Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HOLY ANGEL UNIVERSITY

HOLY ANGEL UNIVERSITY

Published by Aileen Cristobal, 2021-04-24 12:13:13

Description: HOLY ANGEL UNIVERSITY

Search

Read the Text Version

HOLY ANGEL UNIVERSITY High School Department Unang Markahan Akademikong Taon 2020-2021, Ikalawang Semestre Grade 11- Filipino sa Piling Larangan (SINING) Isunumite ni: Aileen S. Cristobal Seksyon: 11-St. Lucia Isinumite kay: Gng. Alelie Manio Catu

Prologue Ang pamagat ng aking portfolio ay “Mga sulatin ng aking angking galing.” Ito ang naisip kong pamagat dahil ang lahat ng mga sulatin na nakasaad dito ay sarili kong mga gawa at pinaghirapan ko ang lahat ng mga ito. Ang mga bawat sulatin din dito ay ang nagpapatunay sa angking galing na mayroon ako at ito rin ang nagrerepresenta sa aking mga natutunan sa buong semestre. Ang mga aktibidad na aming ginawa sa buong semestre ng asignaturang Filipino Sa Piling Larang (Akademik) ay nakasaad dito. Sa inyong patuloy na pagbabasa sa aking portfolio masasaksihan at matutuklasan ninyo ang tunay na katauhan ko, mga naging karanasan ko bagong sistema gaya nang mahirap ba? Mapait ba? O masaya ba? Ako si Aileen S. Cristobal isang mag-aaral ng Holy Angel University at ako ay nagmula sa ika-labing isang baitang at kabilang ako sa seksyon St. Lucia. Ako rin ay kabilang sa strand na HUMMS. Sa portfolio na ito matutunghayan natin ang aking mga napagdaanan at ang mga akademikong sulatin na aking ginawa sa buong semestre. Ang portfolio na ito ay nagpakita ng aking pagkamalikhain dahil hindi alintana ang pandemya sa pagtupad ng aking mga pangarap. Maraming mga bagay ang nagbago dulot ng pandemya, gaya ng pag-aaral sa loob ng tahanan mabuti na lamang naimbento ang teknolohiya dahil kahit papaano natulungan ako nito upang mapagaan ang trabaho. Nais ko sanang magpasalamat sa aming guro na si Gng. Alelie Manio Catu sa taos puso niyang pagturo sa amin at sa mga kaalaman na kaniyang ibinahagi sa amin. Ang mga aral din na aaming nakuha at natutunan sa aming mga paksang tinalakay ay aming dadalhin hanggang sa aming pagtanda. Nang dahil din sa aming guro nagawa kong gumawa ng mga sulatin ng maayos at organisado dahil sa kaniyang tulong at pag gabay sa amin. Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan sa aking pag-aaral. Nagpapasalamat din ako sa aking pamilya at mga kaibigan na ubod ng suporta sa akin at ang pagtitiwala sa akin na kaya kong malagpasan ang lahat ng balakid sa aking pag-aaral. Inaalay ko ito sa aking pamilya dahil sila naman ang dahilan kung bakit nagpupursigi akong matapos sap ag-aaral dahil nais kong suklian ang lahat ng ginawa at sakripisyo nila sa akin upang mabigyan lang ng magandang kinabukasan.

Talaan ng Nilalaman Katutubong Sining……………………………………………………………………………... 1-2 Idub Mo………………………………………………………………………………………..…. 3 Bionote…………………………………………………………………………………….…... 4-6 Talumpati………………………………………………………………………………………. 7-9 Memorandum…………………………………………………………………………………. .10 Adyenda………………………………………………………………………………………... 11 Replektibong Sanaysay……………………..……………………………………………… 12-14 Lakbay Sanaysay……………………………………………………………………….….. 15-18

Obra Maestra ning Kapampangan Ang industriya ng parol sa Pampanga ay sikat na sikat sa Pilipinas dahil sa mga kumukutikutitap na mga ilaw nito at naggagandahang mga disensyo. Ang salitang parol ay nagmula sa salitang Espanyol na farol na nangangahulugang lampara o ilaw. Sa Lungsod ng San Fernando ay may nagaganap na pista ng mga parol sa panahon ng Pasko na kilala sa tawag na Giant Lantern Festival o Ligligan Parul isa itong pista na nagtatampok ng mga naggagandahang at naglalakihang parol. Ang pagdiriwang ay dinaraos tuwing araw ng Sabado bago ang bisperas ng Pasko. Maraming tao ang dumadayo sa Lungsod ng San Fernando upang bumili at masaksihan ang pista ng mga naggagandahang at naglalakihang mga parol. Ang pistang ito ay kadalasang nilalahukan ng labindalawang (12) baryo. Nang dahil sa katanyagan ng piyestang ito, ang Lungsod ng San Fernando ay tinaguriang bilang kabisera ng kapaskuhan ng Pilipinas o “Christmas Capital of the Philippines.”

Ang bawat parol ay gawa sa sari-saring mga materyales at may kaniya kaniya rin itong disenyo. Ito ay kadalasan na yari sa mga iba’t ibang materyales gaya ng bakal, papel, kahoy, straw, capiz at iba pa. Ang bawat parol din na kanilang nililikha ay may sukat na humigit kumulang na 40 bumbilya. Ang bawat bigat ng parol ay umaabot ng isang libong kilo at kadalasang binubuo ng 50 katao ang pagbuo ng isang higanteng parol. Kung minsan umaabot sa mahigit isang taon ang paglikha nito. Ayon kay Mayor Edwin Santiago, ang mga parol ang nagsasabi kung anong klase ng tao ang mga Fernandino at Kapampangan. Ipinapakita rin ng mga ito ang ating matatag na pananampalataya at paniniwala, ang ating talento, at pagkakaisa. Dagdag pa niya, ang mga parol din daw ang naglalarawan sa kung gaano kayaman ang kanilang syudad pagdating sa industriya ng parol. Sinasabing sumisimbulo ang mga parol sa bituin na naging gabay ng Tatlong Hari sa paglalakbay nila patungo sa Bethlehem. Ito rin ay sumisimbulo sa sining ng Pampanga. Ang mga makukulay na ilaw ng mga parol ay sumasayaw sa himig ng mga pamaskong kanta at sa saliw ng isang banda, na siyang binabalikbalikan ng mga dumarayo sa San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

BUOD: Ang Maling Hinala ni Lady Choi, Isang Episodyo ng Jewel in the Palace (Sa direksyon ni Lee Byung-hoon) Habang may sinasabi ang hari patungkol sa isang pagsusulit may ipinatikim sa kaniya na karne ng balyena na handog ng mga sugo mula sa bansang hapon. Labis na nagustuhan ng hari ang iniluto ni Jang Geum. Humanga naman si Lady Han kay Jang Geum dahil kahit wala itong panlasa nagawa niya pa ring gumawa ng isang masarap na putahe kahit hindi nito natitikman. Lingid sa kaalaman ni Lady Han na bumalik na ang panlasa ni Jang Geum sa pamamagitan ng tulong ni Ginoong Jung Woon-Baek na hari ng halamanan, isinubok sa kaniya ang pinag-aaralang lunas ni G.Jung Woon-Baek at iyon ay ang kagat ng bubuyog na lunas para manumbalik ang kaniyang panlasa. Sa kabilang banda, hindi naman matanggap ni Lady Choi na nagustuhan ng hari ang inuluto ni Jang Geum at sinabi niyang baka sila ay nandaya lamang. Ipinatawag naman ni Madame Jung sina Lady Choi sa silid kainan upang magpulong at ipatikim ni Madame Jung sa mga tagapaglingkod ng kusina ang karne ng balyena. Isinumbong naman ni Lady Choi si Jang Geum na kahit wala itong panlasa nagawa pa rin daw niya iyon at sabi pa niya na hindi raw dapat manatili ang mga tulad niya sa loob ng palasyo dahil lamang magaling itong lumikha ng bagong putahe. Nais ni Lady Choi na hangga’t hindi pa bumabalik ang panlasa ni Jang Geum ay ipaalis muna siya sa palasyo bago pa malaman ng hari ang balita. Ipinatipon ni Madame Jung ang lahat sa likod ng kusina upang malaman ang katotohanan tungkol sa panlasa ni Jung Geum at si Lady Choi ang naghanda ng pagsusulit. Pinili ni Lady Choi ang iba’t-ibang klase ng binurong hipon upang tikman at kilalanin ito ni Jang Geum. Ang lahat ng mga iba’t ibang klaseng binurong hipon na hinihain ni Lady Choi ay nakilala at nailalarawan ni Jang Geum, may ipagtatapat sana siya ngunit inunahan siya ni Lady Han at sinabi niya na nanumbalik na ang panlasa ni Jang Geum. Pinangaralan naman ni Madame Jung ang lahat at sinabi rin niya ang dahilan kung bakit nawalan ng panlasa si Jang Geum. Nagpahanda naman ng masasarap na pagkain si Madame Jung para kay Jang Geum upang makabawi sa kanilang pagkukulang.

Si G. Genesis P. Niric ay dalawampu't walong taong gulang. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Civil Engineering sa paaralang Our Lady of Fatima University. Siya ay may talento sa pagguhit na patungkol sa pagdidisenyo ng mga damit. Siya ay nahasa sa larangan ng pagguhit sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggawa ng mga guhit. Siya ay mayroon na ring isinapublikong disenyo ng damit na siya mismo ang lumikha. Mayroon siyang karanasan sa kaniyang negosyo na hinding hindi niya malilimutan at iyon ay ang pagbibigay ng mga magandang puna ng mga mamimili ukol sa mga disenyo na kaniyang mga naggawa. Sa ngayon, siya ay mayroong maliit na negosyo na pagtatak ng damit. Plano niyang palakihin ang kaniyang negosyo upang makilala ito sa iba’t ibang panig ng bansa. Transkripsiyon: Tagapanayam: Magandang umaga po! Maaari ko po ba kayong makapanayam? Nakapanayam: Magandang umaga rin. Oo sige, walang problema. Tagapanayam: May mga katanungan lang po ako na ukol sa inyo po. Ayos lang po ba kung ang ibang tanong ay personal? Nakapanayam: Oo naman.

Tagapanayam: Ano po full name at age niyo po? Nakapanayam: Genesis P. Niric at ako ay dalawampu't walong taong gulang na. Tagapanayam: Ano po ang natapos ninyo at saang paaralan po? Nakapanayam: Ako ay natapos ng Bachelor of Civil Engineering sa Our Lady of Fatima University. Tagapanayam: Ano po ang iyong talento o natatanging kakayahan? Nakapanayam: Mayroon akong talent sa pagguhit. Tagapanayam: Ano pong larangan sa sining ang kinahihilagan niyo pong gawin? Tungkol ito saan? Nakapanayam: Sa larangan ng pagguhit, tungkol ito sa pag didisenyo ng mga damit. Tagapanayam: Paano po kayo nahasa sa napili po ninyong larangan? Nakapanayam: Nahasa ako sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagguhit. Tagapanayam: Ano po ang mga likha niyong isinapubliko, inilathala, o nakilala? Nakapanayam: Yung mga disenyo ng damit na ako mismo ang lumikha. Tagapanayam: Ano po ang mga patimpalak na may kaugnayan sa napili niyo pong larangan ang inyo na pong sinalihan bilang isang artist? Nakapanayam: Sa ngayon wala pa akong nasasalihan na patimpalak. Tagapanayam: Ano po ang inyong mga naging karanasan sa trabaho, propesyon, o negosyo bilang isang artist? Nakapanayam: Mayroon akong karanasan sa negosyo na hinding hindi ko malilimutan at iyon ay ang pagbibigay ng mga magandang puna ng mga mamimili ukol sa mga disenyo na aking ginawa. Tagapanayam: Ano na po ang mga organisasyon o samahang iyong kinabibilangan bilang isang artist?

Nakapanayam: Mayroon akong karanasan sa negosyo na hinding hindi ko malilimutan at iyon ay ang pagbibigay ng mga magandang puna ng mga mamimili ukol sa mga disenyo na aking ginawa. Tagapanayam: Ano na po ang mga organisasyon o samahang iyong kinabibilangan bilang isang artist? Nakapanayam: Sa ngayon, wala pa. Tagapanayam: Ano na po ang mga parangal na inyong nakamit na may kaugnayan sa inyong napiling larangan? Nakapanayam: Sa ngayon, wala pa. Tagapanayam: Ano po ang pinakamataas na tagumpay na nakamit ninyo bilang isang artist? Nakapanayam: Siguro iyong nakapagpatayo ako ng sarili kong negosyo. Tagapanayam: Ano pa po ang ibong mga plano sa hinaharap bilang isang artist? Nakapanayam: Sa ngayon, plano ko sana na palakihin ang aking negosyo upang makilala ito sa iba’t ibang panig ng bansa. Tagapanayam: Sana po makamit po ninyo ang plano niyo sa hinaharap. Maraming Salamat po sa pakikipagpanayam po saakin. Nakapanayam: Walang anuman. Salamat din. Screen shot ng pakikipagpanayam

Kalagayan at Karanasan ng mga mamamayan at bansa sa gitna ng pandemya ni Aileen S. Cristobal (Impormatibong talumpati) Noong buwan ng Enero unang umugong ang balita tungkol sa COVID-19 na nakapasok na nga ito sa Pilipinas. Sa kasalukuyang panahon, umuugong pa rin ang balitang ito at nahaharap pa rin ang Pilipinas sa isang pandemya na mas kilala sa tawag na Coronavirus (COVID-19). Ano nga ba ang COVID-19? Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng isang virus na maaaring makuha mula sa isang tao na mayroon at mapasa sa isa pang tao. Ayon sa mga balita at sa World Health Organization, ang COVID-19 ay nagmula sa pagkain ng paniki. Una itong kumalat sa Wuhan,China dahil karamihan sa mga nakatira roon ay sinasabing kumakain ng mga paniki. Ayon sa huling tala ng Kagawaran ng Kalusugan, ang kaso ng may COVID-19 sa Pilipinas ngayon ay pumalo na sa bilang na 553,424 at 11,577 naman ang bilang ng mga namatay. Ang virus na ito ay sobrang bilis kung kumalat sa buong mundo. Karamihan sa mga taong tinatamaan ng virus na ito ay nakakaranas ng banayad na sintomas o ‘di kaya walang sintomas hanggang mapunta ito sa malubhang kalagayan. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang isang tao na may COVID-19 ay maaaring makaranas ng iilang sintomas gaya ng lagnat, panginginig, pag-ubo, pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng katawan, pangangapos sa paghinga o hirap huminga, pagkawala ng pang-amoy at panlasa. Sinasabi sa balita na kapag nakaranas ka ng mga ganitong sintomas marapat mong sabihin kaagad sa kinauukulan upang matulungan ka nila at hindi na ito mapasa pa sa iba.

Ayon sa mga balita at mga eksperto upang maiwasan natin ang virus na ito dapat natin laging hugasan ang ating mga kamay. Marapat din daw na lumayo muna tayo at takpan ang ating bibig at ilong kung tayo ay uubo at babahin. Mainam din na umiwas muna tayo sa mga taong may lagnat, sipon at ubo para makasigurado ang ating kaligtasan. Dapat din nating suriin at iluto ng mabuti ang ating mga pagkain tulad ng isda, manok, at baboy. Ayon sa pagsusuri, kadalasan naman daw sa mga tao na natatamaan ng virus ay gumagaling kung kaagad itong nabibigyan ng pansin o naagapan. Nang dahil sa kinakaharap nating pandemya, karamihan sa mga lalawigan partikular na sa Luzon ay kinailangan sumailalim sa lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ayon sa Rappler, milyun-milyong tao ang nahinto at nawalan ng mga trabaho sa buong mundo, nangunguna na rito ang mga kontraktwal na manggagawa. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), umaabot sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho na maaari pang mas tumaas, ngunit nakadepende pa rin ito sa epekto ng pandemya sa ekonomiya ng ating bansa sa mga sumusunod na araw at buwan. Ang pagkawala ng trabaho, negosyo at ang hindi pag payag na paglabas sa mga tahanan ay lubos na nakaapekto sa lahat ng tao lalo na sa mga mahihirap dahil mas lalo pang naghirap ang mga mahihirap. Ayon sa World Bank o Bangkong Pandaigdigan, humina raw ang ating ekonomiya dulot ng pandemya. Ayon sa ilang pag-uulat, ang mahigpit at matinding restriksyon sa pagbiyahe at produksyon ay nagbunga ng pagkasira ng daloy ng suplay ng mga produkto at paggawa. Base sa mga ginawang pagsusuri at sa mga balita, nang dahil sa COVID-19 ang Pilipinas ay nabibilang sa iilang mga bansa na nawalan ng kita mula sa remitans at turismo ng mga migranteng manggagawa.

Sa konklusyon, ang pag-usbong ng COVID-19 ay nagdulot ng maraming epekto sa bawat isa sa atin gaya ng kawalan ng trabaho, pagbagsak ng ating ekonomiya at kawalan ng mahal nating sa buhay na namatay dahil sa virus na lumalaganap. Sa kabilang banda, may mga paraan pa rin tayo na maaaring gawin upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga may kaso ng COVID-19 gaya na lamang ng pag sunod sa mga protocol sa kalusugan at paggawa ng mga hakbang upang hindi madaling madapuan ng sakit na ito. Ang pagkawalan din ng trabaho ng iilan sa atin at kawalan ng pagkukunan ng pera ay maaaring masolusyonan sa pamamagitan ng pagtatanim sa bahay na maaaring pagkunan ng pagkain at maaari ring gawing negosyo upang magkaroon ng sapat na pera para matustusan ang pangangilangan ng isang tao o pamilya. Sa ngayon, ang ating bansa ay unti-unti nang bumabalik sa normal na kalagayan. May iilan na ring mga tao ang bumalik na sa kanilang trabaho ngunit karamihan pa rin sa atin ay wala pa ring trabaho o mapagkukuhanan ng pera.

HOLY ANGEL UNIVERSITY Basic Education Department #1 Holy Angel Avenue, Sto. Rosario, Angeles City MEMORANDUM Para sa: Mga mag-aaral na nagmula sa ikalabing-isang baitang ng seksyon St.Lucia Mula Kay: Aileen S. Cristobal, Direktor ng Puppet Show Petsa: 11 Marso 2021 Paksa: Pagpaplano para sa gagawing Puppet Show ng seksyon St.Lucia Magandang Araw po sainyong lahat! Nais ko pong imbitahan ang lahat ng mga mag-aaral mula sa seksyon St.Lucia para sa isang pagpupulong kaugnay sa gagawing pagpaplano sa gagawing Puppet Show ng seksyon St.Lucia. Gaganapin ang pagpupulong sa darating na Lunes, Marso 15, 2021 sa oras na 2:00-3:30 ng hapon sa mismong awditoryum ng ating paaralan. Ang lahat ng mag-aaral ng St.Lucia ay inaasahan na dadalo sa gagawing pagpupulong. Ako’y umaasa sa inyong pakikilahok at kooperasyon para sa gagawing pagpupulong ukol sa pagpaplano para sa gagawing Puppet Show. Ito ay para maging maganda at organisado ang magiging kalalabasan ng ating gagawing Puppet Show. Ang iyong presensya sa pagpupulong na ito ay lubos na pinahahalagahan. AILEEN S. CRISTOBAL Direktor ng Puppet Show

Petsa: Marso 15, 2021 Oras: 2:00-3:00 ng hapon Lugar: Awditoryum ng paaralan Paksa/Layunin: Pagpaplano para sa gagawing Puppet Show ng seksyon St.Lucia Mga Dadalo: 1. Aileen Cristobal (Direktor) 2. Jayson Narciso (Katulong ng Direktor) 3. Nicole Casem (Set Designer) 4. Breana Cayanan (Treasurer) 5. Kyla Baluyut 6. Jomar Manaloto 7. Janrey Dimatulac 8. Abigail Bautista 9. Christelle Lansang 10. Janiel Niric Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras Badyet na maaaring gastusin para sa Breana Cayanan 2:00-2:20 (20 gagawing Puppet Show Nicole Casem minutos) Nicole Casem Lugar kung saan gaganapin ang Jayson Narciso 2:20-2:30 (10 Puppet Show Aileen Cristobal minutos) Mga kasuotan at props na gagamitin 2:30-2:55 (25 para sa Puppet Show minutos) Mga tauhan na kailangan gumanap sa 2:55-3:15 (20 Puppet Show minutos) Kwento, daloy at iskrip ng Puppet 3:15-3:30 (15 Show minutos)

Dagok ng Taong 2020 Ang taong 2020 ay isa sa mga taon na natitiyak kong hinding hindi natin kailanman malilimutan dahil ang taon na ito ay punong puno ng pagsubok para sa ating mga Pilipino. Ang mga trahedya at kaganapan sa taon na ito ay hindi ko lubos maisip na mangyayari at ganito ang magiging takbo ng taon na ito, ngunit alam ko naman na lahat ng mga pagsubok,trahedya at mga karanasan na ito ay may kalakip na mga aral at marahil tayo rin ay sinubok ng ating Panginoon upang mas tumibay ang pananampalataya natin sa kaniya sa kahit anumang pagsubok ng buhay ang maaaring dumating. Balikan natin ang mga hindi natin inaasahang mga pangyayari na naganap sa taong 2020. Noong Enero 12, lahat tayo ay nabigla at nabahala sa pagputok ng Bulkang Taal. Ako ay nakaramdam ng kalungkutan para sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay, tirahan at naapektuhan sa malagim na trahedyang ito. May mga tao ring malapit sa aking puso ang mga nawalan ng tirahan noon at marami ring tao ang namatay dahil sa pagsabog ng Taal. Hindi pa man lumilipas ang isang buwan matapos ang trahedya ng Bulkang Taal, may panibagong trahedya na naman ang umusbong noong Enero 30 at iyon ay ang COVID-19. Hindi naglaon dumami ang kaso ng mayroong COVID-19 sa bansa na kung saan lubos akong nabahala. Dahil sa pangyayaring ito, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga kamag-anak ko dahil ako ay nag-aalala para sa kanilang kalagayan. May mga pagkakataon na natatakot na akong matulog dahil hindi ko alam kung sa paggising ko ba matatapos na ang mga trahedyang ito o may panibago na naman? Pagsapit ng Marso 9, bilang inanunsyo ang pansamantalang pagtigil ng klase dahil sa pandemya. Sa anunsyong ito, ako’y napanatag ng loob dahil mas sigurado na ang kaligtasan naming mga estudyante lalo’t kami ay mananatili sa aming mga tahanan. Ang akala ko noon may posibilidad pang manunumbalik ang pagkakaroon ng klase ngunit hindi ko lubos maisip na mas lalala pa ang pandemyang nararanasan natin hanggang sa ngayon.

Nalungkot ako dahil kaming mga mag-aaral na nasa ikasampung baitang sa taong 2020 ay hindi na nakaranas ng pagmamartsa sa entablado at pagtanggap ng mga diploma na kay tagal na naming hinihintay at pinaghirapan. Bilang isang mag- aaral, masakit at nakakalungkot sa parte namin na ang pinaka inaasamasam naming pagmamartsa, pagtanggap ng mga diploma at medalya ay hindi nangyari dahil sa pandemya. Nang dahil din sa pandemya, maraming tao ang nawalan ng trabaho, nagsara at na lugi ang kani-kanilang mga nesgosyo. Ang kababayan natin na mahihirap ay mas lalo pang naghirap dahil wala na silang mapagkuhanan ng pera upang matustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw. Sa puntong ito, napagtanto ko na ang pag-iipon ng pera ay importante dahil maaari natin itong magamit sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Dahil din sa mga batang nakikita ko sa lansangan may napagtanto ako na dapat huwag mag sayang ng mga pagkain dahil maraming tao ang hindi nakakakain lalo na ngayon pandemya. Sa pagsapit ng Agosto, may umuugong na balita tungkol sa pagsabog sa Lebanon. Ayon sa mga balita, maraming tao ang namatay, nasaktan at nawalan ng mga ari-arian dahil sa pagsabog. Sa buwan din ng Agosto, nangyari ang pagkasunog ng Amazon Rainforest sa Brazil. Ito ay nagbigay ng malaking alarma sa buong mundo. Sa mga pangyayaring ito, hindi ko maiwasang isipin ang mga iba pang trahedya na maaari pang mangyari sa mundo. Hindi pa natatapos dito ang dagok ng 2020, dahil may isang bagyo ang tumama sa ating bansa na kung saan maraming mga ari-arian ang nasira at maraming tao ang namatay may mga iilan ring mga mamamayan na nasa taas na lamang ng kanilang bubong upang hindi sila tangayin ng baha. Dahil sa kakilakilabot na pangyayaring ito, naging usap-usapan ang gobyerno ng Pilipinas dahil daw sa hindi nito pagbibigay ng agad-agarang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sa mga nabasa ko sa social media, ako ay nalungkot dahil nawalan ng pagkakaisa ang mga tao. Hindi ba dapat sa panahon na ganito dapat magkaroon tayo ng pagkakaisa kaysa pagtuonan ng pansin ang mga walang makabuluhang mga bagay? Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng lahat ng ating mga naranasan, hindi pa natatapos ang paghihirap nating lahat dahil hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagdami ng mga kaso ng may Covid-19 at mas dumarami ang mga taong walang disiplina na pilit lumalabas kahit alam na bawal. Nakakalungkot lang na maraming tao ang walang pakialam sa nangyayari sa mundo at hindi iniisip ang mga taong nagbubuwis ng kanilang buhay para lamang sa kaligtasan ng lahat. Sa konklusyon, ang taong 2020 ay isang taon na napakaraming kalunos lunos na pangyayari at ang pandemyang ating ikinakaharap noon ay patuloy pa rin nating kinahaharap hanggang sa ngayon kaya sana maging bukas ang ating mga kaisipan na kailangan nating sumunod sa mga protokol ng kaligtasan upang matapos na ang paghihirap na ating nararanasan. Tayo rin ay dapat maging handa sa kahit anong bagay dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Laging tandaan na kahit anomang trahedya ang dumating sa iyong buhay ay malalagpasan at malalagpasan mo rin basta’t huwag mawalan ng pag-asa at laging magdasal sa Diyos. Napagtanto at natutunan ko rin na kahit anong sakripisyo ang gawin ng iba, kung may mga tao pa rin na walang malasakit at ignorante, hindi talaga malulutas ang isang problema. Matanong ko lang, Ikaw ba ay kabilang sa mga taong walang kooperasyon at ignorante? O ikaw ay isang mabuting mamamayang Pilipino na may malasakit sa kapwa

“Halina’t tayo’y maglakbay at saksihan ang ganda ng Baguio City” Ang napili kong lugar sa lahat ng aking napuntahan ay ang Baguio dahil para sa akin ito ang pinakamaganda at paborito kong lugar sa lahat ng aking napasyalan. Ang unang tawag sa Baguio City ay \"Kafagway.\" Ang salitang Baguio ay nagmula sa salitang ibaloi na \"Bagiw” na nangangahulugang lumot. Ang Baguio ay tinaguriang \"Summer Capital\" ng Pilipinas dahil sa tinataglay nitong malamig na klima. Ito rin ay matatagpuan sa lungsod ng Benguet. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng iba't-iba pang mga tanawin na tunay nga namang nakakabighani. Maraming mga Pilipino at mga dayuhan ang namamasyal o pumunta rito. Ako ay labing apat na taong gulang noong kami'y pumasyal sa Baguio. Isang byahe ito na kailanman ay hindi ko malilimutan lalo na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay noong pumunta kami rito. Sa aming pagbabyahe hindi ko maiiwasan ang hindi mag-alala dahil ang daan dito ay sobrang taas at delikado ngunit nang malagpasan namin ito parang ayaw ko nang umuwi dahil sa bawat paglingon ko, ang magagandang tanawin ang siyang nasisilayan ko. Ang malamig na simoy ng hangin ay mas gaganda pa kung sasabayan natin ito ng isang mainit at masarap na kape. Ang mga puno ay nakatutulong upang magkaroon ng mapayapang lugar na kung saan maaari tayong magnilay-nilay kung ating nanaisin. Marami ring lugar sa Baguio ang aming napuntahan na aking inirerekomenda na dapat niyong pasyalan, nangunguna na rito ang sikat na Burnham Park. Ang Burnham Park ay masasabi kong isa sa pinakamagandang lugar na aking nakita na dapat puntahan ng mga tao kapag mamamasyal sa Baguio dahil dito nakakita ako ng mga magagandang bulaklak at naranasan ko rin dito ang sumakay ng mga bangka at magrenta ng mga bisekleta upang mas malibot ko ang paligid ng Burnham Park.

Dapat din natin puntahan ang pinakapaborito kong lugar sa Baguio ang Mines View Park dahil dito nasaksihan ko ang naggagandahang mga bundok at kapaligiran. Naranasan ko ring sumakay at magpakuha ng mga litrato sa mga kabayo sa murang halaga. Naranasan ko rin dito ang pagsuot ng damit na pang-Igorot na nababagay para sa aking Instagram at Facebook. Hindi naman magpapahuli ang mga strawberry farm sa Baguio na kung saan tayo mismo ang kukuha ng mga presa sa kanilang pananim na pasok na pasok sa ating badyet pwede rin tayong magpakuha ng mga litrato habang nagpipitas ng mga presa strawberry. Matitikman din natin dito ang pinagmamalaking sorbesang presa at taho ng mga taga-Baguio na tunay nga namang masarap at ‘di malilimutan. Sa aking obserbasyon, kadalasan sa mga taga-Baguio ay mababait at lubos na tinatanggap ang mga dayuhan at iba pang mga namamasyal sa kanilang lugar. Ang mga nagtitinda o nagbebenta ng mga souvenirs ay malikhain dahil sa kakaibang disenyo ng mga keychains, damit, pitaka at iba pa na swak na swak sa ating mga badyet. Ang mga itinitinda rin nilang mga walis tambo ay magaganda at matitibay. Ang iba't-iba ring mga pasalubong gaya ng strawberry jam, Lengua de Gato, peanut brittle, peanut butter, strawberry wine at iba pa ay sobrang sarap at sulit na sulit. Nais ko ring ibahagi sainyo ang natutunan ko sa pagpunta ko ng Baguio, natutunan ko na ang pagsubok na ating nararanasan sa buhay ay may kalakip na kapalit gaya na lamang sa pag-aaral marami mang pagsubok ang ating naranasan upang makakamit lamang natin ang pinaka aasam asam nating tagumpay sa buhay parang Baguio lang marami pang mga daan na mahihirap ang dapat nating maranasan bago natin masaksihan ang ganda ng lugar na ito. Napagtanto ko rin na walang makakahigit sa saya kapag naglalakbay kung pamilya ang kasama. Ang lugar na Baguio ay lubos kong nirerekomeda dahil sa taglay nitong ganda. Bilang isang Pilipino rin, dapat nating mas unahin puntahan o libutin ang sarili nating lugar kaysa sa mga lugar sa ibang bansa. Marapat nating ipagmalaki ang ganda ng mga lugar sa Pilipinas.

Epilogo Naniniwala ako sa kasabihang walang bagay ang hindi pinaghihirapan at naniniwala rin ako na mahirap ang malagpasan ang mga bagong daan tungo sa matagumpay na kinabukasan dahil may pagkakataon na mahihirapan ka sa pagliko sa mga eskenita, kanto at kalyeng hindi pamilyar sa’yo may pagkakataon rin na maaaring kang mawala sa iyong landas. Mayroon pang iilang hadlang o balakid sa daan na kailangan mong malagpasan gaya na lamang sa dagat kinakailangan muna natin malagpasan ang mga malalakas na alon ang mga iilang mga barko bago makapunta sa inaasam nating destinasyon. Kung iuugnay ko ito sa karanasan ko sa bagong sistema ng edukasyon, ang pagliko sa tamang daanan ay sumisimbulo sa mga tamang desisyon ko sa buhay gaya ng pagpapatuloy ko sa aking pag- aaral kahit mahirap makibagay sa bagong sistema ng edukasyon hindi ako lumiko sa mga daan na madidilim na kung saan sumisimbulo naman ito sa mga desisyong hindi tama o walang saysay gaya ng pagtigil sa pag-aaral. Hindi ako nagpatukso na dumaan sa madilim na daan dahil alam ko na walang magandang maidudulot ito sa akin, bagkus nagtiwala ako sa aking sarili na tama ang daan na dinaraanan ko dahil ito ay isang daan patungo sa tagumpay. Ang mga alon at barko naman sa dagat ay maiiugnay ko sa balakid, paghihirap at pagsubok na napagdaanan ko sa buong semestre, ang buong inaakala ko noon na madali lang ang mag-aral, pumasa at magsumite ng mga gawain at mga proyekto dahil kumpleto ako sa gadyets at mga iba pang teknolohiya ngunit ang buong akala ko ay mali dahil sa bagong sistema ng edukasyon natin ngayon ay higit mas mahirap ang ating marahil dahil tayo ay naninibago.

Kahit mahirap ang bagong sistema ngayon, nagawa ko itong malagpasan dahil sa tulong ng aking mga kaibigan, pamilya na laging sumusuporta, nagtitiwala at nagpapasaya sa akin. Marami mang dagok sa buhay ang aking naranasan at hinarap may kaakibat naman itong magagandang kapalit gaya ng pagkatuto, pagkalinang ng bagong kaalaman tulad ng pagsusulat ng iba’t ibang akademikong sulatin. Mayroon rin akong mga aral na natutunan na maaari kong maisabuhay gaya ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagpapahalaga sa mga taong nakapaligid sa’yo. Natutunan ko rin na kinakailangan natin na magkaroon ng mgandang ugnayan at pananampalataya sa Diyos dahil kung naniniwala tayo sa kaniya tiyak ako na hindi niya tayo pababayaan sa lahat ng pagsubok ng buhay bagkus tutulungan pa tayo ng ating Diyos upang malagpasan lahat ng ito. Lagi sana nating tandaan ang kasabihang kung may tiyaga may nilaga dahil ang kasabihang ito ay nagbibigay ng mensahe sa atin na lahat ng mga bagay na ating pinaghihirapan ay may kapalit na magandang kinalalabasan. Nawa’y mayroon kayong natutunan sa karanasan ko sa bagong sistema ng pag- aaral magsilbi sana itong inspirasyon at motibasyon sa inyo ang lahat ng ito. Laging isa isip at isa puso ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili dahil ang sarili mo lang siyang makakatulong sayo upang makamit ang susi sa tagumpay.

Siya si Aileen S. Cristobal, ipinanganak siya sa Makabali, San Fernando, Pampanga noong ika-labing pito ng Mayo sa taong 2004. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Edilberto M. Ganzon Elementary School. Noong siya ay nasa elementarya, lagi siyang nakakatanggap ng mga parangal. Nakapagtapos naman siya ng Junior High School sa Angeles City National Trade School at siya ay naging consistent honor student dahil sa kaniyang pagsisikap. Sa kasalukuyan, siya ay Senior High School na at siya ay nag-aaral ngayon sa Holy Angel University at siya ay nabibilang sa strand na HUMSS. Mahilig siyang maglaro ng online games, sumayaw, mag bisekleta at maglakbay sa iba’t- ibang lugar. Sa ngayon, marami pa siyang nais na matupad sa kanyang buhay. Nais rin niyang maging isang MedTech kaya naman siya ay nagpupursigi upang matupad niya ang kaniyang pangarap at mga pangako sa kaniyang mga magulang.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook