Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore 3kp-t

3kp-t

Published by joe angelo basco, 2022-11-22 14:00:27

Description: 3kp-t

Search

Read the Text Version

Region IV-A CALABARZON Division of Quezon Tiaong I District Kindergarten Parent Toolkit Mga May Akda Bonivie M. Bautista Pearly Jane M. Perez Joy V. Puri Aiyesa Marie D. Alcaraz Clarizel O. Quisao Jonalyn Aquino Denilyn P. Orogo Gina C. Libang Marife C. De Villa Kathyrine P. Cease Evangeline R. Ramal Mayra M. Ferraren Maria Bettina P. Verain Lourdes P. Alvarez Cristina A. Salcedo Joanne L. Reyes Gina B. Rosales Melanie P. Galangga Jasmin P. Comia Zerah Princes B. Umandap Noime M. Cabanero Julie Anne S. Tolica Andrea V. Ona Lucille C. Fulgencio Guhit ni: Mary Adradar A. Padilla Sinuri: LEONILO G. MAGTALAS RONALDO I. BIGYAN NYMPHA T. LICAROS Ulongguro III Ulongguro III Ulongguro III EMILY R. GAYAPA MYLENE T. RUBIO Dalubguro I Gurong Tagapamanihala Nabatid: MAY P. VILLEGAS Ulongguro III/Kindergarten Koordineytor Pinagtibay: RESTITUTO M. HERNANDEZ, Ed.D. Tagapamasid Pampurok Oktubre 12, 2020

Mensahe Kumusta mga Tatay at Nanay! Ang Parent Toolkit na ito ay sadyang inihanda para sa inyo. Magagamit ninyo ito sa paggabay sa inyong mga anak sa kanyang pag-aaral. Makatutulong ito upang higit na mapadali ang pang-unawa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga araling nakapaloob dito. Inaasahan na ang toolkit na ito, na nabuo ng mga mahuhusay at malilikhaing guro sa Kindergarten ng Tiaong I District sa pamamatnubay ng Kindergarten Koordineytor, May P. Villegas ay makatugon sa hamon ng “New Normal Education” na nararanasan sa kasalukuyan. RESTITUTO M. HERNANDEZ, Ed. D. Tagamasid Pampurok i

Talaan ng Nilalaman Mensahe ……………………………………………………………… i Talaan ng Nilalaman ………………………………………….……. ii Panimula …………………………………………………….………… iii Resource 1 Kurokuro at Katotohanan Tungkol sa Kindergarten (Myths and Facts About Kindergarten) …………………………. 1-10 Resource 2 Paano Natututo ang mga Bata sa Paglalaro (Learning Through Play) ……….………………………....………... 11-20 Resource 3 Pag-unlad ng Literasiya sa Tahanan (Literacy Development at Home) ………..……………………… 21-30 Resource 4 Pagbuo sa Matematika at Maka-Agham na Kaalaman sa Tahanan (Developing Mathematical and Scientific Thinking at Home) ….…………...…………………………………… 31-41 Pagkilala ….…………………………………………………………... 42 Sanggunian ….….…………………………………………………… 43 ii

Panimula Minamahal naming mga kabalikat sa pagkatuto, May mga pagkakataon na ang mga bata ay kailangang tumigil sa pagpasok sa paaralan para sa kanilang kaligtasan. Ngunit hindi ibig sabihin na titigil na rin ang kanilang pagkatuto. Ang pagkatuto ay hindi lamang sa paaralan nangyayari. Ito ay maaring mangyari kahit saan, kahit kalian at sa iba’t ibang paraan. Ang loob ng tahanan at ang komunidad ay puno ng oportunidad para matuto ang mga bata at ang mga nakatatandang miyembro ng pamilya ay may kakayahang suportahan sila. Ito ang ideya sa likod ng tinatawag na home-based learning. Kaya naman, masaya kaming ibahagi sa inyo ang Kindergarten Homebased Learning Toolkit na ito. Binuo ito upang tulungan ang buong pamilya na masuportahan ang mga batang Kinder sa patuloy nilang pagkatuto habang sila ay nasa kanilang tahanan at pansamantalang hindi makapasok sa eskuwela. Ang nilalaman nito ay umiikot sa paglalaro at mga gawaing akma para sa mga batang Kinder. Nahahati ito sa apat na bahagi: • Ang Kurokuro at Katotohanan Tungkol sa Kindergarten ay tumatalakay sa ating mga akala tungkol sa mga batang Kinder, kung paano sila matuto at ang katotohan sa likod ng mga ito. • Ang Paano Natututo ang mga Bata sa Paglalaro ay tungkol sa LARO. Paano ba natututo ang batang Kinder habang naglalaro? • Paano nga ba matutulungang matutong magbasa ang batang Kinder? Ito naman ang gustong sagutin ng pangatlong bahagi, ang Pag-unlad ng Literasiya sa Tahanan. Dito ay may mga laro at gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng pagbasa. Ang mga ito ay kayang kayang ipaloob sa mga pang-araw-araw na gawain sa bahay. • Math at Science sa bahay? Pag-uusapan naman ito sa huling bahagi, ang Pagbuo sa Matematika at Maka-Agham na Kaalaman sa Tahanan, kung saan ang mga ordinaryong bagay sa loob ng bahay at sa paligid ay magagamit para mapaunlad ang kaalaman at kakayahan sa Math at Science. Sana ay patuloy tayong magtulungan sa pag-unawa sa batang Kinder at sa kanyang pangangailangang matuto sa masaya at makabuluhang paraan, sa paaralan man o sa tahanan. Tandaan natin: ang pagkatuto ay maaaring mangyari kahit saan, kahit kalian at sa maraming paraan. At, para sa mga batang Kinder, magkasama natin itong pagtutulungan at kakayanin. Tara, laro tayo! Mula sa nagmamahal ninyong guro iii

1

MYTH Sa palagay ko….. Ang paglalaro ay hindi bahagi ng pag-aaral at pagkatuto. FACT Pero ang totoo….. Ang paglalaro ay isang mabisa at kinakailangang paraan sa pag-aaral ng mga bata upang mahubog ang kanilang pakikipagkapwa-tao. Sa palagay ko….. Kailangang panatilihing palaging nakaupo at gawing abala ang bata sa mga pang-akademikong bagay o gawain lamang. Pero ang totoo….. Limitado lamang ang gawaing maaaring ibigay sa batang edad 5 taong gulang sapagkat ang haba ng atensyon nila ay maikli lamang. 2

Sa palagay ko….. Dapat ihalintulad ang aking anak sa ibang bata sa mga gawaing pampaaralan. Pero ang totoo….. Iwasan ang paghahalintulad ng anak sa ibang bata sa mga gawaing pampaaralan sapagkat ang bawat bata ay may kanya-kanyang kakayahan, kahusayan, talento at paraan ng pagkatuto. Sa palagay ko….. Bawal ang pakikipaglaro, pakikihalubilo o pakikisalamuha sa iba pang mga bata. Pero ang totoo….. Ang pakikipaglaro. pakikihalubilo o pakikisalamuha sa iba pang mga bata ay isa sa pangunahing makatutulong sa mga batang Kindergarten upang mapaunlad ang kanilang angking husay at galing. 3

Sa palagay ko….. Ang sapilitang pagpapabasa at pagpapasulat sa mga bata ay makatutulong sa kanilang kasanayan. Pero ang totoo….. May tamang panahon sa pagkatuto ng bata, ito ay hindi dapat minamadali. May naangkop na proseso kung paano ihahanda ang bata sa pagbasa at pagsulat. Sa palagay ko….. Kinakailangang magbitaw ng pangako sa bata upang mapasunod ito. Pero ang totoo….. Ang pagbibitaw o pagsasabi ng pangako sa mga bata bilang paghikayat ay hindi masama ngunit dapat siguraduhing matutupad sapagkat maaari itong magdulot ng pagkadismaya at hindi paniniwala at paggawa ng bata sa susunod na gawain. Sa palagay ko….. Madaling magturo sa Kindergarten dahil mababaw at pangunahing kaalaman lamang ang kanilang mga aralin. 4

Pero ang totoo….. Ang pagtuturo ng Kindergarten ay isang malaking hamon, sapagkat ito ang unang hakbang at pundasyon ng pagkatuto ng isang bata kung kaya dapat isinasaalang-alang ang antas ng pagkahanda ng bata sa pagkatuto. Sa palagay ko….. Ang pagbibigay ng kontrol at korporal na disiplina ng mga magulang, ang pinakamahusay na paraan upang maituwid at mapaunlad ang kakayahan ng anak. Pero ang totoo….. Ang pagbibigay ng sapat na atensyon at tamang paggabay ang higit na kailangan ng anak sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahan. Sa palagay ko….. Higit na makatutulong sa bata ang palaging panonood sa social media at telebisyon maghapon kaysa maglaro sa labas. Pero ang totoo….. Makatutulong ang mga panoorin ng programang edukasyunal sa telebisyon at social media sa pagkatuto, ngunit kailangang bigyan ng tamang paggabay ng magulang ang kanilang anak sa paggamit nito, dahil kailangan ng katawan ang pisikal na aktibidad upang magkaroon ng magandang kalusugan ang mga bata. 5

Sa palagay ko….. Ang pagmemorya ng bata sa pagkakasunod-sunod ng mga letra ng alpabeto at mga bilang ay nagpapatunay na siya ay mahusay na. Pero ang totoo….. Mas kinakailangan na nakikilala at nauunawaan ng lubos ng bata ang bawat letra at bilang sa paggamit ng tunay na bagay sapagkat kung pagmememorya ang pagbabatayan, ito ay pinakamababang antas ng pagkatuto. Sa palagay ko….. Dapat panatilihin ang katahimikan ng mga bata kapag nagbabasa ng kuwento. Pero ang totoo….. Mas lubos na makatutulong sa mga bata na maunawaan ang kuwento kung magkakaroon ng interaksyon mula sa nagbabasa at nakikinig sa kuwento. Sa palagay ko….. Huwag pahintulutang makapagtanong nang sunod-sunod ang bata. Pero ang totoo….. Hikayatin ang mga bata na bumuo at maipahayag ang mga katanungan sa kanilang isipan at sagutin ang mga ito sa abot ng kanilang kakayahan sapagkat nagpapahiwatig ito nang pagkagusto ng batang matuto. 6

Sa palagay ko….. Ang pagsigaw at pagtaas ng tono ng boses sa bata ay makatutulong upang magtanda at madaling matuto. Pero ang totoo….. Higit na makatutulong sa sosyo-emosyonal na pag-unlad ng bata kung mabubuhay siya sa maayos at tamang paraan ng pananalita sa kanya. Maaaring kausapin ang bata nang mahinahon at paliwanagan nang maayos upang higit na maunawaan ang mga bagay. Sa palagay ko….. Ang pagbibigay ng gamtimpala sa bata ay hindi dapat dahil tinuturuan lamang ang batang gumawa ng may kapalit. Pero ang totoo….. Malaking tulong sa bata ang pagbibigay ng gantimpala. Hinihikayat nito na pagbutihin pa ang kanyang ginagawa at paunlarin ang kakayahan. Sa palagay ko….. Dapat bigyan ang Kindergarten ng mga sanayang papel sa pagkukulay upang mahasa ang kanilang husay sa sining. Pero ang totoo….. Mas mapapaunlad ang kakayahang pansinin ng isang batang Kindergarten kung bibigyan siya ng pagkakataong mag-isip at bumuo ng konsepto mula sa kanyang imahinasyon at iguhit ito. 7

Sa palagay ko….. Makatutulong sa pagkatuto ng bata sa pagsulat kung bibigyan siya ng maraming sulatin. Pero ang totoo….. Makatutulong ang pagbibigay ng laruang clay o playdough upang mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagsulat at iba pang Fine Motor Skills. Sa palagay ko….. Madali maunawaan ng bata ang aralin kung gagamit ng mga larawan at posters. Pero ang totoo….. Mas mainam na gumamit ng mga tunay at nahahawakang mga bagay sa pagtuturo upang maging mas madali niyang maunawaan ang aralin. 8

Sa palagay ko….. Palaging bantayan at turuan ng gagawin ang batang Kindergarten upang masubaybayan ang kanyang pagkatuto. Pero ang totoo….. Bigyan kalayaan sa sariling karanasan ang bata na matuto sa pamamagitan ng tamang pamamatnubay. Sa palagay ko….. Iwasang madumihan ang batang Kindergarten at bantayan ang bawat kilos nito. Pero ang totoo….. Sa bawat maling hakbang ng isang bata, doon siya natututo. 9

Sa palagay ko….. Palaging alalayan at saluhin sa mga gawain ang bata upang makatapos na sa takdang gawain kung siya ay naiinip na at wala nang ganang gumawa pa. Pero ang totoo….. Ipaunawa sa bata ang kahalagahan ng pagkatuto sa kanyang sariling sipag at tiyaga upang makatapos sa nasimulang gawain. 10

Ang paglalaro ay mahalaga. Kasing halaga ito ng pagkain at pagtulog. (Comenius) 11

Narito ang ilang mga paniniwala ukol sa pagkatuto ng mga bata sa kindergarten. Isinasaad din dito ang mga paliwanag kung paano ang mga paniniwalang ito ay taliwas sa katotohanan. Bakit mahalaga ang mga laro sa bata? Paniniwala Katiyakan Ang paglalaro ay isa lamang Ang paglalaro ay mahalaga pag-aaliw. sa mga bata sapagkat ito ay nagbibigay ng aliw at pagkatuto sa mga bata. Ito din ang nagbibigay sa mga bata upang maging aktibo. Paniniwala Katiyakan Kailangan lang ng bata ang Ang laro ay nagbibigay ng mga maging masaya kaya sila ay pagkakataon sa mga bata na matuto habang tumutuklas ng naglalaro. tiwala sa kanilang mga sarili. 12

Paniniwala Katiyakan Ang laro ay hindi Ang laro ay nagbibigay sa bata lamang nagpapalakas ng kawilihan, pagiging aktibo at ng katawan. malinang ang pisikal na pangangatawan. Paniniwala Ang bata ay maaaring nakaupo sa sahig o sa mesa katabi ng kaibigan habang sila ay naglalaro. Katiyakan Ang paglalaro ay isang natural at kinakailangang gawain para sa mga bata, anumang edad. Ito ay nakatutulong para sila ay lumaki, matuto at mabuong maayos ang lahat ng aspeto sa kanilang buhay. 13

Paniniwala Katiyakan Ang pagkatuto ng isang bata Ang mga bata ay natututo ay nakukuha lamang sa at nagiging masaya kapag naglalaro sa loob o labas pagbabasa, pagsusulat at ng kanilang bahay, sa isang pag-aaral sa mas tahimik na child care at sa komunidad. lugar. Paniniwala Katiyakan Ang paglalaro ay nagdudulot Ang paglalaro ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga bata. ng pagkakataon sa mga bata na mapaunlad ang kanilang kakayahang pang-pisikal at kritikal na pag-iisip. 14

Ang paglalaro ay: ❖ Nagbibigay sa mga bata ng kakayahang maintindihan ang kanilang kapaligiran. ❖ Nagbibigay sa mga bata ng pagkakataong makasalamuha ng ibang bata at magkaroon ng kaibigan. Paano pipili ng larong angkop sa pagkatuto? 1. Pagplano sa laro Bigyan ng pansin ang kapaligiran na gagalawan ng bata sa paglalaro maging ang mga kagamitan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Bigyan din sila ng pagkakataong pumili ng laro na mas angkop upang higit silang matuto. NARITO ANG ILANG SA MGA LARONG MAAARING ITURO SA INYONG MGA ANAK. 15

16

2. Pagsuporta sa laro Iangkop sa edad at kakayahan ng mga bata ang laro. Alamin ang kanilang mga interes gaya ng hilig nilang gawain, laruin, mga gusto at ayaw, maging ang kanilang mga kinatatakutan at iba pang karanasan upang maiwasan ang darating na problema habang naglalaro. 3. Pagsuri sa laro Obserbahan ang laro. Siguraduhin na may takdang oras at alituntunin ang larong pipiliin. Mahalaga rin na magkaroon ng maayos na komunikasyon sa bata upang maging bukas ang kanilang isipan sa paggawa ng desisyon o pagbabago ng laro. 17

Ano ang kailangang alamin/gawin ng mga magulang kapag ginagamit ang laro sa pagkatuto? 1. Bigyan ng pagkakataon ang mga bat ana lumikha ng iba’t ibang bagay sa loob at labas ng tahanan. 2. Maaaring gawin ng mga magulang ang laro upang makapagbigay ng pagkakataon sa bata para magsalita at magtanong, magpaunlad at magsanay ng bokabularyo at wika, pagbasa, pagsulat, pagbilang at kasanayan sa pakikisalamuha. 3. Hayaan ang mga bata na gamitin ang taglay na kaalaman at mga ideya upang makabuo ng bagong kaalaman. 18

4. Ang mga bata ay natututo at umuunlad habang kasali sila sa makabuluhang larong batay sa mga karanasan. 5. Magpakita ng pagsuporta sa mga bata upang magkaroon pa sila ng higit na kasiyahan sa paglalaro habang natututo. 19

6. Ugaliing bigyan sila ng papuri o simpleng premyo sa mga bagay na kanilang ginagawa. 7. Hayaan silang magtanong ukol sa kanilang paglalaro upang mas lumawak ang kanilang imahinasyon. 20

21

Oral Language (Pagsasalita) • Kakayahang maipahayag ang mga nais sabihin at ipaliwanag. • Tumutukoy sa mga salita na kayang ipahayag upang makipagkomunikasyon. Mga Gawain: 1. Interviewing – Tatanungin ang bata tungkol sa kanyang mga paborito at nararamdaman. 2. Pretend to Play – Ang mga bata ay naglalaro ng “kunyari”. Ang magandang halimbawa nito ay bahay-bahayan. Nagkakaroon dito ng mga suliranin at mismong bata na rin ang lulutas nito. 3. Talking about Pictures - Bibigyan ang mga bata ng pagkakataon na mapag-usapan ang isang larawan. At maaaring gumawa ng kuwento tungkol dito. 4. Wordless Picture Books - Hihikayatin ang mga bata na lumikha ng kuwento batay sa mga larawan. 22

Vocabulary Development (Pagpapalawak ng Talasalitaan) • Tumutukoy sa pagbuo ng kahulugan ng mga salita. • Tumutukoy sa kaalaman at kahulugan ng mga salita na nakasulat o sinasabi. Mga Gawain: 1. Singing Songs - aawit ang bata na may aksyon, makatutulong ito upang mas maunawaan ng bata ang mga ibig sabihin ng salita. 2. Reciting Rhymes and Games - ang mga magulang ay maaring magturo ng mga simpleng nursery rhymes. 3. Pictionary - ang mga magulang ay maaring gumamit ng mga flashcard upang pahulaan sa bata ang larawan. 4. Giving and Following Commands - ang magulang ay magbibigay ng simpleng panuto at ang bata ang magsasagawa nito. 5. Listening to a Story - makikinig ng kwento ang bata sa pamamagitan nito maari nilang malaman ang kahulugan at gamit ng ilang salita. 23

Auditory Perception (Pandinig na Pang-unawa) • Tumutukoy sa pagka-unawa ng bata sa mga tunog, pantig at salita na kanilang naririnig. Mga Gawain: 1. Tunog ng Hayop - pakinggan ang mga tunog ng mga hayop na gagayahin ko at hulaan kung ano ang mga ito. meow!meow!meow! - pusa aw!aw!aw! - aso kokak!kokak!kokak! - palaka oink!oink!oink! – baboy 2. Saan nanggagaling ang mga tunog? - sabihin sa bata na ipikit ang kanyang mga mata at ituro kung saang direksyon nagmumula ang tunog na iparirinig. 3. Tunog ng Kapaligiran - ipikit ang mga mata. Pakinggan ang bawat tunog na iparirinig ko. Sabihin ang bagay na pinagmulan ng tunog na ito. prrt!prrt!prrt! pito kriiing!kriiing!kriing! batingaw sa paaralan tik!tok!tik!tok! orasan 4. Pangalanan ang Pagkakamali - may kakantahin ako para sa iyo pero may babaguhin ako na isang salita sa kanta. Sabihin mo sa akin kung anong salita ang mali. Sampung mga daliri kamay at paa, Bibig na maganda. Dalawang tainga, dalawang mata, 24

Phonological Awareness (Kamalayang Ponolohikal) • Tumutukoy sa kaalaman sa mga tunog ng mga letra. Mga Gawain: 1. Antas ng Pantig - ngayon pantig naman ang aaralin natin. Ang bawat pagbuka ng bibig ko para sabihin ang salita ay tinatawag na pantig. Ipalakpak natin kung ilang pantig meron sa mga salitang ito. ka-ma 2 pantig 2 palakpak 2. Tugmang-Pantig - ngayon, pansinin natin ang huling pantig ng bawat salitang babanggitin. Pag magkapareho ang tunog ng huling pantig masasabing meron silang tugma. basa tasa bata lata 3. Antas ng Salita - may sasabihin akong pangungusap. Sa bawat salita sa pangungusap hahakbang tayo. Kumain ka na. 3 salita kaya 3 hakbang 4. Paghihiwalay ng tunog - pakinggan natin ang unang tunog sa pangalan ng mga prutas na ito. mangga saging abokado 25

Visual Perception (Biswal na Pagkilala) • Kakayahang maunawaan ang nakikita ng mga mata. Mga Gawain 1. Pares-Pares – maaaring magpakita ng mga bagay na magkakapares. Halimbawa, iba’t ibang pares ng medyas na magkakaiba ang kulay, disenyo at sukat. Ipahanap sa bata ang magkapares o magkaparehong medyas. 2. Memory game o Alalahanin mo! - maaaring gumamit ng kards na may larawan ng magkakaparehong bagay. Itaob ang lahat ng kards at baligtarin ang alin man sa dalawa. Kung magkapareho ang dalawang kard ay itago ito. Panatilihin ito hanggang sa mapagtugma ng bata ang lahat ng magkakapareho. 3. Mystery Box o Mahiwagang kahon– piringan ang bata at hayaang hulaan isa-isa ang mga bagay na nasa loob ng kahon. 4. Alin ang naiba? - ipahanap sa bata ang pagkakaiba ng dalawang larawan. 5. Ano ang nawala sa kahon? - magpakita sa bata ng iba’t ibang bagay na nakalagay sa loob ng kahon na kailangan niyang kabisaduhin. Ipapikit ang mata at alisin ang isang bagay sa loob ng kahon. Ipamulat ang mata at tanungin ang bata kung ano ang bagay na nawawala. 26

Alphabet Knowledge (Kaalamang Pang-alpabeto) • Ito ay kakayahang kilalanin, pangalanan at bigyang tunog ang lahat ng malaki at maliit na letra ng alpabeto. Mga Gawain 1. Alphabet Clip Cards – maaring gumamit ang magulang ng sipit ng damit. Maghanda ng kards, isulat sa unang kolum ang malaking letra na pagbabasehan ng sagot at sa ikalawang kolum ay ang tatlong maliliit na magkakaibang letra. Isisipit ng bata ang sipit na kaparehas na letra. 2. Clay Molding – ang bata ay maaring magmolde ng malaki at maliit na letra gamit ang clay. 3. Singing ABC o Pag-awit ng Alpabeto – upang maging pamilyar ang bata sa “Alphabet Song”, maaari itong sabay na kantahin ng magulang at bata nang paulit-ulit para sa mas mabilis na pagkilala sa mga letra. 4. Letter Mosaic- ang bata ay makakabuo ng letra sa pamamagitan ng ginupit-gupit na papel. 5. Letter Hunt o Paghahanap ng Letra - maaaring gumamit ng kards na may mga letra at ipahanap sa bata ang sasabihing letra. 27

Listening Comprehension (Pakikinig) • Ito ay kasanayan na maunawaan ang naririnig. Mga Gawain: 1. Giving and Following Commands - sumunod sa unang panuto o utos, ng iyong magulang sa pag-aaral. Halimbawa: Kumuha ka ng krayola. - Sumunod sa dalawang panuto na sinasabi ng iyong magulang sa pag-aaral. Halimbawa: Kumuha ng krayola at kulayan ang bilog. 2. Draw and Tell - pagkatapos makinig sa kwento ang bata ay hayaan na gumuhit tungkol sa kwentong napakinggan at pagkatapos hayaan ito na ikwento ang kanyang iginuhit. Halimbawa: Maaaring sabihin ng magulang sa isang salita at iguhit ng bata ang kanyang narinig. 3. Write and Tell - pagkatapos ituro ang mga letra ng alpabeto sa bata, ang magulang ay magbabanggit ng letra at hayaang ituro, sabihin at isulat ng bata ang sagot. Halimbawa: Isulat ang letra ng Aa, at ipabasa ang sinulat ng bata. 4. I spy - pagkatapos ituro ang tunog ng alpabeto, hayaan ang bata na hanapin ang bagay na nagsisimula sa letra na sasabihin ng magulang. Halimbawa: Alin ang nagsisimula sa Mm? baso, manika, tasa. 28

Writing and Composing (Pagsulat) • Ito ay kakayahan ng bata na makasulat at makabuo ng salita. Mga Gawain 1. Picture (Larawan) - magpaguhit sa bata ng bagay na gusto niya. Pagkatapos, magtanong kung ano ang masasabi nya sa kanyang ginawa. Pwede rin na magpakita ng larawan, tanungin kung ano ang masasabi nya sa nasa larawan. 2. Play-based - pagguhit sa paboritong laruan. Pagtatanong kung anong laruan ang iginuhit ng bata at kung bakit nya ito paborito. 3. Communication (Pakikipag-usap) - pagtatanong o pag-sagot ng mga bata tungkol sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa kanya. Hayaang magtanong ang mga bata. Sa bawat tanong, dapat may nakalaang tamang sagot ang mga magulang. 29

Attitude towards Language, Literacy and Literature (Pag-uugali sa Wika, Literasiya at Panitikan) • Tumutukoy kung paano isasabuhay ang wika, literasiya at panitikan sa pagkatuto. Mga Gawain 1. Label Things at Home (Paglalagay ng pangalan ng mga bagay na nasa loob ng bahay) - Sa isang kahon nakalagay ang piraso ng mga papel na may nakasulat na mga salita at ipadidikit ito sa mga bagay na angkop dito. 2. Read Anything Available at Home (Magbasa ng mga bagay na nasa loob ng bahay - Ipabasa sa bata ang mga bagay na maaaring matagpuan sa loob ng bahay tulad ng balat ng shampoo, toothpaste, biskwit, tsokolate, gatas, sardinas at iba pa. 3. Write Small Notes to your Child (Pagsulat ng mensahe sa bata) - Gumamit ng sticky notes o maliit na papel kung saan nakasulat ang mensahe mo sa kanya. 4. Model reading behavior to the child (Pagpapakita ng tamang pamamaraan ng pagbabasa) - Ipapakita ng magulang kung paano ang tamang pamamaraan ng pagbasa. 30

31

Shape Scavenger Hunt Layunin: Makilala ang mga bagay at hugis nito. Kagamitan: orasan, unan, hanger, kahon, itlog Pamamaraan: 1. Humanap at kumuha ng mga bagay sa loob at labas ng bahay. 2. Hayaan ang mga bata na hanapin ang mga bagay na may mga hugis bilog, parisukat, tatsulok, parihaba at iba pa. 3. Pagkatapos ay ihahanay ang mga bagay na kanilang nakita. 4. Hayaan ang mga batang matukoy ang mga hugis ng mga bagay na kanyang nakuha. Benepisyo: Nalalaman ang mga hugis ng mga bagay na kanilang nakikita. Nakapagsasalita ang bata sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanilang sagot. Nagkakaroon ng kasiyahan sa paghahanap ng mga bagay. Nagiging organisado ang bata sa paghahanay o pagsasama-sama ng mga bagay ayon sa hugis. 32

Number Concentration Layunin: Natutukoy ang mga bagay na mas marami ang bilang. Kagamitan: pebbles, aklat, stick, bote, krayola, lapis Pamamaraan: 1. Magpapakita ang magulang ng dalawang grupo ng mga bagay. 2. Hayaan na bilangin ng bata ang mga grupo ng mga bagay at tukuyin ang mas marami ang bilang. 3. Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag ang kanilang sagot sa sariling pangungusap. Benepisyo: Nakapagkukumpara ng mga bagay ayon sa dami nito. Nagkakaroon ang mga bata ng pagkakataong makapagsalita at mapakinggan ang kanilang sagot o opinyon. Nahihikayat ang mga bata na bumilang sa pamamagitan ng mga konkretong bagay na inihanda ng magulang. Nagkakaroon ng kasiyahan ang bata na bumilang. 33

Color Sorting Layunin: Nakikilala ang pangunahing kulay. Nasasabi ang wastong kulay ng mga bagay. Napagsasama-sama ang mga bagay na magkakatulad ang kulay. Kagamitan: laruan, damit, kwaderno, bag, payong Pamamaraan: 1. Maaring maghanda ang magulang ng iba’t ibang bagay na may iba’t ibang kulay na matatagpuan sa loob at labas ng bahay. 2. Maghanda ng tatlong kahon ng may nakasulat na pula, asul, dilaw. 3. Hayaan na paghiwalayin ang mga bagay ayon sa kulay nito at ilagay sa tamang kahon. 4. Hikayatin at bigyan ng pagkakataon ang bata na sabihin ang kulay ng bawat bagay na kanilang inilagay sa kahon. Benepisyo: Nalalaman ang mga bagay na may kulay pula, dilaw at asul. Napagsasama-sama ang mga bagay ayon sa kulay nito. Nasisiyahan sa paghahanap ng mga bagay na may pangunahing kulay. Natututong gumawa ng mga aktibidad na hindi nakadepende sa iba. 34

Counting Objects Layunin: Nakikilala ang mga simbolong bilang mula 1-10. Nakakabilang at naisusulat ang mga bilang 1-10. Natutukoy ng mga bata ang kahalagahan ng mga bagay sa paligid. Kagamitan: mga bagay na makikita sa loob at labas ng tahanan tulad ng upuan, mesa, kutsara, tsinelas, bola, bulaklak Pamamaraan: 1. Ang mga magulang ay magpapakita ng mga bagay na nakikita sa loob at labas ng tahanan. 2. Hayaan na bumilang ang mga bata alinsunod sa sasabihin na panuto ng magulang, 3. Sa gabay ng magulang, ipasulat ang wastong bilang mula 1-10. 4. Bigyan ang bata ng pagkakataon na masabi o matukoy ang kahalagahan ng mga bagay na ipinakita ng magulang. Benepisyo: Naipapahayag ang karanasan sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa kahalagahan ng mga bagay sa kanilang nakita. Nakasusunod sa panuto na sinabi ng magulang. Nagkakaroon ng kaalaman patungkol sa bilang 1-10. 35

Comparing Objects Layunin: Natutukoy ang mga bagay ayon sa laki at haba. Naikukumpara ang sukat ng mga bagay. Nasasabi ang mga bagay na maliit/maikli, maiksi/mahaba. Kagamitan: patpat, sinturon, lapis, krayola, gulay, sandok, kutsara, walis atbp. (kung wala nito sa bahay ay maaaring palitan ng ibang bagay) Pamamaraan: 1. Ihahanda ng magulang ang mga bagay na gagamitin. 2. Kukuha ang magulang ng dalawang bagay na magkaiba ang laki at haba at ipapakita ito. 3. Itatanong sa bata kung ano ang pagkakaiba nito. 4. Hayaan ang bata na tukuyin at sabihin ang pagkakaiba ng mga bagay ayon sa sukat (maliit-malaki, maiksi-mahaba) 5. Bibigyan ng pagkakataon na muling bigkasin ang kanilang sagot. Benepisyo: Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay na nakikita sa loob at labas ng tahanan. Naihahalintulad ang isang bagay sa iba pang bagay. Nabubuo ng bata ang kumpyansa sa sarili. 36

See Seeds Grow Layunin: Natutukoy ang kailangan ng halaman para mabuhay. Kagamitan: plastic cup, lupa, tubig at butil ng monggo. Pamamaraan: 1. Sa tulong ng magulang, ihanda ang lupang taniman at ilagay ito sa plastic cup. 2. Maglagay ng 4 hanggang 8 butil ng monggo. 3. Maingat na diligan ang paligid ng lupa Benepisyo: Mahalagang natutukoy ng mga bata ang kailangan ng halaman upang mabuhay at magkaroon sila ng pagpapahalaga sa mga halaman sa kanilang paligid. 37

Get Dressed Layunin: Natutukoy ang mga kasuotang nababagay sa uri ng panahon. Kagamitan: Iba’t ibang uri ng kasuotan Pamamaraan: 1. Maghanda ng kasuotan na naaangkop sa iba’t ibang uri ng panahon. 2. Magsasabi ang magulang ng uri ng panahon pagkatapos, hayaan ang bata na hanapin at kunin ang angkop na kasuotan. 3. Ipasuot ito sa bata. Benepisyo: Ang pagtukoy sa iba’t ibang kasuotan ay mainam upang maihanda ng bata ang mga ito sa araw araw na gawain at nagbibigay ng kumpyansa sa sarili sa pagharap sa mga tao. 38

Name the Taste Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang lasa ng pagkain. Nakikilala at naiisa-isa ang mga pagkain na may iba’t ibang lasa. Kagamitan: panyo, platito, asukal, kape, asin, suka Pamamaraan: 1. Ihahanda ng magulang ang mga sumusunod: platitong may asukal, kape, asin at suka. 2. Lagyan ng piring ang dalawang mata ng bata. 3. Alalayan ang bata habang tinitikman ang nakahandang pagkain. 4. Tanungin ang bata kung ano-anong ang lasa ng pagkain na kanyang natikman. 5. Tanungin muli ang bata kung ano pa ang mga pagkain na may katulad na lasa. Benepisyo: Sa pamamagitan ng karanasan ng bata na malasahan ang iba’t-ibang uri ng pagkain ay nakatutulong upang matukoy ang iba’t ibang uri ng panlasa. 39

Texture Sorting Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang tekstura. Naisasaayos ang mga bagay ayon sa tekstura. Kagamitan: upuan, bulak, bato, plato, salamin, eskoba, scotch brite Pamamaraan: 1. Ilagay sa mesa ang mga kagamitang kailangan. 2. Hayaan ang bata na hawakan ang mga nakahandang kagamitan sa mesa. 3. Tanungin ang bata kung ano ang naramdaman niya habang hawak ang ibat-ibang kagamitan. 4. Pagsasama-samahin ng bata ang mga bagay na may magkakatulad na tekstura. Benepisyo: Habang hinahawakan ng bata ang iba’t ibang bagay sa kanyang paligid, natututunan ng bata na tukuyin kung ano ang mga tekstura nito. 40

Sorting Foods: Healthy vs Unhealthy Layunin: Nakikilala ang masustansya at di- masustannsyang pagkain. Napapangkat-pangkat ang mga pagkain. Kagamitan: Iba’t ibang pagkain na masustansya/di- masustansya (maaaring larawan, balat o lagayan ang gamitin. Pamamaraan: 1. Iayos sa isang mesa ang mga pagkain. 2. Tanungin ang bata kung ano ang pangalan ng pagkain. 3. Hayaan ang bata na makilala ang masustansya at di- masustansyang pagkain. 4. Gabayan ang bata sa pagpapangkat ng mga pagkain. Benepisyo: Ang pagtukoy sa masustansya at di-masustansyang pagkain ay nakatutulong upang maging maayos, malusog at masigla ang pangangatawan ng bata. 41

Pagkilala Ang pagtatapos ng “Kindergarten Parent Toolkit” na ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga guro, punongguro, “Kindergarten District Coordinator” at marami pang iba sa loob ng maraming oras at araw. Babanggitin ng mga manunulat ang pangalan ng mga taong tumulong upang mabuo ito, marami ang mga mga nagbahagi ng kaalaman at naglaan ng kanilang oras at panahon para dito, nais nilang pasalamatan ang mga ito. Walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon sa pagbibigay ng walang humpay na biyaya, patuloy na paggabay sa araw-araw at karunungan. Para sa ating butihin, masipag at mahusay na Pampurok na Tagamasid, Restituto G. Henandez Ed.D., salamat sa lahat ng suporta, pagtitiwala at paggabay. Salamat sa ating matiyaga at masigasig na “Kindergarten Coordinator”, May P. Villegas sa tulong, payo at pag-aasikaso upang mabuo at matapos ang “Kindergarten Parent Toolkit”. Sa lahat ng Punongguro sa Tiaong 1 District, maraming salamat sa tulong at gabay na binigay ninyo. Sa ating validators sa matiyagang pagtulong at pagsasaayos ng “Kindergarten Parent Toolkit” upang mas maging epektibo sa mga magulangin na magbabasa nito. At higit sa lahat sa mga masisipag at matitiyagang guro ng Kindergarten sa Tiaong 1 District na nagtulungan at nagbahagi ng kanilang kaalaman at kakayahan upang matapos ang “Kindergarten Parent Toolkit”. 42

Sanggunian Brookler, L. (2020) “The Role of Play in Children’s Learning “. Buckingham and Phildephia, Open University Press. Department of Education (2017). Kindergarten Teacher’s Guide Department of Education (2011). National Kindergarten Curriculum Guide. Ginsburg, K. (2007). “The Importance of Play in Promoting Healthy Child Development and Maintaining Strong Parent-Child Bonds” Gronlund, G & Rendon, T. (2017). “Saving Play: Addressing Standards Through Play-Based Learning in Preschool and Kindergarten. Mead, S. “How do children learn through play” Retrieved from http://www.readysetgotoday.org/_blog/Ready _Set_Go_to_Kindergarten/post/Myths_and_Facts_about_ Preschool Duda, C. (2015, October 20). Retrieved from https://www.google. com/amp/s/www.sheknows.com/parenting/articles/ 1099481/common-misconceptions-about-kindergarten/amp/ Retrieved from https://tryingtogether.org/dap/early-learning myths-vs-facts/ (2017, March 15). Retrieved from https://medium.com/ @heinemann/6-myths-about-kindergarten-literacy- instruction-38c24b984eb0 43


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook