Juanito Tińana Martinez 1968-1971 Ni: Rhodora P. Urgelles Si Juanito “Johnny “Martinez ay isinilang nong Mayo 27, 1933. Siya ay isinilang sa Pagbilao, Quezon. Taglay niya ang pagiging guwapo at tunay na matikas at malakas ang karisma sa mga kadalagahan. Kaya naman siya ay unang napaibig ni Virginia Acesor at nabiyayaan sila ng pitong (7) anak, apat na lalaki na sina Juanito Jr., Glenn, Joseph at Romualdo, tatlong babae na sina Armine, Ma. Lourdes at Lailanie. Nang mamatay ang unang asawa ay umibig muli si Johnny kay Teresita Villegas tubong Naga City. Isa itong Bikolana at nagkaanak sila ng isa na si Jonathan subalit ito ay nagkasakit at maagap na binawian ng buhay sa edad na dalawampu’t limang taong gulang. Hindi din nagtagal ang kanilang relasyon at nakatagpo muli siya ng isang magandang dilag sa Tinambak, Camarines Sur at ito ay si Marilyn Vergaňo nagkaanak sila ng apat, sila ay sina Karen, Raven, Bryan at John Marvin. Bilang isang responsible at mapagmahal na ama, halos lahat ng kanyang mga naging anak ay nakatapos ng pag- aaral at may maayos na hanapbuhay ngunit sa kabila ng tagumpay ng mga anak nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang mag - asawang Johnny at Marilyn nagkahiwalay pa rin sila. Taong 1960 - 1966, si Juanito Martinez ay naging Konsehal ng bayan sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Trinidad Alvarez. Naging masugid at naging kasama ni Mayor Alvarez sa pagbuo ng mga proyekto na naipatupad sa kanilang panunungkulan. Kasama si Juanito sa pagbuo ng layunin at adhikain sa pagpapatayo ng Quezon National Agricultural School. Silang dalawa ang magkatulong na lumakad upang tutulan ang mga nais kumamkam sa lupang pagtatayuan ng nasabing paaralan. Nagpatayo din ng gusaling Pagbilao Fisheries sa Sitio Iringan Ibabang Palsabangon. Layunin niya ang pagpapaunlad ng mga paraan sa larangan ng agrikultura at maging sa pangingisda din. Nakapagpakongkreto ng mga baku- bakong kalye sa mga sumusunod na daan; Gen. Luna hanggang sa may tulay ng 94
Tambak, Birik hanggang Merjudio Clinic, Quezon St. at Gloria St. Para naman sa pangkapayapaan at kaligtasan ng bayan. Bilang alaala ng naging Mayor Trinidad Alvarez ay ipinagpagawa niya ito ng isang gymnasium na ipinangalan mismo sa kanya ito. Tinawag itong T.R Alvarez Gymnasium na pinagdadausan ito ng mga mahahalagang okasyon. Nasugpo ni Mayor Martinez ang nakawan ng niyog sa mga linang na kung tawagin ay pag-iimbo. Isa pa rin nakawan ng motor ng mga bangka. Ipinahuli, pinarusahan at pinagmulta ang lumabag sa batas. Sa kasalukuyang panahon, malakas, matikas at gwapo pa rin ang dating Mayor Juanito “Johnny “Martinez. Sa edad na walumpu’t lima (85), nakatagpo, napaibig at pinakasalan niya noong 2018 ang isang taga- Unisan, Quezon na walang iba kundi si Joanne Villavicencio Teng tatlumpo’t isang taong gulang. Kaya naman ang ating dating Mayor ay masigla pa at tunay na mangingibig ng bayan ng Pagbilao. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang buong pangalan ng nakalahad sa talambuhay? 2. Kailan siya ipinanganak? 3. Ilan lahat ang kanyang naging anak? 4. Ano ang nangyari sa anak niya kay Teresita? 5. Ano ano ang naging proyektong naisagawa habang siya ay nakaupong Mayor? 6. Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang pag-iimbo? 7. Bakit niya ipinatayo ang T.R. Alvarez Gymnasium? 8. Ano ang proyektong pinagsamahan nila ni dating Mayor Trinidad Alvarez? Ano ang layunin nila sa pagpapatayo nito? 9. Bakit sila naghihiwalay ng kanyang karelasyon, ano kaya ang mga dahilan? 10. Sa iyong palagay, ano ang taglay na katangian ni Mayor Juanito Martinez at siya ay umibig sa iba’t-ibang babae? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. datu - __________________________________ 2. punong-bayan-___________________________ 3. pagpapaimbulog -_________________________ 4. titilabsik –__________________________________ 5. Marshal law - _________________________________ 95
Rosauro S. Radovan 1972-1986;1988-1993 ni: Rhodora P. Urgelles Noong unang panahon iba ang sistema ng pamumuno sa isang lugar. Datu ang simula at naging gobernadorcillo. Panahon ng Marshal Law noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nakilala at naging tanyag na Punong bayan si Ginoong Rosauro Sio Radovan. Siya ay ipinanganak noong ika- 19 ng Marso, 1929 sa bayan ng Pagbilao, lalawigan ng Quezon. Ang kanyang mga magulang ay sina Marcelina Losloso Sio at Victoriano Eleazar Radovan. Sa pagiging maginoo at may busilak na puso ay napangasawa niya si Edeltrudes Quejano Radovan, pinagkalooban sila ng limang supling na sina Sarah, Victor Rowell, Isabel Richilda, Cesar Roderick at Peter Rundee. Masipag at may matinding pangarap sa buhay. Kaya siya ay nag-aral na mabuti. Mabilis siyang nakatapos ng pag-aaral at naging isang guro siya sa Mababang Paaralan ng Pagbilao bago pa siya naging punong-bayan. Sa edad na apat na po’t tatlo (43) nagsimula siyang manungkulan. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang tinutukoy sa talambuhay? 2. Kailan at saan siya ipinanganak? 3. Sino ang kanyang mga magulang? 4. Ilan ang kanyang naging anak? Ilan ang babae at ilan ang lalaki? 5. Kailan siya nagsimulang maging Punong -bayan ng Pagbilao? 6. Ano ano ang kanyang mga naisagawa at naibahagi sa bayan bilang isang punong bayan? Bakit? 96
7. Bakit siya minahal ng mga kabataan at ng buong sambayanan ng Pagbilao? 8. Paano siya tinangkilik ng mga tao sa mahabang panahon ng kanyang panunungkulan? 9. Sa paanong paraan kaya siya namuno bilang isang punong bayan? 10. Kailan siya pumanaw? Sa iyong palagay ano kaya ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. isinilang - __________________________________________ 2. napusuan-__________________________________________ 3. rehistrado -_________________________________________ 4. nakakasalamuha –____________________________________ 5. termino-____________________________________________ Juan H. Zaporteza 1986-1988 ni: Rhodora P. Urgelles Si Juan Hernandez Zaporteza ay isinilang noong ika 12 ng Hulyo, 1945 sa lungsod ng Lucena. Ang kanyang mga magulang ay sina Emiliano Zaporteza at Rosa Hernandez. Siya ay ikalawa sa limang magkakapatid. Ang panganay ay si Geminiano, pangatlo ay si Lourdes, pang-apat ay si Virgilio at ang bunso ay si Emilio. Si Fe Glorioso naman ang kanyang napusuan at napangasawa. Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Joan Marie, Juan Emmanuel at John Erick. Nag- aral siya sa Mababang Paaralan ng Pagbilao noong 1951 hanggang 1957 at sa Pagbilao Academy naman siya nagtapos ng Sekondarya taong 1957hanggang 97
1961. Kumuha siya ng kursong Associate in Survey sa Luzonian Colleges noong 1961 hanggang 1963. Masipag at matiyaga sa pag-aaral si Juan kaya naman kumuha pa siya ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering noong 1963 hanggang1969 at siya din ay naging rehistradong Geodetic Engineer. Naging direktor siya ng Quezon Metropolitan Water District noong Ika-1 ng Enero,2015 hanggang ika- 16, ng Oktobre, 2018. Sa pagiging magiliw, matalino at masigasig ay inihalal siyang konsehal ng bayan ng Pagbilao taong 1972 hanggang 1980. Namahinga siyang manungkulan ng ilang taon. Lumipas ang labin-limang taon nanumbalik ang hangarin niyang mamuno, inihalal at itinalaga bilang konsehal ng bayan mula 1995 hanggang 2001. Pagkalipas ng tatlong taon naupo muli siya na tumagal ng tatlong termino mula 2004 hanggang 2013. Sa haba ng panahon ng kanyang panunungkulan bilang Konsehal ng bayan ay pinagtiwalaan siya ng mga mamamayan na maging Bise-Mayor noong 1980 hanggang 1986 at hinirang siya bilang panghaliling Punong-bayan taong 1986hanggang 1988. Sa pagiging konsehal man o bise mayor ng bayan, marami siyang naipasang batas para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan ng Pagbilao nandiyan ang (1). Pagkakaroon ng benepisyo o pensiyon ng mga Senior Citizen (2). Libreng uniporme at mga kagamitang pampaaralan ng mga mag-aaral sa elementarya. Naging Pangulo din siya ng samahan ng Senior Citizen at ng PLEB (People’s Law Enforcement Board). Siya ay kilala bilang Lolo Jimmy ng buong bayan ng Pagbilao. Sa pagiging palabati niya sa mga taong nakakasalamuha niya at nakakasalubong sa araw-araw na pamumuhay ay tunay na kagalakan ang maisusukli mo sa matatamis niyang ngiti. Matulungin at tunay na kagalanggalang si Juan H. Zaporteza. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang tinutukoy sa talambuhay? Isulat ang kanyang buong pangalan. 2. Kailan at saan siya ipinanganak? Ano ang pangalan ng kanyang mga magulang? 3. Ilan silang magkakapatid at pang- ikailan si Juan H. Zaporteza? 4. Saan siya nag-aral ng elementarya, sekundarya at kolehiyo? 5. Kailan naman siya nahalal bilang Konsehal ng bayan at Bise – mayor? Ano ano ang kanyang mga katangian at paulit ulit siyang pinagtitiwalaang mamuno at manungkulan sa bayan ng Pagbilao? 7. Ibigay ang 2 halimbawa ng batas na kanyang ipinasa at tunay na ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan? 8. Ano ang kapakinabangan namang nagawa niya para sa mga mag- aaral sa elementarya? 9. Bakit mahalagang maging masigasig at matalino ang isang pinuno ng bayan? 98
10. Ano ang katangian niyang kinagigiliwan ng buong mamamayan ng Pagbilao? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin ang mga salita at ibigay ang kahulugan. 1. kabiyak ng puso 6. ekonomiya 2. dean 7. nakamit 3. pumanaw 8. coordinator 4. biniyayaan 9. diploma 5. naglilingkod 10. residual waste Evelyn Sio Abeja 1994-1995 nina: Marife L. Mendoza/Leah M. Roperez Siya ay kasalukuyang Vice President for Administration sa Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. University Site Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City. Ipinanganak siya noong Hulyo 14, 1948 sa bayan ng Pagbilao at kasalukuyang naninirahan sa Yale St. University Village, Ibabang Dupay, Lucena City. Nagtapos ng elementarya noong 1960 at sekundarya noong 1964 sa Sacred Heart College Lucena City, Bachelor of Arts Major in English sa Luzonian Colleges Lucena City noong 1968, Master of Arts in English noong 1977 sa Manuel S. Enverga University Foundation Lucena City. Kumuha ng Diploma on Leadership and Governance Series sa Ateneo de Manila University mula Abril hanggang Hunyo 2000. Nakamit ang Achievement Award, SHC High School Class 64 at Silver Jubilee noong Agosto 13, 1989, tinanghal din siyang Outstanding Executive Officer noong Marso 1968, Alumni Millenium Awardee, MSEUF, Cumlaude, Bachelor of Arts Major in English sa Luzonian University noong 1968, First Honorable Mention Secondary 99
Course noong 1964 at sa Elementary Education sa Sacred Heart College noong 1960. Pagdating naman sa Administrative Managerial Experience siya ay naging Vice President for Administration, Presidential Assistant for Affiliate Schools, Coordinator, Alumni Relations and International linkaging, Dean Office of Student Affairs at Dean College of Arts and Sciences sa MSEUF. Naging Chief of Staff ni Congressman Mark Enverga, Provincial Administrator ng Lalawigan ng Quezon ni Gov. Willie Enverga. Municipal Mayor, Vice Mayor sa bayan ng Pagbilao, Consultant on Community Affairs/Extension Service, Hopewell Philippines, at Television Host “Alay sa Kabataan” Quezon CATV-STV 6. Naging Full-time faculty sa College of Arts and Sciences, part-time faculty Institute of Graduate School and Research, City College Lucena City at MSEIF sa San Antonio Quezon. Sumulat ng mga instructional materials na Business Research Writing, Business English, The University and I, The Family, The Strategic Management of Change, at Leadership and Management. Naging kabiyak ng kanyang puso si Jaime Jr. Oblena Abeja isang Businessman at biniyayaan sila ng 5 mga anak bago ito pumanaw. Sila ay sina Michael Jansen na nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science at kasalukuyang naglilingkod sa LGU Quezon Accounting Department, Michael Jameson na nagtapos ng BS Industrial Engineering at nasa Team Energy Operation Department, Jaymelyn, BS Computer Science at HOR-Office ni Congressman Mark Enverga, Michael Jayson, BS Management at nasa PNB Regional Office, at si Maria Jayvelyn, BSBA Export Management sa kasalukuyan ay Municipal Councilor sa bayan ng Pagbilao. Nakamit niya ang Diploma on Leardership and Governance Series noong Abril- Hunyo 2000, Doctor of Education noong 1996, Master of Arts in English noong 1977, Bachelor of Arts Major in Education noong 1968, Sekondarya noong 1964 at elementarya noong 1960. Dumalo siya sa iba’t-ibang seminar sa loob at labas ng bansa gaya ng Gender and Development International Conference noong Nobyembre 27-30, 2004 sa Bangkok Thailand, “One Village, One Product” – Nobyembre 2-8, 2005 sa Xian, Shanghai China. Tungkol sa ekonomiya naman ang Converting Residual Waste to Resource- Abril 4-5, 2005 sa DENR-EMB, Capability Development Training for ECFC and MMT Team – Nobyembre 27-29, 2002, Orientation Workshop for MMT Participation to Strengthening the Environmental Performance and Evaluation System of the Philippine Environmental Impact Statement System Project Pilot Activities – Marso 24-25,2004 sa EMB-World Bank Bayview, Conflict Management and Resolution – Setyembre 29-Oktubre 1, 2004 sa National Defense College of the Philippines, Government, Government Procurement Reform Act – Hulyo 22-23, 2004 sa Department of Budget and Management, Stronger Public Private Partnership Thru Multi-partite Monitoring in the Enhanced EIA Monitoring and Audit System – Mayo 4- 100
6, 2005, Internal Auditing Vital to Good Governance – Oktubre 9-11, 2002 sa AGIA, Olongapo, at Mid-Year Convention & Seminar – Hulyo 2, 2002. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang kasalukuyang Vice President for Administration sa Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. University? 2. Kailan at saan siya ipinanganak? 3. Kailan siya naging mayor sa bayan ng Pagbilao? 4. Ano-ano ang kanyang nakamit na mga parangal? 5. Sa iyong palagay, bilang isang mamamayan ano ang kahalagahan ng pagdalo sa mga seminar? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. Marami sa sa mga pulitikong nasangkot sa katiwalian ay ipinakulong ni Pangulong Duterte. 2. Pumunta siya sa modista upang magpasukat para sa ipapagawa niyang damit. 3. Kinakailangang ang maayos na sanitasyon upang pmapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan. 4. Malaki ang naitutulong ng farm-to-market road upang mapabilis ang pagbibyahe ng mga inaning gulay sa pamilihan. 5. Ayon sa saligang batas isang termino lamang ang pinapayagan upang maglingkod sa bansa ang isang pangulo. Engr. Conrado De Rama, MGM 1993-2001 Marife L. Mendoza/Leah M. Roperez 101
Ipinanganak si Engr. Conrado Losloso De Rama, MGM, noong Nobyembre 26, 1952 sa Pagbilao, Quezon. Si Conrado ay isang Civil Engineer at nagtapos ng Masters in Government Management (MGM). Kung pag-uusapan ang kanyang corporate career nagsanay siya ng maaga para sa kanyang propesyon dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Sa panahon ng kanyang karera sa politika, kilala siya bilang isang matuwid na pulitiko at hindi kailanman nasangkot sa anumang mga isyu sa katiwalian sa nasabing termino. Ang kanyang batayan bilang municipal mayor noong 1993 ay ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, samakatuwid ang pinakamahigpit na panahon ng pagsunod sa nasabing batas. Siya ay panganay sa pitong (7) anak nina Teodoro Merjudio De Rama at Petra Tiña Losloso. Isang dating empleyado ng Ministry of Environment, habang ang huli naman ay isang modista, na pinagkukunan nila ng kanilang ikinabubuhay. Nagtapos siya ng elementarya sa Pagbilao East Elementary School noong 1966 at sekundarya sa Pagbvilao Academy noong 1970. Natapos niya ang Bachelor of Science in Civil Engineer noong 1975 at nakapasa sa professional examination. Nagpatuloy pa siya ng ibang degree, ang Bachelor of Science in Sanitary Engineer sa parehong pamantasan noong 1979. Ang buhay ni Conrado bilang isang bata, mag-aaral at propesyonal ay napakasimple at tipikal. Kahit lubhang napakahirap tugunan ang pinansyal na pangangailangan bilang mag-aaral, matagumpay niyang nakamit ang pagiging isang engineer. Ikinasal si Conrado kay Engr. Arcely B. De Rama, Civil Engineer at tubong Sinasajan, Nueva Ecija. Nagkaroon sila ng apat (4) ba anak sina Mary Elaine, May anne, Joseph Conrad and Justin Conrad. Simula’t sapul sila ay naninirahan sa Brgy. Tambak. Nagtrabaho siya sa ibang bansa hanggang 1986, tumakbo at nanalo bilang Municipal Councilor. Dito nagsimula ang kanyang karera sa politika. Noong 1982 nanalo siya bilang Municipal Vice Mayor. Noong 1993 naging Acting Mayor sa loob ng isang taon. Noong 1995, siya ay pormal na inihalal ng mga tao bilang Mayor ng bayan ng Pagbilao hanggang 2001. Nakilala siya sa kanyang mga proyekto na kinakitaan ng pinakamalaking pagbabago sa kaunlaran ng bayan ng Pagbilao. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ang bayan ng Pagbilao ay naging 1st class (mula sa pagiging 3rd class), ang mga empleyado ay kinilala bilang 1st class ng pambansang pamantayan. Napataas din niya ang pamantayan ng edukasyon. ang gusali ng pamahalaang bayan ay muling itinayo pati na rin ang bagong Pampublikong Pamilihang Bayan. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, naipagkaloob niya sa lahat ng barangay ang disente at pormal na mga barangay halls o tanggapan. Bukod dito, ang mga proyektong pang imprastraktura tulad ng farm-to-market na mga kalsada ay ipinatupad at binigyan ng priyoridad. Naging mahusay ang mga serbisyong panlipunan. Ang sanitasyon, sa pamamagitan ng 102
pagkuha ng mga dump truck ay isinagawa. Ang mga sasakyang pang medical tulad ng mga ambulansiya ay binili at nagsilbi sa maraming Pagbilawin. Gayundin ang planta ng kuryente ng Hopewell ay itinayo at nagsimula ang operasyon. Pagkatapos ng kanyang panunungkulan, pinanatili ng kanyang pamilya ang simple at tipikal na buhay. Nagtatag sila ng negosyo sa Metro Manila at ng kalaunan ay pormal na nanirahan sa Amerika. Napakahusay ng kanyang naging ambag sa munisipyo dahil ito ang naging simula ng pagyabong ng bayan at naging interes ng ibang politiko kasama na ang mga pinagkukunang pangkapaligiran at isang magandang pagkakataon para sa kaunlaran. Ang Pagbilao ay nanatili pa rin sa puso ng mga De Rama. Kung bibigyan ng pagkakataon, na muling kasihan ng Panginoon para sa serbisyo publiko tiyak na maglilingkod sa mga Pagbilawins nang walang pag-aalinlangan. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang ginawa ni Conrado upang makapagtapos siya ng pag-aaral 2. Paano sinumulan niya sinimulan ang unti-unting pagbabago sa pag- unald ng ating bayan? 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga naging ambag ng mga taong may malasakit sa bayan? Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin ang 10 salita sa loob ng kahon na may kaugnayan kay Mayor Romar Portes. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang nahanap na mga salita. 103
KGG. ROMEO “ROMAR” ROCES – PORTES ni: Venus G. Portes Pagsasanay: Marife L. Mendoza “…batid kong ang pagiging Punong Bayan ay hindi isang madaling bagay. Dahil marami sa mga problemang ating kinakaharap ay nakaatang sa aking mga balikat. Bagamat mahirap, hindi tayo susuko, hindi tayo dapat sumuko… -Mayor Romar Isinilang si Romar noong ika-28 ng pebrero, 1947, sa munting Barangay ng Talipan, Bayan ng Pagbilao na sakop ng lalawigan ng Quezon. Lumaki siya sa panahong nag- uumpisa pa lamang magkaroon ng sariling soberanya at kasarinlan ang Pilipinas. Bagamat umaahon pa lamang ang bansa mula sa pagkawasak dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig ay pinangarap na ni Romar na maging isang tinitingalang abogado. Ngunit dahil sa kahirapan, walang kakayanan ang kanyang mga magulang para tustusan ang ambisyong ito. Bukod dito ang pito (7) pa niyang kapatid kung kaya’t hindi ito naganap. Ang ama niya na si Fortunato Roces-Portes ay isang payak na magsasaka at maliit na negosyante lamang. Samantalang ang kanyang ina na si Telesfora Enriquez-Portes ay isang simpleng maybahay na may angking kakayanan sa pagbuburda. Sa murang edad ay naramdaman na agad ng batang Romar ang kahirapan ng buhay. Mula sa tahanan ay minsang nakayapak siyang binabaybay ang daan patungong Mababang Paaralan ng Pagbilao Sentral kung saan siya nagtapos ng elementarya. Ginugol niya ang pag-aaral ng sekundarya sa Pagbilao Academy. Sa laki ng kanilang pamilya, hindi niya naranasan sa panahong ito ang makabili ng sarili at bagong sapatos, maswerteng nakakahiram siya ng maayos na sapatos sa kanyang mga kaibigan na maykaya sa buhay. Tanging sa araw lamang ng kanyang pagtatapos sa Pagbilao Academy nabilhan siya ng kanyang ama ng bagong sapatos, na kahaliling ginagamit rin ng nakababata niyang kapatid na lalaki. Ngunit hindi pa rin natapos ang mga hamong ito kahit noong siya ay nasa kolehiyo na. Kasama ang 104
ilang mga kaibigan, naranasan nilang mag-abang ng libre at mga tirang kakanin sa mga karinderya upang kahit papaano ay magkaroon ng pamatid-gutom. Sa kabila ng mga ito, hindi siya nadaig ng kawalang pag-asa. Nagpursige siyang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Ang pagsusumikap na iyon ay hindi nasayang nang matagumpay siyang nakapagtapos sa Pamantasan bilang isang Self-Supporting Student. Bagamat ang panahon ng kanyang kabataan ay naging biktima ng karukhaan, nanatiling buo ang kanyang loob sa ngalan ng pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan. Naging malinaw na agad sa kanyang pag-iisip na walang ibang paraan para makawala sa tanikala ng kahirapan kundi ang katatagan at kasipagan sa buhay. Pinalad agad si Romar na makahanap at makapasok ng trabaho. Ang pagiging miyembro ng Bureau of Fire Protection ang isa sa una niyang naging hanapbuhay. Natanggap din siya bilang Errand Boy o Aid sa Municipal Treasure’s Office at sa maikling panahon ay nagserbisyo rin bilang isang pulis. Katulad ng mga naghahangad na magkaroon ng buhay-pamilya binalikan ni Romar si Venus, na kaeskwela noong High School at noo’y isa nang ganap na guro. Nagsama sila sa ilalim ng iisang bubong noong dalawampu’t isa (21) taong gulang pa lang si Romar habang dalawampung (20) taong gulang si Venus. Kahit kapwa propesyonal na ang dalawa ay hindi pa rin naging madali sa kanila ang umpisa ng buhay may asawa. Sa panahong ito ay may isang tsinong naging kaibigan si Romar at ang kapatid niyang si Kenny, na nanghimok sa kanila upang magtayo ng isang maliit na sabungan para may mapag-aliwan, noon ay legal na at tanyag sa publiko ang gawaing ito. Kaya’t sa impluwensya at gabay ng kanilang kaibigan, kinuha agad nina Romar ang opurtunidad na ito upang pumasok sa maayos na pagnenegosyo. Sa bahaging ito ng kanyang buhay, naging batayan at prinsipyo niya na ang katapatan at maayos na pamamahala ay malalaking salik at kontribusyon upang maging maunlad ang estado ng buhay. Na ang pandaraya at panlalamang sa trabaho ay hindi kailanman dapat panghawakan. Dahil dito, unti-unting yumabong ang isang maliit na negosyong kanilang naipundar. Naging daan din ito upang makapagbigay siya ng hanapbuhay sa mga mahihirap, makatulong sa mga nangangailangan at mabigyan ng disenteng buhay ang sariling pamilya. Nagtuloy-tuloy ang ganitong takbo ng kanyang kapalaran na nagbunsod upang makapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang mag-anak. Mula rito ay inumpisahan niyang magpundar ng poultry at piggery. Dahil dito, napalaki at naitaguyod nilang mag-asawa ang apat (4) na babaeng anak. Sina Rovena, Angelica, Shierre Ann at Katrina. Lahat sila ay nakapag- aral sa mga pribado at kilalang paaralan sa lalawigan ng Quezon. Ang tatlo (3) sa mga anak niya ay pawang kumuha ng kursong Nursing habang ang isa ay tinahak ang Accountancy Course at sumunod sa yapak bilang lingkod-bayan. Ito ang naging hudyat upang ang buong Pamilyang Portes ay tuluyang makawala sa hirap ng buhay. 105
Likas sa karakter ni Romar ang kagalingan sa pananalita, pagiging matapang, mapamaraan at pagkakaroon ng madaming kaibiga’t kakilala. Ang kanyang mga positibong katangian ay madaling napansin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang noo’y pambayang ingat-yaman na si Rodolfo Alvarez ang isa sa mga unang tao na nagkumbinse kay Romar upang tangkaing kumandidato bilang Punong Bayan. Dumagdag pa rito ang payo at paghimok ng kanyang dumadaming tagasuporta, sapagkat ang mga katangian ni Romar para sa kanila ang kinakailangang lider sa panahong iyon. Taong 1994, nang una siyang sumabak sa eleksyon ngunit hindi agad pinalad na magwagi. Sinundan ito ng 1997 Local Election, sa inisyal na bilangan ay hindi pumanig ang pagkapanalo sa kandidatura ni Romar, ngunit dahil sa nababatid niyang may mali sa naging resulta. Idinulog niya ang isyu sa korte bilang isang Election Protest. Kasabay ng lumalaking suporta ng taong bayan sa kanyang panig, muling pinabuksan at pinabilang ng hukuman ang balota sa nangyaring botohan. Dito’y nadiskubre at napatunayan na ang tunay at dapat na kilalaning Punong Bayan ng Pagbilao ay si Mayor Romeo “Romar” Portes at hindi ang noo’y katunggali niyang si Conrado De Rama. Taong 1998 nang ganap siyang maupo bilang alkalde ng bayan, ito ang una niyang termino na nagtapos taong 2001. Dahil sa kanyang kasiya-siyang panunungkulan, hindi nawala ang tiwala sa kanya ng publiko. Kaya naman ang susunod pang pitong (7) taon, 2001 hanggang 2007 ay ang naging ikalawa at ikatlong termino niyang panunungkulan bilang Ama ng Pagbilao. Ang tatlong (3) sunod-sunod na termino ay natapos niya. Kung kaya’t amg mga legasiyang kanyang ipinunla ay minarapat na ipagpatuloy ng kanyang maybahay, si Mayora Venus, na nahalal ding Punong Bayan mula 2007 hanggang 2010. Ngunit ang dating Mayor Venus, na nahalal ay nagkaroon ng kapansanan sa tuhod at kinailangang malagyan ng bakal kung kaya’t nalimitahan nito ang aktibong hangaring makapagpatuloy. Sa sitwasyong iyon, nagpasya si Mayor Romar na muling bumalik sa serbisyo publiko. Kaya’t ang taong 2010 hanggang 2013 ang kanyang naging ika-apat at huling termino. Sumunod sa kanyang pagiging alkalde ang kanyang ikatlong anak na si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, na nahalal taong 2013 hanggang sa kasalukuyan. Sa loob ng labing-isang taon (11) na pagiging Punong Bayan ni Romar, ginugol niya ang kanyang buong kalakasan, karunungan at kakayahan upang isakatuparan ang ilan sa mga sumusunod sa programa’t proyekto; • Pinasinayaan at itinatag ang Polo Grande National High School – na kanyang matalinong paghihikayat ay nakaakibat niya ang Team Energy Incorporated, Kongreso at Pamahalaang panlalawigan upang maganap ito; • Paghihiwalay ng lokasyon ng Quezon National Agricultural School upang bigyang daan ang pagpapalakas ng operasyon ng Pagbilao National High School kasabay sa pagkakatatag ng Silangang Malicboy National High School – na hanggang sa kasalukuyan ay nagsisislbing malalaking paaralan sa bayan ng Pagbilao. Napagtibay nito ang kanyang hangarin na pangalagaan ang sistema ng edukasyon bilang kadluan ng kaalaman ng mga kabataan; 106
• Pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan sa dating Demonstration Farm ng Quezon National High School upang maibsan ang lumalaking populasyon ng mga estudyante sa Talipan National High School; • Binigyan ng agarang solusyon ang mga suliranin sa 16 na Paaralang Elementarya mula sa Special Education Fund • Pagbubukas ng Binahaan Integrated School na itinuturing na isa sa mga pinakaunang Integrated School sa buong lalawigan ng Quezon, hanggang sa ngayon ay pinapatakbo ito ng Lokal na Pamahalaan at nagsisilbing ikalawang tahanan ng mga daan-daang bilang ng estudyante sa elementarya at sekondarya; • Dinagdagan ang mga classrooms sa Talipan National High School dahilan sa dumaraming estudyante. • Pinaigting ang pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa karagatan at kabundukang sakop ng Pagbilao. Naging tanyag sa panunungkulan niya ang kampanya laban sa illegal logging at illegal fishing; • Isinaayos ang usaping Pangkapayapaan at Pangkaayusan sa bayan – nagbunsod ito upang masugpo ang pagbabanggol ng mga hayop tulad ng kalabaw, kambing, kabayo at manok na bumibiktima sa maraming mamumuhunan sa Bayan ng Pagbilao. Nabawasan din ang kasong may kinalaman sa illegal na droga na nauugnay noon sa mga kabataan; • Pagpapakabit ng Meralco Lines, dahilan upang maging 90% Electrified ang bayan ng Pagbilao noong unang administrasyon. Ito ang naging daan upang ang dalawampu’t pitong (27) barangay ay magkaroon ng daloy ng kuryente; • Pagpapagawa ng ilan daang kilometro ng Farm to Market Road na bumabagtas sa ilang mga barangay gaya ng Ikirin hanggang Ilayang Bagumbungan, Mapagong hanggang Bantigue at Talipan hanggang Alupaye. Sa mga proyektong ito mas lalong napabilis ang komersyo at kalakalan dahil sa maayos na mga kalsada; • Renobasyon at Pagsasaayos ng Bahay Pamahalaan ng Bayan ng Pagbilao na Sentro ng Pamamahala; • Pagpapatayo ng Sentrong Pangkabuhayan Building na nagsisilbing gusali para sa mga programang kaugnay ng Livelihood at Opportunity Creation; at • Bukas-palad na paglalaan ng mga benepisyo para sa mga kawani ng Pamahalaang bayan, na silang nangunguna sa implementasyon ng mga programa, proyekto at aktibidad ng pamahalaan. Si Mayor Romar ay kinikilala sa panahon ni dating DSWD Secretary Esperanza Cabral bilang “Outstanding Mayor of the Philippines in the Field of Social Services”, ginanap ito sa isang prestihiyosong programa sa Manila Hotel. Ipinagkaloob ang nasabing karangalan sa isang Punong Bayan bilang pagpapatunay na ang mga serbisyo, programa at proyekto ukol sa Kagalingang Panlipunan ay totoo at epektibo 107
niyang naipatutupad sa lahat ng sector ng lipunan tulad ng kabataan, mga nakatatandang mamamayan, kababaihan at may mga kapansanan. Naipagkaloob rin sa bayan ng Pagbilao sa ilalim ng kanyang pamamahala ang “Seal of Good Financial Housekeeping” sa panahon ni dating D.I.L.G Secretary Jesse Robredo taong 2011. Itinuturing na ito ay isa sa mga pinakamataas na parangal na maaaring igawad sa isang Lokal na Pamahalaan. Pinatutunayan ng Selyong ito ang maayos, angkop at tamang paggasta ng administrasyon ni Mayor Romar sa kaban ng bayan kung kaya’t maituturing din na ang kanyang pamamahala ay “No Graft and Corruption”. Ang kanyang panahon bilang Punong Bayan ay nagmarka sa kasaysayan bilang umpisa ng moderno at mas mabilis na pag-unlad ng Pagbilao. Taglay niya anumang oras ang pusong makatao. Mahirap man ngunit binalikat niya ang lahat ng kanyang mga pagsubok na dinadaanan. Ang kanyang ngiti sa kabila ng masalimuot na paglalakbay sa buhay ay nagbigay ng gaan at kahinahunan. Sinikap niyang ibigay ang pinakaminam para sa kanyang pinaglilingkuran. Inilaan sa nakararaming mamamayan ang pinakanararapat na serbisyo at programa. At kumilos ng may tapang, paninindigan at disiplina ang lahat ng kanyang naging gampanin sa buhay. Isang anak, kapatid, asawa, ama at lingkod-bayan na mula sa hirap ay nangarap at nagsumikap hanggang ang kanyang mga mabubuting hangarin ay naging totoo at ganap. Pumanaw si Mayor Romeo “Romar” Portes sa edad na pitumpo’t tatlo (73), noong ika-24 ng Nobyembre 2020, kaarawan ng kanyang apo, nang siya ay barilin ng dalawang nakamotorsiklong salarin sa harap ng bahay ng kanyang bunsong anak. Mabigat man sa kanyang pamilya at mga kababayan ang sinapit ng kanyang huling araw, hindi naman nito maaalis ang mga magagandang bagay at halimbawa na kanyang ibinahagi sa kapwa. Bukas ang kanyang bibig sa mga katagang “Hataw Pagbilao”. Hindi malilimot na ang kanyang paninilbihan ay nagdulot upang ang bayan ay makilala ‘di lamang sa lalawigan ng Quezon kundi sa buong Pilipinas. Ang kanyang pag-iral ay tumatak upang siya ay maging isa sa pinakanirerespetong mukha at haligi ng Bayan ng Pagbilao. Isang aral na nagsasabing mahirap, ihataw pa rin ang taglay na galing, talino, kakayahan, talento at potensyal alang-alang sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa, pamilya at bayan. Talas-Isipan Buuin ang puzzle sa ibaba sa pamamagitan ng gabay na mga salita na makikita sa ibaba. 108
109
Sagutin ang mga tanong. 1. Ano-ano ang mga hakbang na kanyang ginawa upang makawala sa tanikala ng kahirapan? 2. Paano niya isinakatuparan ang kanyang mga pangarap upang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan? Magbigay ng mga patunay na ang kanyang panunungkulan ay naging simula ng moderno at mas mabilis na pag-unlad sa Bayan ng Pagbilao? 3. Ano ang posibleng mangyayari kung hindi idinulog sa korte ang Election Protest ni Mayor Romar? 4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maitatama ang mga pagkakamali na nakikita mo sa iyong paligid? 5. Bilang pasasalamat sa mga kabutihang nagawa ni Mayor Romar, paano mo mapananatili ang kanyang sinabi sa mga katagang “Hataw Pagbilao”? Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin ang 10 salita sa loob ng kahon na may kaugnayan kay Mayor Venus Portes. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang nahanap na mga salita. 110
KGG. VENUS PORNOBI DE GUZMAN PORTES ni: Venus G. Portes Pagsasanay: Marife L. Mendoza Sinasabing ang pangalang “Venus” ay hango sa wikang latin na nangangahulugang “Pag-ibig”. Pag-ibig sa pangarap, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa bayan at pag-ibig sa Diyos. Sa mga diwang ito sumibol ang kanyang masipag at matiyagang pakikipagsapalaran upang mapagtagumpayan ang mga napagdaanang hamon sa buhay. SI VENUS AT ANG KANYANG KAMUSMUSAN Ang kahanga-hangang kwentong ito ay nagsimula noong ika-9 ng Abril 1948, nang dumating sa buhay nina Benito “Teban Hiron De Guzman at Lucila “Osing” Ayala Pornobi ang isang babaeng sanggol na pinangalanan nilang Venus. Ang panganay ng mag-asawa ay nasundan pa ng tatlong (3) babae, sina Josefina De Guzman Laynes, Magdalena De Guzman Dapla at Hilaria De Guzman Magculang. Si Venus at ang kanyang mga kapatid ay lumaki sa isang mahirap na pamilya ngunit puno ng pag-asa. Ang pagiging salat sa buhay ay hindi nila hinayaang maging panghabambuhay. Sa murang edad ay tumulong na si Venus at ang kanyang mga kapatid sa kanilang magulang upang magkaroon ng karagdagang kita. Sa araw- araw, ang mag-asawang Teban at Osing ay nagluluto ng mga pagkaing ulam pati na rin ang kakanin tulad ng bibingka – na inilalako naman ng kanilang mga anak. Abala tuwing gabi ang ina ng tahanan sa paglalala ng mga bayong at bag na yari sa buli. Nakapagpundar din sila ng isang maliit na tindahan. 111
Sa ganitong paraan, nairaraos ng Pamilya De Guzman ang bawat araw na lumilipas. Bagamat mahirap, nanatiling buhay sa kanilang paniniwala na ang tiyaga at kasipagan ay daan ng kasaganahan. SI VENUS AT ANG KANYANG MGA PAGSUSUMIKAP Lumipas ang panahon, nakapagtapos si Venus sa elementarya at sekondarya. Ngunit batid niyang hindi tiyak kung kakayanin ng kanyang mga magulang ang pag- aaral niya sa kolehiyo. Sa kabila ng kakapusang pinansyal, hindi hinayaan ni Venus na maudlot ang kanyang minimithing pangarap na makapasok sa isang Pamantasan. Pilit siyang humanap ng paraan upang makaipon ng salapi na pandagdag matrikula. Nangatulong siya sa mga gawaing bahay ng kanyang lolo. Sa kanyang pamamasukan ay binibigyan siya ng kanyang lolo ng halagang bente (20) pesos na kinita naman sa pagniniyog. Inipon niya ang bawat bente (20) pesos na kanyang natatanggap bilang paghahanda sa kolehiyo. Ngunit hindi pa rin naging sapat ang mga ito, kung kaya’t sinubukan niyang makakuha ng ng scholarship sa Philippine Normal College (PNC), isang pampublikong paaralan. Kalaunan ay naipasa niya ito, kaya ang kanyang matrikula ay nabawasan ng malaking halaga at naging singkwenta (50) pesos lamang. Ang sipag at tiyaga na natutunan niya sa kanyang pamilya ay nagkaroon ng malaking impluwensya upang pilit niyang maitawid ang apat (4) na taon sa kolehiyo. Nagsumikap siyang mag-aral kahit marami sa kanyang mga araw ay wala siyang pambili ng masarap na ulam o ‘ni pangmeryenda. Ang estudyanteng gaya ni Venus ang naging laman ng mga silid-aklatan sa PNC, buong sikap niyang tinatapos ang mga takdang aralin at proyekto. May mga araw din na dahil sa kanyang hilig sa pagbabasa ay inaabot s’ya ng pagsasara nito. Taong 1968, ang munting pangarap ni Venus na makapagtapos ng pag-aaral ay naging isa nang reyalidad; natanggap niya ang Diploma sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education. Kahit masalimuot ang mga hamon sa pag-aaral, ganap na naging lisensyadong guro si Venus bunsod ng kanyang pagkakapasa sa Professional Licensure Examination for Teachers ng Kagawaran ng Serbisyo-Sibil ng Pilipinas. Agad naman siyang nagpasa ng aplikasyon para makapagturo sa elementarya at ito’y inayunan din naman agad ng tadhana. Nakapagtrabaho siya bilang isang guro. Ang kauna-unahang sahod na kanyang kinita ay binigay niya nang buo sa kanyang magulang. Simula noon, nagbunga na rin ang pagsisikap ni Venus na makatulong sa kanyang mga magulang. Dahil sa kanyang sariling hanapbuhay, natulungan niyang makapagtapos din sa kolehiyo ang tatlong nakababatang kapatid. Bagamat noong mga panahong iyon ay sumakabilang buhay ang kanilang mga magulang, hindi na naging mahirap sa apat (4) na babaeng magkakapatid ang maghanap ng pantustos sa araw-araw dahilan sa pagkakaroon ng kani-kanilang maayos na hanapbuhay. 112
SI MA’AM VENUS AT ANG KANYANG PAGTUTURO Nagpamalas ng malaking potensyal at kahusayan ang gurong si Venus. Kung kaya’t ito na ang naging simula ng kanyang makulay at makabuluhang paglalakbay sa propesyong kanyang pinili. Taong 1977 hanggang 1978, nahirang siya bilang isa (1) sa sampung (10) iskolar ng Philippine Normal University, siya ay binigyang pagkakataon na magpakadalubhasa sa larangan ng pagtuturo sa mga batang bingi at pipi. Pagsapit ng taong 1980, nahirang naman siya bilang isa sa mga kauna-unahang dalubguro o Master Teacher sa kasaysayan ng Distrito ng Pagbilao. Ang mga nakamamanghang pagkakataong ito ay lalo pang nagtuloy-tuloy sa buhay ni Venus, nang siya ay madestino bilang Ulong Guro at Punong Guro sa halos lahat ng mababang paaralan sa kanyang bayan. Nirespeto siya ng kanyang mga kapwa guro at minahal ng kanyang mga mag-aaral. Tanyag ang pangalang Ma’am Venus G. Portes dahil sa kanyang dedikasyon na mapangasiwaan ng maayos ang mga paaralang pinaglilingkuran niya gaya ng Bigo Elementary School, Bukal Elementary School, Palsabangon Elementary School, Malicboy West Elementary School, Polo South Elementary School, Pagbilao Central Elementary School, Pagbilao East Elementary School at Pagbilao West Elementary School. Ang pagiging likas niya sa pulidong pagtatrabaho, mahusay na pagtuturo, maayos na pakikitungo at galing sa pananalita ang mga bagay na hinahangaan ng mga taong nakadaupang palad niya. Kung kaya’t noong taong 1985, kinilala siya bilang “Outstanding Teacher” sa buong Distrito ng Pagbilao, na noong taong 2004- 2006 ay ipinagkatiwala sa kanyang pangangasiwa bilang O.I.C Supervisor, noon ang Pagbilao District ay binubuo ng labing anim (16) na Pampublikong Paaralan sa Elementarya. SI MOMMY VENUS AT ANG KANYANG BUHAY PAMILYA Taong 1968 pa lamang ay natagpuan na ni Venus ang kanyang makakaisang dibdib at magiging karamay sa loob ng mahigit limang (5) dekada. Si Romeo “Romar” Portes ay kaklase niya sa Pagbilao Academy. Ang binatang Romar ay nakapagtapos sa Manuel S. Enverga University Foundation Incorporated sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Nagkapalagayang loob ang dalawa at naging malapit sa isa’t-isa. Lumaon ang panahon, napagpasyahan nilang magpakasal. Noon ay nagtuturo pa si Venus sa Bayan ng Heneral Luna, Quezon. Sa kabila ng pakikipagrelasyon niya kay Romar ay tuloy pa rin siya sa paghahanapbuhay. Kahit may pamilya na ay hindi pa rin niya alintana ang paglalakad ng tatlong (3) kilometro habang bumabaybay sa madadamo at maahas na daan para lamang makapagbigay-kaalaman sa kanyang mga estudyante. Habang ginagampanan ang pagiging guro, si Venus ay isang maybahay din. Noong una ay nabiyayaan ang mag-asawa ng dalawang supling, si Rovena at Angelica na isang (1) taon lamang ang pagitan. Ang bagong pamilya ay nagkakasya lamang sa isang maliit na kwarto na pagmamay-ari ng lolo ni Venus. Hindi man 113
ganoon kayaman ang mag-asawa, ay sinikap nilang magpundar ng negosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang maliit na piggery sa likod-bahay. Ang mga kitang nagmumula dito ang binabadyet at iniipon ng mag-asawa para buhayin ang mga anak. Hanggang sa buhay pagpapamilya ay nadala ni Venus ang aral ng salitang sipag at tiyaga. Pinagbuti nilang mag-asawa ang pangenegosyo hanggang sa makaipon ng mas malaking halaga. Ito ay nagamit nila upang magkapagtayo ng maliit ngunit sariling bahay. Kasabay rin nitong lumago ang kanilang piggery na kalaunan ay nadagdagan pa ng isang malaking poultry. Sampung taon mula ng isilang ang pangalawang anak na si Angelica, nasundan pa ng dalawang (2) bunsong babae ang pagsasama ni Romar at Venus, sina Shierre Ann at Katrina. Sa paglaki ng Pamilyang Portes ay sa pagdoble rin ng pagsisikap ng mag-asawa. Napalaki nila nag apat (4) na anak, napag-aral at napagtapos sa isang pribadong paaralan mula Kindergarten hanggang High School, sa Maryhill Academy. Ang tatlo sa apat ay nakapagtapos ng Nursing at ngayon ay may kanya-kanya na rin negosyo. Samantalang ang ikatlo na si Shierre Ann ay nagtapos ng Accountancy at sumabak sa larangan ng serbisyo-publiko. SI MAYORA VENUS AT ANG KANYANG PAGIGING LINGKOD-BAYAN Pagsapit ng taong 1998, sumabak sa eleksyon ang kanyang asawang si Romar, na kumandidato bilang Punong Bayan. Sa unang resulta ng halalan ay hindi pinalad si Romar dahil di umano ay natalo sa bilang ng boto. Ngunit malakas ang kutob nilang may nangyaring mali, kung kaya’t dinala ng mag-asawa ang usapin hanggang sa Korte. Doon na ay napagtibay ang desisyong ang kabiyak ni Venus ay ang totoong Punong Bayan ng Pagbilao. Mula sa pagiging ilaw at haligi ng munting tahanan, ang mag-asawa ay Ama at Ina na rin ng isang buong bayan. Nanungkulan bilang Alkalde si Romar simula noong taong 1998 hanggnag 2007. Hindi nawala sa tabi si Venus sa loob ng maraming taong paninilbihan hanggang sa matapos ang kanyang termino. Taong 2007, napagdesisyunan ng Pamilyang Portes na si Venus ang sumabak sa eleksyon at lumaban sa pagiging Punong Bayan. Dahil sa udyok ng mga taga suporta at dahil sa kilalang-kilala sa buong bayan ang tapat at matinong pamamahala ng pamilyang Portes ay ipinapanalo at inihalal ng mga tao si Venus bilang Alkalde ng Bayan ng Pagbilao hanggang 2010. Bukod sa sarili at sa kanyang sariling pamilya, sinisiguro niyang ang kanyang mga natutunan sa buhay ay magagamit niya upang makapaglingkod at makabigay ng positibong pagbabago sa buhay ng kanyang kababayang PagbilaoWINS. Mag- iwan ng impluwensya at legasiya ang kanyang naging panunungkulan sa anyo ng mga programa, proyekto at serbisyong kanyang inilaan para sa bayan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod; • Pagpapatupad ng Cervical Cancer Screening Program na pangunahing tumutugon sa mga kababaihang posibleng tamaan ng cervical cancer 114
• Paglilipat ng Sanitary Landfill o Tambakan ng Basura mula sa Barangay Bukal hanggang sa Barangay Ibabang Bagumbungan • Pagtatalaga ng Ecological Park na nagsisilbing imbakan ng mga basurang hindi na napapakinabangan • Pagsasakonkreto ng daan mula Barangay Bigo hanggang Barangay Añato; • Inumpisahang pagpapatayo ng 2 – Storey Sentrong Pangkabuhayan Building kapalit ng ng Alvarez Gym upang magsilbing bulwagan ng mga programang magpapalakas sa Livelihood at Opportunity Creation (na ang pagpapatapos ay ipinagpatuloy sa termino nila Mayor Romar at Mayor Shierre Ann.) • Pagpapatayo ng Health Center sa Barangay Antipolo at Pinagbayanan • Paglalagay ng Hanging Bridge sa Barangay Ilayang Palsabangon na hanggang ngayon ay nagsisilbing ligtas na daanan ng mga residenteng tumatawid sa malaking ilog; • Pagtatatag ng Special Education Classes sa bayan ng Pagbilao at tinutukan ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga batang pipi at bingi; • Pagtatatag ng Crisis Intervention Center na sinimulan ni Mayor Romar upang magsilbing shelter ng mga batang palaboy, batang inabuso at mga batang may problema sa batas • Pagprotekta sa karagatan at mga baybayin na nasa hurisdiksyon ng Bayan ng Pagbilao • Pagpapasinaya ng programang Munisipyo sa Barangay kung saan ang mga serbisyo at programa ng Pamahalaang Bayan ay dinadala mismo sa mga barangay upang nag Munisipyo na mismo ang magtungo sa mga tao; at • Pagbibigay ng mga Livelihood Skills Training katulong nag TESDA sa mga kabataan, kababaihan at kalalakihan • Marami pang iba. Sa haba ng panahon, mula sa kanyang pagsilang, sa kanyang paglaki, sa kanyang pag-aaral at paghahanapbuhay, sa kanyang buhay-pamilya at paglilingkod sa bayan – hindi maikakailang kamangha-mangha ang mga pinagdaanang kwento ng isang VENUS PORNOBI DE GUZMAN PORTES. Pinahirapan man siya ng karukhaan sa buhay, pinadapa man siya ng mga problema at tinakot man siya ng mga pagsubok. Ang isang Venus ay nanatiling Masunuring Anak, Mapagkalingang Kapatid, Mahusay na Guro, Maarugang Asawa, Mapagmahal na Ina at Matulunging Punong Bayan. Ang kanyang pag-ahon sa karukhaan, pagtayo ng pagkakadapa at katatagan sa hirap ay bunga ng kanyang mga panalangin at pananampalataya sa Maykapal. Hanggang ngayon, patuloy pa rin niyang ipinapayo na ang paggawa ng kabutihan ay mas mahalaga kaysa sa anumang material na yaman. Walang sawa pa rin niyang 115
ipinangangaral na huwag susuko sa anumang hamon, na makakamit ang pangarap kung may pagsisikap at mananagana ang taong magtitiyaga pa. Lalaon ang araw, ang mga kwentong gaya ng kanyang talambuhay ay patuloy nawang magpaalala sa mga susunod na henerasyon, na ang salitang “Venus” ay nagngangahulugang “Pag-ibig”. Mabuhay tayo alang-alang sa Pag-ibig, para sa pangarap, para sa pamilya, sa bayan at sa Diyos. Talas-Isipan Buuin ang puzzle sa ibaba sa pamamagitan ng gabay na mga salita na makikita sa ibaba. 116
Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang nais ipabatid ng mga katagang isinasaad sa unang bahagi ng talambuhay ni Mayor Venus? 2. Ang kahirapan ba ay hadlang upang maging matagumpay at makamit ang mga pangarap ng isang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Kung sakaling ipinagpatuloy ni Ma’am Venus ang kanyang paglilingkod bilang isang mahusay na pinuno ng mga paaralan, ano pa kaya ang mga pwede niyang gawin upang mas lalong mapaunlad ang sektor ng edukasyon na kanyang pinaglilingkuran? 4. Paano ginampanan ni Mayor Venus ang kanyang pagiging ina, asawa, guro, at punong bayan? 5. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Mayor Venus paano mo gugulin ang iyong panahon, talino at lakas upang mapaglingkuran ang iyong mga kababayan? Pagpapayaman ng Talasalitaan Hanapin ang 15 salita sa loob ng kahon na may kaugnayan sa panunungkulan ni Mayor Shierre Ann bilang Ina ng Bayan ng Pagbilao. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang nahanap na mga salita. 117
KGG. SHIERRE ANN PORTES-PALICPIC PUNONG BAYAN NG PAGBILAO (2013-2016; 2016-2019 AT 2019-2022) ni: Venus G. Portes Pagsasanay: Marife L. Mendoza “…Ako po si Shierre Ann Portes-Palicpic, isang Babae, taglay ang Talino’t lakas, - pangarap ko pong makabuo ng isang napakagandang likhgang ala-ala na sa ‘di malayong bukas ay magkakasama nating sasariwain at pagsasaluhan. …isang Anak, na gamit ang mga karunungan at kabutihang ipinunla ng aking mga ninuno at magulang, pangarap ko pong ipagpatuloy pa ang pag-aalay ng aking sarili para sa kapakanan ng Bayan. …isang Ina, na sa diwa ng Pag-ibig sa Pamilya, pangarap ko pong tiyakin na ang ating tinatamasang kaayusan at kaunlaran ay patuloy na maramdaman ng ating mga anak at ng mga susunod na salinlahi. …ako, na inyong Lingkod, marami pa po tayong papangarapin, sama-sama po natin itong lalakbayin at gagawin. Hahangarin natin ang tagumpay para sa mga PagbilaoWINS, dahil “Kayang kaya basta’t Sama-sama…” -Shierre Ann Portes Palicpic Marahil sa mga katagang ito mababakas ang buod at diwa ng kanyang naging paglalakbay sa nakalipas na mga dekada. Nagsimula ito noong ika -11 ng Hulyo 1980 nang isilang sa s’yudad ng Lucena ang ikatlong anak ng mga dating Punong Bayan, sina Mayor Romeo at Mayora Venus Portes. Ang babaeng sanggol ay pinangalanan nilang Shierre Ann, na sa paglaon ng panahon ay nakatakdang umukit ng mahalaga at ‘di malilimutang bahagi sa kasaysayan ng Pagbilao. 118
Ang batang si Shierre Ann ay nanirahan at lumaki sa Barangay Ikirin Pagbilao, Quezon, sa piling ng kanyang Ina sa isang Guro, Ama na isang negosyante at tatlo (3) pang mga kapatid na babae. Masiglang bata si Shierre Ann, kinakitaan na agad siya ng talino at husay ng kanyang magulang pagdating sa pag-aaral. Mahilig siyang magbasa ng mga artikulo sa mga libro at peryodiko. Nag-aral siya sa Maryhill College Lucena simula elementarya hanggang kolehiyo. Pinangarap ni Shierre Ann na balang araw ay maging isang tanyag na abogado ngunit dahil sa hindi pagpayag ng kanyang Ama na siya ay makipagsapalaran sa Maynila, hindi ito nangyari. Sa halip, nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Nang maging ganap na propesyonal ay nagtayo rin siya ng isang maliit na computer shop sa lungsod ng Lucena. Na kalaunan ay agad din siyang nakapagtrabaho sa Team Energy Corporation bilang isang operataor, clerk at hanggang sa siya ay maging isang Secretary. Noon ay kumuha rin siya ng Master’s Degree in Business Administration. Sa korporasyong iyon niya nakilala at nakasama ang tubong Sampaloc, Quezon na si Engr. Ian T. Palicpic, na naging kabiyak niya. Pinagkalooban si Engr. Ian at Shierre Ann ng isang maayos na pagsasama hanggang sa dumating ang kanilang panganay na si Kian Maximus Portes-Palicpic. Sa impluwensya ng kanyang mga magulang at pagmamahal sa mga mahihirap, pinasok ni Shierre Ann Portes-Palicpic ang mundo ng politika noong 2010, nang siya ay lumaban sa eleksyon at nahalal bilang primera konsehala ng bayan ng Pagbilao hanggang sa taong 2013. Sa panahong ito ay umangat na agad ang kanyang imahe sa Sangguniang Bayan dahil sa pagpapamalas ng kakaibang galing at talino sa pag-akda ng mga batas. Dito ay kinilala siya bilang “Best Performing Lady Legislator” sa buong probinsya. Hindi na bago sa noo’y Konsehal Shierre Ann ang larangan ng serbisyo-publiko. Madalas niyang balikan ang mga panahong siya ay sumasama sa kanyang Ama na dating Punong Bayan para kumausap ng mga taong nahingi ng tulong sa kanilang pamilya gayundin ang pakikinig niya sa mga usapan at transaksyong may kinalaman sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Mula rito, siya ay namulat at naging pamilyar sa usapin ng pamamahala lalo na sa pagbibigay ng tulong sa mga kapos-palad. Kung kaya’t nang magpasyang magretiro sa politika ang kanyang Ama at Ina, si Konsehal Sherrie Ann ang nasa tamang pagkakataon para sundan ang parehong daan ng paglilingkuran sa bayan. Taong 2013, tumakbo at nahalal siya bilang ika-apat na babae at pinakabatang Punong Bayan sa kasaysayan ng Pagbilao sa edad na 32. Sa murang edad ay inilunsad niya ang tatak ng panunungkulan sa katagang “Serbisyong Palicpic; Click at Quick”. Minahal agad ng publiko ang kanyang paninilbihan. Ang kanyang mga ngiti ay agad na pumukaw sa puso ng marami. Naging epektibo ang kanyang mga inihaing plano para sa mga programa, proyekto at aktibidad na nais niyang ipatupad. Kinagiliwan ng mga tao ang kanyang pagiging positibo at masayahin. Malapit siya sa sa publiko anuman ang katatayuan sa buhay. Dahil sa husay sa pagsasalita, madali niyang naipaparating ang kanyang mensahe sa paraang angkop at maiintindihan ng lahat. Mabilis at maayos na serbisyo sa mga tao 119
ang kanyang agad na tinutukan. Bagama’t may komprehensibong mga ideya si Mayoy Shierre Ann Portes-Palicpic, sinubok din siya ng panahon, dahil bata at bago, hinarap niya ang hamon ng oposisyon sa una niyang termino. Talo sa bilang ng mga kakampi sa Sangguniang Bayan ang bagitang Punong-Bayan. Napabagal at nalimitahan ng mga katunggali sa politika ang ilan sa kanyang mga hakbangin. Ngunit sa kabila ng mga ito, naging mas agresibo at mas aktibo si Mayor Shierre Ann sa paghanap ng iba pang legal at epektibong paraan. Hindi niya hinayaang mawala ang kanyang lakas ng loob at pag-asa. Tuloy-tuloy na pumailanlang ang kanyang husay sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lokal. Katunayan ay natanggap niya noong taong 2015 ang isa sa mga pinakamalaking pagkilala na maaaring ibigay sa isang alkalde, ang mapabilang sa “Top 10 Outstanding Mayor of the Philippines” na inisyatibo ng mga pribadong sector sa bansa. Ito ay patunay na bagamat babae, bago at bata ay walang imposible basta may katapatan, husay at malasakit sa bayan. Noong 2016, nawakasan ang unang termino niya. Ngunit dahil sa maigting na adhikaing maipagpatuloy ang magandang direksyong tinatahak ng bayan at sa suporta ng mayorya, muli siyang tumakbo sa halalan para sa kanyang ikalawang termino. Sa puntong ito ay hindi siya iniwan ng taumbayan at muli siyang naglingkod bilang ina ng bayan. Nabigyan pa siya ng mas mahabang panahon para ipatupad ang mga programang nasa ilalim ng kanyang mga pangunahing adbokasiya. Ipinakilala niya sa publiko ang salitang P.O.W.E.R.S na tumutukoy sa mga usaping prayoridad ng kanyang administrasyon; P – Poverty Alleviation thru Agriculture; Sa pamamagitan ng Farm Mechanization Programs, pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga magsasaka at pagpapagawa ng mga Irrigation Canal at Farm to Market Roads ay unti-unti niyang pinalakas ang sector ng agrikultura, na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy at napapakinabangan. O – Opportunity Creation and Livelihood Programs; Dito naman ay mas pinaigting niya ang mga programang nagbibigay ng karagdagang kita at hanapbuhay sa kanyang mga kababayan. Tinutukan din niya ang panghihimok sa mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa bayan, ito ang naging susi upang mas lalong lumakas ang komersyo at kalakalan na nagbunsod upang lumaki ang kita ng Lokal na Pamahalaan at magkaroon ng maraming likhang trabaho sa Pagbilao. W – Wellness, Health and Sanitation; Sa ilalim ng kategoryang ito ay mas binibigyang pansin niya ang pagbuo ng at pag-oorganisa ng mga samahan ng iba’t- ibang sektor. Layunin nitong bigyang boses ang lahat upang makamit ang isang mas progresibong bayan. Sinuportahan niya ang samahan ng mga kababaihan o Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), pati na rin ang samahan ng mga kalalakihan sa bayan ng Pagbilao na tinatawag na Men Opposed Violence Against Women and their Children (MOVE). Maging ang samahan ng mga Senior Citizens, mga Persons with Disability at Kabataan ay lalong binigyang pansin sa kategoryang ito. Samantala, mas lalong nakilala ang kanyang administrasyon sa bisa ng mga 120
programang pangkalusugan na kanyang itinampok para sa publiko. Ilan sa mga ito ay ang Dalaw ni Mayor at ni Doc sa Pamilyang PagbilaoWINS, Pagtatatag ng Sweet- Heart Club para sa mga kababayang may diabetes at sakit sa puso, Cervical Cancer Screening, Mobile Health Clinic Medical Operation and Services, P1KMaternal Care Program, TB Dots Clinic Service, Free Dental Services at marami pang iba. Kasama rin dito ang usaping pangsanidad o ang pagsisigurong ligtas at malinis ang bayan sa pamamagitan ng sistematikong Solid Waste Management o maayos na pangangasiwa sa koleksyon ng mga basura sa Bayan. Ang mabusising pag- inspeksyon sa sanidad ng mga establisyemento ay kanya ring ipinag-utos. Ani Mayor Shierre Ann “In Pagbilao, No One Shall Be Left Behind.” E – Education; Ang pagpapaayos ng mga pasilidad ng mga paaralan, pagkakaloob ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo, libreng pamamahagi ng kagamitan at damit sa mga mag-aaral, pagpapataas ng pondong nakalaan sa sektor ng edukayon at pagbibigay ng scholarship benefits ay pawang mga programa ni Mayor Shierre Ann na epektibong tumutugon sa kategoryang ito. Pinalakas din niya ang ugnayan ng Pamahalaang Lokal at DepEd sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa isa’t- isa partikular sa Local School Board. Isa sa mga pinakapaborito niya ay ang pagbisita sa mga Special Education Classes o SpEd Class, may natatanging pitak sa kanyang puso ang mga munting bata na may espesyal na pangangailangan at kapansanan ngunit pilit na nag-aaral gaya ng isang normal. R – Environmental Management and Protection; Batid ni Mayor Shierre Ann na kinakailangang maipagpatuloy ang mga legasiya at adhikaing ipinatupad mismo ng kanyang Ama. Kaya, ilan sa mga pinaigting niyang programa ay pagprotekta sa karagatan sa pamamagitan ng ng paglalaan ng Fish Sanctuaries sa Pagbilao Bay, ito’y upang mabigyan ng sapat na espasyong pangitlugan ang mga yamang dagat na makapagparami nang malayo sa banta ng mga aktibidad ng tao. Nagtalaga rin siya ng mga Bantay-Dagat na nagpapatrolya sa laot upang siguruhing nananatiling payapa at maayos ang sitwasyon sa karagatan lalo na sa pangingisda. Mas masusi ring pinangangasiwaan ang mga bakawan na pumuprotekta sa mga baybaying dagat. Ang kanyang administrasyon ay aktibong nakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources upang maipatupad ang mga ito ayon sa alituntuning pangkalikasan at kapaligiran. S – Social Welfare, Safety, Peace and Order; Ito naman ay ang mga programa, proyekto at gawaing may kinalaman sa Kagalingang Panlipunan, Pangkaligtasan, Pangkapayapaan at Pangkaayusan. Ang aktibong mobilisasyon ng mga serbisyo sa ilalim ng Municipal Social Welfare and Development Office ay nakapaloob sa usaping ito. Halimbawa ay ang mabisang pagkakaloob ng Hospitalization, Medical, Laboratory, Emergency & Crisis at Funeral Assistance at maging ang pagkalinga ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Social Protection Program. Samantalang ang pagpapaigting sa serbisyo at operasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine National Police ay kanya ring sinuportahan sa pamamagitan ng mga training at paglalaan ng mga bagong sasakyan, pasilidad at kagamitan. 121
Ilan lamang ito sa kanyang mga naging trabaho mula 2016 hanggang 2019. Sa katunayan, natamo niya sa ikalawa niyang termino ay “Seal of Good Local Governance” na itinuturing na pinakamataas na parangal na maaaring ipagkaloob sa Pamahalaang Lokal, pinapangarap ito ng mga bayan. Ito ay tanda na ang isang bayan ay may malinis at epektibong pangangasiwa sa mga usaping may kinalaman sa Financial Management, Disaster Preparedness, Business Friendliness, Education, Historical and Cultural Assets, Environmental Management at iba pa. Sa panahong ito rin naging Finalist si Mayor Shierre Ann sa “Sonia Lorenzo National Award” o ang isa sa pinakamataas na pagkilala sa isang Punong Bayan na may huwarang karakter na dapat tularan ng mga naninilbihan sa gobyerno. Pinasinayaan din niya sa ikalawang termino ang paglulunsad ng bagong katawagang tatatak sa pagkakakilanlan ng kanyang mga kababayan, ang “PagbilaoWINS”, na ibig sabihin ay bayan ng mananalo at laging nagtatagumpay dahil sa paniniwalang Kayang Kaya Basta’t Sama-Sama. Nagkaroon ng malaking epekto sa moral ng kanyang mga kababayan ang ideyang ito. Kung kaya’t malaking hamon man para sa kanya ang pamunuan ang isang bayan na lumalaki ang populasyon at mas nagiging sensitibo sa mga isyung kinakaharap, ay patuloy pa rin niyang naitaas ang antas ng pamumuhay dito. Dahil sa laki ng kanyang napatunayan at sa laki rin ng pagmamahal sa kanya ng mga PagbilaoWINS. Si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ay muling nahalal sa ikatlo at huling termino. Sa panahong ito ay mas lalo siyang naging agresibo sa paglikha at pagbababa ng mga komprehensibong programa para sa bayan. Ang kanyang P.O.W.E.R.S Banner Program ay mas nadagdagan pa at nagging P.O.W.E.R.S ++++, na tumutukoy sa apat na karagdagang prayoridad ng kanyang pamamahala; + Disaster Preparedness; Kung saan mas binigyang pansin ang pagpapalakas ng kaalaman at kahandaan ng mga komunidad, eskwelahan at establisyemento laban sa mga bantang panganib ng panahon at aksidente. + Infrastructure Development; Kabilang dito ang pagpapatayo ng mga Farm to Market Roads, ng bagong tulay at kalsada, silid-aralan at evacuation centers, ng mga bagong Barangay Halls at maging pagpapaganda ng Sentrong Pangkabuhayan Building, Municipal Covered Court at Bahay Pamahalaan. + Tourism; Sa panahon ni Mayor Shierre Ann din bumida ang mga PagbilaoWINS sa larangan ng Turismo, simula sa mga pagpapakulay ng Papag at Bilao Festival, mas pagbuhay sa mga produktong gawang lokal ng mga PagbilaoWINS, hanggang sa aktibong pakikilahok sa mga Arts and Culture Festival lalo sa Streetdancing Competition na ilang ulit nananalo at kinabiliban sa Niyogniyugan Festival at nakasungkit ng ika-apat na pwesto sa National Streetdancing Competition. + Citizens Participation & Transparency; Itinuturing ni Mayor Shierre Ann na ang aktibong pakikisangkot ng taumbayan sa mga plano at pagdedesisyon ng Pamahalaan ay susi sa malinis na pamamahala. Dito ay mas nagkaroon ng 122
pagkakataon ang mga Accredited Civic Society Organization na magkaroon ng boses sa loob ng mga pinakamahalagang lupon sa Bayan gaya ng Local Development Council, Municipal Peace and Order Council, Municipal Health Board, maging sa pagbubuo ng Executive-Legislative Agenda, Comprehensive Land Use Plan at Long Term Development Plan. Mas pinasigla din ang mga organisasyon para sa mga Solo Parent, LGBTQ+, 4H Club at iba pa. Naging matiyaga at masusi rin ang administrasyon niya sa paggasta ng buwis ng taumbayan, sinisiguro niyang dumaan sa tama at legal na mga proseso ang mga ito bago ipatupad. Bukod sa mga nauna nang naging proyekto at programa, kinahangaan lalo si Mayor Shierre Ann hindi lamang sa Pagbilao kundi maging ng iba pang mga lugar dahil sa mga sumusunod; • Pamimigay ng tig-iisang Rescue Vehicles/Patrol Cars sa lahat ng 27 Barangay sa Pagbilao, kauna-unahang pangyayari ito sa buong lalawigan ng Quezon. • Pagpapalagay ng Solar-Powered Lights sa kahabaan ng Maharlika Highway at iba pang mga pangunahing daan sa Pagbilao. • Pagpapatayo ng AA Standard at modernong Slaughterhouse o katayan ng mga kinakarneng hayop gaya ng baboy at baka. • Pagtatayo ng New Public Cemetery upang ibsan ang mga napupunong lumang himlayan sa Pagbilao. • Pagtatayo ng 24/7 CCTV Command Center na nangunguna sa pagbabantay ng sitwasyon sa buong bayan gamit ang mga Camera na may Public Address System, masasabi na sa ngayon, ang bayan ng Pagbilao ay ang may pinakamodernong pasilidad at kagamitang nabanggit sa buong lalawigan. • Kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Quezon na nakapag-akda ng Covid-19 Recovery and Resiliency Plan. • Pamamahagi ng Libreng Grocery Items, Bigas, Hygiene Kits, Pocket Wifi/Internet Modem, Pera atbp. • Pamamahagi ng halos isang libong libreng bisikleta sa mga mahihirap na pamilya at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19; • At marami pang iba…. Simula taong 2019 hanggang 2021 ay muling nakatanggap si Mayor Shierre Ann Portes Palicpic at ang bayan ng Pagbilao ng mga pinakamatataas na pagkilala sa larangan ng pamamahala. Siya ay tinaguriang “Outstanding Mayor of the Philippines in the Field of Social Services” na ipinagkaloob ng samahan ng mga Social Welfare Officers sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng D.S.W.D. Ito ay patunay na ang kanyang mga sakripisyo at husay bilang Punong Bayan ay napapansin at kinikilala ng buong bansa. Sa panahon ding ito kinilala ang Pagbilao bilang ika-9 sa Most Improved Municipalities in the Philippines at ika-8 sa Year-on- Year Growth in Locally Sourced Revenues in the Philippines. Ang dalawang pagkilalang ito ay nauukol naman sa mabilis na pag-unlad at pagyabong ng Pagbilao sa konteksto ng pamumuhunan at ekonomiya. Tunay ngang nagbubunga ang mga komprehensibong programang nailunsad niya sa bayan ng Pagbilao sa loob ng halos 123
walong taon. Pinagtitibay ito ng mga pagkilalang iginagawad sa ilalaim ng kanyang administrasyon. Marami pang pagkilala ang natamo ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at ng Bayan ng Pagbilao. Wala siyang sinayang na oras. Ibinuhos niya ang kanyang lakas para abutin ang mga maliliit at malalayo niyang kababayan. Inilaan niya ang kanyang husay at kakayahan para magbalangkas ng mga programang tunay na tutugon at magpapaangat sa buhay ng iba. Pinakinggan niya ang mga daing ng taumbayan, mula sa mga nakatatanda, kababaihan, kabataan, kalalakihan, may kapansanan, mga mahihirap at maging mga may kaya sa buhay, mga mangingisda at magsasaka, mga samahang panrelihiyon, mga propesyonal, mga negosyante, mga empleyado at lalo’t higit ay ang mga Pamilyang PagbilaoWINS. Ginugol niya ang kanyang pagiging kabataan at pagiging lingkod-bayan sa paraang siya ay pinapamayanihan ng malasakit, katapatan, tapang, sigla at paninindigan tungo sa kaunlaran. Ani ng isang kabataan, “Si Mayor Shierre Ann ay walang pinipiling edad. Nakita namin sa kanyang “passion” sa pamumuno. Tinuruan niya kami kung papaano maging lider sa maayos at tamang pagsasakatuparan ng aming mga gawain. Ipinakita niya ang mga nararapat gawin. Siya ang Mayor na hindi lamang maituturing na pinuno kundi isang Nanay at Kaibigan na laging handa at nariyan para sa mga nangangailangan.” Hindi man naging ganoon kadali ang kanyang mga dinaanang karanasan at sitwasyon. Hindi maitatangging si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ay nagmarka hindi lamang sa kasaysayang politikal ng Pagbilao, kundi higit, ay sa puso at ala-ala ng kanyang mga pinaglingkuran. Isang tunay na PagbilaWIN, na nagwagi ng tiwala, respeto at paghanga ng kanyang mga kababayan. Isang inspirasyon at huwaran, upang patuloy na makintal sa isip ng marami, na ang Tagumpay ay hindi lamang para sa iilan, ito’y nakalaan para sa lahat sa pamamagitan ng pag-aalay ng pinakamabisang taglay na talino, panahon at kabutihan na maiaambag hindi lamang para sa kapakanan ng sarili kundi para sa kapakinabangan ng iba. 124
Talas-Isipan Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng gabay na mga salita na makikita sa ibaba. 125
Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang magandang adhikaing nagbunsod kay Mayor Shierre Ann upang pillin ang manilbihan sa kanyang mga kababayan? 2. Ano ang naging epekto kay Mayor Shierre Ann sa pagiging lingkod- bayan ng kanyang mga magulang? 3. Sa iyong palagay, ano ang kabutihang maidudulot ng pagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga naiambag mo sa ating lipunan? 4. Ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap na “Si Mayor Shierre Ann ay walang pinipiling edad. Nakita namin sa kanya ang “passion” sa pamumuno. Ipaliwanag ang iyong sagot. 5. Bakit hindi naging madali ang mga dinaanang karanasan at sitwasyon sa kanyang paninilbihan sa Bayan ng Pagbilao? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. centenario - __________________________________________ 2. kantora-__________________________________________ 3. paglalala -_________________________________________ 4. vegetarian –____________________________________ 5. scrabble -____________________________________________ Teodora Pornillosa Lusterio (Pinakamatandang Tao na Nabubuhay sa Bayan ng Pagbilao Taong 2021) ni: Leah M. Roperez Alam mo ba na sa ating bayan ay mayroon pa ring nabubuhay na tao na mahigit na sa sandaang taon (100) walang karamdaman at may malusog na pag- 126
iisip at pangangatawan. Gusto nyo bang makilala kung sino siya? Halina at ating sulyapan ang kuwento ng buhay ni Teodora Pornillosa Lusterio. Isinilang siya noong Abril 1, 1917 sa sa bayan ng Pagbilao, lalawigan ng Quezon. Ang kanyang mga magulang ay sina Eugenio Pornillosa isang musikero at Feliciana Encenarez isang ulirang maybahay. Siya ay ikalawa sa sampung (10) magkakapatid at nabibilang sa pamilya ng musikero. Sina Moises (namayapa na) ay miyembro ng isang musiko, Teodora (104), Margarita (namayapa na), Gerarda (namayapa na) isang kantora o mang-aawit ng simbahan, Casiano (namayapa na) isang municipal treasurer sa ating bayan, Julio, (namayapa na) isang piyanista, Guillermo (namayapa na), Benilda isang retiradong midwife sa ating bayan, Emiliana at Elena (namayapa na). Nagtapos siya ng elementarya noong taong 1928 sa Pagbilao Elementary School. Ayon sa kanya, hindi siya nakapag-aral ng sekundarya dahil ang paaralan para dito ay nasa Tayabas (Kapital ng Quezon Province) at kailangang maglakad upang makarating doon sapagkat wala pang pampublikong sasakyan noong panahong iyon. Tumulong siya sa pagtatahi at paglalala ng mga banig, bayong at basket sa kanyang ina. Naging magkukulot at maggugupit ng buhok na kung saan ay nagpatayo siya ng sariling beauty parlor noong siya ay magkaasawa. Isa rin siyang businesswoman. Nagtayo din silang mag-asawa ng dry goods store pagkatapos ng World War II. Ikinasal siya noong 1943 kay Igmedio E. Lusterio isang dentista at balo. Ang unang naging anak nila ay si Napoleon P. Lusterio (Hulyo 28, 1945), isang Certified Public Accountant at guro sa Sacred Heart College. Naglingkod bilang isang Dekano ng College of Accountancy/College of Computer Science. Naging Municipal Councilor noong 1981-1992. Pangalawa naman si Ricardo P. Lusterio (Setyembre 29, 1948), isa ding CPA at kasalukuyang naninirahan sa Australia. Ipinagdiwang niya ang kanyang ika-100 taong kaarawan sa Tropical Garden Hall noong 2017. Binigyan din siya ng Katibayan ng Pagpapahalaga bilang natatanging indibidwal na kinikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon alinsunod sa Batas Republika Blg. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016” noong ika-24 ng Nobyembre 2018. Noong panahon ng mga Hapones ay nagtago sila sa Brgy. Bagumbungan kasama ang kanyang mga kamag-anak. Ipinanganak niya ang panganay na anak sa bahay na yari sa pawid ni Amamang Mateo at Inanang Andang. Binigyan ng bahay ang mag-asawa ni Mateo Lusterio galing sa Palsabangon at iniuwi sa bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng bayanihan. Ang kasalukuyang tirahan ay itinayo noong 1952 na siyang ginawang klinika ng kanyang asawa bilang dentista. Ang kaniyang asawa ay mayroong dalang anak sa unang asawa, sina Sonia isang guro na ipinanganak noong 1940, at Ernesto isang dentista na ipinanganak noong 1942. Si Teodora ay relihiyosang tao at mabuting ina. Sa katunayan siya ay dumadalo sa daily prayer at Sunday mass. Gayundin tinuturuan niyang magdasal at 127
sumimba ang kanilang mga anak. Hindi siya marunong magalit, at higit sa lahat ay may matalas na memorya. Ang paborito niyang libangan ay maglaro ng crossword puzzle, scrabble, pagbabasa ng bibliya, aklat at dyaryo. Isa siyang vegetarian at gulay ang paborito niyang pagkain. Wala rin siyang iniindang sakit at hanggang sa kasalukuyan ay malinaw pa ang kanyang mga mata. Sagutin ang mga tanong 1. Sino ang pinakamatandang taong nabubuhay sa bayan ng Pagbilao sa kasalukuyan? 2. Ano ang ibinibigay ng pamahalaan sa mamayang nakarating sa ika-100 taon ng kanyang kaarawan? 3. Ano-ano ang kanyang magagandang katangian bilang anak? asawa? ina? 4. Paano ni Teodora napanatili ang malusog na katawan, mahabang buhay at matalas na memorya? 5. Sa iyong palagay bakit marami sa panahon ngayon ang nagkakaroon ng malubhang karamdaman na humahantong sa paghihirap at maagang kamatayan? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. pamamahayag 2. teatro 3. copy writer 4. production assistant 5. Gawad Urian Awards 128
Gil Merluza Portes (Setyembre 13, 1945 - Mayo 24, 2017) Ni: Marife L. Mendoza Adapted from https://www.pep.ph/news/67081/veteran-film-director-gil-portesdies-at-71 Si Gil Merluza Portes ay ipinanganak noong Setyembre 13, 1945 sa bayan ng Pagbilao lalawigan ng Quezon. Siya ay isang direktor ng pelikulang Pilipino, tagagawa ng pelikula at tagasulat ng iskrin. Naging tanyag na direktor at manunulat ng “Mga munting tinig (2002), The Kite (1999) at Two Funerals (2010). Nakilala siya Mga munting tinig (2002), The Kite (1999) and Two Funerals (2010). Kinuha ni Gil Portes ang kanyang pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila, Pilipinas at tumanggap ng Master's degree sa teatro mula sa Brooklyn College, Brooklyn, New York. Noong kanyang kabataan, nagtrabaho siya bilang copywriter sa top advertising firms na AMA, J. Romero & Associates, at Westinghouse. Noong 1968 ay natanggap siya bilang production assistant sa dating ABS- CBN. Noon namang 1969 ay lumipad siya sa Amerika para mag-aral doon. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1972 at nagtrabaho bilang producer-director sa ABS-CBN. Ang una niyang proyekto ay ang horror anthology na Limbo. Ngunit sa kalagitnaan ng pagti-taping para sa unang episode, idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law. Noong 1973 ay nagtungo siya sa United Kingdom para sa 10-month training program sa BBC British Broadcasting Corporation (BBC). Nang bumalik siya sa Pilipinas noong 1974 ay nagtrabaho siya bilang producer-director sa PTV4, kung saan niya ginawa ang drama anthology na Huwaran. Noong 1976, ginawa ni Direk Gil ang kanyang unang pelikula, ang Tiket Mama! Tiket Ale! Sa Linggo ang Bola, na tumalakay sa mga taong nangangarap manalo sa sweepstakes. 129
Ang kanyang drama film, Saranggola (1999), ay nanalo ng iba`t ibang mga parangal sa Metro Manila Film Festival, kasama na ang Best Picture at Best Actor. Ipinasok din ito sa 21st Moscow International Film Festival. Ang kanyang drama film, Maliit na Boses (2002), ay itinuturing na isang obra maestra sa sinehan ng Filipino at nagwagi ng labing-isang mga parangal at hinirang para sa labing-isang iba pang mga parangal kabilang ang Gawad Urian Awards. Tatlo sa mga pelikula niya ang naging entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards: Saranggola (1999), Gatas sa Dibdib ng Kaaway (2001), at Mga Munting Tinig (2002). Narito ang ilan sa kanyang mga naiambag sa larangan ng pelikulang Pilipino: Tiket Mama, Tiket Ale 1976, Sa Piling ng Mga Sugapa 1977, Kukulog, Kikidlat Sa Tanghaling Tapat 1978, Pabonggahan (dokumentaryo) 1979, Miss X 1980, Gustong gusto! Mga asawa 1980, High School Scandal 1981, Carnival Queen 1981, Pusong Uhaw 1982, Iiyak Ka Rin 1983, Gabi Kung Sumikat Ang Araw 1983, Never Say Paalam 1983, Merika 1984, Bukas, May Pangarap 1984, Mga Ibon ng Pahamak 1988, Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? 1990, Klase ng '91 1991, Kailan Dalawa Ang Mahal? 1993, Minsan May Pangarap: The Guce Family Story 1995, Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso 1996, Puerto Princesa 1997, Miguel / Michelle 1998, Saranggola [Kite] 1999, Markova: Komportableng Bakla 2000, I.D. 2001, Sa Bosom ng Kaaway 2001, Huwag Kang Kikibo 2001, Mga Munting Tinig 2002, Pauwi na 2003, Magandang buhay 2004, Si Mateo, Marcos, Luke at Juan 2005, Ang Mga Nagdidiwang Babae 2006, Barcelona 2006, Pitik Bulag 2009, Dalawang Libing 2010, Bayang Magiliw 2013, Sinungaling 2013, Ang Tag-Araw ni Twinkle 2013, Hukluban 2014, Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli 2016, Moonlight Over Baler 2017. Noong 1990 siya ang nanalo sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Andrea, Paano Ba ang Maging Isang Ina? bilang Pinakamahusay na Direktor, Pinakamahusay na Orihinal na Kwento (kasama si Ricky Lee), at Pinakamahusay na Screenplay (kasama si Ricky Lee). Siya rin ang nagdirek ng Markova: Comfort Gay (2000), na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy at mga anak na sina Epy Quizon at Eric Quizon. Ang mga huling natapos niyang pelikula ay ang period films na Hermano Puli (2016) at Moonlight Over Baler (2017). Namatay siya sa Quezon City noong Mayo 24, 2017 sa edad na 71. 130
Sagutin ang mga tanong 1. Sino si Gil Meluza Portes? 2. Ilang paraangal ang kanyang natanggap sa larangan ng pelikula 3. Ano-ano ang mga nagawa niya upang maipagmalaki ng mga Pagbilawin? 4. Kung nais mong maging kagaya ni Direktor Gil Portes ano ang dapat mong gawin? 5. Paano mo maipakikita ang pagmamahal at pagtangkilik sa mga taong malaki ang naging kontribusyon upang makikilala at maging tanyag ang ating bayan? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. 1. kompositor 2. orchestra 3. ancestral house 4. trahedya 5. musikero Pepito \"Pepe\" MERTO March 5 1922 - Dec 4,1981 (Source: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Pepe_Merto) Adapted from https://www.discogs.com/artist/4621887-Pepe-Merto Intenational na kilalang musikero pagkatapos ng digmaan, kompositor, pinuno ng banda mula sa Pagbilao, Quezon. Siya ay kilala sa tawag bilang “Pepe” subalit ang kanyang mga inana at tiya ay Pepito ang tawag sa kanya. Maraming taon ang kanyang ginugol sa Japan at 131
noon umuwi siya sa bansa ay nanatili sa Pagbilao, hindi nagtagal ay lumipat na ng Biñan, Laguna upang doon na manirahan. Mayroon siyang regular na palabas sa Bodega, isang club malapit sa simbahan ng Sto. Domingo sa Manila. Dinala din niya ang kanyang orchestra upang malibang ang mga kalalakihan sa US Navy Sangley Point sa Cavite. Inayos ni Pepe ang karamihan ng kanyang musika pagkatapos ng banda ni Stan Kenton. Sinusuklay nya rin ang kanyang buhok kagaya ng ginagawa ni Kenton. Nagbigay siya ng napakaraming libangan sa maraming mga mandaragat. Lahat ng kanyang mga recordings mula sa Merto ancestral house ay nasunog kasama ng lumang bahay. Isang malupit na trahedya ang dumating sa kanya. Namatay siya roon habang nagtatanghal. Nakasama niya sa pagtatanghal si Pilita Corales at Bayani Casimero. Ang kanyang pinakahuling pahinga ay sa Biñan Laguna. Sagutin ang mga tanong 1. Sino si Pepe Merto? 2. Ano ang mahalang kontribusyon na kanyang nagawa upang ipagmalaki ng mga Pagbilawin? 3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga bagay na kanyang ginawa? Paunlarin ang Talasalitaan: Basahin at alamin ang kahulugan ng bawat salita. Gamitin ito sa iyong sariling pangungusap. 1. screen name 2. dekada 3. cardiac arrest Leandro Delantar-Alvarez (March 23, 1950 – February 11, 2014) ni: Marife L. Mendoza Adapted from https://news.abs-cbn.com/entertainment/02/11/14/actor-roy-alvarez-dies-63 132
Mas kilala sa kanyang screen name na Roy Alvarez. Isang Filipino actor, director at tagasulat ng pelikula para sa pelikula, telebisyon at teatro sa Pilipinas. Sumikat siya noong dekada 80. Ipinangangak siya noong Marso 23, 1950 sa Pagbilao, Quezon bilang si Leandro Delantar Alvarez. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce sa University of Sto. Tomas Manila. Siya ay nanirahan din sa United States of America. Siya ay naging isang lector at tagapagsalita din ng Conciousness Development Inner and Outer Ecology, Healing Mother Earth and Zero Waste Management. Noong Marso 1989 ay nilagdaan niya ang isang eight-picture deal para maging bida sa pelikulang Imortal ng Viva Films kasama sina Vilma Santos at Christopher de Leon. Gayunpaman huli na ng ayawan niya ang nasabing pelikula. Ikinasal siya kay Nieves Campa. Naging anak nila si Miren Alvarez na naging asawa ni Paolo Fabregas ang anak na lalaki ng kapwa niya actor na si Jaime Fabregas. Namatay siya noong February 11, 2014 dahil sa cardiac arrest isang buwan bago sumapit ang ika-64 niyang kaarawan. Naiwan niya ang kanyang asawa na si Nieves Campa-Alvarez at Miren Alvarez-Fabregas. Sagutin ang mga tanong 1. Sino si Leandro Delantar Alvarez? 2. Kailan siya ipinanganak? 3. Sino-sino ang mga artistang nakasama niya sa pelikula at telebisyon? 4. Sino ang kanyang naging maybahay? 5. Ano ang kanyang ikinamatay? 6. Kung ikaw ang tatanungin, nais mo rin bang maging isang artista? 7. Ipaliwanag ang iyong sagot. 133
A Africa – ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya alamang - isang espesye ng mga maliliit na hipon apog - isang mineral na gamit sa paglilinang ng sakahang lupa. Bago maging panghalo sa lupa, nagmumula ito sa pinulbos na mga batong-apog o kaya mula sa tisa B bahay pagi – isang anyong tubig na hugis buntot ng pagi na may talon at malalim na ilog barracks - isang gusaling ipinatayo upang may matirahan ang mga sundalo. biyahero – manlalakbay Bundok Banahaw – isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na \"extinct volcano\" C cancer - kilala sa pagamutan bilang malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na- regulang paglago ng sihay. D digmaan – isang palitan at marahas ng paglalapat ng lakas sa pagitan ng magkalabang pampolitika na entidad na naglalayong matamo ang minimithing huling kondisyong pampolitika sa pamamagitan ng sandatahaang sagupaan. determinasyon – tumutukoy sa pagsisikap natin na makamit ang isang bagay. dextrose – isang simpleng asukal na kimikal na magkapareho sa glucose, o asukal sa dugo. E ecosystem - isang komunidad ng mga buhay na organismo at di-buhay na bagay sa kanilang kapaligiran (mga bagay tulad ng hangin, tubig at lupang mineral) na nakikipag-ugnayan sa isa’t-sa bilang isang sistema eksklusibo - tumutukoy sa estado o kwalipikasyon ng isang bagay, Ito ay madalas na limitado lamang sa iilang tao endemic - katutubo 134
G gata – katas mula sa ikalawang piga ng kinudkod na laman ng magulang na niyog at ginagamit bilang sangkap sa iba’t ibang pagkaing Filipino. Kakanggata ang tawag sa katas ng unang piga niyog. gobernadorcillo – Sila ay ang mga pinuno ng isang bayan noong panahon ng kastila at tinatawag na maliit na gobernador. H hibasanan - isang uri at tawag ng pangunguha ng mga lamang dagat tuwing hibas (low tide) hugis crescent – hugis ng kalahating buwan I imahinasyon – kakayahan ng isip na bumuo ng mga imahen o konsepto ng mga panlabas na bagay na hindi umiiral o hindi totoo; kakayahan ng isip na bumuo ng mga larawan ng anumang hindi pa nararanasan; o kakayahan ng isip na bumuo ng mga bagong imahen o idea sa pamamagitan ng pagdugtong- dugtong ng mga dáting naranasan J jet ski – maliit na makina tulad ng isang motorsiklo na pinapatakbo ng isang makina ng jet at maaaring maglakbay sa ibabaw ng tubig K kaakit-akit – kahanga-hanga kapitan del baryo – kapitan ng barangay karst – isang topographiya na nabuo mula sa paglusaw ng mga matutunaw na bato tulad ng limestone, dolomite, at dyipsum kasaysayan - ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng \"heolohikang kasaysayan ng daigdig\" kopra - pinatuyong karne o kernel ng niyog, na bunga ng coconut palm L latian – isang lugar na mababa at matubig kung saan ang lupa ay malambot likido – isa sa mga pangunahing anyo ng materya. Ito ay isang fluid na may mga particle na maluwag. Ang ibabaw ay isang free surface kung saan ang mga likido na ito ay hindi napipilitan sa pamamagitan ng isang lalagyan. M makasaysayan - naglalarawan ng isang bagay na mahalaga o sandali sa 135
kasaysayan Mangrove forest – pangkat ng mga puno at palumpong na nakatira sa baybayin na intertidal zone mosaic - isang sining ng pagdidikit-dikit ng makukulay na piyesa ng salamin, bato, o ibang kagamitan N naeenganyo - nakakaakit o nakakapanghimok nagbuwis ng buhay – inalay ang buhay para sa iba, isinikripisyo ang buhay O okasyon – ang pagdiriwang ng isang mahalagang araw tulad na lang ng pasko P Pagbilao – itinatag noong 1925, may 295 taon at nabibilang sa unang uri ng munisipalidad sa lalawigan ng Quezon, na nagmula sa salitang “Papag at Bilao”. pagmamalabis - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay at pangyayar pagsisid – isang uri ng gawain sa ilalim ng tubig kung saan ang isang maninisid makahinga sa ilalim ng tubig ay gumagamit ng pangkat ng kasangkapang eskuba (scuba set) upang planta – isang uri ng istruktura na kadalasang may kinalaman sa paggawa ng mga produkto. poblacion – sentro ng isang lugar Pransiskano - tumutukoy sa mga kasapi ng orderong relihiyoso na sumusunod sa alituntunin na tinatawag na \"Alituntunin ni San Francisco. pueblo - salitang Espanol para sa maliit na bayan Q Quezon National Forest Park – protektadong lugar sa Pilipinas na sumasaklaw sa mga munisipalidad ng Pagbilao, Padre Burgos at Atimonan sa lalawigan ng Quezon R Rhizophora Mangle – kabilang sa pamilyang tropical o subtropical na mga bulaklak na halaman rebolusyon – ito ay ang pagaalsa o pagprotesta ng isang tao o grupo ng mamamyan laban sa isang pamahalaan S sandbar – tinatawag din itong Offshore Bar na nakalubog o baghagyang 136
nakalantad na taluktok ng buhangin o magaspang na sediment na itinayo ng mga alon sa dalampasigan sa isang beach sintas – isang uri ng paglalala gamit ang dahon ng buli na ginagawang hanapbuhay ng mga sinaunang tao at maging sa kasalukuyan Sta. Catalina de Alexandria – Patron ng bayan ng Pagbilao, ayon sa tradisyon, isang santo at birhem mh Kristiyano na martir noong unang bahagi ng ika-4 na siglo sa mga kamay ng emperador na si Maxenitius T tagaktak – mabilis na pagpatak ng pawis Tayabas bay – isang malaking bay sa katimugang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas tinyente de baryo – kapitan ng barangay turista – ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan at dumadayo sa ibang lugar V virgin forest – isang kagubatan na nasa natural na estado, bago pa ito masaliksik o pagsamantalahan ng mga tao ang nga bagay na nakatanim dito Z zigzag road – isa sa pinakamapanganib na daanan sa buong bansa dahil sa paliko-likong nitong daan 137
Aklat ng Pagbilao https://www.pilipinas.bid/2019/11/espanyol.html ceanservice.noaa.gov/facts/mangroves.html https://www.discogs.com/artist/4621887-Pepe-Merto https://brainly.ph/question/411534 https://diksyunaryo.net https://en.wikipedia.org/wiki/Rhizophoraceae http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Pepe_Merto https://pilipinas.bid/2019/09/gata.html https://tl.lifehealthdoctor.com/dextrose-20023 https://tl.wikipedia.org/wiki/Bundok_Banahaw https://tl.wikipedia.org/wiki/Digmaan https://tl.wikipedia.org/wiki/Ekosistema https://tl.wikiazpedia.com/647755-gil-portes-OGPLQH https://tl.wikipedia.org/wiki/Kanser https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan https://tl.wikipedia.org/wiki/Likido https://tl.wikipedia.org https//www.pagbilaogov.com, Georaphical Physical Characteristics https://www.pep.ph/news/67081/veteran-film-director-gil-portesdies-at-71 138
https://www.tagalogang.com_byahe https://www.tagaloglang.com/imahinasyon/ https://www.teamenergy.ph/pagbilao-power-plant/profile/ 139
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146