FILIPINO 10 (WEEK 8, LAGUMANG PAGSUSULIT) Magandang Araw sa inyong lahat! Ako si Jeliz Baral, at andito ako upang magbahagi sa inyo ng kaalaman na aking natutunan sa ating mga nakaraang aralin. I. NOBELA - isang mahabang kathang pampanitikan - maraming pangyayari ang inilalahad sa nobela, kumpara sa maikling kwento. - ang isang nobela ay may katangiang dapat taglayin, isa rito ay ang pagpuna sa lahat ng larangan ng buhay at mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon. - ilan sa halimbawa ng nobela ay ang Dekada 70 ni Lualhati bautista II. PAGBIBIGAY NG PANANAW O OPINYON - Lahat tayo ay mayroong karapatan na magpahayag ng ating pananaw at saloobin, ngunit alam niyo ba na mayroon tayong iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag nito? • Pangunahin dito ay ang SANAYSAY: • Mayroong iba’t-ibang klase ng sanaysay, ito ay ang mga sumusunod:
III. ELEMENTO NG TULA - Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. - Mayroong iba’t-ibang element ang tula, ito ay ang: - Gumagamit naman ang tula ng tinatawag na Tayutay, upang bigyang kulay ang bawat pahayag sa tula. - Ang mga halimbawa ay: Metapora, Simile, at Pagmamalabis. Ang lahat ng mga aralin na aking nabanggit ay higit na makatutulong sa aming mga Kabataan upang kami ay matulungan na maipahayag ang aming saloobin at damdamin sa maayos na paraan. Ang mga ito ay tiyak na magagamit, hindi lamang para sa pag-aaral kundi maging sa pang- araw-araw nating pamumuhay, na alam nating lahat na mayroong malaking ambag sa ating lipunan.
Search
Read the Text Version
- 1 - 2
Pages: