Description: Ang Luntian ay isang e-booklet na binuo upang muling maipakilala sa mga kabataan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba’t-ibang elemento ng buhay ng isang magsasaka. Sa modernong panahon, hindi na nabibigyang pansin ng kabataan ang mga trabaho tulad ng pagsasaka o paghahayupan. Sa kabila nito, ang mga agrikultural na trabahong ito ay nananatiling pinakamahalagang bahagi ng ating lipunan. Binuo ang librong ito bilang parangal sa lahat ng mga magsasaka sa Pilipinas upang makapagbigay inspirasyon sa kabataan na muling tuklasin ang pag-ibig sa mga propesyong agrikultural at matagumpayan ng bagong henerasyon ang mga pagsubok na kinakaharap sa kasalukuyan at sa kinabukasan.