Konsepto ng “Bahala na” MENTALITY ng mga Pilipino Bahala na si Batman-! CULTURE & PSYCHOLOGY BATANGAS STATE UNIVERSITY, MAIN 1 - COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES MAGMANLAC, XRYSNA LV MONTANO, LADY LYKA 20J2UN2E ROLAN, MC LEODEN SILAN, LIANNA IMAEREEN
Ang bahaging ito ng buklet ay sinadyang blangko. 2
KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY TALAAN NG 5 ABSTRAK NILALAMAN 6 PANIMULA 8 HIPOTESIS 9 PAGPAPAKILALA 13 MGA HALIMBAWA 17 ILUSTRASYON 19 DISKUSYON 24 KONKLUSYON 25 SANGGUNIAN 3
Ang bahaging ito ng buklet ay sinadyang blangko. 4
ABSTRAK Tama nga ang sinasabi ng mga tao na hindi biro ang gumawa ng desisyon sa buhay sapagkat ito ay lubhang nakakaapekto sa kung ano ang kahihinatnan ng indibidwal ayon kanyang napiling aksyon. Maaaring sa isang maling desisyon lamang ay magkakaroon na ng malaking pagbabago sa yugto ng ating buhay kaya naman matindi ang pagpapahalaga, pag iingat at pagbusisi sa pagdedesisyon. Ngunit sa kabilang banda, hindi pa rin mawawala ang ilan sa mga ipinagpapawalang bahala na lamang ang mga ganitong uri ng bagay. Ang konseptong ito ay tinatawag na “Bahala na” mentality ng mga Pilipino. Ang buklet na ito ay nakalaang ipaliwanag at ipaintindi sa mga tao ang ang eksplanasyon sa likod ng pananaw na ito. Nakatala rito sa buklet ang iba’t-ibang seksyon upang unti unting ipaunawa ang nilalaman ng papel. Nahahati ito sa pitong bahagi: Panimula, Hipotesis, Pagpapakilala, mga halimbawa, Ilustrasyon, Diskusyon at Konklusyon. Makikita sa Panimula at Hipotesis ang introduksyon ng konsepto ng “bahala na” kung saan binibigyang patikim ang mambabasa tungkol sa nilalaman at ang mga puntong tatalakayin ng buklet, at sinundan naman ito ng seksyon ng Pagpapakilala kung saan ibinabahagi ang iba’t-ibang pinagmulan ng konseptong ito mula sa iba’t-ibang impluwensya ng mga dayuhan at sari- saring rehiyon pati na rin ang mga sikolohikal na eksplanasyon nito. Nilalahad kasunod ng mga ito ang mga halimbawa ng paggamit ng mga Pilipino ng “bahala na” sa magkakaibang sitwasyon sa kanilang buhay gaya na lamang ng sa pagpapaubaya, pananampalataya, tadhana, pagbabasakali, paghahabilin, kawalang pakialam, pagdedesisyon, pagkabahala, pagbabasta, at pati na rin sa konsepto ng mañana habit at katamaran. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa Ilustrasyong bahagi ng buklet. Sa huli, nakalahad dito ang Diskusyon at Konklusyon ng mga manunulat ukol sa konsepto ng “bahala na” mula sa mga pag-aaral na kanilang natuklasan at kinalap. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 5
panimula K4 | ONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY bIakhaawla,nBaaatnmga n! “Bahala na,” sabay-sabay na sambit ng mga estudyanteng pilit na binubuksan ang kanilang mga talukap upang matapos basahin ang mga araling kinakailangan para sa pambukas na eksaminasyon. “Bahala na” raw kung anumang mangyari bukas, at dinamay pa si Batman. Gayunpaman, hindi lamang sa mga pagod na estudyante kalimitang maririnig ang mga salitang ito; pati na rin sa iba’t-ibang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang rehiyon ng Pilipinas. Sa katunayan, sa sobrang nanormalisa na nito, pagbubuntong-hininga na lamang ang awtomatikong reaksyong kasunod nito. Kung titingnan, parang napakabigat mag-iwan ng mga salitang tila nagpapasamamaya ng mga gawain, lalo na kung napakabigat ng mga ito. Kaya naman, hindi ba minsan nakakapagtaka, saan nga ba nagsimula ang mentalidad na ito? Bakit “Bahala na?” Ang paggamit ng kaisipang “Bahala na” sa pagdedesisyon ay isa sa mga pangkaraniwang kaugaliang Pilipino. Kung minsan nga eh dinudugtungan pa ito ng kung ano-ano o kung sino-sino, kaya naman kahit si Batman na ginagawa lamang ang kanyang pansariling pakay sa piksyonal na mundo ay nadadamay din sa ekspresyong ito. Nagkaroon man ng mga pagbabago sa paglipas ng panahon, at ng mga pagkakaiba sa pagitan ng iba’t-ibang henerasyon ng mga Juan, hindi nawala sa kanila ang pagsambit ng “Bahala na.” Gayunpaman, sa kabila ng pagiging isa sa mga natatanging kaisipang Pilipino, marami pa ring bagay ang malabo patungkol sa konsepto ng “Bahala na.” Tingnan na lamang ang halimbawa nitong nagsasabing walang malinaw na implikasyon at limitasyon ang konseptong ito (Gripaldo, 2005). Ayon sa pag-aaral ni Lagmay (1977), isa sa mga pinakamalaking suliranin sa pag-aaral ng konsepto ng “Bahala na” ng mga Pilipino ay ang pagbibigay-kahulugan dito. Ayon parin sa kanya, ang 6
KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 panimula kapakahulugan sa “Bahala na” ay kontekstuwal at nakaayon sa sitwasyon ng karanasan. Ito ay nangangailangan ng konkretong karanasan kung saan nagpakita ang isang indibidwal ng kaisipang “Bahala na,” dahilan kung bakit lumawak ang konseptong ito. Ang mga suliraning ito ang dahilan kung bakit may malaki pa ring kulangan sa mga impormasyon at mga tanong na walang malinaw na kasagutan patungkol sa konseptong itinatampok. Upang mapunan ang mga kulang na impormasyon, upang mabigyan ng malinaw na sagot ang mga katanungan, at upang mabigyang solusyon ang mga kinahaharap at kahaharapin pang mga suliranin, mahalaga ang patuloy na pananaliksik sa konseptong ito. Dahil nga naging kasing natural na ng paghinga ang paggamit ng mga Juan ng “Bahala na,” marami sa kanila ang naka-angkla ang mga desisyon sa kaisipang ito - mga desisyong minsan ay maganda ang kinalalabasan ngunit minsan ay nakakapangtulala na lamang. Kaya naman, ang pag-aaral sa konseptong ito ay may malaking kontribusyon sa pagpapalawak ng Sikolohiyang Pilipino. Yamang ang kaisipang “Bahala na” ay nakasanayan na ng halos lahat ng mga Pilipino, mula sa iba’t ibang henerasyon, ang malaman ang pinagmulan at ang mga implikasyon nito ay magreresulta sa malalim na pag-unawa dito. Ang mas malawak na pag-unawa sa maka-Pilipinong konsepto at ang maibahagi ang nakalap na impormasyon at mga resulta ng pag-aaral dito, maski sa ibang bansa, ay nangangahulugang lumalawak ang nakakikilala sa Sikolohiyang Pilipino. Kasabay ng pag-unawa sa Sikolohiyang Pilipino ay ang mas malalim na pagkakakilala sa mga Pilipino. Ang buklet na ito ay naglalayong makapagbigay ng Oona!Akonanaman dagdag na impormasyon tungkol sa konsepto ng \"Bahala angbahala! na.\" Layon din nitong mabigyang linaw at kasagutan ang mga katanungan na patuloy pa ring pumigil sa 7 pagkakaroon ng malalim na pag-unawa dito. Ang mga tanong na“Ano nga ba ang espesyal sa pag-uugaling ‘bahala na?’,” “Kailan ba ito magandang gamitin at kailan hindi?,” “Tanging Pilipino lang ba ang gumagamit ng ‘bahala na?’,” “Ano ang limitasyon ng pag-uugaling ito?;” at marami pang iba na nangangailangan ng malinaw na kasagutan ay tinutugunan ng mga manunulat. Higit sa lahat, ang buklet ng konseptong ito tungkol sa kaisipang “Bahala na” ay nagnanais na makapagbigay ng tulong, direkta man o hindi, sa mga Pilipino upang mas maging makabuluhan ang kani-kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
hipotesis Ang mga sumusunod ay ang mga hipotesis na nabuo ng mga manunulat: 1.Tanging sa mga Pilipino lamang naoobserbahan ang paggamit ng kaisipang ‘bahala na’; 2.Laging maganda ang kinalalabasan ng mga desisyong ginamitan ng pangangatwirang ‘bahala na’; 3.Ang paggamit ng ‘bahala na’ ay nagpapakita ng katapangan; 4.Ang paggamit ng ‘bahala na’ ay nagpapahiwatig ng kawalang pakialam at pagiging iresponsable; at 5.Ang pag-uugaling ‘bahala na’ ay laging nakaangkla sa pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 8
At dahil nadamay na nga si Batman sa maka-Pilipinong pag-uugali, ang Pagpapakilala linyang “Bahala na si Batman!” ang laging naririnig o nababasa mula sa mga social media posts ng mga Pilipinong kabataan. Bakit kamo? Ganito kasi KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 yan: Kapag di na nila alam ang gagawin sa isang sitwasyon? “Bahala na si Batman!” Kung di sila magkapagpasya sa isang bagay? “Bahala na si Lord!” Kapag late na naman sa pagpasa ng mga schoolworks? “Aba, bahala na!” Kaya naman, hindi maitatanggi na malaki ang papel ng “Bahala na” mentality sa karamihan ng mga Pilipino. Kung lilimiing mabuti, masasabing ito ay isa sa kanilang mga defense mechanism na nagbibigay lakas ng loob at pumoprokteta sa estado ng kanilang isipan sa tuwing sila ay nahihirapang tugunan ang kalagayang kinaroroonan nila o kaya naman ay sa tuwing sila ay dumaranas ng isang pagsubok na tila walang solusyon. Dahil dito, malaki ang populasyon ng mga pinoy ang gumagamit ng ekspresyong, “Bahala na,” at kahit sinong Pilipino pa ang tatanungin ay marahil na madalas silang makarinig nito mula sa kanilang kapwa. Sapagkat nakatanim na nga sa kulturang pangmasa ng mga pinoy ang “Bahala na mentality at madalas na naoobserabahan sa kanilang pang- araw-araw na pamumuhay, nakilala ang “Bahala na” ng mga dayuhan at di kalaunan ay umabot na ang kasikatan nito sa iba’t ibang lupalop ng daigdig. Ayon sa artikulong isinulat ni Gripaldo (2005), may mga organisasyong isinunod ang pangalan sa “bahala na” tulad ng “Bahala Na Veterans Organization” at “Bahala na Martial Arts (Arnis) Association” (na maraming sangay sa Estados Unidos). Meron ding gang na ang pangalan ay BahalaNa, isang Japanese sports team na ang tawag ay “Bahala Na,” pati na narin mga pelikula at kanta na pinamagatang “Bahala na.” Ngunit, saan nga ba nagsimula ang “Bahala na” mentality? Saan at sino ang unang gumamit nito? Saan karaniwang makikita ang “Bahala na” mentality? Ano ang mga teoryang pangsikolohiyaang maaring ilapat dito? Yan ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan ng buklet na ito. Halina at alamin! Kilalanin ang “Bahala na” mentality! Sa artikulo ni Hong (2020) na pinamagatang “Powerlessness and A Social Imaginary in the Philippines: A Case Study on Bahala na,” sinasabi na maaaring hinango ang ‘bahala na’ sa salitang Sanskrit na ‘bhara’, na nangangahulugang ‘pasanin’ o ‘karga.’ Nabanggit din doon ang isang bahagi ng pananaliksik ni Casiño (2009) na nagsasabing karaniwang pangyayari sa 9
Pagpapakilala linggwistika noong mga nakaraang panahon ang pagpapalit ng /r/ sa /l/, kaya naman ang salitang ‘bhara’ ay naging ‘bhala.’ Ang ‘pasanin’ o ‘karga’ rin KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 ay maaaring maikabit sa responsibilidad, ang pinakamalapit na linggwistikal na kahulugan ng ‘bahala na.’ Bukod pa rito, maihahalintulad ang konotasyon nito sa kasabihan ng mga Kastilang “que sera, sera” (whatever will be, will be). Ngunit ayon kay Gripaldo (2005), nagmula ang ‘bahala na’ sa salitang ‘Bathala,’ na tumutukoy sa isang Kataas-taasang Nilalang. Naka-ugat ito sa tradisyonal na diwa ng mga Pilipino kung saan ang mga tao ay naniniwala sa isang Kataas-taasang Nilalang na kanilang sinasamba bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas. Itong kanilang pagsamba at paaniniwala ay sinasalamin ng kanilang pagkilala sa isang dakilang nilalang na may kapangyarihan upang magkaroon ng kontrol sa kabuuan ng kanilang buhay (Sapitanan, 2020). Samantala, nabanggit naman ni Casiño (2009) na sa buong kasaysayan ng Pilipinas, ang ‘bahala na’ ay ibinagay at itinatag sa apat na magkakaibang relihiyon kabilang na ang animismo, Hinduismo, Islam, at Katolisismo. Dahil dito, masasasabing noong unang panahon pa lamang ay makikitang ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ay naka-angkla na sa pananaw na “haharapin ko ang anumang mangyari” sapagkat andiyan si Bathala na magtatakda ng dapat itakda (“Bahala Na” Que Sera, Sera, Whatever will be, will be, 2021). Sinabi rin ni Bankoff (2007) na ang ‘Bahala na’ ay nagpapahiwatig ng lakas ng loob na may kasamang elemento ng pananampalataya sa bisa ng pagdarasal at banal na proteksyon. Gayundin sina Purificacion at Carandang (2013), na nagbigay-pakahulugan sa “Bahala na” sa kanilang blog sa Tumblr kung saan ay doon nila isinulat na ibig din sabihin ng “Bahala na” na nagpapaubaya na sa Diyos ang taong nagbanggit nito. Isinaad ni Hideki (1997) sa kanyang artikulong pinamagatang “Studies on Jose Rizal II: Jose Rizal and the Mentality of the People” na binanggit ni Teodoro Agoncillo na ang “Bahala na” ay isang pekulyar na kaugalian at orihinal na kaisipan ng mga tao mula sa katimugang bahagi ng mundo. Ito ay sapagkat ang mga lugar na ito ay mainit ang klima at palagiang may luntiang mga halaman buong taon. Dahil dito, nakapagsasaka sila ng dalawa o tatlong beses sa isang taon at maaari pang makapangisda kahit kailan nila gustuhin. Bagay na siya namang kabaligtaran ng mga taga nasa norteng bahagi ng mundo sapagkat may apat silang panahon ng klima. Kaya naman, kailangan nilang magtrabaho ng mabuti at mag-impok ng sapat na pagkain 10
Pagpapakilala tuwing tag-init dahil pagdating ng taglamig ay limitado at kakaunti lamang ang mapagkukunan nila ng pagkain. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 Sa kabilang dako naman, hindi eksklusibo sa kahit anong natatanging populasyon o bahagi ng bansa ang paggamit ng ‘bahala na;’ bagkus, ito ay isang pag-uugaling pangkaraniwan sa kabuuan ng masang Pilipino (Sapitanan, 2020). Malawak ang nasasakop ng konsepto ng ‘bahala na’ at masasalamin ito sa paglitaw nito sa iba’t-ibang uri ng pananaliksik. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pananaliksik ni Casuga (2011) tungkol sa mga karanasan ng mga Pilipinong atleta sa pag-uugaling ‘bahala na’ sa mga pandaigdigang paligsahan (The Filipino athlete's experience of the bahala na attitude in international sporting competition), ang artikulo ni Parker (2008) na pinamagatang ‘“Bahala na”? Population Growth Brings Water Crisis to the Philippines” na tumutukoy naman sa masamang dulot ng pag- uugaling nabanggit sa mga naabusong pinagkukunang-yaman at pagdami ng populasyon sa bansa, o kaya naman ay ang pananaliksik ni Ferrer (2019) tungkol sa kaugnayan ng ‘bahala na’ sa pagpapasya ng mga mag-aaral na pinamagatang ‘Juan sa Silid-Aralan: Pag-uugaling “Bahala na” at Pagpapasya ng mga Mag-Aaral ng Calamba City Senior High School.’ Bukod sa mga nabanggit, napakarami pang mga artikulo at pananaliksik ang lumilitaw galing sa konsepto ng ‘bahala na, at ipinapakita nitong may abilidad ang nasabing pag-uugaling umangkop sa lipunang patuloy na nagbabago. Dagdag pa rito, kung iisiping mabuti, mayroong sikolohikal na eksplanasyon na maihahambing sa konsepto ng “Bahala na.” Maiuugnay ito sa External Locus of Control ayon kay Taboclaon (2013). Ayon rin sa kanya, ito ay isang paraan ng Positive Self-affirmation. Ang dalawang ito ay maituturing na negatibo at positibong pananaw para sa konsepto ng “Bahala Na”. 1.External Locus of Control Nagmula ang external locus of control sa Social Learning Theory ni Julian B. Rotter, isang amerikanong sikolohista. Ayon sa teoryang ito, behavior is determined not only by the nature or importance of goals or reinforcements but also by the person's anticipation or expectancy that these goals will occur. Sa ilalim ng kanyang teorya, mayroong dalawang klase ng locus of control, ito ay ang internal at external. 11
Para sa panloob na kontrol ng lokus, ito ay ang paniniwala ng tao na Pagpapakilala responsibilidad niya kung ano man ang kanyang gagawin. Samantala, ito naman ay taliwas sa panlabas na kontrol ng lokus na kung saan ang KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 pagpapawalang bahala ng tao ay iniaasa niya sa “swerte”. Dagdag pa rito, ayon kay Rotter (n.d.), they don't believe that they can change their situation through their own efforts and frequently feel hopeless or powerless in the face of difficult situations. Makikita ang similaridad ng kanyang external control of lokus sa tinatawag na konsepto ng “Bahala Na” na nagsilbing negatibong perspektibo para rito. 2. Positive Self-affirmation Sa kabilang dako, mayroon din namang positibong pananaw para sa kaugaliang “Bahala Na” para kay Taboclaon (2013). Inihambing niya ito sa positive self-affirmation, o ang kakayahan ng taong harapin ang kung ano man ang kahihinatnan ng kanilang ipinagpa bahala na. Ang ideya ng positive self-affirmation ay nagmula sa Self-affirmation Theory ni Claude Steele, isang Social Psychologist. Ayon sa depinisyon niya sa teoryang ito, it posits that people have a fundamental motivation to maintain self-integrity, a perception of themselves as good, virtuous, and able to predict and control important outcomes. Ito ay ang paninindigan sa kung ano ang paniniwala ng isang tao. Masasabi lamang na positibo ito kung ang tao ay may paninindigan at handang tanggapin kung ano man kahihinatnan ng kanyang desisyon. Kung ihahambing ito sa konsepto na tinatalakay ng buklet na ito, nagsisilbi itong positibong pananaw sapagkat may paniniwala at paninindigan ang isang indibidwal na kumapit sa “Bahala na si Batman”. 12
mga halimbawa 1. “Bahala na” at Pagpapaubaya Sa konsepto ng pagpapaubaya ay pinaka-nakikita ang kaugaliang “bahala na.” Katulad na lamang ng pagpapaubaya ng mga Pilipino ng lahat sa kanila sa Panginoon. Ang pagpapaubaya sa Maykapal ng kanilang kaligtasan, pati na rin ng kaligtasan ng kanilang mga minamahal sa buhay. At hindi lamang sa usaping pananampalataya makikita ang kaugnayan ng “bahala na” at pagpapaubaya, sapagkat maaari rin itong makita sa porma ng pag-iwan at pagpapaubaya ng mga responsibilidad sa iba. Maaaring halimbawa nito ay iyong sa mga taong maagang nag- anak, pagkatapos ay iaasa ang lahat sa mga magulang. Hindi man nila sabihin, ang dating pa rin ay tila sinasabi nilang,“Inay, Itay, bahala na po kayo sa amin ng pamilya ko.” Isang pang halimbawa ng pagpapaubaya na may kaakibat na “bahala na” ay ang pagpapaubaya sa taong minamahal. Marami marahil ang makare-relate sa halimbawang ito. Ang senaryo pa rito ay mayroon nang ibang minamahal ang kanyang sinisinta at wala na siyang magagwa roon kung kaya’t magpapaubaya na lamang siya. May mga linyahan pa nga na, “Pare, bahala ka na sa kan’ya. Pasayahin mo s’ya.” 2. “Bahala na” at Pananampalataya Ang “bahala na” ay sinasabing nangangahulugan ng pagpapasa-Diyos nga mga bagay.Kapag nagdarasal ang mga Pilipino, hindi mawawala ang iyong, “Bahala na po kayo sa amin, Panginoon.” Sa tuwing nananalangin, ipinauubaya ng mga Pilipino ang kanilang mga buhay, pati na ang kanilang mga mahal sa buhay, sa Maykapal, tanda ng malakas at malalim na pananampalataya na sa tulong ng Panginoon, sila ay mananatiling ligtas sa anumang kapahamakan at malayo sa anumang sakit. 3. Ang Konsepto ng Tadhana Noon pa man, ang mga Pilipino ay mapagpaniwala sa tadhana. Ang posisyon ng kanilang pag iisip ay, “mangyari na ang mangyari”o kung sa makabagong bersyon, “kung meant to be, edi meant to be.”Sa konseptong ito ay iniaasa na lamang ng mga Pilipino ang lahat sa tadhana at kung hindi an mangyari ang inaasahan o ninanais nilang mangyari, tatanggapin na lamang nila iyon ng bukal sa puso sapagkat iyon ang nakatadhana. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 13
mga halimbawa 4. Konsepto ng Pagba-Baka Sakali Makikita rin ang kaugaliang “bahala na” sa tuwing nagba-baka sakali ang ang mga Pilipino. Katulad na lamang ng mga napapanood sa pelikulang Pilipino kung saan, nagbaka sakali iyung bida na lumuwas sa Maynila upang magtrabaho. Ang senaryo na bababa ‘yung bida sa barko, titingin saglit sa malayo, hihinga ng malalim, sabay sasambitin na,“Bahala na. Basta magtatrabaho ako at magpapayaman dito sa Maynila.”Kahit sa mga nagba-baka sakaling magtrabaho sa ibang bansa. Ganoon rin ang kanilang iniisip: “Bahala na, basta makaahon kami sa hirap.” 5. “Bahala na” at Paghahabilin “Ma, Pa, kayo na po muna ang bahala kay Miming ha. Ayun po ang pagkain n’ya nasa... Ilang araw lang po ako mawawala, uuwi po ako agad basta matapos ang project namin.” sabi ni Maria habang inihahabilin ang alagang pusa sa kanyang mga magulang. Pamilyar ba sa inyo ang senaryong ito? Ang paghahabilin ay halos kagaya rin ng konsepto ng pagpapaubaya ng responsibilidad, pero sa mas responsableng paraan. Dito ay pansamantala lamang magiging “bahala” ang tao o kung sino mang pinaghabilinan. 6. Kawalang Pakialam Madalas ring ginagamit an “bahala na” bilang pagpapahiwatig ng kawalang pakialam. Halimbawa, “bahala na siya at siya naman ay malaki na” o kaya naman “bahala ka sa buhay mo, hindi ka naman marunong makinig”Sa konseptong ito at ipinapakita na ano at ano man, hindi na siya kasali sa kung ano man ang mangyari. Kung ano man ang kahantungan ng taong pinagsabihan ng mga ihinalimbawang kataga, ay hindi na siya magiging “bahala,” ano’t ano man. 7. Pagdedesisyon sa Alanganing Sitwasyon Isa pang dahilan ng paggamit ng mga Pilipino ng “bahala na” ay pagkakalagay sa alanganing sitwasyon. Kapag sila ay napupunta sa sitwasyon na hindi nila alam kung anong gagawin, basta na lamang sila magdedesisyon at saka sasabihing, “bahala na” at umaasa na maganda ang kalalabsan ng kanilang naging desisyon. 14 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
mga halimbawa 8. “Bahala na” at Pagkabahala Kasamahan din ito ng pagkakaipit sa alanganing sitwasyon. Sa panahon ng pangamba at pagkabahala, sadyang nagagamit ng mga Pilipino ang “bahala na” upang magkaroon ng motibasyon. Dahil sa paniniwala ng “bahala na” alam nilang may hindi sila mag-isa at may gumagabay sa kanila. Dahil dito, naiibsan ang mga pangamba at pagkabahala, at napapalitan ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. 9. Ang Konsepto ng Pagbabasta Isang kaugalian ng mga Pilipino ang “basta na.” Iyong tipong hindi na pinag-iisipan ng sobra ang mga bagay-bagay at basta na lamang pagdedesisyon. Kumbaga, sumasabak sa giyera nang walang dalang sandata o pananggalang man lang. Ang mga ganitong kaganapan ay karaniwang nauuwi sa “bahala na” sapagkat kumikilos na lamang o gumagawa na lamang ng desisyon na kung ano na lang at kung ano man ang mangyayari, ang tadhana o si Bathala na lamang ang makapagsasabi. 10. Ang Konsepto ng Mañana Habit Kilala rin ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng mañana habit o “mamaya na” habit. Ito iyung ang palaging sinasabi sa tuwing may kailangang gawain ay“saglit lang,” o kaya “gagawin ko mamaya.”Maaaring hindi na bago ito sa inyo sapagkat isa ito sa mga dahilan ng sermon ng mga magulang. Kasi kapag inuutusan, ang isasagot ay “mamaya na po” hanggang sa hindi na nagawa. Ang mañana habit ay may malaking kaugnayan sa kaugaliang “bahala na” sapagkat ang pangangatuwiran d.ito ay, “Bahala na, may bukas pa naman.” At sa sobrang pagpapaliban sa mga gawain, nauuwi ito sa pagkalimot. Mas masama pa kung natambakan na ng mga gawain at hindi na alam kung ano ang uunahin kaya ang mangyayari ay “bahala na lang” at babastahin na lamang ang paggawa.Ipagpapasa-Diyos na lamang ang magiging resulta. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 15
mga halimbawa 11. Ang Konsepto ng Katamaran Maaari ring maiugnay ang “bahala na” sa konsepto ng katamaran. Pamilyar ba ang salitaing, “bahala na, tinatamad pa ako”? Ang pagpapaubaya ng mga reponsibilidad sa tadhana o sa Maykapal ay nagpapakita ng katamaran. Halimbawa na lamang sa pag-aaral, bilang estudyante, tungkulin mo ang mag-aral. Pero dahil naniniwala ka sa fatalism, hindi ka na lang mag-aaral. “Babagsak na kung babagsak pero alam ko namang hindi ako pababayaan ni Lord.”Ang ganitong gawain ay katamaran. 16 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
ILUSTRASYON Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga Pilipinong politiko na gumagamit ng kaisipang \"bahala na\" Si Pangulong Duterte (unang litrato sa kaliwa) at Senator Dela Rosa (unang litrato sa kanan) gumamit ng \"bahala na\" sa paraang pagpapaubasa sa Maykapal habang si Senator Gordon (gitnang litrato) naman ay ginamit ang \"bahala na\" na nagpapahiwatig ng kawalang pakialam. Ang larawang ito ay nagpapahiwatig na wala na Ang larawang ito ay nagpapakita ng paggamit ng silang pakialam sa kung ano man ang mangyari. \"bahala na\" sa pagdedesisyon sapagkat hindi nila Ang mahalaga ay naipaglaban nila ang kanilang alam ang dapat na gawin pagmamahalan. Ang mga larawang ito ay nagpapalita ng pag-uusap ng dalawang ma-aaral kung 17 saan ginamit nila ang \"bahala na\" bilang pagpapasa-Diyos ng magiging resulta ng gagawin nilang aksiyon sapagkat hindi sila nakapaghanda.
ILUSTRASYON Ang mga larawan sa itaas ay mga memes kasama si Batman, ang s'yang laging may \"bahala\" ayon sa kadalasang pagtawag ng mga Pilipino. Ang larawang ito ay nagpapakita ng Ang larawang ito ay nagpapakita ng Mañana implikasyon ng \"bahala na.\" Parang \"Ayos habit na isa sa mga kaugaliang nagreresulta sa na 'yan, bahala na.\" kaisipang \"bahala na.\" Wala pang 'C' akong naisasagot kaya ito ang sagot sa number na ito. 'Di ko sure pero bahala na! Ang larawang ito ay nagpapakita ng Ang larawang ito ay Ang larawang ito ay positibong \"bahala na'\" kung saan nagpapakita ng nagpapakita ng pagdarasal sa pinalalaks nila ang kanilang loob upang panghuhula at Maykapal, isang implikasyon ng mawala ang mga pangamba. Sa paraang ito, magagawa nilang sumobok ng mga pagpapasa-Diyos o \"bahala na.\" tadhana na lamang 18 bagong bagay ng kalalabasan.
Diskusyon popular na rin ang ekspresyong ito sa mga bansa sa Estados Unidos noong 1800s. 1.Tanging sa mga Pilipino lamang Sa mga Romano naman, naging tampok ang naoobserbahan ang paggamit ng paggamit ng metaporikang “crossed the kaisipang “Bahala na” Rubicon river” na nangangahulugang pagtawid ng ilog ng Rubicon sa Filipino. Isa rin ito sa mga Bagaman ang konseptong ito ay kilalang katumbas na ekspresyon ng “Bahala na” ginagamit ng mga Pilipino, hindi ito natatangi nagmula noon pang panahon ni Julius Caesar sa kanila; bagkus, mayroon din itong katumbas na sinasabing tumawid ng ilog Rubicon noong na ekspresyon o paniniwala sa iba’t-ibang ika-10 ng Enero, 49BC (Eric, 2021). Nagpasiklab sulok ng mundo. ito ng digmaang sibil na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan upang maging isang diktador Ang pinakatanyag na katumbas nito ay ang na nagpasimula ng pag-usbong ng panahong ekspresyong “Qué será, será” ng Espanya na imperyal ng Roma. Sa kasalukuyang panahon, halos katunog din ng sa mga Italyanong “Che ang ekspresyong “crossing the rubicon” ay may sarà sarà.” Nangangahulugan itong “Whatever metaporikal na gamit na nangangahulugang will be will be” o kung anumang mangyayari ay “to pass a point of no return” o pagdaan sa mangyayari, at kalimitan itong ginagamit ng puntong walang pagbabalik. mga nagsasalita ng wikang Ingles bilang ekspresyon ng kanilang maligayang patalismo Ang paniniwala ng mga Griyego sa mga (fatalism) (Hartman, 2013). Naging patok rin ito nilalang na humahawak sa kanilang kapalaran dahil sa pagkakatampok nito sa awitin ni Doris at tadhana ay maihahalintulad din sa “Bahala Day noong 1956 na pinamagatang “Qué será, na.” Para sa kanila, ang mga Moira (μοίρα) o será (What Will Be Will Be),” at hanggang sa Fate na sina Clotho, Lachesis, at Atropos ang kasalukuyan, patuloy pa rin ang dagsa ng mga tumutukoy sa kapalaran ng mga tao, lalo na sa taong nakikinig sa awiting ito. haba ng kanilang buhay at ang paglalaan ng kalungkutan at pagdurusa nila (Tikkanen, n.d.). Bukod pa rito, maitutumbas ang konsepto ng Dagdag pa sa mga ito, kung pagdidiskusyunan “Bahala na” sa konsepto ng Pranses na “Avalse ang “Bahala na” hindi rin mawawala ang pag- que valze” na nangangahulugan namang “Let it uugnay nito sa konsepto ng American fatalism. avail what it may, come what may” sa Ingles na Ang patalismo ay nangangahulugan bilang nangangahulugan namang hayaang pagkahilig ng mga indibidwal o mga grupo sa mapakinabangan ang kung anuman, anuman paniniwalang ang kanilang tadhana ay ang mangyari sa Filipino. Mga taong 1300s pinamumunuan ng mga hindi nakikitang ginamit ng mga Pranses ang ekspresyong ito, kapangyarihan o kaya naman ay nararapat na at nakatulong ang tanyag na makatang si mangyari at hindi dahil sa sarili nilang nasa William Shakespeare upang mas lalong maging (Maercker, Ben-Ezra, Esparza & Augsburger, popular ito nang isama sa kanyang obrang 2019). Malaki ang aging impluwensya ng “Macbeth” noong 1605 (Eric, 2021). Naging konsepto 19 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
ng patalismo sa konsepto ng “Bahala na.” Sa ganitong pag-iisip, ang pag-asa sa paniniwala katunayan, isa sa mga unang pag-aaral na sa kapalaran, ay isa sa mga hindi nagdala sa pagpapakilala nito bilang isa sa magagandang ugali para sa ibang mga lahi mga may pinaka-importanteng kultural na (Hong, 2020). Ayon pa kay Jerico, isa sa mga halaga sa mga Pilipino ay ginawa ni Bostrom kalahok sa etnograpikong pananaliksik ni Hong (1968) na kinilala ang konsepto ng “Bahala na” (2020), ang fatalismo raw ay may kaugnayan sa bilang katumbas ng patalismo ng mga kahirapan. Sabi niya, ng mga taong Amerikano (Pua & Marcelino, 2000). Naging namumuhay sa kahirapan ang silang madalas laganap ang interpretasyong ito kaya naman gumamit ng “bahala na” at fatalismong pag- pinakahulugan rin ni Thomas Andres ang iisip. Ang mga taong kagaya nila ay madalas ekspresyong ito sa Dictionary of Filipino and bigyang-katwiran ang kanilang paghihirap sa Culture Values bilang pag-uugali ng mga paniniwala na iyon lamang talaga ang isinulat Pilipinong nagtutulak sa kanila upang ng tadhana para sa kanila. Lalo iyong tanggapin na lamang ang kanilang mga nagpalubog sa kanila sa kahirapan sapagkat pagdurusa at problema, at iasa na lang lahat dahil sa ganoong disposisyon, hindi na nila sa Diyos, at tinawag itong patalistikong naiisip pa na gumawa ng anumang hakbang pagbitiw nila sa kanilang mga krisis o personal upang maiahon ang kanilang mga sarili sa na responsibilidad (Pua et al., 2000). hirap. 2. Laging maganda ang kinalalabasan ng Kaugnay nito ang sinabi nina Alfonso-Griego at Lazo (2022) na isa sa mga negatibong mga desisyong ginamitan ng resulta ng pag-asa sa “bahala na” ay nauuwi ito sa “pagniningas-kugon.”Ang ningas-kugon, pangangatwirang ‘bahala na’; ayon pa rin sa kanila, ay pagiging magaling lang sa una at hindi tinatapos ang mga nasimulan. Ang “bahala na” ay ang mantra ng mga Sa madaling salita, sa una lang magaling. Pilipino at kadalasang ginagamit sa tuwing sila Kapag ang kaugaliang “bahala na” ay ay naiipit sa isang sitwasyon na hindi na nila nagresulta sa “pagniningas-kugon,” maaari alam ang dapat nilang gawain; kung mayroon itong mauwi sa complacency. Hindi ang man, iyon ay ang sumugal sa laro ng buhay complacency na nakalulugod, kung hindi iyong (Santos, 2021). Ang paggamit ng “bahala na” konotasyon ng salitang ito na tamad at bilang pangangatuwiran sa isang desisyon ay kawalang-interes. parang isang sugal. Walang makapagsasabi kung maganda ba o mali ang kalalabasan Samakatuwid, usaping ito, hindi tinatanggap sapagkat sa simula pa lang, wala nang naging ang hipoteses. Hindi laging maganda ang pagpaplano at pag-aaral upang pag-aralan ang kinalalabasan ng mga desisyong ginamitan ng maaaring tunguhin ng ginawang desisyon. At pangangatuwirang “bahala na.” Ang “bahala na kagaya ng totoong sugal, hindi laging maganda ay isang sugal, nangangahulugang walang ang kinalalabasan ng “bahala na” mentality. kasiguraduhan sa magiging resulta. Kung ang Bagkus, kabaligtaran pa nga ang nangyayari. mga bagay nga na pinag-isipan at pinag- aralang mabuti, kung minsan ay pumapalya Kaakibat ng fatalismo ang “bahala na.” Ang rin, ano pa kaya ang mga desisyong basta na 20 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
lamang ginawa ora mismo? Filipino Values na nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos o ang tinatawag na 3. Ang paggamit ng ‘bahala na’ ay God’s will. Nabanggit niya rin ang tipan ng nagpapakita ng katapangan; Bibliya, ang Mateo 26:42. Ipinapakita sa aklat na ito ang binanggit ni Hesus noong Siya ay May dalawang uri ng katapangan na ipinako sa krus ng kalbaryo. “Father, your Will maipapakita sa konspetong ito. Una ay ang uri be done” ang sinabi ni Hesus sa aklat na ng pagiging matapang sa paraang sugal o ang nabanggit. Ipinapakita rito na maging si Hesus paggawa ng kilos na walang kasiguraduhan ay ipinagkatiwala sa Diyos ang Kanyang kung nakakatulong nga ba ito o nakakasama kahihinatnan. Ang puntong ito ni Judan ay lamang. Sa madaling salita, handang tanggapin kahalintulad din ng kay Menguin sa ang magiging resulta ng ginawang desisyon. perspektibo niya tungkol sa bahala na Pangalawang uri ay ang pagiging matapang na mentality at ang pagiging maka-Diyos. Ayon sa may lapat na pagiging maka-Diyos. kanya, ito ay nagpapakita ng courage and faith Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagtitiwala in God. Katumbas ito ng paggawa ng aksyon sa Diyos ng desisyon o problemang bilang solusyon sa problema ngunit hindi kinakaharap. naman sapat ang nagawang aksyon upang maresulbahan ang nabanggit na kinakaharap. Para sa unang uri ng katapangan na Let go and let God ito ang kanyang sinabi. masasalamin sa konseptong ito, nabanggit ni Menguin (2021), na maihahalintulad ito sa 4. Ang paggamit ng ‘bahala na’ ay pagiging risk-taker of the unreasonable man. nagpapahiwatig ng kawalang pakialam at Nangangahulugan ito na ang tao na hindi na pagiging iresponsable; at kayang mag isip ng solusyon ay kumakapit na lamang sa bahala na mentality at umaasa sa Sa kabila ng mga magagandang implikasyon swerte. Tila nagiging sugal, walang ng “bahala na,” marami pa ring mga Pilipinong kasiguraduhan sa makukuhang resulta kaya iskolar tulad nina Jaime Bulatao, Rolando M. nagpapakita ito ng katapangan na tanggapin Gripaldo, Tereso C. Casiño, at Jose M. De Mesa, mapabuti man o mapasama ang kalalabasan ang nakapansin sa mga negatibong ng ginawang desisyon. Para sa kanya ito ay implikasyon nito. Isa na sa mga iyon ay ang Leap of Faith na mas mabuti pa ang may gawin pagiging iresponsable at kawalang pakialam. kaysa sa wala sapagkat kapag walang kilos na Ayon sa mga iskolar na nabanggit, ang pag- ginawa ay maihahalintulad na rin sa uugaling “bahala na” ay nagbibigay daan sa pagtanggap ng pagkatalo. fatalismo upang umusbong sa kaugaliang Pilipino (Hong, 2020). Kapag sinabing Samantala, ang pangalawang uri ng pagiging Fatalismo, ito ay ang paniniwala na ang buhay matapang ay ang ipasa-Diyos ang mga bagay. ng isang tao ay nakasulat na (Maercker et al., Maaring magpakita ito ng katamaran at ang 2019). Sa madaling salita, ito ay ang pag-asa sa pagwawalang bahala sa sitwasyon ngunit ito ay tadhana.Ang pag-asa sa tadhana o paniniwala may positibong pananaw. Ayon kay Judan na ang lahat ay (2015) ang bahala na mentality ay isang 21 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
nakatakda na ay nagdudulot na ng pagiging 5. Ang pag-uugaling ‘bahala na’ ay laging iresponsable at kawalang pakialam sa mga nakaangkla sa pagiging maka-Diyos ng nangyari, nangyayari, at mangyayari pa. mga Pilipino. Gayundin ang punto ni Casiño (1986). Ayon Ayon kay Miller (n.d.), ang Pilipinas ay binubuo sa kanya, ang kaugaliang “bahala na” ay ng 86% na mga Katoliko, 6% sa mga maaaring magdulot ng negatibong epekto sa Nationalized Christian Cults, habang ang 2% ay tao. Ang “bahala na” ay parang pagpapasa- para sa iba pang relihiyon. Gamit ang Diyos o pagsasatadhana ng mga nangyayari. istatistikal na bilang na ito, masasabing Kung palaging ganoon, naniniwala si Casiño na karamihan sa mga Pilipino ay relihiyoso at may masasanay ang mga Pilipino at magkakaroon pananampalataya sa isang Cosmic Force, na sila ng bagay na magbibigay katuwiran sa lahat pinaniniwalaang may kontrol sa lahat ng mga kanilang mga pagkakamali at kabiguan. Sila ay pangyayari . magiging iresponsable na akuin ang mga pananagutan ng kanilang mga pagkakamali. Samantala, ayon naman kay Hong (2020), kung sisiyasating mabuti, ang salitang bahala Sa kabilang dako naman, si alyssa-x-lia (2014) na ay nanggaling sa salitang Bathala na ay gumawa ng isang analisis patungkol sa nangangahulugang Diyos. Kung lilimiin, ang konsepto ng “bahala na” at ipinost niya iyon sa tunay na pinagmulan ng salitang bahala ay kanyang tumblr, isa sa mga social media tunay na nakaangkla ito sa pagiging maka platform. Sa post na iyon ay nabanggit niya is Diyos ng mga Pilipino. Lynn Bostrom, isang Amerikanang mananaliksik, at ang sinabi nito na ang “bahala Sa artikulo ni Hong (2020), binigyang sagot ni na” raw ay nagpapakita ng kakulangan sa pag- Casiño kung bakit patuloy na ginagamit ito ng aalala ng mga Pilipino patungkol sa kanilang mga Pilipino. Sinabi niya na ito ay bunga ng paligid. Ito ay sinang-ayunan ni alyssa-x-lia at mga istorya, alamat, at mga imahe na patuloy kanya pang sinabi, “Nakikita ito sa ating araw- ang pagdaloy mula sa mga sinaunang Pilipino araw. Wala paring nangyayari sa iyong mga hanggang sa henerasyon ngayon sa marka, wala paring nangyayari para tulungan pamamagitan ng Religious form. Ayon rin sa ang ating mga kababayan na naghihirap, wala kanya, ito ay nagsisilbing Convenient Theodicy. parin, kulang parin, pero BAHALA NA.’” Sa Ito ay nangangahulugan na ang pagsasabi ng kanyang analisis na ito, sinasabi niyang ang “bahala na” ay isang paraan upang mabawasan “bahala na” ay nagpapahiwatig in ng kawalang ang kinakaharap na sitwasyon sa pakialam ng mga Pilipino. pamamagitan ng pagtitiwala o paglapit sa Diyos ng problemang ito. Halimbawa na Mula sa mga nakalap na pag-aaral, nalaman lamang ay ang mga sirkumstansiya na ng mga manunulat na ang paggamit ng ‘bahala kinakaharap ng mga kababayan natin sa na’ ay nagpapahiwatig ng kawalang pakialam at tuwing may bagyo. Nariyan ang patuloy na pag pagiging iresponsable. Tinatanggap ng mga bugso ng ulan, ang pagbaha, mga landslides manunulat ang hipotesis na nakalatag. na hindi naman makokontrol ng tao. Sa mga 22 ganitong uri ng sitwasyon na walang kontrol KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
ang mga mortal, dito na ipinagpapasa-Diyos ang kahihinatnan ng mga susunod na pangyayari na tila nagsisilbing ebidensya ng pananampalataya ng mga biktima. Sa perspektibong ito, masasabing hindi ito fatalismo kundi isang malakas na pananampalataya kaya naman ipinagkatiwala na lamang sa Diyos ang mga bagay na hindi naman kayang kontrolin kaysa gumawa pa ng maling aksyon na lalo lamang makakasama sa sitwasyong kinakaharap. Aba,dapatlang! Untiuntikonang nauunawaan, Batman! 23 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5
konklusyon Ang paggawa ng desisyon sa buhay ay hindi dapat ginagawang biro sapagkat napakalaki ng maaaring maging epekto nito sa ating buhay. Ang bawat desisyon ay dapat na pag- isipang mabuti upang walang maging pagsisisi sa huli. Subalit, sa kabila ng katotohanang ito, hindi pa rin mawala ang “bahala na” mentality ng mga Pilipino. Maganda ba ito o hindi? Nakatutulong ba ito o nakasisira? Ano nga ba ang konsepto ng “bahala na”? Mula sa lahat ng mga tinalakay ng buklet na ito, nabuo ng mga manunulat ang mga sumusunod na konklusyon: 1.Ang konsepto ng “Bahala na” ay isa sa mga kilalang kaisipan ng mga Pilipino. Gaya ng mga katumbas nitong ekspresyon sa iba’t-ibang rehiyon sa mundo, nagsimula at malalim na itong naka-ugat sa kultura at paniniwala ng mga tao sa isang Diyos o makapangyarihang nilalang na may kakayahang kontrolin ang tadhana. 2.Hindi laging maganda ang kinalalabasan ng mga desisyong ginamitang ng pangangatwirang “bahala na.” Ang bahala na ay parang sugal kung saan itataya mo ang lahat sa walang kasiguraduhan. At katulad sugal, hindi palaging nananalo, may pagkakataon rin ng pagkatalo, at hindi palaging nariyan ang swerte. Ang ilan sa mga negatibong resulta ng “bahala na” ay ang pagdadahilan para sa kanilang paghihirap, hindi pagkilos sapagkat iyon ang kanilang “kapalaran,” at pagniningas-kugon na nauuwi sa tuluyang katamaran. 3.Ang konsepto ng “Bahala na” ay maaaring natatangi sa pangalan ng mentalidad na ito, ngunit hindi ito eksklusibo lamang sa mga Pilipino, ito ay maoobserbahan din sa pag- uugali ng mga foreign countries. 4.Malaki ang impluwensya ng mentalidad na “Bahala na” sa buhay ng mga Pilipino at makikita ito sa iba’t-ibang senaryo ng kanilang buhay mula sa paggawa nila ng mga desisyon, pagiging episyente at epektibo nila bilang mga manggagawa hanggang sa kanilang pananampalataya. 5.Maihahambing ang mentalidad ng “Bahala na” sa katapangan, una ay ang katapangan sa pagiging risk-taker ng tao o agarang pagtanggap ng negatibong resulta ngunit may probabilidad na maging maganda ang kahihinatnan (walang kasiguraduhan). Pangalawa ay ang pagpapasa-Diyos ng mga bagay dala ng pananampalataya (Courage and Faith). Dahil halos lahat ng mga Pilipino ay kasaping iba’t ibang relihiyon at mga relihiyoso, masasabing isa ito sa pangunahing dahilan ng pag-uugaling “Bahala na” ng mga Pinoy. KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 24
sanggunian Alfonso-Gregorio, N. & Lazo, C. (2022, March 3). How your Filipino values can affect your mental health. Retrieved from https://www.sbs.com.au/language/english/audio/how- your-filipino-values-can-affect-your-mental-health “BAHALA NA” QUE SERA, SERA, WHATEVER WILL BE, WILL BE . (2021, December 1). Pilipino Mirror. Retrieved April 25, 2022, from https://pilipinomirror.com/bahala-na-que- sera-sera-whatever-will-be-will-be/ BAHALA NA! (2014). Maraming kaugalian at gawain ang nagbubuklod sa mga Pilipino… [Tumblr post]. Retrieved from https://alyssa-x- lia.tumblr.com/post/61188117939/bahala-na. Casiño, T. C. (2009, March). MISSION IN THE CONTEXT OF FILIPINO FOLK SPIRITUALITY: BAHALA NA AS A CASE IN POINT. Seoul Consultation. Retrieved April 24, 2022, from http://wcc2006.info/fileadmin/files/edinburgh2010/files/pdf/Tereso%20Casino%20paper .pdf Eric, V. A. P. B. (2021, April 13). Bahala Na (COME WHAT MAY)!! FilipinosAround. Retrieved May 31, 2022, from https://filipinosaround.com/2021/03/27/bahala-na-come- what-may/ Gripaldo, R. (2005, October 12). Bahala na: A Philosophical Analysis. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/238082707_BAHALA_NA_A_PHILOSOPHICAL_ ANALYSIS1 Hideki, J. (1997). Studies on jose rizal II jose rizal and the mentality of the people. Memoirs of the Tomakomai National College of Technology, 32, 155–158. https://www.tomakomai-ct.ac.jp/wp01/wp-content/uploads/2014/06/kiyou/kiyou32- 21.pdf Hong, Y. (2020). Powerlessness and A Social Imaginary in the Philippines: A Case Study on Bahala na. The Asbury Journal, 75(1), 127–150. https://doi.org/10.7252/Journal.01.2020S.08 KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 25
sanggunian Judan, L. (2015, March 27). “BAHALA NA”: THE POWER OF FAITH. Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals. http://www.bcbpkapatiran.com/bahala-na- the-power-of-faith/ Lagmay, M. (1977). Antonio, Lilia F., et al. (eds.). Bahala Na!Ulat ng lkalawang Pambaisang Kumprensiya Sa Sikolohiyang Pilipino.https://pssc.org.ph/wp-content/pssc- archives/Philippine%20Journal%20of%20Psychology/1993/Num%201/07_Bahala%20N a.pdf M. (2021, July 9). Saan Galing Ang Salitang Bahala Na. Desalitang. https://desalitang.blogspot.com/2021/07/saan-galing-ang-salitang-bahala-na.html Maercker, A., Ben-Ezra, M., Esparza, O. A., & Augsburger, M. (2019). Fatalism as a traditional cultural belief potentially relevant to trauma sequelae: Measurement equivalence, extent and associations in six countries. European journal of psychotraumatology, 10(1), 1657371. https://doi.org/10.1080/20008198.2019.1657371 Menguin, J. (2021, December 5). Bahala Na: When Filipinos Do the Unreasonable to Succeed. Jef Menguin. https://jefmenguin.com/bahala-na/ Miller, J. (n.d.). Religion in the Philippines. Asia Society. https://asiasociety.org/education/religion-philippines Pua, R. P., & Marcelino, E. P. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology): A Legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology, 3, 49–71. https://www.indigenouspsych.org/Members/Pe- Pua,%20Rogelia/PePua_Marcelino_2000.pdf Purificacion, A., & Carandang, L. (2013, September 14). BAHALA NA! Tumblr. Retrieved May 21, 2022, from https://alyssa-x-lia.tumblr.com/post/61188117939/bahala-na KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 26
sanggunian Rotter, J. (n.d.). The Social Learning Theory of Julian B. Rotter. Psych Fullerton. http://psych.fullerton.edu/jmearns/rotter.htm Santos T.N. (2021, February 6). “Bahala na si Batman” Amid the COVID-19 Pandemic. Retrieved from https://thepublicherald.carrd.co/#bahalanasibatmantop Sapitanan, A. (2022, January 8). REDISCOVERING BAHALA NA: MODEL GENERATION. Academia. Retrieved April 24, 2022, from https://www.academia.edu/67592753/REDISCOVERING_BAHALA_NA_MODEL_GENERATI ON Self-Affirmation Theory in Social Psychology - iResearchNet. (2016, January 19). Psychology. http://psychology.iresearchnet.com/social-psychology/social-psychology- theories/self-affirmation-theory/ Taboclaon, A. (2013, December 5). The Psychology Behind the Phrase “Bahala Na.” Anything Psych. https://www.anythingpsych.com/2013/12/the-psychology-behind- bahala-na/ Tikkanen. (n.d.). Fate | Greek and Roman mythology. Encyclopedia Britannica. Retrieved May 31, 2022, from https://www.britannica.com/topic/Fate-Greek-and-Roman- mythology KONSEPTO NG BAHALA NA MENTALITY | 5 27
kilalanin ang mga manunulat xrysna lv g. magmanlac Akonalangbahala sa'yo,Batman. 28
kilalanin ang mga manunulat lady lyka a. montano SiRobinhoodnanga langangtatawaginko... 29
kilalanin ang mga manunulat Mc Leoden b. rolan IdolkosiBatman,pero malapitnaakong mabaliwkatuladni Joker 30
kilalanin ang mga manunulat lianna imaereen d. silan Bastaako......kay Batmanparin! 31
Konsepto ng “Bahala na” MENTALITY ng mga Pilipino Bahala na si Batman-! BUKLET A.Y. 2021 - 2022
Search
Read the Text Version
- 1 - 32
Pages: