["\u201cAno po iyon, kuya? Gagawin ko po lahat,\u201d ang walang pag-aalinlangan kong lahad kapalit ng isang disenteng libing sa aking kapatid. \u201cSaka na iyon, Marco. Ngayon ay puntahan na natin ang iyong kapatid at ipapa- asikaso ko na ang lahat para sa kaniyang libing,\u201d pagtatapos niya bago ako kumalas sa kaniyang braso. Dumating kami sa morgue ng ospital at doon ko nakitang muli ang walang buhay ko nang kapatid. Hindi ko napigilan ang sarili ko at humagulhol ako sa pag-iyak, bagay na ipinagkait ko sa aking sarili kagabi. Matapos naming asikasuhin ang lahat ng bagay sa ospital ay agad din naming ibinurol ang aking kapatid bago siya ilibing pagkatapos ng tatlong araw katabi ng aming mga magulang. Nagpasalamat akong muli kay kuya Houston dahil sa kabutihan ng kaniyang puso bago ako umalis ng kaniyang tirahan. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ang dati naming tirahan ay tuluyan ko nang nilisan dahil sa mapapait na alaala mula rito. Lumipas ang mga araw at nagpa-laboy-laboy na ako sa mga kalsada ng Maynila. Kita ko ang pandidiri at pag-iwas ng mga tao sa akin. Wala na akong pamilya. Ako na lang mag-isa sa buhay. Minsan naisip ko, may saysay pa ba ang mabuhay kung gayong ako na lamang mag-isa? Ngunit nagpatuloy ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko ito ang tama. Naging disente ang aking pamumuhay kahit ang mga nakapaligid sa akin ay puro tukso. Lumipas ang mga buwan at sumapit na ang aking kaarawan. Naalala kong muli ang aking yumaong pamilya kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa kalsada. Ako ay basang-basa habang naghahanap ng masisilungan nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Si Kuya Houston! Nakilala ko siya agad dahil halos ilang buwan lang naman mula noong huli kaming magkita. Sa tagpong iyon ay naalala ko ang aking pangako sa kaniya \u2014 na tutuparin ko ang kaniyang kondisyon matapos niya akong tulungan noon. Hindi ko iyon makakalimutan dahil marunong akong tumanaw ng utang na loob. \u201cPumasok ka sa loob. Basang-basa ka na ng ulan,\u201d aniya na ikinahiya ko dahil ayaw kong mabasa ko ang loob ng kaniyang sasakyan kaya tumanggi ako ngunit naging mapamilit siya at nagtangkang bubuhatin ako papasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Wala akong nagawa. Sa loob ng kaniyang sasakyan ay may nakita akong mga posas, baril, at ilang kaha ng sigarilyo ngunit nagkunwari akong hindi ko iyon nakita nang iabot niya sa akin ang isang tuwalya at t-shirt. 91","\u201cMagpalit ka na,\u201d utos niya na agad kong ginawa. Nang makarating kami sa kaniyang tirahan ay may nakita akong mga pamilyar na mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang mga kasamahan kong kabataang lansangan sa Recto. Malugod nila akong sinalubong na animo\u2019y isa akong dugong bughaw. \\\"Mula ngayon Marco ay dito ka na titira,\u201d nagulat ang mga tauhan niya sa nasambit niyang iyon. \u201cIto ang kondisyon ko mula sa sinabi mong pangako noon,\u201d pabulong niyang dagdag sa akin. Hindi ako nakaimik dahil sa halo-halong emosyon ngunit tumango na lang ako at nagpakita ng pagtanggap sa alok niya bilang tanda ng pag-respeto. Lumipas ang mga araw at agad niya akong sinanay sa kaniyang negosyo. Ibang-iba ang pagsasanay na ginagawa niya sa akin kumpara sa mga kapwa ko kabataang kinupkop niya. Sinasama niya ako sa lahat ng kaniyang puntahan at doon ko nakita ang kaniyang pamumuhay. Sa aking obserbasyon ay nalaman kong isa siyang negosyante sa larangan ng mga armas at casino na minana niya mula kay Don Demetrio. Ibang-iba ang nakikita kong pagkatao niya ngayon sa nakilala ko noon. Marahas, bayolente, at walang-awa sa mga taong tuma-traydor sa kaniya o sumasalungat sa kaniyang desisyon. Ang pagkatakot ay napalitan ng paghanga. Sa araw-araw na pagsasanay niya sa akin ay hindi nagtagal at nagawa ko ring sumunod sa kaniyang yapak. Ako na ang kaniyang kanang kamay sa madilim at mapusok na mundong aming ginagalawan. Ang maamo kong mukha ay mabilis na naging mabagsik. Natuto ako sa maraming bagay na pilit kong nilayuan noon. At ngayon, sa aking pagbabalik sa dating lansangan na naging saksi sa aking kahinaan, bakas sa aking lakad ang kinimkim na pagkalam ng katawan sa maraming bagay na hindi ko na muling mararanasan dahil sa taong sumagip sa akin sa maulan kong kaarawan. \u201cMarco? May problema ba, mahal ko?,\u201d alalang tanong ni Houston sa akin matapos niyang mapansin na ako\u2019y natigilan sa aking paglalakad dahil sa pag-iisip sa mga naging mapait na karanasan ko noon. \u201cWala naman, mahal. Tara na, umalis na tayo at naghihintay na sa atin si Charlotte,\u201d sagot ko sa kaniya at binigyan ko siya ng isang halik bago kami umuwi sa aming tahanan upang salubungin ang aming anak. \u201cSalamat Houston at anak, Charlotte, dahil sa inyo mas naging makabuluhan ang buhay ko ngayon. Mahal na mahal ko kayo,\u201d ang sabi ko sa aking isip nang makita kong mahimbing na natutulog ang mag-ama ko at saka sila binigyan ng halik bago tumabi sa kanila. 92","&Alice Julie by Andrea Gail B. Punzalan Alice puts her phone back in her pocket. The wind hits her face softly. It's almost 6:00 and it's already dark out, but she's riding her bike out on the streets, and for the first time in years, she relishes in the safety of being home. The streets are deserted save for a few people walking to wherever they're headed. And Alice\u2014 Alice is headed somewhere, too. Eventually, she ends up where she was headed. It's small and rusty and just as dilapidated as she thought it would be, but beggars can't be choosers. It's a miracle it's even here. She gets off her bike and carefully lets it lean on a nearby pole. The street lights aren't bright enough to illuminate the entire place, but it's fine. She remembers the whole place well enough. The broken slide is still in the corner, but the huge crack in the middle isn't visible because of the weeds that have grown through it. It's the same bright yellow she knows. A rocking horse, also yellow, is attached with a metal spring to the ground. Beside it is a pale blue rocking car that she's sure was once a bright and cheerful sky blue. There's also a pair of deep blue seesaws with the red seats nowhere to be found. The swing set hasn't gone untouched by time either. One swing is thrown over the bar because it's been detached from the chains, while the other one beside it is still perfectly intact. It's full of dirt and the chains are a little rusty, but it looks okay. Alice walks over to it and pats away the dust. Then, she sits. 93","It creaks noisily with every little movement she makes, but it doesn't feel like it would fall. She feels for her phone in her pockets and fetches it, checking the time. 6:19 PM, the clock in her lock screen reads. There are no notifications. She unlocks it, and finds the screen she's been staring at for the better part of the day. Alice does nothing but stare again. She shuts it off with more force than necessary and looks at the broken swing beside her, tossed over the bar carelessly. Julie used to sit there. \u201cOh, shut up,\u201d Alice mutters to herself. She unlocks her phone again, and she bites her lip as her eyes are met with the same screen: a name, and a phone number to match. She wants to scream. Her thumb hovers over the button for a few moments, but she decides, \u201cdamn it,\u201d and presses Call. Alice closes her eyes and breathes. She has to breathe, has to feel her lungs fill with air, because every ring she hears from the speaker makes her feel like she's losing oxygen. For a second she's convinced that the call won't be picked up, which provides her an odd sense of relief, but then\u2014 \u201cHello, who is this?\u201d She opens her eyes. The voice she hasn't heard in nearly five years is suddenly right in her ear, smooth and steady. Just like she remembers. \u201cJules,\u201d she sighs out. She doesn't know if the girl\u2014woman\u2014on the other line even heard it. \u201c...Ali?\u201d Alice snorts. So she did hear. \u201cYeah,\u201d she responds, loud and clear this time. 94","\u201cWha\u2014this is an overseas call,\u201d Julie says like she can't quite believe it. \u201cDon't you think I know that?\u201d \u201cOh. I... Alice,\u201d she trails off like she doesn't know what to say. Alice wouldn't blame her for that\u2014she doesn't know either. \u201cThis is the first time you've ever called me. In years.\u201d Julie continues. A pang of guilt. \u201cShouldn't you have expected that?\u201d Alice jokes. You never called me either, she means. A good-natured snort, and then loud shuffling. \u201cI guess you're right.\u201d What's the time difference again? \u201cShould I just call you another time?\u201d \u201cIt's okay, Ali. I needed to get up early anyway. Wedding preparations and all that. Did you... want to talk about something?\u201d \u201cNot really,\u201d she replies as nonchalantly as she can. She looks at the other swing again, with rusty chains and the seat marked with muddy shoe tracks. \u201cHey, guess what.\u201d She says, just like she used to. \u201cWhat?\u201d \u201cI'm in the playground.\u201d \u201cPlayground?\u201d \u201cDon't tell me you've forgotten about the playground.\u201d \u201cNo! I\u2026 I remember. Of course I remember. But it's late there, right? You should be home.\u201d Alice shakes her head. \u201cI am home,\u201d she says, low enough to be a whisper. \u201cAnd if you do remember the playground, then tell me who broke the slide.\u201d A pause. \u201cIt was\u2014it was me. You dared me to jump on it.\u201d Alice feels a smile tugging on her face. She doesn't know if it's because of the memory or if it\u2019s just the effect of talking to Julie. \u201cSo you do remember things.\u201d \u201cAlice.\\\" Julie says her name like it's a word in a language she doesn't speak. \u201cWhat's going on?\u201d 95","She can't prolong this, then. \u201cWell. I heard you were getting married.\u201d Another pause, longer this time. \u201cI am.\u201d \u201cI just wanted to say congratulations. That's all.\u201d \u201cThank you, Ali. Are you sure that's all?\u201d Alice blinks, feeling her heart almost escape through her ribcage. \u201cIs there anything else I'm supposed to say?\u201d Julie laughs. That hearty laugh that Alice has been missing. \u201cStill, Ali. I\u2019m sorry. I had no way of contacting you. Agatha and Robbie said they didn't know how to contact you either. Do you want to come to the wedding?\u201d Agatha and Robbie lied for her sake. Alice takes a deep breath. \u201cIt's fine,\u201d it's not. \u201cI don't think I'd be able to go anyway.\u201d It'll hurt too much. \u201cThat's too bad, Alice. I miss you a lot.\u201d \u201cSure.\u201d I miss you more than you could ever imagine. Alice hears a cat meowing in the background, and another voice that she does not recognize. \u201cSorry, Ali. I need to go. We'll catch up at a later time, alright?\u201d So this is where it ends. \u201cBefore that,\u201d she says, careful not to let her desperation be heard, \u201cJules.\u201d A long pause on the other line. \u201c...Yes?\u201d Alice breathes. \u201cAre you happy?\u201d Again, a pause. All she can hear is Julie's soft breathing. \u201cI am.\u201d \u201cThat's good.\u201d I love you. She ends the call. The swing set knows more than Julie ever will. 96","obBeefccaaHuuissmee by Mark Joseph Lamoriza \u201cAno ba Mike, improve yourself naman,\\\" \\\"Mike naman, tama na, ang drama mo na,\\\" \\\"Mike sorry ayaw ko na sa'yo,\\\" \\\"Mike, lahat na lang mali. Umayos ka nga,\\\" \\\"Mike naman, maging responsable ka namang tao,\\\" Mike..Mike...Mike.... Puro na lang mike WALA NA BANG IBA?? Sa bawat pagdaan ng oras wala na akong nakikitang iba. Wala na akong naririnig pang iba. Wala na akong nararamdamang iba. Puro na lang MALI, MASASAKIT NA SALITA at SAKIT. Dumating na sa point ng buhay ko na gusto ko nang tapusin ang lahat . 97","Puro na lang MALI, MASASAKIT NA SALITA at SAKIT. Dumating na sa point ng buhay ko na gusto ko nang tapusin ang lahat . Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam bakit nangyayari sa akin to. Wala na bang ibang makita. May kulang pa ba sa akin?. May mali ba akong nagawa sa mundong ito? Sa bawat pag gising ko sa umaga bumabalik ang lahat ng dahilan kung bakit ko gustong matulog. Mga dahilang nagpapahirap sa bawat umagang sabi nila ay biyaya ng diyos dahil humihinga ka pa. Ayaw ko na\u2026. Nakaksawa nang intindihin lahat ng tao. Mga taong walang ginawa kung hindi gamawa ng kamalian ko. Mga taong nanakit sa akin pero patuloy ko pa ding pinapatawad. Mga taong naglagay sa akin sa posisyong ganto. \\\"Mike lumabas ka diyaann\\\", \\\"Mike nandito kami mga kaibigan mo , magusap naman tayo\\\", \\\"Mike gagawan natin yan ng paraan\\\", \\\"Mike mahal ka namin\\\", Hahaha, Mahal? Anong tawag sa pagmamahal na yun Tough Love. Wow naman. Bakit ngayon lang nila yan sinasabi. Dahil mawawala na ako. Nasa huli ba ang pagsisisi? Alam kong di naman nila pag sisisihan ang gagawin ko. Pabor pa nga dahil mawawalan na sila ng isipin araw araw. Wala na silang hahanapan ng mali. Walang silang proproblemahin araw araw kung paano saktan. Itutoy ko na to. Iinomin ko na ang nga gamot na ito. Mga gamot na tinawag kong pain killer. Gamot na may \\\"PAIN\\\". Salitang nagpapahirap sa akin. Papatayin nito ang lahat ng sakit sa katawan ko. Gamot na may KILLER. Salitang tatapos sa paghihirap ko. Naalis nga ng gamot na ito lahat ng pain pero hindi nito kayang pasukin ang puso kaya may killer upang tapusin na ang lahat at gagamutin ka habang buhay sa sakit na nararamdaman mo. 98","Hindi na hahayaang maramdaman mo pa.Isinubo ko lahat ng laman ng bote. Nilunok ko itong lahat. Nahilo ako . Sobrang nakakahilo . Nagsusuka ako . Hanggang sa natumba na ako. Natumba na ako ng literal. Natumba na ako sa lahat ng problemang nakasandal sa akin. Natumba na ako dahil sa sakit ng mga ibinabatong mga salita. Natumba na ako dahil sa sakit ng pagkakatayo sa lahat ng sakit nanararamdaman ko. Nawalan na ako ng malay at hindi na nalaman kung anung sunod na nangyari. Mga ilang sandali . Nagising ako. Minulat ko ang aking mga mata. Pero iba na ngayon wala nang bahid ng pagiyak sa aking mga mata. Iba na ang pakiramdam ko. Sobrang luwag ng aking paghinga. Walang sakit na bumabara sa bawat pagtibok ng aking puso. Hindi na mabigat ang aking mga mata. Ang sarap sa pakiramdam nito. Teka nasan nga ba ako? Tumingin ako sa paligid. Wala akong makita. Madilim. Sobrang dilim. Tumayo ako mula sa pagkakahiga. \\\"Anak\\\" nagulat ako ng may nagsalit mula sa kawalan. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang boses na iyon sapagkat sa lahat ng sulok pakinig ito. Umalingawngaw ang boses na iyon. \\\"Anak\\\" narinig ko na naman ang boses na iyon.Gusto kong sumagot ngunit may humaharang sa bawat salitang nais kong banggitin. \\\"Anak lumapit ka sa akin\\\" sa pagkakataong ito nagsimula akong maglakad. Hindi ko mawari ngunit hindi ako ang nagkokontrol ng mga paa ko. Kusa itong naglalakad sa kawalan. Hindi alam ang patutunguhan. Ilang sandali at nawala na ang boses. Ngunit ang mga paa koy patuloy pa ding naglalakad. Ang inaakala kong daan na aking tinutungo ay wala nang katapusan. Ngunit sa aking pagpapatuloy unti unti akong nakakita ng liwanag. Hindi lang basta liwanag kundi liwanag na sumisimbolo na tapos na ang aking paghihirap. Sa wakas makakamit ko na ang kapahingahang walang hanggan. Habang papalapit ako sa liwanag na patuloy na lumalaki sa aking harapan. May mga boses na nagsisilabasan. Sa bawat yapak na aking binibitawan may katumabas na salita ang namumutawi sa kalawakan. 99","\\\"Mike gumising ka\\\", \\\"Mike lumaban ka\\\", \\\"Mike hindi ka namin iiwan\\\", \\\"Mike wag muna ngayon\\\", \\\"Mike bumalik ka na sa amin\\\", \\\"Mike bakit?\\\", \\\"Mike please open your eyes\\\", \\\"Mikeeeeeeeeee\\\", Yun na ang huli kong narinig. Boses na nagpapakita ng aking pagkawala. Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng nakaksilaw na liwanag. Ngunit ang pinagtataka ko ay hindi ako nasisilaw sa liwanag na ito. Ang liwanag na ito ay nanunuot sa aking mga mata at ginagamot ang lahat ng sugat na nakatago mula duon. Liwanag na aking iniintay sapagkat mararamdaman ko na ang tunay na kapahingahan. \\\"Anak bakit ka narito?\\\", \\\"Anak anung ginawa mo sa sarili mo?\\\", \\\"Anak pagod ka na ba\\\", \\\"Anak hindi ito ang solusyon\\\", Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko magawa. Sapagkat napakasikip ng aking lalamunan na hindi ko mawari kung bakit. \\\"Anak hindi mo pa oras\\\", \\\"Anak madami ka pang misyon sa mundong ibabaw\\\", \\\"Anak gusto pa kitang makasama dito sa aking kaharian\\\", \\\"Anak wag kang papatalo sa silo ng demonyo. Kasalanan ang magpakamatay\\\", \\\"Anak ang problema sa buhay ay isa lamang pagsubok na kailangan mong harapin upang ikaw ay tumatag at magpatuloy pa sa hamon ng buhay\\\", 100","Tsaka ko lamang naramdamang lumuwag na aking lalamunan. \\\"Gusto ko na lang po dito. Ayaw ko na po dun. Pagod na po ako sa lahat ng problema\\\" \\\"Anak hahayaan mo na lang bang iwanan ang mga tunay na nagmamahal sa iyo?\u201d Tsaka lumabas ang mga boses sa kawalan. Ang pagiyak ng aking mga magulang. Ang paulit ulit ba pagtawag sa aking pangalan. Hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan sapagkat nanigas na aking katawan . Ang mga mata kong punong puno ng luha.Nakaramdam ako ng pagpahid ng luha sa aking mata. Wala naman akong nakikita mula sa liwanag. Ang pagpahid na ito ang nagpatigil sa aking pagluha. Ang pagpahid na ito ang nagsilbing gamot sa aking mga nararamdang sakit. Nakaramdam din ako ng ginhawang ngayon ko lang naramdaman. Nakaramdam ako ng kamay na nasa aking balikat na inaalayan ako sa hamon ng buhay. Nakaramdam ako ng pagyakap mula sa hangin. Dahil sa yakap na ito nasagot ang aking mga katanungan. Nagamot ang lahat ng sugat na sa aking puso , utak, at katawan na nag mula sa sakit. Ang sarap sa pakiramdam nitong aking nararanasan sa oras na ito. \\\"Anak hindi ka makakapasok sa aking kaharian\\\", \\\"Anak mananatili ka ba dito o babalikan mo ang mga taong nagmamahal sayo\\\", Wala na akong narinig pang iba . Hindi na muli ako nakapagsalita. Para kaming naguusap sa puso. Ngayon alam ko na ang sagot ko . Mas lalong lumakas ang mga boses ng aking pamilya. Naramdaman ko ang malambot na kama. Minulat ko ang aking sarili na tumambad sa akin ang kisameng may ilaw na puti. Nasa hospital ako. Nagulat silang lahat ng minulat ko ang aking nga mata. Naluha ako dahil sa nakita kong ngiti na sumilay sa kanilang mga labi. Sabay sabay silang lumapit sa akin at akoy inakap. Ngayon masasabi kong nakagawa ako ng pinakamalaking desisyon sa aking buhay. Hindi ito mali at ito ay tama. 101","Natatandaan ko pa ang mga huling katagang inukit ng aking ama sa aking puso. \\\"Bumalik ka at nasisisgurado kong wala nang mananakit sa iyo sapagkat lagi lang akong nasa tabi mo at binabantayan ka. Because of Him, I become healed. Because of Him, my life didn't end that day. Because of Him, my problems were solve. Because of Him, my life is in the right way. Because of Him, i haven't went this far. Because of him, I'm here in front of you , Giving you an inspiration to continue life no matter what. Problems are just problems. Kailangan mo na lang gawin ay maniwala sa kanya. Maniwalang malalagpasan mo lahat ng pagsubok o hamon na ibabato sa buhay mo. \\\"Maraming salamat po sa pakikinig, muli ako po si Mike Quizon nagsisilbing inspirasyon sa mga taong gusto nang bumitaw sa hamon ng buhay. Wag muna po dahil may nagiintay pang mga taong naghihintay sa inyo na gawin nyo ang misyon nyo para sa kanila.\\\"Nagpalakpakan ang mga tao sa aking harapan. Nandito ako ngayon sa isang retreat house at nagshashare ng aking kwento sa mga pamilyang nageencounter . Paglabas ko ng retreat house. Napatingala ako sa langit. Hindi lang yun ang una sa aking napagshareran ng aking istorya. Nagawa ko na ang misyon ko. Ngayong matanda na ako sa palagay koy handa na akong muling humarap sa kanya. Sa panglawang pagkakataong ito alam kong tatanggapin na nya akong papasukin sa kanyang kaharian. Humiga ako sa damuhan dito sa rereat house. Tinitigan ang langit. Nagawa ko na ang misyon na kailangn kong tapusin sa mundong ibabaw. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko ang akinh mga anak at mga apo. \\\"Nanay si lolo po nakahiga sa damuhan, Tara po puntahan natin\\\" Yun na ang huli kong narinig . Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na ang matagal kong inintay. \\\"Anak maligayang pagbabalik\\\", \\\"Halika at lumapit ka na sa akin\\\", 102","GARELL","RHYTHM OF LIFE By Anna Jobelle Maglinao 103","PAGBANGON By Herbert M. Lajara 104","BEYOND SHADOWS By Anna Jobelle Maglinao paglimot By Herbert M. Lajara 105","DAPIT HAPON By Herbert M. Lajara 106","AMPLE OF TIME By Anna Jobelle Maglinao PAG-IBIG By Herbert M. Lajara 107","PAGLISAN By Herbert M. Lajara 108","BUKANG LIWAYWAY By Herbert M. Lajara LIMITLESS HOPE By Anna Jobelle Maglinao 109","wonder By Airra May Medrano 110","pag-asa By Herbert M. Lajara woven light By Anna Jobelle Maglinao 111","WITHERED By Airra May Medrano 112","beauty from within By Daniella Lorainne Matibag 113","p ower By Airra May Medrano pagsasama-sama By Herbert M. Lajara 114","FAITH By Nica Solomon 115","hidden peace By Daniella Lorainne Matibag 116","burgeon By Airra May Medrano 117","far By Daniella Lorraine Matibag 118","paghihintay By Herbert M. Lajara un eBynAndnainJobgelle trail Maglinao 119","Irenic By Airra May Medrano 120","hiling By Charlene Malvida 121","pagsamo By Herbert M. Lajara 122","the sunlight fades By Airra May Medrano 123","hustle By Tielo Adrem Rabino 124","comeback By Anna Jobelle Maglinao 125","first light By Airra May Medrano 126","dear enzo By Tielo Adrem Rabino 127","blinded mind By Madelyn Mae Canlas 128","max By Madelyn Mae Canlas 129","eddie By Madelyn Mae Canlas 130","Flamboyant By Madelyn Mae Canlas 131","wednesday By Madelyn Mae Canlas 132","ggwp By Tielo Adrem Rabino 133","","edBitOoArRiaDl AMPIYAS | THE OFFICIAL LITERARY FOLIO OF THE VISION GROUP OF PUBLICATIONS VOLUME 22 ISSUE NO. 1 | 2023 Joe Vincent M. Fernandez Editor-in-Chief Airra May G. Medrano Associate Editor Jonas A. Maranan Managing Editor Earl Lingao Frances Hannah Peda Andrea Gail Punzalan Rhenber Hian Morada Lovelaine Pasildo Thrizia Ellaine Villapando Nica Joice Solomon Ryan Philippe De Guzman Editors Acy Unity Tipan Maria Leonora M. Manalastas Kyla Mae Gutierrez Mark Joseph Lamoriza Khenn Arvin Manalo Ahliya Immaculate H. Amargo Madelyn Mae Canlas Robert C. Linatoc Tielo Adrem Rabino Janine B. Agno Charlene Malvida Alexanderjames Oliva Herbert Lajara Mary Rose K. Ca\u00f1as Daniella Lorainne Matibag Thrizia Elainne M. Villapando Anna Jobelle Maglinao Shery Mae Gerobin Renz Andrei Sumugat Denise Alexa M. Africa Ju Ann D. Panagdato Zoe Smith (Mr. A) Mohammad Doblas Franzyne Faith F. Caraan Faithful Grace Dacillo Neil Aldous A. Biason John Dave Titular Ju Ann D. Panagdato Contributors Ms. Mercedes Jumarang Dr. Linda E. Platero Adviser Moderator","All Rights Reserved 2023",""]
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148