Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore 4kp-t

4kp-t

Published by joe angelo basco, 2022-11-22 14:01:55

Description: 4kp-t

Search

Read the Text Version

Kindergarten Parent ToolKit

Kindergarten Parent Toolkit Unang Edisyon , 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda at larawan na ginamit sa toolkit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may akda ng mga ito. Bumuo sa Pagsusulat ng Parent Tool Kit Contributors: April Joy B. Valencia, Jenneelen A. Pala, Joanna Richelle A. Buñag, Iris Jane M. Targa, Diana G. Penolio, Maria Fe V. Escobañas, April D. Villamor, Zandra Mae S. Agudo, Irish Mae V. Villaflores, Eileen A. Bancual, Farrah Michelle M. Villafuerte, Baby Ruth U. Del Rosario, Julie D. Pasia, Evalyn F. Almarez, Maxima Mila C. Vegel at Ermelyn L. Oseña Editor: Harrieth H. Sarcino Reviewers: Rejulios M. Villenes, Arline A. Samson Illustrator/Layout Artist: Franc Lorraine C. Piñon

MENSAHE Ang edukasyon po ay hindi lamang ginagawa ng isang tao, kundi, ito ay pinagtutulung- tulungan ng isang komunidad. Ang tagumpay nito ay nakasalalay sa ating lahat - mula sa Kagawaran ng Edukasyon, katuwang ang ating Pamahalaang Lokal, at lalo’t higit ang ating mga magulang. Tanggapin po ninyo ang Parent Toolkit na ito na nagmula sa talino at husay ng ating mga guro at lider ng Kindergarten Program sa ating purok. Ang nilalaman po nito ay hinubog ng kanilang mga puso patunay ng kanilang pagmamahal sa ating mga kindergarten learners. Ito po ang inyong magiging kasangga sa paggabay sa ating mga minamahal na mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa ating mga tahanan. At sa pamamagitan po nito, magiging katuwang namin kayong lubos upang maging matagumpay ang ating edukasyon sa panahon ng pandemya. Kung nais po nating maging matagumpay ang pag-aaral at edukasyon ng ating mga mag-aaral, walang ibang gagawa nito kundi tayo mismo. Walang ibang magtutulungan kundi tayo rin po. Atin pong sama- sama itong simulan ngayon. REJULIOS M. VILLENES Public Schools District Supervisor iii

TALAAN NG NILALAMAN Mensahe………………………………………………….…………………iii Talaan ng Nilalaman …………………………….………………….iv Panimula …………………………………………………….…...……v Sanggunian 1: Kathang-isip at Katotohanan Tungkol sa Pagkatuto sa Kindergarten *Kathang-isip at Katotohanan ……………………...…………....2 *Tips Kung Paano Matutulungan ang Bata sa Pag-aaral …………………..…………………....……8 Sanggunian 2: Pagkatuto sapamamagitan ng Paglalaro *Bakit Mahalaga ang Laro Para sa mga Bata?……………………………………………..…....…....12 *Paano Pipili ng Larong Angkop sa Pagkatuto?……………………..……………..……….15 *Ano ang Kailangang Alamin/ Gawin ng mga Magulang Kapag Ginagamit ang Laro sa Pagkatuto?……………..…….18 Sanggunian 3: Paghubog sa Kasanayan sa Literasi Habang Nasa Tahanan ……………………..………...…………..22 Sanggunian 4: Paglinang sa Matematika at Agham sa Tahanan *Gabay sa Pagkatuto ng Agham at Matematika………….32 *Mga Gawain sa Bahay Upang Malinang ang mga Kasanayan sa Agham……………………….……….33 *Mga Gawain sa Bahay Upang Malinang ang mga Kasanayan sa Matematika………………………….37 Pasasalamat……………………………………….……......……….41 Sanggunian ………………………………………………………….42 iv

PANIMULA Minamahal naming mga kabalikat sa pagkatuto, may mga pagkakataon na ang mga bata ay kailangang tumigil sa pagpasok sa paaralan para sa kanilang kaligtasan. Ngunit hindi ibig sabihin na titigil na rin ang kanilang pagkatuto. Ang pagkatuto ay hindi lamang sa paaralan nangyayari. Ito ay maaring mangyari kahit saan, kahit kailan at sa iba’t ibang paraan. Ang loob ng tahanan at ang komunidad ay puno ng oportunidad para matuto ang mga bata at ang mga nakatatandang miyembro ng pamilya ay may kakayahang suportahan sila. Ito ang ideya sa likod ng tinatawag na home-based learning. Kaya naman, masaya kaming ibahagi sa inyo ang Kindergarten Homebased Learning Toolkit na ito. Binuo ito upang tulungan ang buong pamilya na masuportahan ang mga batang Kinder sa patuloy nilang pagkatuto habang sila ay nasa kanilang tahanan at pansamantalang hindi makapasok sa eskuwelahan. Ang nilalaman nito ay umiikot sa paglalaro at mga gawaing akma para sa mga batang Kinder. Nahahati ito sa apat na bahagi: • Ang Sanggunian 1 – KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTENay tumatalakay sa ating mga akala tungkol sa mga batang Kinder, kung paano sila matuto at ang katotohan sa likod ng mga ito. • Ang Sanggunian 2 – PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO ay tungkol sa LARO. Paano ba natututo ang batang Kinder habang naglalaro? • Paano nga ba matutulungang matutong magbasa ang batang Kinder? Ito naman ang gustong sagutin ng pangatlong bahagi, Sanggunian 3 – PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN. Dito ay may mga laro at gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng pagbasa. Ang mga ito ay kayang kayang ipaloob sa mga pang-araw- araw na gawain sa bahay. • Math at Science sa bahay? Pag-uusapan naman ito sa huling bahagi, ang Sanggunian 4 – PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN, kung saan ang mga ordinaryong bagay sa loob ng bahay at sa paligid ay magagamit para mapaunlad ang kaalaman at kakayahan sa Math at Science. Sana ay patuloy tayong magtulungan sa pag-unawa sa batang Kinder at sa kanyang pangangailangang matuto sa masaya at makabuluhang paraan, sa paaralan man o sa tahanan. Tandaan natin: ang pagkatuto ay maaaring mangyari kahit saan, kahit kailan at sa maraming paraan. At, para sa mga batang Kinder, magkasama natin itong pagtutulungan at kakayanin. Tara, laro tayo! Mula sa nagmamahal ninyong guro v



Sanggunian 1 KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 1

Kathang-isip Ang pagkatuto ng bata tulad ng pagsulat at pagbilang ay sa paaralan magsisimula. Katotohanan Ang tahanan ang una at pinaka-epektibong lugar ng pagkatuto.Walang ibang lugar na puwedeng ipalit dito bilang lugar kung saan unang inaaruga at tinuturuan ang bata. - David O McKay KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 2

Kathang-isip Paglalaro lamang ang ginagawa ng mga batang kinder sa paaralan. Katotohanan Sa pamamagitan ng paglalaro natututo ang bata na hindi puwedeng ituro ng kahit sino man. - Lawrence Frank KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 3

Kathang-isip Lahat ng bata ay may iisang level ng pagkatuto;”kung nakakabasa ang anak niya dapat nakakabasa na rin ang anak ko”. Katotohanan Bawat bata ay may iba’t ibang istilo ng pagkatututo, nagkakaiba lang sa bilis o bagal. Bawat bata ay natatangi, may taglay na kakayahang hindi lang para matututo kundi para maging matagumpay. - Robert John Meehan, 2018 KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 4

Kathang-isip Hindi mahalaga ang kindergarten kaya dapat diretso grade one na pagpasok. Katotohanan Ang layunin ng early childhood education ay buhayin ang likas na kakayahan ng bata na matuto. - Maria Montessori KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 5

Kathang-isip Ang pamamalo o pananakot sa bata ay nakatutulong upang mas matuto sila sa kanilang aralin. Katotohanan Mahalaga na maturuan ang bata ngunit hindi naman mahalaga na parusahan sila. - Pythagoras KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 6

Kathang-isip Dahil hindi pa gaanong maalam ang aking anak, kailangan ko palagi na umupo sa tabi niya at laging tulungan sa pagsagot ng mga gawain. Katotohanan Hayaan nating mag-explore ang bata. Ang pinakamagandang regalong maaari nating ibigay sa bata ay ang ugat ng kanilang mga responsibilidad at ang pakpak na maging malaya. - Denis Waitley KATHANG-ISIP AT KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGKATUTO SA KINDERGARTEN 7

Tip #1 Magtalaga nang maayos na lugar- aralan sa loob ng bahay. Tip #2 Basahan ng maiikling kuwento ang bata upang mas malinang ang kanilang pag- iisip at imahinasyon. TIPS KUNG PAANO MATUTULUNGAN ANG BATA SA PAG-AARAL 8

Tip ???? #3 Alamin ang interes ng bata at ang mabisang estratehiya na maaaring gamitin sa pagkatuto. Tip #4 Hayaang maglaro ang bata. Dito sila natututong magsaliksik at tumuklas ng mga kaalaman. TIPS KUNG PAANO MATUTULUNGAN ANG BATA SA PAG-AARAL 9

Tip M #5 Maging mahinahon at matiyaga sa pagtuturo sa anak upang maiwasan ang pamamalo o pananakit. Kamusta Tip ka #6 Mhaegan? Masaya Bigyan ng panahon po ako ang mga bata na Nanay! maihayag ang M kanilang saloobin hinggil sa mga aralin. TIPS KUNG PAANO MATUTULUNGAN ANG BATA SA PAG-AARAL 10

Sanggunian 2 PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 11

Bakit mahalaga ang laro para sa mga bata? 1. Bata,bata natututong magsalita tuwing makikipaglaro sa kanilang kapwa. 2. Pakikipagkaibigan at pakikipagtulungan, sa paglalaro ay makakamtan. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 12

Bakit mahalaga ang laro para sa mga bata? 3. Saloobin o damdamin ay maipakikita sa tuwing nakikipaglaro ang bata. 4. Tuwing maglalaro, katawan ay bibilog at tiyak na lulusog PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 13

Bakit mahalaga ang laro para sa mga bata? Tara, Maimai Laro tayo! 5. Pagiging malikhain ay matatamo, Sa tuwing maglalaro ng kahit ano. 6. Sa tuwing maglalaro sa mga katoto Nasasabi ang mga interes, ayaw at gusto PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 14

Paano pipili ng larong angkop sa pagkatuto? box na may laruan na pang girl at pang 1. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na pumili ng gusto nilang laro . 2. Pahintulutan ang mga bata sa paggawa ng panuto ng laro upang lumago ang kasanayan nilang mag-isip at lumutas ng problema . PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 15

Paano pipili ng larong angkop sa pagkatuto? 3. Gawing payak o simple ang laro at angkop sa edad upang ang lahat ay magkaroon ng aktibong pakikilahok. 4. Isaalang-alang kung ano-ano ang maaaring matutuhan ng mga bata sa laro. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 16

Paano pipili ng larong angkop sa pagkatuto? 5. Bigyang pansin ang ligtas na kapaligiran kung saan makakapaglaro ang bata. 6. Mag-isip ng mga laro kung saan ang mga kagamitan ay matatagpuan sa bahay. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 17

Ano ang kailangang alamin / gawin ng mga magulang kapag ginagamit ang laro sa pagkatuto? Likas sa mga bata ang pagkahilig sa laro at mahalaga ito sa kanilang pagkatuto at pag-unlad. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 18

Ano ang kailangang alamin / gawin ng mga magulang kapag ginagamit ang laro sa pagkatuto? Mahusay anak! Suportahan ang anak, ugaliing purihin sa tuwing may bago siyang natutuklasan upang mas tumibay ang tiwala nito sa kanyang sarili at mas paghusayan pa ang kanyang paggawa. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 19

Ano ang kailangang alamin / gawin ng mga magulang kapag ginagamit ang laro sa pagkatuto? Anak, ano ang natutunan mo sa laro na ginawa mo? Magbigay ng panuto na magsisilbing gabay ng mga bata upang masiguro na ligtas, nasa tama at kapaki-pakinabang ang laro ng bata sa lahat ng pagkakataon. PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG PAGLALARO 20

Sanggunian 3 PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 21

ORAL LANGUAGE/ PAG-UNLAD SA PAKIKIPAGTALASTASAN Paraan upang maipakita ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, karanasan at damdamin. Gawain Magpakita ng larawan ng inyong pamilya na sama-sama. Maaaring ito ay galing sa photo album o larawan sa inyong cellphone. Ipakuwento sa bata kung ano ang ginawa o pinuntahan ninyo na nakasaad sa larawan. Kuwentuhan Tayo! Hal. Ano ang naaalala mo sa ating larawan? Saan tayo pumunta dito? Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita mo ang larawang ito? PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 22

VOCABULARY DEVELOPMENT/ PAG-UNLAD NG TALASALITAAN Paraan ng pagtamo at paggamit ng kahulugan ng mga salita sa pagsulat o pagsasalita Gawain Ipaawit ang mga awitin sa ibaba upang malinang ang kakayahan ng bata sa pagsasalita. Halina’t Umawit! Hal. Pito-pito, Panahon, Bola Ko’y Bilog, Kung Ikaw Ay Masaya, Ako Ay May Lobo, Bahay Kubo, Tong,Tong,Tong Pakitong- kitong at iba pang awiting pambata na alam mo. PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 23

AUDITORY PERCEPTION/ PAKIKINIG Ito ay mga gabay na mga gawain upang matamo ang kaalaman sa mga bagay na naririnig sa paligid. Umisip ng mga pambatang awitin na alam at laging inaawit ng bata. Awitin ito sa kanya at palitan ng ibang mga salita. Gawain Ipatukoy kung ano ang mga maling salita sa kanta at ipabanggit kung ano ang angkop na salita sa awitin. Tukuyin ang Mali Hal. Hugis bilog,hugis bilog ang lapis ko ay hugis bilog. (Tamang sagot: Ang bola ko ay hugis bilog.) PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 24

LISTENING COMPREHENSION/ PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN Mga gawain na lumilinang sa kakayahan sa pag-unawa sa napakinggan Anak, tumalon ka nang tatlong beses. Mag- isip ng mga bagay na maaring ipagawa o iutos sa bata. Gawain Hal: Kunin ang iyong lapis sa bag. Ilagay ang iyong tsinelas sa ilalim ng Bigkas ko, upuan. Galaw Mo! Kumuha ng pambura at ilagay sa aking palad. Gumuhit ng isang malaking bilog sa papel. Tumalon nang tatlong beses. PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 25

ALPHABET KNOWLEDGE/ KAALAMAN SA ALPABETO Mga gawaing nagdadag ng kakayahan sa pagkatuto sa alpabeto Gawain Gumawa ng flashcard na may nakasulat na malaki at Tell and maliit na letra. Ilagay ito sa Match! isang kahon. Pagtugmain ang magkaparehong letra, at saka ipabigkas ang tunog nito. PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 26

PHONOLOGICAL AWARENESS/ KAMALAYANG PONOLOHIYA Tumutukoy sa pag-unawa ng ugnayan ng simbolo at ng mga tunog Gawain Magpakita ng mga bagay sa loob ng tahanan. Sabihin sa Phonemic iyong anak kung ano ang Isolation ngalan ng bagay na iyong kinuha. Tanungin kung ano ang unang tunog sa pangalan ng bagay. Hal. kamatis, talong, patola lata, baso, album PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 27

Book and Print Awareness/ Kaalaman Sa Aklat At Limbag Tumutukoy sa kaalaman sa tamang paggamit ng aklat at iba pang nakalimbag na babasahin. Turuan ng tagapag-alaga ang bata kung paano pahalagahan at gamitin ang mga libro o mga babasahin. Gawain Halimbawa: Habang hawak ng tagapag-alaga ang aklat ipakita at ipagaya ang sumusunod: Galaw ko, - Tamang paghawak sa aklat - Simulan ang pagbasa o pagtingin mula gayahin mo. kaliwa papunta sa kanan - Tamang pagbuklat ng aklat - Pag-iingat sa aklat PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 28

Attitude Toward Language, Literacy and Literature/ Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan Pagkakaroon ng positibong pananaw sa pagbabasa upang matuto o maglibang. BALITA Gawain Panuto: Ipakita sa bata na ang mga nakatatandang kasama ay Tagapag- nalilibang magbasa ng mga alaga ko, makikita sa bahay. Purihin ang Modelo ko! bata kung sakali magkusa siya sa pagbabasa o pagbubuklat ng aklat. Hal. Recipe book, maikling kuwento, pocketbook, magazine, dyaryo, atbp. PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 29

WRITING AND COMPOSITION/ PAGSULAT AT KOMPOSISYON Paraan ng pagsasalin sa papel o anomang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon upang maipahayag ang kaisipan (Bernales, et al., 2000) Anak, ibili mo nga ako ng Adobo. Gawain Makipaglaro sa iyong anak. Halimbawang kayo ay may Pretend Play tindahan o kainan. Sabihin sa bata ang iyong nais bilhin at isusulat naman niya ito. (huwag agad punahin kung mali ang baybay. Hayaang ilagay ang kanyang invented spelling) Hal: asin, luya, itlog, delata kanin, adobo, menudo,gulay PAGHUBOG SA KASANAYAN SA LITERASI HABANG NASA TAHANAN 30

Sanggunian 4 PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 31

GABAY SA PAGKATUTO NG AGHAM AT MATEMATIKA 1. Ang mga bata ay may likas na kakayahan upang matuto sa sarili nilang paraan. Gabayan lang natin sila upang sila mismo ang magkaroon ng sariling karanasan. 2. Mas mainam ang paggamit ng mga concrete o real objects na makikita sa loob at labas ng bahay upang mas mapadali ang pagkatuto sa Agham at Matematika. 3. Hayaan ang bata na mag-enjoy habang tumutuklas ng makabagong kaalaman. Hayaan nating maging “bata” ang mga bata. 4. Likas na mausisa at matanong ang mga bata. Kaya bilang magulang, patnubayan natin sila habang tumutuklas ng mga kasagutan. 5. May tamang oras para matuto ang bata. Huwag nating piliting ipaintindi ang isang bagay kung hindi pa naman siya handa. 6. Bigyan ng pagkakataon ang bata na mag desisyon sa gusto niyang gawin. Pag-usapan ang mga ito habang ginagabayan ng nakatatanda. 7. Mahalagang tiyakin ang kaligtasan ng kapaligiran kung saan magaganap ang pagkatuto ng bata. PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 32

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA AGHAM “Magsuot at Umakto Ayon sa Panahon” Layunin: Natutukoy ang angkop na kasuotan at kagamitan sa uri ng panahon (maulan, maaraw) Kagamitan: mga damit, medyas, payong sombrero, at iba pa (realia) Pamamaraan: 1. Ang bata ay hahanap at kukuha ng mga kasuotan at gamit sa loob ng bahay. Iipunin ito sa loob ng isang kahon. 2. Ang tagapag-alaga ay gagawa ng dalawang istasyon, kung saan nakasaad ang uri ng panahon. 3. Kapag sinabi ng tagapag-alaga ang katagang---“Umuulan, umuulan! Pumili ng (bilang ng bagay) na kailangan mo!” o kaya naman “Mainit, mainit! Pumili ng (bilang ng bagay) na kailangan mo!”, tatakbo ang bata na dala o suot ang mga bagay o damit na angkop sa uri ng panahon patungo sa tamang istasyon. 4. Iaakto ng kung ano ang nararamdaman niya sa nasabing panahon habang suot o dala ang kasuotan at kagamitan. Scientific concept: Ang pagsusuot ng wastong kasuotan sa uri ng panahon ay nakatutulong upang makaramdam ng ginhawa sa katawan. PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 33

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA AGHAM “Pasok sa Banga!” Nabubulok Hindi mabubulok Layunin: Napaghihiwa- hiwalay ang mga nabubulok, di- nabubulok at recyclable na mga bagay sa loob ng bahay o sa bakuran. Kagamitan: mga basura sa loob at labas ng bahay(realia) Pamamaraan: 1. Maghanda ng tatlong basurahan o container na patapon na. Lagyan ng label ang bawat lagayan ng NABUBULOK, DI-NABUBULOK AT RECYCLABLE. 2. Hikayatin ang bata na maglinis sa loob ng bahay at sa bakuran. 3. Sa pagtatapon ng basura, ipalagay ang mga ito sa tamang lalagyan. Scientific Concept: Maaaring gawing pataba o fertilizer ang mga basurang nabubulok. Maaari namang makalikha ng bagong bagay gamit ang recyclable materials. PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 34

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA AGHAM “The Nose Knows” Layunin: Nasasabi ang kahalagahan ng ilong sa pang-araw- araw na buhay. Natutukoy ang mga bagay gamit ang pang-amoy (sense of smell). Kagamitan: panyo na pantakip sa mata, garapon o kahit anong lalagyan na may takip, pabango, alcohol, suka, kalamansi, bawang, at iba pa (realia) Pamamaraan: 1. Sa dalawang magkabukod na patungan, ilagay ang mga bagay na aamuyin ng bata sa loob ng garapon. 2. Habang nakatakip ang mata, aamuyin ng bata ang isang garapon sa Table 1 at hahanapin ang kaparehang amoy nito sa Table 2. 3. Pagkatapos, kailangang masabi niya kung ano ang bagay na kaniyang inamoy. Scientific Concept: Sa pamamagitan ng pang-amoy (sense of smell), natutukoy o nasasabi natin ang mga bagay sa paligid natin. PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 35

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA AGHAM “Jack and the Beanstalk” Layunin: Natutukoy ang kailangan ng halaman para mabuhay Kagamitan: plastic cups, lupa, tubig, butil ng monggo (realia) Pamamaraan: 1. Basahin/Ipanood sa bata ang “Jack and the Beanstalk”. Sabihin sa bata na ngayon, siya mismo ang magtatanim at magpapalaki ng sarili niyang beanstalk. 2. Ipahanda ang plastic cups at tulungan ang bata sa paglalagay ng lupang taniman dito. 3. Hayaan ang bata na maghulog ng apat hanggang walong butil ng monggo. 4. Paalalahanan ang bata na kailangang diligan ito araw-araw upang ito ay mabuhay. 5. Obserbahan ang mangyayari sa buto pagkalipas ng ilang araw. Scientific Concept: Kailangan ng halaman ng lupa, tubig at araw upang ito ay mabuhay. PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 36

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA MATEMATIKA “Bilang sa Hapag- kainan” Layunin: Natututong bumilang sa pamamagitan ng mga gamit na makikita sa hapag-kainan Kagamitan: plato, kutsara, tinidor, baso, mangkok, sandok, upuan, lamesa (realia) Pamamaraan: 1. Hayaan ang bata na maghanda sa hapag-kainan ng mga kailangang gamit (plato, kutsara, tinidor, baso, mangkok, sandok). 2. Habang kumakain, maaaring tanungin ang bata ng mga sumusunod: Bakit iyon ang bilang ng mga gamit na inihanda niya? Ilang pares ng kutsara at tinidor ang kailangan ihanda kung sina Nanay at Tatay lang ang kakain? Nakatayo si kuya, kulang ng upuan. Ilan ang kulang sa ating upuan? Gustong magkamay nina ate at bunso, ilan ang ibabawas na kutsara at tinidor? Fundamental Concepts and Skills: Number Sense and Counting PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 37

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA MATEMATIKA “Bagay Ba Ako sa Hugis Mo?” Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang hugis ng mga bagay na matatagpuan sa bahay. Nasasabi ang bilang ng mga bagay na kabilang sa mga hugis na ito. Kagamitan: mga gamit na makikita sa loob ng bahay (realia) Pamamaraan: 1. Sa pag-aaral ng mga hugis sa loob ng bahay, hayaan muna na magmasid ang inyong mga anak. 2. Ipaturo sa kanila kung alin sa mga bagay na nasa inyong bahay ang may hugis na bilog, parisukat, tatsulok, parihaba at iba pa. 3. Pagkatapos, bilangin kung ilan ang bagay na hugis bilog, parisukat, tatsulok, parihaba at iba pa. Fundamental Concepts and Skills: Shapes, Number Sense and Counting PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 38

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA MATEMATIKA Hanapin mo ang “Mas”!” Layunin: Nakapaghahambing ng mga bagay gamit ang salitang “higit” o “mas” Kagamitan: mga gamit na matatagpuan sa loob ng bahay (realia) Pamamaraan: 1. Magpakita ng dalawang bagay na maaaring pagkumparahin ng bata. Halimbawa lapis at krayola. 2. Tanungin ang bata kung ano ang naobserbahan niya sa mga bagay. 3. Maaari nating sabihin, “Ang lapis ay mas mahaba kaysa sa krayola. Ang krayola naman ay mas maikli kaysa sa lapis”. 4. Ngayon, habang may hawak kang mga bagay, ang bata naman ang hahanap at magdadala sa iyo ng “mas” na hinihingi mo. Halimbawa: “Ako ay payong, hanapin mo ang mas maikli kaysa sa akin.” “Ako ay pako, hanapin mo ang mas mabigat kaysa sa akin.” Fundamental Concepts and Skills: Comparing PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 39

MGA GAWAIN SA BAHAY UPANG MALINANG ANG MGA KASANAYAN SA MATEMATIKA “Ma-BOTE ang MATHalino” Layunin: Nasasagot ang fundamental operations gamit ang patapong bagay. Kagamitan: plastic bottle, mga takip (realia) Pamamaraan: 1. Lagyan ng bilang ang mga naipong takip ng plastic bottle. 2. Gupitin ang ulo ng mga plastic bottle at idikit sa matigas na karton. 3. Sa pamamagitan ng mga ito, hayaang pasagutan sa bata ang number sentence na ibinigay mo. Fundamental Concepts and Skills: Number Sense and Counting PAGLINANG SA MATEMATIKA AT AGHAM SA TAHANAN 40

PASASALAMAT Ang bumubuo ng Lopez West District sa pamamahala ng Tagamasid Pampurok ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na nag-ambag upang mabuo ang parent tool kit na ito: Sa Office of the Undersecretary for Curriculum and Instruction, sapamamagitan ng Bureau of Learning Delivery- Teaching and Learning Division sa pagdadaos ng National Online Training for Kindergarten Remote Teaching and Learning: Developmentally-Appropriate Responses in the Time of Covid-19; Sa mga tagapagsalita sa webinar na nagbigay ng kanilang kaalaman at oras upang makapagbahagi sa mga guro sa Kindergarten at mga namamahala sa mga paaralan. Sa Division Education Program Supervisor In-Charge of Kindergarten sa pagsuporta at paghikayat upang maisakatuparan ang paggawa ng Parent’s Toolkit na ito. Sa Lopez West School Managers at Kindergarten Coordinator sa paggabay upang matapos ang Parent’s Toolkit. At sa mga Kindergarten Teachers na nagtulong-tulong upang makabuo ng sangguniang ito para sa mga magulang. 41

SANGGUNIAN • Denis Waitley Quote: \"The greatest gifts you can give your children are the roots of responsibility and the wings of independence.\". Quotefancy. https://quotefancy.com/quote/793840. • Educate the children and it won't be necessary to punish the men. Philosophy quotes. Pinterest. https://www.pinterest.ph/pin/474355773222887731/. • Gumpal, K. (2015, July 28). Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo SA Epektibong Komunikasyon. https://www.slideshare.net/1777414445/komunikasyon. • Innovation, C. for E. (2018, April 9). Each child is unique, not only capable of learning but also capable of succeeding.\" - Robert John Meehan . Twitter. https://twitter.com/thecei/status/983366528170119168. • Jill Staake on January 26, 2021 .contest-social .share-links svg. (2021, February 4). 25 fun and Free KINDERGARTEN SCIENCE activities for Budding Scientists. https://www.weareteachers.com/kindergarten-science-activities/. • Rearing and teaching children . PictureQuotes.com. http://www.picturequotes.com/the- home-is-the-first-and-most-effective-place-to-learn-the-lessons-of-life-truth-honor-virtue- self-quote-757299. • Staff, I. S. (2018, September 18). 5 MGA Kasanayan sa Math ang IYONG ANAK Na Kinakailangan Upang MAGING Handa Para SA KINDERGARTEN. https://tl.innerself.com/content/personal/relationships/parenting/17864-5-math-skills-your- child-needs-to-get-ready-for-kindergarten.html. • Standards and competencies. https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/2019/01/Kinder-CG_0.pdf. • TOP 25 EARLY CHILDHOOD EDUCATION QUOTES: A-Z Quotes. https://www.azquotes.com/quotes/topics/early-childhood-education.html. 42


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook