Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Pastor Paano Po ba Mag Soulwinning ebook

Pastor Paano Po ba Mag Soulwinning ebook

Published by Francisco Briones, 2023-02-24 16:26:19

Description: Pastor Paano Po ba Mag Soulwinning ebook

Search

Read the Text Version

49Chapter 5 Anu-Ano Ang Mga Kailangang Malaman Ng Isang Bagong Mananampalataya Bago Magsoulwinning? Sa panahon ngayon, maaari naman tayong magsulat ng information ng tumanggap sa Panginoon sa ating mga smartphones, subalit mas makakatulong kung may back-up pa rin tayo – ang good, old school pen and paper para mas madaling hanapin, lalo na sa mga hindi tech savvy o hindi sanay sa mga features at apps sa mga ganitong smartphones. Bukod sa pagsusulat ng impormasyon ng mga nakausap, malaking tulong din sa soulwinner kung may dala siyang Gospel tracts. Kadalasan, ang mga taong umaayaw na kausapin tungkol sa Bibliya ay napapapayag kung siya ay naabutan muna ng Gospel Tracts bilang magandang “introduction” para magbukas ng usapan, dahil magiging curious o interesado sila kung ano ang nilalaman nito. Maaari ding dahil napasubo na rin naman sa pagtanggap niya nito (Gospel tract), wala narin naman sigurong mawawala kung makikinig siya ng kahit ilang minuto tungkol sa Salita ng Diyos. Sa kabilang dako, pinagpapauna na ng may-akda, na ang pagdadala ng Gospel tracts ay HINDI REQUIREMENT bago humayo at magturo ng kaligtasan ang isang soulwinner o kahit ang isang church sapagkat nakapagturo ang mga sinaunang Kristiyano, mga disipulo at kahit ang mga apostol na wala naman ang mga babasahing ito. Ang mga tracts ay nagsisilbing tulong o supplemental tool lang sa mga soulwinner para mas madali niyang buksan ang usapin ukol sa biblical na paraan ng kaligtasan.

Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? Then Philip opened his mouth, and began at the same scripture, and preached unto him Jesus. Acts 8:35

51Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? ANO ANG KAILANGANG MALAMAN NG ISANG SOULWINNER SA SANDALING NAGTUTURO NG KALIGTASAN? Ang Chapter na ito ay napakahalaga dahil dito nakasulat ang mga bagay na hindi madalas makikita sa mga soulwinning books na isinulat sa ibang bansa dahil ang mga nilalaman nito ay angkop sa mga Kristiyanong Pilipino, at ang mga pangyayari dito ay mula sa mga aktuwal na pangyayari sa Pilipinas at pagtuturo sa kapwa Pinoy. Kaya sana mga kapatid, aralin natin itong maigi at alamin kung saan tayo posibleng nagkulang, upang maitama o ma-improve natin ito sa susunod na pagkakataon, sa biyaya ng Diyos. So, ano nga ba ang mga bagay na dapat malaman ng isang soulwinner sa sandaling nagtuturo ng kaligtasan? Ang ilan sa mga importanteng kasagutan sa tanong na ito ay matatagpuan sa ibaba, subalit alam ng may-akda na mas marami pa ring matututunan ang isang bagong Kristiyano habang siya ay sumasama at nanonood sa mga soulwinning activities ng church. Ngayon, isa- isahin na natin ang mga kailangang malaman ng isang Soulwinner at ng kanyang Soulwinning Partner sa sandaling nagtuturo ng kaligtasan: 1. Maging Magalang Sa Pakikipag-usap. Ang soulwinner ay dapat maging magalang sa kanyang pagbati at sa pagpapakilala sa nais turuan o kausapin tungkol sa kaligtasan. Pagkatapos, dapat rin niyang sabihin nang malinaw ang pakay sa kakausapin o kung ano ba ang nais niyang ibahagi.

52 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? Halimbawa ng pagpapakilala: Soulwinner: Magandang umaga po! Ako po si Missionary Wilson Faustino ng Bible Baptist Mission. Ang mission house po naming ay nasa E. Jacinto St. yung dati pong 13th Street. Maaari po ba kayong makausap kahit 10 to 15 minutes lang tungkol sa kaligtasan ni Jesu-Cristo? 2. Pagtuturo Depende sa Lugar na Pupuntahan 2.1 Pagtuturo sa loob ng Bahay (Community) a. Para sa Soulwinner Kung ang soulwinning ay magaganap sa loob ng bahay, sikapin ng soulwinner na siya ay nakaharap sa pintuan at ang tinuturuan niya ay nakatalikod sa pinto at bintana, upang hindi ma- distract o maagaw ang atensyon nito habang binabahagi ang kaligtasan. Mas magiging maganda rin kung maipapabasa ng soulwinner ang mga verses ng Bibliya upang makita ng kinakausap na ang kanyang itinuturo ay mula talaga sa Bibliya, at hindi sariling doktrina o personal niya lamang na paniniwala. b. Para sa Soulwinning Partner Ang soulwinning partner naman ay handa dapat na isaayos ang lahat ng posibleng sagabal sa magtuturo ng kaligtasan at hindi agaw atensyon habang nagaganap ang pagtuturo. Ang halimbawa ng isang agaw atensyon ay pagiging malikot, nagpapalakad-lakad at pagiging maingay habang nagtuturo ang soulwinner. Bilang soulwinning partner, siya dapat ay nananalangin (na nakamulat at nakayuko subalit alerto at mapagmatyag) na maligtas ang tinuturuan ng

53Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? soulwinner, at nakahanda kung may darating na makakaabala sa nagaganap na pagtuturo. Ang mga kalimitang naranasan ng may-akda na distractions habang may kinakausap patungkol sa kaligtasan ay kung may sanggol o batang biglang iiyak at mag-iingay, mga bisitang biglang dadating, may tatawag sa kinakausap, biglang may bibili sa tindahan ng tinuturuan, biglang mag-iingay ang mga aso, tutunog ang cellphone, atbp. Dapat ay maagap at maayos na magawan ng paraan ng soulwinning partner ang mga hadlang na ito hanggang sa matapos ang pagtuturo ng kanyang kasamang soulwinner. 2.2 Pagtuturo sa Loob ng Opisina (Career/Working) Kung sa opisina naman gagawin ang soulwinning, sikaping gawin ang pagtuturo sa ORAS NA MAS MAKAKAPAG-FOCUS (vacant time, before or after office hour) ang mga empleyadong dadalo hanggang sa matapos ang Bible Study. Sikapin ding magsimula at magtapos sa oras na pinag-usapan upang hindi sila madalang dumalo sa bible study dahil sa sobrang tagal o haba ng pagtuturo. Dagdag pa rito, iminumungkahi na magbihis ng kagalang- galang (example: short sleeve barong) ang mga magtuturo at dumating ng mas maaga sa schedule upang mabigyan ng solusyon ang mga posibleng lumabas na problema gaya ng venue, sound system, mga dadalo, atbp.

54 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? 2.3 Pagtuturo sa Labas ng Eskwelahan (Campus) Kung sa labas ng school o campus gagawin ang soulwinning, mas magandang maghanda ang mga soulwinners ng Gospel tracts na ipamimigay sa mga estudyante. Dahil estudyante ang pakay dito, kinakailangang marunong ang soulwinner na magsalita ng mas malakas, lively, malinaw at mabilis, sapagkat ang mga estudyante ay ayaw mahuli sa klase o nagmamadali na ring umuwi. Ang importante dito, pagkatapos maturuan ng kaligtasan ay ma-establish ng soulwinner kung anong oras at araw maaaring makausap silang muli, at kung maaari ay makuha ang kanilang mga personal na detalye tulad ng pangalan, address ng tirahan, contact number at FB/Messenger for follow-up. 2.4 Pagtuturo sa mga Bata sa Barangay (Children) Kung mga bata (edad 12 pababa) naman sa barangay o sitio ang nais turuan, mas magandang magdala ng visual aids/mga makukulay na larawan upang maging mas nakakapukaw ng atensyon ang pagtuturo. Sa ministeryong ito, mas maganda na pagturuin ang mga members ng church na gifted o may talent sa pagtuturo sa mga bata at malapit ang loob sa mga bata lalo na ang mga makukulit na bata sa kalye. Ang mga kasamang soulwinners naman ay naka-focus sa pagpapakilala at pagtuturo (ng kaligtasan) sa mga magulang ng mga batang kanilang tinuturuan. Dito, dalawa ang objectives ng mga soulwinners. Una, ang maturuan ang mga bata ng Salita ng Diyos upang maligtas at magkaroon ng

55Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? pag-ibig sa Diyos sa murang edad. Pangalawa, makilala ng soulwinners ang mga magulang ng mga bata, at maturuan din sila ng kaligtasan sa kanilang mga bahay o kaya ay maimbitahan sila kasama ang kanilang mga anak na makadalo sa simbahan. Dagdag Tulong: Saan nakakabili ng Visual Aids para sa mga bata? Maaaring makabili ng mga Visual Aids sa mga Christian Stores o kaya sa mga Christian eStores (maging maingat lang kung sa online bibili). Maaari ring mag-print ng mga Children Bible Stories na available ONLINE for FREE (Siguruhin lang na ito’y FREE at gagamitin lamang for personal ministry use para walang batas na lalabagin). Meron ding nabibili na mga Children Visual Aids sa Yearly Book Fair na nagaganap tuwing buwan ng September (Paki-check nalang sa FB o Google ang ads o promotion nila for their event details and other inquiries). 2.5 Pagtuturo Ngayong May Covid Pandemic Sa panahon ng Covid pandemic, ang pagtuturo ng Salita ng Diyos sa mga bata sa labas ay limitado o restricted dahil sa pabalik-balik na pagtaas ng active Covid cases sa ating bansa. Subalit maaari pa rin naman maturuan ang mga bata kahit medyo restricted pa sa pamamagitan ng video call or pagbisita sa mga bata at magulang nila kapag bumaba na ang alert level at lumuwag na ang sitwasyon.

56 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? 3. Pagtuturo Depende sa Grupong Kinabibilangan Ng Taong Kakausapin Napansin ng May-Akda sa kanyang pagso- soulwinning sa ibat-ibang lugar sapul pa noong dekada ‘90 na may iba-iba ring effective approaches ng pagtuturo depende sa klase ng lugar o grupo ng mga taong pupuntahan at kakausapin (bagamat iisa lang ang tamang biblical na doktrina ng kaligtasan na itinuturo). Ang ilan sa grupong ito ay ang mga naninirahan sa bandang bundok, tabing dagat, siyudad, sa ibang bansa, bukod pa ang mga kultura at kaugalian sa ibat-ibang rehiyon sa ating bansa. Sa ibat-ibang lugar na ito, kinakailangang maunawaan ng mga soulwinners kung paano ang mas epektibong paraan sa pagtuturo ng kaligtasan at kung paano sila dapat i-deal for discipleship. 3.1 Mga Taong Nakatira sa Bulubunduking Lugar Sa mga lugar na bulubundukin, kadalasan ay mas maagang natutulog at gumigising ang mga tao dito para pumunta sa bukid, kaya mas maganda silang puntahan sa oras bago o pagkatapos nilang magpahinga sa hapon o bago sila maghanda ng hapunan. O kung may lugar na pundahan o lugar tambayan ng mga magsasaka at nagtatanim sa mga bukid, mas magandang mapuntahan sila sa mga lugar na ito habang sila ay nagku-kwentuhan o nagpapalipas-oras habang nagpapahinga. Sa ibang mas liblib na lugar, meron silang tinatawag na tiyangge o baratilyo (market day) sa loob ng isang linggo upang mamimili ang mga nakatira sa malalayong lugar tulad ng mga nasa bundok. Sa araw na ito, maaaring magturo ng kaligtasan o kahit makapamigay man lang ng

57Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? Gospel tracts ang mga soulwinners kung saan ang mga taong ito ay nag-aayos ng mga napamiling produkto, o kung saan sila nanananghalian, o kaya ay kung saan nila isinuga ang kanilang mga sasakyang hayop (baka, kalabaw o kabayo) pauwi sa kanilang mga lugar. 3.2 Mga Taong Nakatira sa Tabing Dagat Sa nais namang magturo sa mga taong nakatira sa tabing dagat, ang mga mangingisda/ negosyante/ tindera ng isda ay gising na mula madaling araw hanggang umaga. Pagkatapos nito, nagpapahinga na sila o naghahanda sila sa muling pamamalakaya o kung hindi naman ay nagsisimula na silang bumarik (o uminom ng alak). Kadalasan, maaga silang natutulog dahil madaling araw sila nagsisimulang mangisda. Subalit kung sa laot naman sila mamamalakaya ay sa hating gabi sila sumasagada at bumabalik sila bago magbukang-liwayway upang maihabol sa pamilihang bayan ang kanilang mga huli, lalo na kung walang mamamakyaw sa pantalan. Ang mga kapitbahay naman ng mga mangingisda ay maaga ding gumigising upang makihila ng lambat sa tabing dagat para makaamot ng konti sa mga huling isda, o kung hindi naman ay para umangkat ng mga pambentang isda sa kabilang bayan o baryo. Sa mga oras na ito, maraming mga tao ang maaaring abutan ng Gospel tracts, o makausap tungkol sa kaligtasan. At bagamat maraming mga simbahan lalo na ang mga Baptists na direktang soulwinning ang paraan ng pagtuturo ng kaligtasan, wala namang masama kung marunong ding makipagkaibigan muna ang mga soulwinner sa mga taong ipinapanalangin nilang makakilala sa Panginoon. In case hindi mo

58 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? pa napagtuunan ng pansin sa Bibliya, gumamit din si Apostol Pablo ng ganitong pamamaraan ng pagtuturo sa mga tao upang mahikayat niya ang mga ito na manampalataya kay Kristo Hesus upang maligtas (a. 1 Corinthians 9:20 -22). a. 1 Corinthians 9:20 And unto the Jews I became as a Jew, that I might gain the Jews; to them that are under the law, as under the law, that I might gain them that are under the law; 21 To them that are without law, as without law, (being not without law to God, but under the law to Christ,) that I might gain them that are without law. 22 To the weak became I as weak, that I might gain the weak: I am made all things to all men, that I might by all means save some. 20 At sa mga Judio, ako’y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan; 21 Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama’t hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. 22 Sa mga mahihina ako’y nagaring mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan Sa anumang lugar, mahalagang maunawaan ng mga soulwinners na mas pakikinggan sila ng mga tao kung may totoo silang pag-ibig sa mga kaluluwang patungong impiyerno. Ang pagsama sa mga soulwinning activies FOR COMPLIANCE o upang

59Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? magkaroon lamang ng PANDAGDAG report sa Sunday Testimony Time o sa SOULWINNING ACCOMPLISHMENT REPORT ng mga Church Workers (sa kanilang Pastor) o sa WEEKLY EVANGELISM REPORT ng mga Bible Students (sa kanilang Teacher) ay HINDI nagdudulot ng kasiyahan sa Diyos dahil ang paglilingkod na ito ay may maling motibo o intensyon. 3.3 Mga Taong Nakatira sa Highly Urbanized Cities Ngayon, napakalaking kaibahan naman ng kapaligiran kung sa mga Highly Urbanized Cities o mayayamang siyudad magtuturo ang isang soulwinner, gaya ng Makati, Taguig, Maynila at iba pa. Bakit? Naririto ang mga sumusunod na mga dahilan: a. Kung sa liblib na lugar sa probinsya ay tulog na ang karamihan ng mga tao bandang alas-8 o alas-9 ng gabi, sa mga mauunlad na siyudad sa Metro Manila ay nagsisimula pa lang ang gabi, matapos lampasan ang rush-hour trapik at nakapasok na sila sa pintuan ng kanilang mga apartment o bahay. Pagkatapos nito ay maghahain na sila ng pagkain kung may nabili na silang lutong ulam o paminsan-minsan ay fastfood gaya ng Jollibee. Subalit kung wala pa ay magluluto na lang sila ng canned goods o kung ano ang nasa ref, or kung medyo pagod ng magluto ay oorder na lang nang pagkain online. At pagkatapos nilang maghapunan ay nag-aaral pa ang mga bata o naglalaro ng gadgets, at gumagawa naman ng ibang gawaing bahay ang mag-asawa o kaya ay nanonood ng TV o gumagamit din ng mga gadgets hanggang

60 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? abutin sila ng antok ng alas onse o alas dose. At kinabukasan, kung sila ay may pasok sa umaga ay gigising sila ng 5 or 6 para hindi ma-late sa trabaho. b. Kung sa probinsya, halos lahat ng mga tao sa barangay o sitio ay magkakakilala, sa siyudad gaya ng condominiums sa Makati o exclusive subdivisions/villages naman (na may mga matataas na gate), halos hindi magkakakilala ang mga magkakalapit-bahay, at kung sakali man na nagkikita-kita sila, ito ay tuwing may homeowners’ Christmas Party o iba pang special events lang. Habang sa ibang residential areas sa Barangay, dahil galing ang mga ibang nakatira dito sa ibat- ibang probinsya, lugar at family background, halos nagngingitian o nagtatanguan lang ang karamihan ng mga tao kung sila ay nagkakasalubong, pero mas marami yung mga taong hindi talaga nagbabatian o magkakilala. Upang mas maintindihan pa natin ang sitwasyon sa Metro Manila gaya sa Makati, marami sa mga nakatira sa isang paupahang gusali ang hindi magkakakilala dahil iba-iba sila ng oras sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi, hindi rin sila sabay-sabay nagsimulang tumira sa building na ito. Siguro, kung meron mang magkakakilala talaga ay yung mga madalas tumambay pag hapon sa kalsada o yung mga taong mahilig makipag kwentuhan tuwing dumarating ang truck ng basura, o kung hindi naman ay yung mga taong nagtatrabaho sa Barangay at mga tauhan ng City Hall (LGU). Pero, generally, halos hindi magkakakilala ang karamihan

61Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? ng mga tao sa siyudad kumpara sa mga taong nasa mga liblib na lugar o barangay na kung saan ang mga nakatira ay halos magkakamag anak (o iisang pisa lamang), o kung hindi naman ay mula sa mga sinaunang angkan o kilalang mga pamilya, kaya magkakakilala na sila, maliban lang sa mga dayo o bagong lipat sa mga paupahang bahay dito. c. Sa Siyudad, mas madalas na laging mabilis ang kilos ng mga tao. Halimbawa, kinakailangang gumising ng maaga ang isang nag-oopisina para makaalis ng 6 to 7 a.m. upang hindi matrapik at ma-late. Habang ang mga negosyante naman, lalo na yung nasa palengke ay kinakailangang magbukas ng madaling araw o bago mag ala-sais dahil maaga ring namimili ang mga suki nila na naghahanda ng umagahan o magluluto ng pangbenta. Kaya sa ganitong mga pagkakataon, kinakailangan maging malinaw sa mga soulwinners kung sino ba talaga ang kanilang sasadyain maturuan ng ebangelio. Yun bang mga taong lumalabas sa kalsada tuwing alas 4 ng hapon hanggang bago sila umuwi para maghapunan, o yung mga taong nagtatrabaho at nagnenegosyo na kadalasang libre lang pagkauwi sa gabi. Bagamat pwede namang puntahan ng mga soulwinners ang mga prospects nila sa kanilang tindahan o opisina, subalit malaki ang posibilidad na hindi lubusang makakatutok ang mga ito sa itinuturo nila (soulwinners) dahil sa mga customers na bumibili at iba pang trabaho na dapat nilang asikasuhin. d. Gaya ng halimbawang nabanggit sa itaas, kung mga empleyado o mga negosyante ang nais maturuan ng mga soulwinners, kinakailangang magbaon sila

62 Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? ng napakaraming pasensya dahil ang pagtatakda ng oras sa isang negosyante at nagtatrabaho ay hindi ganun kadali. At ang paghahanap ng common time (libreng oras sa nakararaming empleyado) ay mahirap, dahil kundi may mga urgent or deadlines sila sa trabaho, kinakailangan naman nilang makauwi agad upang maasikaso nila ang mga anak nila dahil 1 to 2 hours pa ang trapik pauwi sa kanilang mga bahay. e. Sa ganitong mga pagkakataon, mas magiging maganda sa mga prospect ng soulwinner na makapagturo ng Word of God sa araw at oras na libre sila, o kapag on-leave or day off nila para walang masyadong distraction at makapag-focus sila sa pakikinig ng Gospel. At kung sila naman ay tumanggap na sa Panginoon, mas maganda kung sa araw ng kanilang day-off sila mapuntahan for discipleship or follow-up para mas mahaba ang oras ng pagtuturo, at maaari pang makasama ang kanilang pamilya sa Bible Study (a. Matthew 10:16 & Colossians 4:5). a. Matthew 10:16 Behold, I send you forth as sheep in the midst of wolves: be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati. Colossians 4:5 Walk in wisdom toward them that are without, redeeming the time.

63Chapter 6 Ano ang Kailangang Malaman ng isang Soulwinner sa Sandaling Nagtuturo ng Kaligtasan? Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. 4. Umasa sa Kapangyarihan ng Diyos. Maraming soulwinners ang basta-basta nalang nagtuturo dahil kabisado na nila ang mga gagamiting verses at ibang mga sasabihin. Subalit dahil ginawa nila ang pagtuturo base lamang sa kanilang lakas at kakayanan, at hindi ayon sa kapangyarihan ng Diyos, wala ring nanatiling bunga sa naturuan nila. Kaya mahalagang manalangin at umasa lang lagi sa kapangyarihan ng Diyos tuwing nagpapahayag ng ebangelyo ni Cristo. Letter from Apostle Paul: For though I be free from all men, yet have I made myself servant unto all, that I might gain the more. And unto the Jews I became as a Jew, that I might gain the Jews; to them that are under the law, as under the law, that I might gain them that are under the law; To them that are without law, as without law, (being not without law to God, but under the law to Christ,) that I might gain them that are without law. To the weak became I as weak, that I might gain the weak: I am made all things to all men, that I might by all means save some. And this I do for the gospel’s sake, that I might be partaker thereof with you. – 1 Corinthians 9:19-23

Chapter 7 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin ng Soulwinner Habang Nagtuturo 4 Answer not a fool according to his folly, lest thou also be like unto him. 5 Answer a fool according to his folly, lest he be wise in his own conceit. Proverbs 26:4 -5 √ Focus on Salvation √ Overtime √ Eye Contact √ Tactless √ Memorize the Verses √ Lack of Concern √ Be Presentable √ Irritating √ Be Respectful √ Avoid Offending √ Be Wise √ etc. Questions √ etc.

65Chapter 7 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin ng Soulwinner Habang Nagtuturo MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN NG SOULWINNER HABANG NAGTUTURO Mga Dapat Gawin ng Soulwinner Habang Nagtuturo 1. Laging isaisip na ang main objective o aim ng isang soulwinner habang nagtuturo ay makakilala sa Panginoon o maligtas ang taong kanyang kinakausap, at hindi manalo sa debate o lecturan o sermunan ito. Habang nagtuturo, maaari ring manalangin nang tahimik sa kanyang isip ang isang soulwinner na kausapin o i-convict ng Holy Spirit ang kanyang tinuturuan, at maligtas ito. Habang nagaganap ito, responsibilidad naman ng soulwinning partner na manalangin habang nakayuko ngunit nakamulat; 2. Tumingin ang soulwinner sa mata ng kinakausap at magpaliwanag ng simple at malinaw. Hangga’t maaari ay 15 to 20 minuto lang ay tapos na sa pagtuturo. Sabi nga ng mga matatandang pastor, laging tandaan ang acronym na K.I.S.S. sa soulwinning na nangangahulugang Keep It Short and Simple; 3. Mas magiging madali kung sasauluhin ng soulwinner ang English at Tagalog verses na kanyang ituturo gaya ng Romans 3:23, 6:23, 5:8, 10:9 at Acts 20:21. I-recite niya ito habang ipinakikita ang aktuwal na verse sa tinuturuan. Pwede ring ipabasa ng soulwinner habang sinusundan ng kanyang hintuturo ang verses upang mas naka-focus sa binabasa at para mas maunawaan niya ito:

66 Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo Romans 3:23 For all have sinned, and come short of the glory of God; Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Romans 6:23 For the wages of sin is death; but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord. Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. Romans 5:8 But God commendeth his love toward us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us. Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Romans 10:9 That if thou shalt confess with thy mouth the Lord Jesus, and shalt believe in thine heart that God hath raised him from the dead, thou shalt be saved. Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Acts 20:21 Testifying both to the Jews, and also to the Greeks, repentance toward God, and faith toward our Lord Jesus Christ. Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. 4. Maging maayos at malinis ang itsura, at mabango ang amoy kasama na ang hininga. Kagaya ng naipaliwanag sa Chapter 5, ang isang soulwinner

67Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo ay kailangang maging presentable sa mga taong kakausapin. Laging tandaan na ang isang soulwinner ay Ambassador ni Cristo kaya kailangan ay di tayo mukhang tambay sa kanto o mamamasyal sa mall, kundi malinis, disente o kagalang-galang ang itsura, kilos at pananalita, at kaaya-aya ang amoy (a. 1 Corinthians 14:40 & 1 Timothy 2:9). a. 1 Corinthians 14:40 Let all things be done decently and in order. Datapuwa’t gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay. 1 Timothy 2:9 In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array; Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga; 5. Sikapin na laging nakangiti sa pagpapakilala, subalit maging mahinahon at taimtim habang nagpapaliwanag ng kaligtasan dahil seryosong bagay ang Impiyerno at ang kaligtasan na kanyang itinuturo. 6. Sa sandaling mapag-alaman na active member ng isang kulto ang tinuturuan at nais lang nito na makipagdebate, agad magpaalam nang magalang, upang hindi masayang ang oras ng bagong soulwinner sapagkat marami pang tao ang pwedeng kausapin para tumanggap sa Panginoon (a. Matthew 7:6).

68 Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo a. Matthew 7:6 Give not that which is holy unto the dogs, neither cast ye your pearls before swine, lest they trample them under their feet, and turn again and rend you. Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo’y lapain. Mga Hindi Dapat Gawin ng Soulwinner Habang Nagtuturo 1. Huwag magturo ng sobrang tagal na halos gusto nang iwanan ng tinuturuan. Kapag sinabi ng soulwinner na 15 to 20 minuto lamang, sikaping tuparin ang binitawang salita upang hindi kainipan o kainisan. Hanggang maaari ay iwasang magturo ng lampas 45 minuto, dahil maraming mga tao ang naiinip sa matagal na pagtuturo, lalo na kung first time pa lang nilang makipag-usap sa isang soulwinner. “Mas maigi ng nabitin ng kaunti kaysa nagsawa dahil sa sobrang tagal.” Ito ang isang matandang kasabihan na maganda ring isapuso ng mga soulwinner upang mas madali nilang mabalikan at makausap ang kanilang mga prospects for follow-up; 2. Huwag munang sagutin ang tanong ng tinuturuan. As a rule, pag nagtanong ang tinuturuan habang nagpapaliwanag ng kaligtasan, sabihin na lang na, “Maganda ang iyong katanungan, pero ok lang ba na sagutin ko ito pagkatapos ng ating pinag-uusapan? Saglit nalang naman at matatapos

69Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo na rin ako”. Kasi, kapag sinagot ng soulwinner ang katanungan, posibleng masundan pa ito ng isa pa, at isa pa, at isa pa hanggang sa hindi na matapos ang kanyang pagtuturo ng kaligtasan, dahil malilihis ang usapan at maaari pang pagsimulan ng debate, lalo na kung magkaiba sila ng paniniwala sa mga tinanong ng kausap; 3. Huwag magpapahadlang sa mga posibleng dumating na abala habang nagtuturo. Laging tandaan na parang ini-snatch o inaagaw ng soulwinner ang kaluluwa na papuntang Impiyerno tuwing nagtuturo siya ng kaligtasan. Kaya dapat niyang gawin ang lahat, sa biyaya ng Diyos, na mapaliwanag ng simple at malinaw ang paraan ng kaligtasan ni Cristo; 4. Huwag magturo ng tuloy-tuloy na di man lang tinatanong kung gustong maligtas ng tinuturuan, o kung naniniwala ba siyang makasalanan din siya gaya ng nagtuturo, at kung nais niyang umamin at magsisi sa harapan ng Diyos at manampalataya kay Jesu-Cristo. Dapat ay maging malinaw at hindi di-kahon ang pagtuturo ng kaligtasan. Subalit, mas maganda pa rin kung aalamin ng soulwinner ang saloobin ng kanyang tinuturuan bago manalangin ng Sinner’s Prayer. Hindi yung banat ng banat lang, o dire-diretso sa pagtuturo hanggang sa bigla nalang nagpa “repeat after me” ng Sinner’s Prayer. Bagamat hindi kontra ang may-akda sa Sinner’s

70 Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo Prayer, subalit dapat pa ring maging maingat ang mga soulwinner sa pagtuturo ng kaligtasan na walang paggabay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu, at hindi nauunawaan ng tinuturuan ang kanyang gagawin na desisyon sa pagtanggap kay Kristo. 5. Huwag magbigay ng mga alanganin, di angkop at walang katuturang mga katanungan sa tuturuan (a. 2 Timothy 2:23), kapag pinapasok sila (soulwinners) sa loob ng bahay nito. Ang ilan sa mga katanungang di-angkop ay ang mga sumusunod: a. Ilan kayong nakatira dito? b. Tuwing kailan kayo umaalis? c. Sino lang ang nandito sa ganitong oras at araw? d. Ah, kabit ka lang pala dito? e. So, katulong ka lang pala, asan ang amo mo? a. 2 Timothy 2:23 But foolish and unlearned questions avoid, knowing that they do gender strifes. Nguni’t tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo. Ang mga tanong na ito ay nagbibigay duda at nagpapasama sa pagkatao ng soulwinner o kung hindi naman ay nagpapakita ng kawalang galang sa kinakausap. Tatandaan natin na tulad ni Cristo, tayo ay humahayo upang hanapin at ipahayag ang kaligtasan Niya sa mga taong makasalanan at nawawala, kaya dapat ay maging maingat tayo sa ating pagsasalita. Dahil dito, inaasahan sa

71Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo isang soulwinner na siya ay maayos at magalang sa pakikipag-usap sapagkat Bibliya ang kanyang itinuturo. “WALK THE TALK” wika nga. At kung sakaling dumating ang pagkakataon na naging mainit na ang pag-uusap o nagiging walang galang na ang kinakausap ng soulwinner, dapat ay maging maayos at magalang pa rin siya sa pagpapaalam. Huwag nating gagayahin yung ibang mga young people na hindi nga tumawa sa loob ng bahay, subalit pagkalabas na pagkalabas ng bahay ng naturuan ay agad na sumabog sa katatawa. Kaya hindi mahirap isipin ng tinuruan na siya ang pinagtatawanan, at dahil dito ay posibleng bumawi ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga negatibo o masamang komento sa kanyang mga kapitbahay at kamag-anak tungkol sa mga soulwinner na maayos naman niyang pinatuloy sa kanyang tahanan. 6. Huwag maging pabaya sa sarili at sa ka-partner sa soulwinning. Laging tandaan na dapat ingatan ng mga kalalakihan ang mga kasama nilang kababaihang soulwinners sa mga mapagsamantala, nag-iinuman, mga aso, snatcher, mga nag-aaway atbp. May ibat-ibang katangian ang bawat lugar na pinagdadausan ng soulwinning, kaya kailangan, bukod sa pagiging espiritwal ay maging mapagmasid at alerto din naman ang mga soulwinner upang makaiwas sa kapahamakan at abala sa pagtupad ng ministry. Ang simpleng rule dito ay “Huwag iiwan

72 Chapter 7 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinner Habang Nagtuturo ng soulwinning partner ang kanyang kasamang soulwinner mula simula hanggang sa matapos upang magkatulungan sila sa isa’t-isa”. 7. Huwag magsoulwinning para makakain o makakuha ng anumang materyal na bagay o pabor (a. Romans 16:18). Hangga’t maaari ay magpaalam agad ng magalang pagkatapos magturo ng kaligtasan at huwag nang maghintay pa ng pamerienda. Subalit hindi naman masama na tumanggap ng pagkain ang soulwinners kung ito naman ay kusa o bukal sa pusong pinaghandaan at ibinigay ng taong naturuan. Ang mahalaga ay hindi ito hinahangad ng soulwinner sa pagsama niya sa soulwinning ministry. a. Romans 16:18 For they that are such serve not our Lord Jesus Christ, but their own belly; and by good words and fair speeches deceive the hearts of the simple. Sapagka’t ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Chapter 8 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo ang Soulwinner Greet Priscilla and Aquila my helpers in Christ Jesus: Who have for my life laid down their own necks: unto whom not only I give thanks, but also all the churches of the Gentiles. Romans 16:3-4 Beleive on the Sis, anong Lord Jesus oras ang meet-up natin Christ, and thou mamaya shalt be saved

74 Chapter 8 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo Ang Soulwinner MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN NG SOULWINNING PARTNER HABANG NAGTUTURO ANG SOULWINNER Mga Dapat Gawin ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo ang Soulwinner 1. Manalangin na nakayuko subalit nakamulat ang mga mata (upang matulungan niya ang kanyang partner in case na kailanganin) habang nagtuturo ang soulwinner ng kaligtasan. Manatiling nakamulat subalit hindi nakatitig sa tinuturuan sa sandaling isinasagawa ang Sinner’s Prayer; 2. Sikaping alisin o aregluhin ang lahat ng bagay na maaaring makaagaw ng atensyon ng tinuturuan. Gawin ito nang maayos at tahimik; 3. Kung nasa kalsada, maaari ring magbigay ng Gospel tracts o magturo ang soulwinning partner basta malapit lang sa kanyang partner na soulwinner, upang hindi sila magkahiwalay at maghanapan; 4. Muli, kung nasa kalsada o labas ng bahay ang kinakausap ng soulwinner, maaaring tumulong ang soulwinning partner sa pagkuha ng eksaktong address o pintuan ng bahay ng naturuan upang mabalikan for follow-up; 5. Kung nasa loob ng opisina o labas ng campus, tumulong sa pagbibigay ng Gospel tracts sa lahat ng nakikinig sa pagtuturo;

75Chapter 8 Mga Dapat At Hindi Dapat Gawin Ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo Ang Soulwinner 6. Magalang na ipaalala sa soulwinner pagkatapos magturo na kunin ang pangalan at iba pang information ng tinuruan para ma-follow-up, kung sakaling nalimutan niya ito; 7. Magpasalamat ng nakangiti sa naturuan habang nagpapaalam. Mga Hindi Dapat Gawin ng Soulwinning Partner Habang Nagtuturo ang Soulwinner 1. Huwag magsasalita o mag-ingay sa sandaling nagsimula nang magturo ang soulwinner; 2. Huwag makipagtalo sa nagtuturo sa harapan ng tinuturuan; 3. Huwag paikot–ikot ang mga mata o lingon ng lingon habang nagtuturo ang soulwinner; 4. Huwag paalis-alis o iiwanan nang tuluyan ang kapartner niya na soulwinner habang ito ay nagtuturo pa sa loob ng bahay; 5. Huwag gamitin ang cellphone habang nagtuturo ang soulwinner dahil nakaka-distract ito sa nagtuturo at tinuturuan lalo na sa sandaling mananalangin na ng Sinner’s Prayer; 6. Huwag makipagkwentuhan sa ibang kasama habang nagtuturo ang soulwinner;

Chapter 9 Ano ang mga Kailangang Malaman ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap sa Panginoon ang Tinuturuan? But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name: John 1:12 Si Jesu-Cristo po. Sino po ang tinanggap o Buhay sinampalatayanan na walang nyo sa iyong puso? Ngayong tinanggap hanggan po. nyo na si Jesus bilang tagapagligtas, anong buhay na ang ibinigay sa inyo ng Diyos?

77Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? ANO ANG MGA KAILANGANG MALAMAN NG BAGONG SOULWINNER PAGKATAPOS TUMANGGAP SA PANGINOON ANG TINUTURUAN? Maraming mga simbahan at soulwinners ang hindi masyadong nagbibigay ng importansya sa kahalagahan ng POST SOULWINNING activities o ang mga bagay na dapat ginagawa pagkatapos mag-soulwinning. Sa iba pa ngang soulwinning groups, sinasadya talaga nilang LIPAT lang ng LIPAT ng mga barangay at mga bayan every week, kaya kahit gustuhin man ng ilang soulwinners na mabalikan ang mga tumanggap kay Kristo ay hindi na nila ito magawa. Ngayon, ano nga ba talaga ang dapat tandaan ng isang soulwinner “immediately after” tumanggap sa Panginoon ang kanyang tinuruan? Una, tanungin ang tinuruan para malaman kung siya ay tunay ngang nakakatiyak ng kaligtasan at kung paano niya ito natiyak. Para mas makatulong sa mga bagong soulwinners, ito ang mga halimbawang tanong na maaaring gamitin pagkatapos tumanggap sa Panginoon ang isang tao: 1. Manny, sino ang tinanggap o sinampalatayanan mo sa iyong puso? Sagot: Si Jesu-Cristo po. 2. Ngayong tinanggap mo na si Jesus, anong buhay na ang ibinigay sa iyo ng Diyos? Sagot: Buhay na walang hanggan po.

78 Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? 3. Sino po ang nangako sa iyo ng buhay na walang hanggan, tao po ba o Diyos? Sagot: Ang Diyos po. Soulwinner: Amen. Ang nangako po sa atin ng buhay na walang hanggan ay ang Diyos, at laging tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako sapagkat hindi Siya maaaring magsinungaling o mandaya (a. Hebrews 6:18). a. Hebrews 6:18 That by two immutable things, in which it was impossible for God to lie, we might have a strong consolation, who have fled for refuge to lay hold upon the hope set before us: Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya’y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan: 4. At kung sakaling bawian po kayo ng buhay, saan na kayo tutungo ngayon, at bakit? Sagot: Sa Langit na po. Dahil nanampalataya na po ako kay Jesus at nagsisi napo ako sa Diyos ng aking mga kasalanan. 2nd Option: Dahil tinanggap mo na ang Panginoon, saan ka na dadalhin ni Jesu-Cristo kung sakaling bawian ka na ng buhay? Sagot: Sa Langit na po. 5. Panghuli, ayon po sa John 1:12, ngayong tinanggap ninyo na ang Panginoong Jesus bilang inyong tagapagligtas, kayo po ay naging anak na ng Diyos. Basahin po natin ang verse:

79Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? John 1:12 But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name: Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Dapat Tandaan: Dapat isaalang-alang ng soulwinner na maaaring first time o bago lang sa pandinig ng tinuruan ang mga bagay na kanyang narinig. Dahil dito, maging considerate sa pagtatanong, at sikaping alamin ang tunay na espiritwal na katayuan ng taong naturuan upang maiwasan ang pagkakamali ng ibang soulwinners na ang bawat nakausap nila ay ligtas na agad dahil nanalangin na ito ng Sinner’s Prayer, kahit hindi naman nag-profess ng salvation o hindi naman talaga ito nakatiyak ng kaligtasan. Tandaan natin na sa taong naturuan dapat manggaling ang pagpapahayag na siya ay tunay nang tumanggap o nanampalataya na sa Panginoon at nakatiyak na ng kaligtasan. Maling sabihin ng soulwinner na, “O, nag-pray ka na, mula ngayon ay ligtas ka na. Tandaan mo ‘yan ha”. Walang ganitong katuruan sa Biblia at dapat ay maging maingat tayong soulwinner tungkol sa mga bagay na ito. Ang sumusunod ay ang mga BASIC THINGS na dapat gawin ng isang soulwinner pagkatapos tumanggap sa Panginoon ang kanyang kinakausap:

80 Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? a. Alamin ang kumpletong panglan, tirahan o address, cellphone number at FB/Messenger account name, lalo na kung ito ay posibleng prospect for follow-up; b. Makipag-set ng schedule kung kailan posibleng makabalik for Bible study, o mas maganda ay maimbitahan siya sa pananambahan sa Linggo, kung maaari; c. Paghandaan ng soulwinner ang assurance verses (a. John1:12, 10:28-29, Romans 8:1, 2 Corinthians 5:17 & 1 John 5:11, 13) at ibang verses (about Prayer, Bible Reading, Church Attendance etc.) na kakailanganin niya sa pagpa-follow-up. Para sa karagdagang kaalaman sa mga bagay na ito, inirerekomenda ng may-akda na basahin ang nauna niyang aklat na pinamagatang, “Ang ABC Lessons ng mga Bagong Kristiano Volume I.” a. John 1:12 But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name: Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: John 10:28 And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand. 29 My Father, which gave them me, is greater than all; and no man is able to pluck them out of my Father’s hand. 28 At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin

81Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? ng sinoman sa aking kamay. 29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. Romans 8:1 There is therefore now no condemnation to them which are in Christ Jesus, who walk not after the flesh, but after the Spirit. Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 2 Corinthians 5:17 Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new. Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. 1 John 5:11 And this is the record, that God hath given to us eternal life, and this life is in his Son. 13 These things have I written unto you that believe on the name of the Son of God; that ye may know that ye have eternal life, and that ye may believe on the name of the Son of God. 11 At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. d. Maging tunay at tapat na interesado ang soulwinner sa pag-aakay sa bagong mananampalataya. Maging matulungin at maalalahanin rin sa kanya kahit sa simpleng paraan, upang maramdaman ng tinuturuan na siya ay tunay na kapatid sa Panginoon.

82 Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? Warning! Ang inutos ng Panginoong Jesu-Cristo sa Ekklesia o Church ay tuparin ang buong Great Commission at HINDI ang mag-soulwinning lang sa isang lugar at iwan na lang ang mga tumanggap kay Kristo ng wala man lang follow-up o pagbisita upang maraming ma-ireport. Para maging mas malinaw, ang napapaloob sa Great Commission ay maligtas ang isang tao, pagkatapos nito ay mabautismuhan siya, at panghuli ay ma-disciple siya hanggang maging mature na mananampalataya na maglilingkod din ng tapat kay Kristo. Ang kalimitang pagkakamali ng ilang mga churches ay ang PARU-PARONG STYLE NG PAGSO-SOULWINNING at ANG WALANG SISTEMA O ORGANISADONG PARAAN ng pagpa-FOLLOW-UP o pagdi-DISCIPLE. Narito ang mga halibawang tanong na dapat sagutin ng mga pastor o missionary para maging mas organize ang Discipleship Ministry nila: 1. Sino ang magdi-disciple sa mga bagong baptized? 2. Anong Discipleship Lesson ang gagamitin nila? 3. Kailan sila magsisimula? 4. Saan sila magtatagpo for discipleship? 5. Paano ire-Recognize ang mga bagong members na nakatapos sa Discipleship Program? 6. Saan sila dadalo pagka-Graduate nila sa Discipleship Class, atbp. Dahil sa mga kakulangan o hindi pagkaalam sa mga bagay na ito, ang paglago ng ilang simbahan ay nagiging

83Chapter 9 Ano ang mga Kailangan Malaman Ng Bagong Soulwinner Pagkatapos Tumanggap Sa Panginoon Ang Tinuturuan? mabagal. At kung sakaling lumago sa loob ng 15 to 30 taon ay hindi mahirap sabihin na ang paglagong ito ay dahil lang sa MGA ANAK NG MGA MATATAGAL NA MEMBERS na NAIWAN at NAGLAKIHAN na sa church, at hindi dahil sa mga bagong mananampalataya na nabautismuhan, lumago at nag-aakay na rin ng mga kaluluwa kay Kristo. Subalit hindi rin naman natin maitatanggi na marami na rin ngayong mga iglesiya ang may organisadong soulwinning at discipleship programs, kaya lubhang mabilis ang paglago ng kanilang mga gawain sa biyaya ng Diyos. Subalit mas marami pa rin talaga ang walang systematic discipleship program sa mga churches at mission works nila kaya nagiging mabagal ang paglago ng kanilang mga buhay ispiritwal at gawain. Mga Gamit na Kailangang Dalhin ng Isang Soulwinner • Bible • Gospel Tracts • Note book o Decision Card na listahan ng mga naturuan • Ballpen

Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? Our fathers worshipped in this mountain; and ye say, that in Jerusalem is the place where men ought to worship. Jesus saith unto her, Woman, believe me, the hour cometh, when ye shall neither in this mountain, nor yet at Jerusalem, worship the Father. John 4:20-21 A, hindi pa e. Kung sakali po Wala naman kasing kayang bawian kayo ng buhay, natitiyak makakatiyak niyan. nyo po ba 100% na sa Langit kayo pupunta? O hindi po?

85Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? PAANO NAGAGANAP ANG ACTUAL NA PAG-UUSAP SA SOULWINNING? Kilalanin ang bawat character na involved sa soulwinning: 1. SOULWINNER (SW): Ang Magtuturo - Kailangan siyang maging magalang. Magsalita ng malinaw mula sa simula hanggang sa huli, at umasa lamang sa kapangyarihan ng Diyos habang nagtuturo. 2. SOULWINNING PARTNER (SP): Ang Kasama ng Magtuturo - Manalangin (na maligtas ang tinuturuan) habang nakamulat ang mata, at laging handa na ayusin ang mga pinanggagalingan ng mga ingay o abala sa pagbabahagi ng kaligtasan. 3. PROSPECT (P): Ang Tuturuan ng Kaligtasan - Kapag pumayag nang magpaturo ang isang tao ay kailangang maging agresibo na ang SW at SP, at huwag maging mahiyain upang HINDI makaisip ang P na magtanong o kwestyunin ang kakayahan ng mga nagtuturo. SCENARIO: [Bumati at magsalita ng magalang] SW & SP: Magandang umaga po. SW: Kami po ay members ng Bible Baptist, maaari po kaya kayong makausap tungkol sa kaligtasan ni Cristo, kahit 15 to 20 minuto lamang? P: A, ok po. Tuloy po kayo... Maupo po kayo.

86 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? [Magpakilala uli ng mas kumpleto o detalyado pagkatapos papasukin] SW: Salamat po. Ako po ulit si Bro./Sis. ____________ ng Bible Baptist Mission Makati. At ito naman po ang kasama ko, si Bro. /Sis. ______________. Ang simbahan po namin ay dito lang po sa E. Jacinto, West Rembo. Ano po ang pangalan nyo? P: Ako po si Bong Bong Lacson. [Hanggat maaari ay mag-appreaciate muna ng isang magandang bagay sa loob ng bahay o compound bago magturo ng kaligtasan upang maging panatag ang loob ng tinuturuan] SW: Salamat po. Nakakatuwa naman po ang inyong aso. Ang cute naman! Ano’ng lahi po nyan? P: Chow-Chow po. OR SW: Salamat po. Ang gaganda naman po ng plantita at plantito niyo sa labas. Sino po ang mahilig sa inyo sa mga halaman? P: Ah, ako po, nahilig lang nung may pandemic. [Magtanong ng malinaw at dahan-dahan upang maunawaan agad ng Prospect ang sinasabi ng soulwinner. Magtanong nang may paggalang at walang halong kayabangan] SW: Mayroon isa po sana akong personal na tanong na sana ay masagot nyo ng may katapatan. Kung sakali po kayang dumating ang Panginoon o bawian tayo ng buhay, NATITIYAK NYO PO BA 100% NA SA LANGIT KAYO PUPUNTA? O HINDI PO? P: A, hindi pa e. Wala naman kasing makakatiyak niyan.

87Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? [I-appreciate ang pagiging tapat ng Prospect at tanungin siya kung nais niyang maligtas. Bago magpatuloy sa pagtuturo, mahalagang willing ang Prospect na maligtas] SW: Salamat po sa pagiging honest. Pero kung papipiliin po kayo, gusto niyo po ba sa Langit? Gusto niyo po bang maligtas? P: A, syempre naman po. Gusto ko po. Wala naman sigurong gugustuhing mapunta sa impiyerno. [Introduction ng pagtuturo] SW: Amen po. Ito pong Biblia o Salita ng Diyos ay nagpapakita kung paano ang isang tao ay makatitiyak ng kaligtasan. May APAT na bagay lang po akong nais ipaliwanag mula sa Biblia, at kung tunay niyo pong paniniwalaan at tatanggapin ay makatitiyak po kayo ng kaligtasan ni Jesu-Cristo… P: -- [UNANG MENSAHE: Ipaliwanag ang turo ng Biblia na ang lahat ng tao ay makasalanan] SW: Una, ang sinasabi po sa Romans 3:23 ay “Ang lahat ng tao ay nagkasala, at kapos sa kaluwalhatian ng Diyos”. Sa Romans 3:10, sinasabi na, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa”. Ayon po sa mga talatang ito, tayo pong lahat ay makasalanan sa harapan ng Diyos. Ako po ay makasalanan. Naniniwala po ba kayo na makasalanan din kayo katulad ko? P: A, opo. [Maaaring sundan ng tanong na ito] SW: Mabibilang niyo pa po ba ang inyong kasalanan sa isip, salita at gawa mula noong bata? P: Hindi na po, medyo marami na po.

88 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? [PANGALAWANG MENSAHE: Ipaliwanag na may kabayaran ang kasalanan sa impiyerno] SW: Pangalawa po, sabi sa Romans 6:23, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Subalit ang regalong walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan”. Ang kasalanan po ang dahilan kung bakit ang tao ay tumatanda at namamatay. At sabi ng Biblia, dahil sa kasalanan, ang taong hindi ligtas ay mapupunta sa impiyerno. Gusto niyo po bang mapunta sa impiyerno? P: Ayoko po. (Maaari niyong dagdagan ang paliwanag sa bahaging ito gaya ng paggamit ng Psalm 9:17) OR [Maaaring sundan ng tanong na ito] SW: Ang sabi sa Revelation 20: 14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. 15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Malinaw po ang tinuturo ng Biblia na ang taong di nakasulat sa aklat ng buhay (o hindi ligtas) ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy. Tiyak niyo na po ba na nakasulat ang inyong pangalan sa aklat ng buhay? P: Hindi pa po. [PANGATLONG MENSAHE: Ipaliwanag na minahal tayo ng Diyos kaya naparito si Cristo Jesus upang bayaran ang ating mga kasalanan] SW: Amen po. Wala naman po sigurong sinuman na gustong mapunta sa Impiyerno. Mabuti na

89Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? lang po at inibig tayo ng Diyos at isinugo Niya rito sa lupa ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Malinaw po na tayo ang nagkasala, subalit si Jesus po ang nagbayad doon sa Krus ng Kalbaryo. Sabi nga po sa Romans 5:8, “Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin”. Si Cristo po ang nagbayad sa Krus ng ating mga kasalanan - ang ibig sabihin po ay nabayaran na ang ating mga kasalanan. Hindi na natin kailangang bayaran ng anumang mabubuting gawa. Sinabi rin sa Epeso 2:8 - 9, “Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi sa inyong sarili. Ito’y kaloob ng Diyos. Hindi sa mga gawa, upang walang sinuman ang makapagmapuri.” Ang kaligtasan po ay biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Naunawaan niyo na po ba? P: Opo, naunawaan ko na po ngayon. [IKAAPAT NA MENSAHE: Ipaliwanag ang turo ng Biblia na ang pagsisisi sa Diyos at ang pananampalataya kay Jesu-Cristo ang tunay at nag-iisang paraan ng kaligtasan] SW: Panghuli po, sinasabi ng Romans 10:9 na “Kung ipapahayag mo ng iyong bibig ang Panginoon, at mananampalataya ka sa iyong puso na siya’y binuhay muli ng Diyos mula sa mga patay ay maliligtas ka”. Ayon po sa verse na binasa natin, kung nais niyo pong maligtas, ang paraan po ay ang pananampalataya kay Jesus bilang inyong personal na Panginoon at Tagapagligtas.

90 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? Sinabi rin sa Gawa 16:30-31, … “Mga ginoo, ano ang kailangan kong gawin upang maligtas?” Sumagot sila Pablo at Silas na, “…Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan”. Makikita rin po natin sa Acts 20:21 na ipinangaral ni Apostol Pablo na “magsisi sa Diyos at manampalataya kay Jesus”. Ibig pong sabihin ay magsisi po kayo sa Diyos ng inyong mga kasalanan at manampalataya po kayo kay Jesus bilang inyong personal na Panginoon at Tagapagligtas para po kayo’y maligtas. Naunawaan niyo na po ba kung paano ang maligtas ayon sa Bibliya? Paano po? P: Opo. Manampalataya po kay Jesus at Magsisi. Suggestion: Pag nakarating na ang Soulwinner sa parteng ito, magandang i-review muna niya ng mabilis ang Apat na Bagay na kanyang itinuro sa Prospect bago niya tanungin kung handa na ba itong magsisi at tumanggap sa Panginoon. [Linawin at tanungin ang Prospect kung gusto ba niyang magsisi sa Diyos at manampalataya kay Jesu- Cristo para maligtas] SW: Amen po. Handa po ba kayong magsisi sa Diyos ng inyong mga kasalanan at manampalataya kay Jesus bilang iyong Panginoong Tagapagligtas para maligtas? P: Opo. SW: Praise God po. Mananalangin po tayo sa ilang saglit. Subalit nais ko lang pong ulitin na hindi po ang panalangin ang makapagliligtas sa inyo o ang

91Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? anumang mabubuting gawa, kundi ang tunay na pagsisisi sa Diyos ng inyong mga kasalanan at pananampalataya kay Jesus na siyang namatay, nalibing at muling nabuhay upang bayaran ang ating mga kasalanan. Ngayon po ay gagabayan ko po kayo sa isang panalangin. Nawa ay sabihin nyo po ito na mula sa inyong puso at totoo po sa inyo. Maaari po ba? P: Opo. [SAMPLE SINNER’S PRAYER: Gabayan ang Prospect sa Pagtanggap kay Kristo] SW: Sige po, tayo po ay yumuko at pumikit, at manalangin po tayo sa Diyos. Sabihin nyo po ang panalanging ito mula sa inyong puso at bigkasin niyo po ng malakas, “Panginoong Diyos, pinagsisisihan ko po ang lahat ng aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Hesu-Kristo bilang aking Panginoong Tagapagligtas. Nananampalataya po ako na si Hesus ang siyang namatay, nalibing at muling nabuhay upang bayaran ang aking mga kasalanan. Salamat po sa inyong regalo na buhay na walang hanggan sa akin. Sa pangalan ni Hesus. Amen”. [Maaari rin itong gawin ng soulwinner] SW: Ngayon po, habang tayo ay nakayuko at nakapikit. Maaari po bang kayo nalang ang manalangin sa Diyos, at hindi ko na po kayo gagabayan. Kausapin niyo po ang Diyos tungkol sa inyong kagustuhang maligtas. Maaari po bang kayo na lang ang manalangin? P: Opo, sige po. “Diyos, patawarin niyo po ako sa

92 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? aking mga kasalanan. Sinasampalatayanan ko po si Jesus bilang aking Panginoong Tagapagligtas. Salamat po. Amen”. [Tanungin ang Prospect kung tunay niyang tinanggap ang Panginoon at kung tiyak na niya ngayon ang pagtungo sa Langit. After ng Sinner’s Prayer, hindi nararapat na sabihin ng Soulwinner sa Prospect na siya ay ligtas na dahil nagdasal na ito. Ang tamang gawin ay tanungin ng S ang P tungkol sa kanyang personal na naranasan. Si P dapat ang magpapatotoo sa kanyang naranasang kaligtasan kay Cristo, at hindi dahil sinabihan siya ng soulwinner na ligtas na siya] SW: Amen. Maraming salamat po. Ngayon po, bago po kami magpaalam. Itatanong ko lang po. Sino po ang tinanggap niyo sa inyong puso? P: Si Jesu-Cristo po. SW: Dahil tinanggap niyo na si Jesus, anong buhay ang binigay sa inyo ng Diyos? P: Buhay na walang hanggan po. SW: Praise God po. Sabi po sa Titus 1:2, ang Diyos po ay hindi maaaring magsinungaling o hindi tuparin ang Kanyang pangako. Ngayon pong tinangggap niyo na ang Panginoong Jesus, saan na po kayo pupunta kung sakaling bawian kayo ng buhay? At bakit po? P: Sa Langit na po. Dahil nagsisisi na po ako at nanampalataya kay Jesu-Cristo. [Pagkatapos nito ay ituro sa kanya ang isang verse sa assurance of salvation] SW: Ngayong tinanggap niyo na ang Panginoon, nais ko pong basahin sa inyo ang pangako ng Diyos sa John 1:12.

93Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? John 1:12 But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name: Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: SW: Sabi po sa verse na ito, dahil tinanggap niyo na po ang Panginoong Jesus, kayo daw po ay naging ano na ng Diyos? P: Anak na po ng Diyos. SW: Amen. Ang Diyos po ang nagbigay ng pangakong yan kaya maaasahan po nating ito ay totoo sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring mandaya o magsinungaling. [I-secure ang schedule for follow-up sa Prospect para mabalikan sa susunod na linggo, upang siya ay patuloy na maturuan ng Biblia at maimbitahan sa church] SW: Bro. Bong Bong, maaari po kaya kaming makabalik sa inyo next week o ma-invite po kayo sa aming simbahan sa Linggo, kung may freetime po kayo? P: Maaari naman po, basta’t walang lakad… SW: Sige po. Ah, pwede po bang malaman ang inyong cellphone number at FB account, Sir Bong Bong, kung meron po? P: Ah, Ok lang. Meron ako at naka-public naman ang FB Account ko. Ito po ang aking Cel # 09979999333 at ang FB Account ko po ay Bong Bong Lacson din po, yung nakapulang t-shirt po.

94 Chapter 10 Paano Nagaganap ang Actual na Pag-uusap sa Soulwinning? SW: Maraming salamat po Sir Bong. Just in case po, nandito lang po ba kayo sa bahay pag Sabado po ng 4pm? Pwede ko po kaya kayong mabalikan for Bible study po? P: Ah, sige po, day-off ko naman po ng Saturday. Nandito lang po ako nun. SW: Maraming salamat po ulit sa inyong panahon at napagbigyan niyo po kami. At praise God din po at tinanggap niyo po si Cristo. Tutuloy na rin po kami. P: A, walang anuman po. At maraming salamat din po sa inyong tinuro. Ingat po. Muli, ang mga nakasulat dito ay SAMPLE LAMANG upang maging GABAY ng mga bagong mananampalataya sa pagtuturo ng kaligtasan sa iba. Subalit ipinag-papauna na ng may-akda na maaari naman itong hindi gayahin na parang de kahon, dahil depende parin sa preference ng pastor ng ekklesia na magtuturo ng soulwinning ang nararapat sundin ng mga bagong member/soulwinner, bagamat ang doktrina ng kaligtasan ay hindi naman dapat nababago.

Chapter 11 Mga Bible Verses na Makatutulong sa mga Nagnanais Maging Soulwinner Search the scriptures; for in them ye think ye have eternal life: and they are they which testify of me. John 5:39

96 Chapter 11 Mga Bible Verses na Makatutulong sa Mga Nagnanais Maging Soulwinner MGA BIBLE VERSES NA MAKATUTULONG SA MGA NAGNANAIS MAGING SOULWINNER UNANG PROPESIYA SA PAGDATING NG TAGAPAGLIGTAS 1. Genesis 3:15 And I will put enmity between thee and the woman, and between thy seed and her seed; it shall bruise thy head, and thou shalt bruise his heel. At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. ANG MASAMA AY MAUUWI SA IMPIYERNO 2. Psalm 9:17 The wicked shall be turned into hell, and all the nations that forget God. Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. WALANG MATERYAL NA BAGAY NA MADADALA SA KABILANG BUHAY 3. Psalm 49:17 For when he dieth he shall carry nothing away: his glory shall not descend after him. Sapagka’t pagka siya’y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya. ANG TAO AY IPINAGLIHI SA KASALANAN 4. Psalm 51:5 Behold, I was shapen in iniquity; and in sin did my mother conceive me. Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, SA DIYOS NANGGAGALING ANG KALIGTASAN 5. Psalm 62:1 Truly my soul waiteth upon God: from him cometh my salvation. Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan.

97Chapter 11 Mga Bible Verses na Makatutulong sa Mga Nagnanais Maging Soulwinner SILANG NAGSISIPAGHASIK NG SALITA NG DIYOS AY MULING BABALIK NA MAY KASIYAHAN 6. Psalm 126:5 They that sow in tears shall reap in joy. 6 He that goeth forth and weepeth, bearing precious seed, shall doubtless come again with rejoicing, bringing his sheaves with him. Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. 6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. PANTAS ANG NAGSO-SOULWINNING 7. Proverbs 11:30 The fruit of the righteous is a tree of life; and he that winneth souls is wise. Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. DAANG TILA TAMA SUBALIT KAMATAYAN ANG KATAPUSAN 8. Proverbs 14:12 There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death. May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. ANG KASALANAN NA MAPULA AY MAGIGING MAPUTI 9. Isaiah 1:18 Come now, and let us reason together, saith the LORD: though your sins be as scarlet, they shall be as white as snow; though they be red like crimson, they shall be as wool. Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan

98 Chapter 11 Mga Bible Verses na Makatutulong sa Mga Nagnanais Maging Soulwinner ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa, ISANG BIRHEN ANG MAGLILIHI AT MANGANGANAK NG ISANG LALAKI 10. Isaiah 7:14 Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a virgin shall conceive, and bear a son, and shall call his name Immanuel. Kaya’t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. ANG PROPESIYA NG PAGHIHIRAP NI JESU-CRISTO PARA SA ATING MGA KASALANAN 11. Isaiah 53:3 He is despised and rejected of men; a man of sorrows, and acquainted with grief: and we hid as it were our faces from him; he was despised, and we esteemed him not. 4 Surely he hath borne our griefs, and carried our sorrows: yet we did esteem him stricken, smitten of God, and afflicted. 5 But he was wounded for our transgressions, he was bruised for our iniquities: the chastisement of our peace was upon him; and with his stripes we are healed. 3 Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya’y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. 4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook