira natin sa naunang relasyon na ating pinasukan. Ang mutual understanding o M.U ay isang komplikadong relasyon na maaari nating pasukin, sapagkat maraming negatibong dulot ito sa atin. Nakakaubos ito ng enerhiya, lalo pa't hindi opisyal ang namamagitan sa inyong dalawa. Laging may tanong sa iyong isipan kung seryoso ba siya sayo, may balak pa siyang maging committed sayo? Natatakot ka rin na baka gawin ka lamang panakip butas para makalimutan niya ang nauna niyang naka-relasyon. Kung pareho naman kayong hindi nagkaroon ng kasintahan noon, wala kayong magiging problema o iisipin kung kayo ba ay ginagamit lamang upang makalimot. Sa ganitong klase ng relasyon sa Pahina 28
isang indibidwal, maraming bagay ang nagiging sanhi upang hindi ito magtagal o wala itong kahantungan bandang huli. Mahirap humingi ng atensyon, mahirap ilabas ang tunay mong nararamdaman o kahit ang mga bagay na hindi ka komportable na ginagawa niya dahil natatakot ka na baka hindi ka niya maintindihan at isumbat sayo na wala namang kayo. Traydor ang damdamin ng tao sapagkat kinakalaban nito ang ating isip, kapag sinabi ng utak mo na tama na, sasabihin naman ng puso mo na baka kaya mo pa, ipagpatuloy mo lang, baka sa huli manalo ka. Ngunit kadalasan hindi nauuwi sa maganda kapag nasa bahagi pa lamang kayo ng mutual understanding, isa-sakripisyo mo ang iyong nararamdaman huwag lamang siyang mawala. Dinidiktahan ka ng puso mo na may pag-asa na maging kayo kahit pakiramdam ng utak mo ay hindi mangyayari iyon, lalo pa't kapag binibigyan ka ng mixed signal ng taong iyon. Ayaw mong bumitaw, ayaw mong kumawala, ayaw mong masayang lahat, kaya't nariyan ka, naghihintay lamang na tanungin niya sayo kung maaari na ba kayong umangat sa susunod na lebel. May nagsasabi na ang pagiging nasa 'M.U' na yugto ng relasyon ay tanda lang ng takot. Takot makipagsapalaran. Takot tumanggap ng mga pangako. Takot sumugal. Kapag nasa ganito kang uri ng relasyon, medyo komplikado ang lahat. Dahil walang mga kasiguruhan dito; patuloy mo lang binibigay ang oras mo, pinaparamdam ang feelings mo sa kanya at lalo kang nahuhulog sa kanya sa pagtagal ng panahon sa huli ay masasaktan ka lamang dahil wala kang karapatang mag- demand, magselos at angkinin siya, dahil wala kayong commitment sa isa't-isa. Ngunit kung minsan ito ay isang bagay ng pag-unawa, pagtitiwala at kaginhawaan na natagpuan mo sa braso ng iyong mga kaibigan. Kahit ikaw alam mo kung paano hahantong ang mga bagay na ito Umaasa ka pa rin na magiging maayos ang mga bagay sa inyong dalawa ngunit kasabay nito ay inaasahan ang mga kahihinatnan na maaaring mauwi sa isang magulo at nakakaiyak na paraan. Pahina 29
Hipotesis 2: Ito ay humahantong sa pagkabigo at pagkakasakitan. Maraming komplikasyon ang mutual understanding na relasyon. Una na rito ang hindi mo matukoy kung ano ba talaga ang meron kayo. Napaka komplikado nito na tanungin ka lang kung ano kayo ay hindi mo alam kung anong isasagot mo rito. Kapag may nagtanong ng “Ano mo siya?”, walang ibang masabi kundi “Friend ko lang”. (Sison, 2018). Idagdag pa dito na maraming bawal, tipong hindi ka pwedeng magselos kasi hindi naman kayo. Hindi mo pwedeng pagbawalan sa kung anong gusto niyang gawin, kasi sa una palang ay alam mo ng wala kang karapatan gawin ito (Eridite, 2016). Kasama na din na wala kayong patakaran na kailangang sundin. Dito papasok ang polygamous relationship. Maaari kang makipag-usap sa iba at makipagkita sa kanila, dahil hindi naman kayo nakatuon sa isa’t-isa at walang kayong responsibilidad na ipaalam sa isa’t-isa ang ginagawa ninyo. Dito na humahantong ang unhealthy emotional attachments dahil nag-aalala ka na minsan hindi ka na makatulog o makakain. Ito ang hamon kapag walang label ang relasyon (Sison, 2018) Darating sa puntong lalalim ang nararamdaman mo sa tao. Masasaktan ka sa mga ginagawa niya, pero wala kang karapatan na magalit. Ibibigay mo ang lahat pero hindi ka pwedeng maghintay ng kahit anumang kapalit. Pagmamahalang walang patutunguhan, dahil ito ay isang laro lang kung tatawagin. Mahirap tanggapin pero kailangan panindigan na hanggang ganito na lang kayo. Masasabihan mo ng problema at magpapasaya sa’yo sa sandaling panahon lamang. Kapag lumayo na ang isa, pwedeng umiyak pero walang karapatang pigilan o magalit, dahil M.U lang kayo (Eridite, 2016). Pahina 30
Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi magandang pumasok sa relasyong ito ang dalawang tao dahil humahantong ang mutual understanding sa pagkabigo at pagkakasakitan. Sa relasyong ito, walang pinanghahawakan o commitment. Hindi mo alam kung saan ka lulugar dahil wala namang kayo. Parang kayo pero hindi. Nagsasabihan ng ‘I love you’ at ‘I miss you’, pero hindi mo masasabing “Akin ka!”. (Eridite, 2016). Marami ang hindi pwede at wala kang pagpipilian kundi ang tiisin ang kung ano man ang ginagawa ng partner mo. Alam naman natin sa isang mutual understanding dito papasok ang mga katagang ‘No string attached’ na ang kahulugan ay walang pormalidad na nasa isang relasyon kayo. May posibilidad na maka kilala kayo ng iba at iwan ang mga partner nyo. Walang kayong karapatang magreklamo at magselos kasi sa una pa lang alam niyo na na hindi kayo. Kaya naman ito ay maaaring humantong sa pagkabigo at pagkakasakitan. Nangyayari ito kapag ang isang tao ay napamahal ng sobra sa kanilang partner ngunit ang kanilang partner naman ay gusto lang na hanggang M.U lang sila (Pinaycoach, 2014). Ang pagpipilian lamang ay ang manatili na ganun ang sitwasyong niyong dalawa pero nasasaktan ka sa mga ginagawa niya o ang itigil na ito dahil hindi mo alam kung may patutunguhan pa ba ang relasyon niyong dalawa. Hindi rin maiiwasan na magsawa ang kanilang partner at iwan na lang sila. Wala namang pagpipilian ang isa kundi tanggapin ang kahihinatnan ng relasyon nila dahil wala namang label ang relasyon nilang dalawa, magiging madali para sa kanila na iwan na lang ang mga partner nila. Kahit na masaktan na ito ay wala itong pagpipilian dahil sa simula pa lang ay alam nito na may posibilidad na mangyari na iwan sila. (Kuya Marcelo, 2019). Mahirap pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Kahit kailan pwede silang mawala sa tabi natin. Alam nilang posibleng masaktan at mabigo sila sa sitwasyon nilang ito, pero pinili pa rin nilang manatili dito. Ang kilig at saya na nakasanayan ay maaaring mawala. Doon na nasisira at nasasaktan ang isang tao. Kaya naman napakahirap ng ganitong klase ng relasyon, bukod sa walang katiyakan Pahina 31
kung ano ang mangyayari, nasasayang ang oras na dapat ay nabibigay mo sa sarili mo at sa taong mas nararapat sa oras mo. Base sa mga siniping pag-aaral, ang mutual understanding ay maaaring humantong sa pagkabigo at pagsasakitan. Dito makikita na kapag walang label ang relasyon, dumarating sa punto na hindi na magkaintindihan ang dalawang tao. Napakahirap ng relasyong ito, dahil walang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan ng relasyon niyo. Maraming oras ang nasasayang, dahil sa huli naman ay sakit at pagkabigo lang at matatamasa ng tao. Hipotesis 3: Walang karapatan na magselos sapagkat hindi naman kayo magka-relasyon. Likas na sa mga tao ang magselos, kahit hindi man sa konteksto ng romantikong relasyon. Katulad na lang ng selos na pwedeng maramdaman ng mga magkapatid, magkakaibigan, at magkaklase. Pero madalas na inuugnay ang selos sa mga magkarelasyon o kahit sa one-sided love. Ngayon, ang tanong ay kung may karapatan nga bang magselos ang mga tao kahit hindi naman sila magkarelasyon? Kagaya na lang ng mga mag- M.U. May karapatan nga ba silang magselos kahit hindi naman sila opsiyal na magkasintahan? Maraming paniniwala ang mga tao tungkol dito, at hati ang opinyon nila. May mga naniniwala na hindi nasusukat ng estado ng relasyon ang pagkakaroon ng karapatan na magselos. Meron din naman na naniniwalang walang karapatan na magselos ang mga tao kapag hindi sila magkarelasyon. Ayon kay Rein (2020), hindi napipigilan ng mga taong magselos kahit na wala silang karapatan. Sa madaling salita, normal na iyong reaksyon sa mga tao lalo na sa konteksto ng pag- ibig, kapag may nararamdaman tayo sa isang tao. Pahina 32
May mga naniniwala naman na may karapatan na magselos ang mga taong nasa relasyon basta hindi ito assumption. Minsan kasi nagiging assuming ang mga tao kapag akala nila may gusto sa kanila ang isang tao o kaya naman ay akala nila nasa relasyon sila pero in-assume lang pala nila ito dahil ang totoo ay hindi naman talaga. May karapatan kang magselos kung sumang-ayon kayong pareho sa relasyon o set up ng relasyon niyo, opisyal man o hindi, basta nagkaroon ng pagkakasunduan. Papasok na rito ang konsepto ng mutual understanding o M.U. Pwede kang magselos kapag hindi mo lang assumption na mag-M.U kayo at kung naging malinaw ba sa inyong dalawa kung ano ang pagpapakahulugan niyo sa M.U. May mga nagsasabi rin naman na may karapatan pa rin daw magselos ang mga tao kahit wala naman talaga silang relasyon basta iiwasan lang ang magreact. Kung magre- react ka, isipin mo muna ang kinatatayuan mo sa relasyon, kung may karapatan ka ba talaga, dahil kung wala ay matuto ka na lang siguro na lumugar. Masyadong malupit, pero may mga pagkakataon kasi talaga na nakadepende dapat ang magiging kilos o reaksyon mo sa kung anong meron sa inyo ng isang tao. Kung wala naman kasi talagang kayo, wala ka rin namang magagawa hindi ba? Pero wala rin naman talagang makakapigil sa mga tao na magselos dahil nakadepende ito sa kung anong nararamdaman natin o kaya naman ay emosyon natin, kaya napakahirap talagang maipit sa ganitong sitwasyon. Ang pagseselos ay isa sa maraming tanda na may nararamdaman tayong pagmamahal sa isang tao maliban na lang kung makasarili ka sa puntong hindi mo naman talaga mahal pero lahat na lang ay pinagseselosan mo. Kahit pilitin mong itago, pigilan, o kahit hayaan, talagang magseselos at magseselos ka kapag mahal mo ang isang tao. Ngunit paano kung wala ka namang karapatan? Pero kahit na sabihing natural ang makaramdam ng selos, tama lang ba ito kahit hindi naman kayo magkarelasyon? Masakit pero dahil hindi nga kayo opisyal na magkasinahan, wala ka talagang karapatan na magselos lalo na kapag pinakita mo na nagseselos ka hanggang sa magdemand ka na pero hindi dapat. Bakit? Ibabalik ko ang tanong, bakit? Kayo ba? Kaya napakasakit dahil nakakaramdam tayo ng selos kahit hindi naman dapat dahil hindi naman opisyal ang relasyon. Pwedeng hindi niya alam kung ano ang tunay na nararamdaman mo, na may pagseselos na pa lang nagaganap. Pahina 33
Anong dapat gawin kung nagseselos pero walang karapatan? Wala. Wala ka naman talagang dapat gawin kapag nagseselos ka kung hindi naman kayo. Bakit? Dahil alam mo naman sa sarili mo na wala kang karapatan, kaya bakit pahihirapan mo pa ang sarili mo sa isang komplikadong relasyon na walang patutunguhan? Matutong magpalaya o kaya naman ay magpaubaya sa ibang tao kung saan alam mong mas masaya siya. Baka naman kasi kailangan ka lang niya sa pagkakataong iyon, pero hindi ka naman pala talaga mahal. Kaya hayaan mo lang, kung hindi mo mapigilan na mag selos ay hayaan mo lang. Darating ka din sa puntong magsasawa ka ng magselos at masaktan tapos mapapagtanto mo na mas magiging payapa ang isip at puso mo kung papalayain mo na siya at ang nararamdaman mo sa kaniya. Nasaktan ka na nga dahil hindi naman kayo at hindi naman opisyal ang relasyon niyo tapos hindi mo pa deserve masaktan at magselos. Parang hindi patas, hindi ba? Pero ang pagmamahal kasi ay sadyang may kalakip na sakit. Hindi lang naman kasi ito puro saya. Hindi rin naman natin pwedeng makuha lahat ng gusto natin, katulad sa pagmamahal. Hindi natin mapipilit ang tao na mahalin tayo o piliin tayo. Ang mahalaga ay ang piliin ang sarili lalo na kapag hindi ka naman pinili kahit ipinaglaban mo pa. Huwag kang mainip maghintay sa tamang panahon, dahil ang taong para sayo ay darating din. Tandaan mo na hindi mo kailangan magmadali. Bakit ka magmamadali kung sulit naman sa huli ang paghihintay mo para sa taong magmamahal sa’yo, yung taong hindi ka iiwan kahit sa panahong gusto mo ng sumuko, yung taong hindi ka ipagpapalit, at yung taong handa sa opisyal na relasyon? Bakit ka magtitiis sa komplikadong relasyon kung may mas malinaw at mas better naman? Isang relasyon na hindi ka magtatanong kung “ano nga ba tayo?” dahil may assurance at commitment na. Pahina 34
Hipotesis 4: Dahil walang \"pormalidad\" na kayo ay nasa isang eksklusibong relasyon, may posibilidad na ang isa ay makatagpo ng iba at iwanan kang umaasa. Kapag naririnig natin ang konseptong “mutual understanding” o mas kilala sa tawag na “M.U” parang ang simple niya lang pakinggan, hindi ba? Ang unang pumapasok sa isipan natin ay dalawang taong mayroong romantikong nararamdaman sa isa't isa ngunit teka, sila ba? Dalawang taong mayroong pagkakaunawaan na higit pa sa lebel ng magkaibigan pero hindi hihigit sa lebel ng dalawang taong nag-iibigan. Alam kong medyo malabong unawain, kasing labo ng relasyon ng mga taong nagkasundo na pasukin ang mutual understanding. Sa pagpasya na makuntento sa walang label na relasyon, marami ring gusot ang kahaharapin ng dalawang taong nasa ganitong klase ng relasyon — o isa sa kanila. Ang mutual understanding ay matatawag na isang yugto ng relasyon ngunit hindi ito simple. Maaaring ito iyong tipo ng relasyon na walang ka-cheesyhan at ka- cornyhan na mga banat katulad ng kadalasang sinasabi at ginagawa ng mga magnobyo/nobya. Dahil nga hindi ito simple, marami ring paghihigpit ang kailangang isaalang-alang ng dalawang taong pinasok ito. Paghihigpit na hindi kagaya ng ginagawa ng magnobyo/nobya sa isa't isa, tipong pinagbabawalan makipag-usap sa iba lalo na't kapag alam ng isa na magiging dahilan ito ng hindi pagkakasundo at gusot sa relasyon nila. Ito iyong klase ng paghihigpit na dapat alam ng bawat isa ang limitasyon nila sa buhay ng isa't isa. Paghihigpit sa sarili na huwag maghangad ng higit pa sa estado ng relasyon na mayroon sila sapagkat kahit saang anggulo tignan, wala silang karapatan na angkinin ang isa't isa. Pahina 35
Kung mas marami kang inaasahan, mas marami ka ring pagkabigo. Dahil walang pormalidad na kayo ay nasa isang eksklusibong relasyon, may posibilidad na ang isa ay makatagpo ng iba at iwanan kang umaasa. Ang kasunduan ng pagpasok sa ganitong komplikadong relasyon ay isang kasunduan din ng pagpasok sa zero commitment na relasyon. Ibig sabihin walang mga alituntunin o patakaran sa kilos ang dapat at hindi dapat gawin ng isa't isa. Mayroong karapatan ang bawat isa na maging ‘monogamous’ o magkaroon ng higit sa isang karelasyon. Maaaring makipaglandian kahit kanino gusto at walang sino man ang pwedeng mamintas, magbigay ng reaksyon, o magsalita sa oras na ginawa ito ng isa. Dahil sa oras na nagbigay ka ng reaksyong hindi nararapat, maaaring hindi ito magugustuhan ng isa. Magiging hindi makatwiran ang reaksyon mo sapagkat papasok na dito ang katanungang “Ano ba tayo?” Ayon pa kay Marcelo Santos III, ang mutual understanding o no label relationship ay isang klase ng relasyon na nakalutang, na kahit anong oras ay pwedeng mawala at huminto. Habang tumatagal mayroong nabubuong tanong kung may katiyakan ba? Kung pangmatagalan ba? Kaya huwag kang ‘feeling’ na hawak mo siya o mayroon kang karapatan sa kaniya. Mahirap ang relasyong walang pinanghahawakan dahil hindi mo masabi na “Akin lang 'tong tao na'to.” Hindi ba't nakakatakot? Dahil para siyang bagay na hiniram mo na ano mang oras ay kukunin nalang niya. Walang kasiguraduhan na kayo ang magkakatuluyan sa hinaharap o magiging pangmatagalan ang relasyon niyo. Walang karapatan sa lahat lalo na kapag may nagawa siyang hindi mo gusto katulad nalang ng pakikipagkita o pakikipag-usap sa iba. Kung kaya't mahirap pumasok sa relasyong walang kandado dahil ano mang oras ay pwedeng mawala ang taong ito at matigil ang kilig at relasyon na kinasanayan mo. Pahina 36
Hindi maipagkakaila ang posibilidad na ang isa ay makatagpo ng iba habang mayroong itong ka-M.U. Ngunit hindi ko sinasabi na likas na pangkalahatan at naaangkop na gawin ito ng isa sa kanila. Ang posibilidad na ito ay isa sa mga alalahanin ng mga nasa mutual understanding na relasyon. Walang label na pinanghahawakan kaya mahina rin sa mga kondisyong hindi na sakop ng kanilang limitasyon. Ngunit sa kabilang banda, kagustuhan naman nila iyon kung gagawin nila. Pinakitaan lamang sila ng mga pagpipilian, pagpipilian na manghingi ng opisyal na label sa relasyon o magpasya na lamang sa ituloy ang kung ano man mayroon sila ngayon. Iyon lang ang isang posibilidad sa gitna ng lahat ng iba pang mga posibilidad, ngunit hindi natin maitatanggi na ito ay isang katotohanan at maaaring mangyari. Ang hindi malinaw na estado ng relasyon ay maaaring maging dahilan ng hindi pagtatagal ng relasyon. Hindi pwedeng ipagsawalang bahala na lamang ang posibilidad na makatagpo ang isa ng iba samantalang ang isa ay umaasa sa pag- asang tatagal at magkakaroon ng label ang relasyong kanilang sinimulan. Ang isa ay kontento na sa nabuong pagsasamahan buhat ng nararamdaman ng isa't isa samantalang ang isa ay umaasang lalago at lalalim ang relasyong mayroon sila. Mahirap ang mamuhay sa dilim. Ang pakiramdam na parang 'ibang tao' ka pa sa buhay nya. Yung ikaw iyong taong nandyan ngunit hindi pwedeng ipakilala sa magulang, kaibigan, at sa iba pa dahil anong sasabihin nya? Eh wala namang ‘label’ ang relasyon niyo. Hindi naman pwedeng sabihin na “kami pero hindi kami” dahil mag-uugat ito ng kalituhan sa mga sa taong malapit sa inyo at magsisilbing pag-asa sa mga taong may mas malinaw na intensyon sa isa sa inyo. Ang walang inaasahan ay ang inaasahan lamang na maaari mong makuha. Ang isang kaswal na pakikipag-fling ay mahalaga para sa kasiyahan. Ito ay hindi para damdamin at bigyan ng mas malalim na kahulugan ang napagkasunduang estado ng relasyon at umasang ganoon din ang tingin ng isa. Huwag umasa na ang isang mutual na relasyon ay aabot sa puntong ang mga ginagawa ng mga nobyo/nobya ay gagawin din sayo ng ka-M.U mo. Katulad na lamang ng paghahangad ng oras sa Pahina 37
kanya at aasa kang kahit anong oras ay handa siyang samahan at aliwin ka. Kapag umasa ka na gagawin ng tao ang kaparehong effort o pagsisikap na ginagawa mo, mauuwi ka lang sa pagkadismaya habang umaasa. Mayroong mga senaryo na isa lang sa dalawang taong ito ang nag-iisip na magM.U sila. Kadalasan sa ganito naman talaga nagsisimula ang mutual understanding na relasyon. Hindi napag-uusapan o walang pormal na pag-uusap at bigla na lamang magkakaroon ng kilig at romantikong nararamdaman sa isa't isa. Ang paghahangad ng relasyon na hindi naman umiiral at ang pagiging needy o labis na pagkaattached sa tao ay maaaring maging tulay ng pagkatalo. Nagiging matapat at buong pusong nakatuon ka sa kaniya samantalang siya ay hindi pa handa at ninanamnam pa ang kalayaan at kasiyahan nang walang responsibilidad. Mistulang nagiging cycle ang ganitong antas ng relasyon. Nakakaadik iyong pakiramdam na tanggap ka ng ibang tao ngunit kapag dumating na yung oras na unti-unti nang lumalabo ang lahat, mayroon ka pa o siyang pagpipilian na mayroon pa namang ibang mahahanap. Hipotesis 5: Nagkakasundo ang lalaki at babae na hindi na pag-usapan ang kanilang tunay na katayuan. Marami ngayon ang mas pinipili na lang na nasa M.U ang katayuan ng kanilang relasyon. Hangga’t naiintindihan ng babae at lalaki kung ano lang meron sila, at may mutual understanding sila, masaya na sila sa kung ano mang samahan na meron sila. Dahil sa umiiral na mutual understanding, nagkakasundo ang lalaki at babae na hindi na pag- usapan ang kanilang tunay na estado ng kanilang relasyon. Bago pa man sila mapunta sa ganitong sitwasyon alam na nila kung hanggang saan lang sila sa buhay ng isa’t-isa. Nasa isang pahina sila at alam nilang dalawa kung ano ang nakasulat dito. Pahina 38
Mas pinili na lang nilang huwag pag-usapan ang tunay na estado ng kanilang relasyon, dahil ayaw na nilang mas maging komplikado pa ang lahat (Sison, 2018)). Kaya naman hindi na lang pinag-uusapan ang katayuan ng kanilang relasyon dahil sa takot na magtanong. Natatakot sila na baka ang maging sagot nila ay hindi akma sa kung anong nararamdaman ng isa, na baka hindi pa handa ang partner nila na pumasok sa isang relasyon. Natatakot sila na baka sa pagtatanong nito ay maging dahilan pa ito para matapos ang pagsasama na meron sila. Mahirap pumasok sa isang relasyon na walang label. Hindi mo alam kung saan ka lulugar at kung paano aakto sa harap ng partner mo, dahil hindi mo naman alam kung ano talaga ang meron kayo. Komplikado ang ganitong klaseng relasyon, ngunit marami pa ding sumusugal dito. Kahit na maraming bawal, na kahit pagseselos ay hindi mo pwedeng ipaalam sa partner mo. Hindi mo rin pwedeng pagbawalan dahil una palang alam mo ng wala kang karapatan na gawin ito. Hindi naman kasi lahat ng tuntunin ng isang magkarelasyon, ay magagamit dito. Komplikado ang relasyon na ito at maaaring magdulot ng negatibong epekto sa tao. Maraming mga tanong sa ating isipan kung ano bang meron sa inyo. Dumarating sa punto na matatapos ang relasyon nila ng hindi na napag-uusapan ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Magkakasundo na lang sila na tapusin ang kung anong meron sa kanila. Ramdam na nila kapag hindi na maayos ang takbo ng pagsasamahan nila. Mas pinipili na lang nilang huwag pag-usapan kaysa magkaroon pa ng hindi pagkakaintindihan sa kung ano ba talaga ang meron sila. Komplikado ang ganitong klase ng relasyon, ngunit marami pa din ang sumusugal dito. Ang pagkakaroon ng isang ‘M.U’ ay nangangahulugan na maaari mong putulin ang kung ano mang meron sa inyo kung sa tingin ninyo ay hindi kayo para sa isa’t-sa. Kahit na araw-araw kayong nag-uusap. Hindi na kayo mag-aaksaya ng oras sa isa't isa, kasi sa simula pa lang alam niyo ng may posibilidad na maging ganito ang kahihinatnan ng relasyon ninyo. Ngunit minsan, gusto naman nila ang isa’t-isa pero mas pinili na lang nilang huwag pag-usapan ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa (Obrero, 2019). Dahil hindi pa sila handang pumasok sa isang relasyon, mas pipiliin nila na walang label ang kanilang relasyon. Mas komportable sila dito at alam nila kung hanggang saan lang ang kanilang limitasyon. Pahina 39
KONKLUSYON Ang konsepto ng mutual Sa kasalukuyang panahon ang understanding sa mga Pilipino konseptong ito ay itinuturing na ay mayroong malaking ‘red flag’ o babala ng pagkakaiba sa ibang bansa. Sa karamihan sa mga Pilipino. Ito mga Pilipino, ang mutual ay dahil ang mga taong understanding ay isang nagkasundo na hanggang romantikong relasyon sa mutual understanding na pagitan ng dalawang tao na lamang ang antas ng kanilang mayroong malalim na relasyon ay napapangunahan na pagkakaunawaan sa isa’t isa at ng kaisipan na kailanman ay pagkakaroon ng karaniwang hindi na hihigit pa rito ang interes ngunit walang tiyak na magiging lebel ng kanilang label o pamagat. Samantala, romantikong interes sa isa’t isa. kung ang konseptong ito ay Hindi na lalalim pa ang maihahalintulad sa ibang nararamdaman sa isa’t isa dahil bansa, ang ganitong antas ng mayroong nagpapaalala sa relasyon ay maituturing na kanila ng kanilang limitasyon oportunidad sa dalawang tao bilang magM.U lamang. upang magkaroon ng mas Maraming Pilipino ang hindi malalim na romantikong gusto sa ganitong antas ng relasyon sa isa’t isa. Ngunit relasyon dahil walang ang ganitong klase ng kasiguraduhan na magkakaroon relasyon sa perspektibo ng ng label o pormal na pamagat mga Pilipino ay nagbibigay ng ang relasyong sinimulan nila. kalituhan sa pagitan ng Maaari nilang gawin ang mga dalawang taong hindi tiyak bagay na ginagawa ng mga ang katayuan sa buhay ng isa't magnobyo/nobya ngunit malabo isa. Kung kaya't karamihan sa pa rin ang katayuan nila sa mga Pilipino, partikular na sa buhay ng isa’t isa. mga kabataan ay may maling interpretasyon sa konsepto Ang usaping pag-ibig, kasama nito at sa katagalan ay na ang isip at kilos ng mga tao nabigyan na nga ito ng tungo dito, at iba pang sakop negatibong konotasyon. nito ay maipapaliwanag din ng Pahina 40
mga eksperto, kaya naman Bumabalik ito sa ating konserbatibong kultura, kung may mga teorya rin tungkol saan may nakasaad na paraan ng panliligaw at progresyon ng dito. Kung susuriin ang isang relasyon. Gusto nating suriing mabuti ang mga bagay- Attachment Theory ni John bagay lalo na pagdating sa relasyon. Gusto natin na lalong Bowlby (1958), mapapansin makitungo sa isa’t isa pero mas mahirap umabot sa lebel ng na ang mga karanasan mula sa pagiging magkasintahan kaysa umabot sa pagkakaibigan pagkabata ay mahalaga dahil lamang. Ang M.U ay context- driven. Kadalasan, ang mga may malaking parte ito sa M.U, gusto magka-relasyon sa isa’t isa pero may iglap ng di- paghubog ng kanilang pag- pagkasiguraduhan o di- pagkahanda sa mga uugali sa pagtanda. Ito ang responsibilidad ng pagkakaroon ng bagong relasyon. Karaniwan naging basehan ng teorya nina itong nangyayari sa mga bata o inexperienced. Kapag nasa M.U Cindy Hazan at Phillip ka, kumakapa o nakikiramdam muna kayo. Naghahanda o Shaver, ang Attachment nagsasanay kayo para sa mas malalim na relasyon. Theory of Love (1987). Ang Nagkakaroon din ng M.U kapag may mga isyu na humahadlang bawat attachment styles ng sa pagkakaroon ng nobyo o nobya. Kadalasan ito ay mga mga tao simula pagkabata ay istriktong magulang na hindi pumapayag sa kanilang mga pwedeng maging basehan sa anak na magkarelasyon para magpokus sa pag-aaral. Nag- kung paano nakikipagrelasyon ang isang tao pagtanda, lalo na sa konteksto ng romantikong pakikipagrelasyon. Samakatuwid, ang attachment styles ng isang tao ang naging daan upang makabuo ng relasyon sa kanilang mga magulang na nadadala at nakakaimpluwensya sa pagbuo ng romantikong relasyon sa kanilang pagtanda. Bilang ang Pilipinas ay high- context culture, hindi tayo mahilig sa agad-agad na halata o explicit. Pahina 41
KONKLUSYON eM.U ang mga nasa lang upang pansamantalang sitwasyong ito para makaranas punan ang papel ng naunang ng relasyon pero hindi kasintahan. Maraming oras ang kailangang magsabi na may nasasayang, dahil sa huli naman nobyo/nobya siya. ay sakit at pagkabigo lang at matatamasa ng tao. Batay sa mga impormasyon na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, ang Mutual Understanding ay humahantong sa pagkabigo at pagkakasakitan. Dahil sa ganitong klase ng relasyon, wala kang pinanghahawakan. Nagkakasundo na ang lalaki at babae na hindi na pag-usapan ang kanilang tunay na katayuan. Wala kang karapatan na magselos dahil sa simula pa lamang alam mo ng walang kayo. Dito makikita na kapag walang label ang relasyon, dumarating sa punto na hindi na magkaintindihan ang dalawang tao. Darating sa puntong iiwan ka na lang na umaasa na maging kayo, pero nakatagpo na pala sya ng iba at maiiwan ka lang sa dulo. Napakahirap pumasok sa ganitong klase ng relasyon dahil walang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nito. Maaring ginagamit ka Pahina 42
SANGGUNIAN Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
KONSEPTO NG MUTUAL UNDERSTANDING Carsocho, Michaella Mae Custodio, Clarissa Magbuhat, Ae Be Kye Manliquid, Drezel
Search
Read the Text Version
- 1 - 50
Pages: