Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Antipara Volume 6 Issue No. 3 – Kubeta

Antipara Volume 6 Issue No. 3 – Kubeta

Published by The Brahmans Journal, 2020-09-12 06:21:38

Description: "Kung maagnas na ang lahat, tayo'y mga kalansay. Ngunit habang natitira pa ang laman, may isang lugar kung saan tayo ay payak, pantay at walang pagkakakilanlan. Samu't saring alaala, maraming kwento sa kubeta."

Search

Read the Text Version

KUBETA 51

KUBETA 52

KUBETA Salamin Sa Aking Silid By: Mariane O. Ramilo Sa harap ng salamin, ako ay gumigiling. Nahihiya pa. Pero ng nakumpirmang wala namang may pakialam, tinodo ko na. Itinaas ang mga kamay at sumasabay sa inday- og ng tugtugin mula sa aking isipan. Pumikit at tumingala habang natatawang lumu- luha sa sariling pinaggagagawa. Alas diyes ng gabi, heto ako’t mag-isang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin ng aking silid. Pero sa oras na ‘to, sigurado ako’ng, ako na lang ang naririto. Tangan ang isang map at sa gilid ay may mga panlinis na nakapaloob sa timba. Sumilay sa bintana at nakita ko’ng malalim na nga ang gabi. Nagsimulang itaas ang tingin. Gumiling giling. May lirikong lumabas sa aking bibig. Parang baliw na inaaya ang map na gumiling din. Natatawa sa saking sarili at inii- sip na ganito ba ang epekto nang mapagod sa paglilinis ng aking silid? Nakakatawa. Daig pa ang nakadroga. Lumuwas ako dito sa Batangas para ipagpatuloy ang aking kolehiyo sa isang Unibersidad, pero ang planong yon ay napagsa walang bahala na. Ni suporta ay wala ako sa kanilang makuha, minsan nga’y sinusumbatan pa na ako ay walang pakinabang, walang kwenta, at malas sa buhay nila. Ang pagkatalo nila sa sugal ay di ko na kasalanan. Ni singkong duling ay wala silang maibigay sa akin. Pati pagkain ko, marami pa ang sa kuting. Kilos ko lagi nilang inaantabayanan, di naman ako artista pero parating may kumento. Sa katiting na maling kilos ko, minsan pa’y napagbubuhatan pa ng kamay. 53

KUBETA Walang alam sina mama tungkol dito. Ang alam nila ay pinagpatuloy ko ang pag- aaral ko. Lingid sa kanilang kaalaman na yung buwan- buwan nilang padala sa’kin ng allowance ay napupunta sa pagsusugal ni tita at alak ni tito. Mayroong isang anak sina tita, si Kuya Mel, pero wala naman sya dito. Sa ibang bansa sya nagtatrabaho. Di rin nya alam yung gawain ng mga magulang nya. Di na ko magtataka kung isang araw ay gumamit na ng droga ang mag-asawa. Wala akong lakas na aminin sa kanila ang lahat ng to. Alam kong ma- gagalit sila kina tita at natatakot akong manyari yon. “Bela, may limang daan ka ba dyan? Pahiram muna at ipantataya ko lang” Mahinahon ang paraan ng pagkakasabi. Pero alam kong sa oras na sumagot ako ng ‘wala’ ay katakut takot na bulyaw at sumbat na naman ang aking makukuha. Alam nila kung san nakatago ang aking alkansya. Madalas ding mangyari yung pagkakauwi ko sa bahay ay nalimas na nila ang lahat ng pera ko. “may raket ako’ng ibibigay sa’yo. Pag maayos ang trabaho mo, pwede kang maregular” alok ni Ben, kaibigan ko. Isang alok na wala nang pagdadalawang isip na tinanggap ko. Magrerekla- mo pa ba ako eh kailangan ko rin ito. Unang araw ay inabot agad sa akin ang mga gamit panlinis. Itinuro kung saan ako magsisimula at magtatapos. Di inaasahang ganitong trabaho ang ibig sabihin. Hindi ito ang nais at pangarap ko. Pero sige na nga, ito na muna pansamantala. Sa isang Unibersidad na dapat ay papasukan ko bilang mag-aaral, ay pina- pasukan ko bilang isang tagalinis ng isang silid na ginawa ko ng sakin. Ilang estudyante ang labas-masok sa aking silid. Halos saulado ko na ang kanilang gagawin sa tuwing pumapasok sila dito. Gumagalaw sila na para bang ako’y isang anino lamang, di binibigyang pansin. Ako naman ay di makaintay na dumating ang alas diez ng gabi. Di para magpahinga, kundi para tingnan ang sarili sa salamin at gumiling giling. Minsan ay alas otso ako umuuwi pag wala akong gana maghintay ng oras. Naaabutan ko ang mag-asawa na tila kay saya at ayun na nga sa tamang hinala. Bawal na gamot naman ang kanilang tinitira. Nawalan ako ng gana umuwi dahil sa ganung klase ng eksena kaya madalas ay dito sa aking silid ako nagpapalipas ng gabi. Isang beses nang nahuli pero mabait si manong, pinagbigyan ako’t ito na raw ang huli. Isang araw, pagpatak ng alas dies na akin talagang hinintay. Tapos na ang klas at wala na ang mga propesor at estudyante. Tanging ako na lang at si Manong guarD ang natira. Sa harap ng salamin, ako ay gumigiling. Nahihiya pa. Pero ng nakum- pirmang wala namang may pakialam, tinodo ko na. Itinaas ang mga kamay at sumasabay sa indayog ng tugtugin mula sa aking isipan. Pumikit at tumingala habang natatawang lumuluha habang inaalala ang gabi5ng4yon. Walang mapagsabihan. Walang

KUBETA malapitan kundi ang sariling repleksyon sa salamin sa loob ng banyo. Ang map at mga panlinis ang tanging nakakarinig ng aking hinaing. Si tito, panghahalay ang sinalubong n’ya sa akin noong isang gabing umuwi ako. Tumingin ako kay tita ng may pagmamakaawang ako ay tulungan, bagkus ay tumaas lang ang kilay at natatawang nanonood sa amin. Sa harap ng salamin, ako ay gumigiling. Umaasang malilimutan ko rin ang madilim kong kabanata. Nahihiya pa pero nang makumpirmang wala namang may pakialam, sa mata ko’y malayang umagos ang mga luha. 55

KUBETA 56

KUBETA lesbian By: Kayla Veron Magnaye She’s pretty, she’s sexy She’s smart and so tidy Boys will go crazy One look and you’ll see, The girl you want to marry I’m lucky to be her But I know I’ll be happier I then rushed my way to my comfort zone A place where I can be alone The four corners who knows the secret that I own I tie my hair, pretend my beard grows And wear shirts were my masculinity shows I looked at the mirror and saw my true color Thanks to you, I can be the person I wish for You’re a haven where I bloom, though you’re just a bathroom Please let me be me I want to be free In this so-called world full of mess I am me, in my lesbian nest Let’s be honest 57

KUBETA 58

KUBETA 59

KUBETA 60

KUBETA DUMI SA KATAWAN By: xxxxxx “Ibaba mo pa please…” nasabi ng customer ko habang hawak ang aking kanang kamay na may nangungusap na mga mata. Ilang taon na nga ba simula ng masimulan ko ang trabahong to? Ilang taon na nga ba ang lumipas simula nang tumanggap ako ng customer? Hindi ko na rin mabilang sa rami na ng taon kong iginugol sa trabahong ito. Ito na rin ang kinalakihan kong trabaho. Namulat ako sa hindi magandang trabahong ito dahil sa kahirapan. Kung hindi pa gagawa ng hindi mabuti ay hindi mabubuhay sa araw araw, malamang dilat na ang mata namin sa gutom at uhaw. Pasikretong kumuha ako ng mga nude na litrato at videos ng mga babaeng gusto pasun- dan ng mga customer kong lalaki. Mapa-matanda man o binata, maging mga byudo o may mga asawa na. Naaalala ko pa ng simulan ko ang trabahong ito at gawing negosyo. “Ako bayad iyo laki pera. Ikaw kuha ganda katawan babae, oke?” sabi ng intsik na aking kausap. Isang matandang intsik na nangunguna pa ang tiyan sa paglalakad, may puti narin syang balbas na halos umabot na sa kanyang dibdib. Ang suot na salamin sa mata nito ay hindi nagawang itago ang singkit nitong mga mata at ang balat nitong lumalabas ang katandaan. Isang araw, nareceive ko ang message ng intsik sa facebook ko. Gusto nya na kumuha ako ng nude pictures and videos ng babaeng gusto nya na sundan ko. May ibinigay sa akin ang dayuhang customer na litrato ng babaeng gusto nyang sikreto kong kuhanan ng mga nude pictures and videos. “Ay sis sinasabi ko sayo! Bagay sayo yang bra na pinapautang ko. Maganda ang klase galing pang ibang bansa yan!” tuwang tuwa kong sabi sa babang customer ko sa mga bra at panty na tinitinda ko. “Sure ka ba bakla? Para Kaseng Malaki sakin to e.” Umiling-iling ako. “No no no.. bagay yan sayo ..Matuwa ka pa dahil tunay iyang mga dibdib mo no. Sakin nga may patong lang. Hmp! Sukat mo bilis.!” Saka ko sya hinawa- kan sa dalawang balikat at dahan-dahang itinutulak sa banyo ng kaniyang apartment. Nang 61

KUBETA tuluyang makapasok sa banyo, walang ingay ang mga hakbang na ginawa ko pabalik sa inuupuan ko kanina saka kinuha ang cellphone sa bag. Bilisan ng kamay ang ginawa ko para mai-on ang camera na ikinabit ko nung ginamit ko ang banyo pagdating ko dito. Ang mga nude pictures and videos na makukuha ay ipagbebenta sa customer. Mas nude mas malaki ang perang kapalit. “5,000, ikaw bayad akin.” Panggagaya ko sa intsik na kausap habang ipinapakita sa kanya ang mga litrato gaya ng iniutos nya. Nang mahawakan ko ang perang binayad ng intsik, may sayang hatid ito sa akin sa kabila ng katotohanang galing iyon sa madumi at maling paraan. Napasambit akong bigla “ pera pera lang ang labanan sa buhay”. Sabay na nakangising umalis sa lugar. Malaki laki na ang pera na aking naiipon. Sa tagal kong naging hanap-buhay ang negosyong ito, hindi ko na maramdaman ang guilt sa mga masasamang gawain ko. Sa sobrang sanay na sa pakiramdam, parang wala na lang sakin. “I want a nude picture of this girl. As many shots as you can. Can you do that?” Isang gabi, dumating ang amerikanong ito sa napag-usapang lugar. Malapit lang sa BGC ang kainan na gusto ko na maging meeting place namin. Matipuno ang pan- gangatawan nito at maputi ang kanyang balat. Halata sa blonde nitong buhok ang pagiging dayuhan. “I want the whole body without clothes. I’ll pay you twice if you can do that.” May- abang nitong sabi. (Twice daw? Hala! Malaking pera yun! ) mga bagay na naglalaro sa isip ko. “Sure! Sure!” Tumango-tango pa ako. Nagagalak sa malaking halaga na iniooffer ng kano. “Here’s the picture. Make this as a secret. No one should found this. Are we deal?” Natahimik ako. Hindi dahil sa sinabi ng kano kundi dahil sa picture ng babaeng gusto nya na kuhanan ko ng walang saplot. Ang maamong mukha ng babae, ang matamis nitong ngiti, mapupulang labi, at ang mga matang puno ng saya. Para akong napipi sa hindi malamang dahilan. “Are we okay, right?” Paninigurado ng kano. “H-Ha ? Ahh yah. We’re okay.” Tumango tango ako na parang wala sa sarili. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng babae sa litrato na binigay ng kano.Bakit sa dinami-rami ng babae sa mundong to bakit yun pa? Bakit ang--- “Kuya? Kuya? Okay ka lang ba?” “H-Ha?” “May problema ba ang maganda kong kuya—ay ate pala. hihihi” Saka sya humagikhik. “Bakit ikaw pa?” wala sa sarili kong tanong habang nakatitig sa maamong mukha ng kapatid ko. “Anong ako, kuya?” “Ha? Ah wala yun. Halika ka na. Paliliguan na kita.” 62

KUBETA Sya si Nene, ang nakakababata kong kapatid. Dalagita palang sya pero makikitaan na ng magandang hubog ng katawan. Kung sa unang tingin ay hindi mapagkakamalang nasa desesais palang ang kanyang edad. Ngunit hindi rin maitatanggi ang kanyang kapintasan. Bulag ang kapatid ko. Makalipas ang dalawang araw, nandito akong muli sa dating tagpuan namin nung kano. Dumating ako sa lugar na to ng mas maaga. Gusto kong makapagisip-isip. Tama ba tong ginagawa ko? Sarili kong… Bumuga ako ng hangin. Ilang araw ko ng pinag-iisipan ang bagay na to. Kung itutuloy pa ba o hindi na. “You’re good. You’re good.” Tumatango-tangong sabi ng kano. Mukhang nagustuhan nyang talaga ang mga kuha ko. “Here’s the payment ” muli, nakatanggap ako ng malaking halagang salapi. Ngunit hindi na katulad ng dati, wala akong naramdamang saya nang lumapat ang makapal na sobre sa aking palad. Wala akong ibang maramdaman kundi guilt at pagsisisi. “Kuya? Ikaw na ba yan?” natanaw ko ang kapatid ko na nakaupo malapit sa bintana, ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Naroon sya nakaupo sa paborito nyang upuan malapit sa bintana sa tuwing ako’y kanyang hinihintay. “Ne, may good news si kuya sayo.” Nag-init ang sulok ng aking mga mata ng makita ang ngiti na kapareho ng nasa litrato. “Talaga kuya?! Ano yun!?” excited nyang tanong. “Mapapagamot ko na ang mga mata mo. Makikita mo na ang ulap…” kinagat ko ang aking labi para pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking lalamunan. Bakas na bakas ang saya sa mukha ng aking kapatid. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil wala akong kwentang kapatid. Wala akong kwentang kuya para ipagbili ang hubad baro na katawan ng sarili kong kapatid. Hubad barong katawan ni Nene. 63

KUBETA 64

KUBETA PANANAW NG ISANG INIDORO (Para sa mga taong may pinagdaraanan at ginamit lamang) By: Kyla Veron Magnaye Marami nang pagsubok ang iyong pinagdaanan, Iba’t ibang mga hinanakit na ang naranasan, Minsa’y nagtatanong kung bakit nagkaganito? Pero andyan ka parin at nakatayo sa iyong trono, Marami nang tao ang ginamit ka lamang, Andyan lang sa tabi mo ‘pag may kailangan, Minsa’y nagtatanong kung ikaw nga ba’y kanilang gusto? Ngunit andyan ka parin at nag-iintay sa pagdating ng mga tao, Marami nang sa iyo’y umalipusta’t ika’y sinukahan, Samantalang ika’y laging nandyan, sumalo’t naging tanggapan, Sama ng loob ay iyong kinai’t nilunok, Minsa’y nagtatanong, hanggang kalian magiging marupok? Marami nang yumurak sa iyong pagkatao, Inapakan, inupuan, minaliit kang totoo, Paano ka naman tatakas sa buhay mong ito? Masaklap ang iyong naging kapalaran, kaibigang inidoro, 65

KUBETA 66

KUBETA tainted porcelain By: Sofia Nicole Reyes Here we are again, an odd pair of old friends, keeping each other’s company while I impatiently tap my foot on the cold tiled floor. I sighed. I continued putting a pink blush on my cheeks and my nude lipstick. I fixed up my hair and put a hairclip be- cause that’s my trademark. Hairclip is my trademark. This was my image I’ve build up for myself in the front of the cameras. I reached for my camera on the left side of a dried sink of my bathroom. I turned it on and I counted one to three before starting to perform my so called “persona”. “Hey, Guys! This is your bathroom girl, Micca Jane, so for today’s video, I’m gonna do a house tour for you since most of you requested this, are you ready?” I laughed, as if I’m really talking with someone. Well, camera is my friend, but bathroom is my bestfriend. I’ve became a widely known vlogger because of my video’s intro and outro. I always start my vlog here, inside the bathroom and then I’ll end it here too. This has been my comfort zone for al- most a couple of years now, even if I was hardly crying, shouting and lying down on the floor, no one will ever know. As I shower, water flows down together with my own warm tears. “Tune in and let’s go!” It was a hyped-up. I went inside of the bathroom to start filming. I roamed around the house and took videos of my favourite parts of the house like kitchen, living room, my bedroom and especially, my bathroom. I explained them why I like it. The moment I finished filming for my vlog, it’s my turn to bring back my “perso- na” while having it recorded with my cameras. I aways set my camera located at the left side of my back allowing it to film my clear reflection in the mirror. 67

KUBETA I looked at the big rounded porcelain mirror. I smiled at myself. A strong woman is standing. I’m proud of it, even if my parents were not. Vlogging serves as my escape from desolate . I always feel that my subscribers could save me from being lonesome but the Micca Jane they know is not the true Micca Jane I knew of. I took off my clothes and went to the bathtub. I need this now. I closed my eyes and tears started to flow down. I have a lot of secrets with me, with my family. On cam, they see me as a successful person, a smart person, a happy person, but in reality, I was not. I didn’t graduate. My parents wanted me to become a lawyer but I wanted to become a doctor. They pressured me so much that I ended up not going to school which might be the reason why they abandoned me. They hate me for being a disgrace for not finishing my degree. Well, a mayor and a congresswoman with a daughter that has no degree? I think that’s really shameful. One day, I decided to start living in my own. I worked for myself because I didn’t get any support. I feel so depressed but when I am here, inside my bathtub, somehow, I feel secured and happy. It’s like, someone envelops me with care and a cold yet harmless embrace coming from the water. The sweet scent of the bubble soap makes me calm during my raging episodes. This has been my friend for a long time, an odd friend who keeps me company whenever I need one. And now, I have a new secret to reveal to it. I have these two lines of scars on my wrist. These gets deeper, redder and more painful as I stare at it. This is not a suicide for me, this is an escape. I want to know that I can still feel the pain, because for all my life, I got really numb. I stood up from the bathtub to fix myself. I shouldn’t be like this forever. I need to fight, I need to live the life I deserve but suddenly, I heard something clicked on the floor, it was my camera. I picked it up and flashbacks happened inside my mind. This bathroom has always been my rock, the only place to ever actually see the real me. And there were many times I did it before while I wept silently, trying to drown my sobs with each flush, the water twirls inside the toilet makes it hypnotic. I felt so nice with bearably joy permitting me to feel that I’m never alone in this four cornered comfort zone. I have two lines of scars on my wrist and now I am holding a PT brandish- ing two red lines that I won’t be able to hide for long. I looked at my tummy and caressed it wholeheartedly. I know sooner, this will grow. I’ll no longer be needing this comfort zone because I’ll never be alone anymore. I don’t need to ask for more com- panies because at last, I got one. 68

KUBETA 69

KUBETA 70

KUBETA Attitude Based on a true to life documentary By: Ciel He is charming, his grins enchanting, He’s a jockey, a quarter-back, good at anything, He loves parties, but most of all, he loves the girls dearly, He calls it love but he treats them poorly, He is an only son, He lives in luxury, a typical guy with a natural tan, He is surrounded by expensive things, He is also fond of booze and some weeds, He is not suspicious, He is not lubricious, He is not among both, He vows hypocrisy oath, He is a popular one, He is always with someone, He is needy, He is greedy, 71

KUBETA 72

KUBETA the curse of the throne By:Sofia Nicole C. Reyes Hindi na mapigilan ang lakas na ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan na ako nag malagkit. Humangin ng malakas dito sa reception hall ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko kaya tumaas pa lalo ang mga balahibo ko sa braso. Pinag- daop ko na rin ang palad ko dahil ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ko. Konti nalang. Konti nalang talaga lalabas na to. Hindi ko na kaya. Taeng-tae na ako. Kinulbit ko si Jillian, officemate ko, para sabihin na magsiCR lang ako dahil hindi ko na talaga kaya itong sakit ng tyan ko. “Ano ka ba naman! Ngayon na ipapakilala yung bagong CEO, ngayon ka pa ba mawawala? Diba sabi ni Ma’am wala raw aalis sa pwesto hangga’t—” Hindi ko na sya pinatapos at tumayo na ako dahil taeng-tae na talaga ako. Kapag hindi pa ako umalis doon, baka doon pa ako samain. Nakakahiya nga kanina kasi napautot na ako ng wala sa oras pero yung mukha ko dedma lang. Kunwari nalang ay hindi ako nagpakawala ng isang nakakasulasok na bomba sa loob ng airconditioned room na ito. Hindi nila pwe- deng malaman na ako yun dahil isang malaking kahihiyan yun. “Excuse me, padaan po.” Sambit ko sa sa mga taong nakahara sa dadaanan ko. Kanina pa ako nagsusumiksik sa mga tao dito na padaanin ako. Ngayong araw kasi ipapa- kilala ang panibagong CEO ng kompanya namin kaya napakaraming tao dito ngayon. Pati mga empleyado ng ibang kompanya ay naririto din kaya medyo crowded. Sinabihan pa kami kanina ng manager namin na wag aalis sa pwesto kasi kailangan daw naming pu- malakpak at magpakitang gilas pero bahala na sila. Uunahin ko pa ba yung CEO na yun kesa sa nagwawala kong tyan? Kainis. 73

KUBETA “Excuse po, excuse,” Dalawa pang tao ang dinaanan ko bago makarating sa CR. Dali dali akong tumakbo sa loob ng cubicle at saka naglabas ng sama ng loob. Kampante naman ako na kahit bumaho pa ang CR na ito ay wala namang makakaamoy dahil walang tao dito. Lahat ng tao ay busy doon sa pagaanunsyo ng bagong CEO kaya wala naman sigurong maiihi o matatae man bukod sakin. “And now, please welcome, our newest CEO, Mr. Jiro Barret.” Nagflush na ako at nagsimulang magayos ng sarili. Narinig ko nagpalakpakan ang mga tao sa recep- tion hall dahil sa anunsyo nung emcee. Tinawag na siguro nya yung bagong CEO. Inayos ko ang tuck in ng long sleeves at belt ko. Sinigurado kong hindi mababakas sa akin na naglabas ako ng sama ng loob. Paglabas ko ng cubicle ay bigla akong napatigil. Bakit may lalaki dito?! Oh god! Inilibot ko ang mata ko sa paligid ko ay saka ko lang napagtantong. Nasa panlalaking CR ako! Nakakahiya! Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa lalaking nakatingin sakin. Kitang kita ko sa mukha nya ang pagtataka at pagkagulat. Bakit ba hindi ko man lang muna tinignan kung tama ba tong napasukan ko? “Mr. Jiro Barret, may I call you on stage, please?” rinig kong sabi ng emcee, kaya biglang tumahimik ang mga tao. Oh my. Hindi maaari. Nginitian nya lang ako sabay umalis na parang walang nangyari. Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil sa kahihiyan at inis. Bakit ba sa lahat ng lalaking pwedeng makakakita sak- in ay ang panibagong CEO pa ng kompanya? Nakakahiya talaga. Lupa, please, lamunin mo na ako. Mabuti nalang at walang pakialam sakin si Sir Jiro noong mga panahon na yun. May dalawang linggo na ang nakakaraan pero tahimik lang sya sa nangyari. Wala paring nakakaalam sa katangahang ginawa ko sa CR ng mga lalaki. Mukhang nagpatay malisya na nga lang talaga sya. 6:00 PM na ng hapon nang mapagdesisyunan kong ligpitin ang aking mga gamit nang may biglang kumatok sa pinto. Muntik ko ng mabitawan ang laptop na hawak ko nang makita ko si Sir Jiro na nakatayo sa pinto. Magkaekis ang kamay nya at bukas ang isang butones ng kaya polo habang patagilid na nakasandal sa pinto. Ang gwapo nya talaga . “Hatid na kita.” Sabi nya. Napakurap ako ng ilang beses bago ako nakapagsalita. “Po?” Hindi sya sumagot bagkus ay lumapit pa sya sakin. Parang tumigil ang mundo ko sa paglapit nya. 74

KUBETA “Sabi ko, hatid na kita.” Paguulit nya sabay kuha ng bag ko at sinakbit sa kanyang balikat. Naglakad lang sya palabas ng pinto habang naiwan akong nakanganga dahil sa ginawa nya. Nang bumalik ako sa katinuan ko ay dali dali ko syang sinundan. Tumakbo ako palapit sa kanya. “Bakit? Ano to? Bakit may paghatid ?” Napatawa lang sya sa pag- tatanong ko. “Because I like you.” Nakangiting sabi nya sakin. Ano daw? “Ha?” Pwede bang pakiulit? Mali lang yata ako ng narinig. “Look, Ms. Rina, gusto kita,” Kalmado nyang sabi habang nakangiti. Paano nya nagaga- wang maging sobrang kalmado habang yung puso ko ay parang sasabog na sa bilis ng pagtibok? Napakamot sya sa batok nya, at yumuko. Oh god! Namumula sya! Ang cute nya! “Simula nung nakita kita sa CR ng mga lalaki noong araw na yun” bigla kong tinakpan ang bibig nya at kitang kita ko ang gulat sa mata nya. “Wag kang maingay baka may makarinig sayo!” halos pabulong kong sabi sa kanya. Nakatingin lang sya sakin kaya agad naman akong lumayo. Sobrang napalapit pala ako sa kanya nang bigla kong takpan ang bibig nya. Tumawa sya at umiling. Ilang araw ang lumipas mula nung nagtapat si Sir Jiro, I mean, Jiro. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Hanggang ngayon ay consistent sya sa paghatid, pagsun- do, pagsabay sakin sa tanghalian, pagbibigay ng bulaklak sa office, at pagtawag sakin sa gabi bago matulog kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinagot ko na sya. Aarte pa ba ako? Tatlong taon ang lumipas, kami pa rin. Nakakatuwa lang isipin na kung ano sya noong una ay ganoon pa rin sya hanggang ngayon. Walang pagbabago. Wala syang ginagawang kahit ano para saktan ako. Ramdam na ramdam ko talaga na mahal na mahal nya ako. Hanggang sa isang araw, pagpasok ko ng opisina nya, nakita ko syang may kahalikan na ibang babae sa restroom ng opisina nya. Isa ito sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan na magagawa nya sakin. Ang lokohin ako. Nagulat sya nang makita akong nakatayo sa pinto. Umalis ako. Ayoko syang makita. Nanlalabo na ang paningin ko sa patuloy na pagiyak. Tinatawag nya ang pangalan ko habang hinahabol ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit. Hindi na ako makapagisip ng maayos. Ang alam ko lang, ayokong makita sya. Ayokong marinig sya. Ayoko muna syang kausapin. Dire-diretso lang ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makarating kami sa lobby. Binilisan ko pa ang lakad ko pero nahabol nya pa rin ako. 75

KUBETA “Rina, please, let me explain. Nagkakamali ka. Hindi kita niloko, pumasok sya bigla sa opisina ko tapos—” sinampal ko sya. Wala akong masabi dahil sobrang gulo ng utak ko. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Sobrang sakit. Hindi ko na kinakaya ang sakit. “Mahal na mahal kita, Rina. Hinding hindi ko magagawa sayo yun, parang awa mo na wag mo akong iwan.” Lumuhod pa sya sa harap ko at niyakap ang mga binti ko. Sobrang sakit na makita syang ganito. Umiiyak at nagmamakaawa. Pero paano naman ako? “Tama na muna, Jiro.” pabulong kong sabi habang pilit na kinakalas ang mga kamay nyang nakayakap sa mga binti ko. Nang makabitaw ako sa kanya ay agad akong tumakbo papunta sa kalye. Tatawid na sana ako nang makarinig ako ng malakas na busina ng isang sasakyan. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa sahig. Sa pagkakataong minulat ko ang mga mata ko, halos masilaw ako sa kulay puting ilaw na bumungad sa akin. Lumingon ako sa tabi ko at nakita ko sina Mama at Papa. Nilapitan nila ako at hinawakan ang kamay ko. “Nasan si Jiro?” tanong ko. Nagkatinginan muna silang dalawa saka nagsalita. “Wala na si Jiro, Rina. Patay na siya.” sambit nilang dalawa. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Napatulala nalang ako at ramdam ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko. “Imbes na ikaw yung masagasaan kagabi, tinulak ka nya palayo kaya sya yung nasagasaan ng truck.” Naiiyak na sabi ni Mama. Ramdam ko ang pamamanhid ng buong kong katawan sa sobrang sakit. Yung puso ko parang pinagpipira-piraso, parang sinasaksak ng maraming beses. Sobrang sakit. Napatingin ako kay Mama nang may inabot sya sakin, isa itong kahon. Pag- bukas ko, napatakip ako ng bibig nang makita ang isang maliit na box at phone. Kinuha ko ang maliit na box at binuksan ko ito. Nakita ko ang singsing na may dyamante. Ito yung singsing na sinabi ko sa kanya na gusto kong engagement ring. Binuksan ko yung phone nya at ang unang bumungad sakin ay ang isang video. Vini-videohan nya ang sarili habang nagsasalita na para bang kausap ako. Hawak hawak nya rin ang singsing na dapat sana ay sya ang magbibigay sakin. “Hello,Rina..Uhm, paano ba to?” tumawa sya sa video kaya napangiti ako habang patuloy parin sa pagpatak ang aking mga luha. “This is my engagement ring for you. I hope you like it. Nung nakita kita sa CR, napatitig talaga ako sa ganda mo. Nagtataka pa nga ako kung anong ginagawa ng isang dyosa sa CR ng mga lalaki. Ang nonsense diba? Pero mukhang nakatadhana talaga na magkamali ka ng CR na pinasukan dahil nakilala kita. There, I knew, I want to have you in my life. Araw araw, habang pumapasok ka sa trabaho, lagi kitang tinitignan mula sa malayo. Kapag ngumingiti ka, napapangiti n7a6rin ako. My happiness is you, Rina. I

KUBETA want to spend the rest of my life with you. You know, my ex were bothering me when she heard the news about us, pero hindi ko sya pinapansin. Sinasabi ko na nga na tigilan nya ako dahil hindi ko na sya mahal, hindi ko sya kailangan dahil meron akong “ikaw” Rina”. Pagdidiin nya.”Wala akong balak na lokohin o saktan ka dahil ang balak ko lang ay ang mahalin ka at pakasalan ka. Handa na akong maging parte ng buhay mo. Handa na akong makasama ka habambuhay. Ikaw? Handa ka na bang maging asawa ko?”. Dag- dag nya pa. “I won’t take a No, baby. I love you, my comfort room girl.” Natapos na ang video pero ang pagsisisi ko, mukhang hindi na matatapos. Kagaya ng hindi ko pagpigil sa pagmamahal ko sa kanya noon, hindi ko na rin siguro mapipigilan ang sarili ko na masaktan ngayo 77

KUBETA 78

KUBETA Idinag’is By: Mariane Ramilo Sa loob ng paborito kong silid Kung saan kung anu ano ang naiisip Ang dilim ay nakapalibot Mga alaala kong nakakapangilabot. Isang dag’is Para sa aking duming hindi maialis. Ikalawang dag’is Para sa mga problemang ayaw pang umalis Ipinikit ang mga matang pagod na Ang isip ay puno ng problema Pinipilit lumaban para sa pamilya Paulit ulit ibinubulong, “mahal kita”. Humingang malalim Ikinalma ang sarili Sa pagod ay hindi na napansin Napatitig na sa harap ng salamin. Sa trabahong ito nakilala ang buhay ko At dito ko rin pala Siya ay lilisanin Tadhana, gusto akong hamunin. Naisip na wala na akong dahilan Para bumangon sa umaga At harapin ang problema Sapagkat ang buhay ko, nawala ng bigla 79

KUBETA Nawala ng dahil sa kapabayaan ko Hindi naisip na delikado Ang magmaneho ng jeep na to Ang kukuha sa mahal ko. Naalalang tapos na nga pala Ang pagdag’is at pagod ko Tapos na ang lahat Maari nang magpaalam 80

KUBETA 81

KUBETA 82

KUBETA invisible By: Reynald Delos Santos Nagising ang aking diwa ng marinig ko ang isang malakas na kalabog mula sa labas nitong cubicle na aking kinalalagyan. Mga tawanan ng mga kalalakihan ang mapa- kikinggan mula sa labas at gayundin ay mahahalata ang dami ng tao na naririto sa loob ng palikuran nang lumang mall. Itong cubicle na ito ang pinakapaborito kong pun- tahan at tambayan sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa aking kasalukuyang kalagayan. “Setan” mahina kong sambit sa pangalan ko na nangangahulugang nakikita o na- kikitaan. Kung ano mang iginanda ng pangalan ko ay siya namang kasingpangit ng totoong reyalidad na mayroon ako. Madalas ay walang napansin sa akin, kahit na ang sariling pamilya ko ay kakikitaan din ng disgusto sa akin, isama mo pa ang ilang mga taong na- kakasama ko sa paaralang aking pinapasukan, mangilan - ngilan lamang ang taong nakaka- pansin sa akin bukod sa aking mga kaibigan. Para akong isang taong hindi nakikita na para bang multo lamang, mali, naisip ko na buti pa nga pala ang multo, kapag nagparamdam ay talaga nga namang papansinin o kaya ay may reaksyon na matatanggap mula sa ibang tao, habang ako? Wala. Kaya naman ilang araw narin ang lumipas ng magdesisyon akong umalis sa amin at piniling maglagalag na lamang, hanggang sa matagpuan ko ang cubicle na ito na madalas tahimik at kaya akong itago sa mga oras na ako ay umiiyak. Bagamat marami narin akong narinig sa kababalagahang mayroon dito. Unti-unting nawala ang ingay na senyales na ako na lamang muli ang magisa dito. Ngunit mali ako, naramdaman kong hindi na ulit ako nagiisa dito. Hindi na ako na- gulat nang may mga paang lumapit sa akin. Itiningala ko ang aking paningin at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng unipormeng pangtrabaho, maputla at patuloy na nagdurugo ang kaliwang kamay. “Welcome sir”, magalang 83

KUBETA na sambit nito sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin. Sanay na sanay na ako gani- tong senaryo dahil sa araw - araw ko dito sa cubicle na ito, walang oras na hindi sila nagpakita sa akin at minsan pa nga ay may mga bata rin akong nakakasalamuha. Mas una kong iniisip kung paano solusyunan ang mga problemang nararanasan ko ngayon kaysa unahin ang takot sa mga ito. Nagdesisyon akong lumabas at nakasalubong ko ang matandang janitor na si Mang Kanor na madalas maglinis ng palikuran na ito. Nakilala ko na rin ito at nakagaanan ng loob dahil sa ilang araw na pananatili ko roon ay pare- ho lang kaming may mga karanasan sa mga nangyayaring kababalaghan dito. “Nagparamdam nanaman ba sila lalo na si kuyang waiter?” tanong nito sa akin na pinapatungkulan ay yung multo ng lalaking nakauniporme.”Opo, pero sanay narin po ako, ako po ay magiikot muna dito sa loob ng mall.” Sagot ko ng may ngiti sa aking mga labi. Tumango naman ito sa akin ngunit kita ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad hanggang sa nasilayan ko ang napakaraming tao na may kanya - kanyang pinagkakaabalahan. Ilang araw narin ang lumipas ng lumayas ako sa amin at hanggang ngayon ay wala parin akong paramdam sakanila. Isang mapait na ngiti ang pumagkit sa aking mga labi habang nilalampasan lang ako ng mga taong nakakasulubong ko. Nagulat ako nang may isang kamay ang pumatong sa aking balikat. Isang matandang nakasuot ng punit at lumang damit. “ Anak, bakit mo piniling lumayo? Hindi naman ito ang solusyon” sabi niya habang titig na titig sa akin. Napalinga linga naman ako sa aking paligid at nakita ang mga taong nakamasid sa amin. Ang iba ay napatawa na lamang at ang iba ay ipinag- sawalang bahala na lamang. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa pangyayari kaya naman agad kong nilisan ang lugar. Agad akong bumalik sa palikuran nitong lumang gusali at nadatnan naman ang dalawang estudyante na nakita ko kanina. Papasok sana ulit ako ng cubicle nang magsalita ang isa. “Totoo nga yung balita na may nagpakamatay dito, tingnan mo itong dyaryong hawak ko pre” sabi ng isa sa kanyang kasama. Agad namang kinuha ng isa ang dyaryo at tinitigan ito. “Pre totoo nga, paano kung marami pala ditong multo? Nakakatakot pre, pero mas nakakatakot parin ma ghosting������.” pagbibiro pa nito sa kanyang kasama habang huma- halakhak na lumabas ang dalawa. Natawa naman ako sa aking nasaksihan pero di na rin ako nagtaka sa aking mga narinig dahil totoo naman na marami na nga ang nagpakamatay dito at di nar- in ako magtataka na yung ibang multong nagpapakita sa akin ay sa ganoong klase ng pamamaraan din nila tinapos ang kanilang mga buhay. Naiisip ko na rin na baka nga isa na ako sa mga susunod dito. Natatawa parin ako ng mapagdesisyunan kong pulutin ang 84

KUBETA dyaryong naiwan ng dalawang estudyante kanina at tinitigang mabuti. Ang ngiting dala nang pagtawa ko ay mabilis na napawi. Sunod - sunod na patak ng luha ang bumagsak galing sa aking mga mata hanggang ang pagiyak ay naging hangulgol na nga. Kasabay nito ay ang unti - unting pagbalik ng mga ala - ala sa akinng isipan. Ang pagiging walang kwenta ko sa paningin ng mga tao, ang hindi pagsuporta at pagpansin sa akin ng pamilya ko, ang pagsasawalang bahala sa akin ng aking mga kaklase, ang hindi pag- bibigay importansya ng mga tao sakin at ang kawalang interes ng mga ito na para bang akoy isang hamak na multo o invisible. Naghalo - halo na ang emosyon sa akin , lung- kot, awa at galit habang inaalala ko ang mga ito. Dalian akong pumunta sa harap ng malaking salamin. Ipinikit ko ang aking mga mata at agad ding idinilat ang mga ito upang makumpirma nga ang aking nakita sa dyaryo. Nais ko sanang pagkumparahin ang mukha ng taong makikita ko sa salamin at ng imahe ng mukha ng taong tinutukoy sa dyaryo. Sa aking dismaya, di ko nakita ang repleksyon na aking inaasahan, ilang beses akong gumalaw galaw ngunit ni katiting na repleksyon ko ay hindi ko nakita. Muli ring pumasok sa aking isipan, ang mga multong lagi kong nakikita at nakakasalamuha, si mang Kanor na patuloy akong napapansin at kinakausap na may lungkot sa kanyang mga mata, at ang matanda kanina na sinabihan ako kung bakit ko piniling lumayo sa ganitong paraan at ang pagtawa ng mga tao sa amin, o mas tamang sabihin ko na matandang nakikipagusap sa hangin? Naalala ko na ang lahat, ang cubicle at palikuran na ito ang nakakita kung paano ko isinagawa ang sa tingin kong solusyon sa aking problema, nakita nila kung paano ko winakasan ang sarili kong buhay. Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, matagal ko na palang natakasan ang kalungkutan, at sa huling pagkakataon ay naisakatu- paran ko ang aking pinakaaasam, ang mapansin ng mga tao kapalit man ay aking buhay. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha sa aking mga mata ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa kasiyahan habang unti -unting nagdilim ang kapaligiran. 85

KUBETA KAHERA By: Kayla Veron Magnaye Mapa-umaga, Mapa-hapon, Mapa-gabi, Nandito lamang ako sa aking pwesto, Naghihintay para sa aking mga parokyano, Iba’t iba ang nais nilang gawin, Merong mabilisan lang ang gusto, Meron din namang nagtatagal ng husto, Pero ayos lang kahit ano, basta bayad ako, Sa dinami-rami ng aking nakasalamuha, Alam ko na ang ibig-ipahiwatig ng kanilang mga mukha, Pawis na tumatagaktak at mga katawang nagiinit, Wari’y nagpapatunay kung gaano sila kasabik, karanasang ‘di ko ipagkakait, Ako ay isang babaeng bayaran , Suki ko ang lalaking madalas tawagin ng laman, Papalapit na siya sa labas ng aking pinagtatrabahuhan, Kung saan nakalagay ang karatulang ‘Bahay- Palikuran’ Sabay sabi niyang, “Bayad po Ate, tatae lang”. 86

KUBETA 87

KUBETA 88

KUBETA MICROPHONE by: Ma. Riane Arevalo Nahirapan akong ilabas sya dahil sobrang tigas na. Hindi kase ako uminom ng maraming tubig para marami akong energy na ilabas sya ng mabilis para hindi na ako mahihirapan, katulad ngayon. Hirap na hirap nanaman akong ilabas to dahil sa tigas. Halos pagpawisan na ako sa sobrang hirap. Para na akong naliligo sa shower dahil sa nabasa na sa pawis ang aking damit. “Britney? Asan ka?” tawag mula sa labas. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib ng marinig ang boses mula sa labas. Pinagpawisan ako ng malamig. Bumigat ang aking paghinga habang papalapit ng papalapit ang mga yabag mula sa labas. “Britney? Britney?” paulit ulit na tawag mula sa labas. Dali dali kong itinapon lahat ng damit sa isang tabi saka madaliang inayos ang suot na damit. Saktong pagbukas ng pinto ay syang kakatapos ko lang punasan ang braso ko. “Anyare sayo? Bakit parang pagod na pagod ka?” takang tanong nito. Hinihingal na humarap ako sa kanya. Medyo magulo pa ang buhok ko at pawis na pawis. Para akong tumakbo ng limang kilometro dahil sa bigat ng aking paghinga. “Ah ano wala naman. Nag exercise lang. hahaha” awkward akong tumawa sa kanya. Hindi mapakali ang aking sistema. Ang aking mga mata na hindi mapirmi sa kau- sap. At ang mga kamay na nangangatal sa aking likuran. “Anong nangyare jan sa damit mo? Teka, dugo ba yan?” takang tanong nya. Akma syang lalapit sa akin ngunit pinigilan ko sya. “Hindi ah! Wala lang to. Liptint lang to na kumalat. hahaha” saka ko pilit itinago tinatakloban ang damit na may mantsa. “Ah okay. Anyway, pinapatawag ka na ni direct, mag start na ang show.” paalala nito saka umalis na. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sya ng tuluyan sa aking paningin. Lumapit ako sa pinto saka sumilip sa labas, sinisigurado kung may tao pa ba sa labas. Nang masigura- dong wala na, saka ko inilock ang pinto. 89

KUBETA Mabibilis ang aking hakbang pabalik sa comfort room sa dressing room. Su- malubong sa akin ang maalingasaw na amoy sa pagbukas ko ng pinto. Tumambad sa akin ang mga bahid ng dugo sa sahig at sa pader. Napangisi ako sa magandang view sa aking harapan. Nakakatuwang makita ang mga walang buhay na katawan ng mga taong ayaw sakin at mga inggetera sa trabaho ko bilang host. Mga wala silang puso para sirain ang pangarap ko. Hindi sila nararapat na mabuhay sa mundong ito. Dapat lang sa kanila ay mamatay. Magsama sama sila sa maduming kubeta na ito, tutal marurumi naman talaga sila. At wala ring makakakita sa kanila rito, dahil ipinagbawal ko ang kahit na sino na pumasok dito sa dressing room ko. Kung sino man magtangka ay isasama ko sa mga maruruming tao na bangkay na ngayon. “Britney!” Nanlaki ang mga mata ko. Nabigla sa gulat na gulat na boses sa kung sino mang basta nalang pumasok sa dressing room ko. “Oh my god!” gulat na gulat nitong sabi habang nakatakip ang dalawang kamay sa kan- yang bibig. Matatalim ang mga mata na humarap ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ko. Bakas ang takot sa kanyang mga mata ng tumingin ito sa akin. “B-Britney... i..ikaw..” nauutal nitong sabi, habang unti unti ay umaatras siya palayo sa akin. Tumagilid ang aking ulo. Nanlilisik ang mga mata na tumitig sa kanya habang unti unti ay hinahabol ang distansya sa pagitan naming dalawa. Napangisi ako ng macorner ko sya sa pader. “Hindi ba sinabi ko na hindi pwedeng pumasok sa dressing room ko? Hindi ka sumusunod sa rules.” Ngumisi ako, “ At alam mo ang parusa sa mga hindi sumusunod?” Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kanyang harap. Ang takot sa kanyang mga mata ay nilamon na ang kanyang sistema. Nagsisimula na ring lumuha ang kanyang mga mata sa sobrang takot. “P-please.. b..britney..” sunod sunod ang kanyang pag iling habang unit unting napapaupo sa sahig. Tinitigan ko lang sya sa hindi kumukurap na mata. Hindi ko alam pero natu- tuwa ako sa tuwing may umiiyak sa harap ko at nagmamakaawa. Parang feeling ko lahat ng sasabihin ko ay gagawin nila. Nakakatuwa. “P..p-please... “ tuluyan na syang humagulgol sa pagkakaupo. Mas naexcite ako sa hitsura ngayon. Takot na takot sya sakin, at natutuwa ako ron. Kinuha ko ang bakal na tubo sa tabi nya. Hinimas ko ito na para bang isang obra na nakakahalina. Ang tigas ng tubo ay nakaka-ingganyong ihampas sa matitigas na ulo. Napahalakhak ako sa naisip. Na-excite ako sa isiping ihampas ang tubo sa ulo ng taong nasa harap ko ngayon para malaman ko kung alin ang mas matigas, ang t9ub0o ba o ang matigas na ulo.

KUBETA Itinaas ko ang tubo saka nangingiting nakatingin sa umiiyak na babae sa harap ko. Excited na ako malaman kung alin ang mas matigas. Ipinuwetso ko na ang tubo para hampasin ang kanyang ulo ng matigilan ako sa sumigaw. “Britney!” Luminga linga ako sa paligid. Nasa gitna ako ng stage sa harap ng maraming tao. May hawak akong microphone at nakatutok sa akin ang spotlight. “Britney!” lumingon ako sa gilid ko. “On air na! Go speak!” Natauhan ako sa sinabi nya. Naalala ko na. Isa akong sikat na host sa isang TV show. Ako si Britney Coleman. At lahat ng nangyaring hindi maganda ay mga alaala ko mula sa pinanuod na horror movie kagabi about sa isang host na mamamatay tao. Napangiti ako saka sinimulan na ang trabaho. 91

KUBETA Bliss By: Cyden Catimbang I laughed, unable to hold it any longer As I see those red eyes staring at me Twinkling eyes like there’s something it can foresee Hey! I’m enjoying this ecstasy Fettered and locked, as I’ve always been As I tried putting this feeling into pieces Yet even my effort of stopping this I can’t beat my mind inhabited by wanting to escape 92

KUBETA 93

KUBETA 94

KUBETA 95

KUBETA 96

KUBETA ginapang ko hanggang makalabas By: Reynald Delos Santos Dahan-dahan kong tinakpan ng isang parisukat na bakal at malaking timba ang isang malaking butas na bunga ng aking dalawang buwan na pagpaplano at paghuhukay dito sa dulong bahagi ng napakalaking kubeta ng kulungan na ito. “Ang galing mo talaga Rigo, kaunting hirap na lang at mararamdaman mo na ang kaginha- waan,” nakangiting papuri ko sa aking sarili. Dahan -dahan kong binuksan ang pinto nitong cubicle at tumingin sa aking paligid, mukhang wala namang ibang tao ang nakapansin sa aking kahina-hinalang mga ki- los. Agad ko namang nakita ang aking nagiisang kaibigan dito sa loob ng selda, si Marvin na kapwa ko nakapatay ng tao noong mga panahong malaya pa’t nasa labas pa kami. Ang pinagkaiba lamang, mas nauna siya dito at ang tanging sinabi niya sa akin ay lumaking mahirap ito at itinakwil na ng kanyang pamilya. Kakikitaan din ng kagandahang lalaki nito sa kabila ng malaking peklat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha na hindi ko alam kung saan nga ba niya nakuha. “Rigo, nandiyan ka lang pala, saan ka ba nanggaling?” buong pagtataka nitong tanong sa akin. “Naglinis lang ako ng katawan ko at gawa ng sobrang init,” pagpapalusot ko na lamang dito at niyaya na lamang na bumalik na sa aming selda. Habang nasa daan papalabas ay halo-halong ingay naman ang sumalubong sa akin, sigawan ng mga presong nagkakagulo’t nagtatawanan at hiyawan ng mga taong pinahihirapan. Hindi na bago ang ganitong mga senaryo sa akin sapagkat sa loob ng ilang taon kong pagkakakulong ko dito ay ito na ang araw-araw na bumubungad sa akin. Ang malawak na kubetang ito ang nagsisilbing lungga ng mga ilegal na gawain. Madalas makita dito ang mga preso na nainom ng alak, naninigarilyo, nagsusugal, humihithit ng mga pinagbabawal na gamot, at may mangilan pa na nagpaparaos ng init ng laman. Na- daanan naman namin ang isang pulang pinto, walang nagbabatay ngunit wala ni isa ang nagtangkang pumasok dito. Minsan ko na din itong nasilip, sa aking pagkakatanda ay may hagdan ito pababa na mistulang basement na ang sabi ng ilang preso ay ito daw ang mag- dadala sa iyo sa lugar kung saan naman makikita ang mga mayayaman 97

KUBETA na preso. Nandito rin ang mga pinahihirapang tao kapag may nalalabag ang mga itong utos mula sa mga matataas. Dito rin makikita ang tinatawag nilang “Big Boss” o ang namumuno sa lahat ng mga ilegal na gawain dito na kahit minsan ay di ko pa nakikita. “Sino kaya yung tinatawag nilang The Big Boss? Sigurado ako na napakay- aman at makapangyarihan na tao nito,” ang namamangha ko pang tanong sa kasama ko. “ Ang sabi-sabi ng iba ay si Deeno Delos Reyes daw ang pangalan, pero kahit ako ay di ko kilala,” ang sagot naman nito. Nakalabas kami ni Marvin at nakarating sa aming selda, nahiga ako sa papag na sinapinan lamang ng isang luma at punit-punit na tela. Iniisip ko ang gagawin kong pagtakas mamayang gabi, kaunting hukay na lamang at makakatakas na ako. Napatingin ako sa kaibigan ko, naalala ko ang mga kakaibang kilos nito tuwing sasapit ang gabi. Madalas ay bumabangon ito at may pinupuntahan. Ang iniisip ko na lamang ay baka may plano rin itong tumakas kagaya ko kaya naman aalukin ko ito kung gusto rin ba niyang sumama sa akin mamaya. “Marvin, gusto mo bang sumama sa akin? Tatakas tayong dalawa, may ginawa akong hukay sa dulong bahagi ng kubeta palabas dito, magtulungan tayo mamaya para matapos yung natitirang lupa na di pa nahuhukay,” nakangiti kong panghihikayat dito. “Kung makakatakas tayo, paano tayo mabubuhay? Baka wala ng pamilya ang naghuhin- tay pa sa atin,” alanganin nitong sagot. “Huwag kang magalala, mamayang gabi bago tayo tumakas, magnanakaw tayo sa base- ment nila,” ang panghihikayat ko pa dito. “Sige,” tanging nasabi nito. Sumapit ang gabi at tulad nang napagusapan ay pagnanakawan muna namin ang basement na iyon. Dumiretso kami sa malaking kubeta na kinalalagyan nito at ginawa kong look out si Marvin sa labas ng pulang pinto. Pinasok ko na nga ito at nang marating ko ang pinakaibaba, nakita ko ang mga bagay na bubuhay sa akin labas ng kulungan na ito. Sa kalagitnaan nang aking pagnanakaw, isang malakas na hampas sa ulo ang sumalubong sa akin at unti-unting nagdilim ang aking paningin. Nagising na lamang ako sa sakit na aking nararamdaman, isang itim madilim na silid na tanging pulang ilaw lamang ang mayroon, mga lalaking di ko kilala at tilan- sik agad ng dugo ang tumambad sa akin. Hiyaw lamang ang nagawa ko nang nakita ko kung paanong ang mga kuko ko ay isa-isang tinatanggal sa kamay at paa na nakagapos gamit ang kadena. Hindi pa sila natapos, gamit ang pliers, isa-isa din nilang binunuot ang mga ngipin ko habang ang isa namang lalaki ay abala sa paglalatigo sa aking kata- wan. Hindi na ako makapagsalita at hiyaw nang ayos dahil sa sakit at pagkaubos ng mga ngipin ko. Nakita ko naman na ang isa sa kanila na may hawak na bakal na nakahulma na paletrang R na 98

KUBETA nagbabaga at biglaan nitong idinikit sa aking dibdib at nang marinig nito ang malakas na paghiyaw ko, mas lalo pa nitong idiniin na para bang nanggigil sila lalo kapag nakikita nilang ako ay nahihirapan. Naghalo na ang uhog at luha ko sa aking mukha sabayan pa ng dugo na patuloy sa pagagos mula sa aking mga sugat. “Mamaya na natin tapusin yan, gusto pa daw makausap ni Boss at siya na daw ang papatay diyan,” rinig kong sabi ng lalaking nakaitim na bumunot ng mga ngip- in ko. “Hoy ikaw! Ganyan ang napapala ng mga taong nanloloko kay Boss, mamg- dasal ka na sa mga huling sandali mo!,” bulyaw pa ng isa sa kanila. Iniwan nila akong hubad at lupaypay nang masiguradong ako ay hindi na makagalaw. Nang maramdaman kong wala nang tao ang nakapaligid sa akin , mabi- lis akong gumapang sa sahig na puno ng aking dugo at sa bawat galaw na magagawa ko, ramdam ko ang mga sugat na lalong bumubuka. Nakalabas ako sa silid na iyon at nakita ang mga mayayamang preso na abala sa kanilang mga bisyo. Agad akong umakyat palabas ng pulang pinto at narating ang malawak na kubeta dito, sa kabutihang palad ay walang tao dito sa ganitong oras. Dala ang aking pala at ibang gamit, agad kong tinungo ang dulong cubicle at tinaggal ang bakal at balde na ipinantakip ko. Pumasok ako sa hukay na ginawa ko at marahang gumapang sa kabila nang hapdi ng aking mga sugat. Ang kubetang ito ang matagal ko nang iniisip na makakapagbihay kalayaan sa akin. Nang marating ko ang dulo na hindi pa nahuhukay, kinuha ko ang maliit kong pala at binungkal ito hanggang sa maramdaman ko ang isang matigas na bagay, pader, lumawak pa ang pagkakangiti ko nang makumpirma na pader na nga ito. Ram- dam ko na ang malamig na hangin na nanggagaling sa labas at matapos ang isa pang pag- pokpok ay nakagawa na nga ako ng isang malaking butas sa pader na malalabasan ko. Madilim, ngunit malamig ang ang hangin na sumalubong sa akin. Sa wakas ay malaya na ako at habang nasa kalagitnaan ako ng pagdiriwang ay biglang bumukas ang mga ilaw na nagbigay liwanag sa paligid at nang makita ko ang mga ito. “Deeno Delos Reyes,” sambit ko nang mahina sa pangalan ng Big Boss na nababasa ko sa lamesang nasa aking harapan. Nakita ko rin ang lalaking nakaupo sa ta- pat nito habang may hawak na baril. Tumalikod na lamang ako at muling isinuksok ang katawan sa ginawa kong hukay patungo muli sa kubetang aking pinanggalingan. Muling naghalo sa aking mukha ang uhog at luha habang inaalala ang napakahabang paggapang ko kanina at ang lumabas na katotohanan. Kung paano ko pinagdugtong ang kubeta kung saan nararapat ang isang utak kubeta na kagaya ko at ang opisina ni Big Boss na may malaking peklat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. 99

KUBETA 100


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook