["Joaquin Luiz PADILLA Si Joaquin Luiz C. Padilla o mas kilala sa pangalang \\\"Wacky\\\" ay labingpitong taong gulang na mag-aaral ng San Beda University- Rizal simula noong 2011. Siya ay nasa ika-12 baitang ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand at Biology ang paboritong asignatura nito. Isa rin siyang miyembro ng Bedan Environmental Philosophers Organization (BEPO) at Red Click Productions. Bukod pa dito, marami siyang libangan katulad ng pagkakanta, pagtugtog ng gitara at paglaro sa kompyuter. Pangarap niya makapagtapos ng kursong Medical Biology at makamit ang kanyang pangarap maging doktor. Napakamahalaga ang FPL para sakin. Sa pagtapos ng semestre na ito ay ngayon ko lang rin napansin ang halaga nito, dahil sa karami-rami kong natutunan. Dati pa akong nahihirapan sa wika at asignaturang Filipino, at hindi ko rin nagustuhan ang pagsusulat gamit ito. Siguro kasi nakukulangan ako sa kumpiyansa at kahusayan sa pagsulat ng makabuluhang sulatin gamit ang wikang ito. Ngunit sa pagtuturo ni Bb. Suba, natuto akong matuwa sa paggamit ng pambansang wika. Ngayon ay nagaganahan na ako sa pagsulat gamit ang wikang Filipino at tuloy-tuloy akong nagsisikap upang mapaganda pa ang aking pagsulat.","Emmanuel SESE III Si Emmanuel M. Sese III o mas kilala bilang \u201cThirdy\u201d, isang mag-aaral ng San Beda University sa ika-labing dalawang baitang ng STEM (\u2010\u00ad Science, Technology, Engineering & Mathematics). Kinabibilang sa kasalukuyang student athlete sa larangan ng football. Mahigit labing dalawang taon na ng kanyang matuklasan ang larong ito at patuloy niya itong ginagawa kaya\u2019t nabigyan siya ng scholarship para sa husay ng paglalaro niya nito. Siya rin ay isang student leader ng San Beda University at ang kanyang nakaraan na paaralan na Don Bosco Technical Institute of Makati. Nakatatanggap din siya ng mga parangal tulad ng Academic Honors, Gold, Best Plan and Design in Google Sketch Up, Bronze, Best Oral Defense, Gold, Best Research Presentation, at iba pa.Ang kanyang pangarap ay maging isang inhinyero o arkitekto kaya\u2019t hilig niyang mag drawing, magluto, at magbasa. Iilan sa mga paborito niyang asignatura ay ang Matematika, Filipino, at Personal Development. Ang asignaturang Filipino sa Piling Larang ay nakapagdala sa akin ng napakaraming bagong pag-aaral ngayong semestre. Marami akong bagong natutunan, at mayroon ding nadagdagan na kaalaman sa iba't ibang paksa. Sa paglipas ng isang semestre ay aking nahasa ang paggamit ng ating pambansang wika sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akademikong sulatin, pagbigkas ng talumpati, at paggawa ng isang bionote at lakbay sanaysay. Dahil sa mahusay na pagtuturo ng aming guro, mga modyul, at sa tulong ng aking mga kapwa mag-aaral ay madali kong natutunan at naunawaan agad ang karamihan sa mga paksang pinag-aaralan. Subalit na pure online lang ang unang markahan, ang pag-aaral ng asignatura ay nagdulot ng saya at higit pang mga pagkatuto sa akin at sa aking mga kapwa mag-aaral.","Pauleen Ishi VILLANUEVA Si Pauleen Ishi V. Villanueva ay isang labing-pitong taong gulang na mag- aaral sa Unibersidad ng San Beda na kasalukuyang nasa ika-labing dalawang baitang. Noong bata pa lamang siya, nagsimula nang mag umpisa ang impluwensiya ng kanyang pamilya sa larangan ng medesina. Kaya\u2019t naging hilig at paborito niya ang asignaturang Agham, subalit pati na rin ang Filipino, Araling Panlipunan at Ingles. Kaya naman ngayo\u2019y kabilang siya sa strand ng STEM (Science, Technology, Engineering & Mathematics.) Madalas siyang makatanggap ng mga akademikong gantimpala tulad ng \u201cWith Honors.\u201d sa eskwelahan. Siya ay kabilang sa mga Organisasyong \u201cPsychology Society\u201d bilang \u201cPublic Relations Committee Head,\u201d \u201cRed Staccato Strings\u201d at \u201cMakatang Bedista.\u201d Bukod dito, siya ay mahilig sa musika at pagtugtog ng mga instrumento. Siya ay nakatanggap ng parangal na \u201cChampions\u201d noong nakaraang Silakbo 2023: Battle of the Bands. Sa hinaharap, nais niyang kunin ang kursong Bachelor of Science in Nursing sa kanyang pangarap na Unibersidad. Hindi mapagkakaila na marami akong mga naging karanasan sa Asignaturang Filipino ngayong semestre. Muling naibalik ang face to face learning sa eskwelahan, kaya\u2019t ako\u2019y nagalak sapagkat mayroon akong pagkakataon na makipag halubilo at makipagkapwa tao. Sa pamamagitan ng nagdaang talumpati, nahasa muli ang aking kakayahang bumigkas, magtanghal, magkabisado at magsulat, gayunpaman kahit ito\u2019y online lamang, pinagtibay nito ang aking mga kaalaman sa Wikang Filipino. Ang mga modyul at pagbabahagi ay lubusang nakatulong upang palalimin ang aking mga ideya. Subalit hindi naging madali ang lahat, marahil mayroong mga pagsubok na dumating upang mas lalong palaguin ang aking pagkatao. Sa kabila nito, naging masaya at makabuluhan ang klase, bagkus ang aking guro ay mahusay, masipag at matiyaga. Kitang-kita ang kanyang dedikasyon at oras na inilalaan sa kanyang propesyon.","MAT! MARAMING SALA MAT! MARA maraming salamat! GROUP 2B | 12-STEM 4, St. Hugo MING SALA"]
Search