Week 4 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa at Pakikibaka Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: Petsa: ____________________________________ ____________________________________ Panimula Ang mga pandaigdigang pangyayari ay nagkaroon ng epekto sa kolonyal na patakaran at mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-18 siglo. Partikular sa mga pandaigdigang pangyayaring ito ay ang Paglipas ng Merkantilismo at pagsisimula na malayang kalakalan, pagwawakas ng Kalakalang Galyon noong 1815, at ang paglaganap ng kaisipan mula sa Age of Enlightenment ng Europe ng nagresulta ng pagbuo at pagpapatupad ng Cadiz Constitution ng 1812 sa Spain. Ang mga pandaigdigang pangyayaring ito ay nagkaroon ng epekto sa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino 2. La Illustracion o Age of Enlightenment Ang La Illustracion o Age of Enlightenment ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, imprastruktura at mga institusyon ng lipunan. Malaki ang naging epekto ng La Illustracion o Enlightenment sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa Pilipinas. Maaari din itong ituring bilang isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europe noong ika-18 siglo bunga ng pagtatangkang kumawala mula sa Middle Ages, o ang panahon ng pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya, at kawalan ng rason. 2. Paglipas ng Merkantilismo Mula ika-16 hanggang ika-18 siglo, naging batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng mga bansa sa Europe ang prinsipyong Merkantilismo. Ayon sa Merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamana ng isang bansa ay ang dami ng mahahalagang metal-lalo na ang ginto at pilak---na pagmamay-ari nito. Ito ang nagtulak sa mga Kanluraning bansa na magpalawak at mag-unahan sa paghahanap ng mga bagong teritoryo sa labas ng Europe na maaaring magbigay sa kanila ng dagdag na yaman. Ilan sa mahahalagang epekto ng merkantilismo ay ang pagtatatag ng malakas na 14
hukbong militar na magtatanggol sa mga kolonyang bansa ng mga European. Higit ding naging mahalaga ang ginto at pilak bilang pambayad sa barter trade o transaksiyon sa pagpapalitan at pagtutumbasan ng produkto. 3. Pagwawakas ng Kalakalang Galyon Ang kalakalang Galyon na tinawag ding Manila-Acapulco Galleon Trade, ang tanging kalakalang nilahukan ng Pilipinas mula ika-16 na siglo hanggang 1815. Gayunpaman, hindi nakinabang ang mga katutubo sa kalakalan, bagkus ang mga Tsino, Espanyol at ilang mangangalakal na Pilipino lamang. Nagdulot ito ng pang-aabuso sa mga katutubo dulot ng Polo Y Servicio na nakasentro sa mga gawaing may kinalaman sa galyon tulad ng paggawa ng barko. May ilang Espanyol na tutol sa Kalakalang Galyon dahil naaapektuhan nito ang kanilang sariling negosyo at hindi sila naniniwala sa pangakong kaunlaran ng nasabing kalakalan. Sila ang maigting na nangampanya upang ipatigil na ang kalakalan at binalaan ang Hari ng Espanya na malulugi ang kaban ng bayan Espanya kung itutuloy ito. Nakumbinsi nila si Haring Philip kung kaya’t noong 1585 ay ipinag-utos niyang ipatigil ang nasabing kalakalan subalit hindi ito sinunod ng mga Espanyol sa Maynila at ipinagpatuloy ang kalakalan. Kasanayang Pagkatuto at Koda Natatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Isulat sa patlang ang konseptong tinutukoy sa bawat Text Twist at pagkatapos ay talakayin ito sa dalawa o higit pang pangungusap. _____________________1. Ito ang tunay na sukatan ng kayamanan-dami ng mahahalagang metal. (MOKANTILISMER) ______________________________________________________________ _____________________2. Ito ang tanging kalakalang nilahukan ng Pilipinas mula ika-16 siglo hanggang 1815. ( LALAKANGKA YONLAG ) 15
_____________________3. Ito ang maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay. ( AL CITRAONLUSI ) ______________________________________________________________ _____________________4. Ang iba pang tawag sa La Ilustracion. ( GEA FO GHMENTTENENLI ) ______________________________________________________________ _____________________5. Panahon ng pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya at kawalan ng rason. ( DLEDIM SEGA ) ______________________________________________________________ Gabay sa mga Tanong Bakit unti-unting nabago ang kamalayan at kaisipan ng mga Pilipino? Rubriks sa Pagpupuntos Porsiyento Paglalarawan 5(100%) 4(95%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 3(90%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas pahayag: Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian Pivot 4A BOW-Araling Panlipunan 5 p. 175 Araling Panlipunan 5, pp 245-250 16
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. GLECY S. OMLAS Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARICEL D. VILLAMATER School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 17
Week 5 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Mga Salik ng Pag-usbong ng Kamalayang Makibaka at Pambansa Panimula Kasabay ng paglipas ng merkantilismo at pagtatapos ng kalakalang galyon ay mga pangyayari sa labas ng Pilipinas na nakaimpluwensya sa diwang makibaka at pambansa ng mga Pilipino. Narito ang mga pangyayari sa labas ng bansa na nagbigay-daan sa pag-usbong ng diwang makibaka at pambansa ng mga Pilipino: 5. Pagbubukas ng Suez Canal Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal. Sa pagbubukas ng kanal na ito, higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula Europe patungo sa Maynila. 2. Pagusbong ng Panggitnang uri Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish mestizo. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay nagkaron sila ng kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europe, particular sa Spain. Doon nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o ilustrados, ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas. 3.Liberal na Pamumuno Noong ika-19 ng Setyembre, sumiklab ang isang himagsikan sa Spain. Nag-ugat ang himagsikang ito s apagpapalit ng pamamahala ng Spain mula sa kamay ng mga konsebatibong tungo sa mga liberal. Ipinadala bilang bagong gobernador-heneral sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili. Pinalitan siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong panunungkulan. Si Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalulupit na namuno sa Pilipinas na lalong nagpasidhi sa kamalayan ng mga Pilipino para sa pagbabago at kasarinlan. 4. Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring secular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya. Dinakip ang mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Pinagbintangan silang mga pinuno ng pag-aalsa sa 18
Cavite. Hinatulan sila ng kamatayan at ginarote noong ika-17 ng Pebrero 1872. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipapaliwanag ang mga salik ng pag-usbong ng kamalayang makibaka at pambansa. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Pumili ng dalawa ( 2 ) sa sumusunod na mga pangyayari na nagbigay- daan sa pag-usbong ng diwang makibaka at pambansa ng mga Pilipino at ipaliwanag ito. Pagbubukas ng Suez Canal Pagusbong ng Panggitnang uri Liberal na Pamumuno Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Indibidwal na Gawain B Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali ay palitan ang salitang may salungguhit at ipaliwanag kung bakit iyon ang naging sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang. ___________1. Ang Kristiyanismo ay pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya. ______________________________________________________________ ___________2. Ang Ilustrados ay mga kabataang naliwanagan. ______________________________________________________________ ___________3. Binuksan ang Kalakalang Galyon upang higit na mapadali ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. ______________________________________________________________ 19
Gabay sa mga Tanong Anu-ano ang mga salik ng pag-usbong ng kamalayang makibaka at pambansa? Rubriks sa Pagpupuntos Porsiyento Paglalarawan 5(100%) 4(95%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 3(90%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas pahayag: Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian MELC p. 45 Araling Panlipunan 5, pp 251-254 20
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. MARICEL D. VILLAMATER Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. GLECY S. OMLAS School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 21
Week 6 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato Tungkol sa Kalayaan Panimula Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kanilang kalayaan lalo na sa aspekto ng relihiyon. Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah. Ang kanilang paniniwalang panrelihiyon gaya ng Salat o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay nanganganib na mawala. Bukod dito, dinatnan ng mga Espanyol ang mga Muslim na may matatag at malakas na mga sultanato at may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia kung kaya’t malakas ang loob ng mga sultan na labanan ang mga Espanyol. Kung masasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol ay masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang tinatamasa ng kanilang mga sultanato at ang kalayaan nila sa paniniwala. Higit ding katanggap-tanggap ang sultanato kaysa kolonyalismo dahil sa ilalim ng sultanato, hindi sapilitang ipinasailalim sa kapangyarihan ng sultan ang mga dating datu at rajah. Sa halip, kinilala ang kanilang kapangyarihang mamuno sa kani-kanilang teritoryo kasabay ng pagkilala nila sa kapangyarihan ng sultan. Sa ilalim ng kolonyalismo, tanging ang mga mananakop na Espanyol ang kikilalaning pinaka makapangyarihang pinuno ng bansa. Sa isang talumpati ni Sultan Kudarat, tinanong niya sa mga datu kung nababatid ba nila kung ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa mga Espanyol. Hinikayat niya ang mga datu na suriin ang mga pangkat na nagpasailalim sa mga Espanyol, gaya ng mga Bisaya at mga Tagalog, at kung paano sila inaalipin ng mga dayuhan. Ipinaliwanag niya kung paanong ang kanilang kapalaran ay matutulad sa mga nasakop na pilit pinagtatrabaho nang walang bayad. Binalaan din niya ang mga datu na huwag magpadala sa matatamis na salita ng mga Espanyol, dahil ibinigay rin ng mga Espanyol ang matatamis na salita sa mga local na pinuno sa ibang bansang sinakop subalit hindi naman nila tinupad ang kanilang pangako sa mga ito. 22
Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa kalayaan. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Punan ang Graphic Organizer ng wastong kaisipan upang mabuo ang konsepto ng aralin. Isulat sa sagot sa sagutang papel. Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato Tungkol sa Kalayaan 23
Indibidwal na Gawain B Panuto: Ipaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) tungkol sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talatang binubuo ng 5-10 pangungusap Gabay sa mga Tanong Anu-ano ang mga dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol? Rubriks sa Pagpupuntos Gawing gabay ang rubrik sa pagpupuntos ng Gawain B. Porsiyento Paglalarawan 5(100%) 4(95%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 3(90%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas pahayag: Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian PIVOT 4A BOW, p. 175 Araling Panlipunan 5, pp 215-216 24
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. GLECY S. OMLAS Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARICEL D. VILLAMATER School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 25
Week 7 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Mga Pag-aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismo Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Maraming pag-aalsa ang nangyari sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maipakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa pananakop at di makataong patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa. Ang mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga katutubong buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan at mga liblib na lugar sa Pilipinas, at maging mga binyagang-Katoliko na nakaranas ng kalupitan ng mga Espanyol. Nahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino sa tatlong pangunahing kadahilanan: 6. Mga Pag-aalsang Politikal Ang mga datu at maharlika ay pinalitan ng mga Espanyol bilang pinakamatataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espirituwal. Dahil dio, nagsagawa ng mga pag- aalsa ang mga dating datu at babaylan uapang manumbalik ang kapangyarhan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan. 2. Mga Pag-aalsang Panrelihiyon Dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, maraming Pilipino ang tumalikod sa kanilang paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano. Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744. Marami sa kanila ang pinugutan, itinuhog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga Espanyol sa mga indio bilang babala sa maari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa Simbahan. 3.Mga Pag-aalsang Ekonomiko Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Pilipino ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatutupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopolyo, at 26
kalakalang galyon. Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego Silang sa Ilocos bunsod ng malabis na pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol. Anuman ang mga naging dahilan ng pag-aalsa, ang mahalaga ay nabuo sa damdamin ng ating mga ninuno na ipaglaban ang kanilang kalayaan at karapatan. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipapahayag ang saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Ipahayag ang iyong saloobin sa sumusunod na mga katanungan. 1. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa kalabisan ng mga mananakop na Espanyol? ______________________________________________________________ 2. Ano ang karaniwang dahilan sa mga pag-aalsang naganap sa panahon ng Espanyol? ______________________________________________________________ 3. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang mga dahilan ng kanilang pag-aalsa? ______________________________________________________________ Indibiduwal na Gawain B Ipahayag ang iyong sariling saloobin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pahayag. Mahalagang gampanan ko ang aking tungkulin dahil ___________________ 27
______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Gabay sa mga Tanong Ano ang kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon? Rubriks sa Pagpupuntos Porsiyento Paglalarawan 5(100%) 4(95%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 3(90%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas pahayag: Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian MELC p. 45 Araling Panlipunan 5, pp 231-236 28
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. GLECY S. OMLAS Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARICEL D. VILLAMATER School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 29
Week 8 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Mga Dahilan at Partisipasyon ng Iba’t ibang Sektor sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Masasalamin na karamihan sa mga pag-aalsang nangyari ay dulot ng kanilang mga reaksyon sa mga sistema at patakarang ipinatupad ng mga Espanyol at gayundin ay maipagtanggol ang kanilang kalayaan. Ito ay nilahukan ng iba’t ibang sektor ng tao sa lipunan tulad ng katutubo, kababaihan, at mga taong may kinalaman o kaugnayan sa relihiyon. Pag-aalsa Ni/Nina Dahilan Sektor na Nagsagawa o Nanguna Lakandula personal at pampolitika Diego at Gabriela pampolitika at pang- pinuno/ mga katutubo Silang ekonomiko mga katutubo/ Francisco Maniago pampolitika at pang- kababaihan ekonomiko mga katutubo Andres Malong pampolitika at pang- mga katutubo Francisco Dagohoy ekonomiko Juan Sumuroy mga katutubo Panrelihiyon mga katutubo Baylon Tamblot pampolitika at pang- ekonomiko mga katutubo/pari o Panrelihiyon babaylan mga magsasaka Pag-aalsang Agraryo pang-ekonomiko Katagalugan Kasanayang Pagkatuto at Koda Napahahalagahan ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa pagsulong ng kamalayang pambansa. 30
Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Gamit ang Tri-Question Approach ay isulat ang kahalagahan ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa pagsulong ng kamalayang pambansa. Tanong 1: Ano ang iba’t ibang sektor na nakipaglaban para sa bansa? Tanong 2: Ano-ano ang kanilang naging partisipasyon sa pakikibakang naganap? Tanong 3: Sa iyong palagay masasabi mo bang mahalaga ang kanilang partisipasyon sa ating pakikipaglaban para sa bansa? Sagot 1 Sagot 2 Sagot 3 Mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa pagsulong ng kamalayang pambansa dahil ____________________________________________ ___________________________________________________________________ Gabay sa mga Tanong Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pagsulong ng kamalayang pambansa? 31
Rubriks sa Pagpupuntos Porsiyento Paglalarawan 5(100%) 4(95%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 3(90%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas pahayag: Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian MELC p. 45 Araling Panlipunan 5, pp 231-236 32
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JULIETA D. LADINES School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 1
Week 1 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 Pamagat: MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Sa araling ito ay malalaman natin ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar sa ating bansa. Ang Batas Militar ay isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga panganib tulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan. Narito ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ng Batas Militar sa Pilipinas: 1. Pagsilang ng mga makakaliwang pangkat a. Communist Party of the Philippines (CPP) Itinatag ni Jose Maria Sison noong 1968 na may simulating hango sa ideolohiya ni Mao Tse Tung. b. New People’s Army (NPA) Itinatag ito noong 1969 ng mga magsasakangnakipaglaban dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga may ari ng lupang sakahan. Nakipaglaban sila gamit ang dahas at lumaganap ang samahang ito hanggang sa Mindanao. c. Moro National Liberation Front (MNLF) Itinatag ito ni NUR Misuari noong Marso 18, 1968 na may layuning magtatag ng hiwalay na pamahalaang tinawag nilang REPUBLIKA NG BANGSAMORO. 2. Paglubha ng suliranin sa Katahimikan at Kaayusan 3. Pagbomba sa Plaza Miranda 4. Pagsuspinde sa Pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpuz Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: 1. Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas Militar (AP6TDK-IVa-1.1.1 ) 2. Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na 2
pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino Panuto Panoorin ang isang video clip sa link na ito (https://www.youtube.com/watch?v=LOd5G5RGrIM) upang higit mong maintindihan ang mga pangyayaring naganap na nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas Militar. Pamamaraan Gawain 1: Sa pamamagitan ng Tree Diagram, isa-isahin ang mga pangyayari kung paano nagsimula at umiral ang Batas Militar sa bansa. Sa mga ugat ng puno ay itala ang mga pangyayaring nagbigay-daan upang ideklara ito ni Marcos noong Setyembre 21, 1972. Gawain 2: Ngayong alam mo na ang mga pangyayaring naganap na pagtatakda ng batas militar sa ating bansa, sa mga sanga naman ng puno ay isulat ang mga pagbabagong naganap sa bayan ng Lucban sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong naranasan ang mga pangyayari noong panahon ng Batas Militar.. a. Ano-anong mga pagbabago ang naganap sa Lucban bunsod ng pagkakatakda ng Batas Militar? Isa-isahin ang mga ito. 3
Gabay sa mga Tanong Gawain 3: Sagutin ang mga tanong. 1. Kung ikaw si Pangulong Marcos noon, magdedeklara ka rin ba ng Batas- Militar sa Pilipinas? Bakit? _____________________________________________. 2. Kung ibabatay mo sa mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan, kailangan bang magkaroon ulit ng Batas-Militar? Nanaisin mo ba ito? Bakit?___________________. Rubriks sa Pagpupuntos Gawing gabay ang pamantayan sa pagbuo ng Tree Diagram Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos 1. Naisulat nang maayos ang mga pangyayari hinggil 5 sa pagpapairal ng Batas Militar sa bansa. 2. May pagkakasunod-sunod ang mga detalye sa mga 5 pangyayari 3. Maayos at naiintindihan ang paraan ng 5 pagkakasulat sa Tree Diagram 4. Masasalamin sa panayam ang naging buhay o 5 kalagayan ng mga Lucbanin mula sa taong kinapanayam Kabuuang Puntos 20 5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay 4- Mahusay 2- Di gaanong mahusay Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na ________________________________. Nabatid ko na _________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p 290-305.Quezon City:Phoenix Publishing House https://www.youtube.com/watch?v=LOd5G5RGrIM RM-No.-306-S.-2020-New-Pivot4A-BOW p.177 Curriculum Guide in AP p.138 of 4
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. JULIETA D. LADINES Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 5
Week 1 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Mga Suliranin, Hamon at Epekto ng Batas Militar Suliranin Hamon Epekto Namayagpag ang Pagbabago sa Politika/ Pamahalaan mga komunistang Saligang Batas Pang-aabuso ng grupo ng MNLF/MILF Proklamasyon ng militar sa Batas Militar kapangyarihan Lumaganap ang Nasisiil ang kriminalidad sa Pagbabago ng karapatang pantao bansa pamamahala sa ng ilang mamayan ilalim ng Batas Nagsimula ang Militar Kabuhayan/Ekonomiya pag-aalsa ng mga Nakapagpasimula mag-aaral. Hindi naging ng negosyp ang maganda ang mga mahihirap na Pagbomba sa reaksyon ng mga Pilipino Plaza Miranda Pilipino sa Batas Militar. Pamumuhay ng mga Pilipino Nabawasan ang krimen dahil sa pagpapairal ng oras ng curfew Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: 1. Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar 6
2. Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilpino. Panuto Suriin ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar at bumuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino. Pamamaraan A. Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek(/) ang mga linya kung ang pahayag ay nagsasasad ng mga patakaran o pagbabagong ipinatupad ni Marcos sa ilalim ng Batas Militar na naging suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. _____ 1. Pagpapahuli sa sinumang nagkasala ng krimeng panghihimagsik sa pamahalaan _____ 2. Pagpapairal ng karapatan sa pamamahayag. _____ 3. Pagkakaroon ng ganap nna kapangyarihan ng pangulo _____ 4. Paggagawad ng parusang kamatayansa sinumang mahuhuling nagdadala ng armas nang walng pahintulot. _____ 5. Pagpapairal ng curfew hour mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas kuwatro ng umaga. . B. Bumuo ng sariling konklusyon kung paano nakaaapekto sa buhay ng Pilipino ang pagtatakda ni Marcos ang Batas Militar sa bansa. Magtala ng posibleng nangyari batay sa sumusunod na aspekto ng buhay ng mga Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa espayong nakalaan. Politika/ Pamahalan Kabuhayan/ Ekonomiya Pamumuhay ng mga Pilipino 7
Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________ _____________________________________________________________. Nabatid ko na_________________________________________ _________ _____________________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 290-305.Quezon City:Phoenix Publishing House MELC p.49 PIVOT 4A p.177 8
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. JULIETA D. LADINES Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 9
Week 2 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 Pamagat: MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Mga Pangyayari sa Bansa na Nagbigay Wakas sa Diktaturang Marcos Namulat ang mga tao sa paglaganap ng mga paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso ni Marcos at ng militar. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusang tulad ng New People’s Army (NPA) at Moro National Liberation Front (MNLF) na lumaban sa mapaniil na pamahalaan. Nabigong mapagtakpan ng media na hawak ng mga Marcos at ng kanyang mga crony ang lumalalang kahirapan at kagutumang nararanasan ng mga Pilipino. Pagtutol sa Batas Militar na Nagbigay Daan sa Pagbuo ng Samahan Laban sa Diktaturang Marcos Noong Panahon ni Pangulong Marcos naitala ang pinaka mataas na Gross Domestic Product (GDP) at sa kanya rin panahon naitala ang pinakamababang GDP rate isang basehan ng isang bansa. Lugmok na lugmok ang ekonomiya ng Pilipinas nong 1984, napakataas ng piso kontra dolyar, mataas ng presyo ng mga bilihin Isang paraan upang makabawi ang bansa ay mangutang sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank, naniniwala sila na makababayad ang bansa kung may matatag na pamunuan Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipinong Nagbigay Daan sa Pagwawakas ng Batas Militar – People Power I. Pambansang Halalan ng 1981 Pagpaslang kay Benigno Aquino Jr. Krisis Pang-ekonomiya Snap Election (Pebrero 7, 1986) Rebolusyon sa EDSA (February 25,1986) 10
Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: 3. Natatalakay ang mga pangyayari sa bansa na nagbigay wakas sa Diktaturang Marcos 4. Natatalakay ang mga pagtutol sa Batas Militar na nagbigay daan sa pagbuo ng samahan laban sa Diktaturang Marcos. 5. Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan sa pagwawakas ng Batas Militar – People Power I. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan A. Talakayin ang mahahalagang salik na naging daan upang wakasan ni Marcos ang Batas Militar sa bansa . Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Mga Salik na Nagbigay Wakas sa Batas Militar B. Talakayin kung paano nakatulong sa pagbuo ng mga samahan laban sa diktaturang Marcos ang mga ginawang pagtutol ng mga Pilipino sa Batas Militar. (Isulat ang iyong reaksyon sa loob ng kahon.) 11
1. Ang paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-abusong militar ay lumaganap sa pagiging diktator ni Pangulong Marcos . Sa kabila ng pagtutol ng maraming tao ay patuloy pa rin ang hindi makataong pag-aresto o pagdakip sa kalaban ng pamahalaan. Reaksyon: 2. Ang lumalalang kahirapan at kagutumang nararanasan ng maraming Pilipino ay hindi na napagtakpan ng pamahalaang Marcos. Reaksyon: 3. Dahil sa patuloy na pagtaas ng bahagdan ng mga walang hanapbuhay ay tumaas ang bahagdan ng mahihirap. Reaksyon: C. Ang sumusunod na pangungusap ay tumatalakay sa mga ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan sa pagwawakas ng Batas Militar - People Power I. Lagyan ito ng bilang 1-5 _____ Inilunsad ni Cory ang kampanyang civil disobedience. _____ Lumikom ang Corazon Aquino for President Movement ng isang milyong pirma para makumbinsing tumakbo si Corazon C. Aquino. _____ Ipinahayag nina Prime Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel V. Ramos ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. _____ Nanumpa si Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo ng bansa. _____ Tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadlar ang tumungo sa EDSA subalit sinalubong sila ng mapayapang protesta ng mga mamamayan. Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 290-305.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.49 PIVOT 4A p.177 12
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JULIETA D. LADINES School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 13
Week 3 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 PAGTATANGGOL AT PAGPAPANATILI SA KARAPATANG PANTAO AT DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan. 1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kultural na karapatan. a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay. b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito. c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan. d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag- unlad ng pamayanan. 2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran. 14
May Iba’t ibang pandaigdigang Instrumento ukol sa karapatang pantao. Ang mga ito ay : 1. Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural. 2. Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata. Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay, karapatang magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at partisipasyon. 3. Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (Convention on Elimination of Discrimination Against Women) Ang paglabag sa karapatang pantao ay nararanasan kapag hindi nakakamit o naisusulong ng tao ang kanyang mga karapatan. Iba’t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao: ito ay maaring pisikal at sekswal, sikolohikal o emosyonal, at istruktural. May mga paraan upang mabigyang proteksyon ang ating mga karapatan; Ito ay ang mga sumusunod: 1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman. 2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice) 3. Edukasyon para sa karapatang pantao 4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: Napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. 15
Panuto: Ang sumusunod na mga salita ay nagpapakita ng iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Isulat ang S kung sibil na karapatan, P kung Pulitikal, K kung Pangkabuhayan, KL kung pangkultural at L kung panlipunang karapatan. __________1. Karapatang mamili ng panirahan __________2. Pagsali sa referendum __________3. Karapatang mabuhay __________4. Magtamasa ng kaunlaran dahil sa mga imbensyon __________5. Magsulong ng mapayapang pamayanan __________6. Pantay na proteksyon ng batas __________7. Asylum __________8. Seguridad ng pamayanan __________9. Pantay na pagtingin sa babae at lalaki __________10. Partisipasyon sa pagsusulong ng tradisyon Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 417-427.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.50 PIVOT 4A p.178 https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-24-karapatang-pantao 16
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. JULIETA D. LADINES Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO School Head in Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 17
Week 4 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 Pamagat: PATULOY NA PAGTUGON SA HAMON AT KASARINLAN AT PAGKABANSA (1986-Kasalukuyan) Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Patuloy na Pagtugon sa Hamon at Kasarinlan at Pagkabansa (1986-Kasalukuyan) Corazon C. Aquino (1986-1992) Pagbabalik ng demokrasya sa bansa dahil sa EDSA People Power I 1987 Constitution hindi 1986 dahil ang 1986 ay Freedom of Constitution good for few months only na napalitan agad ng 1987 Constitution Nagkaroon ng problema, nagkaroon ng Pinatubo eruption, lindol at sunod sunod na pagbagyo. Fidel V. Ramos (1992 – 1998) Philippine 2000 Five – Point Agenda na nakatuon sa pangkapayapaan Economic Liberation – ginawang TIGER ECONOMY ang Pilipinas. Naging agrisibo siya sa ekonomiya at ayon sa kanya ay maari raw maging kalevel ng maunlad na bansa tulad ng Singapore, South Korea at Taiwan ang Pilipinas. Umabot ng 4.6% ang GDP rate ng Pilipinas. Joseph E. Estrada (1998 – 2001) Pagpapababa ng buwis para sa mga manggagawa at pamilyang may mababang sahod Nadadagdagan ang hanapbuhay ng mga Pilipino. Napagtagumpayan ang maraming isyu at iskandalo Gloria M. Arroyo (2001 – 2010) Gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas na umabot ng 7.6 ang GDP rate noong 2007 at lumakas ang peso Nagkaroon ng maraming hanapbuhay ang mga Pilipino Umunlad ang turismo ng bansa Nagkaroon ng maraming foreign investment Nabawasan ang utang ng bansa 18
Benigno Simeon C. Aquino III Greatest Legacy ay ang K to 12 Basic Education Curriculum Lumago ang ekonomiya sa pagitan ng 5.9% hanggang 6.7% ang GDP rate mula 2010 – 2016 May mga Programang inadopt ngayon ng Pangulong Duterte Nanalo sa kaso ng West Philippine Sea sa UN Arbitral Tribunal Rodrigo Roa Duterte Pagsugpo sa Drugs, kriminalidad at corruption Peace process with CCP-NDF/ MNLF MILF Mabuting pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang bansa tulad ng Indonea, Malaysia, Laos, Vietnam, China, Japan, Russia, Middle East Countries Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: 6. Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Suriin kung kaninong administrasyon nangyari o nabuo ang sumusunod na mga patakaran at programa ng pamahalaan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. A. Corazon C. Aquino D. Gloria M. Arroyo B. Fidel V. Ramos E. Benigno Simeon C. Aquino III C. Joseph E. Estrada F. Rodrigo Roa Duterte _____ 1. Pagsugpo sa Drugs, kriminalidad at corruption _____ 2. Greatest Legacy ay ang K to 12 Basic Education Curriculum _____ 3. Nagkaroon ng maraming foreign investment _____ 4. Nadadagdgan ang hanapbuhay ng mga Pilipino. _____ 5. Economic Liberation – ginawang TIGER ECONOMY ang Pilipinas. _____ 6. Pagbabalik ng demokrasya sa bansa dahil sa EDSA People Power I _____ 7. Philippine 2000 Five – Point Agenda na nakatuon sa pangkapayapaan. _____ 8. Gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas na umabot ng 7.6 ang GDP rate noong 2007 at lumakas ang peso 19
_____ 9. Umunlad ang turismo ng bansa. _____ 10. Mabuting pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang bansa tulad ng Indonea, Malaysia, Laos, Vietnam, China, Japan, Russia, Middle East Countries Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 290-305.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.49 PIVOT 4A p.177-178 20
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JULIETA D. LADINES School Head in Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 21
Week 5 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 6 Pamagat: PROGRAMANG IPINATUPAD NG IBA’T IBANG ADMINISTRASYON SA PAGTUGON SA MGA SULIRANIN AT HAMONG KINAHARAP NG MGA PILIPINO MULA 1986 HANGGANG KASALUKUYAN Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Pagkatapos ng EDSA Revolution o People Power, nanungkulan na bilang mga pangulo ng bansa sina Gng. Corazon Aquino, G. Fidel Ramos, G. Joseph Estrada , Gng. Gloria Macapagal Arroyo, at Benigno Simeon C. Aquino III.. Corazon C. Aquino 1986 - 1992 Pagpapatupad ng Republic Act No. 6655, ang Free Public Secondary Act of 1986 upang magbigay ng libreng edukasyon para sa elementarya at mataas na paaralan. Pagtaas ng sweldo ng mga guro ng 20% para sa taong 1986, 20% sa 1987, at 10% sa 1988. Pagpapababa ng gulang sa pagpasok ng mga bata sa unang baitang mula pitong taong gulang ay naging anim na taong gulang na sinimulan noong panuruang taon 1988-1989. Pagpapatupad ng bagong kurikulum sa haiskul na tinawag na Secondary Education Development Program (SEDP) upang maitaas ang antas ng pagtuturo sa sekondarya. Sinimulan ito noong taong panuruang 1989-1990. Pagpapalimbag ng maraming aklat para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan na umabot ng 26 milyon ang kopya. Pagtataguyod sa “Literacy Program “ na sinimulan sa taong panuruan 1987- 1988. Layunin nito na maturuan ang mga mag-aaral na nasa pook na dumaranas ng matinding kahirapan. Fidel V. Ramos 1992- 1998. Nagpatayo ng marami pang paaralan upang matugunan ang dumaraming magaaral. Dinagdagan ang bilang ng araw sa pagtuturo mula 200 araw ay naging 220 araw sa pagtuturo upang maiangat ang kalidad ng pag-aaral. Pinalitan ang NCEE noong 1993-1994 ng National Secondary 22
Assessment Test (NSAT) upang masuri ang lebel ng kakayahan ng mga nasa ikaapat na taon ng haiskul. Ang mga nasa elementarya naman ay binigyan ng National Elementary Achievement Test (NEAT). Inilunsad din ang mga programang WOW (Wow on Waste), Garden of Peace and Harmony, SIGA (School Within a Garden) at iba pa. Binigyang diin ang pagtuturo ng agham, teknolohiya at matematika. Joseph E. Estrada (Hunyo 1998-Enero 2001) Pagtaas ng badyet sa edukasyon na 20% ng pambansang badyet. Pagpapaaral nang libre sa dalawang milyong mag-aaral sa preschool. Pagbibigay ng 100,000 kompyuter sa mga pampublikong paaralan. Pagsasagawa ng feeding program para sa mga batang may mababang timbang mula sa kindergarten hanggang sa antas ng elementarya. Paglikha ng isang kapaligirang namayani ang kagandahan at kagalingan ng ating sining at kultura Gloria Macapagal Arroyo (Enero 2001-Hunyo 2010) Naipatupad ang R.A. 9155 na ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (DECS) ay pinalitan ng Kagawaran ng Edukasyon lamang o DepEd. Itinaguyod ang Basic Education Curriculum (BEC) 2002 upang higit na mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Binigyang-diin ang pag-aaral ng agham, teknolohiya, matematika at wikang Ingles. Isinagawa ang pambansang pagsusulit sa elementarya at haiskul (National Achievement Test-NAT) upang masuri ang kakayahan ng mga batang magaaral. Inilunsad ang Strong Republic School (SRS) noong taong 2004. Benigno Simeon C. Aquino III ( 2010-2016) Pagtatatag ng Botika ng Barangay (BnB) Pagsasagawa ng Expanded Program on Immunization (EPI) Paglulunsad ng Alaga Ka Para sa Maayos na Buhay (ALAGA KA) Pagpapalawak ng Saklaw ng mga Programang Pangkalusugan ng PhilHealth Paglulunsad ng K-12 Program Pagpapatupad ng 4Ps Paglulunsad ng KALAHI, RATE at Code of Ethics for Public Officials and Employess Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: *Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan 23
Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Panuto: Ang sumusunod na pangungusap ay tumatalakay sa mga programa ng iba’t-ibang administrasyon sa pagtugon ng mga suliranin. Isulat ang pangalan ng mga pangulong nagpatupad ng sumusunod na proyekto sa edukasyon. Isulat ang sagot sa patlang. ____________________ 1. Ang mga batang may anim na taong gulang ay maaari nang makapasok sa unang baitang. ____________________ 2. Ipinatupad ang SEDP o ang bagong kurikulum sa haiskul. ____________________ 3. Paglulunsad ng programang 4Ps. ____________________ 4. Itinaguyod ang Basic Education Curriculum 2002. ____________________ 5. Nagsagawa ng Feeding Program para sa mga batang may mababang timbang. ____________________ 6. Nagpatupad ng Free Public Secondary School. ____________________ 7. Itinaguyod ang Literacy Program. ____________________ 8. Inilunsad ang programang WOW at SIGA. ____________________ 9. Namigay ng 100,000 computer sa mga pampublikong paaralan. ____________________10.Inilunsad ng “Strong Republic Schools noong taong 2004. Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 356-379.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.50 PIVOT 4A p.178 https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6254 24
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. JULIETA D. LADINES Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 25
GAWAING PAGKATUTO Week ARALING PANLIPUNAN 6 6 Pamagat: MGA KONTEMPORARYONG ISYUNG PANLIPUNAN Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Mga Kontemporaryong Isyung Panlipunan Pampulitika Isyu tungkol sa Territorial Dispute: Spratly Island at Scarboruogh Shoal sa West Philippine Sea – 2016, nagkaroon na ng desisyon ang UN Arbitral Tribunal sa Netherlands na ang Pilipinas na ang may karapatan dito at invalid ang Nine-Dash Line ng China, ngunit ayaw itong kilalanin ng China. Korupsyon – noong 2008, ayon sa survey, ang Pilipinas ay pangalawa sa pinaka corrupt sa buong mundo. Nakalulungkot ito. Ang isyung ito ay hindi na bago. Ilang daan taon na ang nagdaan, may matandang kultura na ng korupsyon ang Pilipinas. Pangkabuhayan Open Trade at Globalisasyon – noong 1995, tuluyan nang sumama ang Pilipinas sa World Trade Organization na dati ay ayaw nating sumama. Hudyat na ito ng pagsama natin sa Globalisasyon. Globalization is living in a borderless world. Iisa na lang tayo sa buong mundo, walang territorial gaps and barriers. Nagsimula ito sa produkto. Panlipunan OFW’s – mahigit na 60 bilyon US dollars ang dollars remittances ng mga OFW’s noong 2016. Nakasandig ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa dollar remittances ng OFW’s na may 11 milyong Pilipinong nagkalat sa buong daigdig. Gender – kailangang palakasin ng ating pamahalaan ang Gender and Development (GAD), 5% ng MOOE ang ginagastos para rito upang palakasin ang equality between men and women kasama na rito ang grupo ng mga LGBTQ Community (Lesbian Gay Bisexual Transgender and Queers/ Questioning) ayon sa ulat ng USA. Ito ay upang ipakita na ang kakayanan ng bawat isa ay hindi lamang naaayon sa kung ano ang kanyang kasarian Drugs – War on Drugs ang isyu ngayon sa Pilipinas ni Pangulong Duterte. Ibabalik na ang Oplan Tokhang. Kailangang makipagtulungan ang mga 26
Pilipino sa Kampanyang ito dahil napakahirap nitong sugpuin. Naging old habits na ito ng mga Pilipino na mahirap kaagad maalis. Child Abuse – Nagkaroon ng Child Protection Policy na ipinatutupad ngayon sa DepEd. Ito ay upang bigyang proteksyon ang mga bata laban sa pang- aabusong pisikal at verbal ng mga guro at magulang na nakapaligid sa kanilang anak. Pangkapaligiran Climate Change – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Paris Pack of Climate Change noong Marso 2, 2017. Ang bawat bansa ay pumirma at nangakong hindi mag-eemit ng carbon o hanging makasasama sa ating kapaligiran, Ang sinumang mapatunayang bansang hindi tumupad dito ay parurusahan ng International Community at pagmumultahin sa pinsalang kanilang naidulot. Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: 1. Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa. Pampulitika (hal. Usaping pangteritoryo sa West Philippine Sea, korupsyon atbp.) Pangkabuhayan (hal. Open trade, globalization) Panlipunan (hal. OFW, gender, drug at child abuse atbp.) Pangkapaligiran (hal, Climate change atbp.) Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga nakatalang suliranin ng bansa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. A. Pampulitika C. Panlipunan B. Pangkabuhayan D. Pangkapaligiran _____ 1. Maraming bilang ng tao ang walang hanapbuhay. _____ 2. Pagkakaroon ng malakihang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan. _____ 3. Pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa. 27
_____ 4. Pagdami ng bilang ng tao sa bansang hindi matugunan ang mga pangangailangan. _____ 5. Kakulangan ng bilang ng mga paaralan, guro at silid – aralan _____ 6. Mahinang katawan ng mga mamamayan. _____ 7. Pagdami ng mga basura at pabrikang nagbubuga ng maitim na usok sa kapaligiran _____ 8. Kaguluhang nangyayari sa ibang bahagi ng bansa. _____ 9. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot. _____ 10. Malaking kakulangan sa pondo ng pamahalaan. Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 290-305.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.49 PIVOT 4A p.177-178 28
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 MRS. MARIA CRISTELLE F. SEÑO Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JULIETA D. LADINES School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 29
GAWAING PAGKATUTO Week ARALING PANLIPUNAN 6 7 ANG MGA GAMPANIN NG PAMAHALAAN AT MAMAMAYAN SA PAGKAMIT NG KAUNLARAN NG BANSA Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang pamahalaan ay nagpatupad ng iba’t ibang programa upang maitaguyod ang pambansang adhikaing pag-unlad ng bansa. Pangunahing ginawa ni Pangulong Corazon C. Aquino ang mapatatag ang demokrasya sa bansa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino ay nabuo at ipinatupad ang Saligang Batas ng Kalayaan ng 1986 o mas kilala bilang Freedom Constitutuion. Ang mga naging pangulo ng bansa ay nagkaroon ng iba’t ibang programang pangkaunlaran simula pa lamang noong una hanggang sa kasalukuyan. Kasanayang Pagkatuto at Koda Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang: *Natatalakay ang mga gampanin ng pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Basahin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay tumatalakay sa mga gampanin ng pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa. Isulat sa patlang kung ito ay Katotohanan o Opinyon ang pahayag. ______________ 1. Naging matagumpay ang lahat ng patakaran at programang 30
ipinatupad ng mga pangulo ng bansa kaya naging ganap na maunlad ang bansa. ______________ 2. Mas magaling na pangulo ang mga pinunong nakapagpatupad ng maraming programa kaysa sa mga pangulong nakapagpatupad ng kaunting programa. ______________ 3. Ang pagtaas ng pondo sa edukasyon at pagbibigay ng libreng pag-aaaral maging sa sekundarya ay nakatulong sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa. ______________ 4. Bunga ng paglikha ng mga Special Economic Zone ay nagkaroon ng pagkakataong magkatrabaho ang maraming bilang ng mga Pilipino. ______________ 5. Layunin ng Moral Recovery Program na muling buhayin sa puso ng mga Pilipino ang kanilang dignidad at tiwala sa sarili upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating lipunan. ______________ 6. Dahil sa pagkakatatag ng Cultural Center of the Philippines ay muling nabigyang buhay ang mga gawaing kultural sa bansa. ______________ 7. Malaki ang naitulong ng mga bangko at mga kooperatiba upang magkaroon ng puhunan maging ang maliliit na mangangalakal sa bansa. ______________ 8. Ang pagpapatibay ng mga batas para sa lupang pansakahan ay naging dahilan upang maprotektahan lamang ang mayayamang may-ari nito. ______________ 9. Walang programang ipinatupad ang pamahalaan upang mapanatiling malinis at maipreserba ang likas na yaman ng bansa. ______________ 10. Madaling uunlad ang sector ng agrikultura sa bansang Pilipinas kung buong pusong susuporta ang mga lider ng bansa sa larangang ito. Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang mga sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito natutunan ko na _________________________________. Nabatid ko na__________________________________________________. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene et al.Lakbay ng Lahing Pilipino. p. 368-375.Quezon City:Phoenix Publishing House Curriculum Content in Araling Panlipunan, Resource Person: Rodel Q. Amita MELC p.50 PIVOT 4A p.178 31
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153