Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Beige and Pink Minimal and Refined Patterns Children's Easter Poster

Beige and Pink Minimal and Refined Patterns Children's Easter Poster

Published by mikalorinp, 2022-03-04 12:56:05

Description: Beige and Pink Minimal and Refined Patterns Children's Easter Poster

Search

Read the Text Version

Ang Misyon Ko Sa Buhay ESP Mika Lorin A. Padilla

Isa ako sa mga kabataang inaalam pa ng mabuti kung ano nga ba ang misyon sa buhay. May dalawa akong naiisip na pwede kong kunin sa pagdating sa SH at college, ngunit hindi ako sigurado kung tama nga ba ang mga naiisip o options ko. Gusto ng aking tatay na kumuha ako ng law sa kadahilanang mahilig sa history at politics ang aking tatay. Ngunit alam ko sa aking sarili na hindi ko ito gusto. Pero sabi ng aking tatay suportado niya pa rin ako sa kung ano ang aking kukunin, ganon rin ang aking nanay.



Ang aking dalawang napagiisipan ay una, maging isang nurse. Gusto ko maging nurse dahil gusto ko maramdaman ng aking inaalagaan na mayroong taong nagpapahalaga para sakanila at may kaagapay sila. Gagamitin ko ang aking pagiging nurse sa pag-spread ng mga salita ng Diyos. Gusto ko maramdaman ng aking inaalagaan na mayroong Diyos na nakabantay at pagagalingin sila. Isa rin sa kadahilanan kung bakit gusto ko maging nurse ay dahil sa panahon ngayon, maraming tao ang nagkakasakit at kulang ang mga nurse kaya naman ay handa akong tumulong para sa ating kapwa. Hindi lang sa kapwa ako tutulong, gusto ko ako rin ang mag-aalaga sa aking nanay at tatay katulad ng pag-aalaga nila sa akin noong ako ay bata pa.



Ang pangawala naman ay gusto ko rin maging veterinarian. Sa kadahilanan na bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa mga hayop. Ako ang nag-aalaga sa aking aso kapag siya ay nagkasakit. Noong August ang aking aso ay nagka parvo, ngunit ito ay gumaling dahil inalagaan ko ito ng mabuti dahil ayoko mawala ang aking pinakamamahal na aso. At dahil doon lalo akong naganahan maging vet dahil napagaling ko ang aking aso. Malaking tulong sa akin ang mga hayop lalo na noong panahong wala ako sa aking sarili at malungkot ako. Dahil sakanila napapasaya nila ako lalo na ang aking alaga. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ko gusto maging vet dahil gusto ko ipagtanggol lahat ng hayop sa buong mundo na inaabuso, dahil sila ay may buhay rin katulad nating mga tao. Gusto ko ibalik sakanila ang mga ngiting ibinigay nila sa akin. Gusto ko tulungan lahat ng aso, may lahi man o wala.



Sa ngayon, ako ay nasa ika-siyam na baitan na. Ang misyon ko ngayon ay pag-isipan mabuti kung ano nga ba ang gusto ng aking puso at isip at i-handa ang aking sarili para sa aking pinaka misyon sa buhay. Ngunit, isa sa mga misyon k o sa buhay ay magaral, tumulong sa kapwa, mag kalat ng salita ng Diyos, tulungan aking pamilya, at i-enjoy ko ang aking buhay. Iisipin ko nalang ng mabuti kung sa paanong paraan ko ito gagawin upang makamit ko ang mga bagay na gusto kong mangyari.

Thank you po sa pag-babasa