Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Antipara Volume 6 Issue No. 3 – Kubeta

Antipara Volume 6 Issue No. 3 – Kubeta

Published by The Brahmans Journal, 2020-09-12 06:21:38

Description: "Kung maagnas na ang lahat, tayo'y mga kalansay. Ngunit habang natitira pa ang laman, may isang lugar kung saan tayo ay payak, pantay at walang pagkakakilanlan. Samu't saring alaala, maraming kwento sa kubeta."

Search

Read the Text Version

KUBETA hanggang saan aabot ang bawat gaano mo By: Kim Thereze M. Alarcos Gaano ako kamanhid? Sa sobrang manhid ko, hindi ko namamalayan ang oras at nag- sisiuwian na ang mga kasamahan ko. Hindi ko namamalayan na malapit na ulit ang bayaran ng matrikula sa paaralan ng anghel ko. Gabi na ngunit heto ako, kumakayod nang mahusay sa harap ng kompyuter at nagmamadali sa pagsesend ng mga mensahe sa mga kliyente ko. “Madam, tara na! Sa Monday niyo na po iyan tapusin”, wika ng isang bagong empleyado na mukhang malapit sa akin. Hindi na ako nakasagot sa kanyang sinabi at patuloy lamang sa pagkayod. Gaano ako kasipag? Sa sobrang sipag ko, hindi ko namamalayan na tao rin ako na may ibang nais gawin pagdating ng panahon. Nais kong maglakbay, gumuhit, magluto at sumulat ngunit sabi ni Katotohanan sa susunod na lang. Sa susunod, kapag ubos na ang lakas ko. Sa susunod, kapag ako nalang ang natira sa mundo. Ika-7 na ng gabi at hindi na ako nakatayo sa aking kinauupuan sa loob ng mahigit 9 na oras. Gumagapang pataas ang sakit mula sa aking likod papunta sa aking batok. Ang salamin kong mali na ang grado para sa mata ko ay wala nang naitutulong sa pag-scroll down sa Facebook este Gmail ko. Bakit ako matatakot eh araw-araw na ‘tong nangyayari? Wala akong dapat ikabahala, kung para lamang sa aking anak ang aking mga ginagawang ito. Nainip na ako sa paghihintay ng reply aking kliyente kaya naisipan kong i-text ang anak kong si Angel. Kaisa-isa kong anak na hindi ko pagsasawaang ipagmalaki. Siya ang nagbibigay liwanag sa aking buhay at laging sumusuporta sa panahon ako ang nangangailangan ng kara- may. “Anak, Skype tayo. Pasensya na kase OT ulit ako” “Ma, hindi pa po ako kumakain. Natatakot akong lumabas…at may ipapasa pa ako mamayang 9PM sa Filipino” “Dadalhan kita ng pagkain. Huwag kang lalabas.” “Sige Ma, Skype na po tayo” 101

KUBETA Gaano ako katiyaga? Kahit malapit ang bahay ko sa aking opisina, gusto ko laging hindi ako nalalayo sa mga ganap sa aming tirahan. Ang lakas kong mag-Skype ka- hit alam kong pwede akong mahuli ng boss kong kuripot. Nakikipag-Skype lang ako kay Angel kapag alam kong nakauwi na siya. Minsan hindi ko ito naggagawa na maaari kong mahati sa tatlong dahilan: May praktis ng sayaw, may inaral sa review center at may aktibiti na ginawa sa kanyang paaralan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangang paabutin ng gabi ang isang gawain na dapat hanggang hapon lamang. Balak ko na siyang ilipat ng paaralan kapag kolehiyo na siya, kahit ako sawang-sawa na. Ngayon lang nangyari na ang anak ko ang unang tumatawag sa akin. Medyo kinakabahan ako baka may problema ito sa pag-aaral o sa mga kaibigan niyang daig pa ang plastik sa sobrang basura ng pag-uugali. Muli, wala akong dapat katakutan dahil alam ko ang Anghel ko ay hindi mapupunta sa mga sitwasyong iyon. Pagbukas ko… Bakit ko pa binuksan...? Hindi ito ang Angel na pinalaki ko. Laking gulat ko sa aking nakikita at naririnig mula sa kompyuter ko. Ang kwarto niyang akala ko’y laging malinis ang dungis pala. Ang buhok niyang akala ko’y laging maayos kapag aalis ang gulo pala. At ang halakhak niyang akala ko’y totoo ay napaltan pala ng paghagulhol niya sa aking harapan. Napalapit naman ang mukha ko sa monitor at naririnig ko pa rin siya. Hindi nagsasalita at tuloy lamang sa pagsasalita. “Anak!!!” sigaw ko habang tumitindi ang echo sa aking paligid. “Mama, gutom na po ako…” “Bakit ka nagkaganyan, anak?! Pupunta na ako jan at magdadala ng pagkain” “Mamaya na po kayo bumalik, OT pa kayo diba? Magpapasa lang ako ng final paper sa Filipino. Tapos mag-aaral para sa quiz ko sa Chemistry tapos mag-iisip pa ako ng steps ng sayaw para sa Physics! Mamaya na po kayo umuwi!” sigaw niya pabalik sa akin habang siya ay patuloy sa pag-iyak. Agad kong pinatay ang video chat namin dala ng aking pagkadismaya. Naiintindihan kong siya ay naiinis sa dami ng gawain, ang hindi ko lang maintindihan… sinong sumasayaw sa Physics? Bakit may pag-atake ang performing arts sa isang subject na hindi kinakailangang umindak? Nabalitaan ko pa nga dati sa crush niyang si David na umaarte rin sila sa Statistics! Tanong ko lang, aanhin ba ‘yan ni Angel sa mundo ni katotohanan? Ang gusto niya lang naman ay maging isang enhinyero kagaya ng kanyang Amang nasa Qatar. Hindi ako ang nag-aaral ngunit ako ‘yung masisiraan ng ulo sa sistemang ito. At napapansin ko lamang na hindi ganoong kataas ang mga marka niya sa mga pagsusulit. Hindi pala sulit ang panahon niya sa mga review center na ako mismo ang humikayat sa kanyang pasukin. Parang konti nalang mawawalan na ako ng anak dahil kukuhanin na siya ng Star Hunt para maging artista. 102

KUBETA Pinagpapawisan ako habang ako’y papalabas na ng opisina. Pinasabi ko kay Kuya Guard na siya na ang pumatay ng kompyuter ko para sa akin. Tumakbo ako patun- go sa paborito naming Siomai ni Sisa na katapat lamang ng mga review center para sa mga batang walang magawa kundi mag-aral para sa mga magulang nilang walang mai- pagyabang sa Facebook. Sa presyong 20 pesos, may 15 piraso na agad akong piniritong siomai, at nako samahan ko pa yan ng toyomansi, bawang at chili oil? Naku, ang UTI ko papasok na muli. Hindi ko na naisip na sumakay ng jeep dahil hindi ito ang tamang panahon para ako’y maghintay nang matagal. Tiniis ko nang sumakay sa tricycle kahit malapit na akong mahulog sa aking puwesto, hindi dahil malaki ang katabi ko, maliit lang ‘yung upuan. Agad akong sumugod sa aming tahanan na parang may krimeng naganap doon. Tunay naman sinasabi ko, biktima ang anak ko sa sistemang inakala naming makakapaglig- tas sa aming lahat. Tumakbo na ako patungo sa kwarto ni Angel at grabe ang isinakit ng dibdib ko sa aking nakita. Nakahiga si Angel, ang anghel ko sa gitna ng kanyang mga scratch paper, aklat niyang sira at mga wasak niyang pangarap. May pananagutan ako dito, at binabawi ko na ang sinasabi kong wala akong pake sa kung ano ang mangyayari ngayon. Gaano ako kapabaya? Sa sobrang pabaya ko, hindi ko na natitingnan kung si Angel pa ba ang ka- harap ko araw-araw. Kita ko ang kanyang tuyong luha na nanatili sa kanyang mga pisngi. Mukhang mahimbing ang kanyang tulog pero tanggap ko na, tanggap ko nang ako ay iiyak muli ngayong araw. Pangalawang beses ko na ito, hinid ko na nga napigilang lumuhod sa harap ng tulog kong anghel at umiyak nang mahina. Gaano ako kahina? Sa sobrang hina ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang dami kong inaasikaso sa trabaho, sa bahay at sa pamilya. Ang asawa ko, pau- wi na daw …pero heto tatlong taon na, hindi pa rin umuuwi. Si Angel, agaw-buhay sa paaralan habang mga kaklase niya, tamang landi at chill lang. Nagising na siya mula sa kanyang mahimbing na pagtulog. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “Ma, ayoko na po…” at tuluyan na akong nasaktan sa kanyang sinabi. “Diba sabi mo gutom ka na? Tara nang maghapunan..” sinubukan kong ibahin ang usapan pero hindi ako nagpalaki ng anak na mahina ang paninindigan. “Ma, hindi ko na po kaya ang mga pinapagawa niyo sakin! Ayoko nang mag review center hanggang alas dose ng gabi, ayoko nang magpakahirap na maging Top 1 lagi sa klase at higit sa lahat ayoko nang magtago sa inyo! Pagod na akong magpanggap, Ma! Pagod na pagod na ako” nakita 103

KUBETA ko muli ang kanyang mga luha habang lumalakas ang ugong ng kanyang hagulhol. Ni- yakap ko siya nang mahigpit na parang siya na lang pag-asa ko para manatili nang ayos dito sa mundo. “Pagod na rin ako, Anak. Sisihin mo lang ako, anak! Handa kong baguhin ang lahat nang ito!” Gaano ako karupok? Sa sobrang rupok ko, hindi ko mapigilang matamaan sa mga bawat konotasyon ng kanyang mga sinasabi. Oo na Angel, nagkulang ako pero kahit kailan hinding-hindi ko siya malilimutan sa araw-araw kong pakikipagsapalaran kay Katotohanan. Si Katotohanan na walang awa sa mga katulad namin na purong-puro na sa lipunan. “Anak, pasensya ka na at hindi ko napapansin na ganito na pala ang nang- yayare. Yaan mo, huwag ka nang umattend ng review bukas. Sasabihin ko sa guro na hindi ka na babalik doon. Umuwi ka na sa tamang oras at gawin mo ang mga bagay na gusto mo…pero bawal ang walwal!” ang tapang ko para makapag biro pa sa ganitog sitwasyon. “Gusto mo ang pagguhit, diba? Pwede tayong sabay gumuhit bukas dito. Ayokong maranasan mo na mabuhay na hinid man lang naggagawa ang mga gusto niya. Anak, hindi masamang tumaliwas sa gusto ni Katotohanan” “Salamat, Mama” Ika-9 ng gabi, kumain na kami ng hapunan kasama ang ulam naming siomai na kumunat na sa pagkakaprito. 104

KUBETA 105

KUBETA 106

KUBETA film, needle and toilet By: Melvin Alvarez It was already eight in the evening when I decided to go for a walk. I only brought my phone with my earphones and wallet. My thoughts were drowned in a velvety murky field. The lyrics of Ben&Ben’s song is the only sound I could hear apart from the noise made by the crickets. Then there’s the silver full moon. Beautiful, I could say it’s unfair. It’s unfair that they get to be so beautiful up there when everything is so ugly down here. I’m now here at the entrance of the only mall in the city. My feet led me in this 45-minute peaceful walk of my life. People were busy minding their own businesses and stuff. There’s a couple arguing about breaking up their relationship because of the third party. A child begging her mother to buy a rubber-made pink doll that costs more than my branded shirt that I’m wearing. Then a crew who accidentally spilled the juice over his customer’s bald head. Well, I just wish he will not be fired after what happened. I took a deep breath as I ride onto the escalator. I went inside to an arrow pointing signage located at the left side of the mall. Out of the blue, my phone suddenly rang just before I was about to open the door at the last vacant cubicle. I looked at the screen of my phone wondering who’s calling me. It was Jess, one of my closest friend. “Liam.” said Jess on the other line. He hesitantly called my name. “Magda’s family just called me and they’ve said that she died just few hours ago.” “What!” I’ve yelled out of shock that echoed in the four cornered room. I abruptly locked myself inside the cubicle and sat down on the toilet. “This can’t be happening!”. I’ve punched the wooden wall while I’m holding my phone with a grip. I’ve invested too much on Magda and I can’t take that fact. Her death. I decided to go for a walk. My doctor said it will help me to relax. Besides, my medi- cation isn’t working anymore. 107

KUBETA “Stay calm, Liam.” She said in a soft voice. “Your anger wouldn’t bring back Magda’s life. You can’t change anything. Just accept it. She’s already dead.” “And before I forgot, I’ve sent flowers already.” I let out a deep sigh to calm myself down. I felt so hopeless and disappointed at the same time. I shut my eyes and ended the call. A pang of sadness filled my spirit. Even though the restroom was cold, I could feel my body sweating. I felt I was in a dark room without anyone except me. After an hour of staring and sobbing, I decided to go home. I felt numb, my thoughts are bugging my mind. I also noticed that the sky’s a bit grey and there were no stars and the moon is nowhere to be found. Then a drop of water kissed my nose followed by more. I’m standing in the middle of the street even it was actually raining so hard. Maybe the weather also feels my agony and decided to join me from mourning. Thoughts of Magda and my short film came flooding back. Magda was my actress for the short film I’m currently directing about the true to life stories of AIDS patients. Yes, she had AIDS, a disease that’s incurable. A disease that makes every victim feels that their life is miserable.The worst fact here is the rising number of the death caused by AIDS. “BEEEEEEEEEP” “Are you out of your mind? Why are you here in the middle of the night huh, Liam?” I’ve recognized Ryan’s voice and felt him guided me towards his car. He’s the producer of my films. I bet he already knew about Magda. “Jess called me a while ago and said Magda is dead.” I just nod at him and look through the window. It’s raining cats and dogs and all I could think is about the film. “You know, no one is interested to be the subject of your film, right? You know why? Well obviously! They don’t want to be interviewed and broadcast their lives to the public. They don’t want to be judged.” This time, I looked at him directly in his eyes. “I want this short film to warn other people about AIDS. Have you heard the news? Thirty-five. Thirty-five people here in the Philippines were diagnosed with HIV every hour. . I want to spread knowledge and give hope to those patients who are suf- fering from this disease”. The lights were all set. My mother and sister are also here inside the men’s restroom to witness something that will change our lives. 108

KUBETA “Everything’s ready. We’re about to start in 3 minutes.” said Jess. “Camera rolling in 3, 2, 1 -Action!” “2019, the year my doctor said I’m an HIV positive. That very moment, my world stopped. It was like I died from a gunshot in my head. I didn’t admit it to myself that I was infected cause I never tried unprotected sex before, so how could I acquired such virus?” My doctor just replied “ That wasn’t the reason why you have HIV. You’ve been suspected that you were injected by drugs.” “Some people injected me drugs with used needles inside this cubicle where I’m at right now. This room knows where my agony was coming from. . I can still recall how the needle penetrate through my skin by some random stranger. They were five, four men and one girl. I wouldn’t be surprised if they’re also a virus bearer.Then months after, symptoms started to be seen all over my body. There are white spots and unusual blemishes around my mouth and I experienced severe fever. There are some times when I feel my body is burning despite of the cold air from the aircon” “After a year, I went to my doctor for a check-up. I told him I went clubbing and made love with women and even with men. Unprotected.” “My doctor told me I just made my sex partners’ life like a living hell. There is a high risk that I’ve spread the virus to them. I made this film not because I want to earn money or sympathy. I want others to be aware of this timely and relevant issue. They say, regret is always at the end. You’ll never have the chance to go back and correct what you’ve done in the past. You just need to live with it”.. “I’m William “Liam” Molina, a director and an HIV positive. I hope my story will serve as a warning. I hope you learn something. Be responsible.” 109

KUBETA 110

KUBETA magda By:Kyla Veron Magnaye Ito ay isa sa mga gabi na kinakabahan ako. Namumuo ang mga butil ng pawis sa ‘king noo. Nanginginig ang aking katawan at pigil pigil ang kabang nararamdaman. “Kaya ko ‘to” si- gaw ng aking isipan. Ngunit sa bawat hakbang, tila bumibigat ang aking kalamnan. Sa dami nang lugar na aking napuntahan, sa dami nang nakadaupang palad at na mga katawan, bakit kailangan pa itong matikman? Konti nalang ay malapit na ko sa pinto. Iniisip kung itutuloy ko pa ba ito dahil malayo palang ako’y naaamoy ko na siya. Ang masangsang niyang amoy tulad ng sinasabi ng iba. Nanginginig ang aking mga kamay habang inaabot ang doorknob ng pintuan. Pagbukas ko, agad kong nasilayan ang kwartong makakakita sa himalang ipapamalas ko ngayong gabi. Unti- unti ay hinubad ko ang aking suot na damit. Nang aking mahubad ang damit ay dahan-dahan ko namang ibinaba ang aking panloob na kasuotan. Ramdam ko ng dumampi sa aking balat ang lamig ng gabi pero alam ko na ang silid na ito ay mag-iinit din kasabay ng pagsiklab ng init na aking mararamdaman. Ngayon, ako’y nakatayo na sa kanyang harapan, paunti- unting yumuko at di na nagdalawang isip at akoy umupo sa kanyang kandungan. Sa una ay dahan-dahan pa ngunit sa kalauna’y pabilis ng pabilis ang bulusok niya. Pawis na pawis na ako at pagod na pero ‘di siya magpapaawat pa. Tuloy ang indayog ng pamilyar na tunog. Kung kanina’y umuungol sa sakit ngayon ay umungol na sa sarap na hatid. Ako’y hinihingal na ngunit hindi na mapigilan pa. Ayan na, ayan na, ramdam ko na ang tuga- tog, konti nalang at ito na nga’y sasabog. Ito na nga’t naramdaman ko na ang pagkabasa. Ang pagsabog ng kanyang huling bira. Sa wakas at nilabasan na. Pinahid ko ang aking pawis at hinugasan ang puring nagkadungis. Tumayo na ako at muling nagbihis. Nailabas ko na rin ang mabahong tae sa palikuran ng club na aking pinagtatrabahuhan. Success! 111

KUBETA 112

KUBETA letter of despair By: Cyden Denise Catimbang But ours isn’t love. To: Elizabeth Love will find its way... From: Leonardo It’s been 6 months and yet the letter that I will be sending to you is still at the table where I let my feelings get out and write everything I wanted to tell you. Love is something that is wonderful. It’s somewhat unexplainable and yet the feeling is so beautiful. It will let you feel like you’re floating every time you are with that someone you truly love. When you’re happy with them you will not think of the possibilities that they might hurt you nor disappoint you. 183 days I always think of sending this letter to you but it seems that destiny finds its way of not letting me give it directly to you. We both know what happen. I am just the one who still loves you and I can’t let go of that love. Our relationship didn’t last because both of us have our own reasons of giving up. I thought our love will find its way back to the old times but it’s far from reality. I always handed millions of letter, giving it to the person that owns it. All of those let- ters have information that I don’t even know but it feels so satisfying for me finding the address of the receiver. I’m delighted that I’m making them feel remembered whenever they are receiving those letters that comes from their senders. The effort of giving time writing a letter will show your sincerity as a person. 113

KUBETA 175 days Its raining hard today. It’s difficult for me to send all the letters but I still find a way to deliver it to all of its recipients. Every time I look into these letters, I always think of you. I think of the smile that you are making when you’re so happy receiving a letter coming from me. Little did I know that you will not love it anymore. You stopped sending me letters. You stopped replying to every messages that I am sending you. You seemed so tired of us. But I am still fighting for the love I have, even though it is breaking me into pieces of not receiving one letter that I always expect from you. 133 days Everyday I wrote a letter for you, 133 letters for 133 days that I still love you. I al- ways had a hundred and more reasons to fight and yet it makes me feel worthless with your one goodbye. Leonardo Once, I loved you Once, I needed you I think of you every time I look at the stars at night I also think of you in every morning that the sun will rise But more than that is my feelings for you that’s fading Like how our old photos fades because of time Love, I’ll say it once more I love you always Yes it is love that find its way But I am trapped by the fact that I am no longer feeling the love that I felt before I am trapped by my own thoughts that you and I was not meant to be for each other This is the last letter that I will be sending you Goodbye is forgetting and forgetting is hard I hate goodbyes but it will make my life start all over again I hate goodbyes but I will give you one I will take the risk to say it to you I love you goodbye. Elizabeth 123 days 114

KUBETA You send me a letter that makes my heart beats so fast. That I can’t call it normal. It was an extraordinary feeling that I can’t call natural. It’s a road near to the house where I am sending the letter that came from Mr. Smith that will be given to her daughter Erika. I am thinking that if I will give the letters to you, you’ll not accept it but when I came to at your house, no one’s there. I called a lot of times but no one answered my call. Where are you my love? Where can I find you? I miss you so much like how I wanted to turn back time but it cannot be and wouldn’t be. 92 days This heavy feeling I don’t want to last, not a good morning and a warm one. I am sipping a warm coffee that I used to drink with you. It always warm my whole being that is getting cold by the less love you were giving. You’ve been cold lately that I can’t think of something that I’ve done wrong to you. 64 days I am still not familiar of this place I used to passed by. But with you, surely I wouldn’t forget every places I go. You were once a destination that I always wanted to return to. We had a lot of memories to treasure to. We spend time together specially when sum- mer time comes. Time stops when I’m with you and when we are enjoying our time together, time is always not enough. When the summer time comes to its end, we make sure that we still find ways of sending letters to each other. We have memorized our footsteps just to find our way back into each others arms. 30 days I miss you. See you at a bit of time. I still can’t believe we come this far. Always re- member I am here. Always remember the happy moments we had. Forget the sad part but learn from it. Don’t forget to send me a letter because you know I’m waiting for it and for you. Take care of yourself. Guard your heart and don’t let anyone break it. I love you. 115

KUBETA Day 1 I used to see you everyday but it is not the same feeling I feel when I first talked to you. I got in love with the feeling of being loved by you. You told me you can’t but I push you that you can do it. You told me that our love might come to an end. I got afraid of that but I believe that true love will stay and always win. But when the time comes that you left me I know you’ll come back and love me again. Hold on love, don’t let go of our love. Read it again and this time, start from the lines below going to the top. Reverse reading. 116

KUBETA 117

KUBETA 118

KUBETA ex-tasy By: Mariane Ramilo Kasalukuyang umaambon nung mga panahong ‘yon, pero ang usok na nagmumula sa siwang ng aking pinto sa kanang bahagi ng bahay na ito ang nagpapagising sa aking diwa. Sa pagmulat ng mata sa umaga, ang una kong ginagawa ay pumunta sa kubeta. Ang silid na alam kong makakapagisip-isip ako. Sa silid na makakalma ang aking puso, dahil ang mamasada ng buong maghapon ay hindi biro. Kailangang labanan ang antok, nalili- pasan na nga minsan ng gutom, at kailangang tiisin ang pananakit ng likod. *peeeeeep * Umalingawngaw sa kalye ang malakas na tunog ng busina ng aking jeep nang ako’y tumapak sa preno dahil sa biglaang pagtawid ng isang babae sa kalsada. Alas onse ng gabi at nasa kalsada pa rin ako. Sakay ang pitong pasahero na ihahatid sa palengke ng Lipa. Pero ang diwa ko ay tila natutulog na. Ang mga matang pinipilit na imulat sa kadahilanang ang lebel ng antok ko ay delikado na kaya naisip kong kailangan ng solusy- unan. Patungo sa isang silid at tiniyak na walang tao. Ini-lock ang pinto at inilabas ko ang vitamins. Magsisimula na sana ako nang mayroong kumatok. Binuksan ko at isang babae ang tumambad sa aking harapan. May pagtataka sa kanyang mga mata at napangiti noong nakita ang hawak ko. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa pagaakalang isusumbong nya ako. Ngunit anong gulat ko ng pumasok sya at pinanood akong ituloy ang ginagawa ko. 119

KUBETA Ang babaeng ito ay si Soleng. Taga rito sa Lipa at simula noong gabing iyon ay madalas na syang sumasama sa aking pamamasada. At tuwing magaalas onse na ng gabi ay pumupunta na kami sa kubeta para magtanggal ng antok. Habang tumatagal ay lumalalim ang aming samahan. Pati na ang pagbalik-balik sa kubeta ay dumadalas na. Ang gamot na gumigising sa aming diwa para makapagpatuloy sa pamamasada. Laking pasalamt na din namin na walang nakakaalam sa ginagawa naming ito. Alam naming bawal ngunit ang pagtigil ay imposible ng mangyari pa. Ang kubeta sa kanang bahagi ng bahay na ito ay hindi na kailanman magiging simpleng kubeta na lamang. Natutunan ko kung paano gumawa ng gamot na tine-take ko. Sa tulong ni Soleng, nakukuha namin ang mga sang- kap na kailangan, minsan pa’y umiinom kami ng alak habang gumagawa ng gamot. Pero hindi sa lahat ng oras ay magka-sundo kami ni Soleng. MInsan pa’y sa pag-aaway namin ni Soleng ay nagkakasakitan pa kami. Kaya’t walang pagtataka na hindi kami nagtagal ni Soleng. Pero bagaman tinapos kona ang relasyon namin ay nasa iisang bubong parin kami naninirahan. Isang gabi, ako’y umuwi galing sa pamamasada pero ang nadatnan ko ay isang kahindik-hindik na pangyayari na halos matanggal ang kaluluwa ko sa sobrang takot. Sa loob ng aming kubeta, may demonyong animo’y nagsasaya habang nakapaibabaw pa ang isa habang taas babang paulit-ulit ang direksyon ng katawan nila at tangan tangan ang pinaka espesyal na gamot na sabay naming ginawa ni Soleng. Pero dahil matapang at matatag ang loob ko na para bang kahit na si Satanas pa ang magpakita ay walang epekto sakin, hinarap ko ang dalawang halimaw. Pagdadabog kong hinila yung isa na nakapaiba- baw kahit na magkakonektado pa sila. Sa sobra kong tapang, binugbog ko ko yung isa, kahit malalim na ang gabi at mahimbing na natutulog ang aking mga kapitbahay ay wala parin akong habas na nagwala. Pauli-ulit kong sinuntok ang halimaw ngunit imbis na masaktan at umilag, mukhang tuwang tuwa pa. Yung isa namang halimaw ay parang du- wag na nakasuksok lang sa sulok. Inaamin kong nagulantang ako sa takot noong una pero sabi nga ng lola ko noon, “Huwag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay”. Kinuha ko ang tinatago kong baril sa ilalim ng kama namin ni Soleng. Umalingawngaw ang putok ng isang baril na nagpagising naman sa mga kapitbahay. Hindi ko kayang pumatay, pero kung halimaw naman ang aking papatayin ay wala akong pag-aalinlangan. Inaro ko ang baril sa isa at saka ko kinalabit ang gatilyo, pero bago kopa man yun nagawa ay inagaw nung isang halimaw ang baril at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natamaan sya ng bala. Dahil sa nasaksihan ng isa pang halimaw na may kapulahan pa ang mata ay nagmamada- li itong tumalon na lamang sa bintana kahit pa nasa ika-apat na palapag ang apartment namin ni Soleng. Ilang minuto pa ang nakalipas ay may narinig akong malakas na tunog na nagmumula sa labas. Malamang ay sirena ng pulisya. “ Wang wang wang” 120

KUBETA Madilim ang gabi, kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ang hamog ay unti unting pumapasok sa wasak na bintana. Bakas sa loob ng apartment ang naging kumo- syon. Ang mga parapernalya ay nagkalat sa marumi at magaspang na sahig habang patuloy lang sa pag-agos ang pulang sariwang dugo ni Soleng. Nanginginig ang mga kamay ko sa sulok at wari’y isang baliw na bumubulong-bulong mag-isa. Hindi halimaw ang winakasan ko ng buhay kundi ang dati kong nobyang si Soleng at ang lalaki nya, marahil lango ako sa alak at droga kaya’t ganon na lamang kalakas ang naging tama ko. “Ang ex kong si Soleng ay pumanaw na at sa mga kamay kopa” bulong ko habang natatawang humihikbi sa loob ng kubeta. 121

KUBETA 122

KUBETA julia by: Ma. Riane Arevalo Julia the Maganda “Julia!” Agad akong napalingon sa tumawag sa maganda kong pan- galan. Nang tuluyang maharap ang baklang feeling maganda automatic na tumaas ang perpektong kurba ng aking kilay. Sumalubong sa aking paningin ang nangungunang tiyan ng kaibigan ko. Napangiwi ako. Nakayukong lumapit siya sa akin. Ang dalawang kamay na nakapatong sa kanyang tuhod at ang kanyang katawan na umaalog sa sobrang hingal. Ang malalaki nyang mata na pumungay dahil sa pagod ay maluha-luha pa. “Oh bakit? Gusto mo na naman ng autograph?” Natampal ko ang aking noo. “Gandang ganda ka talaga sakin no?” Saka eksaheradang hinawi ang mahaba kong buhok. Sumimangot siya sa akin. Wari’y hindi sang-ayon sa aking sinabi. “Tumigil ka nga sa kakaimagine mo. Naiinis ako sa mukha mo, baka gusto mong masapak?” aniya. Umikot ang aking mata sa kanyang sinabi. Kahit kailan hindi sumang-ayon sakin ang kaibigan kong yan. Talagang pinanindigan niya pagsisinungaling sa mga nakikita at naririnig nya. “Anyway highway, sinundan talaga kita dito dahil sa itay mo. Sinabi nya umayos ka raw pagpunta mo sa bayan. Wag ka daw magdadala ng panibagong lalaki sa inyo.” halata ang disgusto sa mukha nya habang sinasabi ang bilin ng itay. “Si itay talaga protective sa magandang dilag niyang anak.” Natatawa akong nagpose sa harap ni Kolokoy. Inirapan niya ako. “Tumigil ka nga sa kahibangan mo Edgardo Julio Kamandag Jr. ! Pasalamat ka at kaibigan kita dahil kung hindi baka binaon na kita sa lupa. “ Nagtataray na naman si kolokoy dahil sa inggit sa aking mala-anghel na kagandahan. “Sige na. Aalis na ko. Ip- agkakalat ko na ang aking angking gandang nagliliwanag.” Inilagay ko pa ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo at nagkunwaring may hawak na korona saka taas noong ngumiti at umikot sa kanyang harapan. “Ewan ko sayo. Bahala ka na nga jan. Baka di kita matantsya dahil sa ginagawa mong yan” Busangot ang mukha ni kolokoy na tinaliku- ran ako. Lalo pang naging pato ang kanyang hitsura sa ginagawa nyang pagnguso. Akala siguro’y kyut sya paningin ko. Pasalamat nalang sya at kaibigan nya ako, dahil kung hindi baka sabihin ko ang totoo na mukha syang gorilla sa putikan. Buti nalang pinanganak akong maganda kaya hindi na kailangan pang magpakyut. 123

KUBETA Kumekendeng ang mga balakang na pumasok ako sa mall malapit dito sa lugar namin. Hindi na nga nagawa pang tingnan ng gwardya ang bag kong dala dahil natulala yata sa ganda ko. Malaki ang aking ngiti na ipinagpatuloy ang paglalakad. Eksaherada kong hinawi ang aking buhok na ginamitan ko pa ng mamahaling shampoo. Inayos ko rin ang pagkakasabit ng aking mamahaling “Chanel”bag sa aking braso. Ang red stilletos ko na binili pa ng magandang kumare ni inay mula sa France ay lumilikha ng tunog sa bawat hakbang na aking gagawin. Hindi mawala ang ngiti sa aking manipis na pulang labi dahil sa atensyon na binibigay ng mga tao sa akin. Ang kanilang mga kumikislap na mga mata tuwing makikita ang liwanag na aking dala. “Ang ganda ko talag----” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may grupo ng mga babae ang tumatawang nakatingin sa direksyon ko. “Ano ba yan. Feeling maganda. Eh mukha ngang unggoy na naligaw dito sa mall hahaha” “Porke naretoke na ang ano akala mo babae na talaga. Hoy wala ka paring matres kuya!” Saka sila malakas na nagtawanan habang diring diri silang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid ko. Lahat ng tao ay tumatawa rin tuwing nagagawi sa akin ang kanilang tingin. Ang iba ay pasimpleng bumubulong ng masasakit na salita kapag ako’y kanilang nilalampasan. Huminga ako ng malalim. Hinayaan ang mga matang pandirian ako. Sinarado ko ang aking tenga sa masasakit na salita na natatanggap ko mula sa mga tao. Hindi pinansin ang kanilang disgustong mukha sa tuwing tinitingnan ako. Iwinaksi ang lahat sa aking isip. Diretso akong naglakad papunta sa comfort room. Nang makarating doon ay mga matang mapanghusga pa rin ang aking nakikita. Hindi ba sila nagsasawa na hangaan ang aking taglay na kagandahan? Hindi ba sila napapagod sa pagpuri sa magandang katangian ko? OMG Cassie. Gandang ganda na naman ang lahat sa akin. Akmang papasok na ako sa comfort room ng may kamay na humawak sa braso ko. “Ah excuse me lang kuya, hindi ka pupwede jan.” sabi ng isang matabang babae. Tinaasan ko sya ng kilay. Malabo ba ang mata ni ate at hindi nya nakikita kung gaano kaganda ang babaeng kaharap nya? “Excuse me?” mataray kong tanong. Sumimangot ito at naiiling. “Kuya hindi ka pwede jan. Lalaki diba? Pambabae yang cr na papasukan mo.” Mas lalo pang tumaas ang dalawa kong kilay. Hindi lang yata malabo ang mata ni ate, mukhang nabulag na ng tuluyan. “Mukha ba akong lalaki sayo, ate? Hindi mo ba nakikita to?” saka ko ipinakita sa kanya ang cleavage ko. “At ito pa” saka ko binakas ang kurba ng aking dibdib hanggang sa sumisigaw na balakang ko. Inirapan nya ako. “Lalaki ka pa rin kuya. kaya hindi ka pa rin pwede jan.” Iwinaksi ko ang kanyang kamay saka inirapan syang nilampasan. Dire-diresto akong pumasok sa loob ng comfort room. Syempre sa female, hindi pwede ang ganda ko sa male comfort room. Pero pwede na rin, baka may daks. Makakakita ako ng malalaking katawan syempre. Hanggang sa loob ng cr umabot ang mga plastik na tao. Yung mga mukha nila na akala mo ang ganda ganda e hindi man lang nangalahati sa ganda ko. Ang mga inggitera talaga sinasabihan ng masasamang salita ang kinaiinggitan nila. Bakit ba kase ang ganda ganda ko? Why so perfect Julia Kamandag? Pumasok ako sa unang cubicle nang hindi pinapansin ang mga pandidiri ng mga babae. Mas maganda kase ako at hindi nila matanggap yon. Binaba ko ang sarado ng bowl saka naupo doon. Kinuha ko ang chanel bag sa pagkakasabit sa braso ko saka ipinatong sa hita ko. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng aking dibdib saka ini-adjust iyon para luma- ki pang lalo. Mas ibinaba ko pa ang neckline ng suot kong fitted red dress na binili pa 124

KUBETA ni itay mula sa Italy. Ang gintong kwintas sa aking leeg ay mas inilabas ko pa. Matapos kong maayos ang suot ko ay saka ako lumabas. Hindi na ganoon karami ang mga babaeng naabutan ko. Ang isa ay saleslady na nagme-make up. Mayroon ding dalawang teenage girls na nagchichikahan pa ng kung ano ano. Pumwesto ako sa pinakadulong lababo. Ipinatong doon ang aking bag saka kinuha mula doon ang make up kit ko. Napatingin sa akin ang mga kasama ko sa cr dahil sa inilabas kong make up kit. Yes, bitches, that’s vice cosmetics. Mainggit kayo. Tinaasan ko sila ng kilay kaya napapahiyang nag-iwas sila ng tingin sa akin. Naiiling na naglagay ako ng make up at tuluyan pang nagmaganda sa harapan ng salamin. Inuna kong nilagyan ang kilay. Mas lalo ko pa itong pinakapal at pinakurba. Pinatungan ko pa ng blush on ang aking pisngi at saka ako nagla- gay ng pulang lipstick. Nang masatisfy na ako sa itsura ko ay saka ko nilabas ang Iphone 11 sa aking bag. Tumingin ako sa mga kasama ko. Busy silang lahat sa kani-kanilang gawain kaya binuksan ko ang camera ng cellphone at sabay selfie ng iba’t ibang anggulo. Meron pang nakawacky at nakadila. Mayroon na pacute habang nakapatong ang aking baba sa ibabaw ng aking kamay. At syempre hindi mawawala ang fierce na wapak pang profile picture sa facebook. Nakipagtsismisan na din ako sa kakilala kong transgender din na nakita ko sa loob ng cr. Ang bongga nya dahil maganda rin sya like me. Iba talaga kapag in born ang beauty, kinaiinggitan ng lahat. Kaya sa mga taong mahilig manlait at manghusga? Pakyu bitches because I’m too beautiful. Hindi tatalab ang mga panlalait nyo sa dyosang katulad ko. Masyado akong maganda para mastress sa kanila na ginagawang habit ang sirain ang ibang tao. I’m Julia the definition of beauty. Walang kasing ganda sa balat ng lupa. “Seriously? Ang ganda ganda mo naman Julia. Nung huli nating kita hindi ka pa tuli.” na- tatawa nitong sabi na sinabayan pa ng hampas sa balikat ko. Feeling close talaga ang isang to. Grabe. “Well, dalaga na ang beauty ko no. At wala na ang batang sinasabi mong hindi pa tuli. My gosh, sino ba yun? Hindi ko yun kilala” Napuno ng tawanan ang loob ng comfort room dahil sa aming dalawa. Hindi ko akalain na makikita ko ang isa sa mga madalas kong kasama noon maglaro ng beauty pageant kuno. And like me, nakuha na rin nya ang gusto nya na maging tunay na babae. Kung ano ang nais ng kanyang puso tulad ko. Sa buong maghapon ay gumala lang kaming dalawa. Yes, magkasama kaming namasyal at kumain sa mga fast food chain na matipuhan na, kung saan may fafang yummy. Mas magiging masaya ka lang naman kung ang ikasisiya mo ang pakikialaman mo at hindi ang ibang tao. By the way, I’m Julia the maganda. I believe in the saying, “Beauty is in the eye of the beholder in the nose of the monkeys” I thank you. 125

KUBETA 126

KUBETA 127

KUBETA pangwakas na salita: Matapos ang lahat ng mga akdang nasa mga naunang pahina, nawa’y namulat kang ang kubeta ay hindi na lamang basta parte ng bahay o ng kung ano pa mang establisimyento, hindi na rin basta labasan ng sama ng loob, salaminan, o kaya naman ay lugar sa mga panandaliang aliw kung ano man ang mga ito. Ang saglit na pananatili ay dadaig sa paninindigan ni Digong sa pagkamtan ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea dahil ikaw ang nagmamay-ari ng teritoryo. Solo mo ang ilang kwad- radong tiles na tinatapakan ng iyong mga paa. Ngunit sana ang kubeta ay sinlaki ng mundo. Sapagkat, ito ay simbolo ng sober- anya. Dahil sa loob nito, tayo’y malayang mag-isip. Tayo’y umiintindi. Tayo’y umuunawa. Tandaang walang kaso kung hindi tiyak kung gaano katagal ang igugugol mo sa loob. Ang tanging tiyak lamang ay pag ikaw ay naroroon, tuturuan ka ng lugar na ito ng leksyong payak lang ang buhay. Ito’y ginagawa lang kumplikado ng mundo dahil maaar- ing may kumatok at gumambala habang nasa kalagitnaan ka ng seremonya, maaari rin namang may mga maliligalig na laging nagreklamo kung bakit ang tagal mo sa loob. Nasa iyo kung magpapaapekto ka. Higit sa lahat, sa simpleng lugar na ito: pwede mong ilabas ang baho mo, pwede mong ibulgar lahat, at pwede mong ibaon sa ilalim ng lupa ang mga dapat na naroroon. Walang huhusga. Lahat katanggap-tanggap. Maraming salamat sa pagbabasa. Oliver q. Lasin Editor-in-Chief 128

KUBETA ANTIPARA Executive Editorial Board Oliver Q. Lasin, Editor-in-Chief Zyra Almendras, Associate Editor Patricia Isabel Gabuco, Managing Editor Ariane Jor R. Bautista, Business Manager Cyden Denise Catimbang. Auditor Oliver Q. Lasin, News Internal Editor Fiel Nadine Briones, News External Editor Editorial Board Zyra Almendras, Features Editor Alyssa Cuenca, Cultures Editor John Patrick Tacla, Development Communication Editor Rhea Bables, Literary Editor Vince Lean Hernandez, Sports Editor/Chief Layout Artist Dennis Andrei Arano, Chief Photojournalist Ceejay Titular, Chief Artist Editorial staff Aeren Laqui,Bon Arvee Pasajol, Reynald Delos Santos, Denzel Montoya, Deo Francis Arquisola, Desiree Anne Bitgue, Francis Homer Alberto, Gerold Maquiling, Ian Carlo Balajadia, Ira Lei Villalva, Jayjay Panopio, Jeramae Marqueses, Jianne Carandang, John Patrick Lahaji, Julius Rayven Bool, Juliusjarelle Blasco, Kim Thereze Alarcos, Kyla Veron Magnaye, Lencie Pasco, Luigi Ramos, Marian Areva- lo, Manuel Domingo, Maria Paula Gayle Cabungcal, Mariane Ramilo, Melvin Alvarez, Sofia Reyes, Pocholo Vincent Umali publications adviser Ms. Mayling Ilagan- Capuno Ms. Abigail Hernandez 129

KUBETA 130


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook