Learning Competencies covered: ESP 5 Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan (EsP5PPP –IIIe– 28) SCIENCE 5 Infer the pattern in the changes in the appearance of the Moon (S5FEIVg- h-7)
TREASURY OF STORYBOOKS This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines. No copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the following is recommended: DEVELOPMENT TEAM Writer : Illustrator : Editors : Layout Artist : Learning Resource Manager :
“Naku! Magtatakipsilim na pala. Parang buong araw ko na yatang hindi nakikita si Ama. Hanggang ngayon hindi pa rin s’ya bumabalik. Saan kaya siya nagpunta?” Ang sambit ng batang si Dasig na labis ang pag-aalala. Sinubukan n’yang gunitain ang mga lugar na maaaring puntahan ng kanyang mahal na ama. “Palubog na ang araw. Mayat maya’y magliliwanag na ang bilog na buwan. Oo nga! Kabilugan nga pala ngayon ng buwan, mukhang alam ko na kung saan siya nagpunta. Sa Wahig! Báka naroon s’ya ngayon!” Ang nasasabik na wika ni Dasig.
“Palagi nalang kasing sa ganitong oras pumupunta si ama sa ilog na ng na“gL-aigiisnaa.”laKnagykaa,sdinaglis-adaglainnigtotnugmpaunnaghonsipuDmauspigunstaailog usp’yaansga tilioygankainngknuangg-iinsaa.”roNoangmnagmaaadnalginkgatnumyaunnggoasmi Da.asig sa ilog upang tiyakin kung naroon nga ang kanyang ama. “Kai“lKaanilgaanngaknoknogngppuunnttaahhann ssiiAAmma!aM! Mahaahlaaglaaagnagabnagwabtawat sandsaalni,dkaalyia, kaaiylaangkaanilkaonnggamnakgomnagdamli.a”gmadali.”
“Ayun! Ayun si ama sa tabing ilog! Tila ba meron s’yang hinihintay at mukhang napakalalim ng kanyang iniisip.” Nag-aalanganing lumapit si Dasig sa kanyang ama kaya minabuti na lamang niyang umakyat sa isang puno at magpahinga. “Hindi yata ako napapansin ni Ama kahit na napakalapit ko na sa kanya. Malayo ang kayang mga tingin. Pwedi ko kaya siyang kalabitin? Huwag na lang, dito na muna ako sa sanga ng punong Lambago maupo at maglambitin.”
Hindi namalayan ni Dasig ang pagdating ng kayang kapatid na si Amusig na kanina pa sa kanya’y nag-mamasid. “Aba! sinasabi ko na nga ba andito ka lang. Bumaba ka nga dyan!” Pasigaw na sambit ni Amusig. “Narito ka rin pala? Huwag kang maingay Amusig baka marinig ka ni Ama. Halika! Dito ka na rin umupo.” Ang pabulong na sabi ni Dasig. “Ayoko nga! Dito na lang ako sa baba tatayo,” ang sagot ni Amusig sa kanyang kapatid.
“Alam mo ba na gusto kong lumapit kay Ama kanina at mangulit. Nais ko sanang magtanong upang maliwanagan sa mga pangyayari na hindi ko mawari. Labis din ang aking pag-aalala kapag siya’y nariyan malapit sa ilog. Marahil ito’y dahil na rin sa mga kuwentong aking naririnig,” ang pahayag ni Dasig sa kapatid habang bumababa ng punong kinauupuan. “Eh, ano naman ang mga kuwentong iyong nasagap? May dapat ba tayong ipangamba?” Tanong ni Amusig kay Dasig. “Alam mo kasi, naniniwala akong may hiwaga sa ilog na ‘yan kaya ang mabuti pa’y kuwento ko’y pakinggan.” Tugon naman ni Dasig sa kapatid na nagsisimulang mabalisa.
“Alam mo bang may dambuhalang nilalang daw na nakatira d’yan sa ilog?” Ang mariing pahayag ni Dasig sa kapatid. “Ano? Nagbibiro ka ata. Sino ba ang may sabi sa ‘yo?” Tanong naman ni Amusig kay Dasig. “Si Apu Darag, ang dating tagapagpayo ni Ama na ngayon ay nakatira doon sa kalapit na burol.” Ang sabi ni Dasig sabay turo sa lugar. “Malayo ‘yan dito, bakit ka naman nakarating sa lugar na ‘yon?” Usisa ni Amusig sa kanyang kakambal. “Ako’y napadaan lang doon pagkatapos kong manguha ng mga bungang-kahoy sa gubat noong isang araw. Marami siyang kuwento tiyak na ika’y mamamangha. Maaaring makakuha tayo nang kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sa ating isipan.” Ang paliwanag naman ni Dasig kay Amusig.
“Ang sabi sa kuwento ay nagsimula raw itong magpakita pagkatapos manalasa ang isang unos. Hindi raw makakalimutan ni Apu Darag ang kayang nasaksihan sa gabing iyon. Mayroon daw dambuhalang Kugtong na lumalangoy sa ilog. Purong ginto raw ang mga kaliskis, at ang kayang mga palikpik ay napakatulis. Ang wangis daw nito’y nakakatakot, at kasinghaba raw ito ng dalawampung tao ang lapad mula ulo hanggang buntot.” Ang pagsasalaysay ni Dasig habang gumuguhit sa lupa gamit ang hawak n’yang patpat.
“Talaga? Marami na ba ang nakakakita rito? Bakit hindi siya sa atin nagpapakita?” Pag-uusisa naman ni Amusig. “Ayon sa kuwento, nagpapakita lang daw ito sa mga gabing ang buwan ay hugis mangga. Di ba kamangha-mangha?” Tugon naman ni Dasig sa nahihiwagaang kapatid.
“Naikuwento narin n’ya ang tungkol sa isang marangyang Datu na nagngangalang Bagonsaribo. Mayroon s’yang nag-iisang anak na prinsesa. Tanyag at pinag-uusapan sa maraming lugar ang taglay nitong kagandahan. Bai Kagayha-an daw ang kanyang pangalan. Balitang marami itong manliligaw at nahuhumaling sa kanya. Ang iba’y nanggaling pa nga sa mga malalayong lupain at banwa. Ngunit sila’y napahiya lamang at nabigo sa hangaring mapapayag ang Datu sa kanilang layunin. Napakabigat daw ang itinakdang hamon sa kanila.” Ang mariing pagsasalaysay ni Dasig sa napag-alamang kuwento.
“Ang makakahigit o makakapantay sa aking kayamanan ay ang siyang mapalad na makaaangkin sa aking anak na paraluman. Ito’y mga katagang sinambit ng mapagmataas na Datu sa lahat ng taong sa kanyang anak ay nahuhumaling. Ang balitang ito ay umabot sa kaalaman ng isang makisig na anak ng isang Sultan. Agad-agad siyang humarap kay Datu Bagonsaribo at tinanggap ang hamon. Upang mapatunayan ang kanyang taglay na yaman, ito ay nagpahanda nang isang magarbong piging para sa prinsesa na labis na ikinatuwa naman ng karamihan.”
“Kabilugan ng buwan nang magsimula ang magarbong piging. Araw at gabi walang tigil ang kasiyahan. Inaasahang sa muling pagbilog ng buwan pa ito matatapos. Ang buong akala niya madali itong mapag-tagumpayan, kaya ginawa niya ang lahat upang ito’y matutustusan.” “Walang habas na pinagpuputol ng anak ng Sultan ang mga puno sa gubat para gawing panggatong. Sinira ang mga bundok sa bawat gintong kanyang pinahukay. Halos maubos na daw noon ang mga hayop dahil sa matinding pangangaso. Kalikasan ay labis na naabuso.”
“Di kalauna’y nagkaisang dibdib ang dalawa. Pumayag na rin ang Datu na ibigay ang kanyang pahintulot at basbasan ang kanilang pagsasama. Naisalin na rin ng Datu ang karapatan nitong mamuno sa tribo balang araw, bago ito nagkasakit at pumanaw. Masaya naman ang kanilang naging pagsasama, lalo na noong magkaroon sila ng anak na lalaki na magiging kanilang tagapagmana. Subalit, ang kaligayahang kanilang tinamasa ay panandalian lamang.”
“Dumating ang isang unos sa kanilang lupain. Dumilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan. Malakas na ihip ng hangin ang humambalos sa kapaligiran. Gumuho ang bundok at tumaas ang tubig sa ilog, at sa ilang saglit, bumaha ang paligid na para bagang kalikasan ay nagngangalit sa galit.”
“Marami ang nasugatan at nasawi. Sa kasamaang palad, isa sa mga nawala ay si Bai Kagayha-an. Tinangay raw ito ng ilog at di na natagpuan. Subalit nakaligtas naman ang sanggol na anak ng Sultan sa trahedyang naranasan.
Labis na kanyang paghihinagpis, galit , at pagsisisi na naramdaman. Ang sabi ni Apu Darag ay pinarusahan daw siya ng makapangyariyang Apo Pamulalakaw, ang tagabantay ng ilog dahil sa mga kasalanan na kanyang ginawa sa kalikasan.”
“Sa labis na pagsisisi ay inutos niyang itapon lahat ng kanyang kayamanan sa ilog bilang kabayaran sa kasalanang nagawa. Umaasa s’yang darating ang araw, matatapos din ang kanyang parusa hanggang sa siya’y namayapa. Mula noon, marami ang nagsasabing may mahiwagang nilalang sa ilog. Isang dambuhalang Kugtong na naninirahan dito. Naniniwala sila na ito’y walang iba kundi ang dating Prinsesang si Bai Kagayha-an. Ginawang tagabantay ito sa kayamanang sumisimbolo ng kasakiman upang walang magtangkang kunin ito kailanman.”
Natigilan si Dasig at biglang napaisip. “Sandali lang! Ngayon ko lang napagtanto ang maaaring dahilan kung bakit si Ama ay laging pabalik-balik sa ilog! Siguro alam na niya ang kuwento tungkol sa mga kayamanang itinapon sa ilog!” Ang sabi ni Dasig na nanginginig pa ang boses sa panganngamba.
“Di kaya’y nais ni Ama na makuha ang kayamanang sinasabi mo?” Ang sabi ni Amusig. “Naku! hindi dapat gawin ni Ama ang iniisip mo, lubhang mapanganib ang Kugtong! Báka may mangyaring masama kay Ama! Halika Amusig! Puntahan na natin s’ya. Bilis na!” Matuling tinakbo ng magkambal ang kinaroroonan ng kanilang ama. Tatangkain nilang pigilan ito sa binabalak na gagawin.
“Amay! Amay! Sabay na sigaw ng magkapatid sa kanilang ama. Nagulat ang kanilang ama sa pagdating ng mga ito. “Amusig, Dasig! Anong ginagawa ninyo rito?” Ang sabi niya. “Sandali Ama! Andito kami upang makiusap sa inyo na huwag nyo na pong ituloy ang inyong binabalak!” Ang sabi naman ni Dasig na hingal na hingal sa katatakbo.
“Oo Ama! pakiusap po huwag nyo na pong ituloy dahil lubhang napakamapanganib nito!” Dagdag na wika ni Amusig sa ama. “Hindi maaari mga anak dahil matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong mahuli ko ang halimaw na ‘to. Hindi dapat kayo nandito dahil baka kayo ay mapahamak.” Ang wika naman ng kanilang ama. “Pero Ama, sadyang napakamapanganib ang iyong gagawin! ”Giit ni Dasig sa ama. “Tahimik,” pabulong na sambit ng kanilang ama. “Magtago kayo! Mukhang ito na yata ang matagal ko ng hinihintay!”
“Amusig, naririnig mo ba ang tilamsik sa tubig?” Bulong ni Dasig sa kayang kapatid na sabay silip sa pinagmulan nito. “Oo Dasig, may naaaninag akong malaki at mahabang bagay na lumulutang sa ilog.” “Huwag kayong maingay dahil papalapit na ito.” Babala naman ng kanilang ama.
“Ang mabuti pa’y bumalik na kayo sa Banuwa at sabihin ninyo sa mga mandirigma na nakita ko na ang matagal ko ng sinusubaybayan. Huwag kayong mag-aalala, dito lang ako magkukubli. Sundin niyo na lang ang iniutos ko, sige na! Dali! Opo Ama, mag-iingat po kayo sa halimaw na kakalabanin niyo! Tayo na Amusig, humingi na tayo ng tulong sa bayan at sundin na natin ang utos ni Ama, bilis takbo na!”
“Takbo Amusig! Malapit na tayo sa Banuwa. Bilisan mo pa!” “Tulong! Tulong! Mga kasama nagpakita na ang dambuhalang Kugtong sa ilog! kailangan ng am- ing Ama ang inyong tulong.” Sigaw ni Dasig sa mga kasama. “Totoo ang mito sa ilog, mag-ingat kayong lahat.” Paalala pa ni Amusig sa kanila.
“Dito na lang tayo Dasig, hayaan na natin ang mga mandirigmang bumalik sa ilog at tumulong kay Ama” “Nakakabahala ito Amusig. Sana magtagumpay sila laban sa halimaw.” “Wala tayong magagawa kundi maghintay sa kahihinatnan ng laban Dasig”
“Kugtong talaga yung nakita ko kanina Amugis! Para itong isang higanteng isda ang naaninag ko kanina. Napakahaba ng mga palikpik at ng buntot. Malayo pa ito ng ito’y aking makita, ganoon pa man, naaaninag ko na ang kabuuan nito dahil sa liwanag ng buwan.” Ang sabi ni Dasig na nanginginig pa ang kayang boses. “Naisip ko na tila ba may hindi akma sa mga naikuwento. Di ba masisilayan lang ang nilalang tuwing kung ang buwan ay hugis manga? Ngunit ito’y nakakapagtataka dahil bilog ang buwan ngayon. Bakit siya nagpakita?” Ang wika naman ni Amusig.
“Iyan din ang ipinagtataka ko at ito’y hindi umaayon sa naikuwento. Pero ako talaga’y may nakita hindi ko lang mawari ng lubos ang wangis nito dahil pinaalis na tayo ni Ama. Ang pinapanalangin ko na lamang Amusig ay sana walang masamang mangyari kina Ama o kahit sino man sa ating mga kasamahan. Ligtas sana silang makabalik dito.” “Sandli! Nakikita mo ba Dasig ang nakikita ko? Tingnan mo! mukhang sila’y nagtagumpay. Ayan na at pabalik na sila. Ay salamat! Pag-aalala ko’y nahupay.” Ang sabi naman ni Amusig na masayang-masaya.
“Amay! Salamat at ligtas kayong nakabalik. Nasaan ang halimaw? Nahuli n’yo po ba? Nais po namin itong makita” Tanong ni Dasig sa ama.
“Oo mga anak, nahuli narin namin ang halimaw na sumisira sa kagubatan dahil sa walang habas na pagputol ng mga punong-kahoy. Masahol pa sila sa halimaw sa ginagawang pagsira sa kalikasan. Sila’y walang iba kundi sina Apu Darag at ang kanyang mga kasabwat. Sa wakas nahuli na rin namin sila. Dito na magtatapos ang kanilang pagbabalatkayo.”
“Matapos putulin ang mga puno’y ipinaanod nila ang mga troso sa ilog upang ipagpalit sa kaunting halaga. Ikinukubli nila ang mga ito gamit ang tumpok-tumpok na dahon at sanga. Dahan-dahan silang sumasagwan patungong bukana habang ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing kanilang gabay sa dilim. Nauubos na ang mga puno sa gubat at ayaw kung maulit pa ang mga nangyari noon na walang kasing lagim. Ikulong ang mga bihag at huwag pakawalan, kailangan nilang pagdusahan ang kanilang kasalanan!” Ang mariing wika ng kanilang amang pinuno.
“Amay, paumanhin po at kami’y nagkamali sa aming hinala. Akala namin kasi ang Kugtong sa ilog ang nagpakita.” Ang sabi ni Dasig sa kayang ama. “Alam ko ang kuwento at mito ng dambuhalang Kugtong sa ilog mga anak. Ginamit ito ni Apu Darag upang maghasik ng takot upang maisagawa ang maitim nilang balak. Kalikasa’y di man lang nila iginalang, kaya kailangan kong kumilos upang matapos na ang kanilang panlilinlang.” Ang mahinahong paliwanag ng kanilang ama. “Humahanga kami sa iyong kagitingan Ama, di ba Amusig?” “Sang-ayon ako sa sinabi mo Dasig. Maraming salamat Ama!” “Walang anuman mga anak, patnubayan nawa kayo ng ating Magbabaya.” Ang pasang-ayon na sagot ng amang sabay yakap ng mahigpit sa magkapatid na kambal.
Nag-aalala ang kambal na magkakapatid na sina Dasig at Amusig sa tuwing pumupunta sa ilog ang kanilang pinakamamahal na Ama. Ayon sa naikwento, may hiwaga raw na bumabalot dito. Ano kaya ang matutuklasan ng magkakapatid? Malalaman kaya nila ang lihim na itinatago ng mahiwagang ilog na ‘to? Halina’t samahan natin sila sa pagtuklas ng mitong ito.
Search
Read the Text Version
- 1 - 44
Pages: