Nalulungkot sa nadarama, Hindi makapagsalita, Sapagkat nangingibabaw iyong luha, Dulot ng kalungkutang ‘di maunawaan. Bakit hahayaang ika’y tapusin, Ng mga malulungkot na iyong naiisip? Kung kaya mo namang kalabanin, Ang lungkot at sakit na kinikimkim. Mahalaga ka, tandaan mo yan! Hindi mo man makita sarili mong kahalagahan, Nandiyan iyong pamilya’t kaibigan, Sa oras na iyong sila’y kailangan. Mahal kita, mahal ka nila, Sana iyong pakatandaan, Huwag magpakalugmok sa lumbay, Sapagkat ang Diyos ay palaging nakagabay. Hangad ko mula sa tulang ito, Na malaman at maunawaan mo, Na tanggap kita maging ikaw man ay sino, Hindi ka nag-iisa, laban mo ay laban ko. ni Racquel C. Roque 51
Nag-iisang diwa sa madilim na sinag Walang pasakit bagamat 'di mapanatag Kislap ng bituin 'di maaninag Sa gitna ng pangungulilang dulot ay pagkabulag Kahit anong gawin ay tila Hindi sapat sa pagpapatahan Sa isang kalawakang kaba Na namamalagi sa puso't isipan sa dilim ni Laiza D. Sampiano Luha'y nais kumawala Nagmamasid sa gilid, sundalong handa Mata'y ipikit, huminga ng malala Hiling sa labi'y ibulong kay Bathala Liwanag ay naaaninag na sa bintana Walang pasabi, dilim ay tinataboy na Sa iba man ay pagpikit ng mata ang paalala 'Di maipagkakaila dala nitong panibagong pag-asa 52
hakbang ng ni Joeny Mae O. San Diego Nakapikit na mga mata, Paulit-ulit na pinaaalala, Sa pusong hindi na kaya, Ang salitang \"lumaban ka!\" Maraming paraan ng paglaban, Pagkanta, pagsulat o pakikipagkwentuhan. Basta't positibo ang mga hakbang na iyan, Laging isipin na ito’y may patutunguhan Isipin, isapuso at subukan… Matalo man sa labanan, Huwag mo itong sukuan. Ang pagsubok ay malalampasan. Kaibigan, kailangan mong magpahinga, Ibahagi ang iyong mga nadarama… Sa taong maaasahan at laging kasama. Ikaw ay pakikinggan, hindi ka nag-iisa. Hindi natatapos sa kadiliman ang buhay. Sa madilim na kahapon, huwag kang humimlay. Tulungan ang sarili na magtagumpay, Salubungin ang liwanag na siyang sisilay. 53
Bangon, tingin, higa Nag-ingay na ang orasan Panahon na para bumangon Kumawala sa panaginip Hakbang, hugas, punas Ilang beses man umiwas Pagtingala’y di mapigil Tumingin na sa salamin Bukas, dama, labas Paligid ma’y magulo pa Di mo naman alintana Labas na hangga’t kaya pa Susi, kandado, wala Kulungan mo’y imahe lang Iwaglit tulad ng iba Itigil na ‘to, kaya mo 54 n i V l e s c e d M . S e r r a n o
Dapit ni King John Alfonso S. Sigue III Huwag mag-alala Sapagkat nalalapit na ang Dapit Gabi Ang ulan ay siya ring titila Ang iyong mga luha ay mapapawi Kasama mo kami, Sa pagsalubong ng umaga Hinding hindi aalis Hinding hindi mawawala Handang makinig Sa kwento mo’t problema Kumapit sa aking bisig Hinding hindi bibitaw Sa pagsikat ng araw, Sa kabila ng kahirapan ng sitwasyon Bagong tsansa at pag-asa ang matatanaw Ikaw ay muling babangon 55
Una, tanggapin nating tayo'y nasa isang kundisyon Hindi madali ang ating sitwasyon Kinakailangan din natin ng tulong Nang ang buhay natin ay patuloy na gumulong Magpokus tayo, sarili ay ating alamin Layunin ng buhay ay hanapin Kumain ng masusustansiyang pagkain Tandaan, ang mundo'y hindi natin pasanin Mainam na tayo'y makipagusap sa umpisa Anumang paguusap, kahit sa simpleng \"kumusta?\" Panatilihin natin mayroong tayong koneksiyon Pamilya, kaibigan, kahit anong institusyon Hayaan nating sarili'y maging masaya Gawin ang bagay na tunay ang ating ligaya Huli, huwag nating ikulong ang sarili sa nakaraan Pagtuunan ang buhay sa kasalukuyan ni Clarence D. Talay 56
ni Lovelle Angela Tacdol Superhero? Hindi tayo ganyan Tayong lahat ay may kahinaan Gusto na nating tumigil minsan Ngunit narito ka’t lumalaban Minsan kailangan mo lang ng pahinga Ngunit may mga labang hindi natin kaya magisa Hindi masamang magkwento sa iba O l a b a n a n i t o n g m a y k a s a m a Huwag kang mangangamba kung wala sila Ang mahalaga’y sinusuportahan ka pa rin nila Alam nilang ikaw ay malakas at kaya mo Kaya para sa kanila huwag kang susuko Kaibigan at pamilya gawing sandalan Pangarap sa buhay ay inspirasyon Lumaban ka at ika’y di mawawalan Malakas ka ngayon hindi na tulad noon 57
AAGOS PA RIN ni Kayezel C. Taoatao Sa panahong nangangamba, Huwag piliing mag-isa, Nariyan ang mga kasama, Tutulungan kang maki-baka. Pighati, pagka-poot, kalungkutan, Iyan ang palaging nararamdaman. Gayunpaman, dapat ika’y laging lumaban Upang sariling kapayapaan makamtan Mula sa pagka-bunggo’t pagkabasag, Dapat hindi patitinag. Ika’y magpakatatag, Bumangon at mamayagpag. Maganda ang buhay Basta’t tumingin ka lang sa parteng makulay. Sa sarili mo’y ikaw magbigay Tandaan, aagos pa rin ang buhay. 58
Nalungkot sa nasaksihan Hindi nagwika ng kahit ano Sa mata’y may pumutak na luha Pigilan pa’y hindi na makuha Bakit kailangang sariling buhay kitilin Bakit kailangang ika’y ibaon sa hukay Sa simpleng lungkot na nadama Sarili’y sinaktan at ginawan ng masama Wag pairalin ang lungkot At sa kanya’y humingi ng tulong Wag ikulong ang sarili sa poot Dahil sa pait ng kahapon Iiyak mo lang Isigaw mo lang Pahiran ang luhang sa mata mo’y pumapatak At ito’y palitan ng ngiti sa iyong labi ni Ashley Jhulyn E. Brobio 59
ni Veronica L. Velasquez \"Hindi mali ang magpahinga, mali ang huminto\" Sa iyong sarili ay napagtanto Talaga nga bang mali ang sumuko? Talaga nga bang ang pagsuko ay pagkatalo? Huminga ng malalim, ipikit ang iyong mata Ang iyong pagsusumikap, may saysay pa ba? Kung ang iyong sarili'y napabayaan na Hanggang kailan tama ang \"kumapit ka pa!\" Sa paghinga iyo na sanang napagnilayan Masaya ka pa ba sayong kinasasadlakan O paggising ay ramdam ang kalungkutan Sa pagpili ng pagpapatuloy ng laban Kung kausap ang iyong kailangan Marami ang ika'y handang damayan Sa iyong masalimuot na karanasan Hayaan lumabas ang iyong katotohanan. 60
Sa mga umagang ika’y nag-iisa At mga gabing gusto mo nang mawala Teka! Huminto, pag-isipan mo muna Huminga, bumilang lima hanggang isa. Dumilat at ilibot ang mga mata Maghanap ng limang bagay na makikita Libro, pader, damit, bag, o unang may luha Mga paalalang nasa realidad ka. na bagay na mahahawakan Pagkalunod ng isip, tuluyang wakasan. Buksan ngayon ang iyong tenga Sa boses, palabas, o paboritong kanta. Amoy na iyong paborito Mga bagay na gustong-gusto sa mundo ‘Wag matakot bigyan ng atensyon Hindi ito mali, damhin ang isang emosyon. ni Aaliyah Venice Villaflor 61
Pikit matang harapin ang problemang nakatingin. Huwag paapekto sa mga masamang layunin. Kaya bagkus ito ay harapin at puksain. Pasukan ng masamang hangin ito’y pagtibayin. Dulot sa ‘di tiyak na paniniwala kaisipan humina. Mapanlinlang na salita ngayon ay nagdusa. Hindi batid sino ang tunay na may sala. Katawan naparusahan dahil sa kapabayaan nagawa. kamao ni Nomer Banaticla Nag alinlangan sapagkat may takot sa kaisipan. Ito’y labanan at huwag talikuran at takbuhan. Dagang nasa kaisipan huwag ituring na kaibigan. Kaya naman baguhin ang mundong kasanayan. Ituring ang sarili na tunay na kaibigan. Dahil ito lang ang tunay na masasandalan. Walang pakialam kahit ito’y pagtawanan. Sapagkat hindi alam ang tunay mong karanasan. 62
Utak nga'y napakamakapangyarihan, Isa tong daan ng kaginhawaan, Pera'y ‘di katumbas nitong yaman, Kalusuga'y ‘di lang sa pangangatawan Mainam na pagtalasin ang pag-iisip, Simulan sa pagbabasa at pagsasaisip, Pag unawa at pag intindi'y gawin rin, Para mas umayon ang pag-aayos ng sarili Ang utak nga ng tao'y parang isang maliit na puno, Maraming maliliit na sanga na dapat pagyabungin, Ituring rin ito na parang sanggol, Gabayan, alagaan at kalingaing mabuti Pag pinabayaan ang musmos na gumala, Malamang sa pagkamatay lang ang kahantungan, Ngunit sa tamang gabay at suporta, Paniguradong mamumuhay ng magarbo’t maligaya Yari nga’y walang matanda o bata sa buhay, Lalong problema’y walang kinikilingan, Tangi natin panlaban ay mainam na isipan, Matikas at matatag na loob ang kasagutan bATA PA ni Rica Krystle F. Villaroman 63
mula sa mga taga-tuos, para sa mga patuloy na tinutuos. LABAN LANG.
Search