Pamamaraan Gawain 1: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag na tinalakay at MALI naman kung hindi. ___________1. Rizal ang sentro ng turismo dahil sa angking ganda nito. ___________2. Ang lalawigan ng Laguna ay kilala rin sa paggawa ng tsinelas na matatagpuan sa Liliw. ___________3. Ang Cavite ay kilala sa paggawa ng tahong chips. ___________4. Sa lalawigan ng Laguna matatagpuan ang pangunahing prutas tulad ng lansones, rambutan, saging, pinya, at papaya. ___________5. Ang Rizal ay gumagawa rin ng mga kasangkapang kahoy tulad ng pinto, upuan, lamesa, at iba pa. Gawain 2: Buuin ang talahanayan upang maipakita ang mga produkto at kalakal sa lalawigan ng Rehiyon IV-A CALABARZON. Mga Lalawigan Mga Produkto at Kalakal 1. Quezon 2. Cavite 3. Batangas 4. Laguna 5. Rizal Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag. Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________ Nabatid ko na ________________________________________________ Sanggunian Araling Panlipunan 3 p. 379-388 Kaunlaran p. 128-130 MELC AP3EAP-Iva-I p.36, 17
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 3 MRS. JOANNE MIECCOA D.SALES Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. ENRIQUETA A.OBMERGA School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 18
Week 5 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 3 Magkakaugnay na Pangkabuhayan ng mga Lalawigan sa Rehiyon Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Pansinin sa talahanayan ang mga produkto ng mga lalawigan sa Rehiyon IV-A. Nakalagay rito ang mga produkto ng bawat lalawigan sa ibat ibang panahon. Talahanayan 1 : Enero hanggang Hunyo Lalawigan Produkto Dami Dami ng 3500 kilo pangangailangan ng Cavite Pinya mga lalawigan sa buong rehiyon 2000 kilo Laguna Palay 4500 kaban 5000 kaban Batangas Isda 4600 kilo 9000 kilo Rizal Isda 3500 kilo 2500 (para maging langis) Niyog 6000 toneladas Quezon Sa talahanayan, makikita ang mga produkto ng bawat lalawigan at ang laki ng pangangailangan ng buong rehiyon. Kung mapapansin mo ang kabuuang pangangailangan ng rehiyon sa isda ay 9000 kilo at ang produksyon ng Batangas ay 4600 kilo at ang Rizal ay 3500 kilo. Kung pagsasamahin ang produksyon ng dalawang lalawigan magiging 8100 na kilo. Hindi ito sasapat sa pangangailangan ng buong rehiyon. Kaya 19
nakikipag-ugnayan tayo sa ibang lalawigan upang matugunan ang ating pangangailangan. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naiuugnay ang pakikipagkalakalan sa pagtugon ng mga pangangailangan ng sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan sa rehiyon at ng bansa. Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang lalong mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring tumawag, magpadala ng mensahe o magchat sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Gawain 1: Pag-aralang mabuti ang talahanayan at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa patlang. Talahanayan 2: Hulyo hanggang Disyembre Lalawigan Produkto Dami Dami ng pangangailangan ng mga lalawigan sa buong rehiyon Cavite Palay 4500 kaban 3400 kilo Laguna Palay 1500 kaban Batangas Kape 2500 kilo 1300 kaban Rizal Isda 5500 kilo 3000 kilo Quezon Niyog 2500 2500 (para maging langis) toneladas 1. Saan mag-aangkat ang ibang lalawigan ng palay? ______________________________________________ 2. Ano ang maitutulong ng lalawigan ng Rizal sa buong rehiyon?_____________________________________________ 3. Ano sa palagay mo ang magiging presyo ng palay sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre batay sa datos? Bakit?________________________________________________ 20
4. Ano naman ang presyo ng isda?________________________ 5. Ano ang mabuting idudulot ng pag-aangkat ng ibang lalawigan sa isang lalawigan ng rehiyon? __________________ ___________________________________________________________ Gawain 2 :Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng ugnayan ng mga lalawigan sa inyong rehiyon. Sagutin ang mga gabay na tanong upang mabuo ang iyong kaisipan sa iyong iguguhit. 1. Anong mga produkto ng mga lalawigan na iniluluwas nila sa ibang lalawigan? 2. Ano ano namang mga produkto ang kinakailangan ng mga lalawigan? 3. Paano inaangkat ng isang lalawigan ang isang produkto mula sa ibang lalawigan? Rubric sa pagbibigay ng puntos sa poster. BATAYAN Mahusay na Mahusay(4-3) Hindi Mahusay(5) Mahusay(2-1) Nilalaman Naiguhit ng malinaw Naiguhit ng Di-gaanong ang poster na akma malinaw ang malinaw ang sa paksa at madaling poster na akma sa pagkagawa ng naunawaan ang nais paksa subalit may poster iparating ng gumuhit ilang iginuhit na hindi maunawaan Kalinisan ng Maayos ang Medyo maayos Hindi maayos pagkakaguhit at pagkakaguhit at ang pagkakaguhit ang pagkakakulay malinis ang at pagkakakulay pagkakaguhit at pagkakakulay pagkakakulay Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag. Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________ Nabatid ko na ________________________________________________ Sanggunian Araling Panlipunan 3 p.389-395 Kaunlaran p. 130-132 21
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 3 MRS. ENRIQUETA A. OBMERGA Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JOANNE MIECCOA D. SALES School Head- in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 22
Week 6 GAWAIN SA PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 3 Kahalagahan ng Imprastraktura sa Kabuhayan ng mga Lalawigan Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Bawat lalawigan ay may mga imprastraktura ng mga tulay, daan at mga gusali. Ang mga ito ang nakakatulong sa pag- unlad at pag-uugnayan ng mga tao. Ang imprastruktura ay panloob na mga kagamitan ng isang bansa upang magawa ang pagkakalakal o negosyo, tulad ng komunikasyon, transportasyon, at mga imbakan at distribution centers, mga tindahan (maliit o malaki), at pati na ang supply ng kuryente at tubig. Ito ay karaniwang tumutukoy sa mga teknikal na mga istraktura na sumusuporta sa isang lipunan, tulad ng mga kalsada, tulay, supply ng tubig, drainage, mga power grids, telekomunikasyon, at iba pa, Kasama ang mga pisikal na mga bahagi ng mga magkaugnay na sistema ng mga serbisyo upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga taga lalawigan. Sa madaling sabi, ang imprastruktura ang nagpapadali upang ang kalakal ay madala sa iba’t ibang lalawigan at upang madali para sa mga tao na mabili ang mga kalakal na ito. Halimbawa ang mga tulay at daanan upang madala ang mga produkto mula taniman sa bukid hanggang sa mga palengke kung saan ang mga tao ay bumibili. Kasama sa Imprastruktura ang mga serbisyong panlipunan upang matugunan ang pangangailangan ng lalawigan. 23
Kasanayang Pagkatuto at Koda Natutukoy ang imprastraktura (mga daanan, palengke) ng mga lalawigan at naipaliliwanag ang kahalagahan nito sa kabuhayan. Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang lalong mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring tumawag, magpadala ng mensahe o magchat sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Gawain 1: Ang sumusunod ay halimbawa ng mga imprastraktura. Lagyan ng tsek ang patlang kung nakakatulong sa pagunlad ng isang lalawigan ang pahayag at ekis naman kung hindi. _______1. Sementadong daan _______2. Putol na tulay _______3. Malakas na internet _______4. Malinis na palengke _______5. Makabagong paliparan Gawain 2: Itala ang mga hinihingi. Mga imprastruktura sa Kahalagahan nito sa sariling lalawigan: kabuhayan 1. 2. 3. 24
Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag. Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________ Nabatid ko na ________________________________________________ Sanggunian Araling Panlipunan 3 p. 401-407 Kaunlaran p. 133 MELC AP3EAP-Iva-I p.38 PIVOT 4A BOW,p.196 25
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 3 MRS. ENRIQUETA A. OBMERGA Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. JOANNE MIECCOA D. SALES School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 26
Week 7-8 GAWAIN SA PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 3 Naipaliliwanag ang Dahilan ng Paglilingkod ng Pamahalaan ng mga Lalawigan ng Rehiyon Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Napakahalaga ng serbisyo ng pamahalaan. Kung walang pamahalaan, mahihirapan mamuhay ng maayos, mapayapa at maunlad ang mga mamamayan sa isang lugar. Ang kahalagahan ng pamahalaan ay nakikita sa araw-araw na pamumuhay ng mga nasasakupan ng lalawigan. Ang mga mamamayan ay malayang nakagagalaw sa nais nilang puntahan, makabibili ng nais nilang kagamitan at nakapagsasabi ng sariling saloobin sa mga nakaupo sa pamahalaan. Mga Paglilingkod Mula sa Pamahalaan 1. Proteksyon sa buhay at ari-arian - May mga batas na ipinatutupad ang pamahalaan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng bawat nasasakupan. Pinipigilan nila ang mga pagnanakaw, pananakit at pagpatay. 2. Pangkalusugan- Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) ay ang ahensyang nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Maraming programang pangkalusugan ang inilunsad ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat nasaskupan nito. Kasama din ang pagpapatayo ng mga makabagong ospital at libreng bakuna. 3. Libreng Edukasyon- isa sa mga adhikain ng pamahalaan na makapag-aral ang bawat Pilipino. Mahalagang makapag- aral ang mga mamamayan upang maging kapaki- pakinabang ang mga ito sa bansa. Ang Ahensyang 27
gumagawa nito ay ang Department of Education (DepEd). Libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekundarya. 4. Pangkabuhayan- Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Natutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan kapag maunlad ang bansa. Ang ahensyang nagpapaunlad ng pakikipagkalakalan ay ang Department of Trade and Industry (DTI). Kasama na din dito ang pagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante. 5. Panlipunan- tungkulin din ng pamahalaan ang pagkalinga sa mga naulila at matatandang inabandona, pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, libreng pabahay at pagsasaayos ng sirang daan Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipaliliwanag ang kahalagahan ng gampanin ng pamahalaan sa paglilingkod sa bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang lalong mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaaring tumawag, magpadala ng mensahe o magchat sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Gawain 1: Ang sumusunod na pangungusap ay nagpapaliwanag sa kahalagahan ng gampanin ng pamahalaan. Piliin ang titik kung anong paglilingkod ang tinatanggap ng mamamyan mula sa pamahalaan. Isulat ang tamang sagot sa patlang. A. Paglilingkod Pangkabuhayan D. Proteksyon sa Buhay at Ari-arian B. Paglilingkod Pangkalusugan E. Paglilingkod Panlipunan C. Paglilingkod Edukasyon 28
_______1. Libreng pag-aaral sa pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya, at pagpapatayo ng mga pamantasan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo. _______2. May mga health center na ipinatatayo ang pamahalaan sa mga lalawigan at mga lungsod na nagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan. _______3. Ang mga pulis ay nagbabantay upang upang mabigyan ng proteksyon ang ating bansa. Hinuhuli nila at ikinukulong ang taong gumagawa ng masama _______4. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, sunog, at pagsabog ng bulkan. Gayun din ang pagpapagawa ng bahay silungan para sa mga matatanda at batang iniwan ng magulang. _______5. Pinaghuhusay ang mga paraan ng pag angkat at pagtitinda ng mga produktong Pilipino sa Pilipinas at maging sa ibang bansa upang lumaki ang kita ng mga mamamayan Gawain 2: Sa panahon ngayon ng pandemya, paano nakatutulong ang inyong lokal na pamahalaan sa inyong bayan sa pagtugon ng inyong pangangailangan sa – Edukasyon __________________________________________________ Pangkalusugan ______________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag. Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________ Nabatid ko na ________________________________________________ Sanggunian Araling Panlipunan 3 p. 449-456 Kaunlaran p. 135 MELC AP3EAP-Iva-I p.36 PIVOT 4A BOW,p.196 29
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MRS. RONA H. BABAT Writers MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editors: MS. ROSEVIE M. ENGRACIA School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 1
GAWAING PAGKATUTO Week ARALING PANLIPUNAN 4 1 Pangalan: Ang Pambansang Pamahalaan Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ ____________________________________ Panimula Nakasaad sa Artikulo IV,Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas ang mga katangian ng isang mamamayang Pilipino. Dalawang uri ng mamamayang Pilipino: Likas o Katutubong Mamamayan kung saan ang isa o parehong magulang ay mamamayang Pilipino Naturalisadong Mamamayan kung saan ang isang dating dayuhan ay naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon. Dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan sa Pilipinas: Jus sanguinis kung saan ang pagkamamamayan ay sinusunod sa dugo o sa pagkamamamayan ng kanilang magulang saan mang bansa sila ipinanganak. Jus soli ay ang pagkamamamayan ay naaayon sa kung saang lugar ng kanyang kapanganakan ano man ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang. Kasanayang Pagkatuto at Koda Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagmamamayan. Koda: AP4KPB- IVa-b-1 Panuto Panuto: Tingnan ang dayagram. Base sa nabasang panimula, isulat sa loob ng concept map ang uri at prinsipyo ng pagkamamamayan at ipaliwanag ang bawat isa. 2
Pamamaraan Gawain A Pagkamamamayang Pilipino Uri ng Prinsipyo ng Pagkamamamayan Pagkamamamayan Pamantayan 5 Rubriks 2 Pagkaunawa Malinaw na Iskor Walang sa Paksa pagkaunawa kaugnayan sa paksa 43 sa paksa Mabuting Katamtamang pagkaunwa kaalaman sa sa paksa paksa Gawain B Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit tama ang iyong sagot. 1. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit. _________________________________________________________ 2. Si Jose ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano at naninirahan sa Maynila. Siya ay Pilipino. Ipaliwanag kung bakit. _________________________________________________________ 3
3. Ang dayuhang namasyal sa Pilipinas ay maituturing na hindi mamamayang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit. _________________________________________________________ 4. Ang isang Pilipino na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit. _________________________________________________________ 5. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay mamamayang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit. _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 328-335 MELC p. 41 PIVOT 4A BOW, p. 172 4
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MRS. RONA H. BABAT Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MS. ROSEVIE M. ENGRACIA School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 5
GAWAING PAGKATUTO Week 2 ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ang mga karapatang dapat tamasahin ng bawat Pilipino upang makapamuhay nang malaya at may dignidad. Ang karapatan ng mamamayan ay nauuri sa tatlo: - Karapatang Likas - Ayon sa Batas - Konstitusyonal Ang konstitusyonal na Karapatan ay napapangkat sa: - Politikal - Panlipunan at Pangkabuhayan - Sibil - Karapatan ng Nasasakdal Ang Samahan ng Nagkakaisang mga Bansa ay bumuo ng Kalipunan ng mga Karapatan ng mga Bata na magsisilbing batayan ng mga Karapatan ng mga bata sa buong mundo. Kasanayang Pagkatuto at Koda Natatalakay ang konsepto ng karapatan. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. 6
Pamamaraan Gawain A Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan. Talakayin sa isa o dalawang pangungusap kung anong karapatan ng mga bata ang isinasaad. Isulat ang sagot sa loob ng kahon . 1. 2. 3. 4. 5. 7
Gawain B Panuto: Ang sumusunod na sitwasyon ay tumatalakay sa karapatang tinatamasa ng bawat isa. Isulat sa patlang kung anong karapatan ang isinasaad nito. 1. Mahilig umawit ang magkakaibigang Nery, Judy, at Marissa kaya naisipan nilang magtatag ng isang samahan upang lalong malinang ang kanilang talento. _________________________________________________________ 2. Maagang naulila si Dario na walang ibang kamag-anak. Kinupkop siya ng kanilang kapitbahay at itinuring na tunay na anak. _________________________________________________________ 3. Nang magkaroon ng halalan sa barangay, binoto ni Susan ang alam niyang karapat-dapat na maging pinuno sa kanilang barangay. _________________________________________________________ 4. Nasunod ang pangarap ni Yasi na maging isang doktor. _________________________________________________________ 5. Hindi binuksan ni Tina ang liham na dumating para sa kaniyang kapatid na wala sa bahay. _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ _______________________________________________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 337-345 MELC p. 41 PIVOT 4A BOW, p. 172 8
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MRS. RONA H. BABAT Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MS. ROSEVIE M. ENGRACIA School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 9
Week 3 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula May mga tungkulin ang bawat mamamayan na dapat gampanan kapalit ng karapatang itinadhana ng batas para sa kaniya. Ang mga tungkulin ng mamamayan ay: - Pagmamahal sa bayan - Pagtatanggol sa bansa - Paggalang sa watawat - Paggalang sa batas at pagsunod sa may kapangyarihan - Pakikipagtulungan sa pamahalaan - Paggalang sa mga karapatan ng iba Kasanayang Pagkatuto at Koda Natatalakay ang konsepto ng tungkulin Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. 10
Pamamaraan Panuto: Base sa nabasang panimula, isulat sa loob ng concept map ang mga tungkuin ng mamamayan at magbigay ng halimbawa ng bawat isa Gawain A Tungkulin ng Mamamayan Tungkulin Halimbawa Pamantayan Rubriks Pagkaunawa Iskor sa Paksa 54 32 Malinaw ang Malinaw ang Katamtamang Walang pagkaunawa pagkaunawa kaalaman sa kaugnayan sa paksa at sa paksa at paksa at ang sa paksa ang ang halimbawa ay halimbawa halimbawa hindi ay angkop ay angkop gaanong na angkop sa ibinigay angkop sa at tama sa na tungkulin tungkuling tungkuling ibinigay ibinigay 11
Gawain B Panuto: Ang sumusunod na sitwasyon ay tumatalakay sa konsepto ng tungkulin. Ipaliwanag kung bakit tama ang sitwasyong binasa. Isulat ang iyong sagot sa patlang. 1. Nagtitipid ng papel si Aida dahil alam niyang galing ang mga ito sa punongkahoy. _________________________________________________________ 2. Pinag-aralang mabuti ni Joy ang mga katangian ng mga kandidato bago siya bumoto. _________________________________________________________ 3. Nakikinig nang Mabuti si Leonor sa kaniyang guro sa Araling Panlipunan dahil nais niyang malaman ang kasaysayan ng Pilipinas. _________________________________________________________ 4. Si Myrna ay limang taon nang nadestino sa Amerika at minsan sa isang taon lamang siya umuuwi ng Pilipinas. Tuwing uuwi siya ay pagkaing Pilipino pa rin ang nais niya. _________________________________________________________ 5. Tuwing aawit ng Lupang Hinirang si Moymoy ay nakatayo siya ng tuwid habang nakatingin sa watawat at sinisigurado niyang tama ang mga liriko ng kanyang pag-awit. _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 328-335 MELC p. 41 PIVOT 4A BOW, p. 17 12
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MS. ROSEVIE M. ENGRACIA Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. RONA H. BABAT School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 13
Week 4-5 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 4 Kahulugan at Kahalagahan, Kagalingan ng Gawaing Pansibiko Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang kagalingang pansibiko ay isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila sa kanilang kapuwa. Ang mga gawaing pansibiko ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang inihahandog ng indibidwal. Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan sa edukasyon, kalikasan, hanapbuhay, pangkalusugan at iba pang pinagtutulungan ng mga mamamayang matugunang may pagkukusa at walang inaasahang kapalit. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingan pansibiko Koda: AP4KPB- IVd-e-4 Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. 14
Pamamaraan Gawain A Panuto: Base sa nabasang panimula, magbigay ng mga halimbawa ng kagalingang pansibiko ayon sa mga sumusunod at ipaliwanag ito. 1. Edukasyon 2. Kalikasan 3. Hanapbuhay 4. Kalusugan 5. Kapwa Tao Pamantayan Rubriks Iskor 54 3 2 Pagkaunawa Malinaw na Mabuting Katamtamang Walang sa Paksa pagkaunawa pagkaunwa kaalaman sa kaugnayan sa paksa sa paksa paksa sa paksa Gawain B Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot. 1. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng kiosko. Magsisimula na ang pamabansang awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin? _________________________________________________________ 2. Nakita mong tumatawid si Lola Auring sa Kalye Hermano Puli. Ano ang gagawin mo? _________________________________________________________ 3. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyon ng mga kababaihan sa bayan ng Lucban. Ano ang maaari mong itulong? _________________________________________________________ 15
4. Mayroon Clean and Green Program sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo? _________________________________________________________ 5. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo? _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ _______________________________________________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 362-372 MELC p. 39 PIVOT 4A BOW, p. 172 16
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MS. ROSEVIE M. ENGRACIA Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. RONA H. BABAT School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 17
Week 6 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Gawain at Epekto ng Gwaing Pansibiko Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Hindi matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang paraan ng pagtiyak na ang mga mamamayan ng lipunan ay tunay at malaya, nagsasarili at kuntento sa kanilang pamunuan. May iba’t-ibang uri ng gawaing pansibiko. Maaari itong gampanan ng sinuman, bata man o matanda, batay sa kaniyang kakayahan. Mahalaga ang pagkakaroon ng kagalingang pansibiko dahil tanda ito ng kakanyahan ng isang lipunang namumuhay ng matiwasay, may pagmamalasakit sa kapwa at nangunguna sa kaunlaran. Sa pamamagitan ng gawaing pansibiko napaglilingkuran lalo na ang mga nangangailangan sa lipunan. Dalawang mukha ng kabutihang naidudulot ng gawaing pansibiko: Kaagad na pagtugon sa mga nangangailangan Pangmahabang-panahong dulot sa tao at sa bansa Kasanayang Pagkatuto at Koda Napahahalagahan ang gawaing pansibiko. Koda: AP4KPB- IVd-e-4 Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. 18
Pamamaraan Panuto: Base sa nabasang panimula, sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol sa gawaing pansibiko. Gawain A 1. Ano-anong uri ng gawaing pansibiko ang maaaring gawin ng mga batang tulad ninyo? 2. Ano-anong gawaing pansibiko ang maaaring gawin o gampanan ng mga nakatatanda? _________________________________________________________ 3. Magbigay ng iba pang halimbawa ng gawaing pansibiko. Paano nakakatulong sa pag-unlad ng bansa ang mga ito? _________________________________________________________ 4. Ano-ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko? _________________________________________________________ 5. Ipaliwanag ang pangmahabang-panahong dulot o epekto ng gawaing pansibiko. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangmahabaang-panahong epekto ng gawaing pansibiko sa ating bansa? _________________________________________________________ Gawain B Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Ibigay ang kahalagahan ng mga ito. 1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan. _________________________________________________________ 19
2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods. _________________________________________________________ 3. Pagtatanim ng maliliit na puno sa Bundok Banahaw. _________________________________________________________ 4. Pagpapakain sa batang lansangan. _________________________________________________________ 5. Magalang na pakikipag-usap sa matatanda. _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ _______________________________________________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 362-372 MELC p. 39 PIVOT 4A BOW, p. 172 20
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 MS. ROSEVIE M. ENGRACIA Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. RONA H. BABAT School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 21
Week 7-8 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 4 Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang maunlad na bansa ay nangangahulugan ng pagkamit ng kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo ng bansa. Nakasalalay sa mga mamamayan ang pag-unlad ng bansa. Ang mga mamamayan ang namamahala sa yamang likas at yamang likha ng tao na mahalaga sa pagsulong ng isang bansa. Iba’t-ibang gawaing itinataguyod ng mga mamamayan para sa isang maunlad na bansa: Paglinang sa sariling katalinuhan at kakayahan Pagiging produktibo Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan Pagsunod sa mga batas Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi Pag-iingat sa pampublikong gamit at lugar Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan: May tamang saloobin sa paggawa. May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa. Pagiging malusog Matalinong mamimili 22
Tinatangkilik ang sariling produkto Ginagamit ng wasto ang mga kalakal at paglilingkod Nagtitipid sa enerhiya Muling ginagamit ang mga patapong bagay. Ang pagiging produktibong mamamayan ay paraan ng pagtulong at pakikiisa sa pag-unlad ng bansa. Kasanayang Pagkatuto at Koda Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Gawain A Ibigay ang mga gawaing itinataguyod ng mga mamamayan para sa isang maunlad na lipunan. 1. Pangangalaga sa mga imprastraktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan at ospital na galing sa pagsisikap sa trabaho at kabuhayan ngv mga Pilipino. __________________________ _________________________________________________ 2. Linangin ng bawat isa ang sariling galing at talento hindi lamang sa sarili kundi para sa bayan. ___________________ _________________________________________________ 3. Pagsuporta ng bawat Pilipino sa bawat isa at hindi naglalamangan. ____________________________________ 4. Pagiging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba. ___________ _________________________________________________ 23
5. Pagtatanim ng puno at halaman, pagpigil ng polusyon paghihiwalay ng basura at pagrerecycle nito. _____________ Gawain B Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat kung anong katangian ng produktibong mamamayan ang tinutukoy sa bawat bilang. 1. Laging nasa tamang oras si Rose sa pagpasok sa kanyang trabaho para matapos nya ang lahat ng gawain. _________________________________________________________ 2. Si Rona ay nag-eehersisyo araw-araw. _________________________________________________________ 3. Tuwing umaalis ng bahay tinitiyak ni Liza na natanggal niya sa saksakan ang mga de kuryenteng kagamitan. _________________________________________________________ 4. Pagkatapos mamalengke ni Aling Rosa ay masinop niyang itinatabi ang mga supot na pwede pang magamit. _________________________________________________________ 5. Iniingatang mabuti at laging nililinis ni Victor ang mga nabili niyang gadget para hindi agad ito masira. _________________________________________________________ Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na _______________________ _______________________________________________________ Nabatid ko na ________________________________________ Sanggunian Kagamitang Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4, pp 373-389 MELC p. 39, PIVOT 4A BOW, p. 172 24
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. MARICEL D. VILLAMATER Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. LIZA D. CUPINO School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 1
Week 1 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang nasyonalismo ay isang salitang ginagamit upang ipakita ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang bansa. Ito ay isang susi upang kumilos ang mga tao patungo sa kaunlaran. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng humigit-kumulang sa 300 taon. Sa panahong ito naranasan ng mga Pilipino ang hirap kaya nagising ang diwang makabansa ng mga Pilipino at namulat ang kanilang kamalayan upang labanan ang mga mananakop na Espanyol. Narito ang mga pangyayari sa loob ng bansa na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino: 1. Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako Ang Monopolyo sa Tabako ay isang programang pang- ekonomiya na pinasinayaan ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas noong 1871. Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang salaping pumapasok sa Espanya. 2. Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at Nasugbu sa Batangas sa pagitan ng taong 1745 at 1746. Ito ay umabot sa mga karatig lalawigan ng Laguna at Cavite, maging sa Bulacan. Nakilala sa kasaysayan bilang Pag-aalsang Agraryo ng 1745, ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang pamana sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral domain. Lumaganap ang kaguluhan at naging talamak ang pagnanakaw sa mga kumbento. 2
3. Pagtutol sa Sapilitang Pagbibinyag sa Kristiyanismo Maraming Filipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Krisiyano subalit hindi lahat ng mga katutubong Pilipino ay nakikayat na magpabinyag sa Kristiyanismo. Tutol sila sa sapilitang pagpapabinyag kaya ang iba ay tumakas at nagtungo sa malalayong bahagi ng kabundukan at ang iba ay nag-alsa tulad ng ginawa ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744 na tumagal hanggang 1829. Ito ang itinuturingna pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa mga Espanyol. 4. Okupasyon ng mga British sa Maynila Naganap sa pagitan ng mga bansa Europe ang isang tunggalian na tinatawag na Seven Years of War. Ito ay nag-ugat sa tunggalian sa kapangyarihan ng Great Britain at France. Lumawak ang digmaan sa partisipasyon ng kanilang mga kaalyadong bansa: ang Prussia at Portugal para sa Great Britain; at Spain at Austria para sa France. Hindi nakaligtas ang Pilipinas sa nasabing digmaan.Nagpadala ang Great Britain ng mga tropa sa Timog-Silangang Asya upang sakupin ang mga kolonya dito ng Spain. Narating nila ang Pilipinas noong Setyembre 23, 1762. Inuna nilang salakayin ang Manila Bay sa paniniwalang mula rito ay higit na mapapadali at mapapalawak ang kanilang opensiba at itinuturing din itong isa sa pinakamahalagang daungang pangkalakalan sa daigdig. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Panuto Gawin ang Gawain A at B. Sundin ang mga panuto na makikita sa pamamaraan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Punan ang kahon ng wastong kaisipan upang mabuo ang concept map. Isulat sa sagot sa sagutang papel. 3
Mga Salik na Nagbigay daan sa Pag- usbong ng Nasyonalismong Pilipino. Indibidwal na Gawain B Panuto: Ipaliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gabay sa mga Tanong Anu-ano ang mga salik na naging daan upang malinang sa mga Pilipino ang pagiging nasyonalismo? Rubriks sa Pagpupuntos Porsiyento Paglalarawan 5(100%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ang ideya 4(95%) ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 3(90%) Ang mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Halos lahat ng ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. 2(85%) Ang ilan sa mensahe ay malinaw at nauunawaan ng guro. Ilan sa ideya ay kumpleto at hindi lumilihis sa paksa. Ang ilan mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawaan ng guro. Ang ilan sa ideya ay hindi kumpleto at lumilihis sa paksa. 1(75%) Ang mensahe ay hindi malinaw at hindi nauunawan ng guro. Lahat ng ideya ay hindi kaugnay ng paksa. Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian MELC p. 45 Araling Panlipunan 5, pp 226-231 4
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. MARICEL D. VILLAMATER Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. GLECY S. OMLAS School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 5
Week 2 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang nasyonalismo ay isang salitang ginagamit upang ipakita ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang bansa. Ito ay isang susi upang kumilos ang mga tao patungo sa kaunlaran. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng humigit-kumulang sa 300 taon. Sa panahong ito naranasan ng mga Pilipino ang hirap kaya nagising ang diwang makabansa ng mga Pilipino at namulat ang kanilang kamalayan upang labanan ang mga mananakop na Espanyol. Narito ang mga pangyayari sa loob ng bansa na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino: 1. Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako Ang Monopolyo sa Tabako ay isang programang pang-ekonomiya na pinasinayaan ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas noong 1871. Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak at mapanatiling malaki ang salaping pumapasok sa Espanya. 2. Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at Nasugbu sa Batangas sa pagitan ng taong 1745 at 1746. Ito ay umabot sa mga karatig lalawigan ng Laguna at Cavite, maging sa Bulacan. Nakilala sa kasaysayan bilang Pag-aalsang Agraryo ng 1745, ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang pamana sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral domain. Lumaganap ang kaguluhan at naging talamak ang pagnanakaw sa mga kumbento. 6
3. Pagtutol sa Sapilitang Pagbibinyag sa Kristiyanismo Maraming Filipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano subalit hindi lahat ng mga katutubong Pilipino ay nahikayat na magpabinyag sa Kristiyanismo. Tutol sila sa sapilitang pagpapabinyag kaya ang iba ay tumakas at nagtungo sa malalayong bahagi ng kabundukan at ang iba ay nag-alsa tulad ng ginawa ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744 na tumagal hanggang 1829. Ito ang itinuturing na pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa mga Espanyol. 4. Okupasyon ng mga British sa Maynila Naganap sa pagitan ng mga bansa sa Europe ang isang tunggalian na tinatawag na Seven Years of War. Ito ay nag-ugat sa tunggalian sa kapangyarihan ng Great Britain at France. Lumawak ang digmaan sa partisipasyon ng kanilang mga kaalyadong bansa: ang Russia at Portugal para sa Great Britain; at Spain at Austria para sa France. Hindi nakaligtas ang Pilipinas sa nasabing digmaan.Nagpadala ang Great Britain ng mga tropa sa Timog-Silangang Asya upang sakupin ang mga kolonya dito ng Spain. Narating nila ang Pilipinas noong Setyembre 23, 1762. Inuna nilang salakayin ang Manila Bay sa paniniwalang mula rito ay higit na mapapadali at mapapalawak ang kanilang opensiba at itinuturing din itong isa sa pinakamahalagang daungang pangkalakalan sa daigdig. Kasanayang Pagkatuto at Koda Nakikilala ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Panuto Subukan ang mga gawain sa pamamaraan upang mapaunlad ang kaalaman sa aralin. Maaring magpadala ng mensahe, magchat o tumawag sa guro kung may katanungan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Kilalanin ang salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Piliin ang titik ng sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel. a. Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako b. Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo c. Pagtutol sa Sapilitang Pagbibinyag sa Kristiyanismo d. Okupasyon ng mga British sa Maynila 7
_____ 1. Ito ay nag-ugat sa tunggalian sa kapangyarihan ng Great Britain at France. _____ 2. Tutol ang mga Pilipino sa sapilitang pagpapabinyag kaya ang iba ay tumakas at nagtungo sa malalayong bahagi ng kabundukan at ang iba ay nag-alsa. _____ 3. Ang programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag- aani at pangangalakal ng tabako ay nasa pangangalaga at kontrol ng mga Espanyol. _____ 4. Dahil sa pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo, nagkaroon ng mga pag-aalsa na nagsimula sa Batangas at lumaganap sa mga karatig na lalawigan. _____ 5. Nagkaroon ng mga pag-aalsa o mga pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle ang mga lupang pamana sa mga katutubo. Indibidwal na Gawain B Panuto: Kilalanin/Isa-isahin ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. (Enumerasyon 1-4) 1. _____________________________________ 2. _____________________________________ 3. _____________________________________ 4. _____________________________________ Gabay sa mga Tanong Anu-ano ang mga salik na naging daan upang malinang sa mga Pilipino ang pagiging nasyonalismo? Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian MELC p. 45 Araling Panlipunan 5, pp 226-231 8
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. MARICEL D. VILLAMATER Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. GLECY S. OMLAS School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 9
Week 3 GAWAING PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 5 Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa at Pakikibaka Pangalan: ____________________________________ Lebel: ____________________________________ Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________________________________ Panimula Ang mga pandaigdigang pangyayari ay nagkaroon ng epekto sa kolonyal na patakaran at mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-18 siglo. Partikular sa mga pandaigdigang pangyayaring ito ay ang Paglipas ng Merkantilismo at pagsisimula na malayang kalakalan, pagwawakas ng Kalakalang Galyon noong 1815, at ang paglaganap ng kaisipan mula sa Age of Enlightenment ng Europe ng nagresulta ng pagbuo at pagpapatupad ng Cadiz Constitution ng 1812 sa Spain. Ang mga pandaigdigang pangyayaring ito ay nagkaroon ng epekto sa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino 1. La Illustracion o Age of Enlightenment Ang La Illustracion o Age of Enlightenment ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, imprastruktura at mga institusyon ng lipunan. Malaki ang naging epekto ng La Illustracion o Enlightenment sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa Pilipinas. Maaari din itong ituring bilang isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europe noong ika-18 siglo bunga ng pagtatangkang kumawala mula sa Middle Ages, o ang panahon ng pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya, at kawalan ng rason. 2. Paglipas ng Merkantilismo Mula ika-16 hanggang ika-18 siglo, naging batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng mga bansa sa Europe ang prinsipyong Merkantilismo. Ayon sa Merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamana ng isang bansa ay ang dami ng mahahalagang metal-lalo na ang ginto at pilak---na pagmamay-ari nito. Ito ang nagtulak sa mga Kanluraning bansa na magpalawak at mag-unahan sa paghahanap ng mga bagong teritoryo sa labas ng Europe na maaaring magbigay sa kanila ng dagdag na yaman. Ilan sa mahahalagang epekto ng merkantilismo ay ang pagtatatag ng malakas na 10
hukbong militar na magtatanggol sa mga kolonyang bansa ng mga European. Higit ding naging mahalaga ang ginto at pilak bilang pambayad sa barter trade o transaksiyon sa pagpapalitan at pagtutumbasan ng produkto. 3. Pagwawakas ng Kalakalang Galyon Ang kalakalang Galyon na tinawag ding Manilla-Acapulco Galleon Trade, ang tanging kalakalang nilahukan ng Pilipinas mula ika-16 na siglo hanggang 1815. Gayunpaman, hindi nakinabang ang mga katutubo sa kalakalan, bagkus ang mga Tsino, Espanyol at ilang mangangalakal na Pilipino lamang. Nagdulot ito ng pang-aabuso sa mga katutubodulot ng Polo Y Servicio na nakasentro sa mga gawaing may kinalaman sa galyon tulad ng paggawa ng barko. May ilang Espanyol na tutol sa Kalakalang Galyon dahil naaapektuhan nito ang kanilang sariling negosyo at hindi sila naniniwala sa pangakong kaunlaran ng nasabing kalakalan. Sila ang maigting na nangampanya upang ipatigil na ang kalakalan at binalaan ang Hari ng Espanya na malulugi ang kaban ng bayan Espanya kung itutuloy ito. Nakumbinsi nila si Haring Philip kung kaya’t noong 1585 ay ipinag-utos niyang ipatigil ang nasabing kalakalan subalit hindi ito sinunod ng mga Espanyol sa Maynila at ipinagpatuloy ang kalakalan. Kasanayang Pagkatuto at Koda Natatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. Panuto Gawin ang Gawain A. Sundin ang mga panuto na makikita sa pamamaraan. Pamamaraan Indibidwal na Gawain A Panuto: Isa-isahin ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng malayang kaisipan sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer at talakayin sa ibaba nito ang bawat isa. 11
Mga Pandaigdigang Pangyayari Gabay sa mga Tanong Anu-ano ang mga ang mga pandaigdigang pangyayari na naging konteksto ng malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan? Pangwakas Sa iyong learning journal o portfolio, punan ang sumusunod na pahayag: Mula sa araling ito, natutunan ko na ___________________________. Nabatid ko na ____________________________________________. Sanggunian Pivot 4A BOW-Araling Panlipunan 5 p. 175 Araling Panlipunan 5, pp 245-250 12
QUARTER 4 ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 MRS. GLECY S. OMLAS Writer MRS. CATHERINE V. DOMINGO Layout Artist MS. MA. CRISTINA U. DE VELUZ Illustrator Content Editor: MRS. EMYLYN V. ORAJAY Language Editor: MRS. MARICEL D. VILLAMATER School Head-in-Charge: MRS. JASMINE V. LAGUADOR 13
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153