PLEASE ALL RICE FOR OUR NATIONAL KAIN | GARCIA, MARIZ M. | GARCIA, ZHARMAYNE GESLIE M. | MANALO, CHRISTIAN DAVE G. | | REYES, RHYNA ELLA M. | SALCEDO, EMERALD M. |
ADVISER Mrs. Dianne S. Cullar MANANALIKSIK Mariz M. Garcia Zharmayne Geslie M. Garcia Christian Dave G. Manalo Rhyna Ella M. Reyes Emerald M. Salcedo
Please All Rice For Our National Kain TALAAN NG NILALAMAN 01 Abstrak 02 Panimula 04 Hipotesis 05 Pagpapakilala 09 Mga halimbawa 13 Ilustrasyon 15 Diskusyon 20 Konklusyon 22 Sanggunian
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 01 PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN: ANG PAG-UNAWA KUNG BAKIT “RICE IS LIFE!” ABSTRAK Kilala ang mga Pinoy bilang \"certified foodies lover\" na kahit kanin lang ay sapat na sa kanila. Dahil din sa pagiging inobatibo ng mga Pilipino, nakagagawa sila ng iba't ibang pagkain mula sa kanin na nagpapakita ng konsepto kung bakit \"Rice is life\" para sa kanila. Ngunit palaisipan pa rin sa ilan kung bakit nga ba kahit saang handaan o okasyon ay laging kanin ang kanilang hanap. Ito ang sinasabing kahit anong panahon, palaging trending sa mga Pinoy ang kanin. Sa madaling sabi, may iba't ibang aspeto pa rin na dapat tingnan kung bakit nga ba sobrang importante ng konseptong ito kaugnay ng kulturang Pilipino. Mula sa agrikultural na sektor, estado ng buhay, pagiging likas ba ng kaugaliang ito sa kanila at kung may nangingibabaw na simbolismo ba ito sa pagiging kolektibo ng mga Pinoy. Gayunpaman, mula sa mga nakalap na impormasyon na nagsilbi ring batayan ng mga awtor ng pag-aaral na ito, nasaliksik at napag-ugnay-ugnay ang mga aspetong ito at nakita kung paano ito nakadadagdag sa pagbubuo ng konseptong \"Rice is Life\" sa mga Pilipino. Sinasabi sa mga pag-aaral na marami itong manipestasyon at hindi lang nakikita ang kahiligan ng mga Pilipino sa kanin dahil sa ito ay nakalakihan na nila at kinagisnan, maaaring dulot din ito ng estado ng kanilang buhay. Sa pagsusuri at pananaliksik na ito ay makikita ang mga rason at malalalim na dahilan kung bakit parte na ng buhay ng mga Pinoy ang kanin. Kung saan ba ito nagmula? Paano ito nakaaapekto sa kalagayan at estado ng mga Pilipino? At marami pang ibang mga katanungan na makatutulong din upang mas mapayabong ang kulturang kanin at buhay ng mga Pilipino. | GARCIA, MARIZ M. | GARCIA, ZHARMAYNE GESLIE M. | MANALO, CHRISTIAN DAVE G. | | REYES, RHYNA ELLA M. | SALCEDO, EMERALD M. |
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 02 PANIMULA \"BAGO PA UMUSO ANG “KOREAN SAMGYEOPSAL,” PANAY NA ANG HANAP KAY MANG INASAL\" Nagsimula lamang sa isang pangarap ni “Edgar “Injap” Bukod sa pagpapahayag ng kanilang Sia” ang isa sa pinakamalaking tinatangkilik na fast food nagbabagang saloobin tungkol sa paksa restaurant sa Pilipinas. Gamit lamang ang 250 square ng kanin at unli rice, nakakita na ba kayo meter space sa Robinson’s Mall Carpak-Iloilo ay ng kinasal at pinagdiwang ang binyag sa sinimulan niya ang tadhana ni “Mang Inasal” noong tahanan ni Mang Inasal? Masayang Decemeber 2003. Ang nasabing kataga ay di umano ipinagdiwang ni Rian Eran Baynosa at galing sa dialektong Hiligaynon na ang ibig sabihin ay Rhaquesa Vicente Mosende mula sa “Mr. Barbeque.” Lingid sa kaalaman ni Injap na hindi sa Kitcharao, Mindanao ang kanilang mismong ihaw-ihaw makikilala ang kaniyang kainan wedding reception sa Mang Inasal na kung hindi sa kakaibang nitong katangian -ang makikita sa Lapu-Lapu City noong 2021. mahiwagang “unli rice!” Bukod pa rito, ngayong taon, ipinagdiwang din nila ang binyag ng Ang pagmamahal ng mga Pilipino sa pagkain ng kanilang anak sa nasabing lugar. Patuloy anumang putahe kasama ang kanin ay hindi na bago sa na pinapatunayan ng Pilipino ang kanilang kung sinoman. Ito ay nakikita sa kung paano patuloy na pagpapahalaga sa kultura ng kanin sa tinatangkilik ang unli rice ni Mang Inasal. Sa katunayan, pamamagitan ng pagtatangkilik sa mga noong pumutok ang balita noong June 14, 2017 kung serbisyong katulad nito. saan nagpahayag si Senator Cynthia Villar na ipagbawal na ang pag-aalok ng unlimited rice ay agad na umani ito ng batikos. Ayon sa kaniya, ito raw ay nakakasama sa kalusugan ng mga Pilipino dahil maaaring magkaroon ng diabetes pag nakakarami ng bulos. Nilinaw niya ito agad matapos pagpiyestahan ng netizens ang kaniyang mga binitawang kataga at sinabi na wala raw plano ang nasabing senador na gumawa ng batas na pinagbabawal ang “unli rice.” Ngunit gayunpaman, makikita ang pagkadismaya sa taongbayan dahil nakalakihan na ng karamihan ang kultura ng pagbulos ng kanin. pn
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 03 PANIMULA Ang relasyon ng kanin at pagkakaroon ng malaking importansya sa kulturang Pilipino ay nag-uugat sa apat na aspeto. Una, ang kanin ay likas sa kulturang Pilipino. Pangalawa, ang klase ng kanin ay malaking tagapag pahiwatig ng estado sa buhay ng mga Pilipino. Pangatlo, nangingibabaw ang agrikultural na sektor sa Pilipinas dahil ng mga lupain na makikita rito na madaling pagtaniman at payabungin. Panghuli, ang kanin ay sumisimbolo sa pagiging kolektibo ng lipunang Pilipino at ang pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya. Importante na mapag-aralan ang kahalagahan ng kanin sa kulturang Pilipino sapagkat ito ay naging malaking parte na ng pang-araw-araw na buhay ng bawat isa. Sa pamamagitan ng mas malalim na pagsusuri sa mga rason at nakapailalim na mga isyu na hindi nakikita ng madla, mas maiintindihan kung paano isusulong ang pagpapayabong ng nasabing kultura. Hindi lamang upang umunlad ang kalagayan ng komersyalisadong industriya ng kanin ngunit pati na rin sa mga indibidwal na naglalayon na itangi ang kulturang kanin ng mga Pilipino mula sa ibang bansa sa Asya. Likas na sa mamamayang Pilipino ang pagmamahal sa kanin. Ngunit hindi ito napapag-aralang mabuti dahil nakalakihan na natin ito. Sadyang parte na ng ating pang araw-araw na buhay kung kaya’t hindi natin namamalayan ang umiiral na kultura. Upang mas lalong maintindihan kung ano ang sumasaklaw sa katangiang ito ng Pilipino, minabuti ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa nasabing konsepto. Sa pamamagitan ng paglilikom ng mga impormasyon sa nasabing paksa ay mabibigyang kalinawan ang mga katanungan na umiikot sa katagang, \"Please All Rice!\"
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 04 HIPOTESIS 01. Likas sa kulturang Pilipino ang pagkahilig sa pagkain ng kanin. Ang klase ng kanin na kinakain ng bawat Pilipino ay maaaring . 0 2repleksyon ng kanilang estado sa buhay. 03. Ang mga Pilipino ay mahilig sa pagkain ng kanin sapagkat ang Pilipinas ay napapaligiran ng likas na lupa na agrikultural. Ang pagkain ng kanin ay isang simbolismo ng pagiging . 0 4mapagmahal sa pamilya at pagiging kolektibong lipunan.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 05 PAGPAPAKILALA Mabuhay ang mga Pilipinong magsasaka! Masayang ibinalita ng “International Rice Research Institute” noong Hulyo 23, 2021 ang pagkilala sa pagsulong ng “Golden Rice” na binuo ng “Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice)” kasama ang IRRI. Ang nasabing kanin ay naglalaman ng dagdag na lebel ng “beta-cartonene” na siyang naging bitamina A sa loob ng ating katawan. “Nilalagay ng milestone na ito ang Pilipinas sa pandaigdigang unahan sa paggamit ng pananaliksik sa agrikultura upang matugunan ang mga isyu ng malnutrisyon at mga kaugnay na epekto sa kalusugan sa ligtas at napapanatili ng paraan (“This milestone puts the Philippines at the global forefront in leveraging agriculture research to address the issues of malnutrition and related health impacts in a safe and sustainable way “)” ayon kay Dr. Jean Balié, Director General of IRRI, a CGIAR research centre. “The regulatory success of Golden Rice demonstrates the research leadership of DA-PhilRice and the robustness of the Philippine biosafety regulatory system. (Ang tagumpay sa regulasyon ng Golden Rice ay nagpapakita ng pamumuno sa pananaliksik ng DA-PhilRice at ang katatagan ng biosafety regulatory system ng Pilipinas.)” Ang Golden Rice ay “genetically engineered” para makapagbigay ng hanggang 50 percent ng kinakailangang lebel ng bitamin A para sa mga bata. Ang bagong uri ng kanin na ito ay inaprubahan na ng regulator ng kaligtasan pagkain sa mga bansang Australia, New Zealand, Canada, at United States of America, samantalang sa Bangladesh naman ay sumasailalim sa panghuling pagsusuri sa nasabing regulasyon. Sa kabilang dako, ang Pilipinas ang unang bansang pinayagan na dumako sa komersyal na pagtatanim at pagpapalago ng “Golden Rice” (IRRI, 2021). Ang ganitong gantimpala ay patunay lamang kung paano at paano binibigyan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino ang bigas at kanin. Maliban sa agrikultural na sektor, ang kanin ay naging parte na ng kulturang Pilipino. Sa bawat hapagkainan ay hindi maiiwasan hanap- hanapin ang kanin na isinasama sa pang-ulam. Hindi rin maipagkakaila na maraming uri ng iba’t-ibang klase ng pagkain katulad ng kakanin, arrozcaldo, champorado, malagkit, at iba pa. Dagdag pa rito, tinatangkilik ang mga lugar kung saan inaalok ng pagbulos sa kanin na siyang pinasikat ng Mang Inasal, isang fast-food restaurant, na “unli rice.”
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 06 PAGPAPAKILALA Ang iba’t ibang uri ng mga bigas na nabanggit ay nagkakaiba sa kalidad ng butil. Ang “well milled rice” ay uri ng bigas na kung saan ang bawat butil ay giniling nang mabuti upang tuluyang mahiwalay ang ipa sa mismong butil ng bigas. Sa prosesong ito, inaalis ang kulay brown na parte ng bigas. Kadalasan ang “well milled rice” ay nababawasan ng 10 pursyentong “brown rice” sa prosesong ito (Gummertn & Rickman, 2010). Samantalang ang “brown rice” naman ay sumasailalim pa din sa parehong proseso ng paggiling, ngunit itinitigil ito sa oras na maalis ang ipa ngunit mayroon paring tira ng pagka-brown sa mismong butil ng bigas. Dahil dito ay mas mahirap lutuin ang “brown rice”. Ang “heirloom rice” ay isang uri ng bigas na nagmula sa mga palay na itinanim ng mga katutubong Ifugao. Ang “heirloom rice\" ay kilala dahil sa angkin nitong kalidad, Bilang ang Pilipinas ay kilala sa isa sa mga bansang may aroma, tekstura, kulay, at lasa mayayabong na lupa, isa sa kanilang pangunahing hanapbuhay (Bairagi, et al., 2020). Ang “Long ay ang pagsasaka. Kung babalikan ang mga pangyayari noong Grain Head Rice” naman ay isang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ilan sa porsyon at uri ng bigas na kilala sa haba ng bahagi ng ani ng mga Pilipinong magsasaka ng palay ay butil nito. Sinasabing ang ganitong napapapunta sa mga Kastila na nagsisilbing bayad nilang buwis sa mga ito. Ayon sa pag-aaral ni Junker (2000), noon ay may uri ng bigas ay “aromatic”, may partikular na bilang o sukat ng bigas ang hinihingi ng hepe ng eleganteng kurba, at lumalaki ng Timog Luzon sa ilang magsasaka para kanilang mga kapwa tatlong beses kapag naluto. Isa sa mamamayan na hindi makabili ng bigas. Dahil dito, may ilang mga kilalang uri ng “Long Grain mga pag-aaral at ebidensya na nagsasabing ang bigas o kanin ay Rice” ay ang “Jasmine Rice” mas nakikita o laganap sa mga mayayamang tao kumpara sa (Jampel, 2020). Base naman sa mga mga taong nasa mababang estado ng lipunan. Kung kaya’t bansag na “Local rice” at “Imported naging basehan nila ito upang makita ang estado at rice”, ang “Local rice” ay nagmula sa kapangyarihan ng mga mamamayan noong panahon ng mga lokal na magsasaka pananakop ng Kastila. Naging simula rin ito ng hindi samantalang ang “imported rice” ay pagkakapantay-pantay na tingin sa mga Pilipino dahil sa angkat mula sa karatig bansa ng aksesibilidad nila rito. Sa kabilang banda, nabanggit din nina Pilipinas. Ngunit ano ang Junker at Scott (2000) na ang kanin ay isa sa mga pagkakaiba ng lokal at angkat na pinahahalagahang pagkain noon pa man dahil sa proseso ng bigas? Nagkakaiba ang dalawa sa pag-ani ng palay na bunga ng pagod ng mga magsasakang presyo, mas murang na-po-produce Pilipino. Ayon sa salaysay ni Jesuit Ignacio Francisco Alcina (2002), ng mga magsasaka sa Vietnam ang ang kanin ay isa sa mga aspeto na nakapagpalagom sa pagpapahalaga sa mga katutubo at gayundin sa mga pagkaing kanilang bigas (17 pesos/kg) nakapagbibigay ng sapat na nutrisyon at lakas sa mga indibidwal. kumpara sa mga magsasaka dito sa Pilipinas (26 pesos/kg) (Bordey, Sa kabilang banda, bigas ang pinakapopular na pagkain sa 2018). hapagkainan ng mga Pilipino. Sa Pilipinas mayroong iba’t ibang uri ng bigas gaya ng Dinurado/Denorado, Intan, Milagrosa, Sinandomeng, Wag-Wag, at 57 na iba pang uri ng bigas (Philfoodie, 2011). Ngunit ayon kay Agricultural Secretary Emmanuel Piñol ang mga uri ng bigas na nabanggit ay gimik lamang upang madagdagan ang halaga ng ibinebentang bigas. Kung tutuusin ay mayroon lamang limang uri ng bigas, ito ay ang “Milled Rice (white rice and brown rice)”, “Long Grain Head Rice”, “Local Rice” and “Imported Rice” (Castro, 2021).
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 07 PAGPAPAKILALA iba't ibang bansa sa Timog-Silangang Asya naman ay maliit na halaga lamang ang itinatanim. Gayunpaman, ang palay ay nililinang din sa mga bahagi ng Europa, Hilaga at Timog Amerika, pati rin sa Australia. Idinagdag rin nila na halos kalahati ng populasyon ng mundo, kabilang ang halos lahat ng nakatira sa Silangan at Timog Silangang Asya, ay ganap na umaasa sa bigas bilang pangunahing pagkain; 95% ng pananim ng palay sa mundo ay kinakain ng mga tao. Kabilang na dito ang Pilipinas na kung saan bigas ang pangunahing pagkain para sa humigit-kumulang 80% ng mga Pilipino (Cororaton, 2004). Samakatuwid, isa ito sa pangunahing bagay na binibili ng mamamayan. Ito ang nag-iisang pinakamahalagang pananim na pang-agrikultura sa Pilipinas, kung kaya’t ito ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng milyun-milyong Pilipinong magsasaka. Alinsunod dito, inilathala ni Atilano, C. (n.d.) na ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na mayroong 30 milyong hektaryang lupain, at ang 47% nito ay lupang agrikultural. Sagana ang bansa sa yamang lupain, likas na yaman, magigiting at masisipag na magsasaka, gayundin ang mga institusyon para sa ating agrikultura. Subalit, hindi natin gaanong binibigyan ng importansya ang usaping Sa iba’t ibang uri ng bigas, alin nga ba ang pinaka agrikultural na siyang lakas ng ating ekonomiya. masustansya? Ayon sa University of Pittsburgh Medical Center (2020), mas masustansya ang “Brown rice” Kaugnay nito, ang pagkain ng kanin ay sapagkat ito ay mayroong lahat ng parte ng grain. At maihahalintulad sa teorya ng Hirarkiya ng ayon sa pag aaral ang “whole grain” ay Pangangailan ni Abraham Maslow. Sa pinaka- nakakapagpabawas ng kolesterol na mabuti para sa puso at sa daloy ng dugo. “Brown rice” din ang mas mabuting opsyon para sa mga taong may type 2 diabetes. Samantalang ang popular sa mga Pilipino na “White rice” ay mayroong mas mababang sustansya. Ito ay sa kadahilanan na sa proseso ng paggigiling ay naaalis ang mga masusustansyang parte ng butil. Kaya naman upang mapunan sa kakulangan ng sustansya ay dinadagdagan ng mga kumpanya ng artipisyal na nutrisyon ang mga “white rice” na ibinebenta nila (University of Pittsburgh Medical Center, 2020). Isinaad ng mga Britannica, T. Editors of Encyclopaedia (2022) na mahigit sa 90% ng palay sa buong mundo ang itinatanim sa Asya, pangunahin sa Tsina, India, Indonesia, at Bangladesh. Ngunit sa Japan, Pakistan, at
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 08 PAGPAPAKILALA ilalim, nakatala ang tinatawag na physiological needs (pangangailangang pisyolohikal). Dito nakapaloob ang pangangailan sa pagkain, tubig, hangin, regulasyon ng temperatura ng katawan at iba pa upang mabuhay ang isang tao. Sinasabi na ang pangangailangang pisyolohikal ay nangingibabaw sa lahat ng susunod pang pangangailangan, gaya ng Safety needs (pangkaligtasan), Love/Belonging needs (Pangangailangang makisalamuha, makisapi at magmahal), Esteem needs (pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba), at Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao). Dagdag pa, ito lamang ang kayang mapunan ng buo ng isang tao (Feist et al., 2018). Naitala rin sa artikulo ni McLeod (2007) na ayon kay Maslow (1943), ang mga tao ay may motibasyon na makamit ang ilang mga pangangailangan. Kapag ang isang pangangailangan ay natupad, ang isang tao ay naghahangad na matupad ang susunod at iba pa. Gayundin, ang kanin ay isa sa pangunahing nakahain sa hapag at hindi nawawala sa kultura ng mga Pilipino. Hindi maipagkakaila na ito ay maituturing na isang halimbawa ng pangangailangan pisyolohikal. Mula sa ibinibigay nitong nutrisyon, ang tao ay nagkakaroon ng motibasyon upang magpatuloy at makuha ang susunod pang mga pangangailan. Ang pagtatalakay sa konsepto ng kanin ay nahahati sa mga aspeto gaya ng pagkahilig ng Pilipino sa pagkain ng kanin dahil ito ang pangunahing pinagkukunan nila ng lakas, gayundin sa kadahilanang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pinoy. Dagdag pa rito, may mga pag-aaral din na nagtatalakay na ang uri ng bigas ay nakapagpapatala ng estado ng tao sa lipunan. Ayon nga kay Junker (2000), noon pa man ay itinuturing na itong klasipikasyon ng lebel ng katayuan nila sa komunidad dahil sa ang mga taong may-kaya lamang ang nakakakain nito, lalo't higit sa ibang uri ng kanin gaya ng mga sinandomeng at iba pa. Dito ay titingnan din kung nagiging simbolo ba ito ng pagiging kolektibo ng mga Pilipino, gayundin sa pagsasama ng Pilipino sa hapag kainan na nakapagpapatatag ng kanilang relasyon bilang isang pamilya.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 09 MGA HALIMBAWA KAHILIGAN SA MGA KAKANIN Bawa’t bayan dito sa Pilipinas ay may natatanging Filipino delicacies na kung saan dito umuusbong ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga kakanin o mga pagkaing gawa sa bigas, gata ng niyog at iba pang mga sangkap. Isa ito sa mga tinuturing na paboritong meryenda at patok na patok na panghimagas ng mga Pilipino. Ang salitang ‘kakanin’ ay galing sa salitang kanin na kung saan pinaniniwalaan ng ibang Pinoy na ito ay nakapagdadala ng swerte. Ilan sa mga halibawa nito ay ang kakaning tinatawag na ‘puto’ o steamed rice cake na kung saan ayon kay Bigwas (2019), ito ang itinuturing na pinakamatanda at pinakakaraniwang kakanin. Gawa ito sa giniling at pinasingawang bigas. Madalas itinutuwang ito sa dinuguan o minsan ay nilalagyan ng keso sa ibabaw upang maging balanse ang lasa. Mula rito, ang puto ayon kay Bigwas ay maaari ring maging puto bumbong na sikat sa tuwing sasapit ang Pasko. Gawa rin ito sa espesyal na malagkit na may natural na kulay ng ube. Nilalagyan ito ng niyog, mantikilya at mascuvado na swak kainin pagkagaling sa Simbang gabi. Isa pa sa patok na kakanin tuwing sasapit ang kapaskuhan ay ang Bibingka na kung saan ay gawa ito sa malagkit na bigaso galapong at gatas ng buko. Ilan pa sa mga kilalang kakanin dito sa Pilipinas na hilig ng mga Pinoy ay kutsinta, palitaw, pichi-pichi, biko, suman at marami pang iba. KANIN BILANG “ALL AROUND” Bilang ang mga Pinoy ay mahilig sa pagkain ng kanin, madalas gumagawa sila ng kakaibang bersyon o luto upang mas maging kalasap-lasap ang bawat butil nito. Kilala ang kanin sa Pilipinas bilang isa sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino kung kaya’t iba’t ibang luto rin ang naisipan ng mga Pinoy na kung saan, naging “all-around” pagkain na nga ito. Isa sa mga kakaibang luto nito ay ang Filipino Chocolate Rice Pudding o mas kilala sa tawag na “champorado.” Isa ito sa mga native Filipino dish na gawa sa cocoa o tablea at malagkit. Madalas tinatambalan ito ng tuyo o minsan ay hinahaluan din ng gatas. Isa pa sa mga itinuturing ng mga pinoy na “Rice is life” ay ang pagluluto ng lugaw o “Rice Porridge.” Madalas ay tinatawag din itong comfort food lalo na kapag panahon ng tag-lamig. Kaalinsunod dito, mayroon ding mga pagkain gawa sa kanin na kung saan niluluto nila ito bilang Puffed Rice o mas kilala bilang “ampaw.” Isa ito sa paborito ng mga kabataan at madalas ginagawa ng mga lola o nanay ng mga Pinoy. PERFECT NA TAMBALAN NG KANIN SA KAHIT ANONG ULAM Kahit na anong ulam, hinding-hindi pwede mawala ang kanin bilang ka- partner nito. Bilang ang mga Pinoy nga ay talagang kilala sa pagiging “food lover,” mapa-asukal man ang ka-tambal o kaya ay tuyong isda, masarap na ito para sa kanila. Sabi nga ng iba, kung walang kanin ay hindi sila mabubusog. Mapaagahan, tanghalian meryenda, hapunan o midnight snack, hindi nawawala ang kagustuhan ng mga Pilipino sa pagkain ng kanin. Kumbaga, magaling sa pagko-combine ang mga ito dahil kahit anong pagkain ang i-tambal sa kanin ay masarap daw ito para sa kanila. Ayon sa ilang mamamayang Pilipino, iba talaga ang kain nila kapag may hain na kanin sa lamesa at ito na ang lagi nilang hinahanap sapagkat swak nga raw ito sa kahit anong i-hain na ulam basta may kasamang kanin. PRESENT ON ALL PINOY OCCASIONS Sa bawat okasyon ng mga Pilipino, hinding-hindi mawawala sa hapag- kainan ang kanin. Tuwing may kaarawan, piyesta, kasal, anibersaryo, o iba pa na katulad nito, ang paghahain ng kanin ay nakasanayan na. Gaya na nga ng madalas sabihin ng iba, “Kulang ang pagkain, kung walang kanin.” Kaya naman ang kanin ay madalas sentro ng salo-salo ng mga Pilipino. Ngunit ang kanin ay hindi lang sa mga ganitong okasyon naipapakita. Isa sa artikulo na inilathala sa Pepper.ph na sinasabing noong 2008 ni Filomeno V. Aguilar para sa Philippine Institute for Development Studies na kung paano ang pag-aani ng palay ay isang ritwal para sa mga Igorot. Hindi ito naging pangunahing pagkain sa mga kanila noon. Bagkus itinuring ito bilang “prestige food.” Ito ay kanilang iniaalay sa nakakataas o pinuno. Ito rin ay inihain para sa mga okasyong may kasiyahan dahil kaakibat nito ang pagdiriwang ng isang espirituwal na ritwal. Sa kasalukuyan, ang pagkain ng kanin ay maituturing ng madaling abutin at palaging makikita sa anumang pagdiriwang ng mga Pinoy.
MGA PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 10 HALIMBAWA KONSEPTO NG KANIN BILANG SIMBOLISMO NG “BONDING” Isa sa ugali ng mga Pilipino ang pagkain ng sama-sama sa iisang hapag- kainan. Isa itong bagay na nagbubuklod buklod ng samahan ng pamilya o ng magkakaibigan. Bukod kasi sa mga pang-araw-araw na usapan, saksi rin ang mga pagkaing nakahanda sa tinatawag na “bonding”. Isa sa hindi mawawalang pagkain ay ang kanin, kung saan laging hinahanap sa hapag. Ang kanin ay bahagi na ng pang-araw-araw na nutrisyon at buhay ng mga Pilipino. Mapa-agahan, tanghalian, o hapunan man, palaging may kaning nakahain sa hapag kasama ng iba pang putahe. Sa pagkain ng sama sama, mas nakikilala ang bawat isa at napapatibay ang ugnayan. Kapag sama- samang kumain, pwedeng maiwasan ang hindi magandang kaugalian sa pagkain. Suportado nito ang inulat ng University of Navarre ng Espanya na mas malamang na magkaroon ng problema sa pagkain ang mga kumakaing mag-isa (Pagkain Nang Sama-Sama— Nakakapagpatibay Ng Pamilya, 2010). PAGKAHILIG NG MGA PINOY SA “UNLI RICE” Patok na patok ngayon ang iba’t ibang kainan na nag-aalok ng unli rice promo. Isang halimbawa na dito ang sikat na sikat na fast food restaurant sa Pilipinas, ang Mang Inasal. Isa sa tinitingnang dahilan nito ayon sa artikulo ni Camacho (n.d.) sa Pepper.ph ay ang “sulit mentality” ng mga Pinoy kung saan pasok ito sa Utility theory. Hindi lang kasi kabusugan ang hatid ng unli rice kundi pati na rin ang kasiyahan na kaya natin itong mabili sa murang halaga. Dagdag pa rito, ang katagang kaing karpintero na nangangahulugang pagkain ng kanin nang sobra sa inaasahan o hindi tama sa timbang na kailangan ng katawan. Pinapakita ng biological theory na ito na ang mga kalalakihan ay inaasahang na kaya nila ang pagkain ng unli rice sapagkat (ayon sa kanila) wala ng mas hihigit pa sa lalaking kayang gumawa ng trabaho at i-flex ang kanilang mga muscles. Sa madaling salita “unli rice equates to unli-masculinity.” Bukod pa rito, ang mga putaheng Pinoy ay hindi kumpleto kung walang kanin. Kaya naman sa tuwing may natitira pang pang-ulam at wala ng kanin, nagkakaroon ng kaugalian na mago-order pa ang mga Pilipino. KONSEPTO NG PAGPAG Dulot ng patuloy na pag-usbong ng kahirapan sa Pilipinas, napipilitang piliin na lamang ng mga nasa laylayan ang sumubok ng panis at pinagsawaang pagkain upang maibsan ang kumakalam na sikmura. Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng masasarap na pagkaing ating natitikman, may mga taong nag hihikahos sa pag hahanap ng kanilang makakain sa pang araw- araw. At ang mga pagkaing ating binabalewalang itapon sa basurahan ang siyang nag sisilbing pantawid-gutom nila sa araw-araw. Ayon kay Tulfo, F. (2005) ang pagkaing pagpag ay mga tira-tirang pagkain mula sa mga fast food chains na galing sa basura at iniluluto na lamang muli upang makain ng tao. Mura ang presyo ng pagpag kumpara sa mga bilihin sa palengke at tindahan. Sa katunayan, sa halagang 5 piso ay maaari ka ng makakain ng kanin at ulam. Ipinaliwanag naman ni Aling Lourdes sa kanyang kuwento na, “Kaya daw po tinawag na pagpag ‘yun. Kasi minsan ‘di ba may uod ‘di ba? Ipapagpag mo ng ganun, eh ‘di matatanggal na nga sila. Kaya tinawag na pagpag.” Kaugnay nito, inilathala ni Tray, S. (n.d.) na ang pagkain ng pagpag ay maaaring mag dulot ng sakit kagaya ng diarrhea, cholera at hepatitis A. Kabilang din dito ang panganib ng paglunok ng mga nakakapinsalang kemikal tulad ng mga lason na makasasama sa ating katawan. Sa kabila ng panganib na ito, ang mga kapus-palad ay patuloy pa ding kumakapit sa patalim upang maiwasang maranasan ang pagkalam ng sikmura. Ito ang nagsisilbi nilang sigaw ng tulong at isa din sa dahilan para talunin natin ang kahirapan, upang wala nang magulang o anak na Pilipino ang kailangang magdusa pa nito. pn
MGA HALIMBAWA PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 11 PAGGAMIT NG “AM” BILANG BABY FOOD Ilan sa ating mga Pilipino ang patuloy pa ding gumagamit ng “am” bilang pang halili sa tuwing nauubusan sila ng gatas na ipa-iinom sa kanilang anak. Ayon sa post sa facebook ni Ong, W. (2017), yung tubig na nagmula sa pagpapakulo ng kanin ang siyang tinatawag na “am”. Idinagdag pa niya na ang “am” ay mayroon lamang kakaunting nutrisyon, kung kaya’t karamihan sa mga bata ay mahina ang resistensya at hindi lumalaki sapagkat ang sustansya na makukuha nila ay kulang o kakarampot lamang. Iginiit din niya na kung ikukumpara ang gatas na nagmula sa isang ina at ang “am”, maihahalintulad niya ito sa isang higante at isang duwende. Kung kaya’t mas higit na hinihikayat ang breastmilk bilang pangunahing pagkukunan ng nutrisyon ng mga bata. Bukod doon, maaari ring mapahamak ang isang bata sapagkat kulang sila sa electrolytes, tulad ng sodium at potassium. Sinang-ayunan naman ito ng limbag ni Uy, J. (2015), binaggit niya na isinaad ng Department of Health na hindi mapapalitan ng tubig ng bigas ang gatas ng ina o kahit na formula dahil naglalaman lamang ito ng bitamina B. Wala itong mga protina, carbohydrates at iba pang bitamina at mineral na kailangan ng mga sanggol para sa kanilang paglaki at pag-unlad. Inirerekomenda din ng World Health Organization na eksklusibong pasusuhin ng mga ina ang kanilang mga sanggol sa unang anim na buwan upang makamit ang pinakamainam na paglaki, pag-unlad at kalusugan. KANIN BILANG PANDIKIT Isa ka rin ba sa nakaranas ng paggamit ng kanin tuwing nauubusan ka ng pandikit? Iminungkahi ni Bernardo R. (2020) na ang kanin ay maiituring na isang uri ng pandikit. Nagagamit itong pandikit sa mga papel o kaya sa takip ng sobre. Idinagdag pa niya na karaniwan nang may ilang nagdidikit ng selyo sa sobre gamit ang ilang butil ng kanin. Alinsunod dito, sinambit sa lathalain ng Delachive (n.d.) na mayroong tinatawag na “Bustilat” isang syntethic universal konstruksiyon malagkit na kung saan ay dinisenyo upang magamit sa mga wallpaper bonding, fiberboard, carpets, tipik board, asbestos latagan ng simento at fiber boards, ceramic at plastic tile, at tapete. Samakatuwid, ito ay isang bagay na tumutulong upang mabilis na maikonekta o mapag buklod ang mga pader, kisame at sahig na mayroong marangyang elemento. Gayundin ay upang hindi makasama pa ang mga ito ng dagdag na butas. Samantala, kilala naman sa Japan ang tinatawag na “rice glue”. Ayon sa Craftsuprint (n.d.), ito ay madalas gamitin sa mga gawaing papel sa Japan at sa paggagawa ng kanzashi, mga palamuti sa buhok na ginagamit sa tradisyonal na mga hairstyle ng Hapon. Ang pakinabang ng rice glue ay ang pagkatuyo nito nang husto at halos transparent, na mainam para sa maraming likhang papel. Bukod dito, ito ay maaaring mabili sa mga oriental supermarket o maaari din namang gawin sa sari-sariling bahay. PANINIWALA NG MGA PILIPINO SA MGA PAMAHIIN Ang mga Pilipino ay may pamahiin sa bilang ng tirang butil ng kanin at kamatayan. Ayon sa alamat, nakuha ng mga Pilipino ang pamahiin sa kanin sa mga Chino. Sa kanilang alamat, ang bilang ng matitirang butil ng kanin sa plato ay ang bilang ng peklat sa mukha ng magiging asawa ng isang tao. Samantalang sa bersyon ng mga Pilipino, ang bilang ng butil ng kanin na matitira sa plato ay ang bilang ng araw na itatagal ng isang tao sa purgatory kapag ito ay namatay (Estrella, 2019). Hindi lamang sa kamatayan nakaugnay ang pamahiin ng mga Pilipino sa kanin. Nasa paniniwala rin ng mga Pilipino na kapag mayroong natapong kanin sa hapunan ay huwag ipapawalis sa bisita. Ito ay sa kadahilanan na kapag pinawalis sa bisita ang natapong kanin, kasabay nitong mawawalis ang swerte (Bell, 2018). Kaugnay ng kanin sa swerte, pinaniniwalaan ng mga magsasakang Pilipino na ang masaganang ani ng bigas ay napaka-importante, at gagawin nila lahat upang biyayaan lamang sila ng masagang ani. Halimbawa, ang mga taga Cagayan Valley sa pangunguna ng pari na tinatawag na “mumbaki”, nagriritwal sila sa mga anito at sa diyos ng palay na tinatawag na “bul-ul”, upang biyayaan sila ng masaganang ani (Santiaguel, 2019). PAMAMAHAW Sa hapagkainan ng mga Pilipino, ang bahaw ay ang natirang kanin na lumamig na. Ngunit ang pagkain ng bahaw ay may kaakibat na kapahamakan. Kahit ang bahaw na kanin ay may 60% na mas mababang calories kay sa sa bagong lutong kanin, (Roberts, 2015) ito naman ay maaaring magdulot ng food poisoning dahil sa bacteria na tinatawag na Bacillus Cereus. Ang bacteria na ito ay matatagpuan sa bigas at hindi naalis kahit pa hugasan at lutuin ang bigas. Muling dumadami at nagiging aktibo ang Bacillus Cereus kapag ang kanin ay napabayaan at lumamig (Batara, 2021). Ayon rin kay Batara 2021, maari pa namang kainin ang bahaw hanggang sa hindi pa ito lumalagpas sa dalawampu't apat na oras. KONSEPTO NG TUTONG Hindi na bago ang tutong sa mga Pilipino. Ang Tutong ay ang nasunog na parte ng sinaing na kanin. Ngunit ayos lamang ba ang pagkain ng tutong ng mga Pilipino? Dahil ang tutong ay ang nasunog na parte ng sinaing na kanin, nasusunog rin at nawawala ang amino acid at tryptophan sa bawat butil ng kanin. Kasama rin sa nawawalang sustansya kapag nasunog ang kanin ay ang bitamina B-1 at B-5, at maari din itong magdulot ng kanser (Banar, 2020). Gayunpaman, noong Pebrero ng 2020, naging viral ang “Scorched Rice” kung saan ang tutong para sa mga Pilipino ay ibinebenta sa Amerika sa halagang 7.58 na dolyar o 397 pesos (Zulueta, 2020). Nakakatawa mang isipin ngunit tunay na ang simpleng tutong sa mga Pilipino ay may sariling tatak sa mapa at sa hapagkainan hanggang ibang bansa.
PLEASE ALL RICE PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 12 MGA HALIMBAWA ANG MAKAPILIPINONG PAGTATANTSA NG TUBIG PARA SA PAGSASAING NG KANIN. Kinaugalian na ng mga Pilipino na gamitin lamang ang mga bagay na nakikita nila upang makumpleto ang iba’t ibang gawain. Isa sa mga nangingibabaw na katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging mapamaraan at matalino sa pang araw-araw na gawain upang maiwasan ang paglalabas ng labis na enerhiya. Kasama na rito ang metodo ng pagsasaing kung saan madalas na ginagamit ang unang linya ng hinlalato upang masukat ang dami ng tubig na kinakailangan. Ito ay madalas ginagawang biro ng Pilipino na nakatira sa ibang bansa sapagkat sinasabi na gumagamit pa ng pangtakal ang ibang lahi upang masukat ang gagamiting tubig. Sa katunayan, ito ay nabanggit ni Jokoy, isang Filipino-American comedian, sa kaniyang comedy gig sa America na dinaluhan parehas ng ibang lahi at ang mga overseas Filipinos. “RICE WATER” BILANG SKINCARE Lumilitaw ngayon sa iba’t ibang social media sites ang mga paraan upang gamitin ang pinanlinis na tubig sa bigas para mas kuminis ang mukha. Sa katunayan, ayon kay artikulo ni Morse (2019), ang pinakaunang kilalang paggamit nito ay mahigit 1,000 taon na ang nakalilipas sa Japan. Ipinakita rin sa nasabing artikulo na nagkaroon ng isang pag-aaral noong 2013 na pinapatunayan na ang rice wine (fermented rice water) ay makakatulong na mapabuti ang pinsala sa balat mula sa araw. Pinapataas ng rice wine ang collagen sa balat, na nagpapanatili sa iyong balat na malambot at nakakatulong na maiwasan ang pangungulubot nito. Ito rin ay di umano nakakatulong sa pag-aayos ng nasirang buhok. Ang rice wine ay lumilitaw din na may mga likas na katangian ng sunscreen. Sa katunayan, may pampagandang produkto na ang lumabas na tinatangkilik ng karamihan katulad ng “Kahira Rice Water Conditioner”, “Innisfree Rice Water Face Mask”, “Mystic Valley Rice Water Face Wash”, at “The Face Shop Rice Water Cleansing Foam.” PAG-UNAWA SA SALAWIKAIN TUNGKOL SA KANIN AT KASAL Ang pinakakilalang salawikain na patungkol sa kanin ay ang “ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa.” Ihinambing ang pagkain ng isang mainit na kanin sa pag-uugali ng ibang mag-asawa kung saan ang isang poblema ay sapat na upang sila ay paghiwalayin. Marahil ginamit ang kanin bilang isang simbolismo sapagkat ito ay masarap at palaging nakikita katulad ng pag-aasawa. Hindi maipagkakaila na ang pagpapakasal ay isang maligayang selebrasyon kung saan itinatali ang dalawang tao sa isa’t isa hanggang sa oras na mapapagdesisyunan nila maghiwalay o sa kultura ng mga Pilipino ay hanggang sa oras ng kanilang pagkamatay. Ngunit sa oras na “napaso” ang mag-asawa, ipinapahiwatig ng salawikain na sa halip na iluwa ang kanin ay ito ay tiisin at magpatuloy lamang sa pagkain.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 13
IlustrasyonPLEASEALLRICETOOURNATIONALKAIN 14 ILUSTRASYON THE PALAY MAIDEN Makikita sa ating kasaysayan na ang pagtatanim ng palay ang isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Sa illustrayong ito, matatanglaw ang isa sa pininta ng isang dakilang pintor na si Fernando Amorsolo. Ito ay tinatawag na \"The Palay Maiden\" na ginawa noong 1920 (Fernando Amorsolo, n.d.). Ang babae sa larawan ay may dalang bagong ani na palay. Ang palay ang pinagmulan ng bigas na kapag niluto ay magiging kanin. Kaya naman ang painting na ito ay isa sa halimbawa ng buklet. Gayundin, ito ay sumisimbolo ito sa natural na kagandahan ng Pinay na hindi umaayon sa Kanluraning pamantayan ng kagandahan. Sa buklet na ito, makikita ang iba't ibang pinagsamang larawan na pumapatungkol sa paksa at bumubuo sa imahe ng nasabing painting. KAKAININ ANG KAKANIN Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga Pilipino ay tunay na mahilig sa iba’t ibang klase ng pagkain gaya ng ilan sa mga larawan. Kailanma’y hindi natin malilimutan ang mga pagkain na kung saan pasok sa ating panlasa. Kaugnay nito, hindi mawawala sa hapagkainan ang kanin sa kahit anumang okasyon. Nariyan pa ang iba’t ibang klase ng bigas na ginagamit sa iba’t ibang luto ng kanin, kagaya ng lugaw, arroz caldo, fried rice, rice crispies, champorado at iba pa. Bukod dito, ipinagmamalaki din ng mga Pilipino ang mga kakanin na sumisimbolo kung gaano ka-tamis at magkakalapit ang pamilyang Pilipino. Halimbawa nito ay ang kutsinta, bibingka, puto, tamales, suman, palitaw, pichi-pichi, kalamay, biko, sapin-sapin at marami pang iba. Hindi lang pasok sa salu-salo ang mga pagkain na gawa sa bigas, sapagkat pati na rin ang iba’t ibang memes ukol dito ay makikita sa ilustrasyon. PRICE CEILING Nakakalungkot lamang isipin na kahit sa napakahirap ng buhay ngayon dulot ng pandemya, patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang ilang larawan ay nagpapakita ng presyo ng bigas. Sa katunayan, sa ulat ni Relativo, J. (2022), ilang magsasaka at mamimili ang sumisigaw ng “price ceiling” sa Department of Trade and Industry (DTI) upang mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng bilihin kasabay ng ika-9 na sunod na pagtaas ng presyo ng langis noong kasagsagan ng laban ng bansang Russia at Ukraine. Alinsunod dito, isa ring suliranin sa ating bansa ang isang pala-isipan na, “Bakit kailangan pa nating mag-angkat ng bigas mula sa ibang nasyon kung sa Pilipinas naman ay walang kakulangan ng bigas?” Isa lamang itong patunay na mas tinatangkilik ng karamihan sa mga Pilipino ang bigas na mula sa ibang bansa dahil ika nila ay mas maganda ang kalidad ng mga ito. SILAW MULA SA SUMILAO Panghuli, makikita sa ilustrayon ang mga larawan ng mga magsasakang Pilipino na nakibaka para sa kanilang karapatan. Sila ang mga Sumilao Farmers. Sila ay mula sa Bukidnon na nagprotesta para sa hunger strike noong October October 9, 1997. Sa kanilang pakikipaglaban, nakamit nila ang 100 hektaryang lupang sakahan at 44 na hektarya naman sa Norberto Quisumbing Sr. Management and Development Corporation (NQSRMDC). Ngunit, ito ay pinawalang-bisa ng Korte Suprema. Pagkatapos ng isang dekada, naglakad ang mga magsasaka mula Bukidnon hanggang Malacanang na tinawag na \"Walk for Land, Walk for Justice.\" Sa kanilang pag protesta, kasama nila ang tumayong abogado na si Maria Leonor Robredo. Taong 2008, naibalik sa kanila ang lupain matapos mapirmahan ang memorandum of agreement (ABS-CBN, 2022). Sa kabuuan, makikita na mula noon hanggang ngayon, ang palay, bigas, o kanin ay sandigan na ng mamamayang Pilipino.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 15 DISKUSYON LIKAS SA KULTURANG PILIPINO ANG PAGKAHILIG SA PAGKAIN NG KANIN Hindi na bago sa mga Pilipino ang pagkain ng kanin at sinasabing likas na nga raw ito sa kanila at hindi maaaring mawala sa hapag kainan. Dahil sa ang pangunahing hanapbuhay dito sa Pilipinas ay ang pagsasaka at kilala bilang bansang agrikultural, ang pag-ani ng palay na siyang pangunahing pananim ng mga magsasakang Pilipino na pinagmumulan ng kanin ang kanilang pinagkukunan ng pangtustos sa araw-araw—kasama na rito ang pinagkukunan nila ng makakain para sa kanilang mga pamilya. Ayon nga sa isang interbyu kay Bagnes (2022), mabubuhay na raw sila sa kanilang pamilya basta’t may kanin sa kanilang hapag-kainan. Maaari raw nila kasi nila ito i-partner sa kahit na anong ulam, gayundin ay ito na rin ang isa sa mga pagkaing swak sa kanilang bulsa. Gayunpaman, naniniwala rin siya na likas itong pag-uugali ng mga pinoy dahil kahit saang handaan o okasyon ng mga Pilipino ang kanilang puntahan, hinding-hindi mawawala ang kanin sa lamesa. Base sa naging report ni Katigbak sa Pilipino Star Ngayon (2017), 90% ng populasyon ng mga Pinoy ay kanin ang pangunahing kinakain. Marahil dahil ito ang isa sa mga pagkaing madaling mabili ng mga Pilipino, gayundin ay base sa perspektibo ng mga mamamayang Pilipino, isa ito sa mga pagkaing kahit kanin lang ay sapat na sa kanila. Dagdag pa rito, ayon sa Philippine Rice Research Institute (2017), pang-siyam ang Pilipinas sa pinakamalaking rice producers sa buong mundo. Kaya nga ayon sa naging ulat ni Jessica Soho (2017), kahit saan mang bansa mapadpad ang mga Pilipino, siguradong maghahanap at maghahanap pa rin ang mga ito ng kanin. May nakapanayam din si Soho na ilang mga mamamayang Pilipino at isa sa kaniyang nakapanayam ay si Gil Toreja, isang construction worker at naniniwala rin siya na mahilig at likas sa mga Pilipino ang pagkain ng kanin. Mapa-anong oras man, umagahan, tanghalian, meryenda o hapunan, hinding-hindi raw pwede mawala sa kanya ang kanin. Ngunit nagkaroon siya at ang kanyang pamilya ng pangamba noong magkaroon ng isyu na magkakaroon ng ban ng mga unli rice sa bansa bunsod ng di umano ay possibilidad na magkaroon ng rice shortage sa Pilipinas at pinaniniwalaan na masama raw ito sa kalusugan.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 16 DISKUSYON LIKAS SA KULTURANG PILIPINO ANG PAGKAHILIG SA PAGKAIN NG KANIN Nagsimula ang isyung ito noong nag-trending si Senator Cynthia Villar na aalisin umano ang mga unli rice sa mga restaurant at fast food chains dahil nga sa maaari itong magbunsod ng kakulangan ng suplay ng bigas sa Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang nadismaya sa naging pasyang ito ni Villar at kasama na rin dito ang nakapanayam na si Toreja. Ngunit sa kabilang banda, nilinaw rin ito ng senador at ito ay isa lamang sa kanyang naging reaksyon. Nang malaman ito nina Toreja, nawala na ang kanilang takot sapagkat isa rin siya sa mga suki ng unli rice sa mga karinderya. Isa rin sa kinakikitaan ng pagka-likas ng mga Pinoy sa pagkahilig sa kanin ay ang mga restaurant na sobrang patok at benta ng unli rice. Ayon sa isang panayam ni Soho sa negosyanteng si Dolores Alcantara, tunay nga raw na hindi nila inaasahang magiging patok ang kanilang karinderya sa masang Pilipino. Dahil sa stratehiyang naisip nila na magkaroon ng unli rice sa halagang 40 pesos, nakapagpatayo na sila ng ilang mga branch pa ng kanilang karinderya sa iba’t ibang lugar. Umaabot sa halos kalahating kaban ng bigas ang nauubos nila sa isang araw dahil sa dami nang tumatangkilik sa kanilang negosyo. Dagdag pa ni Alcantara, isa lamang daw itong patunay na “Rice is life” para sa mga Pinoy. ANG KLASE NG KANIN NA KINAKAIN NG BAWAT PILIPINO AY MAAARING REPLEKSYON NG KANILANG ESTADO SA BUHAY. Hindi malabo na ang kanin rin ang nakapagsasabi kung anong estado ng isang pamilyang Pilipino sa buhay. Ayon sa artikulo ni Merez (2021), ang mga Pilipino na gipit ay madalas binibili ang “NFA rice” sapagkat ito ang mura. Ngunit ang nasabing bigas ay paulit-ulit tumatanggap ng kritisismo dahil sa mababang kalidad nito. “Dinorado” at “Milagrosa” naman ang pinipili ng mga may badyet naman ngunit limitado. Para sa mga nakakaluwag sa buhay o kaya’y “middle class” na tinatawag sa Ingles, “Sinandomeng” ang paborito nilang bilhin habang sa mga mayayaman naman ay “Japanese rice” o “Jasmine rice.” Ani pa ni Merez (2021), ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies, mas gusto ng mayayaman ang kanin na malambot at mabango, habang ang mahihirap na pamilya ay mas gusto ang kanin na mas matagal matunaw para mas mabusog ang mga kumakain nito.
D I S K U S Y O N PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 17 ANG KLASE NG KANIN NA KINAKAIN NG BAWAT PILIPINO AY MAAARING REPLEKSYON NG KANILANG ESTADO SA BUHAY. Makikita rin sa ating kasaysayan na madalas ang mga mayayaman o may kaya sa buhay ang nakikinabang sa kanin. Kung babalikan ang kasaysayan, sa isang artikulo mula sa FilipiKnow (2022), nabanggit na isinulat ni Filomeno V. Aguilar Jr. ng Ateneo de Manila University sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang kanin ay hindi orihinal na pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Bagkus, ito ay nagagawa lamang sa limitadong dami para sa miyembro ng mataas na antas ng lipunan noong panahon ng pre-kolonyal. Nabago lamang ito noong dumating ang mga Espanyol dala ang mga makabagong teknolohiya para sa pag-aani at irigasyon. Samakatuwid, ang pagkain ng elite noon ay naging karaniwang pagkain na ng mamamayang Pilipino at naging parte na ng kultura. Dagdag pa rito, ayon sa artikulo ni Gonzalez (2020), ang pagkakaroon daw ng kanin sa hapagkainan ay isang simbolismo ng KKK - karangyaan, kapangyarihan, at kayamanan. Mula sa panahon na hindi pa tayo nasasakop ng kahit anumang bansa hanggang sa pamumuno ng Espanyol, itinuturing na kayamanan ang bigas sapagkat may kakulangan sa produksyon ng palay kung kaya’t hindi pinapayagan ang pagkonsumo nito nang buong taon. Bukod pa rito, nabanggit rin sa pag-aaral ni Gonzalez (2020) na ibinibigay ang ibang bahagi ng naaning palay sa mga opisyal na Espanyo bilang “tribute” o pasasalamat. Ani pa ni Gonzalez, ang bigas ay itinuturing ding kasingkahulugan ng mga relasyon sa kapangyarihang panlipunan at hindi pagkakapantay-pantay sa loob ng ilang siglo.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 18 DISKUSYON ANG MGA PILIPINO AY MAHILIG SA PAGKAIN NG KANIN SAPAGKAT ANG PILIPINAS AY NAPAPALIGIRAN NG LIKAS NA LUPA NA AGRIKULTURAL. Isa sa pangunahing Ngunit kahit na ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa, patuloy pa rin pinagkukunan ng kabuhayan ang pag-iimport ng bigas mula sa ibang bansa. Ayon sa International Rice ng mga Pilipino ay ang Research Institute (IRRI) na binanggit sa artikulo ng “The Mixed Culture” agrikultural na sektor. Kilala (2013), ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 300,000 square kilometers, ang Pilipinas sa pagkakaroon kung saan humigit-kumulang 43,000 square kilometers ng harvested area ng magagandang tanawin at ay ginagamit para sa produksyon ng palay. Mas marami pa rin ang lupain ng kasama na rito ang mga Pilipinas na mabundok, kagubatan, at maliliit na isla kung kaya’t ang lupain kapatagan na pinagtataniman na naaangkop para sa produksyon ng palay ay limitado. Bukod pa rito, ang ng palay. Kung kaya’t hindi mga pook sa kalunsuran ay patuloy ding lumalawak nang mabilis. Bagama’t bihira na makakakita ng mga patuloy na nadedebelop ang teknolohiya sa Pilipinas, nabanggit rin ng IRRI palayan sa bawat rehiyon. na kabilang ang kakulangan sa impastraktura sa poblema ng agrikultural na sektor kung kaya’t nahihirapan ang mga magsasasaka na sumabay sa Ayon sa artikulo ni Jong (2014), demand ng bigas sa Pilipinas. malawakang ginagawa ang Ayon din sa nasabing artikulo, hindi sapat ang produksiyon ng bigas sa populasyon ng ating bansa. Tinatayang nasa 97 milyon ang mamamayang pagtatanim ng palay sa Luzon, Pilipino kung kaya’t kinakailangan natin mag-import ng bigas. Bukod pa rito, ang taunang paglago nito humigit-kumulang 2% kung saan ito ay kabilang sa Kanlurang Visayas, Timog, at pinakamataas paglago sa buong mundo. Nangangahulugan lamang nito ay upang makasabay sa lumalaking demand ang bansa ay kailangang pataasin Gitnang Mindanao. Sa timog ang produksyon ng bigas at ani sa mga rate na bihirang makita sa kasaysayan. na kapatagan ng Mindanao ay Kasabay na rin nito ang pagpapasa ng Republic Act No. 11203 o ang mas kilala makikita na ang mga maliliit bilang “Rice Tariffication Law” noong February 2019. Nag-ugat ang batas mula sa malawakang problema ng agrikultura na sektor kung saan di umano na pamilya ay nakabatay sa ay ang pagkokontrol ng National Food Authority (NFA) ng merkado ng bigas ay nagresulta sa matataas na presyo ng bigas at mga magsasaka na mga sakahan na nakalugar sa nananatiling mahirap. Bagama't nilalayong patatagin ang presyo ng bigas, ang sistema ay umabot sa punto ng krisis noong 2018 nang ang matinding mga pinatuyo o lubog na kakapusan sa bigas ay naging pangunahing dahilan ng inflation. Kung kaya’t pinapaniwalaan na ang RTL ay malaki ang maiitulong parehas sa bukirin. Bukod pa rito, kumukonsumo ng bigas at ang namamahala sa produksiyon nito. binanggit ni Jong (2014) na Ayon sa artikulo ni Ocampo & Pobre (2021), milyun-milyong Pilipino ngayon ang nagtatamasa ng mas mababang presyo ng bigas—isang biyaya, lalo na, oras ay nasusukat sa sa mahihirap. Maaaring magpokus ngayon ang Pilipinas sa hamon nang pakikipagsabayan sa ibang bansa sa aspeto ng pag-eexport ng bigas. Ika pa pamamagitan ng pagkahinog nila, sa paglabas mula sa mga dekada ng proteksyonistang patakaran, ng mga palayan. Ang bawat pagtatanim ng palayan ay tanda ng pagsisimula ng bagong panahon. Ang desisyon kung kailan magtatanim ng mga pananim ay kadalasang ginagawa ayon sa posisyon ng araw, pag-ulan ng monsoon at paglipat ng mga ibon.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 19 DISKUSYON ang industriya ng bigas ay maaari na ngayong tumutok sa pagpapataas ng produktibidad, pagpapabuti ng mga ani ng sakahan, at pagpapababa ng mga gastos. Mahaba pa ang daraanan, ngunit sa pagpapatupad ngayon ng Rice Tariffication Law, nasa tamang direksyon ang sektor ng bigas. Sa mga naitalang datos, masasabing ang bigas na pinagmulan ng kanin ay maiuugnay sa pagkakaron ng malawak na sakahan o agrikultural na sektor ng bansa. Marami ang naaani ngunit may kaakibat pa rin itong pagsubok. Gayunpaman, hindi ito hadlang sa mga Pilipino ang pagkahilig sa pagkain ng kanin. ANG PAGKAIN NG KANIN AY ISANG SIMBOLISMO NG PAGIGING MAPAGMAHAL SA PAMILYA AT PAGIGING KOLEKTIBONG LIPUNAN. Bukod sa pagkakabuklod buklod ng Ang kanin na nakahain ay sumisimbolo sa dikit na samahan. Mahalaga ito pamilyang Pilipino sa hapagkaninan sapagkat natututukan rin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ayon kung saan sama-sama nila sa artikulo na pinamagatang Pagkain Nang Sama-sama— pinagsasaluhan ang kanin at Nakakapagpatibay ng Pamilya (2010), ang pagkain nang sama sama ay inihandang putahe, maraming nagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na matugunan ang simbolismo at pamahiin ang emosyonal na pangangailangan ng kanilang mga anak. Nabanggit din sa nagpapatunay na parte ang kanin sa artikulo na ayon kay Miriam Weinstein sa kaniyang aklat na The Surprising kolektibong lipunan. Ang mga Power of Family Meals, nagiging relaks ang pamilya kapag sama sama at pagdiriwang katulad ng Pahiyas sa nabibigyang-pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Quezon at Sinanggiyaw sa Cebu ay ipinaglalapit ang bawat pamilya sa Dagdag pa rito, ang bigas ay maaari ring simbolismo ng pagiging isa’t isa kasama na rin ng lipunan na kolektibong lipunan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Isang halimbawa na kanilang kinabibilangan. Ito ay dahil rito ang isang barangay sa Davao City, kung saan ang mga basurang ang mga preperasyon na nakolekta ng mga residente ay ipinapalit ng baranggay sa dalawang kilo ng isinasagawa upang maging bigas. Ayon sa ulat ni Santos, J (2021) mula sa GMA News, isa ito sa kanilang matagumpay ang mga nasabing proyektong tinawag na “May Pagkain sa Basura” upang masolusyunan ang kasiyahan ay isang metikulosong at kanilang problema sa waste disposal. Ang mga nakolektang basura ay mahabang proseso. Kasama na rito dinediretso sa kanilang waste processing facility para tunawin ang mga ito ang pagbubuo ng mga sa pamamagitan ng low-temperature pyrolysis equipment. Ang proseso na pagkakaibigan at pagkakabigkis ng ito ay nagreresulta bilang pampataba sa lupa o wood vinegar na pwedeng mga mamamayan. Makikita mula sa gamitin bilang insect. Ang ganitong gawain ay nagpapakita ng pakikiisa ng makukulay na selebrasyon na ang mga mamamayan sa isang lugar kapalit ng mailalaman sa sikmura. Ang tagumpay ay mula sa kanilang bigas na kanilang makukuha ay magsisilbing pantawid gutom ng pamilya pakikipagkapwa sa isa’t isa. sa araw araw. Bukod sa nakatulong na sila sa kalikasan, nabusog pa ang bawat isa. Dagdag pa rito, ang pamilyang Pilipino ay mayroong matatag at Samakatuwid, ang pagkain ng kanin habang magkakasama sa iisang mahigpit na pagsasamahan na kung hapag kainan ay sumisimbolo ng pagmamahalan ng pagmamahalan ng saan sa lahat ng bagay, problema o pamilyang Pilipino. Naitala rin ang ilan sa mga pangyayari na nagpapatunay kaya naman kasiyahan ay laging ng pagiging kolektibong lipunan. magkakasama.
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 20 KONKLUSYON Ang kanin ay maituturing na pinakamahalagang pagkain sa hapag kainan ng mga Pilipino. Sino bang mag aakala na ang kanin at bigas para sa mga Pilipino ay may napakahalagang kahulugan. Mula sa kung paano ito naani, hanggang sa iba't ibang paraan ng pagluluto nito, mga kultura at paniniwalang nakadikit dito, mga hindi inaasahang paggamit nito, at mga kaugalian na maiuugnay dito. Marahil para sa ibang lahi, ang kanin ay isang simpleng pagkain na pinagkukunan ng sustansya. Ngunit para sa mga Pilipino ang kanin ay may sarili nitong kwento at kultura. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, mayaman na sa sakahang lupa ang bansa. Isa sa mga pangunahing ani noon ay ang palay. Kaugnay rito, malaki ang pagpapahalaga ng mga katutubo sa palay at bigas, makikita ito sa kanilang tradisyon ng pagsamba sa mga anito upang biyayaan sila ng masaganang ani. Hindi maikakaila na mahilig ang mga Pilipino sa kanin mula noon hanggang ngayon. Ito rin ang dahilan kaya naman patok na patok sa mga Pilipino ang Mang Inasal dahil sa “unli rice” marketing nito. Noong manganib pa nga na mawala ang “unli rice” dahil sa isang senador ay umalma ang mga Pilipino. Kanin din ang nakikitang solusyon ng gobyerno upang mabawasan ang malnutrisyon, noong Hulyo ng taong 2021 ay sinulong ang “Golden Rice” na binuo ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute. Kaya masasabi na ganoon na nga lamang kamahal ng mga Pilipino ang kanin. Ngunit ito ay ibabaw pa lamang ng pagmamahal ng mga Pilipino sa kanin. Bukod kasi sa mga nutrisyon na makukuha dito ay mayroon ding malawak na baryasyon at uri ng bigas, maging iba't ibang kultura na nakapalibot dito. Tunay na dapat pang pagyabungin ang produksyon ng bigas sa dami nitong magandang naidudulot sa atin. May iba’t- iba pang makabuluhang pinag gagamitan ito. Katulad ng kanin bilang pandikit o glue, paggamit ng rice water o am bilang baby food, gayundin bilang skincare. Hindi rin maaalis sa mga Pilipino ang kahiligan sa mga kakanin kagaya ng biko, sinukmani, suman, tamalis, bibingka, at iba pa. Dahil din sa angking galing at talino ng mga Pinoy, natutunan din nila na magluto ng iba’t-ibang putahe gamit ang bigas. Naririyan ang lugaw, arroz caldo, fried rice, rice crispies, champorado at iba pa. Alinsunod dito, dahil ang mga Pilipino ay likas na mapamahiin, hindi mawawala ang mga paniniwala o gawi ukol sa pagkain ng kanin na dapat nating sundin, sapagkat pag nabigo tayong gawin ito ay kamalasan ang kapalit. Bukod pa rito, kilala din ang mga Pilipino sa kahiligan sa pagkain ng bahaw, gayundin sa tutong. Maging sa kakaibang paraan ng pagsasaing ng kanin na gamit lamang ang daliri ay kilala din ang mga Pinoy.
KONKLUSYON PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 21 Sinasabi na ang pagkain ng kanin ng mga Pilipino ay natural na. Hindi na ito maitatanggi pa sapagkat maraming mga Pinoy ang hinahanap hanap ang kanin saan man parte ng mundo mapadako. Sa patuloy na pagpatok sa mga Pilipino ng unli rice, kahit ang mga simpleng karinderya ay nag-aalok na rin nito upang mas kumita. Ang klase ng kanin na kinakain ng bawat Pilipino ay repleksyon ng uri ng estado sa buhay. Masasabi na ang mayayamin ay may kakayahang bumili ng mamahaling bigas. Samantalang, ang may kaya o nasa middle class family ay nakakakain ng Sinandomeng, Dinorado, at Milagrosa. Ngunit, para sa mahihirap, sapat na sa kanila ang NFA rice kahit hindi maganda ang kalidad. Sa ganitong sitwasyon, ang mga nasa laylayan ang nagtitiis upang may malaman ang sikmura sa araw-araw. Base sa naitala, ang Pilipinas ay isa sa may malaking agrikultural na sektor. Dito kumukuha ng hanapbuhay ang mga magsasakang Pilipino. Sa pagsasaka ay nakakapag-ani ng palay na siyang ginagawang bigas at dinadala sa merkado. Ngunit, kahit gaano kalawak ang ating sakahan, ang Pilipinas ay patuloy pa rin sa pag-export ng bigas mula sa ibang bansa. Ang pagpasa ng “Rice Tariffication Law” ay solusyon ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas. Dito hindi lang mamimili ang makikinabang kundi pati na rin ang magsasakang Pilipino. Gayunpaman, mas bigyang halaga pa rin ang mga magsasaka sapagkat kung wala sila, wala tayong maihahain sa ating hapag kainan. Samakatuwid, ang pagiging mapagmahal sa pamilya at pagiging kolektibo ng mga Pilipino ay may kaugnayan sa pagkain ng kanin. Dito kasi mas napapagtibay ang samahan at nagkakaroon ng mas malalim na ugnayan. Nagkakaroon ng palitan ng diskusyon habang pinagsasaluhan ang nakahandang kanin at iba pang ka-partner na ulam. Sa pamilyang Pilipino, bigas ang maituturing na nagbubuklod, hindi lang dahil sa dikit dikit nitong tekstura, kundi saksi ito sa lahat ng pagtitipon ng pamilya kasabay ng bawat lakas ng boses o kahit katahimikan sa isang hapag kainan. Sa huli, ang pag-unawa kung bakit “rice is life” ang mga Pilipino ay mauungkat ang kasaysakayan hanggang sa kasalukuyang kaugalian. Samakatuwid, ang bigas ay may malaking kontribusyon sa buhay ng bawat isa, kung kaya’t dapat patuloy na palawakin at pagyamanin ang sistema at produksyon ng bigas sa ating bansa.
SANGGUNIAN PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 22 Aguilar, F. V. (2013). Rice and Magic: A Cultural History from the Precolonial World to the Present. Academia. Retrieved April 19, 2022, from https://www.academia.edu/19518895/Rice_and_Magic_A_Cultural_History_fro m_the_Precolonial_World_to_the_Present Atilano, C. (n.d.). Asia 21 Alumni Series: On Agriculture. Asia Society. Retrieved April 17, 2022, from https://asiasociety.org/philippines/asia-21-alumni-series- agriculture#:~:text=The%20Philippines%20is%20an%20agricultural,farmers%2 0and%20agri%2Dresearch%20institutions. Bairagi, S., Custodio, M. C., & Demont, A. (2020, October 15). Preserving cultural heritage through the valorization of Cordillera heirloom rice in the Philippines. Springer Link. Retrieved April 18, 2022, from https://link.springer.com/article/10.1007/s10460-020-10159-w Banar, M. (2020). Are There Hazards of Eating Overcooked Rice? Livestrong. Retrieved May 13, 2022, from https://www.livestrong.com/article/548444- hazards-of-eating-overcooked-rice/ Batara, J. A. (2021, February 1). Kaning lamig, possibleng magdulot ng food poisoning sa mga bata? The Asianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids. Retrieved May 13, 2022, from https://ph.theasianparent.com/kaning-laming-mapanganib Bell, S. (2018). Ideas of luck and superstition vary among cultures around the world. News USC Dornsife. Retrieved May 13, 2022, from https://dornsife.usc.edu/news/stories/2836/friday-the-13th-superstitions-and- luck/ Bernardo, R. (2020). Halaga ng bigas. Philstar. Retrieved May 15, 2022, from https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/11/15/2057020/halaga- ng-bigas Britannica, T. Editors Of Encyclopaedia. (2022, March 3). rice. Britannica. Retrieved April 17, 2022, from https://www.britannica.com/plant/rice Camacho, D. (n.d.). Let Them Eat Rice: Exploring the Pinoy Unli-Rice Obsession. Pepper.ph. Retrieved May 10, 2022, from https://pepper.ph/let-them-eat-rice- exploring-the-pinoy-unli-rice-obsession/?fbclid=IwAR0bx6_qpryBS8P-IEn9NX- cAtMIc04Yo1NuDRw22WXw7sGSj-DMEEkxlJQ Castro, J. (2021). These Are All The Different Kinds Of Rice You Can Buy In The Metro. Yummy.Ph. Retrieved April 18, 2022, from https://www.yummy.ph/lessons/prepping/where-to-buy-heirloom-rice-a00261- 20190405-lfrm Cororaton, C. (2004). Rice Reforms and Poverty in the Philippines: A CGE Analysis. ADB Institute Research Paper Series. Retrieved April 17, 2022, from https://www.adb.org/sites/default/files/publication/157236/adbi-rp57.pdf
PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 23 SANGGUNIAN Estrella, S. (2019, January 2). 7 Filipino Dining Superstitions (And Where They Came From). Pepper.ph. Retrieved May 13, 2022, from https://pepper.ph/7- filipino-dining-superstitions/ FACT CHECK: Mali ang paratang na ’di naging abogado ng Sumilao farmers si Robredo. (2022). ABS CBN News. Retrieved May 15, 2022, from https://news.abs-cbn.com/spotlight/04/12/22/fact-check-robredo-di-abogado-ng- sumilao-farmers Feist, J., Feist, G., & Roberts, T. (2018). Theories of Personality 9th Edition (Ninth Edition). McGraw-Hill Education, 2 Penn Plaza, New York, NY 10121. Fernando Amorsolo. (n.d.). Tumblr. Retrieved May 15, 2022, from https://ationgson.tumblr.com/post/81401515132/palay-maiden-1920-oil-on- canvas-palay-is-tagalog Glue “Bustilat”: Mga Katangian, Application. (n.d.). Delachieve. Retrieved May 10, 2022, from https://tl.delachieve.com/glue-bustilat-mga-katangian-application/ Gonzales, M. C. (2020, July 2). A Historical and Analytical Perspective on Rice and its Significance within Filipino Culture. RE: LOCATIONS: University of Toronto. Exporing Progressive Research and Creative Practices. Retrieved May 10, 2022, from https://relocationsutoronto.wordpress.com/2020/07/02/rice-and-its- significance-within-filipino-culture/#_ftn14 Gummert, M., & Rickman, J. F. (2010). Physical quality of milled rice. Rice Knowledge Bank. Retrieved April 18, 2022, from http://www.knowledgebank.irri.org/training/fact-sheets/postharvest- management/rice-quality-fact-sheet-category/item/physical-quality-of-milled- rice-fact-sheet How to Make Rice Glue. (n.d.). Craftsuprint. Retrieved May 10, 2022, from https://www.craftsuprint.com/projects/crafts/various/how-to-make-rice-glue.cfm Jampel, S. (2020, January 21). The 3 Types of Rice and How to Pick the One That’s Right For Your Recipe. Bon Appetit. Retrieved April 18, 2022, from https://www.bonappetit.com/story/types-of-rice Jong, R. D. (2014, February 28). Rice, much more than food. Things Asian. Retrieved May 07, 2022, from http://thingsasian.com/story/rice-much-more-food Kashyap, T. (2021, August 30). 10 Best Rice Water Beauty Products That You Won’t Get Enough Of. NDTV Shopping. Retrieved May 7, 2022, from https://www.ndtv.com/shopping/10-best-rice-water-beauty-products-that-you- wont-get-enough-of-2524191 Mang Inasal. About us: Mang Inasal. Retrieved May 05, 2022, https://www.manginasal.com/about-us/
SANGGUNIAN PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN 24 McLeod, S. (2007). Maslow’s Hierarchy of Needs. Simply Psychology. Retrieved April 15, 2022, from https://www.simplypsychology.org/maslow.html Merez, A. (August 23, 2021). ‘Too Ethnic’? Here’s Why Rice is Life for Filipinos: No slander of rice allowed. REPORTR. (May 12, 2020), retrived from https://www.reportr.world/news/why-rice-is-life-for-filipinos-trending-tweet-too- ethnic-a4736-20210823 Morse, R. G. (January 18, 2019). Does Washing Your Face with Rice Water Help Your Skin? Healthline. (May 07, 2022), retrieved from https://www.healthline.com/health/rice-water-for-skin Nelz, J. (June 15, 2017). Senator Villar Renounces Ban on Unli Rice Promo After Netizens React. Philippine News. Retrieved May 05, 2022, from https://philnews.ph/2017/06/15/senator-villar-renounces-ban-unli-rice-promo- netizens-reacted/ PLEASE ALL RICE TO OUR NATIONAL KAIN Ang Pag-unawa kung bakit “Rice is Life!”
Please All Rice Kapag walang kanin sa mesa, hindi ba parang may kulang? Napakaliit na bagay ngunit napakalaki ng parte sa kultura ng Pilipinas. Nilalayon ng booklet na ito na unawain ang mga dahilan kung bakit napapasabi tayo ng, \"Please All Rice!\" Culture and Psychology For Educational Purposes only.
Search
Read the Text Version
- 1 - 28
Pages: