Ang CONSUMER ACT OF THE PHILIPPINES (R.A. 7394) Noong 15 ng Hulyo 1992 nagsimulang umepekto ang R.A. 7394, kilala bilangConsumer Act of the Philippines. Ito ay isinabatas upang maprotektahan ang interesat kapakanan ng mga konsyumer at makapagtakda ng mga pamantayan para sapakikipagkalakalan at mga industriya. Ang mga layunin ng batas na ito ay ang mga sumusunod: (a) maprotektahan angmga konsyumer laban sa mga banta sa kalusugan at kaligtasan; (b) maprotektahan angmga konsyumer laban sa mga mapanlinlang at di makatarungang mga gawain sapagbebenta; (c) makapagbigay ng impormasyon ang mga konsyumer upang magamitnila ang kanilang mga karapatan; (d) makapagbigay ng mga karapatan ay pamamaraanng pagdulog ng mga konsyumer sa kanilang mga reklamo at pagbibigay ng kaukulangaksyon; at (e) pakikibahagi ng mga kinatawan ng mga konsyumer sa pagsasagawa ngmga panlipunan at pangekonomiyang mga polisiya. Ang mga ahensyang magsasakatuparan ng batas na ito ay ang mgasumusunod: • Kagawaran ng Industriya at Kalakalan (Department of Trade and Industry) • Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture) • Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education) • Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) • Bangko Sentral ng Pilipinas (Central Bank of the Philippines) • Securities and Exchange Commission • Kawanihan sa Pangangalaga sa Pagkain at Gamot • Lokal na Munisipyo Ang batas ay angkop lamang kung: (a) ang nagrereklamao ay isang tao; (b) angsangkot sa paglabag ay isang produkto o serbisyo para sa konsyumer; at (c) angreklamo ay patungkol sa anumang naunang nabanggit. Ano ba ang mga produkto oserbisyo para sa konsyumer? Ito ay tumutukoy sa lahat ng kalakal, serbisyo, kredito, 42
utang o obligasyon na para sa personal, pamilya, bahay o gamit agrikultura tulad,ngunit di limitado, sa mga sumusunod: pagkain, gamot, kosmetik at gamit. Kung ikaw bilang konsyumer ay may reklamo, ang mga sumusunod ang iyongdapat gawin: • Tukuyin ang problema at ang sa tingin mo ay ang makatarungang solusyon dito. Nais mo bang ibalik ang iyong ibinayad? Nais mo ba na ayusin ang depekto ng produktong iyong binili? O di kaya ay palitan ang produktong iyong binili? • Kalapin ang mga dokumentong iyong kakailanganin patungkol sa iyong reklamo tulad ng resibo, warranties, kontrata,at iba pa na magbibigay suporta sa iyong reklamo at makatutulong sa pagbibigay solusyon sa problema. • Bumalik sa tindahan kung saan binili ang produkto. Hanapin ang taong nagbenta di kaya ay gumawa ng serbisyo. Matiwasay na siya ay kausapin at ipaliwanang ang problema at sabihin ang sa tingin mo ay dapat gawin ukol dio. Kung di makakatulong ang taong ito, hanapin ang tagapangasiwa at ulitin ang iyong reklamo. • Kung hindi ka nasiyahan sa tugon, makabubuting gumawa ka ng sulat na naglalaman ng iyong reklamo at ipadala ito sa ahensyang may hurisdiksyon dito. Isulat ang iyong pangalan at tirahan, ang pangalan at lokasyon ng establisimyentong iyong inirereklamo, ang mga pangyayari at detalye patungkol sa iyong reklamo kasama ang mga pangalan, petsa, lugar at iba pa. Ikabit ang mga dokumentong kailangan tulad ng resibo, katunayan ng pagbili at iba pa. Nararapat na maging handa ka rin na humarap, kung ipatawag, lalo na sa medyasyon. • Huwag kalimutan na may dalawang taon ka lamang para isumite ang iyong reklamo mula sa araw na binili mo ang produkto o serbisyo, o kung kalian ginawa ang panloloko o di kaya, sa kaso ng mga nakatagong depekto, ay mula sa araw na iyong malaman ang depekto ng produkto o serbisyong binili. • Dalawang kopya ng iyong reklamo ay dapat isumite sa mga opisinang probinsyal na may hurisdiksyon sa iyong reklamo. Kung walang opisinang probinsyal, isumite ang iyong reklamo sa opisinang pang rehiyonal. Sa mga kaso na ang 43
nagrerelamo at inirereklamo ay nasa magkaibang probinsya, ang nagrereklamo ay may opsyon na pumili ng lugar na pagsusumitehan ng reklamo. Sa kaso namang ito ay isa nang sibil o criminal na aksyon, ito ay dapat na isumite sa kaukulang korte gaya ng Municipal Trial Court o di kaya ng Regional Trial Court.Iba Pang Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Karapatan ng mga Konsyumer1. Batas Price Tag Ang batas na ito na napapaloob din sa R.A. 7394 ay nagtatakda na ang mga retailers o nagtitinda ng mga produkto at serbisyo ay nararapat na lagyan ng kaukulang price tag o label ng presyo. Hindi maaaring ibenta ang nabanggit na mga produkto sa mas mataas na presyo kumpara sa nakalagay sa price tag nito.2. Batas Republika Blg. 3740 Ang batas na ito ang nagbabawal sa pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto at serbisyo.3. Batas Republika Blg.3452 Ang batas na nagtatag ng National Grains Authority na may tungkuling bumili ng mga palay sa mga magsasaka at ipagbili ang mga ito sa mga mamimiling Pilipino sa murang halaga. Ang tungkuling ito ay ginagampanan ng National Food Authority ngayon. Ito rin ang nakaaalam kung may sapat na suplay ng bigas sa bansa.4. Artikulo 188, 189 (Binagong Kodigo Penal) Ang batas na nagbbigay parusa sa sinumang gagamit ng tatak, lalagyan at gagaya sa balot ng ibang produkto. 44
5. Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng Pilipinas) May pananagutan ang mga prodyuser ng mga pagkain, inumin at iba pang produkto na nakakapinsala sa katawan, kalusugan at buhay ng mga mamimili bunga ng mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng produkto.6. Artikulo 1546 (Kodigo Sibil ng Pilipinas) Ang sira, depekto at pinsala ng produkto ay hindi dapat itago sa mga mamimili. Ang batas na ito ang nagbibigay-garantiya na walang nakatagong pinsala ang isang produkto.7. Batas Republika Blg. 7581 (Price Act) Ang batas na ito, na kilala bilang Price Act naglalayong magarantiyahan na laging may suplay ng mga pangunahing pangangailangan at maprotektahan ang mga mamimili laban sa di makatarungang pagtaas ng presyo ng mga ito na may pagsasaalang-alang din sa interes ng mga lehitimong negosyo upang mabalik ang kanilang mga puhunan. Sa tingin mo, ang patuloy at sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina ay isa bang paglabag sa Price Act?Mga Responsibilidad ng Mamimili1. Kritikal na Kamalayan Responsibilidad na maging alerto at magtanong hinggilsa gamit, presyo at kalidad ng mga produkto at serbisyongating binibili at ginagamit.2. Aksyon Responsibilidad na ipaglaban at ipagtanggol ang ating mga karapatan bilang mga konsyumer upang makakuha tayo ng makatarungang bentahan. Kung mananatili tayong mga pasibong konsyumer, patuloy tayong maaabuso. 45
3. Pagpapahalaga sa Lipunan Responsibilidad natin na isaalang-alang ang epektong ating pagkonsumo sa ibang tao, sa ating lipunan, salokalidad, sa nasyon at sa buong mundo.4. Pagpapahalaga sa Kapaligiran Mayroon tayong responsibilidad na magkaroon ng kaalaman sa kalagayan ng ating kapaligiran at ang epekto ng ating pagkonsumo sa dito. Kailangan nating maunawaan na mayroon tayong indibidwal at sosyal na responsibilidad na ingatan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.5. Solidaridad May responsibilidad tayo na magsama-sama,magtulungan at iorganisa ang ating mga sarili upangmaprotektahan at maisulong natin ang ating mga interes bilangmga konsyumer. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga karapatan ng mga mamimii sa pamamagitan ngpagbibigay ng nawawalang titik sa kahon. Isulat ang iyong mga sagot sa iyongkwaderno. 46
1. T MA GI P RM SY N N2. K L G T3. P G L I4. M A IN A5. R AP I I AN PR EN T YNTukuyin ang katangian ng mamimili base sa inilalarawan ng pangungusap. Isulatang iyong sagot sa iyong kwaderno. 1. Pinaghahambing ang presyo, timbang, sukat at kapakinabangan ng kalakal. 2. Bumibili ng kalakal hindi dahil sa tatak, papremyo o promosyon. 3. Namimili ng kalakal ayon sa inilaang pera para sa pagbili ng kalakal. 4. Nananatili sa parehong dami ng kalakal na binibili kahit alam na tataas ang presyo ng mga ito. 5. Bumibili lamang ng kalakal na kapakipakinabang. 47
Tandaan Mo! Ang konsyumer o mamimili ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at masiyahan sa paggamit ng mga binili.Mga katangian ng isang matalinong mamimili: (1) mapanuri; (2) may alternatiboo pamalit; (3) hindi nagpapadaya; (4) makatwiran; (5) sumusunod sa badyet;(6) hindi nagpapanic-buying; at (7) hindi nagpapadala sa anunsyo.Mga karapatan ng mamimili: (1) karapatan na matugunan ang kanilang mgapangunahing pangangailangan; (2) karapatan na maging ligtas; (3) karapatansa tamang impormasyon; (4) karapatang pumili; (5) karapatan namairepresental; (6) karapatang mabigyan ng bayad-pinsala kung nakabili ngmga depektibong produkto; (7) karapatang magkaroon ng edukasyon bilangkonsyumer; at (8) karapatan sa isang maayos at malinis na kapaligiran.Ang Consumer Act of the Philippines ay isang komprehensibong batas nanaglalayong maprotektahan ang interes at kapakanan ng mga konsyumer atmakapagtakda ng mga pamantayan para sa pakikipagkalakalan at mgaindustriya.Iba pang batas na pumoprotekta sa mga konsyumer: (1) Price Act; (2) PriceTag; (3) Batas Republika Blg. 3740; (4) Batas Republika 3452; (5) Artikulo1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas; (6) Artikulo 188, 189 ng Binagong KodigoSibil; at (7) Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas. Gawain 3: Paglalapat Markahan ang iyong sarili bilang isang konsyumer. Lagyan ng tsek ang bawat pamilang: 1 – napakatalino, 2 – matalino, 3 – di-gaanong matalino, 4 - mahina. 48
12 3 41. Madaling maniwala sa anunsyo.2. Mapagmasid3. Alam kung ano ang gagawin sa kaso na makabili ngdepektibong produkto4. Mahilig tumawad5. Matipid6. Alam ang mga karapatan at pananagutan7. May listahan ng bibilhin8. Mabilis magdesisyon9. Sumusunod sa badyet10. Mahilig sa murang bilihinBasahin ang mga sitwasyong nakasulat at suriin ang mga ito. Isulat ang iyong sagot saiyong kwaderno.1. Bumili ng gamot si Ivy upang mabawasan ang pananakit at pamamaga ng kanyang tuhod. Nang gagamitin na niya naghahanap siya ng mga pasubali o paalala sa pabalat nito. Di niya malaman kung ito ay iniinom o ipinapahid sa balat. Nagbalik siya sa tindahan at pinapalitan niya ang gamot, ngunit ayaw pumayag ng tindera. Anong karapatan ng mamimili ang nalabag sa sitwasyong ito (maaaring higit sa isa ang iyong kasagutan)?2. Kababalik lang ni Ed mula sa Japan. Bilang pasalubong ibinili niya ng telebisyon ang kanyang mga anak. Binasa niya ang manwal ng telebisyon upang malaman kung paano niya gagamitin ito. Tinignan din niya ang boltaheng gamit ng telebisyon. 49
Hindi niya ito makita. Ipinalagay niyang 220 ang boltaheng gamit nitodahil gawa ito sa Pilipinas. Sa kasamaang palad pumutok ito ng kanyang isinaksak at nadamay pa ang iba nilang appliances na ginagamit ng mga oras na iyon. a. Sino ang may pagkukulang, si Ed o ang prodyuser? b. Ano ang naging pagkukulang? c. Ano ang dapat gawin ni (Ed) (prodyuser)? d. Isa-isahin mo ang mga arapatang dapat na nakamit.Sabihin kung saan idudulog ang reklamo. Isulat ang iyong mga sagot sa iyongkwaderno. 1. Si Iris ay nag-aalala para sa kanyang kutis. Naisip nyang gumamit ng mga pamahid sa kanyang mukha. Matapos niyang gamitin, tila nasunog ang kanyang balat. 2. May mga dyip na napakabilis magpatakbo at sa kanilang pagbabyahe hindi lamang ang takbo ng dyip at kapuna-puna pati ang usok ng tambutso nito. 3. Namili sa pamilihang bayan si Aling Seling . Bumili siya ng isang kilong karne ng baka. Napansin niya na tila magaan ito para sa isang kilo. Sinubok nyang timbangin sa ibang timbangan. Tama ang kanyang pagdududa, kulang para sa isang kilo ang ibinigay sa kanya ng tindera. 50
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan.. Apat na uri ng pagkonsumo: 1. Tuwiran o Direkta – natatamo ang kasiyahan sa paggamit ng produkto. 2. Produktibo – ang biniling produkto o serbisyo ay ginagamit sa produksyon ng iba pang produkto at serbisyo. 3. Maaksaya – sayang na paggamit ng produkto. 4. Mapanganib – paggamit ng produkto na delikado sa tao. Ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo ay ang mga sumusunod: (1) kita; (2) okasyon; (3) pag-aanunsyo; (4) presyo; (5) pagpapahalaga ng tao; (6) panahon; at (7) pangagaya. Ang utility ay tumutukoy sa kasiyahang natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Ang marginal utility ay tumutukoy sa karagdagang kasiyahan na natatamo sa pagkonsumo ng karagdagang yunit ng isang produkto o serbisyo sa isang pagkakataon. Ang total utility ay tumutukoy sa kabuuang kasiyahan na natatamo sa pagkonsumo nglahat ng yunit ng isang produkto o serbisyo sa isang pagkakataon. Mga batas na sumasaklaw sa pagkonsumo: (1) Batas ng Pagkakaiba; (2) Batas ng Pagkakabagay-bagay; (3) Batas ng Imitasyon; (4) Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko; at (5) Batas ng Bumababang Kasiyahan Ang “poverty threshold” ang pamantayan na inilalabas ng pribadong sektor na may kinalaman sa kita na kailangan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya na may anim na kasapi tulad ng mga 51
pangangailangang nutrisyunal (2000 calories) at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Ito ay maihahambing sa “poverty line” na itinatakda ng pamahalaan. Ang poverty incidence ang nagpapakita ng bahagdan ng mga Pilipino na hindi makatugon sa pamantayan ng nararapat na pagkain bunga ng mababang kita na tinatanggap. Mga pamantayan ng pamumuhay: (1) pamantayan ng karalitaan; (2) pamantayan ng pagkabuhay; (3) pamantayan ng kalusugan at disenteng pamumuhay; (4) pamantayan ng maginhawang pamumuhay; at (5) pamantayan ng karangyaan . Ang konsyumer o mamimili ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at masiyahan sa paggamit ng mga binili. Mga katangian ng isang matalinong mamimili: (1) mapanuri; (2) may alternatibo o pamalit; (3) hindi nagpapadaya; (4) makatwiran; (5) sumusunod sa badyet; (6) hindi nagpapanic-buying; at (7) hindi nagpapadala sa anunsyo. Mga karapatan ng mamimili: (1) karapatan na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan; (2) karapatan na maging ligtas; (3) karapatan sa tamang impormasyon; (4) karapatang pumili; (5) karapatan na mairepresental; (6) karapatang mabigyan ng bayad-pinsala kung nakabili ng mga depektibong produkto; (7) karapatang magkaroon ng edukasyon bilang konsyumer; at (8) karapatan sa isang maayos at malinis na kapaligiran. Ang Consumer Act of the Philippines ay isang komprehensibong batas na naglalayong maprotektahan ang interes at kapakanan ng mga konsyumer at makapagtakda ng mga pamantayan para sa pakikipagkalakalan at mga industriya. Iba pang batas na pumoprotekta sa mga konsyumer: (1) Price Act; (2) Price Tag; (3) Batas Republika Blg. 3740; (4) Batas Republika 3452; (5) Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas; (6) Artikulo 188, 189 ng Binagong Kodigo Sibil; at (7) Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas. 52
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:I. Panuto:Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang iyong mga sgotsa iyong kwaderno.1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapagpapabago ng pagkonsumoA. kita. C. okasyon.B. presyo. D. Wala sa mga nabanggit.2. Higit na makatitipid ang mamimmili sa oras at presyo kungA. nagpaplano. C. may pera.B. Walang listahan. D. nagmamadali.3. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng pagsusuri ng mamimili sa kalakalna bibilhinA. Kita ng mamimili. C. Kalidad ng kalakal.B. Presyo ng kalakal. D. Kondisyon ng kalakal.4. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang dapat isaalang-alang upang makaiwas sa pagbili ng secondhand na gamit. A. Mas higit na mura ang halaga. B. Makatitipid ang mamimili. C. Matagal nang subok ang gamit. D. Wala itong garantiya.5. Sa Bulacan ay may isang malaking industriya ang paputok. Ngunit marami dito ang gumagawa ng napakalalakas na paputok na maaaring makapinsala sa gagamit. Anong ahensya ang dapat lapitan upang ireklamo ito. A. DTI. B. Energy Regulatory Commission. C. Bureau of Food and Drugs. D. National Pollution Control Commission. 53
6. Karaniwan nang ang isang LPG tank ay tumatagal sa loob ng isang buwan. Ngunit napansin mo na dalawang linggo pa lamang ay naubos na ito. Saang ahensya nararapat ka lumapit upang ito ay ireklamo. A. DTI. B. Energy Regulatory Commission. C. Bureau of Food and Drugs. D. National Pollution Control Commission.7. Ang batas na ito ay nagtatakda na ang mga retailers o nagtitinda ng mga produkto at serbisyo ay nararapat na lagyan ng kaukulang price tag o label ng presyo. Hindi maaaring ibenta ang nabanggit na mga produkto sa mas mataas na presyo kumpara sa nakalagay sa price tag nito. A. Batas sa Price Tag. B. Batas Republika 3452. C. Batas Republika 3740. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.8. Ang batas na ito ang nagbabawal sa pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto at serbisyo. A. Price Tag. B. Batas Republika 3452. C. Batas Republika 3740. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.9. Ang batas na nagtatag ng National Grains Authority na may tungkuling bumili ng mga palay sa mga magsasaka at ipagbili ang mga ito sa mga mamimiling Pilipino sa murang halaga. Ang tungkuling ito ay ginagampanan ng National Food Authority ngayon. Ito rin ang nakaaalam kung may sapat na suplay ng bigas sa bansa. A. Price Tag B. Batas Republika 3452. 54
C. Batas Republika 3740. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.10. Ang batas na nagbbigay parusa sa sinumang gagamit ng tatak, lalagyan at gagaya sa balot ng ibang produkto. A. Price Act. B. Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas. C. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.11. May pananagutan ang mga prodyuser ng mga pagkain, inumin at iba pang produkto na nakakapinsala sa katawan, kalusugan at buhay ng mga mamimili bunga ng mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng produkto. A. Price Act. B. Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas. C. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.12. Ang sira, depekto at pinsala ng produkto ay hindi dapat itago sa mga mamimili. Ang batas na ito ang nagbibigay-garantiya na walang nakatagong pinsala ang isang produkto. A. Price Act. B. Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas. C. Artikulo 2187 ng Kodigo SIbil ng Pilipinas. D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.13. Ang batas na ito ay naglalayong magarantiyahan na laging may suplay ng mga pangunahing pangangailangan at maprotektahan ang mga mamimili laban sa di makatarungang pagtaas ng presyo ng mga ito na may pagsasaalang-alang din sa interes ng mga lehitimong negosyo upang mabalik ang kanilang mga puhunan. 55
A. Price Act.B. Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas.C. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.14. Namalengke si Christine. Nang bibili na siya ng kamatis, tinanong lamang siya ng tindera kung ilan ang mabibili nya at sinabing bawal daw suriin ang kamatis na bibilhin. Ano ang karapatan ni Christine na nalabag sa pagkakataong ito? A. Karapatan sa pagpili. B. Karapatan sa tamang impormasyon. C. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan. D. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran15. Tumutukoy sa bumibili at gumagamit ng kalakal o serbisyoA. investor. C. prodyuser.B. konsyumer. D. kapitalista.16. Pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahanA. tuwiran C. indirekta.B. maaksaya. D. mapanganib.17. Basta na lamang bumibili si Peter ng produkto nang walang pagsusuri, pagkukumpara ng presyo o pamimili. Anong responsibilidad nya bilang mamimili ang hindi niya ginagawa A. Kritikal na kamalayan. B. solidaridad. C. Pag-aksyon. D. Pagpapahalaga sa kapaligiran. 56
18. Nakasanayan ni Mang Gusteng na itapon na lamang kung saan-saan ang pinagbalutan ng kanyang mga biniling produkto. Anong responsibilidad ng mamimili ang kanyang hindi ginagampanan? A. Kritikal na kamalayan. B. solidaridad. C. Pag-aksyon. D. Pagpapahalaga sa kapaligiran.19. Tuwing umaga, nakasanayan na ni Mark ang magpatugtog ng sobrang lakas. Nagigising ang kanyang mga nagpapahingang mga kapitbahay. Aling responsibilidad ng mamimili ang kanyang di ginagampanan? A. Kritikal na kamalayan. B. solidaridad. C. Pag-aksyon. D. Pagpapahalaga sa lipunan.20. Uri ng pagkonsumo na kung saan ginagamit ang isang produkto upangmakagawa ng iba pang produkto.A. tuwiran. C. produktibo.B. maaksaya. D. mapanganib. 57
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT1. A 6. B 11. A 16. A2. D 7. B 12. B 17. D3. B 8. D 13. C 18. D4. A 9. D 14. B 19. A5. A 10. B 15. C 20. AARALIN 1: KONSEPTO NG PAGKONSUMOGAWAIN 1: Pag-isipan mo! Kapag ikaw ay bumili at uminom ng softdrinks ikaw ay isang konsyumer. Mayroong produksyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao.GAWAIN 2: Pagpapalalim ng kaalaman 1. pagkonsumo 2. produktibo 3. tuwiran/direkta 4. maaksaya 5. pagkonsumoGAWAIN 3: PaglalapatKonsultahin ang iyong guro kung tama ang iyong mga halimbawa. 58
ARALIN 2: MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGKONSUMOGAWAIN 1: Pag-isipan mo! 1. halo-halo 2. kandila 3. mas marami 4. yung sa paborito kong artista 5. mas mababaGAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. pag-aanunsyo 2. kita 3. presyo 4. okasyon 5. panahon 6. panggagaya 7. pagpapahalaga ng tao 8. pag-aanunsyo 9. bandwagon 10. testimonialGAWAIN 3: Paglalapat 1. B 2. C 3. A 4. E 5. D 59
ARALIN 3: MGA BATAS NG PAGKONSUMOGAWAIN 1: Pag-isipan mo! 1. Karaniwang sagot ay B 2. Karaniwang sagot ay A 3. Karaniwang sagot ay B 4. A 5. unaGAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Batas ng Imitasyon 2. utility 3. Batas ng Pagkakabagay-bagay 4. Batas ng Bumababang Kasiyahan 5. Batas ng Pagkakaiba-ibaGAWAIN 3: Paglalapat 1. Uunahin ng iyong ama ang mga pangunahing pangangailangan ng inyong pamilya gaya ng pagkain. 2. Hindi. Mas mataas ang satispaksyong kanyang makukuha sa unang piraso.ARALIN 4: PAGKONSUMO NG PILIPINOGAWAIN 1: Pag-isipan mo!Ikonsulta ang iyong mga sagot sa iyong guro. 60
GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Pamantayan ng Karalitaan 2. Pamantayan ng Pagkabuhay 3. Pamantayan ng Kalusugan 4. Pamantayan ng Maginhawang Pamumuhay 5. Pamantayan ng Karangyaan 6. pagtanaw ng utang na loob 7. kaisipang kolonyal 8. rehiyonalismo 9. pakikisama 10. hospitalidad 11. kalinisan ng katawan 12. pagpapahalaga sa edukasyonGawain 3: Pagpapalapat 12267 piso anim na miyembroARALIN 5: ANG MAMIMILI: MGA KATANGIAN AT KARAPATANGAWAIN 1: Pag-isipan mo!Ikonsulta sa iyong guro ang iyong mga kasagutan at ikumpara rin ito sa kaukulanglektyur sa paksang ito.GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. 1. tamang impormasyon 2. kaligtasan 3. pagpili 4. malinis na kapaligiran 5. representasyon 61
B 1. nagsusuri 2. di nagpapaloko 3. sumusunod sa badyet 4. hindi nagpapanic buying 5. makatwiran/ praktikalGAWAIN 3: Paglalapat A. Ito ay sariling ebalwasyon kaya’t walang tama o maling sagot. B.1. karapatan sa kaligtasan, kaalaman, pamimili na madinig. 2. a. prodyuser b. pagbibigay ng tamang impormasyon (boltahe) c. magreklamo d. kaligtasan, impormasyon, kabayaran sa pinsalaC. 1. BFAD 2. NPCC 3. lokal na pamahalaanPANGWAKAS NA PAGSUSULIT 11. C 1. D 12. D 2. A 13. A 3. A 14. A 4. D 15. B 5. A 16. A 6. B 17. A 7. A 18. D 8. C 19. D 9. B 20. C 10. B 62
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 6 DISTRIBUSYON AT ALOKASYONBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 6 DISTRIBUSYON AT ALOKASYON Sumama ka na ba sa iyong ina o ama sa pamimili sa palengke? Kung oo, nagtataka ka ba kung paano pinepresyuhan ng mga tindero at tindera ang kanilang mga paninda? Malamang na iniisip mo na ito ay batay sa kanilang puhunan at inaasahang tubo para sa kanilang kita. Tama ka, pero hindi lamang ito ang mga konsiderasyon sa pagpepresyo. Mahalagang konsiderasyon din ang demand para sa mga produkto at suplay nito. Ngunit ano ang demand at suplay? Mahalaga din itong pag-usapan dahil ito ay nagdedetermina din ng distribusyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo kaya ang mga ito ang ating bibigyang pansin sa modyul na ito. May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Demand at mga Salik na Nakaaapekto Dito Aralin 2: Suplay at mga Salik na Nakaaapekto Dito Aralin 3: Ekwilibriyo sa Pamilihan Aralin 4: Elastisidad ng Demand at Suplay Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Matutukoy ang kahulugan ng distribusyon at mga salik na nakaapekto dito; 2. Maipaliwanag ang kahulugan ng demand at suplay at ang pagkakaiba ng mga ito; 3. Masusuri ang epekto ng presyo at salik na di-presyo sa demand at suplay ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan; 4. Masusuri ang mga salik ng produksyon na nakaaapekto sa suplay ng produkto at serbisyo; 5. Maipaliliwanag ang kuhulugan ng elastisidad at ang epekto nito sa ekwilibriyo sa pamilihan; 2
6. Maipaliliwanag ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan; 7. Maikukumpara ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan ng produkto at serbisyo sa presyo at dami ng mga ito; at 8. Makabuo ng konklusyon hinggil sa mga paraan upang mapanatili ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan. Handa ka na ba? Bago ka magsimula, sagutin mo muna ang panimulangpagsusulit. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral nainihanda para sa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.1. Tagalikha at tagasuplay ng mga produkto at serbisyo:A. mamimili C. prodyuserB. ispekyuleytor D. konsyumer2. Nagpapakita ng pagkakaroon ng balanse sa pamilihan:A. presyo C. ekwilibriyoB. prodyuser D. disekwilibriyo3. Produkto na binibili ng konsyumer kapag tumaas ang presyo ng produkto na dati nilang binibili: A. sale B. demand C. substitute goods o pamalit D. produktong komplementaryo4. Ang grapikong paglalarawan ng iskedyul ng demand:A. grap C. kurba ng demandB. dayagram D. kurba ng suplay5. Salik na nagpapabago ng demand: C. kita ng konsyumer A. dami ng buwis D. subsidy ng gobyerno B. dami ng nagtitinda6. Nagpapakita ng pantay na pagbabago sa pagtugon ng prodyuser at presyo.:A. elastik C. unitaryB. di-elastik D. ganap na elastik7. Salik na nakaaapekto sa suplay: C. gastos sa produksyon A. kita ng konsyumer D. panlasa ng mamimili B. kagustuhan ng mamimili 4
8. Ang relasyon ng dami ng isinusuplay sa presyo ay:A. di-tuwiran. C. tuwiran.B. magkapareho. D. di-magkapareho.9. Ang kumakatawan sa bertikal axis sa kurba ng demand:A. kita C. presyoB. dami D. demand10. Talaan na nagpapakita ng dami ng produktong ipagbibili sa alternatibong presyo:A. Tsart C. Supply scheduleB. Kurba ng suplay D. Demand schedule11. Ang kumakatawan sa demand: C. konsyumer A. tindera D. prodyuser B. suplayer12. Ang grapikong paglalarawan ng direktang relasyon ng presyo at dami ngipagbibiling produkto habang ang ibang salik ay hindi nagbabago:A. Kurba ng demand C. Kurba ng suplayB. Iskedyul ng suplay D. Punto ng ekwilibriyo13. Ang pagtugon ng konsyumer sa porsyento ng pagbabago ng presyo:A. Demand C. ElastisidadB. Pagbili o hindi pagbili D. Kompetisyon14. Ang lebel ng presyo na pinagkasunduan ng mamimili at nagbibili:A. Kontrata C. Presyong ekwilibriyoB. Pamilihan D. Ekwilibriyo 5
15. Ayon sa batas na ito, kapag mataas ang presyo, marami ang handang ipagbili ngmga prodyuser; ngunit kapag mababa ang presyo, kakaunti ang handang ipagbilihabang ang ibang salik ay hindi nagbabago.A. Batas ng Demand C. Batas ng SuplayB. Batas ng Presyo D. Batas ng Pagkonsumo16. Alinmang lugar na pinagdarausan ng organisadong transaksyon sa pagitan ngmamimili at nagbibili:A. opisina C. pamilihanB. pabrika D. pagawaan17. Dami ng produkto o serbisyo na handang bilhin ng mga konsyumer sa takdangpresyo:A. suplay C. demandB. bargain D. sale18. Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng mga salik ng demand?A. kita C. makabagong teknolohiyaB. panlasa D. dami ng mamimili19. Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng mga salik ng suplay?A. gastos sa produksyon C. panlasaB. dami ng nagtitinda D. panahon20. Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng nagpapabilis ng produksyon?A. buwis C. kitaB. subsidi D. teknolohiya 6
ARALIN 1DEMAND AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO DITO Sa mga naunang modyul ay tinalakay ang dalawa sa tatlong proseso saekonomiks – ang produksyon at pagkonsumo. Tatalakayin naman sa modyul na angikatlong proseso. Paanong nakararating sa mga tao ang mga produkto gaya halimbawa,ng pantalon na binili mo kamakailan? Ito ay posible dahil sa proseso ng distribusyon.Mula sa gumawa ng iyong pantalon, ito ay naihatid papunta sa mga mamimili. Ngunithigit nating mauunawaan ito kung mauunawaan natin ang konsepto ng demand atsuplay. Sa araling ito ay bibigyan muna ng diin ang konsepto ng demand. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maibibigay ang kuhulugan ng demand gamit ang iyong sariling mga salita; 2. Maibibigay ang pagkakaiba ng demand at dami na demanded; 3. Maipaliliwanag ang relasyon sa pagitan ng presyo ng produkto at dami nito na demanded; 4. Maibibigay ang mga salik na nakaapekto sa demand at ang epekto nito sa kabuuang demand; at 5. Maiaaplay ang lahat ng konsepto patungkol sa demand sa pagsusuri ng mga ekonomikong penomena sa pang-araw-araw na buhay. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Masayang masaya na sana si Joseph dahil dalawang linggo na lamangmagpapasukan muli. Ngayong pasukang ito, sa mataas na paaralan na sa bayan siyapapasok. Dagdag pa dito, sa pagpasok niya ay nasa ikaapat na antas na siya ng mataasna paaralan at malapit na siyang matapos. Ngunit, kaninang umaga lamang, maymalungkot na balita sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Kailangan daw na siya naang bumili ng kaniyang mga damit dahil madaragdagan na ang gastos nila sa paglipatniya sa bayan at papasok na ang kaniyang kuya sa isang pamantasan sa Maynila.Nangamba si Joseph dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakaranas bumili ng sariling 7
damit. Ang kaniyang mga magulang ang bumibili at gumagastos para sa kaniya. Iniisip panaman niya na magpapabili siya ng paborito niyang maong na pantalon na may tatak na“Aling Levi’s 501 Pants”. Sa tingin niya ay ito ang angkop sa kaniyang panlasa. Nais niyasana ng ilang pares nito para hindi niya na kailangang maglaba sa tuwing uuwi siya sahapon para may maisuot siya sa susunod na araw. Ang nag-iisa niyang pares ngsapatos ay sira na rin at pag isinuot ay lulusot na ang kaniyang mga paa. Inisip niya kungmay posibilidad pa na maremedyuhan ito. Inisip din niya kung ano ang magiging hitsuraniya kung suot niya ang isang napakagandang maong na pantalon, katerno ang kaniyangbutas at sirang sapatos. “Haaay naku, ano kaya ang gagawin ko,” sabi ni Joseph sa sarili, “Ahhh alam kona magtatanong-tanong ako para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin.” Nagpunta siya sa apat na nagtitinda ng pantalon upang malaman ang halaga ngbawat pares at ilang bagay pa tungkol sa produktong ito. Ngayon ay alam na niya kungmagkano ang bawat pares ng paborito niyang pantalon, bago at gamit na (mayroonkasing nagtitinda ng mga “used clothes” sa kanila) at kung aling tindahan ang pinakamuraat pinakamahal na nagbebenta nito. Ngayon ang kaniyang susunod na gagawin ay pag-isipan kung ilan ang kaniyang bibilhin. Subalit hindi pa maaaring magdesisyon si Joseph kung ilan ang kaniyang bibilhin.Dalawang linggo pa bago magsimula ang klase, at dalawang linggo pa siyangmagtatrabaho kay Mang Juan sa sweldong tatlong daang piso kada linggo. “Hindi ko mabibili ang limang pares ng pantalon na nais kong bilhin para sa isanglinggong pagpasok sa paaralan,” naisip ni Joseph. Kasama pa nito ang pagsasaaalang-alang ng pagbili ng isang bagong pares ng sapatos. Hindi naman ako na bibigyan ngpera ng aking kuya dahil higit na mas malaki ang kaniyang gastos dahil sa Maynila nasiya mag-aaaral. Kausapin ko kaya si Mang Juan na dagdagan ko ang aking oras satrabaho para madagdagan din ang aking kita. Pihadong papayag yun kasi marami angorder sa kaniya ngayon. At saka sigurado namang may mga “Back to School” na sale saisang linggo at siguradong bababa ang halaga ng mga produkto pati na rin ang mgagusto at kailangan kong bilhin. Siguro mas mabuti pa na ipagpaliban ko sa isang linggoang aking pagbili ng limang pares ng pantalon” Nakapagtrabaho pa si Joseph ng dagdag na dalawampung oras sa sumunod nalingo. Nakaipon siya ng sapat na halaga at siya ay nakabili ng apat na bagong pares ngpantalon, isang bagong pares ng sapatos, at nakatanggap pa siya ng isang libreng t-shirt 8
mula sa tindahan ng pantalon kung saan niya binili ang apat na pares ng pantalon niya.Bahagi iyon ng kanilang promosyon upang madaming bumili ng kanilang produkto.Bunga ng pagkakaroon ng sapat na kagamitan sa pag-aaral, naging matagumpay angikaapat na taon ni Joseph sa mataas na paaralan sa bayan. Sa itaas, isinaalang-alang ni Joseph ang mga elemento na nagtatakda kung gaano karami ng isang produkto ang binibili ng isang mamimili. Balikan ang proseso ng pagdedesisyon ni Joseph. Ano ang mga elemento na nagtakda ng dami ng kaniyang biniling pares ng pantalon.KAHULUGAN NG DEMAND Sa ekonomiks, mahalaga na linawin ang mga salita o terminong ginagamit.Demand ay isang salita na maaaring magkaroon ng higit sa isang kahulugan, subalit saekonomiks, isa lamang ang pakahulugan dito. Upang maging simple, maaari nating isipinang mga mamimili bilang mga konsyumer. Ang mamimili ay tumutukoy sa mga tao namay gusto o may pangangailangan sa ilang produkto o serbisyo. Ngunit hindi ditonagtatapos ang konsepto ng demand. Ang salitang demand ay tumutukoy sa parehongkakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng isang produkto at serbisyo.Maaaring si Joseph ay may kagustuhang bumili ng limang bagong pares ng pantalon,subalit hindi naman niya kayang bilhin lahat ito. Hindi matatawag na demand ito dahilang sabihing may demand ang isang tao para sa isang produkto ay pagsasabing maypera ang taong ito na pambili at may pagnanais na ipalit niya ang aniyang ito para sakasabing pera produkto. Kung minsan ginagamit ang salitang demand upang tumukoy sapangangailangan. Ngunit hindi ito magkatulad. Ang pangangailangang walangkakayahang bumili ay hindi lilikha ng epektibong demand sa pamilihan. Kung minsan,ginagamit ng mga ekonomista ang salitang “epektibong demand” sa halip na simpleng“demand” upang bigyang-diin ang puntong ito. Sa puntong ito ay handa ka na sa isang teknikal na depinisyon opagpapakahulugan ng demand sa ekonomiks. 9
Ang demand ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami nademanded para sa isang partikular na produkto o serbisyo sa isang partikular napagkakataon. Para sa bawat presyo, ang relasyon ng demand ang magsasabi ng damina nais bilhin ng mga mamimili sa isang katugmang halaga. Ang dami na gustong bilhinng mga mamimili sa isang partikular na presyo ay tinatawag na quantity demanded saIngles at dami na demanded sa wikang Filipino. Mahalagang maliwanagan mo ang pagkakaiba sa pagitan ng dami na demandedat demand. Tumutukoy ito sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami na demanded parasa isang produkto o serbisyo. Mas magiging madaling unawain ito sa pamamgitan ngpagsulyap sa sumusunod na talahanayan. Tinatawag itong iskedyul ng demand odemand schedule sa wikang Ingles:Demand Para sa ChocnutHalaga (Piso bawat piraso) Dami na Demanded (Piraso)706 105 204 303 402 501 60 Ang kabuuan ng talahanayan na nabanggit sa itaas ay tumutukoy sa demand parasa chocnut. Halimbawa, sa halagang piso kada piraso ng chocnut, 60 ang dami pirasongna demanded. Kung sa halaga namang dalawang piso kada piraso, 50 naman ang damina demanded. Madali lamang unawain ito. Subukan mo. Base sa talahanayan sa itaas,ano ang dami na demanded kung tatlong piso ang halaga sa bawat piraso ng chocnut?Tama ka, 40. Kapag limang piso kada piraso? Tama ka, 20 ang dami na demanded.Kung pitong piso bawat piraso, lubhang mataas na ang presyo kayat wala nang dami nademanded. Hindi na bibilhin ang produkto. Gaya ng ating nabanggit, ang demand para sa isang produkto o serbisyo aytumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami na demanded ng produkto oserbisyong ito. Kapag inisip natin ang relasyong tinutukoy ay salungat. Ibig sabihin,kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami na demanded; at kapag bumaba ang 10
presyo, tataas naman ang dami na demanded. Ito rin ang maoobserbahan natin sahalimbawa natin sa chocnut. Maliban sa talahanayan, maaari ring ilarawan angrelasyong nabanggit sa pamamagitan ng sang dayagram. Halimbawa: P 52 D Q 10 20 30 40 50 60 70P – Presyo kada piraso ng chocnutQ – Dami na demanded para sa chocnutKapag sinabing demand, ang tinutukoy ay ang kabuuan ng relasyon. Ibig sabihin, sadayagram sa itaas, ito ang kabuuan ng kurba samantalang, ang dami na demanded aytumutukoy sa isang partikular na punto lamang sa kurba ng demand. Pag-aralan mo anghalimbawang ito: P52 P= Php3.00 D Dami na demanded sa P=Php3.00 Q 10 20 30 40 50 60 70 Demand Para sa Chocnut 11
P – Presyo kada piraso ng chocnut Q – Dami na demanded para sa chocnutBatas ng Demand Mapapansin mo sa halimbawa sa talahanayan at dayagram na ang kurba ngdemand ay pababa. Ibig sabihin, mas mataas ang presyo, mas kakaunti ang gusto atkayang bilhin ng tao. Ang tawag ng mga ekonomista dito ay batas ng demand: Sa masmataas na halaga, mas mababa ang dami na demanded, ceteris paribus1. P PP’ DQ Q Q’ Ipinakikita sa dayagram ang batas ng demand: ang pagbaba ng presyo aymagbubunga sa pagtaas ng dami ng produkto na demanded. At kung tataas naman angpresyo ito ay magbubunga sa pagbaba ng dami ng produkto na demanded na ipinakikitanaman ng susunod na dayagram: 12
P P’ P DQ Q’ Q Ang batas ng demand ay posible dahil sa epekto ng dalawang bagay – epekto ngkita at ng subtitusyon. (1) Epekto ng kita - Kapag mas mababa ang presyo, nagkakaroon ng mas mataas na kapangyarihang bumili ang mamimili o konsyumer. Ibig sabihin, mas maraming produkto at serbisyo ang makakaya niyang bilhin. Ngunit sa mas mataas na presyo, mas kakaunti ang makakayang bilhin ng konsyumer. Bilang halimbawa, kung ang presyo ng isang bote ng Coke dati-rati ay 10 sentimos lamang, sa halagang piso, makabibili ka na ng sampung bote ng naturang softdrinks. Ngayon ang piso ay hindi na makabibili ng kahit isang bote. Ipinakikita lamang dito na sa parehong dami ng pera o kita ay makabibili ka ng mas maraming produkto o serbisyo kapag mas mababa ang presyo. Mas kakaunti ang mabibili mo kapag tumataas naman ang presyo. (2) Epekto ng substitusyon – Ang mga konsyumer ay karaniwang bumibili ng mga produkto na may mas mababang presyo. Kung sakaling tumaas ang presyo ng produktong kanilang binibili, humahanap sila ng maaaring ipalit dito na may mas mababang presyo. Halimbawa, kapag tumaas ang presyo ng Pepsi. Ang mga konsyumer ay lilipat sa pagbili ng halos kaparehong softdrink na may mas mababang presyo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pagtaas ng presyo ng isang partikular na produkto ay magdudulot ng pagbaba sa dami na demanded para dito. 13
Sa kurba ng demand na ating ibinigay hinggil sa chocnut, ating sasabihin na angbatas ng demand ay nag-aaplay “ceteris paribus,” na ibig sabihin ang ibang bagay namaaring makaaapekto sa dami na demanded sa chocnut, gaya ng kita ng konsyumer atpopulasyon, ay itinuturing na di nagbabago. Kapag ang mga ito ay nagbago,magreresulta ito sa paglipat o paggalaw ng kurba ng demand na siyang pag-uusapannatin sa huling bahagi ng araling ito.Iba pang mga Salik na Nakakaapekto sa Demand Pinag-aaralan ng mga ekonomista ang demand para sa isang produkto o serbisyosa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salik o elemento na isinaalang-alang ni Joseph sakwento sa unang gawain para sa araling ito. Ang mga salik na ito ay: 1. Kita ng mamimili; 2. Panlasa o antas ng pagkagusto ng konsyumer o mamimili para sa produkto o serbisyo; 3. Presyo ng mga kaugnay na produkto o serbisyo gayan ng: (a) pamalit na produkto o produktong nakikomptensya sa produkto sa pinion ng mamimili); at (b) produkto o serbisyong komplementaryo na kasamang ginagamit ng produkto sa opinyon ng mamimili); 4. Ekspektasyon o tinatantiyang presyo ng produkto; 5. Populasyon (para sa kabuuang demand ng pamilihan sa halip na sa indibidwal na demand ni Joseph); at 6. okasyon. Upang lubos mong maunawaan ang epekto ng bawat salik sa demand, isipinmong isa-isa ang bawat salik habang itinuturing ang iba pang salik na hindi nagbabago.Halimbawa, ilan ang bibilhin pares ng sapatos ni Joseph sa bawat posibleng presyo ngmaong ngayon dala ng kaniyang ekspektasyon ng pagbaba ng presyo nito sa susunodna lingo, kung ang kaniyang kita, halaga ng sapatos at panlasa ay hindi magbabago?Ngayon handa ka nang tingnan ang epekto ng bawat isa. 14
Kita ng Mamimili Nadagdagan ni Joseph ang kaniyang kita sa pamamagitan ng pagtatarabaho ngdagdag na dalawampu pang oras. Paano maapektuhan nito ang dami ng maong nakaniyang bibilhin kapag ang iba pang salik na maaring makaapekto sa kaniyang demanday mananatiling di nagbabago? Kung ilalagay natin sa isang dayagram ang demand niJoseph para sa maong, at ang pagbabago dala ng pagtaas ng kita niya, ito ang magigingitsura nito: P P D' D Q QD QD’D – orihinal na demand ni Joseph para sa maong na pantalonD’ – ang bagong demand ni Joseph para sa maong na pantalon dahil sa dagdag niyang kitaQD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demanded ni Joseph bunga ng pagtaas ng kita niya Makikita mo sa dayagram na ang pagtaas ng kita ni Joseph ay nagdulot ngpagtaas ng kabuuag demand niya para sa maong. Magbubunga ito ng paggalaw ngkurba ng demand patungo sa kanan o sa wikang Ingles, nagkaroon ng shifting of thedemand curve to the right. Ibig sabihin, sa parehong halaga na P, mas dumami ang damina kaya at nais bilhin ni Joseph (QD’). Kapag naman bumaba ang kita ni Joseph,magkakaroon din ng pagbaba ng demand ni Joseph. Ibig sabihin, sa parehong halaga naP ay maging mas kaunti ang kaya at gusto niyang bilhin (sa kaliwa ng QD). Makikita rin 15
dito ang epekto ng pagbaba sa kita ni Jopeh sa pamamagitan ng pagkakaroon ngbagong kurba ng demand sa kaliwa ng D.Panlasa ng Mamimili Paano kung naisip ni Joseph na mas “in” na ang slacks? Ano ang mangyayari sademand ni Joseph bunga ng pagbabago ng kaniyang panlasa? Tama ka, bababa angdemand niya para sa maong na pantalon. Ibig sabihin sa kaparehong presyo, bababaang dami na demanded ni Jospeh para sa maong. Upang maging posible ito, ibig sabihinmayroong bagong kurba ng demand. Sa palagay mo ito ba ay nasa kanan o nasa kaliwang orihinal na kurba ng demand? Tama ka, sa kaliwa ito ng orihinal na kurba ng demand. P P D D’ Q QD’ QDD – orihinal na demand ni Joseph para sa maong na pantalonD’ – ang bagong demand ni Joseph para sa maong na pantalonQD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demandedPresyo ng mga Kaugnay na Produkto o SerbisyoKomplementaryong Produkto Kinailangan ni Joseph na bumili ng bagong sapatos na katerno ng kaniyangbagong maong dahil sira-sira na ang luma niyang sapatos. Ang sapatos at maong sasitwasyon ni Joseph ay komplementaryong mga produkto. Ibig sabihin ang pagkonsumong isa ay kailangan din o kasabay sa pagkonsumo ng komplementaryo nito tulad ng kape 16
at asukal, ng cassette player at cassette tapes. Kung tumaas ang presyo ng sapatos, anoang magiging epekto nito sa sa demand ni Joseph para sa maong na pantalon? Tama ka,bababa ang demand niya para sa maong. Ibig sabihin sa parehong presyo ay bababaang dami na demanded niya. At tama ka ulit, ang dayagram nito ay magpapakita ngpagkakaroon ng bagong kurba ng demand sa kaliwa ng orihinal. PP D QD’ QD D’ QD – orihinal na demand ni Joseph para sa maong na pantalonD’ – ang bagong demand ni Joseph para sa maong na pantalonQD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demanded Kung bumaba naman ang presyo ng sapatos, tataas naman ang demand niJoseph para sa maong at magbubunga ito ng paggalaw papunta sa kanan ng kurba ngdemand. PP D' QD QD’ D Q 17
D – orihinal na demand ni Joseph para sa maong na pantalonD’ – ang bagong demand ni Joseph para sa maong na pantalonQD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demanded ni JosephPampalit o Substitute Katulad ng halimbawa ng Coke at Pepsi, kapag tumaas ang presyo ng Pepsi, anddemand para sa Coke ay tataaas; at kapag bumaba ang presyo ng Pepsi, bababa namanang demand para sa Coke. Kung ilalagay natin ito sa dayagram, makakakita tayo ngpaggalaw ng kurba ng demand. P P D D’ Q QD’ QD Demand para sa CokeD – orihinal na demand para sa CokeD’ – ang bagong demand para sa Coke bunga ng pagtaas ng presyo ng Pepsi (substitute ng Coke)QD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demanded] 18
PP D' D Q QD QD’ Demand para sa CokeD – orihinal na demand para sa CokeD’ – ang bagong demand para sa Coke bunga ng pagbaba ng presyo ng Pepsi (substitute ng Coke)QD – orihinal na dami na demandedQD’ – ang bagong dami na demandedEkspektasyon o Inaasahan sa Presyo inaasahan ni Joseph na sa susunod na linggo na bababa ang presyo ng maong.Ano ang mangyayari sa demand niya para sa maong ngayong linggo? Tama ka, ito aybababa, dahil mas mamabutihin ni Joseph na bumili na lamang sa susunod na linggopara mas makatipid at para mas marami ang kaniyang mabili. Tama ka, kapag inilagaynatin ito sa dayagram magkakaroon ng paggalaw ng kurba ng demand sa kaliwa. Kunginaasahan naman ni Joseph na mas tataas ang presyo ng maong sa susunod na linggo,mas mamabutihin niya na bumili ngayong linggo dahil mas makakatipid siya ngayon at itoay magbubunga ng paggalaw ng kurba ng demand papunta sa kanan. 19
Populasyon Sa kabuuan ng pamilihan para sa maong na pantalon kung saan isa lamang siJoseph sa maraming mamimili, konsiderasyon din ang dami ng mga mamimili sapagpepresyo ng produkto. Kung lumaki ang populasyon ng mamimili, lalaki angkabuuang demand sa pamilihan at kung lumiit ang populasyon ng mamimili, liliit angkabuuang demand sa pamilihan para sa produkto. Magbubunga ito ng paggalaw ngkurba ng demand para sa produkto.Okasyon Likas sa tao, lalo na sa mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t ibang okasyongdumarating. Sa bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto nanababagay sa okasyon. Bulaklak at tsokolate sa araw ng mga puso, mga kwitis sabiniyagan at masasarap na pagkain tuwing piyesta. Magbubunga ito ng paggalaw ngkurba ng demand para sa mga nabanggit na produkto. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Siriin kung tama o mali ang mga pangungusap. Isulat ang salitang tamasa iyong kwaderno kung naniniwala kang tama ang pangungusap, at ang salitang malikung sa iyong palagay ay mali ang pangungusap.________ 1. Ang demand ay tumutukoy sa ating gustong bilhin.________ 2. Ang demand ay tumutukoy sa gusto at kaya nating bilhin.________ 3. Ang demand at dami na demanded ng isang produkto ay pareho lamang.________ 4. Kapag lumaki ang kita ni Joseph, ang demand niya para sa maong ay bababa.________ 5. Kapag dumami ang mga mamimili ng maong, bababa ang kabuuang demand para sa maong.________ 6. Kapag tumaas ang presyo ng maong, magkakaroon ng paggalaw sa kurba ng demand. 20
________ 7. Kapag inaasahan ng isang mamimili ng kape na tataas ang presyo nito sa isang buwan, bababa ang demand niya para dito ngayong________ linggo.________________ 8. Kung tumaas ang kita ng iyong magulang, tataas ang demand niya para sa pagkain ng inyong pamilya. 9. Kapag bumaba ang presyo ng kape, ang demand para sa asukal ay bababa rin. 10. Kapag bumaba ang presyo ng tsaa, ang demand para sa kape ay tataas. Tandaan Mo! Ang “demand” ay tumutukoy sa parehong kakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng isang produkto at serbisyo. Ang demand ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami na demanded para sa isang partikular na produkto o serbisyo sa isang partikularna pagkakataon.Ang mga salik na nakaapekto sa demand ay: kita ng maimili; panlasa; presyo ng mgakaugnay na pamalit o komplementaryong produkto o serbisyo; inaasahang na presyong produkto; populasyon; at okasyon.Ang pagbabago sa presyo ng produkto ay nagdudulot ng pagbabago ng dami nademanded (quantity demanded) para sa produkto.Ang pagbabago sa presyo ng produkto ay nagdudulot ng pagbabago sa dami nademanded (quantity demanded) para sa produkto. Makikita ito sa dayagram ngpaggalaw mula sa isang punto sa kurba ng demand patungo sa isa pang punto saparehong kurba ng demand at nangangahulugan na hindi magbabago ang iskedyulng demand.Ang pagbabago sa alinmang salik maliban sa presyo ay nagdudulot ng pagbabago sademand para sa produkto. Makikita ito sa dayagram ng paggalaw ng buong kurba ngdemand patungo sa kanan o sa kaliwa ng orihinal na kurba at nangangahulugan itong pagkakaroon ng bagong iskedyul ng demand o ng bagong relasyon ng presyo atdami na demanded ng produkto. 21
Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na ngayon ay Hunyo at buwan ng pasukan sa mga paaralan. Karaniwang may ganitong deamand para sa kwaderno: Demand para sa KwadernoPresyo (bawat piraso) Dami na Demanded (piraso)5 na piso 156na piso 127 na piso 9 Suriin mo ang mga datos sa talahanayan. Pagkatapos ay ilagay sa sumusunod nadayagram ang presyo at dami na demanded na nakatala sa itaas. P QDP – presyoQD – dami na demanded Ano ang mangyayari sa kurba ng demand mo ngayon para sa kawaderno kung:1. Tataas ang presyo ng kwaderno mula 5 hanggang 6 na piso bawat piraso.2. Daragdagan ni tatay ang iyong pambili ng kwaderno3. May nabalitaan kang “sale’’ ng mga kwaderno sa susunod na linggoIguhit mo ang dayagram tulad ng pagkakaguhit natin sa mga halimbawa sa aralinpara sa bawat sitwasyon 22
ARALIN 2SUPLAY AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO DITO Sa katatapos na aralin, tinalakay at inilarawan ang panig ng mamimili kung paanonaaapektuhan ng iba’t ibang mga salik ang kaniyang demand. Sa araling ito naman aytatalakayan ang panig ng prodyuser at nagbibili (tindera o tindero). Anu-anong mga salikkaya ang nakaaapekto sa dami ng produktong isinusuplay ng mga prodyuser o ng mganagbebenta sa pamilihan? Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maibibigay ang kuhulugan ng suplay gamit ang iyong sariling mga salita; 2. Maibibigay ang pagkakaiba ng suplay at dami na isinusuplay; 3. Maipaliliwanag ang relasyon sa pagitan ng presyo ng produkto at dami nito na isinusuplay; 4. Maibibigay ang mga salik na nakaaapekto sa suplay at ang epekto nito sa kabuuang demand; at 5. Maiaaplay ang lahat ng konsepto patungkol sa suplay sa pag-interpret ng mga ekonomikong penomena sa tunay na buhay. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Balikan natin si Joseph. Ipagpalagay mo naman ngayon na naisipan niyanggamitin ang naipon niyang pera sa pagtitinda ng halo-halo tuwing araw ng Sabado at Linggo.Nakabili na siya ng mga sangkap ng halo-halong kaniyang ibebenta. Nagsimula na rin siyangmagtinda. Makalipas ang isang linggo, may dalawa pang itinayong tindahan ng halo-halo sakatapat niyang lugar. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa kabuuang suplay ng halo-halo sakanilang lugar? Sumunod na lingo, ibinili si Joseph ng isang makina ng kaniyang ina na mabilisna dumudurog ng yelo kaysa sa pangkaskas na kaniyang ginagamit. Ano sa tingin mo angmangyayari sa dami ng iyong pwedeng ibentang halo-halo? Matapos ang tatlong araw bumabaang halaga ng asukal na isa sa mga sangkap ng iyong itinitinda, dadami ba o magiging kauntilamang ang ibebentang halo-halo ni Joseph? 23
Sa sitwasyong nabanggit, may ilang mga salik ng suplay na kailangan mongisaalang-alang na makaaapekto sa suplay ng halo-halo. Anu-ano ang mga ito?Kahulugan ng Suplay Kung may demand sa panig ng mamimili, mayroon namang suplay sa panig ngnagbebenta. Ang suplay ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami ngisang partikular na produkto o serbisyo na isinusuplay ng prodyuser o tindero sa isangpartikular na pagkakataon. Para sa bawat presyo ang relasyon ng suplay ang nagtatakdakung gaano kadami ang isang produkto na nais ibenta ng prodyuser o nagbebenta sanabanggit na presyo. Ang dami na nais ibenta ng mga nagtitinda sa isang partikular napresyo ay tinatatawag na dami ng isinuplay o quantity supplied sa Ingles. Sa ibaba ayang talahanayan ng suplay para sa chocnut. Ang tawag dito ay iskedyul ng suplay osupply schedule sa wikang Ingles.Presyo (piso bawat piraso) Dami na Isinuplay 7 280 6 245 5 210 4 175 3 140 2 105 1 70 24
P S751 Q 70 210 280 Mapapansin natin na kaiba sa demand, ang relasyon ng presyo sa dami ngisinuplay ay direkta, ibig sabihin kapag tumataas ang presyo, dumadami rin ang dami ngisinusuplay at kung bumababa naman ang presyo ay bababa rin ang dami na isinusuplayng isang partikular na produkto, ceteris paribus. Ito ang batas ng suplay. Ang suplay ay tumutukoy din sa kabuuan ng relasyon, ibig sabihin, sa dayagramna nabanggit, ito ang kabuuan ng kurba samantalang, ang dami na isnuplay aytumutukoy sa isang partikular na punto sa kurba ng suplay. Makikita sa dayagram nakung ang presyo ay pitong piso, ang dami na isinuplay ay 280.Iba pang mga Salik na Nakakaapekto sa Suplat Gaya ng deamand, may iba pang mga salik na nakaapekto sa suplay bukod sapresyo. Ito ay ang mga sumusunod: (1) teknolohiya; (2) halaga ng produksyon; (3) bilang ng mga nagbebenta; (4) presyo ng mga kaugnay na produkto; (5) ekspektasyon sa presyo; (6) buwis at mga subsidi; at (7) panahon o klima 25
Tulad ng pagsusuri ng mga salik na nakaaapekto sa demand, kailangan dingisaalang-alang ang bawat salik nang isa-isa habang ang ibang mga salik ay hindinagbabago upang makita natin ang epekto nito sa kabuuan ng suplay.(1) Teknolohiya Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng produksyon. Ang modernong teknolohiya – na gumagamit ng mga modernong makina – ay nakapagpaparami ng suplay ng produkto. Dahil dito, bumababa ang halaga ng produksyon na lalong nakahihikayat sa prodyuser o manininda na dagdagan ang kanilang suplay. Ang mababang halaga ng produksyon ay nagbubunga ng sa pagtaas ng tubo o kita ng mga prodyuser o suplayer, gayundin ang mga tindero o tindera. Ang pinaghusay na teknolohiya ay magiging dahilan ng pagtaas ng suplay. Ibig sabihin sa parehong presyo, nadaragdagan ang dami o bilang ng isinuplay na posible dahil sa paggalaw ng suplay. Kung iguguhit natin ito sa dayagram, ganito ang magiging resulta: S S’ P QS QS’P – presyoQS – dami ng isinuplay sa orihinal na suplayQS’ – dami ng isinuplay sa bagong suplayS – orihinal na suplayS’ – bagong suplay(2) Halaga ng Produksyon Sa produksyon, kailangan ang mga materyales at manggagawa. Kapag tumaas ang presyo ng materyales, o tumaas ang sahod ng mga manggagawa, 26
magreresulta ito sa pagtaas ng halaga ng produksyon. Hindi lamang ito ang mga kailangan sa produksyon. Kailangan din ang pagtustos sa iba pang gastusin tulad ng interes sa bangko para sa mga puhunang inutang sa bangko, buwis, renta sa lugar ng gawaan, at iba pa. Buti na lamang at halo-halo ang naisip ni Joseph, wala pa itong buwis at interes sa bangko na babayaran para sa puhunan. Maaari niya na lamang itong kunin sa kaniyang natipid na baon. Kung tataas ang halaga ng produksyon mababago ang kabuuan ng suplay at hindi lamang ang dami ng isinuplay kaya kung ilalagay natin ito sa isang dayagram, magkakaroon ng paggalaw ng kurba ng suplay papunta sa kaliwa. Kung bababa naman ang halaga ng produksyon, magkakaroon ng paggalaw patungo sa kanan.(3) Bilang ng mga Nagtitinda Mas maraming nagtitinda o pabrika, mas malaki ang suplay. Kung mas kakaunti ang nagtitinda o pabrika, mas kakaunti ang suplay. S S’ P QS QS’P – presyoQS – dami ng isinuplay sa orihinal na suplayQS’ – dami ng isinuplay sa bagong suplayS – orihinal na suplayS’ – bagong suplay 27
S’ S P QS’ QSP – presyoQS – dami ng isinuplay sa orihinal na suplayQS’ – dami ng isinuplay sa bagong suplayS – orihinal na suplayS’ – bagong suplay(4) Presyo ng ibang Kaugnay na Produkto Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay makaaapekto sa suplay ng nabanggit na produkto. Ang pagbaba sa presyo ng bigas ay makahihikayat sa isang magsasaka na magprodyus na lamang ng mais. Noong 1985, ang presyo ng asukal ay lubhang bumaba sa pandaigdigang pamilihan dahil nagkaroon ng sobrang suplay nito. Naging problema ito para sa mga Pilipinong prodyuser ng asukal dahil ang halaga ng kanilang produksyon ay mas mataas pa kaysa sa presyo ng asukal sa pandaigdigang pamilihan. Pinag-aralan nila ang posibilidad ng pagpoprodyus ng iba pang produkto at ang paggawa alcohol galling sa asukal.(5) Inaasahang Presyo ng Prodyuser Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produktong isinusuplay sa madaling panahon, madalas na itinatago muna nila ito bago at ilalabas lamang upang maibenta kapag mataas na ang presyo. Tinatawag ito sa Ingles na hoarding. Nagbubunga ito ng artipisyal na kakulangan. Naranasan na natin sa Pilipinas na kapag nag-anunsyo ang pamahalaan na may napipintong pagtaas sa presyo ng gasolina, bigas, gatas, at mantika, ang mga produktong ito ay 28
nawawala o sa pamilihan. Kung inaasahan naman ng mga prodyuser na bababa ang presyo sa susunod na lingo, binabawasan nila ang kanilang produksyon. Ang mga magsasaka, hindi gaya ng ibang prodyuser, ay walang kakayahang bawasan ang kanilang produksyon dahil nakapagtanim na sila. Mayroon din namang mga pabrika na nagtataas ng kanilang produksyon dahil inaasahan nila na tataas din ang presyo. Ang inaasahang presyo ay makaaapekto sa suplay ng isang partikular na produkto na magbubunga sa paggalaw ng suplay. Makikita natin ito sa isang dayagram sa paggalaw ng mismong kurba ng suplay.(6) Buwis at Subsidi May mga buwis na nakapagpapalaki sa gastos o puhunan para sa produksyon. Ang mataas na buwis ay nakakapagpapababa ng motibasyon sa mga negosyante para magprodyus dahil mas maliit ang magiging kita o tubo nila. Ito ang dahilan kung bakit ang pamahalaan ay nagbibigay sa mga bago at kinakailangang industriya ng mga eksempsyon sa pagbabayad ng buwis. Nagbibigay din ang pamahalaan ng insentibo sa buwis sa mga dayuhang imbestor at mga mamamayang mismo sa Pilipinas upang patuloy na mahikayat ang pamumuhunan at pagtatayo ng negosyo sa bansa. Ang subsidi naman ay mga tulong pinansyal n ibinibigay ng pamahalaan sa mga prodyuser. Isang halimbawa nito ang subsidi sa abono sa lupa na ibinibigay ng pamahalaan sa mga maliliit na magsasaka. Ang abono ay ibinebenta sa mas mababang halaga kumpara sa aktwal na presyo nito sa pamilihan. Ang pamahalaan ang nagbabayad sa kalabisan sa pagitan ng presyo sa pamilihan at sa presyong ibinibigay sa magsasaka. Ang subsidi ay nakapagpapababa ng halaga ng produksyon kaya lalong nahihikayat ang mga magsasaka na itaas ang kanilang produksyon upang lumaki naman ang kanilang tubo o kita.(7) Panahon o Klima Kapag ang kalagayan ng panahon ay naaangkop sa pangangailangan ng mga prodyuser, tulad ng mga magsasaka, makaaasa ang mga mamimili na ang suplay ng mga produkto ay matutustusan. Halimbawa, ang pangangailangan ng patubig sa mga taniman ay napupunan kung tag-ulan. Ito ay mainam sa pagkakaroon ng maganda at saganang ani. Ang pagkakaroon ng mga kalamidad dulot ng bagyo at 29
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338