142 Kumpisal (o Bakit berde ang kulay ng paglaya) Dibuho at Tula ni Clark Alduz Viray Muli kong inihanda ang sarili sa isa na namang malanobelang litanya mula sa iyo. Sapagkat ikapitong araw na naman— oras na muli para sa isa na naman nating patagong pagtatagpo. Kagabi, sabi mo, ay binisita ka na naman ng iyong amain matapos ang maghapon niyang pagkakalango sa alak na inutang sa katabing tindahan. Mas malakas ba ang iyong mga hikbi, kaysa sa langitngit ng inaanay niyong katre? Salitan ang paghalakhak at paglandas ng luha mula sa iyong mga mata habang nilalahad ang nakasusulasok na trahedya, kasabay ng pagsayaw ng usok mula sa binilot na palarang naglalaman ng dahong dulot ay panandaliang pagtakas— pinagpapasahan ng ating nanginginig at pasmadong mga kamay. Isang hithit, isang buga. Matapos ang halos isang oras, sa mga labi mo ay may sisilay na ngiti at maririnig ko ang pinakahihintay na pahimakas gaya ng isang dasal na paulit-ulit sinasambit. “Father, salamat sa pakikinig.”
143 Pulot Pukyutan ni Alyssa An Dibuho ni Angelo Mendenilla Umaga Isang tipikal na bata lamang si Berry, sampung taong gulang, sing taas ng punlang mahogany ng kanilang kapitbahay. Kulot ang kaniyang buhok, moreno at may singkit na mata. Sabi ng iba, pinaglihi raw sa maligno. Ngunit, sa katunayan ay anak siya ng isang Black American na nanirahan sa Pilipinas at kalauna’y lumisan at iniwan ang bata sa pangangalaga ni Mang Bet. Paborito niyang puntahan ang gubat. Marami ang naninirahang mga hayop doon, gaya ng ibon na samu’t-sari ang kulay ng mga pakpak, mabangis na baboy ramong mahilig manghabol ng naka- pulang turista at mayroon ding kung anu-ano pang de sungay na hayop.
144 At sa mga oras na iyon, narinig niya ang huni ng isang insektong may maliit na boses at bumulong sa kaniya ng ‘tulong’. Hindi alintana ng bata ang init at mula sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng umbok ng buhangin malapit sa ginagawa nilang bahay ay sumilong ito sa ilalim ng puno ng Acacia. “Berry!” sigaw ng bubuyog na hindi makahinga sa kanyang panali sa leeg. Lumingon si Berry sa umaaligid na bubuyog na tila may ipinapahiwatig. Walang tigil ang kawawang insekto sa kakaikot hanggang bumagsak ito. Lumapit na siya sa bubuyog na may pagtataka. Papalapit pa lamang ang mukha ng bata sa lupa kung saan nakahandusay ang itim na insekto ay bigla namang lumipad ito at tinamaan si Berry sa ilong. “Aray!” sigaw ng batang hindi mawari ang nararamdaman. Lumipad ng bahagya ang bubuyog na tila nahihilo pa. Una itong lumapit sa tainga ng bata at bumulong muli. “Hinahanap ka ng inang bubuyog. Hindi mo ba siya bibisitahin? Ganoong siya ay naghihingalo na,” pakiusap ng insekto. Nagulat ang bata sa kanyang narinig at balisang nakatitig sa bubuyog. “Huy! Berry! Totoo ako! Nagsasalita ako! Nais kang makita ng inang bubuyog!” Muling pakiusap ng nilalang sa harap ng bata. “Bakit ako? Ni hindi ko kayo kilala! At paano kayo nakakapagsalita! “ tanong niya. Sa kaniyang pagtataka ay lumapit si Mang Bet dala-dala ang mahaba nitong patpat na anumang oras ay lalapat sa hita ng bata. “Berry! Kakaunin kita ulit mamaya! Andiyan na ang maninira!” nag-aalalang wika ng bubuyog na mabilis lumipad papalayo sa
145 lumalapit naman na matanda. “Putik kang bata ka! Nandito ka lang pala! Sino na naman kinakausap mo? Anak ka talaga ng maligno e! Palibhasa mana ka sa tatay mong hindi marunong magsalita! Puro lang ungol,” hinalibas ni Mang Bet ang musmos na bata pauwi sa bahay. Walang awa niyang pinaglapatan ang bata ng patpat. Namaga ang buong katawan ng bata sa bugbog. Iyon ang ikalimang araw na nagsimulang maghigpit si Mang Bet. Dahil buhat noong kaarawan ni Berry ay nagbago na ang kinikilos ng matanda na para bang takot na takot sa pagsapit ng araw na iyon. Pagkatapos niyang apihin ang bata ay dumiretso siya sa basement upang kuhanin ang isang wand. Nang astang hahawakan na niya ang ang stick na may brilyanteng bato sa ulo ay iika-ikang sumilip si Berry. Nakita niya ang hawak na wand ng matanda na tila ba nag-aaral kung paano ito gamitin habang hawak ang puting librong may mga nakasulat na paliwanag sa ibang dialekto. Nang mapansin ng matanda na nakasilip ang batang si Berry ay nagulat ito kung kaya’t nagpatak ang wand at napasigaw siya ng ‘boom’. Doon ang patay na uwak sa kaniyang tagiliran ay naging isang kapang lumilipad. Sa mga oras na iyon ay naguguluhan na si Berry. “Tatay Bet. Anong nangyayari? Totoo ba ang aking nakita? Ano ang nangyari sa uwak? Pwede mo rin bang pagalingin mo ang aking mga pasa” tanong niya sa ama-amahan habang nahihirapan pang magsalita. “Patawad anak dahil nabigla lamang ako sa nangyari. Pakiusap, huwag kang lumapit sa mga bubuyog dahil sila ay mga mapanlinlang na nilalang. Kaya nilang talunin ang ibinigay sa aking kapangyarihan ng iyong ama,” naglalambing na tugon niya sa bata. Kumbinsido ang bata na ang bubuyog ay nagdudulot ng masamang samahan sa kanila. Hindi man niya maintindihan pa ang
146 nangyayari at minabuti na lang munang sundin si Mang Bet. “Anak! Halika dito! Mula bukas kalilimutan mo na ang mga nagsasalitang bubuyog,” pakiusap ng matanda. Tinulungan ni Mang Bet ang bata na gamutin ang natamo nitong mga sugat. Inayos din niya ang hapag para sila’y magsalo sa baboy ramong ligaw na kanilang binangi na binabad sa toyo, suka, asin, paminta, sibuyas at bawang at saka inihaw. Matiwasay silang nag-hapunan. Sumapit na ang gabi at lubos pa rin ang pagtataka ng bata dahil sa kaalaman ni Mang Bet sa nagsasalitang bubuyog gayong limang araw pa lang siyang nakikipag-usap sa bubuyog. Tila ba alam niyang matagal na ang mga itong may koneksyon sa tao at gubat. Noong matapos sila ng hapunan ay natanaw niya ang liwanag sa bintana at ang ilaw ng buwan ay saktong tumatama sa bahay ng bubuyog. Nakita niya ang isang anino ng lalaki patungo roon. Sinundan niya ito ng marahan at hindi alintana ang sasabihin ni Mang Bet kung sakaling siya ay mahuli. “Berry! Mali ang iyong daan! Sundan mo ako!” wika ng bubuyog na tagapagmasid. “Teka, ano ba ang iyong pangalan?,” nagtatakang tanong ng bata habang kumakamot sa ulo. Bumulong ang bubuyog nang pagkaliit “Ako si Jepjep. Bilisan na natin ang paglalakad dahil baka mahuli na tayo.” Nagtungo na sila sa tahanan ng mga bubuyog at umalis ng mabilis ang anino. Pagkarating nila sa tapat ay naglabasan ang pagkarami-raming bubuyog na siyang ikinagulat ni Berry. Hindi magkandamayaw sa pagtaboy ang bata hanggang sa lumabas na ang inang bubuyog at nagsalita.
147 “Narito na pala ang pinakahihintay kong katawan! Mga kawal! Hawakan lamang siya ng mahigpit” utos ng reyna na bahagya nang makalipad habang papalapit sa bata. Kinumpulan ng bubuyog ang bata at walang awang hinawakan. Sa isang iglap ay itinurok ng reyna ang kaniyang panusok sa leeg ng bata. At doon ay unti-unti nag-iba ng anyo si Berry. Una ang kanyang mga paa ay umigsi ng parang sa bubuyog samantala ang sa reyna ay nagkaroon ng paa ng dalaga. Sa mga sumunod na segundo ay naging ganap na bubuyog si Berry at ang Reyna ay tuluyang naging isang magandang dalaga. “Sa wakas! Tao na akong muli! Babawiin ko sa impaktong mangkukulam na si Bet ang aking wand! At siya naman ang isusumpa ko!” galit na wika ng reynang nakatitig sa malayong kubo nina Berry. Hindi alam ni Berry na naging ganap na siyang bubuyog. Samantalang ang reyna ay hindi na matanaw papalayo sa kaniyang palasyo dahil agad nitong pinuntahan si Mang Bet. “Mahal na Reyna! Magplano ka muna bago bawiin ang wand!” sigaw ng bubuyog na si Jack na siyang parating kumakaon kay Berry. Hanggang sa lumabas na ng bahay si Mang Bet at natatanaw na ang kinang ng lumalapit na Reyna. Nanlaki ang mga mata ng matanda dahil napagtanto niya na sa mga oras na iyon ay naging bubuyog na ang batang itinakda. “Anong masasabi mo Bet? Nasa akin na si Berry! Ibigay mo na sa akin ang wand upang maibalik na ang sangkatauhan! Hayaan mo silang mabuhay!” wika ng reyna habang nasisilaw si Mang Bet sa puting anyo ng reyna na animo’y diwata. Sumagot ng may paghalakhak ang matanda habang nakataas ang mga kilay nito. “Hibang ka ba? Sila ang umubos sa lahi natin! Hindi ako papayag na maging sunod-sunuran na lamang sa kanila at lalo na sa’yo! Umalis ka na rito kung ayaw mong gawin kita muling isang
148 bubuyog!” Tumugon ang Reyna at astang sasaktan na si Mang Bet. “Isa kang traydor! Wala kang utang na loob. Kinulong mo ako ng sampung taon para sa paghihiganti at galit sa isang Amerikanong pumutol ng punong pinaninirahan mo! Matuto kang magpatawad! Pinigilan kita mula sa balak mong pagpatay dahil gusto ko ng kapayapaan. At dinamay mo pa ang anak niyang walang malay sa isyu natin! Nawalan ka ng puso dahil sa galit” Unti-unting nag-iinit ang mga batuhan ng salita sa pagitan ng dating magkaibigang engkanto. Muling nagsalita ang Reyna na nagpapaliwanag sa mga nangyari. “Uulitin ko sa’yo Bet! Ang galit ay pansamantalang emosyon lamang. Kung papanatilihin mo ito ng ilang taon, kakainin ka nito at ‘di mo na makikilala ang sarili mo! Tumingin ka sa salamin Bet! Naging sumpa ang galit hanggang sa hindi mo na alam ang ginagawa mo. Bibigyan kita ng sampung araw para pag-isipan ang ginagawa mo. Hindi sa’yo ang wand. Lalong hindi sa akin.” Ang kapaligiran na nababalot ng tensyon ay nasaksihan ni Berry at Jack na minabuting magtago sa likod ng mga bulaklak sa hardin. Sa mga oras na bumubuka na ang mga ito at sumisikat na ang araw ay natapos na rin ang usapan. Tinanong ni Jack si Berry habang lumuluha. “Ano na mangyayari sa’yo? Mukhang kapag hindi nagbago ‘tong mga matatandang ‘to habang buhay ka ng ganiyan,” sambit ni Jack. “Parang gusto ko na lang din maging bubuyog, malayang lumipad. At saka ‘di ba may powers tayo. One shot nitong panusok, we’re dead. Okay na ako sa ganito. Gusto ko na lang lumipad kasi bubugbugin lang naman ako ni Mang Bet, wala naman ako uuwian na matino. Wala naman akong buhay basta lang ako humihinga. At least dito sa paglipad may pakinabang ako
149 sa mga halaman. At any time pwede ko gamitin ang powers ko to end things the way it is,” nakangiting sagot niya sa kausap din na bubuyog. Unti-unting sumisikat ang araw at ang lahat ay lumisan patungo sa kanya-kanyang destinasyon. Panibagong araw para sa panibagong yugto ng mga buhay ng mga nag-iisip pang mga nilalang. Mula kay Mang Bet na magdamag ng nakatulala sa kahoy na upuan upang pag-isipan sa kanyang ginawa, kay Reynang bubuyog na malaya na muling nakapagpalago ng mga halaman at kay Berry na nakahanap ng pamilya at kahulugan sa kanyang ginagawa. Samantalang si Jack ay hinahanap ang panibagong host na makakatulong sa pagpapalaya ng Amerikanong bihag ng kabilang pulot pukyutan.
150 On the tune of a broken record by Carlos Kim Raphael Perez Artwork by Angelo Mendenilla An aching head has brought me back to my cushioned rest. Glancing upon accounts of the same faces and names on different turns of events— upon my seat, I relish my state and hang onto these pieces of paper. I have once again stumble on narratives and recollections of a dying race, in here covered with warm blankets did I ponder that my youth was spent around the universe of one’s champion. But now I gnash my teeth from the bitter taste of the sweat trickling down my wrinkling guise while I flip on clone stories from different pages and swore to my flimsy skin that I would never dance again to a looping strain.
151 I should have known sooner that adventure is just a fancy name for deceit because no matter how far I go, I always come back home empty-handed. -Nixon De Villa Photo | Patrick Owen Gube
152 Marion Macatangay Playing house by Angel Joy Liwag It is morning again. The grass from the outskirts of our fence is still sultry from the fog, and the sun peeks from the horizontal blue. I knew better than anyone to admire the surroundings as I raced my laundry to the rising daylight. The unspoken rule in this house is chores first, and then meals after. Not that I have someone to lean on when it comes to both errands. I feel insecure with my body. My tiny hands and short legs often get entangled on the clothesline; and most of the time, I need to use a stool so I can reach the messy pantry in the kitchen.
153 Nonetheless, it is every seven in the morning where I feel the most needed by Mom. Even though she refuses to utter a word or two, I only have to scan the path where her eyes rest and quickly fix whatever lies in that direction. I don’t remember the actual time when we first had this role reversal. All I can recall was my dad bidding goodbye two years ago while mom was making a mess out of her face, drowning in a waterfall from her eyes. Since then, the familiar presence of the breadwinner in our family slowly disappeared along with mom’s warmth. If my memory does not betray me, it was also two years ago that I took my overdue vacation from school. Now, my tiny hands that once understood house plays have put down dolls and cooking toys in order to juggle the real life wonders happening in front of my naive eyes. These childlike wonders were halted as I heard faint stomping in the fence. There goes my mom and her frail body trying to sit on a reclining chair. I immediately ran up to her direction and tended to her. Arms shaking from her nonchalance to move a muscle, mom hastily gave in and let me handle the brunt of her movements but the impact was nothing for I have gotten used to forcing my way into her embrace. “What would you like to eat for breakfast, Mama?” Again, no response from mom while she’s fiddling her fingers on the hem of her clothes, with her gaze fixed on the sky. It’s gotten bluer but the atmosphere has gotten colder. “Maybe I should just reheat the noodles from dinner, it looks kinda bloated though. Like my face, Mama. Look!” Need I say more as the unmoved amber hair and tired eyes reflects in the basin full of washed liquid.
154 It takes only two attempts for me to stop trying. Besides, the day won’t waste its gracious heat in the hope of a conversation to happen. It’s past ten in the morning when my sloppy laundry finally ended. I think it’s safe to admit that the real life battle begins in the kitchen. Just, how come I use one fork and the next thing I know, the whole pastry had become a mess? The bloated noodles are now reheated and are ready to be served but it’s the dishes that I hated the most for I often cut my fingers on their sharp edges. The bloated noodles tasted a bit metallic, it being a processed food may have been the reason, or the kettle that I have used has formed rust already. Not that it matters, there’s food, and two small appetites who will dig in. I look over the fence to examine my mom, and crap, she’s looking my way. But hey, if she’s got something to say with the smell of the noodles, then she better man up and say it to my face. Or she could just stand up and do the right thing. She can’t blame me for this one since I’m tired and hungry at the same time. Racing my hand to the running water, I quickly damp the utensils and head back to the fence. It’s time for feeding. Filial piety is weird. One moment I was frustrated with mom’s silent regard towards my cooking and the next second, I am blown away by how emotional I have become whenever I lift the spoon and feed mom. She’s specifically obedient when she’s hungry. I don’t hear loud chewing and even in this casual moment, I still feel the coldness lingering on her eyes. How I wish she would look in my direction and talk to me. Ten minutes have passed and I haven’t come up with a good starter for conversation. I wanted to build a groundbreaking sentence that’ll lead mom into speaking. But not a word was blurted out as I slowly got up and accepted
155 defeat. I went back to the kitchen and since we just had our brunch, there’s only dinner to think over. Some time around late afternoon, I find myself watching a noontime show from our worn out television. I cannot quite catch the name since I can’t read it yet. Hey! I’m only seven and an elementary drop out, okay? It’s a segment which casted mischievous kids with good looks as they compete with another. The first girl with fair skin, who is probably younger than me, has already mastered English! She’s so fluent that I feel so intimidated by her despite my age. In the audience her mother is waving banners and there’s a battalion of cheering squad behind. What a family! I started feeling the second hand embarrassment brought by the crowd. It was chaotic but the girl looked so proud of the roars. When the show started shifting to drama with the hope to spice up her screen time, the girl shed tears because she was hoping to help her mom with the expenses. Being brought up by a single mom, the little girl bore unexplainable fondness when she talks about their life. In the audience, her mom was seen crying. A sob coming from my throat was all it took for me to realize that I was weeping. I brought the hem of my t-shirt on my face to wipe the tears that kept on falling down. The sun outside is slowly setting. The laundry danced as the wind blew, and my mom, with her gaze fixed on our gateway, began shedding tears, too. Dusk simultaneously enveloped the sky which signaled me to throw my youth in the gutter. Crap, I forgot about dinner. I immediately got up and turned off the television, silently hoping that there were some canned goods or noodles left in the kitchen. While rummaging for food, I heard a knock on the front door bounded in the fence. That’s where mom is! My anticipation was
156 short lived as I heard grandma scolding my unresponsive mom. “How long will you act like this,!?” screamed Grandma. “All these sulking and blank looks as if this is the first time you got your heart broken! Jesus Christ! You have a child to look after, you dummy!” Grandma’s litany halted when I peeked from the door. “Grandma, did you bring food?” I asked, eyeing the grocery bag on the entryway. Grandma was quick to turn her attention to me. “Of course, sweetie! That’s the reason why I’m here,” replied grandma. I was about to get the groceries when mom shifted from her seat. Ah. She was so quiet that I forgot she’s around. Grandma, on the other hand, having suppressed her annoyance only mumbled, “how insolent.” “Little pie, fret not about dinner. I’ll make one tonight and guess what, I might sleep here, too! Sounds good?” Grandma must’ve caught my overwhelmed reaction. So slowly, and ever painfully sincere, she embraced the form of a child playing house all along. “Grandma, how about you live here, too?” I asked, hopeful eyes looking up to the grown woman. “Kid, how about we leave this place tomorrow? Don’t you wanna see your friends at school?” Grandma retorted. In the salas, two noises will be heard. One from the static broadcast of the television that mom must’ve switched on. Second were stifled sobs coming from the same woman who’s in deep mourning for a runaway partner, and probably for a child she has ruthlessly neglected. Even if I depart from this home, I will always be caught up in adult business. I wish my salad days were over.
157 A prodigy’s misadventures down south by Jane Therese Banaag Photo by Joviallyn Belegal
158 I lost a great deal of myself in the smallest confinements of this world—within the unoccupied seats of Quezon’s local theatre where my recitals were held, or the narrow hallways of my university’s four-storey Arts and Sciences building, but mostly in between the short gaps of that infamous 15-worded question, “Sa UB ka lang magco-college? Hindi ba sa international school ka nag-aral? Sayang naman.” For most of my life, I thought I had everything figured out. After all, I was groomed to be everything at once. I was the ace student of every year ‘s top section who spent post- school afternoons in competition training sessions, advanced Mathematics tutorials, and foreign language classes. At seven, I was already fluent in four languages but for some reason, rest was nonexistent in my vast vocabulary. I seek for the fulfillment that exceeds the fruitful academic year I spent in workbooks and problem sets. I seek for the fulfillment that extends to the highest octaves in violin lessons that consumed my summer vacations. To fill in my goody two shoes may seem overwhelming and taxing for some but to tell you honestly, I loved being caught up in the threshold of my childhood. I craved the adrenaline I get as I sprinted towards my French instructor’s antique studio a few blocks away from my school. I longed for the baby sweat absorbed by my favorite ruffled yellow sundress as I faced the crowd of my summer recital shows. By the time I reached high school, I was still drawn in the thrill of it all. My name was plastered like a Holy Scripture in every congratulatory tarpaulin and our living room was filled with gold plated medals and countless laminated certificates. In the exclusive walls of Quezon Province’s premiere international school, I was a seasoned archer firing in all directions. Unfortunately, it was not the same story for a collegiate life I never knew I was going to spend in the mediocre cements of this red school—or so I thought. The glory I thought was innate within me was cut short when I failed all my college entrance tests in the Big Four universities
159 of Manila. But I refused to give up on the pursuit of what this provincial life has for my prowess. With a heavy heart, I decided to recalibrate the direction of my fate to the humble streets of Batangas City—or so I thought, again. Looking back, I don’t know how I managed to simultaneously spit and swallow the bittersweet taste of listening to my friends whining about agonizing Buendia LRT rush hours, inevitable España floods, and the impossible academic demands that studying in a prestigious school entailed; all while I was gradually embracing the truth that those dilemmas only take part as my could have been and that city is nothing but one of my distant what ifs. Clearly, people back in Quezon were living my dream, but the people in Batangas were living my reality—at least, the version of it that I have outgrown. It may not be my favorite ruffled yellow sundress, but it was the stained ID lanyard of our student publication’s editor-in-chief. It may not be my toddler-sized violin, but it was the adrenaline rush that lingers in their flesh as the crowd sings along to original compositions. It may not be the vast memory of various languages in a kindergarten’s head, but it was the lump in their throats caused by redundant utterances of “thank you-s” as they acknowledge praises for topping the Dean’s List. I would like to think that I was left behind in a marathon where I was once the frontrunner. But as my heart pounds in defeat, I have come to realize that while everybody else had their eyes on a prize, I had mine all over the place. I was headed nowhere— trapped in the boundless vicinity of what was once my kingdom. From being an academic all arounder in high school, I went on to be the freeloader in every college grouping. For a second there, I never knew how I was able to lie down in bed unbothered despite a pile of abandoned schoolworks and missed examinations I lost count of. But maybe it was a form of distraction from the reality that I was nothing but mediocre at best. No matter how bad I concealed it, the distasteful truth still lingered in the corners of my poorly maintained college
160 apartment: I was an uncomplex soul of nothingness in Batangas— an empire I thought I could overthrow, only to realize I was nothing more than a worthless pawn in a chess game ruled by the wisest kings. Yet every time I think about returning to my base, I was uncertain if it’s any more sensible to endure one painstaking four- hour bus ride to a battlefield that once held me captive in the idea that a 7-year-old must already assert her worth to the world. Growing up, I thought I was doing myself a favor by getting myself involved in everything, but my superficial tenacity has only gotten me so far, in this case, a mid-tier college program. That’s the thing about my childhood, I was conditioned to think that anything ordinary is degrading. But after I lost myself in a world that is in constant pursuit of the avant-garde, maybe there is truth in the infamous paradox that less is more. As I redeem myself from being locked in vast spaces I could no longer navigate, maybe the uncomplicated realms of the university life Batangas City has to offer isn’t so bad after all—maybe it is exactly what I need.
161 The Butterfly Effect by Angel Joy Liwag Artwork by Angelo Mendenilla If getting old meant braving the strong winds when flying higher grounds, I’d rather look vulnerable as I remain cooped inside my pupa hut. Thrice. And again, another random company email received my resume as I hustle for sidelines appearing in my social media feed, one hand clasped around the cup of brewed coffee that worsened the rushing discomfort in my gut. I have stepped into my 20s with an empty pocket, and a head full of worries of an adult. Gone are the days spent weary from the sidelines available for a novice like me—a college senior being looked up to in the university because of my artistic prowess but an inexperienced job applicant outside the campus. I may have graduated from my teenage years but I am still a baby to the reality of work and my parents will always be the best spectators who scrutinize my
162 capabilities as an adult. “Commissions are very hard, eh? You barely step out of your room,” was my mother’s usual greeting when she saw me making way to the kitchen. “Kids these days are too serious for things bearing little to no fruit,” added father as a way of discipline. Time for retorts that only lead to arguments should cease with a heavy sigh; not that they are wrong but my parents were not always right as they deemed to believe. I scanned the wires outlined around the vastness of our rooftop with no ceiling and even now I cannot get used to the rumbling from the pitter-patter of the rain or the symphonies of cicadas every night. The longer I traverse through the kitchen; shame conquers the eyes of a so-called artist who has sold a soul for aesthetics. My hands are meant to etch images of the vivid minds worth two digits. I was not greedy enough to put my skills for arts in a higher price for I know the limits of this talent but ironically selfish to let down my parents who wished I was born with a mind who visualized the palette colors of money. Comfort is unabashedly living through cracks of the walls covering my thick skin with pride as a creative somebody when in reality, I am in a form of caterpillar crawling around the wooden corners at home—scared that I might fall prey if I step out from my cocoon. I heard the heater beeped and the chatter from the living room just before I let my mind wander. Walking back to my room feels like tiptoeing on a landmine. I settled down and went back to scrolling through my boards for inspiration. Cold sweats are formed when an email rests among my inbox. Looking at the snippet sentence had my sanity hanging by the thread. We appreciate you taking the time to complete the job application requirements. Unfortunately… I heaved a sigh of relief.
163 Sa kabilang dako ng makintab na salamin, halos maiwan ang aninong nakadikit, nananabik na mukha’t palad ng mga paslit. Inilabas sa kahon, sa estante itinindig kakat’wang nilalang na may libu-libong kawangis. Sa mga pasilyo sa likuran nakahilera, mga lagpasang tingin ay kitang-kita. Walang kumakalam na sikmura —halang ang bituka, makulay ang pintura at ang huwad na ngiti ay mapanghalina. Sa presyo naman, bulsa’y biglang gumaan kasabay nang halakhak mga numero’y nakaligtaan nang tuluyan, ‘pagkat sa isang pindot, mekanikal ang pagkibot at sa isa namang pihit, nagagalak nang pilit. Hindi magtatagal ay papalya ang baterya, kilos ay kakaldag mga litanya ay mauutal at iyon ang matitira, - plastik, sa una lang maganda. Toy Kingdom ni Arielle Dane Adan Dibuho ni Erwin Tiberio
164 Remember that when colors fade, I would be your shadow at night— a hidden luminescence you secretly crave when the rain ends. -Alyssa An Photo | Joviallyn Belegal
165 Israel Martin de Chavez Of treads with threads (and feet trapped on tightrope) by Nixon De Villa I walked and walked, weightless into a whirlwind of witless whispers. Closed eyes, chapped thighs, caged cries, from a world too keen to my trail’s rotten relics as I cross amongst thirsty onlookers. Curled soles, cursed souls, curved vows, from dwelling too long on spaces between applause and embarrassment; ever too afraid of drawing errors under the gaze of an unforgiving crowd. Creaky floor, crusty door, carved walls, my safe haven amidst a fault-finding audience whose mouths only murmur my worst. ‘Til they accept my scars and all that I am, I‘ll stride alone with lifted heels, to not hear their giggles if I fall.
166 Sa pagitan ng mga bala ni Katherine Nicole Lontok Dibuho ni Angelo Mendenilla “Bakit ba hindi pa siya sumusulat sa akin?” Sa kasagsagan ng giyera, nakilala ni Julio si Romy. N’ung una, akala niya ay isa itong simpleng Amerikanong naligaw sa kanilang baryo. Nakasuot ito ng simpleng damit na pawang pang-Pilipino, ngunit ang kaniyang matangos na ilong, matangkad na estruktura, at maputing balat ang nagsasabi ng kanyang tunay na katauhan bilang isang banyaga. Pinatuloy ng pamilya ni Julio ang sugatang Amerikano sa kanilang tirahan hanggang sa ito’y gumaling. Ngunit, hindi inaasahan ni Julio na magiging magkaibigan silang dalawa. Ang mas yumanig pa sa mundo ni Julio ay ang pag-amin ni Romy sa kanya.
167 ‘Di kalaunan ay naging magkasintahan ang dalawa at walang ibang nakakaalam kundi ang kababata ni Julio na si Mercedes. Isang napakagandang istorya ng pag-iibigan sa gitna ng mga nagsisigawang putok ng baril at kanyon ang pinagsaluhan nina Julio. Hanggang isang araw, sinabi ni Romy kay Julio ang katotohanan. Ang magmahal na kapwa lalaki noon ay mahirap na, paano pa kaya kung siya’y sundalo ng ibang bansa? At paano pa kung biglaan na lamang kayong malayo sa isa’t isa sa kaniyang pagbalik sa Amerika? Sa kasamaang palad, ito ang naging reyalidad ng kawawang nagdadalagang binata. Sa pag-alis ni Gen. Douglas MacArthur, sumama ang kanyang mga sundalo, kabilang na dito si Romy na siyang tinik sa ulo at sakit sa puso ni Julio. Isang taon na ang lumipas matapos ang pag-alis ng grupo at walang ibang paraan ang dalawa upang mag-usap kung hindi sa paraan ng pag-liham. “Ayan! Naayos ko na!” biglang sigaw ng dalagang nakaupo sa sahig. Itinaas ni Mercedes ang radyo sa hangin na para bang sanggol na pinapatawa mula sa pagwawala. Agad namang umupo nang ayos sa sofa ang nagmumukmok na binata. “Bilisan mo! Maaabutan pa natin ang balita!” Binuksan ni Mercedes ang radyo at saka siya umupo sa tabi ng kanyang kababata na maigting ang hawak sa unan ng sofa, nagmamakaawa sa kung sino mang santo ang lumabas sa isip niya, na magkaroon ng balita ukol sa pagbabalik ng grupo ng mga amerikanong sundalo sa bansa. Muli, bumalik sa pagmumukmok ang binata. Wala man lang kahit isang balita tungkol sa Amerikano. Pawang mga bagong batas, pagtaas ng presyo ng bilihin, at patalastas ang pumasok sa nagpapanting niyang tainga. Isang taon ang lumipas at mukhang walang balak pa rin ang mestizo n’yang kasintahan na umuwi sa bansa. “Sabi ko naman kasi sa’yo, lokal na lang. Wag nang imported,” natatawang pangangaral ni Mercedes. Walang ibang naging
168 tugon si Julio kundi ang kaniyang padabog na pagtayo papalapit sa pinto. “Babalik ako bukas,” wika niya na may bahid ng lungkot. Sinundan naman siya ng kanyang kababata na natatawa sa kanyang pagmumukmok. Bago pa niya mabuksan ang pintuan ay biglaan na lamang may kumatok. Nagkatinginan ang dalawa at napasimangot. Sino nga ba namang kakatok sa bahay ng isang babae sa dapit-hapon? Ang ama’t ina nito’y hindi pa babalik hangga’t hindi dumidilim. Sinanggahan ni Julio ang dalaga, “Ako na ang magbubukas. Diyan ka lang sa likod.” Dahan-dahang binuksan ni Julio ang pinto at saka sumilip sa maliit na pagitang nilikha niya sa pamamagitan ng paghila. Namawis ang kanyang mga palad habang patuloy na namumuo ang mga perlas ng pawis sa kanyang noo. Kaba, takot, at matinding pagtataka ang sabay sabay na dumagsa sa puso ni Julio. Sa kanyang pagbubukas ng pinto, hindi magnanakaw o kung ano mang maligno ang sa kanila ay naghihintay. Bagkus, ang nasa harap nito ay ang sundalong kay tagal inintay ni Julio ng tatlong daan at limampu’t anim na araw . Sa kabutihang palad, nakahingi ng permiso si Romy upang bumalik ng Pilipinas. Bagama’t nagpadala siya ng sulat upang ipaalam ito kay Julio, tila mas mabilis ang naging takbo ng eroplano kaysa sa lakad ng karterong nag-bibitbit ng mensahe nito. “Hi?” kinakabahang sambit ng binatang Amerikano. Isang lunok bago siya umimik. “Look, I’m sorry, I sent a letter over, but I couldn’t help but fly home earlier. I mean, I had to leave pretty urgently, and I found it rude to—”. Bigla siyang nahinto sa paglapat ng daliri ni Julio sa kanyang labi na agad din niyang tinanggal.
169 Ang dalwang natahimik na binata’y nababalot ng umaatikabong emosyon—sumasabog, nagsisigawan, at nagwawala habang ang katawan niya’y patuloy na nanigas sa kinatatayuan. Sa pagitan ng dalawa, nakatingin lamang si Mercedes—nag-aantay lamang ng sunod na aksyon sa pagitan ng magkasintahan. Napa-buntong hininga ang dalaga bago siya nagwika, kinakabahan at pawis na pawis pa sa pagsasalita ng Ingles. “Come on, Julio. You come in na ha. This one waiting waiting you ha. You’re so far daw and so-- ano nga ang Ingles sa tagal?” Ang tahimik na pagtititigan ng dalawa ay napaltan ng maikling pagtatawanan dahil sa pagtatangka ni Mercedes na magwika ng Ingles. Matapos ito, nagkitang muli ang kanilang mga mata na halo-halong ang emosyon at nilalaman—pangungulila, galak, at umaapaw na kilig. “You’re here,” wika ni Julio. Unti-unti, ngunit walang halong takot at pagdadalawang-isip, niyakap ni Romy ang kaniyang nobyo. “I am, love, and I’m not leaving you like that again.”
170 Life is fleeting— a quick walk from one’s cradle to his grave. So I dared myself to make the most out of every moment and live a life my older self won’t regret. -Clark Alduz Viray Photo | Anne Lorraine Bautista
171 Window Shopping ni Arielle Dane Adan Dibuho ni Israel Martin de Chavez “’Long! Samahan mo nga ako, nagpapabili ng bigas si Mama,” pag-aaya ni Asyong sa kanyang kaibigan na magabok na ang palad sa paglalaro ng karakrus. “Sige, tara!” Sagot ni Balong sabay hagis ng kanyang huling baryang nagkalansingan sa sahig. Tinahak ng dalawang binatilyo ang shortcut tungong pamilihan. Nilagpasan nila ang barung-barong at sa lakas ng pagtalak ni Aling Rosa, ang mga usapang hindi dapat marinig ng mga ligaw na tainga ay tumatagos sa mga pinagtagpi-tagping dingding. Inuutusan niya na naman ang kanyang asawa na tiktikan ang bagong lipat na pamilya sa may kanto. Samantalang dinig din ang pagpalahaw ng kanilang isang buwang gulang na supling, marahil ay gutom na simula pa kagabi.
172 Nakasalubong din nila si Bebot nang sila’y paahon sa tulay, ang maninipis nitong mga hita’t braso ay nilalantakan sa tingin ng mga makasalanang mata. “Agang aga, Bebot, ah! And’yan ka na naman,” bati ni Balong sabay hampas sa puwitan ng dalaga. Inirapan lamang siya nito subalit batok naman ang natanggap mula sa kaibigan. “Siraulo ka, Balong. Bilisan na nga natin.” Walang katakot-takot na sumampa ang magtropa sa railing ng tulay. Hindi nila alintana ang nakaambang na disgrasya sapagkat sa oras na sila’y madulas ay tila sasambutin naman sila ng sandamukal na basurang bumara sa mga sala-salabit na ugat ng mga bakawan sa ibaba. Ilang sandali pa’y narating na nila ang bukana ng palengke ngunit biglang hinigit ni Balong ang gula-gulanit na manggas ni Asyong. “Oy, mamaya na kaya tayo bumili ng bigas. Magtingin-tingin muna tayo du’n sa King and Queen.” “Hala, pinapamadali nga ako ni mama.” “Saglit lang naman, may titingnan lang ako.” “Sige na nga,” pagpayag ni Asyong habang kamot-kamot ang ulo na bumuntot sa kanyang kaibigan. Pagpasok ng department store ay mariin silang tinitigan ng guwardiya hanggang matakpan na ng mga nagtataasang istante ang kanilang pigura. Hindi malaman ni Asyong kung saan niya ititigil ang kanyang paningin sa mga nakasalansang sangkatutak na anik-anik. Walang anu-ano’y sinitsitan siya ni Balong at pinalapit sa kanyang kinatatayuan. Hile-hilerang relo sa loob ng babasaging sisidlan ang tumambad kay Asyong. “Takpan mo ako dali,” pabulong na utos ni Balong. Sa labis na
173 pagkagulat, hindi agad napagsabihan ni Asyong ang kaibigan na dali-daling pumatong sa display case at dumukot ng mga relo. “Bakit mo kinukuha ‘yan?!” “Ibibigay ko kay Bebot.” Kaagad na sinipat ng kabadong Asyong ang paligid—walang nagbabantay na saleslady sa likod ng istante at wala ring napapagawing kostumer sa pasilyong kanilang kinaroroonan. Pagbalik ng kanyang atensyon kay Balong ay nakababa na ito sa pagkakasampa at tanging bakas ng marurungis na daliri na lamang ang naiwan sa bubog. Tila tumigas na siya sa kanyang puwesto habang pinagmamasdan ang kaibigan na isinuksok na ang tatlong pinitik na aksesorya sa damit panloob nito. Nang hindi na magkasya, inabot niya ang isa kay Asyong. “Anong gawin ko dito?” Bulalas niya. “Tanga, ipasok mo na sa short mo. Dali!” “Tarantado ka, Balong! Pa’no kapag nahuli tayo?! T’saka nangangapkap ng mga bata ‘yong guard!” “Hindi ‘yan, sumunod ka na lang kasi.” Nag-aalangang inipit ni Asyong ang relo sa garter ng kanyang pang-ibaba, ang pagdampi ng bakal sa kanyang tiyan na wala pang laman ay tila nagpatayo lalo ng buhok sa kanyang nanlalamig nang batok. “‘Tas chill ka lang, mas lalo tayong mapapaghalataan sa pag- iinarte mo, e,” pangaral ni Balong habang tinutulak palabas ang kaibigan. “Hoy, sandali!” Pigil ng mamang guwardiya bago pa man sila makalagpas. Ramdam ni Asyong ang tumulong pawis sa kanyang sentido. Pinabukas ang kanilang mga kamay at kinapa ang mga bulsa. Nakahinga nang maluwag ang binatilyo nang walang
174 natagpuang kung anuman ang guwardiya. Subalit nanumbalik ang matinding pag-aalala nang akmang hihilahin ng manong ang garter ng kanyang shorts. “Oy, ser! Bawal ‘yan ah!” “Naniniguro lang, utoy.” Sagot nito nang biglang wagwagin ang kanyang pang-ibaba. Klang! Lahat ng mga mata’y sumunod sa relong kumalansing sa sahig. Humigpit ang kamay na nakakapit sa payat na bisig ni Asyong. Tatakbo pa sana si Balong subalit agad na rin siyang hinablot sa kuwelyo ng lalaki. Nang siya’y inspeksyunin tulad ng ginawa kay Asyong, nabisto rin ang kanyang nakulimbat. Wala silang nagawa kun’di ibalik ang kinuhang mga paninda nang sila’y dalhin sa Instik na may-ari. Matapos ang katakot- takot na sermong halos hindi maunawaan dahil sa baluktot na pagtatagalog nito, kinuhanan sila ng litrato na ipapaskil sa harap ng tindahan kung hindi sila magbabayad ng multa. Napilitan si Asyong na ipambayad ang perang pinaghirapan ng kanyang nanay na sana’y pambili ng bigas. Pinakawalan na rin sila at pinagbawalan nang bumalik doon. “Hanep ka, Balong. Anong sasabihin ko kay mama?” mangiyak- ngiyak na tanong ni Asyong. “Ito, ibenta natin,” biglang may dinukot ang kaibigan sa brip nito at ipinakita sa kanya ang kumikinang na relo. Natulala na lamang siya kay Balong. “Pero amuyin mo muna.” Muling binatukan ni Asyong ang matalik na kaibigan. “Hayop ka, Balong. Iba ka talaga!”
175 Dalawang Dulo Imahe at Tula ni Princess Allyssa Plotado Parang may sumpa itong mga linya sa kalsada— minsan tuwid, madalas na hindi mabasa. Ang bawat hakbang ay may kaakibat na bigat– parang bangkerong nagsasagwan tangan ang batong humihila palubog, tungo sa pagkalunod. Saan nga ba ang dulo nitong ating paglalakad? Mayroon bang hangganan o babalik sa pinanggalingan? Siguro nga ay walang nakakaalam, dahil baka lahat tayo ay naliligaw lamang.
176 On Sundays, we mourn the living by Clark Alduz Viray Photo by Nicole Beatriz Rosales Glazed eyes, bruised cheeks; a nimble body that trembles with touch. Crimson sheets, nights of sins and ecstasy— a butterfly that left it’s cocoon far too early. Piercing gaze, mournful whispers— “she’s the pariah of this metro.” Trembling hands, as she utter a short prayer for the unborn souls that she helped flee this cruel world.
177 Ada ni Karl Justine Montejo Dibuho ni Angelo Mendenilla “Saan ka na naman papunta? Ayos ang pormahan natin d’yan ah, seksing-seksi,” bati ng isang tambay kay Ada habang naghihintay ito ng traysikel. “Bolero! Akala mo naman eh nakakatuwa,” pagalit niyang sumbat kahit bakas sa mukha ang kaniyang pag-umis. Babago pa lamang lumulubog ang araw ay lantad na lantad na ang kaniyang kasuotan, nakahanda nang gumimik kumbaga. Walang tigil ang pagrampa niya suot ang hapit na hapit niyang leggings na parang puputok na sa sikip at ang crop top na damit na kaniyang pinasadyang malagyan ng garter upang mas maitulak pataas ang kanyang hinaharap. “Traysikel! Manong pasakay ako!” malambing niyang pagtawag habang pabebeng ikinukumpas ang kamay sa papalapit na sasakyan. Agad naman siyang nakita ng drayber na biglaang menor sa kaniyang lumang motor na RUSI ang tatak,at patuloy ang pagbusina habang papalapit hanggang sa huminto sa tapatan ni Ada. “Aba, ikaw pala iyan Ambet. Buhay pa pala iyang motor mo, parang hahabulin na iyan ng magbabakal ah,” pabirong bati ni Ada. “Maihahatid mo pa ba ako gamit ‘yan?” “Syempre naman! ‘Wag mo minamaliit itong motor ko ha, kahit may bumili dito ng isang milyon, di ko ‘to ibebenta,” tugon naman ni Ambet ng may pabirong pagmamayabang. “Parang may date ka na naman ata ah, papalapit pa lang ako, amoy ko na ‘yung pabango mo. S’an ba lakad natin d’yan?”
178 tanong ni Ambet habang pasakay sa sidecar si Ada. “D’yan lang sa may restoran sa may palengke, ‘yung katabi n’ung grocery na drawing lang ‘yung kilay n’ung tindera. Basta alam mo na ‘yun. Bilisan mo na, baka ma-late na’ko,” pag-aapura niya sa drayber. Sa maikling biyahe ay patuloy na nagkamustahan ang dalawa na tila bawat humps na kanilang madadaanan ay bagong chismis ang kanilang pinag-uusapan. ‘Di na rin nagtagal at nakarating na sila sa patutunguhan ni Ada na pagkatapos magbayad ay dali-dali nang bumaba. Agad siyang dumiretso sa loob ng kainan upang doon hintayin ang kaniyang katagpo. Mahigit tatlong oras na ang nakakalipas at nakailang basong tubig na din si Ada sa paghihintay, ngunit wala ni anino ng kaniyang katagpo ang nagpakita. Pakiramdam niya ay pinagtitinginan siya ng bawat tao sa loob ng kainan, ngunit ‘di niya ito alintana at nagpatuloy sa pa rin sa paghihintay. Naubos na ang mga customer ng restoran at bakas na rin sa mukha niya ang pagkainip at pagkainis. Maga-alas diyes na, ngunit hindi pa rin sumisipot ang dapat sanang ka-date niya sa gabing iyon. Kaya kahit hindi pa man siya nakakakain ng dapat sana’y pagsasaluhan nila, tumayo na siya mula sa kinauupuan at tutok tinging tinahak ang daan palabas ng restoran. Gutom at pagkainis na may kahalong lungkot ang puminta sa mga mata ni Ada, na habang nakatulalang binabaybay ang may kadilimang eskinita ay hindi napigilan ang pagsigaw ng bigla niyang marinig ang boses ng isang lalaki mula sa kaniyang likuran. Bigla siyang inakbayan nito at kinuha ang kaniyang biyabit upang bitbitin. Sa pagkagulat ay wala siyang nagawa, ngunit kahit madilim ay bahagya niyang naaninag ang hitsura ng lalaki. Siya rin pala ang tambay na sa kaniya’y bumati bago siya umalis.
179 “Na-indian ka na naman ‘no! Sabi ko naman sayo dati pa, wala nang papatol sa’yo,” bungad ng tambay na nasundan ng malakas na hagalpak. “Pakialam mo ba? Buhay ng may buhay eh. Saka umayos ka nga, aatakihin ako sa puso dahil sa’yo!” sumbat ni Ada bago kurutin sa tagiliran ang lalaki. “Lola naman kasi, hindi ka na bata. Gabi na oh, kanina ka pa hinihintay sa bahay,” bawi ng lalaki. “Ay nako! Kung ‘di lang talaga kita apo, makikita mo.”
180 No one thinks about you by Alyssa An Artwork by Angelo Mendenilla I was walled in my darkened room— staring on tormented pieces of memories on vintage images I held. At nine, I meet my demons, we chew some strawberry flavored gum, gathered to smoke foiled cigarettes. As I look at the ceiling, disremembering my name supposedly written on heavenly papers. I closed my eyes, getting high on my herb, burnt in deception. My space are lit by shadows I laughed with.
181
182 Joviallyn Belegal
183 LIGAYA Joviallyn Belegal
184
185 HIDDEN HEXAGONS Kathryn Rae Custodio
186 BEYOND SIGHT Francis Aaron Magpile
187
188 GREAT ESCAPE Elaine Mapagdalita
189 OUTDOOR FELICITY Elaine Mapagdalita
190 DISCONNECTED Gerard Zairus Gupit
191
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222