Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Manoy's_Grp._PETA-DIGITAL_ ZINE_PT.1

Manoy's_Grp._PETA-DIGITAL_ ZINE_PT.1

Published by Bea Soberano, 2021-02-24 12:23:44

Description: Performance Task sa Pagbasa at Pagsusuri 11
~Digital Magazine: ALPAS (Part 1)

Search

Read the Text Version

ALPAS PPeerrllaass nngg SSiillaannggaann:: BBaayyaann KKoonngg MMaahhaall BUHAY NG MGA PILIPINO Narratibo (Mga Kwentong Bayan), Argumentatibo (Isyung Politikal)

Nilalaman Impormatibo: Kulturang Pilipino Pagkakakilanlang Pilipino Bea Soberano Ang mga Tradisyon at Kaugalian na Natatangi sa Kulturang Pilipino Jessie Olaño Hagilap ng Kahapon Angelene Manoy Deskriptibo: Piyestang Pinoy Ang mga Pistang Pinoy Ace Merced Kasiyahang Dulot ng Kapistahan May Ann Robosa Naratibo: Kwentong Bayan Kapabayaan Jhudielle Imutan Bahala Na Jessie Olaño

Persuweysib: Mga Tanawin Magagandang Tanawin sa Pilipinas Jhudielle Imutan Baguio: Malamig, Maganda, at dapat Makita! Ace Merced Daan-daang Isla, Apat na Kahali-halina Cyril Serrano Argumentatibo: Isyung Politikal Proteksyon sa Buhay na Walang Preparasyon Cyril Serrano Byaheng Tungo sa Makatarungang Lugar Angelene Manoy Prosedyural: Pagkaing Pinoy Ilocos Empanada Bea Soberano Sinigang May Ann Robosa Group Leader Angelene Manoy Layout and Design Bea Soberano

Pagkakakilanlang Pilipino Bea Soberano Hindi ba nakapagtataka kung bakit hindi kumakain ng karne ang mga Katoliko tuwing biyernes sa panahon ng mahal na araw? O kung bakit nagmamano ang mga kabataan sa mga nakatatanda? Ito ang ilan sa mga tanong ng aking mga kaibigan base sa kanilang mga obserbasyon sa pamumuhay ng aming mga kapwa Pilipino. Tunay ngang nakapagtataka ang mga gawiing ito lalo na kung hindi natin alam ang rason sa kung bakit nila ginagawa iyon; subalit, sa likod ng mga gawi at tradisyong ito, ating mapagtatanto na ang pagpapahalaga at pagsasabuhay ng mga Pilipino ng kanilang mga gawi at paniniwala ay simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at paraan sa pagbibigay galang sa kanilang mga ninuno. Mahalaga ang kultura sa buhay ng bawat isa, sinasalamin nito ang kasaysayan ng isang bansa at ito ang sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng mga taong sinasakupan nito. Natatangi ang kultura ng Pilipinas sapagkat nirerepresenta nito ang pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at kultura ng mga sinaunang mangangalakal at mananakop. Nakapagbunga ito ng mga sari – saring kaugalian, tradisyon, paniniwala, at relihiyon na siyang nakapagbigay kulay sa buhay ng bawat mamamayan sa pagtakbo ng panahon. Ayon sa artikulo na pinamagatang “The Philippines: Culture and Tradition,” ang pamilya ang basic social unit ng isang bansa. Ang edukasyon ay nagsisimula sa tahanan kung

saan dito nabubuo at nahuhugis ang pagkatao ng bata sa pamamagitan ng pagbibigay aral at wastong kaalaman ng mga magulang sa kani – kanilang mga anak. Karaniwan sa Pilipinas ang pagtira ng mga malalaking pamilya sa iisang tahanan, karamihan sa mga batang naiiwan sa bahay ay binabantayan at inaalagaan ng kanilang mga lolo’t lola habang nasa trabaho ang kanilang mga magulang. Sa paglaki ng isang bata sa ganitong kapaligiran, unti – unting napapakilala sa kanya ang mga gawi at tradisyon na ipinasa – pasa ng kanyang mga ninuno. Napapakita sa tahanan na kaugalian nating mga Pilipino ang pagpapakita ng respeto at mabuting pakikitungo sa ating kapwa, halimbawa na lamang nito ang pagmamano at pagbanggit ng ‘po’ at ‘opo’ sa mga nakatatanda; bilang karagdagan, malugod tayong tumatanggap ng mga bisita, at ating inaanyayahan na sila’y maging komportable sa kanilang pananatili sa ating bahay. Sa pagtakbo ng panahon, nasaksihan ko ang pagkukwento ng aking lolo at lola tungkol sa kanilang mga paniniwala at karanasan sa buhay. Ang bulaklak, liham, at harana ang ilan sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyonal na paraan ng panliligaw. Mahirap ang paraan ng panliligaw noon para sa mga kalalakihan, butas ng karayom ang kakailanganin nilang daanan upang makuha ang matamis na “oo” ng kanilang iniibig. Maaaring magsimula ang panliligaw sa pamamagitan ng munting liham ng lalaki para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta at ang paghaharana ng lalaki sa harap ng bahay ng kanyang iniibig; subalit, hindi lamang pag- ibig ng babae ang kailangan niyang makuha, kun'di ang pag sang-ayon din sa kanya ng mga magulang ng babae. Bilang karagdagan, isang makahulugang kaugalian at tradisyon nating mga Pilipino ang pagkaroon ng bayanihan. Konsepto nito ang

sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabarangay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay na gawa sa nipa at at iba pang magagaan na materyales. Ang pangkaraniwang uri nito ay hindi na gaanong kilala, subalit ang diwa nito ay nananatiling buhay sa isip at puso ng bawat isa. Ayon kay Jack Miller sa kaniyang artikulo, “Religion in the Philippines,” ipinagmamalaki ng Pilipinas na siya lamang ang bukod tanging Kristiyanong bansa sa Asya na may mahigit sa 86 porsyento ng populasyon ang Romano Katoliko. Ang denominasyon ng kristiyanismo na pinaka – nakalakip sa kulturang Pilipino ay ang Katolisismo, ito’y ipinakilala sa Pilipinas noong maagang panahon ng kolonyal ng mga Espanyol. Bukod pa rito, pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng mga piyesta dahil dito nagsasama-sama ang lokal na pamayanan upang ipagdiwang ang espesyal na araw ng patrong santo ng isang barangay o bayan. Sa panayam ng Union of Catholic Asian News kay Fr. Gerard Pierse, isang paring redemptorist at kura paroko ng isang parokya sa Dumaguete City, ang pananampalataya ng mga Pilipino ang nag-ugat sa kanilang impluwensiya at katutubong paniniwala, dulot ng mga taga-kanlurang bahagi ng mundo. Itong pinaghalong pananampalataya ay nagbunga ng pagmamahal sa mga debosyon at prosesyon, pagsindi ng kandila, at iba pang mga mahiwagang gawain. Halimbawa nito ang pagpapabinyag ng anak, karamihan sa mga Pilipino ang naniniwala na magiging matalino ang kanilang anak kapag

ang mga magulang nito ang unang papasok at lalabas ng simbahan sa araw ng pagbibinyag. Dagdag pa rito ang paniniwala na kinakailangan ng pamilya ng namatayan na dumaan sa ilalim ng kabaong upang maputol ang lubid ng kamatayan. Bagama’t minsa’y nagkakahalo ang katutubong paniniwala at katolikong pananampalataya ng mga Pilipino, kailan man ay hindi itinangkang itigil ng Simbahang Katolika ang kasalukuyan nilang ginagawa. Taglay ng isang bansa ang pagkaroon ng natatanging pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kaugalian, tradisyon, relihiyon, at iba pang mga aspeto na bumubuo sa kultura na siyang simbolo ng pagkatao nating mga Pilipino. Nararapat lamang na ito’y ating pangalagaan at pagyamanin upang mapanatiling buhay ang diwa nito sa isip at puso ng bawat Pilipino.

Ang Mga Tradisyon at Kaugalian na Natatangi sa Kulturang Pilipino Jessie Olaño Ang kulturang Pilipino ay naglalaman ng halo-halong impluwensya mula sa ibang mga kultura. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakayaman ng kulturang Pilipino. Malaki ang ambag ng kasaysayan ng Pilipinas dahil matindi ang naging impluwensya ng mga mananakop sa bansa. Dahil sa mga pananakop na naganap, ay nagkaroon ng malaking epekto sa kultura, kaugalian, at paniniwala nating mga Pilipino ang mga Kastila, Amerikano, at Hapon. Ang modernong kultura ng mga Pilipino ay nabuo dahil sa mga impluwensiyang ito ngunit mayroong mga katangian na sa kulturang Pilipino lamang makikita. Ayon sa artikulo na “Culture of the Philippine” mula sa California State University, Bakersfield, kilala ang mga Pilipino sa pagbibigay ng matinding importansya sa pamilya. Madalang ang humiwalay sa pamilya kahit na umabot na sa ligal na edad ang isang tao. Laganap din ang mga extended family kung saan magkakasama pa rin sa iisang bubong ang mga lolo’t lola, tito at tita, pati na rin ang iba pang mga kamaganak. Ang kaugalian na ito ay makikita rin sa batas dahil hindi ligal ang diborsyo sa bansa. Madalang din ang annulment dahil nga sa matinding pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya. Nakasaad din sa 2017 na artikulo ni Scroope na “Filipino Culture: Core Concepts” na kilala rin ang mga Pilipino sa pagbibigay galang. Mahalaga sa mga Pilipino ang pagbibigay respeto lalo na sa mga mas nakatatanda.

Nakapaloob dito ang aksyon ng pagmamano pati na rin ang pagsabi ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda. Gumagamit din ang mga Pilipino ng mga salitang “Ate” at “Kuya” para sa mga nakatatandang babae at lalaki. Madalang din sa mga Pilipino ang sumasagot sa mga magulang dahil itinuturing na pambabastos ito ngunit maaari rin itong ituring na pangit na kaugalian dahil hindi nabibigyan ng kalayaan ang mga anak upang maipaliwanag ang kanilang mga saloobin. Nabanggit din sa artikulo ng University of California, Bakersfield na isa sa mga nakasanayan nating mga Pilipino ay ang konsepto ng “Utang na Loob” pati na rin ang “Pakikisama”. Isa ito sa mga kaugalian nating mga Pilipino na hindi labis na maintindihan ng mga dayuhan. Ang utang na loob ay isang simpleng konsepto lamang kung saan kailangan mong ibalik ang tulong na ibinigay sa iyo. Ang pakikisama naman ay nagkakahulugan na kailangan mong makisama sa mga tao kahit na mayroon kayong mga hindi pinagkakasunduan. Pinapakita lang nito kung gaano kahalaga sa mga Pilipino ang pananatili ng kapayapaan sa mga personal na relasyon. Ang mga pag-uugali na ito ay masasabi kong kakaiba kumpara sa kultura at pag-uugali ng ibang mga kultura. Ito ay pruweba na kahit na matindi ang naging impluwensya ng mga mananakop sa bansa ay may iilan pa rin na mga kaugalian na hindi nabago o naimpluwensyahan ng ibang kultura. Maraming kaugalian ang mga Pilipino na maaari nating ipagmalaki at ibahagi sa ibang mga tao upang mapalaganap ang kulturang Pilipino. Napakayaman ng ating kultura at hindi natin dapat ikinakahiya ito. Dapat ay pahalagahan at ipagmalaki natin ito dahil ito ay sariling atin.

Hagilap ng Kahapon Angelene Manoy Kapansin-pansin na kapag pumunta ang isang tao sa iba’t ibang mga lugar, maoobserbahan na mayroon silang espesipiko, espesyal, at katangi-tanging paraan ng pamumuhay. Iba-iba ang kanilang mga kaugalian, pinaniniwalaan, pagkilos, pananamit, at iba pa. Halimbawa, mayroong mga taong sanay na ang kinakain lamang nila ay mga pasta, pesto, at iba pa. Samantalang, may mga tao namang sanay na kapag kumakain, kanin lamang at ulam sapat na, tulad ng mga Pilipino. Kapag ang lahat ng mga aspetong ito ay pinagsama-sama, isa lamang ang kahahantungang salita na maaaring magrepresenta dito; ito ay ang kultura. Ayon kay Atienza sa kaniyang 2018 na artikulo, “Ano ang Kultura? Kahulugan | Elemento | Kahalagahan,” ang kultura ay ang mga pinagbuklod-buklod na mga perspektibo ng mga tao sa kanilang lipunang kinagagalawan. Binubuo ito ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon, at iba pa. Masasabi rin na maaaring ito ang mga namanang mga pag- uugali, tradisyon, at kasanayan mula sa kauna-unahang henerasyon na naipasa nang naipasa hanggang sa kasalukuyang henerasyon (Ki, 2020). Bilang karagdagan, ang kultura rin ay paraan ng pamumuhay ng isang pangkat sa isang partikular na lugar. At dahil dito, masasabing ang kultura ay isang repleksyon ng buhay dahil sinasalamin nito ang mga pang-araw-araw na ginagawa ng isang tao. Malaki ang ginagampanan ng relihiyon sa kulturang Pilipino. Sa katunayan, mahigit sa walumpu’t anim na porsyento ng populasyon sa Pilipinas ang Romano Katoliko,

habang anim na porsyento naman ay kabilang sa iba't ibang kulto ng nasyonalisasyong Kristiyano, at ang dalawang porsyento ay higit sa isang daang mga denominasyong Protestante. Bilang karagdagan sa nakararaming Kristiyano, mayroong isang masiglang apat na porsyento na Muslim na minorya na nakatuon sa mga katimugang mga isla ng Mindanao, Sulu, at Palawan. Nagkalat sa mga nakahiwalay na mabundok na rehiyon, ang natitirang dalawang porsyento naman ay sumusunod sa mga katutubong paniniwala at kasanayan. Ang minorya ng mga Tsino, bagaman hindi gaanong mahalaga sa istatistika, ay mayroon pa ring malaking impluwensiyang pangkultura sa Filipino Catholicism sa pamamagitan ng mga paniniwala at kasanayang Buddhism, Taoism, at Confucianism (Miller, n.d.). Dahil mapapansin sa inilahad na impormasyon na walumpu’t anim na porsyento ng mga Pilipino ay Romano Katoliko, masasabi nating ang may pinakamalaking impluwensiya sa relihiyon ng mga Pilipino ay ang mga Espanyol. Noong dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ibinigay nila ang pagkakataong maging isang Katoliko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Baptismo, Banal na Misa, at iba pa. Sa katunayan, limang daang taon na ang nakalipas nang dumating ang Santo Niño sa Pilipinas na siyang naging simula ng pagiging Katoliko ng mga Pilipino. Kahit ganoon pa man, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Panginoong Diyos. Sa katunayan, ang Santo Niño ring ito ay ang regalo ng kampo ni Ferdinand Magellan sa binyag ng asawa ni Rajah Humabon na si Hara Amihan na siya namang tinanggap ito nang walang pag-aalinlangan noong 1521 (Caulin, 2017). Simula noon naging isang malaking parte na ng buhay ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na

hinuhubog ng mga Pilipino ang kanilang relasyon sa Diyos at patuloy na ginagampanan ang mga responsibilidad bilang isang Katoliko tulad ng pagsisimba, pagdarasal, pangangalap ng Salita ng Diyos, at pagkakaroon ng selebrasyon o kapistahan ng mga santo tulad ng Pista ng Poong Nazareno, Pista ng Santo Niño o mas kilala bilang Sinulog, at iba pa. Karagdagan dito, matagal din ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas. Ang selebrasyon ng Pasko ay ang pagsilang at pagdating ng anak ng Panginoon na si Hesus. Kapansin-pansin sa karamihan ng pamilyang Pilipino, na sa buwan palang ng Setyembre, naglalagay na ang mga ito ng mga dekorasyon para sa Pasko. Maririnig na rin ang mga awitin ni Jose Mari Chan na kilala bilang isa sa mga sikat na mang-aawit na mayroong mga kantang madalas patugtugin kapag malapit na ang kapaskuhan. Ang selebrasyon na ito ang pinaka- inaabangan ng mga Katoliko sa Pilipinas taon-taon. Mahalagang parte rin ng kulturang Pilipino ang mga kagandahang asal, pagpapahalagang moral, at pagpapahalaga sa pamilya. Ang pagmamano sa mga matatanda ang isang halimbawa nito. Para sa mga Pilipino, ang pagmamano sa mga matatanda ay isang simbolo ng pagrespeto o paggalang. Karagdagan pa rito ay ang pagsasabi ng “po” at “opo” na ibig sabihin ay pagsang-ayon, pagtawag sa mga nakatatandang kapatid ng “ate” o “kuya”, at iba pa. Sa kadahilanang malaking parte sa buhay ng mga Pilipino ang relihiyon, kilala rin ang mga ito bilang mga madadasaling mga tao. Sa pagdarasal, inaalay ng mga ito ang kanilang mga intensiyon para sa pamilya, mga kaibigan, mga mahal sa buhay, at pati na rin ang kapakanan ng buong bansang Pilipinas. Karagdagan pa rito ang pagiging matulungin sa kapwa at pagbabayanihan. Tuwing mayroong unos, handang tumulong ang

rmga Pilipino sa mga nangangailangan (Goyala, 2019). Katulad na lamang nung nasalanta ng bagyong Rolly ang bayan ng Albay at mga kalapit nitong lugar, naglikom ng mga donasyon, damit, pagkain, at iba pang tulong ang mga nabiktima ng bagyong Yolanda upang matulungan ang mga ito (Evite, 2020). Ang pagkakaroon ng malaking pagpapahalaga sa pamilya at pagiging malapit sa pamilya ay parte rin ng pagiging isang Pilipino. Maoobserbahan mula sa maraming pamilyang Pilipino na kahit lagpas labing walong taon na ang mga anak ay hindi pa rin nito pinipiling umalis sa pamamahay ng mga magulang dahil sa pagkakaroon ng malaking respeto, utang na loob, pagmamahal, at malapit na relasyon sa mga magulang (Goyala, 2019). Sa katunayan, malaki ang pagkakaiba ng kulturang Pilipino sa ibang mga lahi sapagkat tulad na lamang ng bansang Amerika, ang ilang mga pamilya mula rito ay binibigyan na ng kalayaan ang mga anak na maging malaya sa pagpili ng mga gusto nito sa buhay kapag tumungtong na ito ng labing walong taong gulang, ‘di tulad ng sa kulturang Pilipino na kung saan nais ng mga magulang ay kasama nila ang kanilang mga anak hanggang sa ito ay lumaki at magkaroon ng sariling pamilya. Syempre, hindi malilimutan ang usapang pagkain sa kulturang Pilipino. Ang pagkaing Pilipino ay mayroong impluwensiyang pinaghalong kanluranin at silanganin, pati na rin ng mga karatig na lugar sa Asya. Karagdagan dito, mayroon din itong bahid ng tradisyong Tsino, Espanyol, at Amerikano. Ilan sa mga sikat na putahe sa Pilipinas ang menudo na kung saan ang mga kasangkapan ay minsan pinaghalong toyo at tomato sauce o pinaghalong keso, dahong laurel,

at toyo. Isa itong halimbawa ng pagkaing makikitaan ng impluwensiyang kanluranin at silanganin. Ang mga Tsino naman ay tinuruan ang mga Pilipino na makagawa ng mga putaheng ginagamitan ng stir-frying at steaming. Makikita ito sa mga putaheng pansit, siopao, siomai, at iba pa. Ang impluwensiya naman ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay ang hilig ng mga Pilipinong kumain at magluto ng paella na ang kasangkapan ay mga pagkaing-dagat tulad ng mga hipon, alimango, pusit, at isda. Ang impluwensiyang Amerikano naman ay makikita sa hilig ng mga Pilipinong kumain at gumawa ng mga hamburger, salad o gulay, fried chicken o pritong manok, at iba pa (Sim, 2018). At syempre, hinding hindi mawawala ang kanin sa bawat pagkaing kinakailangan. Kasama na rin dito ang pagkakamay, lalo na kapag ang ulam ay pagkaing-dagat tulad ng isdang tilapia, alimango, hipon, at iba pa. Ang kulturang Pilipino ay tunay ngang mayaman sa iba’t ibang bagay tulad ng relihiyon, tradisyon, paniniwala, nakasanayan, at iba pa na siyang repleksyon ng pamumuhay sa Pilipinas. Ang mga ito ang nagsisilbing representasyon ng mga Pilipino. At dahil rito, marapat lamang na ito ay mas pagyamanin, payabungin, at patuloy na buhayin lalo na sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pangangalaga at pagprotekta ang mga aksyong dapat isagawa at patuloy na isinasagawa nang sa gayon ay mapanatili nito ang angking yaman. Kung hindi ito mapapangalagaan, hindi ito maipapasa sa mga susunod pang henerasyon kung kaya’t dapat lamang na patuloy itong pag- aralan at balik-balikan nang sa gayon ay hindi ito malilimutan magpakailanman sapagkat ito ang nagpapaespesyal sa katangian at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.



Ang mga Pistang Pinoy Ace Merced Ang mga Pilipino ay tagahanga ng pagdiriwang ng iba`t ibang uri ng piyesta dito sa Pilipinas. Isa ito sa pinakamatandang paraan na ginagamit ng mga Pilipino upang ipagdiwang ang iba`t ibang mga magkakaibang kaganapan. Kapag ang mga kalye ay puno ng mga makukulay na banderitas, maraming mga tao ang nagsusuot ng labis at makulay o tradisyunal na damit, ang bawat isa ay may kani-kanilang natatanging koreograpiya sa sayaw kasama ang mga nag mamartsa na banda at kanilang mga parada float, alam mo na may nagaganap na piyesta. Kasama na diyan ang libo-libong masasarap na pagkain na naaamoy mo sa paligid ng iyong kapitbahayan. Ang Pilipinas ay mayroong maraming piyesta, ngunit narito ang ilan sa mga popyular na piyesta na ipinagdiriwang sa bansa taon-taon. Ati-Atihan Festival: Ito ay nagaganap tuwing Enero sa Aklan bilang parangal sa Santo Niño. Ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng pagsayaw at musika, kasama ang mga Borneans na pininturahan ang kanilang mga katawan ng soot upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pakikitungo sa Aeta na may maitim na balat. Binubuo rin ito ng mga prosesyon ng relihiyon at mga parada sa kalye, pagpapakita ng mga float, mga pangkat ng sayawan na may suot na mga makukulay na kasuotan, mga bandang nagmamartsa, at mga taong nagpipinta ng mga pinturang pang-mukha at katawan.

Sinulong Festival: Ito ay nagaganap tuwing Enero sa Cebu at ito ang sentro ng pagdiriwang ng Santo Niño Katoliko sa Pilipinas. Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang “sulog” na ibig sabihin ay “agos ng tubig” at ipinakita ito sa paraan ng pagsayaw nila na parang “agos ng tubig” ang pagsayaw nila na kasunod sa pintig ng tambol. Kasama rito ang mga makukulay na kasuotan, float, at iba’t ibang dekorasyon. Masskara Festival: Ito ay nagaganap tuwing Oktubre sa Bacolod bilang isang paraan upang maipakita na ang lungsod ay matigas at palaging makakaligtas kahit sa mga pinakahihirap na sitwasyon. Ang pagdiriwang ay mayroong maraming mga mananayaw na nagbibigay ng detalyadong makukulay na mga masskara na parada sa buong bayan at ito ay nagbubunga sa Bacolod na tinawag na \"City of Smiles.\" Ang mga naunang masskara ay pininturahan ng kamay at pinalamutian ng mga balahibo, bulaklak, at katutubong kuwintas, habang ang mga kontemporaryong masskara ay nagtatampok ng mga plastik na kuwintas at iba pang magagandang dekorasyon.

Kasiyahang dulot ng Kapistahan May Ann Robosa Maraming pistang nagaganap sa mga kalye ay may dekorasyon Pilipinas. Ang mga sikat na pista ay din. May mga ginupit gupit na piyesta ng Sto. Nino, piyesta ng mga makukulay na mga papel Maskara, at iba pa sa panahon ng kung saan nakakabit ang mga piyestang Pinoy. Ilang araw bago ito sa pisi na ibinibitin sa mga magpista, ang mga tao ay naglilinis daan. Ang lahat ng bayan ay ng kanilang mga bahay at mga naghahanda ng pagkain at paligid. May mga magagandang parada. Para sa mga Pilipino, ito kurtina sa mga bintana at ang mga ay panahon ng kasiyahan at walang silya ay humihiram o galak. Ang kagandahang loob umuupa nito. Bumibili o humihiram ng mga Pilipino ay higit na sila ng mga plato, kubyertos, at mga nakikita kung may pistang gamit sa kusina at pagluluto. nagaganap. Maraming handa Magaganda ang mga bahay kapag ang lahat ng bahay. May litson, mayroong piyesta. Hindi lamang adobo, at iba pang masasarap na mga bahay ang may dekorasyon, ang luto. Karaniwan din pagkatapos ng pista, ubos ang handa at malaki ang utang ng naghanda. Minsan umaabot ng isang taon bago nila matapos bayaran ang utang.

SINULOG FESTIVAL: Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lamang ng mga Cebuano, kun'di lahat ng mga deboto ng Senor Santo Nino. Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon- taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Nino at tumatagal ng siyam na araw. Kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City. Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na \"sulog\", na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog Dance. ATI-ATIHAN FESTIVAl: Ang Pistang Ati- Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taon-taon sa buwan ng Enero sa karangalan ng Santo Niño. Sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay nagaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa ikatlong linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, ang kabisera ng lalawigan. Ang katagang Ati-Atihan ay nangangahulugang \"tularan ang Ati\", ang katutubong pangalan para sa mga Aeta na siya ring ang mga unang nakipamayan sa Panay at mga iba pang bahagi ng kapuluan. Nagdiwang sila sa pamamagitan ng sayaw at musika at pininturahan ng mga Borneo ang kani-kanilang katawan gamit ang uling upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pakikipagkaibigan sa mga Aeta na may maiitim na balat.

MASSKARA FESTIVAL: Ang salitang Maskara ay nagmula sa pagsasanib ng mga salitang Ingles na \"Mass” para sa maraming tao at \"Cara\", ang Espanyol na salita para sa mukha. Ang masskarang mukha ay kailangang nakangiti upang ito ay maipakita ng mga taga-Bacolod na kilala noon pa mang dekada 70 bilang “City of Smiles”. Ang taunang selebrasyong ito ay dinarayo ng mga dayuhan at inaabangan ng mga kababayan mapa-loob at labas ng bansa. Ito ay isang napakasayang okasyon kung saan ang mga Bacoleños at mga Pinoy na galing sa mga karatig na lugar sa bansa ay nagkakaroon ng pagtitipon- tipon upang magsaya at makigalak dito. Ang mga naunang masskara ay pininturahan ng kamay at pinalamutian ng mga balahibo, bulaklak, at katutubong kuwintas, habang ang mga kontemporaryong masskara ay nagtampok ng mga plastik na kwintas at iba pang magagandang dekorasyon para sa Masskara Festival. Ilan lamang 'yan sa mga halimbawa ng mga Pistang Pinoy na binibigyan natin ng pansin at pasasalamat.



Kapabayaan Jhudielle Imutan Si Armel ay isang estudyante na nasa hayskul pa lamang. Siya ay isang honor student at isa sa pinakamatalino sa kanilang klase. Siya ay nakatira sa isang maayos at magandang bahay habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya. Ang ina naman niya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Nang makita na ng magulang ni Armel ang kaniyang grado na kung saan lagi niyang natataasan ito bawat termino, binilhan siya ng ama niya ng isang magandang kompyuter upang may mapaglibangan siya. Tuwang tuwa siya kaya't niyakap niya ang kaniyang ama at sabay sabing, \"Maraming salamat po at matagal ko na po itong gusto na magkaroon ng sariling kompyuter.\" Ngunit makalipas ang ilang buwan, napansin ng kaniyang ina ang pagbabago sa ugali ng kaniyang anak kapag tinatawag siya sa kainan. Lagi niyang sinasabi ang linyang, \"Ma, wait lang po, five minutes, matatapos na ako.\" Sa katunayan, hindi lamang ito umaabot ng limang minuto. Minsan, nalalagpasan na niya ang oras ng pagkain kasama ang pamilya niya. Madalas na rin siyang napupuyat at madaling araw nang nakakatulog dahil sa kakalaro. Pagdating naman ng kinabukasan, pagpasok niya sa kaniyang paaralan, hinihingi ng kaniyang guro ang takdang- aralin na ipinagawa noong

nakaraang araw, ngunit hindi niya ito nagawa dahil wala siyang ginawa kun'di maglaro buong araw. Pagkatapos, nilapitan siya ng kaniyang guro sa kaniyang upuan at tinanong, \"Armel, nakakatulog ka pa ba nang maayos? Hindi ka rin ata nakakatulog sa tamang oras. Tingnan mo, nangingitim na ang ilalim ng mga mata mo.\" Sinagot naman niya ito, \"Opo ma’am. Pasensya na po, babawi na lamang po ako.\" Ngunit noong dumating ang araw ng pagsusulit, hindi siya makapagpokus at parang nakalimutan niya lahat ng kaniyang inaral dahil sa kaniyang pagpupuyat. Gayun pa man, sinabi niya sa kaniyang sarili, \"Kayang kaya ko ito kahit kulang ako sa tulog. Nakapag- aral naman ako.\" Ngunit dahil mas marami pa ang oras ng kaniyang paglalaro kaysa sa kaniyang pag-aaral at kulang pa siya sa tulog, hindi naging maganda ang kaniyang kundisyon sa pagsagot ng kanyang pagsusulit. Lumipas ang ilang araw nang dumating ang oras kung kailan kailangan nang kausapin ng mga guro ang mga magulang ng mga estudyante tungkol sa resulta ng mga pagsusulit at mga kaganapan na kanilang ginagawa sa klase. Noong tinawag na ng kaniyang guro ang kaniyang mga magulang, sabi ng kaniyang guro, \"Pasok po kayo at maupo.\" \"Kumusta naman po ang grado ng anak naming si Armel?\" ang tanong ng kaniyang ina. \"Ikinalulungkot ko pong sabihin, ngunit bumaba po ang grado niya simula noong ikatlong markahan. Madalas na rin po siyang nakakatulog sa klase,\" kwento ng kaniyang guro. Sinabi rin nito ang mga naging pagbabago ni Armel sa klase at ang

pagiging makalimutin niya sa kaniyang mga gawain. Kaya noong umuwi ang kaniyang mga magulang sa kanilang bahay, tinawag si Armel ng kaniyang ama upang kausapin siya. \"Anak, pwede ka ba naming makausap ng mama mo?\" tanong ng kaniyang ama. \"Opo, Pa. Pababa na po ako,\" ang sagot naman niya sa kaniyang ama. Agad siyang lumabas ng kwarto at bumaba upang pumunta sa sala. Nang sila ay nagkaharap, sabi ng kaniyang magulang sa kaniya, \"Anak, nadidismaya kami sa grado mo. Hindi ka naman ganito dati. Ano ba ang nangyari sa'yo?\" Humingi naman ng tawad si Armel sa kaniyang kapabayaan at inamin din niya na hindi na niya natututukan ang kaniyang pag-aaral kung kaya't pinayuhan siya ng kaniyang ama. \"Anak, okey lamang sa amin na makapaglaro ka. Iyon naman ang dahilan kung bakit binilhan kita ng gadyet, ngunit, 'wag mong kakalimutan ang responsibilidad mo bilang isang estudyante,\" sabi nito kay Armel. Simula noon, mas tinutukan na niya ang kaniyang pag-aaral at mas naging responsable na siya. Simula rin no'n, mas gumanda na ang resulta ng kaniyang mga pagsusulit dahil may oras na siyang sinusunod kung kailan siya dapat mag-aral at maglaro.

Time management requires self- discipline, self-mastery, and self-control more than anything else. Brian Tracy

Bahala Na Jessie Olaño Nagising si Aya sa malakas na katok ng kaniyang ina. “Anak! Gising na! May pasok ka!” sigaw ng nanay ni Aya. Agad na napatingin si Aya sa kaniyang orasan at napabangon nang makita niya na tanghali na at huli na siya para sa kaniyang unang klase. Nagmadali siyang mag-ayos at agad na kumaripas ng takbo papunta sa kaniyang eskwelahan. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagtakbo, doon niya lamang napansin na nakalimutan niya ang ibang mga kailangan niya. “Bahala na nga!” saad ni Aya at ipinagpatuloy na lamang ang kaniyang pagtakbo. Kakatapos lamang ng unang klase ni Aya pagdating niya sa eskwela. Pumasok siya sa silid at hinanda ang sarili para sa pangalawang klase niya sa araw na iyon. “Magandang araw, klase!” bati ng kanilang guro. “Magandang araw din po, Gng. Reyes!” bati pabalik ng kanilang klase. “Nadala niyo ba ang mga kailangan natin para sa araw na ito?” tanong ng guro. Agad na kinabahan si Aya dahil alam niyang wala siyang mga kagamitan na kailangan nila. Hindi na nga siya nakapasok sa unang klase niya, tapos ngayon, wala pa siyang gamit para sa kaniyang pangalawang klase. “Kailangan ko ng gunting at pangkulay,” bulong ni Aya sa sarili habang nagkakamot ng ulo. Laking gulat na lamang niya nang biglang may lumabas na gunting at pangkulay sa lamesa niya. Napakusot pa siya sa kaniyang mata dahil hindi

siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Tumingin siya sa paligid para sana magtanong, ngunit mukhang walang ibang nakakita ng nangyari. Napailing nalang siya at nakinig sa bilin ng kaniyang guro. Dumaan ang ika-tatlo at ika-apat na klase ni Aya at dumating na rin ang oras ng kanilang pagkain. Doon niya lamang napansin na hindi rin pala siya nakapagdala ng baon na pwede niyang kainin. Wala siyang nagawa kun'di tumitig na lamang sa mga kaklase niyang masarap ang kain sa canteen. Tumunog ang kaniyang tiyan ngunit wala siyang magawa kun'di humawak na lamang dito. “Gusto ko rin kumain. Kahit isang mansas man lamang,” bulong niya sa kaniyang sarili. Nanlaki ang kaniyang mata nang may lumabas na mansanas mula sa kaniyang lamesa. Kinuha niya ito at tinitigan. “Saan naman nanggaling ito?” tanong niya sa sarili. Muling tumunog ang kaniyang tiyan kaya wala siyang nagawa kun'di kainin na lamang ito. Hindi kapani-paniwala ang mga nangyari ngayong araw kaya plano ni Aya na tanungin ang kaniyang nanay pagkauwi. Pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumiretso sa bahay. “Nay!” tawag ni Aya sa nanay niya habang nagtatanggal ng sapatos. “Nandito ako sa kusina! Halika at kumain!” sigaw ng nanay niya mula sa kusina. Agad na pumunta si Aya sa kusina at umupo sa harap ng nanay niya. “Nay, may gusto po akong itanong sa inyo,” panimula ni Aya. Napakunot ang noo ng nanay ni Aya dahil mukhang seryoso ang nais pag-usapan ni Aya. “Ano iyon? Kumain ka na ba? Kumain ka muna, anak,” sagot ng nanay ni Aya. “Mamaya na po, Nay. May mga kakaibang nangyari sa akin ngayong araw, Nay. Bigla bigla

na lamang lumalabas ang mga bagay na kailangan ko. Hindi ko alam kung saan galing pero tuwing may sinasabi ako na kailangan ko ay lumalabas na lamang ito bigla sa harap ko,” paliwanag ni Aya na tila hindi naniniwala sa mga lumalabas sa kaniyang bibig. Napansin ni Aya ang pagbabago sa mukha ng nanay niya. “Nay?” tawag niya rito. Bumuntong hininga ang nanay ni Aya at sinabing, “Mayroon akong kailangang aminin sa iyo, anak.” Kumunot ang noo ni Aya. “Ano po 'yon?” tanong niya. “Hindi ka katulad ng ibang mga bata, anak ko. Iba ka dahil iba rin ang tatay mo,” saad ng nanay ni Aya. “Po? Ano pong ibig ninyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan,” sagot ni Aya. “Isa kang anak ng makapangyarihan na nilalang. Anak ka ni Bathala, Aya,” paliwanag ng nanay ni Aya. “Si Bathala po ang tatay ko? Kaya po ba kahit kailan ay hindi kayo nagkwento tungkol kay tatay? Dahil hindi siya normal na tao?” tumango ang nanay ni Aya. “Hindi ko masabi noon dahil masyado ka pang bata para maintindihan at kung hindi ka man naniniwala ay naiintindihan ko pero 'yun ang totoo.” “Paano nangyari 'to? Paano nagkaanak ang isang diyos sa isang tao?” naguguluhan na tanong ni Aya. “Kada-sampung dekada ay maaaring bumaba ang mga diyos sa mundo nating mga mortal, at dahil doon, nagkakilala kami ng tatay mo. Nagkasundo kami sa maraming bagay at nagmahalan kaya't ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin,” paliwanag ulit ng nanay ni Aya. “Pwede ko po bang makilala si tatay? Paano ko po siya mapupuntahan?” tanong ni Aya na puno

ng pag-asa ang mga mata. Umiling ang nanay ni Aya. “Simula noong nalaman ng ibang mga diyos na nagkaanak ng mortal si Bathala ay hindi na sila muling pinayagang makisama sa ating mga mortal. Imposibleng makilala mo ang iyong ama. Paumanhin, Aya. Paumanhin dahil ngayon ko lamang sinabi lahat ng ito. Paumanhin dahil hindi mo makikilala ang tatay mo,” iyak ng nanay ni Aya. Agad na niyakap ni Aya ang nanay niya. “Hindi po ako galit sa inyo. Naiintindihan ko po,” sabi ni Aya. “Gagawa po ako ng paraan para magkita ulit kayo at para makilala si tatay,” dagdag ni Aya. “Paano mo naman gagawin iyon?” tanong ng nanay ni Aya. “Gamit po ang kapangyarihan mula kay tatay,” sagot ni Aya na puno ng determinasyon. Mula ng araw na iyon ay hinasa ni Aya ang sarili at ang kapangyarihan niya upang ihanda ang sarili niya sa pagkikita nila ng tatay niya.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook