Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore lodi

lodi

Published by JOE ANGELO BASCO, 2023-08-07 02:48:39

Description: lodi

Search

Read the Text Version

Kuwento at Guhit ni: Isinulat ni: Airene G. Encina Airene G. EncinaGuhit ni : Marissa A. Riego G-II

Ang aklat na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral, magulang at guro. Binuo ang aklat na ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagbabasa at higit na mabigyang pansin ang kanilang kagandahang asal. Inaasahang makakatulong ang aklat na ito sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pagpapahalaga sa magulang. Layuning ng may akda na mahubog ang bawat bata na magkaroon nang pagmamahal sa pagbasa. 2

Ang Nanay Kong Lodi Maikling Kuwento na tumatalakay sa Pagmamahal sa Magulang sa Ikalawang Baitang Mga Kasanayan sa Pagkatuto Code: F2 PN-Id-1.3.1: Nasasagot ang mga tanong na sino, ano, saan at bakit F2 Ps-If-I: Naipahahayag ang sariling damdamin ideya/ o reaksyon tungkol sa napakinggang kuwento F2P B-IIIa-I: Naiuugnay ang binasa sa sariling karananasan 3

Inilathala ng ______________________________ Karapatang-ari ©2020 ___________________________ Airene G. Encina Reserbado ang lahat ng Karapatan Alinmang bahagi ng librong ito ay hindi maring gamitin o kopyahin, nang buo o bahagi, sa anumang anyo at paraan, nang walang nak- asulat na pahintulot mula sa mga may hawak ng karapatang-ari. Unang limbag ng Unang Edisyon, 2020 Gawa at limbag sa Pilipinas Isinulat at iginuhit ni Airene G. Encina Ipinamahagi para sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Quezon ng Publisher:_______________________________ Address:________________________________ Tel. Nos.:________________________________ E-mail Address:___________________________ DEVELOPMENT TEAM Sulat ni: Airene G. Encina 4 Guhit ni: Airene G. Encina Tagapamanihala ng Kagamitan sa Pagkatuto: SDS Catherine P. Talavera, CESO V CID Chief Lorena S. Walangsumbat EPS Jee-Ann O. Borines PDO Joe Angelo L. Basco Librarian Ronnjemmele A. Rivera SDO Quezon Province CALABARZON Region 4

5

Ito ang paborito kong araw, dahil araw namin ni nanay ito. Laging sinasabi sa akin ni nanay, na sa ganitong araw hindi ko kailangang gumising ng maaga. Hindi ko kailangang magmadali sa paliligo , sa pagkain, at sa pagpasok sa paaralan. 66

7

88

Guro ang nanay ko. Kagaya ko wala ring pasok si nanay Rosa kapag araw ng Sabado at Linggo. “Yehey! Puwede kaming maglaro ni kuya. Puwede akong tumulong kay nanay sa pag hahanda at pagluluto ng masarap ng meryenda. 9

Paglabas sa kuwarto, nakita ni Angelo si tatay na nakaupo sa sala. Angelo: Magandang umaga po tatay! Papasok na po ba kayo sa trabaho? Tatay: Oo anak, kumain na Kayo ni kuya, naghanda si nanay ng masarap na almusal. Angelo: Opo tatay. Asan po si nanay? 10 10

11

12 12

Tatay: Anak, maagang umalis pagkatapos niyang magluto. Angelo: Pero Sabado po ngayon, saan po pumunta si nanay? Tatay: Sa paaralan anak, maglilipat lang daw siya ng punla at magdidilig ng halaman. Sige ako’y aalis na ha? Angelo: Ingat po tatay! 13

Iba talaga si nanay. Kaya pala panay ang luto niya sa amin ng masustansiyang pagkain, tulad ng ginisang okra, tinolang manok na may sahog na malunggay, ginisang petsay at ginataang kalabasa. Katunayan hindi nawawala ang gulay sa aming hapag kainan. Kaya naman gulay ang paborito namin ni kuya, sapagkat alam namin na mabuti ito sa aming katawan. 14 14

15

16 16

Bukod sa pag-aasikaso at pag aalaga niya sa amin, may panahon pa siyang mag-alaga at mag asikaso rin ng kanyang mga halamang gulay sa paaralan. 17

Sabi niya, siya raw ang Coordinator ng Gulayan sa Paaralan . Kaya pala kapag araw ng Sabado o Linggo sumasaglit si nanay sa paaralan para magdilig ng kanyang mga itinanim na mga gulay. 18 18

15 19

20 20

Nakikita ko naman na nag e-enjoy si nanay sa kanyang ginagawa. Minsan nga nahuhuli ko pa si nanay na kinakausap ang kanyang mga alagang halaman. Ang galing talaga ni nanay! Magaling nang magturo, magaling pa rin siyang mag-alaga ng kanyang mga halamang gulay at bulaklak sa paaralan. 21

Panuto: Kulayan ang mga pagkain at inumin na mabuti sa ating katawan. 22 22

Panuto: Hanapin sa word puzzle ang mga salitang gulay na nakasulat sa loob ng kahon. kalabasa sitaw malunggay okra kangkong patola petsay labanos upo alugbati 23

Panuto: Isulat ang tamang salita na hinihingi ng palaisipan Pahalang: Pababa: 2. pagkaing mainam sa katawan 1. tawag sa pagkaing puno ng 3. kasalungat ng salitang sariwa bitamina na mainam sa katawan 4. ilaw ng tahanan 5. kapareho ng salitang mabilis 6. lugar kung saan maraming 7. kasaungat ng salitang Matutunan masipag 8. kasingkahulugan ng salitang 10. kasingkahulugan ng salitang hinahangaan 9. haligi ng tahanan 24 24

Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang mga Larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng kuwento 25

Walang pinipiling araw at oras ang pagiging isang ina, dahil ang pagiging isang ina ay walang katapusan. Ang pagiging isang mabuting ina ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay na kayang ibigay o maging sa haba man ng oras na kayang ilaan sa kanyang mga anak. Bagkus ito’y naaayon sa pagmamahal para sa kanyang pamilya at pagiging isang magandang halimbawa sa kanyang mga anak. Dahil ang ina, gaano man kapagod, kahit gaano man na hihirapan, pipilitin pa rin niyang bumangon para sa kanyang mga mahal sa buhay. Kaya ang nanay ko ang siyang LODI ng buhay ko. 26 26

Si Airene Gandia Encina ay isang guro sa Mabato Elementary School, Mauban North District. Bayan ng Mauban Quezon. Hilig niya ang pagbabasa ng ibat-ibang kuwento simula noong siya ay bata pa. Sapagkat naniniwala ang may akda na napakahalaga ng pagbabasa, malaking kasiyahan ang dulot nito. Sa katunayan ang may akda ay isang guro sa Unang baitang at hilig niya ang magbasa ng kwento sa kanya mga mag aaral at sa kanyang anak na kasalukuyan ay nasa Kindergarten. 27

Iba talaga si nanay. Bukod sa araw-araw na pag-aasikaso at pag-aalaga ni nanay sa aming pamilya at sa aming tahanan, may panahon pa si nanay para pangasiwaan ang kanyang mga halamang gulay sa paaralan. Muntik na tuloy makumpleto ang lahat ng gulay na nasa awiting “Bahay Kubo” sa mga itinanim ni nanay. Halos lahat ng sulok sa paaralan ay tinataniman niya. Kaya si nanay ang lodi ng buhay ko. Ikaw? Sino ba ang idolo mo? 28


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook