grade 9- ssc rutherford week 3- performance task 2 sa araling panlipunan Collage ukol sa apat na uri ng sistemang pang-ekonomiya. Ipinasa ni: Clark Ipinasa kay: Ma'am Matthew N. Ugaddan Chezamae Vicedo \"We know that advanced economies with stable governments that borrow in their own currency are capable of running up very high levels of debt without crisis.\" Paul Krugman
ang aking collage Ito po ang kinalabasan ng aking collage tungkol sa apat na sistemang pang- ekonomiya! Halika, atin itong pag-masdan at pag-aralan!
ANG AKING EXPLANASYON: Ang bawat uri ng sistemang pang-ekonomiya ay may kanya- kanyang maganda at hindi magandang epekto sa lipunan. Ngunit kung atin itong iisipin, sadya pa rin na maganda at nakakatulong ang lahat ng ito. Halimbawa, ang traditional economy ay maganda subalit kakaunti o minsan pa ay walang naidudulot sa polusyon ang sistemang ito. Naisasakatuparan naman ang kalidad at produksyon ng mga pangangailangan ng tao sa sistemang market economy sapagkat ang mga tao mismo ang nagdedesisyon sa mga bagay na kinakailangan pag-usapan. Nagkakaroon naman ng mahusay na paglalaan ng mga mapagkukunan sapagkat naipamamahagi ang mga serbisyo sa mga taong pinaka-nangangailangan nito. Ikahuli, mababa ang antas ng hindi pagkakapantay-pantay at kawalan ng trabaho kung command economy naman ang ipapatupad. Bagamat maraming magandang naidudulot ang bawat sistemang pangekonomiya atin paring tatandaan na mahalagang pag- aralan ng mga batang katulad ko ang bawat uri ng sistemang pang-ekonomiya upang tayo ay maging handa sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Sa pag-aaral nito, nagiging alerto at mapanuri tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan at doon tayo nagsisimulang magkaroon ng papel sa ating lipunan, sa pamamagitan ng pagiging mapanuri sa ating mundong ginagalawan.
Search
Read the Text Version
- 1 - 3
Pages: