Ang tula at ang Tagpuan naming Dalawa Ni: Angelica N. Alcantara
Hindi ako marunong kumatha ng tula At hindi rin ako mahusay sa pagbigkas ng akdang Bumubuo sa taludturan na may tugma. Mga pahinang pilit kumakawala Sa damdamin ng bawat isa ang tula. Ahh, tula, oo nga noh mabuti pa ang tula Na mayroong tugma umaayon sa tono At kayang magsalita Samantalang ako nakatitig sa tagpuan naming dalawa Iniintay ang pagbabalik niya at inaasam na lamang Na maging mga bagay na sa paligid makikita Ayos lang na masugatan ang balat kong ‘di mala-porselana Ayos lang masaktan ang kutis kong morena
Sanay na ako sa pagsisid sa dagat ng dusa Na pagkarating mo dulo ay may susunod pang isa. Gusto kong maging dalampasigan na kahit apakan ay hindi masasaktan Gusto kong maging alon sa nasabing karagatan Na hindi nababasag kahit ihampas sa batuhan pilit at pilit na uulitin ang paraan Paraan kung paano ba niya sinasaktan ang sarili na parang walang, walang nangyayari Mababa ng tingin sa sarili Malunod man sa luha at magtampisaw ang sarili sa dusa Mananatiling aasamin na nasa ilalim ng karagatan Na walang nakakakita, walang naririnig at walang nadarama.
Mabuti pa si Oryang na mayroong Andres Maria Clara na mayroong Ibarra Ding na mayroong Angelika At Jose na mayroong Maria Patuloy sa paglakbay ang kaluluwa Na naghahanap ng kalinga at pag-asa Karagatan ng ligaya, oh nasaan ka! Bakit tila ako’y nilisan mo na?
Search
Read the Text Version
- 1 - 4
Pages: