Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore flip

flip

Published by ALDWIN FLORES, 2023-06-30 03:11:19

Description: Copy of Playful Kids Book Cover

Search

Read the Text Version

Napag-uugnay angsanhi at bungang mga pangyayari(F6PB-IIIb-6.2) Nakapagbibigay nglagom o buod ng tekstong napakinggan(F6PN-IIIe-23) Copyright Page

“Wala sa laki o liit ang pagtulong, kung alam mo sa sarili mo na kaya mong makatulong ay gawin mo na bukal sa iyong kalooban at hindi para magmayabang.” Basahin ninyo ang kwento ng isang batang si Ben na sa kabila ng kapansanan ay nagawa pa ring makatulong sa mga taong nangangailangan.

Araw ng Lunes, maagang bumangon sa higaan si Ben. Tumutulong muna siya sa kanyang ina sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan. Hindi pa nagsisimula ang klase kaya nag pasyasi Ben na doon na muna sa ilalim ng puno ng mangga maghintay habang magbabasa ng aklat. Dumaanang dalawang kaklase nito na maaga ring pumasok.

“Unano! Unano!”, sigaw ni Allan. Hoy, unano!”, pang-aasar ni Jose sabay bato kay Ben. Hindi na pinansin ni Ben ang mapang-asar na mga kaklase. Umalis na nagtatawanan ang dalawa habang napaiyak na lamang si Ben dahil nasaktan ito.

Ring… Ring…. Ring… Biglang tumunog ang bell ng paaralan na hudyat nang pagsisimula ng klase. Nagtakbuhan papasok ang mga bata sa kani-kanilang mga klasrum. Dahan-dahang niligpit ni Benang kanyang mga aklat, pinunasan ang mga luha at pumasok na sasilid-aralan.

“Jose Alcantara…. Allan Boromeo….. Ben Dimaculangan”, pagtatawag ng guro sa mga bata. “Ben Dimaculangan”, ulit na tawag ngguro ng walangsumagot. Alam ng guro nani minsan ay hindi lumilibano nahuhuli saklase si Ben. Kaya napahinto siyasa pagtawag ng mga pangalan at tinanong ang mga katabi ni Bensa upuan. “Allan, Jose nasaan ba si Ben?”, nagtatakang tanong ni Gng. Santos.

“Mam nakitapo namin ni Allan sa labas naroon sa maylilim ng punong mangga umiiyak po yata yon”,tugon ni Jose. “Bakit anoba ang nangyarisa kanya?”, nag-aalalang tanong ng guro.

“Magandang umaga po Gng. Santos!”, bati ng tinig na galing sa pintuan. “Magandang umaga naman Ben”, tugon ng guro na natuwang nakita ito. “Halika pumasok at maupo ka”, anyaya ni Gng. Santos. “Iyakin”, pabulong na wika ni Allan ng madaanansiya ni Ben. “Anong nangyari sayo, bakit kaumiiyak?”, tanong ngguro. “Wala po Mam, naiyak lamang po ako dun sa kwentong binabasa ko po kanina”, magalang niyang tugon.

Ah ganoon ba? akala ko may umaway na naman sa iyosa labas”, dagdag ng guro. Hindi nalang sinabi ni Ben ang totoo dahil ayaw niyang mapagalitan ang mga kaklase at siya naman ang pagbubuntunan ng galit ng mga ito.

“Unano”, mabuti naman at hindi ka nagsumbong”, pabulong na wika niAllan. Natapos na ang klase. Labasan na at nagpaalam na ang guro sa mga bata. Nagpaunahan silang lumabas sa pinto. Dahan-dahang papalabas na si Ben nang may biglang tumulak sa kanya.

“Ay, sori!”, nang-iinis na wika ni Jose. “Paharang-harang kasisa daanan, ayan tuloy”,dagdag pa ni Allan. “Dahan-dahan kasi kayo at tumingin kayo sa daanan”, kalmadong sabi ni Ben. “Hoy! Tumingin naman kayo sa dinadaanan niyo ng di kayo makabangga ng iba”, sigaw ni Martha na kaibigan ni Ben.

“Alam ko namang sinasadya nila na banggain ka para ikaw ay madapa”, inis na sabi ng kaibigan. “Bakit nakita mo?”, pagsisiguradong tanong ni Jose. “Huwag mo nang patulan Martha”, pigil ni Ben. “Halika at tulungan na kitang tumayo”, sabi niIsabel. “Salamat”, sambit ni Ben.

Sa bawat araw na dumadaan ay ganoon nalang palagi nainaasar nila si Ben dahil sa kanyang pagiging unano. Ipinanganak si Ben na hindi katulad ng mga ibang bata, maliit ang kanyang mga paa at mga kamay kaya tinatawag siyang unano ng mga ito.

Habang naglulutong ulam siAling Martha aysaka namang pagdating ng asawa nito. Naamoy na niyaang nilulutong ulam habang nasa labas pa ito. “Mukhang abala yata ang aking mag- ina”, biglang wikani Mang Bertona nasa pintuan na.

“Tay!”, masayang salubong ni Ben. “Alam ko kung ano angniluluto niyo?”, nagkatinginan ang mag-ama ng sinasabi ito. “Pinakbet”, sabay na sabi ng mag-ama. “Haynaku! Sabay patalaga kayo”, natawang wika ng ina.“Maluluto na ito sige na at magpalit kana ng damit ”, dagdag pa niya.

“Tamang-tama nay ito ang paborito naming gulay ni tatay ang pinakbet”, masayang wika ng anak. “Nay, ihahanda ko na po ba ang mesa?”, tanong ng anak na gustong- gusto ng matikman ang luto ng ina. “Oo sige anak at nang makapaghapunan na tayo”, tugon ng ina.

“Anak may pasalubong ako sayo”,sabi ng ama na may dinukotsa bag. “Ano po‘yon tay?”, excited na tanong ni Ben. “Tsarannnnn”, sabay pakita sa pasalubong. “Wow! Fried chicken, Tay paborito ko din po yan!”, masayang wika ng anak.

“Alam ko kaya nga ng may nakita akong nagbebenta sa kalsada nong pauwi ako ay naalala agad kita kaya bumili ako kaso isang piraso lang”, kwento ng ama. “Salamat po tatay!”, sabay 'akap sa ama.

“Halina nga kayo at kumain na tayo”, sabi ni Aling Martha. “Nay, tay hati-hati na potayo dito sa pritong manok”, sabini Ben. “Huwag na anak, para sayo talaga yan. Alam kong matutuwa ka kayang may natira pa sa pera ko ay bumilina ako”, sabi ni Mang Berto.

“Sige nanay, tay”, pagpupumilit ni Ben na hinatian ang mgamagulang. “Hayaan mo anak sa Sabado ay sahod ng tatay, bibili tayong manok para lutuin ni nanay para sa ulam natin”, sabi ng ama.

Masayang nagkuwentuhan ang pamilya habang kumakain. Pagkatapos kumain ay tumulong na sa pagliligpit ng pinagkainan si Ben at naghugas ng mga plato. Mabait, matulungin, magalang, masipag at kahit maliit na bata ay matapang din si Ben.

Araw ng Martes papasok na sana si Ben ng may narinig siya sa daan. “Aray…” sigaw ng matanda. “Sino ‘yon?”,tanong ni Ben sa sarili at hinanap kung saan galing ang boses. “Tulong, tulungan mo ako iho”, sabi ng matanda nang makita si Ben.

Nadulas sa may bangin ang matanda habang naghahanap ng panggatong. Nakahawak na lamang ito sa maliit na sanga na di magtatagal ay maaari nanga itong mahulog. “Sandali lang po lola, humawak lang po kayo at hihingi po ako ng tulong”, natatarantang sabi ni Ben.

“Huwag na apo baka hindi mo na ako maabutan kung hihingi ka pa ng tulong dahil nangangawit na ang mga kamay ko”, takot na wika ng matanda. “Kumapit po kayo at tutulungan ko po kayo”, nagmamadaling sabi ni Ben.

Natatakot si Ben na baka mahulog silang pareho kapag inakay niya pataas ang matanda dahil sa maliit siya at hindi makaya ang bigat ng matanda. Pero hindi parin siya nagdalawang-isip na tumulong at gumawa siya ng paraan. Mabilis niyang itinali ang kanyang bag sa malapit na puno doon at iyon ang hinawakan niya.



“Lola, hawakan mo ang kamay ko”, wika ni Ben habang inaabot ang kamay. “Oo sige apo”, takot na wika ng matanda. “Dahan-dahan ko po kayong hihilahin pataas, huwag po kayong bibitaw kapitlang po”, pursigidong wika ni Ben.

Malakas ang loob ni Ben at nananalig siya na makakaahon ang matanda sa pagkahulog nito sa bangin. “Maraming salamat apo”, naiiyak nawika ng matanda. “Napakatapang mo naman na tulungan ako kahit napakaliit mong bata ka”, dagdag pa niya.

“Walang anuman po ‘yon lola”, humihingal niyang sagot. “Bakit po ikaw ang nangunguha ng panggatong, nasaan po ang anak niyo, ang apo niyo?”, nag-aalalang tanong ng bata. “Mag-isa nalang ako sa buhay”, tugon ng matanda. “Sa susunod po lola huwag na kayong manguha ng panggatong malapit sa may bangin”, paalala ni Ben.

Nang maiuwi na ang matanda na malapit lang ang bahay sa pinangyarihan ay agad naman itong tumakbo papuntang paaralan. Hinihingal pa ito pagpasok sa silid- aralan ngunit wala pa ang guro. Uupo na sana siyang mapansing na sira pala ang sablay ng bag na ginamit niyang hawakan ng tulungan ang matanda kanina.

“Aray!”, alam niyang masakit pero tiningnan niya lang ang humugot ng upuan niya. “Inaano ba kayo ni Ben? Ang aga-aga panira na kayo ng araw”, inis na sabi ni Isabel.

“Huwag na Isabel hayaan mo nalang sila”, pag-awat ni Ben. “Hay lampa ka talaga Ben, di kasi abot ang paa sa sahig kaya natumba”, wika ni Allan na natutuwa pa sa nangyari kay Ben.

“Ano ba yan? Lampa na nga ang dungis pa”, dagdag pa ni Jose.

“Hoy Ben ano ba ang nangyari sayo bakit ang dumi mo?”, tanong ni Isabel. Ikwenento ni Ben sa kaibigan ang nangyari kanina bago siya makapasok sa paaralan. Nag alala ngunit natuwa naman ito sa ginawa ni Ben.

“Bakit kasi di gumaya nalang ang iba dyan kay Ben, tanging nalalaman lang ayang mangutya sa kapwa, nang may mabuti namang magawa”, parinig ni Isabel.

“Naniwala ka naman Isabel, iyan ang unanong yan kayang mabuhat ang matanda?”, di naniniwalang sabi ni Jose. “Oo nga baka naglaro lang yan kaya na dumihan ang damit o kaya hinabol ng aso at nadapa”, dagdag pa ni Allan.

Binalewala nalang ni Ben ang mga sinabi nila Allan at Jose. Dumating na nga ang guro at nagtanong kung bakit marumi si Ben. Nang malaman ang kwento ay pinuri ang kanyang pagiging matapang at matulungin.

“Nay, mano po”, sabi ni Ben pagdating sa bahay. “Anak napano ka? Bakit marumi ang iyong damit?”, nag-aalalang tanong ng ina. “Nay, may tinulungan po kasi akong matandang nahuhulog sa bangin kanina bago po ako pumasok”, kwento sa ina. “Oh! Talaga ba anak, ang galing naman natutuwa ako nasa murang edad mo ay alam mo na ang pagtulong sa kapwa. Tama ‘yan anak”, pagmamalaking sabi ng ina.

Nasa loob na ng bahay ang ama nagpapahinga habang nanonood ng balita sa telebisyon. Maaga itong nakauwi dahil maaga ding natapos ang kanilang trabaho. “May malakas palang bagyo napapasok sa bansa ayon dito sa balitang pinapanood ko”, wika ni Mang Berto.

“Kailan daw?”, nag-aalalang tanong ni Martha. “Sa Biyernes na daw papasok sa PAR”, sagot ni Berto. “Super Typhoon daw itong bagyo”, dagdag ng ama.

“Tay, tama ba ang narinig ko may paparating na bagyo? Super Typhoon? Hala! Dipo ba malakas ‘yon?”, tanong niBen. “Halika, dito tayo at panoorin ang balita”, anyaya ng ama.

Naghanda na ang buong pamilya sa paparating na bagyo. Mga kakailanganing pagkain, gamit at iba pa para sa paghahanda. Inayos ng ama ang kanilang bubong, inilagay sa malalaking plastic bag ng ina ang mga damit upang hindi ito mabasa. Binalot ding Mabuti ang mahahalagang dokumento.

“Kaya nga naghanda na kami para kung sakaling dumating ang bagyo ay handa na kami”, sabi ni Ben. “Kayo ba naghanda na?”, dagdag niyang tanong.

“Wala pa kasi sabi naman ni tatay sa Biyernes papasok palang naman sa PAR at maaari pang lumihis o mag-iba ang direksyon ng bagyo”,kwento ni Isabel. “Basta kami naghanda na, hindi na naming hihintayin pa ang bagyo at saka pa kami maghahanda. Mabuti nang handa kaysa sa hindi, ‘yon ang sabi ni tatay”, paliwanag ni Ben.

“Ano bang pinaghahandaan niyo?”, tanong ni Allan. “Hindi niyo ba nabalitaan na may paparating na bagyo?”, sabi ni Ben.

“Siguro hindi kayo nakinig sa balita kagabi, ayon sa PAG-ASA my paparating na bagyo at Super Typhoon”, may diin nasabi ni Isabel. “Maniwala kayo do’n na pakarami ng bagyo ang nagdaan kahit super typhoon eh wala namang masyadong sira sa lugar natin, kaya ‘wag kayong maniwala”, sabi ni Jose.

“Magandang umaga mga bata! Ang iingay niyo, sige na bumalik na kayo sa mga upuan ninyo”, utos ng guro.

“Magandang umaga po Gng. Santos!”, sabay-sabay na bati ng mga bata. “Kaya ako nahuli ng dating ngayon ay pinatawag kami ng ating prinsipal, nagkaroon kami ng emergency meeting”, sabi ng guro. “Emergency? Bakit Mam ano po ang nangyari?”, tanong ni Jose na nag- aalala.

“Isabel nakapanood ka ba ng balita kagabi?”, tanong ni Ben. “Tungkol saan ba Ben?”, sabi ni Isabel. “Yong sa bagyo”, tugon niBen. “Ah Oo, sabi nga ni nanay malakas daw ang bagyo dahil super typhoon”, sabi ni Isabel.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook