Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ALAMAT NG LANSONES

ALAMAT NG LANSONES

Published by virishee, 2022-03-16 13:18:18

Description: FIL2-ALAMAT NG LANSONES

Search

Read the Text Version

Republic of the Philippines UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM Tanay, Rizal ANG ALAMAT NG LANSONES IPINASA NI: Vina Irish M. Laceda IPINASA KAY: Bb. Tanya Mae Altamirano BSP 1

Republic of the Philippines UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM Tanay, Rizal ANG ALAMAT NG “LANSONES” Ayon kay Bb. Maria Laarni isang residente ng Laguna isa sa alamat na nagmula sa bayan ng Laguna ay ang alamat ng “Lansones” ayon sa kaniyang na ikwento saakin na noong unang panahon, natagpuan ang isang puno na may mga bilog na bunga dito sa maliit na bayan ng Laguna. Sa panahon ng pamumunga, kahit hitik sa bunga ang puno ay walang nangahas na lapitan o kainin. Dahil sa likod ng mapanlinlang nitong masarap na prutas ay nagtatago ang isang malakas at nakamamatay na lason. Doon na nagsimula ang katatakutan at kwento ng \"puno ng lason\" ayon kay Bb. Maria Laarni dahil ng panahong iyon may ilang manlalakbay nagpapahinga sa ilalim ng nakakalason na puno ng prutas. Marahil dahil sa pakiramdam ng pagod, gutom, at kaaya- ayang hitsura ng prutas, pinili at kinain ng mga manlalakbay ang bunga ng puno. Huli na para pigilan ng mga taong-bayan ang mga manlalakbay sa pagkain ng prutas at doon na namaga ang bibig ng manlalakbay at nalagutan ng hininga matapos kumain ng nakalalasong prutas. Dagdag pa niya na bukod sa puno ng lason na nabanggit, marami pang namumungang puno at halaman sa lungsod. Dumating naman ang panahon na ang lungsod ng Laguna ay tinamaan ng matinding tagtuyot. Namatay ang mga halamang inaasahan ng tao na magbibigay ng pagkain sa kanila, maliban sa isa, ito ay ang puno ng nakalalason ang bunga. Ang mga residente ng lungsod ng panahong iyon ay taimtim na nagdasal para sa pagtatapos ng tagtuyot na dulot ng malupit na tag-araw.

Republic of the Philippines UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM Tanay, Rizal Isang araw,noon may dumating sa bayan itoy isang babaeng nakasuot ng puti. Nakakatuwa daw ang babaeng ito dahil kumakanta siya sa lugar kung saan tumutubo ang isang puno na namumunga ng nakalalasong bunga. Sinubukan daw ito ng ilan sa mga matatanda na pigilan ang babae, ngunit tila hindi sila narinig at nagpatuloy lamang sa kanyang masayang pagkanta at nagsimulang mamitas ng prutas mula sa puno. Hindi na pinansin ng mga nakasaksi ng kinakain ng babae ang bunga ng makamandag na puno. Inaasahan ng mga taong-bayan na ito ay babagsak anumang oras, at sa dami ng nakakain na prutas ay hindi pa rin ito bumabagsak o nalalason, ngunit sinabi niya pang masarap ito. Marahil sa gulat at gutom ay may lumapit na bata sa babae. Tinanong ng babae ang mga batang lumapit kung bakit hindi ginagalaw ang masasarap na bunga ng puno iyon. At Ikinuwento na nga ng mga bata sa kanya ang tungkol sa makamandag na puno, at tumango lang ang babae. Pinulot niya ang prutas at pinisil-pisil para makita ang masarap na laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom, ang bata ay naglakas-loob na tikman ito. \"Masarap na Masarap!\" sabi ng bata at kumain ulit. Nang makita ito, nagsimulang lumapit ang mga taong bayan sa nasabing puno upang kumuha ng mga prutas at kumain. Nagulat ang lahat sa kakaibang tamis ng prutas na minsan ay inakala nilang lason. Sa hindi maipaliwanag na aksidente, biglang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng punong may lason. Napagtatanto na ang lason sa puno ay nawala, ang lungsod ay nakaligtas sa mainit na tag-araw. Naniniwala ang mga taong bayan na ang babaeng nakaputi ay isang anghel na tumugon sa kanilang mga panalangin. Sa paglipas ng panahon, ang dating makamandag na puno at prutas ay nagsimulang tawaging \"lansones\".

Republic of the Philippines UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM Tanay, Rizal SANGGUNIAN:


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook