produksyon walang kahirapan2. pagdami ng produksyon ng mga 2. pagtatamasa ng kalakal karapatang3. pag-eeksport ng mga kalakal sa ibang maghanapbuhay 3. pagkakamit ng bansa kaginhawahan sa4. pagtaas ng pambansang kita buhay, mahirap5. pagtaas ng tubo o kita ng mga man o mayaman negosyante6. paglaki ng kita ng gobyerno7. pagtaas ng sahod ng mga manggagawaGawain 3: Paglalapat Ipatsek mo sa gurong tagapamahala ang matrix na nabuo mo. Ang mgasagot ay batay sa iyong karanasan at mg aobserbasyon sa iyong paligid ngunitdapat na akma sa mga natalakay sa aralin.PANGHULING PAGSUSULIT:1. O 6. A 11. Q 16. D 12. C 17. F2. L 7. B 13. S 18. I 14. T 19. H3. N 8. M 15. R 20. E4. G 9. P5. J 10. K 50
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 2PILIPINAS, PINAGPALA NG INANG KALIKASAN (ISANG PAGTANAW SA PINAGKUKUNAN NG YAMAN) BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 2 PILIPINAS, PINAGPALA NG INANG KALIKASAN (ISANG PAGTANAW SA PINAGKUKUNAN NG YAMAN) Ang Pilipinas ay biniyayaan ng maraming natural na yaman ng inang kalikasan.Ang likas na yamang ito ang pinagkukunan ng mga bagay na pumupuno sa atingpangangailangan at kagustuhan. Dapat itong iproseso at pagyamanin sapagkatmatatawag lamang na pinagkukunang-yaman ang mga bagay sa kapaligiran kapag angmga ito ay nagdudulot ng kapakinabangan at tumutugon sa pangangailangan ng mgamamamayan. Tatalakayin natin sa modyul na ito ang kalagayan ng mga likas napinagkukunang-yaman ng Pilipinas at kung paano higit na mapapakinabangan ang mgaito na hindi nagdudulot ng walang pakundangang pagsira sa kalikasan. May pitong tatlong inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Yamang napapalitan at Di-Napapalitan Aralin 2: Ang Yamang Lupa Aralin 3: Ang Yamang Mineral Aralin 4: Ang yamang Tubig Aralin 5: Ang Yamang Tao Aralin 6: Ang Lakas ng Paggawa Aralin 7: Ang yamang Pisikal at Pamumuhunan Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas; 2. Nasusuri ang mga datos at kaisipan na may kaugnayan sa mga likas na pinagkukunang-yaman ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit nito; 2
3. Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas; 4. Nalalaman ang pagkakaiba ng yamang-napapalitan sa yamang di - napapalitan; 5. Nakapagmumungkahi ng iba’t- ibang paraan ng pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa; 6. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon sa ekonomiya ng bansa; at 7. Naitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use) Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3
PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot..1. Sa produksyon ng mamahaling metal sa bansa, pinakamalaki angA. Pilak C. ChromiteB. Ginto. D. Copper2. Nadaragdagan ang kita ng pamahalaan mula sa industriya ng pagmimina sa pamamagitan ng: A. Pangungutang ng pamahalaan sa industriya ng pagmimina. B. Pagbabayad ng buwis mula sa industriya ng pagmimina sa pamahalaan. C. Pagpapautang ng mga bangko sa industriya ng pagmimina. D. Pagbebenta ng industriya ng pagmimina sa lokal na pamilihan.3. Nagpapasok ng dolyar sa bansa ang industriya ng pagmimina sa pamamagitan ng: A. pag-aangkat ng mineral sa ibang bansa B. pagbebenta ng mineral sa lokal na pamilihan C. pagbili ng langis sa mga bansang kasapi sa OPEC D. pagluluwas ng mineral sa ibang bansa4. Sa produksyon ng mineral na di-metaliko, pinakamalaki angA. Asin. C. Buhanging Silika.B. Uling. D. Buhaging Graba.5. Pinakamahalga ang mineral na ito bilang mineral na panggatong sa ating bansa:A. Uranium C. LangisB. Plutonium D. Uling6. Anong rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamalaking populasyon noong taong 2000 ayon sa NSO?. 4
A. NCR C. Gitnang LuzonB. Timog Katagalugan D. Kanlurang Visayas.7. Ito ay tumutukoy sa pagbuo ng mga panibagong estruktura, planta at kagamitanna pumapalit sa mga lumang estruktura na nawalan na ng pakinabang.A. Pamumuhunan C. MineralB. Depresasyon D. Densid8. Ang normal at unti-unting pagkaluma at pagkasira ng yamang pisikal na nagigingdahilan upang bumaba ang naibibigay nitong pakinabangA. Pamumuhunan C. ImplasyonB. Depresasyon D. Depresyon9. Ito ay bimubuo ng mga taong may edad 15 taon-pataas na bahagi ngproduksyon ng mga kalakal at paglilingkodA. Antas ng may trabaho C. EntrepreneurB. Antas ng lakas paggawa D. Hukbong paggawa10. Ito ay nagpapakita ng kapal ng tao sa bawat kilometro kwadradoA. Populasyon. C. Hukbong paggawa.B. Densidad ng Populasyon. D. Mamamayan11. Aling Rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamataas na densidad na 15,864 ayonsa NSO noong taong 2000?A. Gitnang Luzon. C. Timog KatagaluganB. Lambak ng Cagayan D. NCR12. Alin ang hindi suliraning pangkabuhayan? A. Kakapusan ng kagamitan. B. Depresasyon ng Makinarya C. Pagkasira ng pinagkukunang yaman 5
D. Pagdami ng mamumuhunan13. Ano ang pangunahing pakinabang ng mga Pilipino sa yamang tubig ng bansa? A. Pinagkukunan ng enerhiya. B. Turismo C. Transportasyon D. Pangingisda14. Ang pinakamalaking bahagi ng yamang lupa ng Pilipinas ay klasipikado bilang:A. Agrikultural C. IndustriyalB. Kagubatan D. Residensyal15. Ang responsible sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksyonA. Manggagawa C. EntrepreneurB. Pamumuhunan D. Lider ng Gobyerno16. Ito ang itinuturong dahilan ng napakalaking pinsala ng bagyong Winnie at Yoyong noong taong 2004 sa probinsya ng Quezon A. Kaingin B. Pagmimina C. Iligal na pagtrotroso D. Kakulangan ng kagamitang pansagip buhay17. Ito ay isang halimbawa ng yamang di napapalitanA. Kagubatan C. Yamang mineralB. Yamang tubig D. Yamang pisikal18. Kailan hindi magiging pabigat sa ekonomiya ang paglobo ng populasyon? A. Kapag produktibo ang karamihan B. Kapag may magandang serbisyong panlipunan C. Kapag may magaling na namumuno 6
D. Kapag maraming nangingibang bansa19. Ito ang dahilan ng atubiling pamumuhunan sa ating bansa A. Ang paglobo ng populasyon B. Ang pagtaas ng produktibidad C. Ang paglala ng kalagayang pangkatahimikan D. Ang pagtaas ng dolyar20. Ito ang pinakamurang pinagkukunan ng enerhiya sa ating bansaA. Geothermal C. UlingB. Langis at gas D. Tubig 7
ARALIN 1YAMANG NAPAPALITAN AT DI- NAPAPALITAN Susuriin sa araling ito ang iba’t- ibang uri ng yamang napapalitan at di-napapalitan. Matututunan mong may mga yamang dapat tipirin at gamitin ng wasto higitsa iba sapagkat kapag ito ay naubos ay dina mapapalitan. Matatanto mo rin angkahalagahan ng pagtatabi ng iba pang yaman para sa susunod na henerasyon upangsila’y may magamit din. Sa huli, mababalangkas mo ang iba’t- ibang pamamaraan ngwastong paggamit at mabilis na pagpapalit sa mga yamang napapalitan. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:1. Nalalaman ang pagkakaiba ng yamang napapalitan at di napapalitan;2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng yamang napapalitan at di-napapalitan;3. Nakapagbibigay ng datos sa yamang napapalitan at di-napapalitan; at4. Nakapagmumungkahi ng wastong pamamaraan sa paggamit ng yamang di- napapalitan.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang yamang napapalitan at ekis(X) ang yamangdi-napapalitan._____1. Makinarya _____6. Coral Reefs_____2. Alagang hayop _____7. Iron Ore_____3. Langis _____8. Populasyon_____4. Diamante _____9. Chromite_____5. Punong-kahoy _____10. KapitalB. Panuto: Kantahin ang bahagi ng awit ng grupong asin hingil sa kapaligiran at sagutin ang mga sumusunod na katanungan 8
Kapaligiran Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na rin ilog natin. Hindi na masama ang pag-unlad at malayo layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayoy naging itim Ang mga batang ngayon lang isinilang, mayhangin pa kayang matitikman, may mga puno pa kaya silang aakyatin, may mga ilog pa kayang lalanguyan? Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa Diyos kahit noong ika’y wala pa.Pagkaingatan natin at wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi tayo’y mawawala na. Ang mga dumi nating ikinalat sa hangin sa langit wag na nating paabutin upang kung tayo’y pumanaw man sariwang hangin sa langit natin matitikman1. Ano ang mensahi ng kanta? _____________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________2. Kailangan bang sirain ang kapaligiran upang umunlad? Bakit? Bakit Hindi? ________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________3. Paano natin masisiguro na ang mga batang ngayon lang isinilang ay may yaman pang matitikman? _____________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 9
Ang likas na yaman ay maaaring hatiin sa dalawa, ang yamang napapalitan atyamang di-napapalitan. Kapag naunawaan mo ang pagkakaiba ng dalawang ito, higitmong mapahahalagahan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman. • Yamang napapalitan – mga yamang likas na agad napapalitan matapos gamitin sa madaling panahon. • Yamang di-napapalitan – mga yamang likas na matapos magamit ay hindi agad mapapalitan sa madaling panahon. Ang ating bansa ay mayaman sa mga likas na yamang napapalitan kagaya ng mgalamang gubat, lamang dagat, iba’t ibang uri ng hayop, mga yamang pisikal at kung anu-ano pang mapagkukunan ng yaman. May taglay din itong iba’t ibang mineral na hindinapapalitan. Dito sa likas na yamang ito kinukuha natin ang mga materyales upanglumikha ang mga pagawaan ng mga produktong nakakatugon sa ating mgapangangailangan at kagustuhan. Ang iba namang materyales ay inaangkat ng ibangbansa upang gawing mga produkto na makakatugon sa pangangailangan ng 10
pandaigidgang pamilihan. Samantalang ang likas na kagandahan ng bansa aynakapangaakit din ng mga local at dayuhang turista na nakapagbibigay trabaho sa ibanating mamamayan. Ang yamang tao naman ay kilala sa kahusayan at kasipagan sapaggawa. Ang kagubatan na mabilis na nakakalbo dahil sa pagkakaingin at iligal napagtrotroso ay mapapangalagan sa pamamagitan na pagsasagawa ng malawakangprogramang reporestrasyon o pagtatanim ng mga puno at pagpapatigil sa walanghabas na pagkakaingin at pagputol ng kahoy. Ang karagatan naman ay mapangangalagaan sa pamamagitan ng di pagganit nadinamita, lason at maliliit na lambat sa pangingisda. Makakatulong din ang pagtatayo ngmga “marine sanctuary at pagbuo ng bantay dagat upang mapangalagaan angkaragatan sa mga iligal na pangingisda ng mga local at dayuhang mangingisda. Higit salahat kailangang iwasan ang polusyon na pumapatay sa ating karagatan at iba pangyamang tubig tulad ng mga sapa, at mga ilog. Ang pagmimina naman sa mga mineral ay dapat bantayan upang limitahan angpagkasirang idinudulot nito sa kalikasan. Kailangang din maglaan ng reserbang mineralpara sa susunod pang salin-lahi. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Magbigay ng iba pang halimbawa ng yamang napapalitan at yamang di- napapalitan. 2. Bakit itinuturing na yamang napapalitan at yamang di-napapalitan ang mga binigay mong halimbawa sa bilang 1? 3. May epekto ba sa ekonomiya kung ang pinagkukunang-yaman ay napapalitan o hindi napapalitan? Ipaliwanag ang sagot. 4. Naniniwala ka ba na mas mabigat ang problema ng bansa kung mauubos ang yamang di napapalitan? Pangatwiran ang sagot. 11
5. Mayroon ka bang maimumungkahing paraan kung papaano pa mapapahaba ang pakinabang ng mga yamang di-napapalitan? Ano ang mga ito? Tandaan Mo! Ang Yamang napapalitan ay mga yamang likas na agad napapalitan sa madaling panahon matapos gamitin. Ang Yamang di-napapalitan ay mga yamang likas na matapos magamit ay hindi agad mapapalitan sa madaling panahon. Mula sa mga yamang ito kinukuha natin ang mga produkto na tumutugon sa ating mga pangangailan at kagustuhan. Mahalagang matutunan ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga yamang ito ng sa ganoon makapagdulot ito ng kaunlaran at mapagkukunan ng yaman ng susunod pang mga henerasyon. Ang kaingin, iligal na pagtrotroso, iligal na pangingisda at mga gawaing sumisira at umaabuso sa likas na yaman ay kailangang matigil sapagkat nagdudulot ito ng walang saysay at madaling pagkaubos ng mga likas na yaman Gawain 3: Paglalapat Panuto: Lagyan ng T kung Tama o M kung Mali ang bawat patlang. A.____________1. Malaking bahagi ng lupain ng Pilipinas ay sakop ng kagubatan.____________2. Ang yamang-mineral ay madaling napapalitan.____________3. Pangingisda ang pangunahing pakinabang ng mga Pilipino sa yamang tubig nito.. 12
____________4. Ang langis ay halimbawa ng likas na yaman na agad napapalitan sa madaling panahon. _________ 5. Lubusang mapapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa kung episyente ang paggamit nito. B. Panuto: Gumawa ng maikling tula hingil sa yamang napapalitan at di napapalitan at kung paano ito wastong gagamitin at pagyayamanin Ang Ating Yaman________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 13
ARALIN 2YAMANG LUPA Ang araling ito ay tatalakay sa yamang lupa ng Pilipinas. Matututunan mo na ang Pilipinas ay di salat sa yaman bagkos biniyayaan ng napakalaking yamang lupa na kung ating lamang gagamitin ng wasto at pagyayamanin ay makakatulong ng husto sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Matututunan mo rin sa araling ito ang iba’t- ibang klasipikasyon ng ekta-ektaryang lupain ng Pilipinas at mga biyayang dulot nito. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Nababalangkas ang lawak ng yamang lupa ng ating bansa; 2. Nasusuri ang ibat-ibang klasipikasyon ng lupain sa ating bansa; 3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wastong paggamit ng yamang lupa sa ating bansa; at 4. Nakapagmumungkahi ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa ating yamang lupa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay naglalarawan ng wastong paggamit ng likas na yaman at ekis (×) kung hindi. _________ 1. Pagtapon ng basura sa bakanteng lupa. _________ 2. Pagsasagawa ng reporestasyon upang dumami ang puno sa gubat. _________ 3. Pagsunod ng basura sa bakuran upang maging malinis ito. _________ 4. Paglalagay ng mga kemikal na pataba ang lupa upang mapalaki ang ani. _________ 5. Ipaagos sa ilog ang kemikal mula sa pabrika upang makatipid. 14
_________ 6. Pagrecycle ng papel, bote at plastik. _________ 7. Paggamit ng organikong pataba sa pananim. _________ 8 Pagkakaingin. _________ 9. Malawakang konbersyon ng lupang agricultural sa industriyal. _________ 10. Ang paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok na basura. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaking isla ng Luzon, Mindanao at mga isla ngvisayas at mahigit sa 7,000 na maliliit na isla. Ang lupa ng Pilipinas ay may kabuuanglawak na 30,000,000 ektarya. Ayon sa Bureau of Agriculture Statistics, ang sukat nglupaing agrikultural noong taong 2002 ay umabot sa 11,939.6 ektarya. Ang 12% ngGross National Product (GNP) ng bansa ay kontribusyon ng sektor ng agrikultura. Angmalaking bahagi ng kagubatan sa bansa ay matatagpuan sa hilaga at timog Mindanao,lambak ng Cagayan, at silangang Visayas. Sa tala ng forest Management Bureau,11,171 ektaya ng kagubatan ang nasisira dulot ng pagkasunog, ilegal na pamumutol ngpuno, kalamidad, at pagkakaingin. Uri ng Kagubatan 15
Ang kabuuang dalawampung (20) porsyento ng kalupaan ay kagubatan at maydalawampung (20) porsyentong kakahuyan. Ang ating bansa ay may higit kumulang naapat (4) na milyong hektaryang “dipterocarp rainforest” na may higit kumulang na isang(1) milyong hektaryang mga matatandang kakahuyan. Lahat-lahat may kabuuhan itongsampung (10) milyong hektaryang lupang agrikultural. Sa yamang lupa kinukuha ang mga pagkain, mga gamit sa bahay, opisina,produksyon, at mga kahoy na ginagamit sa paggawa ng bahay. Sapagkat ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural malaking bahagi sa mgalupain nito ay ginagamit sa pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng pagkain atpag-aalaga ng hayop. Ang ibang bahagi naman ay sa residensyal, kumersyal atindustriyal ginagamit. Status of Land Classification by Region and by Province As of 31 December 2002 (in hectares) Region Total Land Alienable and Total Forest Area Disposable Land LandPhilippinesNational Capital Region 30,000,000 14,145,078 15,854,922Cordillera Administrative 63,600Region 48,232 15,368Ilocos 1,829,368 350,099 1,479,269 1,284,019 810,922 473,097 16
Cagayan Valley 2,683,758 965,965 1,717,793Central Luzon 1,823,082 1,051,908 771,174Southern Tagalog 4,692,416 2,172,866Bicol 1,763,249 1,222,060 2,519,550Western Visayas 2,022,311 1,408,782 541,189Central Visayas 1,495,142 613,529Eastern Visayas 2,143,169 959,223 535,919Western Mindanao 1,599,734 1,023,715Northern Mindanao 1,403,293 1,119,454Southern Mindanao 2,714,059 762,280 837,454Central Mindanao 1,437,274 657,100 746,193Caraga 1,884,697 1,079,824Autonomous Region in 546,828 1,634,235Muslim Mindanao 1,160,829 542,447 890,446 542,827 1,342,250 618,002Source: National Mapping and Resource Information Authority.Marami sa mga Pilipino ay hindi nagmamay-ari ng lupa at nakikisaka lamang kayaminabuti ng gobyerno na magkaroon ng kumprehensibong repormang agraryo. Maramiring Pilipino ang walang kakayahang magmay-ari ng bahay at lupa kaya lumalala angproblemang eskwater lalong-lalo na sa mga lupa ng gobyerno o sa gilid ng mga ilog samga lungsod. Dumarami rin ang kumbersyon ng lupang agrikuktural sa residensyal(dahil sa lumalaking populasyon) at industriyal dahil sa paglago ng industriya) bagay nanakakabawas sa produksyon ng mga produktong agrikultural at pagkain. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:1. Batay sa pigura, ano ang kapansin-pansin sa lawak ng lupain ng bansa? 17
2. Magmungkahi ka ng mga paraan kung paano pa lubos na mapapakinabangan ang yamang lupa na isinasaalang-alang ang sumusunod na salin lahi. 3. Tukuyin ang mga dahilan nang pagkasira ng kagubatan ng bansa. 4. Bilang isang mag-aaral, papaano ka makakatulong sa pagpapanatiling buhay ng ating mga kagubatan? 5. Kung ikaw ay isang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala upang mapahalagahn ng mga tao ang yamang lupa? Tandaan Mo! Ang yamang lupa ng Pilipinas ay pinagkukunan ng mga produktong agrikultural. Malaking bahagi ng Pilipinas ay kagubatan subalit mabilis na itong nasisira dahil sa pagkakaingin at iligal na pamumutol ng kahoy.Ang lupang agrikultural ay patuloy na nababawasan dahil sa kunbersyon nito saresidential, kumersyal at industriyal bagay na nagdudlot ng kabawasan saproduktong agricultural.Nilalayon ng kumprehensibong repormang agraryo na magkaroon ang mgamagsasaka ng sarili nilang lupang sasakahin.Lumalala ang problemang eskwater sa bansa dahil sa mabilis na paglobo ngpopulasyon. Gawain 3: Paglalapat Sagutin ang mga sumusunod na tanong: A. Magbigay ng tatlong kadahilanan ng pagdami ng eskwater 1.____________________________________________________________ 2.____________________________________________________________ 3.____________________________________________________________ 18
B. Magbigay ng tatlong mungkahi upang masolusyunan ang lumalalang problema ng eskwater 1.____________________________________________________________ 2.____________________________________________________________ 3.____________________________________________________________ C. Liban sa seryosong pagpapatupad ng Komprehensibong Repormang Agraryo, magbigay pa ng tatlong paraan upang higit pang pakinabangan ang yamang lupa ng bansa 1.____________________________________________________________ 2.____________________________________________________________ 3.____________________________________________________________ARALIN 3YAMANG MINERAL Ang araling ito ay tatalakay sa yamang mineral ng ating bansa. Matututunan mo Kung ano-ano ang mga mahahalagang mineral ang makukuha sa ating bansa atang papel nito sa ekonomiya ng ating bansa. Pagtutuunang pansin din ang mgapositibo at negatibong epekto ng pagmimina sa mga mineral na ito. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Nalalaman ang iba’t ibang uri ng mineral na natatagpuan sa bansa; 19
2. Natutukoy ang mga produktong gumagamit ng mga mineral na ito at ang pinagdadalhan nito;3. Nakapagmumungkahi ng balanseng paggamit ng mineral at pangangalaga sa kalikasan; at4. Nasusuri ang positibo at negatibong epekto ng pagmimina ng mineral. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Minahin ang iba’t-ibang mineral at produktong pinaggagamitan nito sapamamagitan ng paghanap at pagbilog sa mga kataga nito sa ibaba.PA C OMPUT E RGHT J KI L MPI L A K J K B CY E RODRRY WCA B A K AL A GI NT ODF OGICOMRH AS D F GHJ L A T A K IAF A J GAT ONGL I S DUOL RKNGL R ES E RB A NGGI NT OKA B L E NGK URY E NT ES NEA A GH SA L T DF GRA VE L OT T H CH ROMI T E CA S DGJ RACOP P ERL K HI I NI CK OESI L I C ADF GNNI CK EL HB Kahit maliit na bansa ang Pilipinas, biniyayaan naman ito ng saganang mineral.May saganang deposito ng mineral na matatagpuan sa Benguet, Zambales, Bicol,Cebu, Panay, Negros, Surigao, Davao, Zamboanga, at Palawan. Sa mga mineral na panggatong (fuel), pinakamahalaga ang langis at produktongpetrolyo. Ang iba pang pinagkukunan ng enerhiya ay ang lakas-hydroelectric, lakas-geothermal, enerhiyang solar, at iba pa. 20
Talahanayan 1: Produksyon ng Pangunahing Mineral, 2001 (sa libong piso) MINERAL HALAGAMETALIKO 14,382,034 Mahahalagang Metal 196,930 • Ginto • Pilak 98,138 1,568,538 Base Metals • Chromite 449 • Copper 682,102 • Iron ore • Nickel 983,858 230,588DI-METALIKO 9,015 • Coal 4,977,818 • Salt 957,470 •Silica Sand •Sand & Gravel •Iba paSanggunian: 2002 Philippine Statistical Yearbook Mayroong mga depositong ginto sa Luzon: iron ore sa Mindanao at halos salahat ng mga karatig isla nito. Sa gitnamg Luzon ay may copper at lead at zinc sa timogMindanao. Ang mataas na uri ng chromite ay matatagpuan naman sa Luzon, Mindanaoat Palawan. May deposito rin ng silver, nickel, mercury, molybdenum, cadmium, andmanganese na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Ang mga mineral na di-metalikong matatagpuan sa bansa ay limestone na ginagamit sa semento,matatagpuan sa Cebu, Luzon, and Romblon; asin at asbestos sa Luzon; marmol saRomblon at Panay; asphalto sa Leyte; mineral na tubig sa Luzon; gypsum sa Luzon;sulfur sa Luzon, Leyte, at Mindanao; guano at phosphate rock sa Cebu at Bohol; coal atsilica sa Cebu at Palawan; at petrolo sa Palawan. 21
PAPEL NG PAGMIMINA SA EKONOMIKONG PAG-UNLADNAGBIBIGAY NAGPAPASOK NAGBIBIGAY EMPLEYO NG DOLYAR KITA SA PAMAHALAAN Ang yamang mineral ay nakakatulong sa ekonomikong pag-unlad subalit hindi itonapapalitan kaya’t kailangan itong gamitin ng wasto at tipirin para sa mga susunodpang henerasyon. Ang pagmimina sa mineral ay 1. nagbibigay ng empleyo, 2.nagpapasok ng dolyar sa bansa at 3. nagbibigay ng kita sa pamahalaan sapamamagitan ng buwis. Subalit dahil ang mineral ay yamang di-napapalitan kailanganang wasto at matalinong paggamit nito. Kailangan din na maglaan ng mga ito para sagagamitin ng mga susunod pang henerasyon at higit sa lahat kailangang siguraduhingang pagmimina nito ay hindi lubos na pipinsala sa kapaligiran.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanPANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Sa produksyon ng mamahaling metal sa bansa, pinakamalaki anga. pilak b. ginto c. chromite d. copper2. Sa produksyon ng mineral na di-metaliko, pinakamalaki anga. uling b. asin c. buhanging-silika d. buhangin at graba3. Pinakamahalga ang mineral na ito bilang mineral na panggatong sa atingbansa:a. uranium b. plutonium c. langis d. uling 22
4. Nagpapasokng dolyar sa bansa ang industriya ng pagmimina sa pamamagitan ng: a. pagluluwas ng mineral sa ibang bansa b. pag-aangkat ng mineral sa ibang bansa c. pagbebenta ng mineral sa lokal na pamilihan d. pagbili ng langis sa mga bansang kasapi sa OPEC 5. Nadaragdagan ang kita ng pamahalaan mula industriya ng pagmimina sa pamamagitan ng: a. pangungutang ng pamahalaan sa industriya ng pagmimina b. pagbabayad ng buwis mula sa industriya ng pagmimina sa pamahalaan. c. pagpapautang ng mga bangko sa industriya ng pagmimina d. pagbebenta ng industriya ng pagmimina sa lokal na pamilihan. Tandaan Mo! Kahit maliit na bansa ang Pilipinas, biniyayaan naman ito ng saganang mineral Ang yamang mineral ay nakakatulong sa ekonomikong pag-unlad Sa mga mineral na panggatong (fuel), pinakamahalaga ang langis atproduktong petrolyoAng pagmimina sa mineral ay 1. nagbibigay ng empleyo, 2. nagpapasok ng dolyarsa bansa at 3. nagbibigay ng kita sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis.Dahil ang mineral ay yamang di-napapalitan kailangan ang wasto at matalinongpaggamit nito. 23
Gawain 3: Paglalapat Pagkumparahin ang epekto ng pagmimina ng yamang mineral sa bansa Positibong Epekto Negatibong Epekto1.________________________ 1.__________________________2.________________________ 2.__________________________3.________________________ 3.__________________________Lagyan ng tsek (√) ang mga dapat isagawa at ekis (×) ang dapat ihinto sa pagmiminang ating yamang mineral._____1. Ang pagkakaroon ng malawakang pag-aaral sa epekto ng pagmimina sa kalikasan bago pahintulutan ito._____2. Pagpapahintulot sa maliliit at individual na pagmimina ng mahihirap._____3. Ang pagtayo ng mga plantang magproproseso ng mga mineral sa mga produktong ginagamit sa bansa._____4. Pagbigay ng prayoridad sa mga residente na makapagtrabaho sa minahan._____5. Pagsiguro sa kaligtasan at kalusugan ng mga mangagawa sa minahan.ARALIN 4YAMANG TUBIG Ang araling ito ay tatalakay sa yamang tubig ng bansa. Pag-aaralan mo ang mgadatos na nagpapakita ng malawak na kayamanang tubig ng ating bansa. Matutukoy morin ang mga kadahilanan kung bakit nauubos at nasisira ang ating likas na yamangtubig at ilalatag ang iba’t-ibang paraan kung paano mapangangalagaan ang atingyamang tubig 24
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:1. Nakikilala ang iba’t ibang yamang tubig ng ating bansa;2. Nasusuri ang kadahilanan ng pagkaubos o pagkasira ng likas na yamang dagat;3. Nalalaman ang halaga ng produktong pangisdaan ng ating bansa; at4. Nakapagbibigay ng paraan ng pangangalaga sa yamang dagat.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Panuto : Pag-aralan ang mga gawain sa ibaba at isulat kung ito’y makakabuti omakakasama sa ating yamang tubig.• Paggamit ng maliliit na lambat sa pangingisda• Pagtatayo ng bantay-dagat• Paggamit ng sosa sa pangingisda• Paggawa ng mga artipisyal na tirahan ng isda mula sa lumang gulong• Ang pagkakaroon ng marine sanctuary• Pagpayag sa pangingisda sa ating dagat ng mga dayuhang mangingisda• Ang Pagbalik sa dagat ng mga maliliit na isdang nahuli• Ang pagtatayo ng kooperatiba ng mangingisda• Ang pagkakaroon ng oil spill• Ang pagbenta ng mga koral bilang palamutiMakakabuti Makakasama1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. 25
Ang Pilipinas ay isang arkepelago at napalilibutan ng mga katubigan na umaabot sakabuuang sukat na 17,460 kilometro. Pangingisda ang pangunahing pakinabang ngmga Pilipino sa yamang tubig nito. Sa taong 2001, nag-ambag ang industriya ngpangisdaan ng 2.28% sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Ang kabuuang halaga ng produksyon ng pangisdaan ay makikita sa grap saibaba. PRODUKSYONG PANGISDAAN (sa libong metrikong tonelada)Pangingisda 2002 2003 2004 Growth rate Growth rate 03-04 Kumersyal 02-03 1.57 Munisipal 2.98 803.01 838.97 852.1 4.48 26.25 Aqua kultural 749.21 787.88 811.34 5.16 921.8 936.43 1,182.20 1.59 26
Ang polusyon at pagtapon ng basura naman sa iba pang yamang tubig aypumapatay sa mga buhay na nakatira dito, nababawasan ang mapagkukunan ngmalinis na inumin at pagdami ng lamok at iba pang peste na nagdudulot ng sakit samga mamamayan. Ang iba’t ibang uri ng maling pangingisda at pag abuso sa yamang dagat aysumisira sa malaking bahagi ng “coral reefs” na nagsisilbing tahanan ng mga isda kayapatuloy na umuunti ang mga isda at iba pang lamang dagat Ang iligal na pangingisda ng mga dayuhan sa ating karagatan ay nagdudulotnaman ng pagkalugi sa maliliit na mangingisda at ng malaking kabawasan sa atingreserbang yaman. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang napansin mo sa grap sa itaas? 27
2. Magbigay ng mga posibleng dahilan ng paglaki ng halaga ng produksyong pangisdaan sa bansa. 3. Bukod sa makikita sa larawan, ano pa kaya ang dahilan ng pagkasira ng yamang-tubig? 4. Ipaliwanag ang implikasyon sa ekonomiya ng kung patuloy na masisira ang yamang tubig. 5. Sa papaanong paraan ka makakatulong sa pangangalaga ng yamang-tubig? Tandaan Mo! Ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga katubigan na umaabot sa kabuuang sukat na 17,460 kilometro. Pangingisda ang pangunahing pakinabang ng mga Pilipino sa yamang tubig nito. Sa taong 2001, nag-ambag ang industriya ng pangisdaan ng 2.28% sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.. Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng maikling sanaysay kung paano mo mapangangalagaan ang ating yamang dagat. ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 28
ARALIN 5 ANG YAMANG TAO Sa araling ito ilalatag ang kahalagahan ng yamang tao sa ekonomiya ng bansa.Susuriin din ang mga datos hingil populasyon at densidad ngpopulasyon at bibigyangdiin ang ang negatibo at positibong epekto ng paglaki ng populasyon Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa. 2. Nailalahad ang mga datos na may kaugnayan sa populasyon at densidad nito sa ating bansa; 3. Nalalaman ang positibo at negatibong epekto ng paglaki ng populasyon ng ating bansa sa ekonomiya; at 4. Nakapagmumungkahi ng iba’t ibang paraan upang matugunan ang mga problemang dulot ng lumulobong populasyon ng bansa; Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-isipan ang ilang epekto ng lumalaking populasyon ng Pilipinas at isulat sa ibaba kung ito’y makabubuti o makasasama sa ating ekonomiya. 1. Pagkakaroon ng malaking lakas paggawa 2. Paggamit sa malaking bahagi ng likas na yaman 3. Paglago ng produktibidad ng bansa 4. Paglaki ng pagkunsumo 5. Paglaki ng pangangailangan sa serbisyong panlipunan 6. Pagtaas ng densidad sa mga lungsod 7. Pagdami ng mag-aaral sa pampublikong paaralan 8. Pagdami ng mga nangangailangan sa pabahay 29
Makabubuti sa Ekonomiya Makasasama sa Ekonomiya1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. Walang kabuluhan ang saganang likas na yaman kung walang taong lilinangnito, kaya naman itinuturing na pinakamahalagang pinagkukunang-yaman ang yamangtao. Ang Pilipnas ay nagtala ng kabuuang populasyon na 76,498,735 noong taong2000. Saan sa Pilipinas mo ba ito matatagpuan? Tunghayan mo sa talahanayan saibaba.POPULASYON AT DENSIDAD NG POPULASYON NG BAWAT REHIYON, 2000 REHIYON POPULASYON DENSIDADPILIPINAS 76,498,735 255NCR 9,932,560 15,864CAR 1,365,220 82I – Ilocos 4,200,478 338II- Lambak ng Cagayan 2,813,159 93III- Gitnang Luzon 8,030,945 491IV- Timog Katagalugan 11,793,655 243V- Bicol 4,674,855 259VI- Kanlurang Visayas 6,208,733 308VII- Gitnang Visayas 5,710,064 366VIII- Silangang Visayas 3,610,355 64IX- Kanlurang Mindanao 3,091,208 170X- Hilagang Mindanao 2,747,585 176XI-Katimugang Mindanao 5,189,335 191XII- Gitnang Mindanao 5,598,210 164ARMM 2,412,159 126CARAGA 2,095,36 108Pinagkunan: National Statistics Office 30
Ang densidad ng populasyon ay nagpapakita sa dami ng tao sa isa kwadradongkilometro. Malalaman kung nagsisiksikan sa isang lugar ang populasyon dahil dito. SaNCR makikitang may densidad na 15,864 na nagpapahiwatig na napakaraming taongnakatira sa napakaliit na lugar na nagbubunga ng maraming suliraning panlipunan tuladng kawalang trabaho at sariling bahay. Ang karamihan sa populasyon ay karaniwangnagtitipon sa mga lungsod at “urban centers” kung saan maraming oportunidad satrabaho at maraming serbisyong panlipunan. Karamihan sa populasyon ng Pilipinas ay may edad 40 pababa. Angpinakamarami kung titingnan ayon sa edad ay may edad na 5-9 na umabot sa 9,694781katao. Mas nakararami ang mga lalaki na may kabuuang bilang na 38,524,267 kaysa samga babae na may kabuuang bilang na 37,979,810. Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 25.8/1,000 bagong silang noong 2004samantalang 5.53/1,000 ang namamatay sa populasyon. Ito ay nagpapahiwatig na masmarami ang isinisilang kaysa sa namamatay kaya lalong lumalaki ang populasyon.Tinatayang pagdating ng 2015 aabot sa 100 milyon ang populasyon sa Pilipinas. Ang mga datos na ito ay magagamit sa pagtatantiya kung anu-ano angkakailangang produkto at mga kakailanganing serbisyong panlipunan.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman.Suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod: Population by Age Groupand by Sex : 2000Age Group Both Sexes Male Female Total 76,504,077 38,524,267 37,979,810 1,917,431 930,925 Under 1 7,752,071 986,506 3,786,645 1-4 9,694,781 3,965,426 4,732,768 5-9 8,949,614 4,962,013 4,408,417 8,017,298 4,541,197 3,999,468 10-14 4,017,830 15-19 31
20-24 7,069,403 3,522,518 3,546,885 25-29 6,071,089 3,053,616 3,017,473 30-34 5,546,294 2,804,522 2,741,772 35-39 4,901,023 2,496,821 2,404,202 40-44 4,163,494 2,120,314 2,043,180 45-49 3,330,054 1,696,712 1,633,342 50-54 2,622,316 1,318,632 1,303,684 55-59 1,903,649 60-64 1,633,150 943,133 960,516 65-69 1,138,843 786,137 847,013 70-74 533,469 605,374 75-79 797,970 361,614 436,35680 and over 505,356 218,622 286,734 490,241 195,185 295,056Source: National Statistics Office.1. Batay sa talahanayan, gaano karami na ang tao sa Pilipinas sa tala ng National Statistics Office noong 2000?_______________________________ ______________________________________________________________2. Karamihan sa populasyon ay mga bata, anong implikasyon nito sa kakailanganing badyet ng gobyerno sa hinaharap?_____________________ ______________________________________________________________3. Magbigay ng tatlong serbisyong panlipunan ang higit na kakailanganin ng populasyon sa susunod na sampung taong? 1. _________________________________________________________ 2. _________________________________________________________ 3. _________________________________________________________ 32
4. Magbigay ng tatlong implikasyon ng patuloy na paglaki ng populasyon 1. _________________________________________________________ 2. _________________________________________________________ 3. _________________________________________________________5. Sa paanong paraan nakakasagabal sa kaunlaran ang malaking Populasyon?.___________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang densidad ng populasyon ay nagpapakita ng kapal ng tao sa bawat kilometro kwadrado. Ipinapakita nito kung nagsisiksikan ang mga tao sa isang lugar. Ang Pilipnas ay nagtala ng kabuuang populasyon na 76,498,735 noong taong 2000 . Ang NCR ay may densidad na 15,864 na nagpapahiwatig na napakaraming taong nakatira sa napakaliit na lugar na nagbubunga ng maraming suliraning panlipunan tulad ng kawalang trabaho at sariling belay Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 25.8/1,000 bagong silang noong 2004 samantalang 5.53/1,000 ang namamatay sa populasyon. Karamihan sa populasyon ng Pilipinas ay may edad 40 pababa. Ang pinakamarami kung titingnan ayon sa edad ay may edad na 5-9 na umabot sa 9,694781 katao. Mas nakararami ang mga lalaki na may kabuuang bilang na 38,524,267 kaysa sa mga babae na may kabuuang bilang na 37,979,810. Ang mga datos na ito ay magagamit sa pagtatantiya kung anu-ano ang kakailanganing produkto at serbisyong panlipunan. 33
.Gawain 3: Paglalapat Ipaliwanag ang mga sumusunod a. Kailan hindi nagiging problema ang paglaki ng populasyon? ___________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ b. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng artipisyal na paraan ng birth-control? Bakit? Bakit hindi?____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ c. Makabubuti bang limitahan ng gobyerno ang bilang ng anak sa dalawa? Bakit? Bakit hindi?____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ARALIN 6ANG LAKAS PAGGAWA Sa araling ito ay malalaman mo ang mga datos hingil sa lakas paggawa ngPilipinas.Malalaman mo rin ang mga sanhi ng kawalang trabaho ng ating mamamayanat ang mga posibleng paraan ng ikalulutas nito. Matutukoy mo rin ang mga problemanghinaharap ng mga manggagawang Pilipino at ang malaking kontribusyon ng mgamanggagawa sa yaman ng bansa. 34
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Nauunawaan ang kalagayang pang-empleyo ng bansa; 2. Natutukoy ang mga sanhi ng problemang pang-empleyo sa bansa; 3. Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas-paggawa sa pagkakaroon ng produktibo at mataas na kalidad na antas ng produksyon; 4. Nalalaman ang mga posibleng solusyon sa mga problemang ito; at 5. Nakapagbibigay ng mungkahi upang magkaroon ng katahimikang pang industriya sa ating bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo!A. Panuto: Hanapin at bilugan ang mga karaniwang trabaho ng mga Pilipino. D K AC COU N T A N T OMS E A A F AC TORYRE T A E HWMWO R K E R B N O S N K MA F K ARP EN T EROGY I L Y K J NWA R I WE D I O YDAPUL I SEHABANX DR I V ERNCV N I UGGM AWE R T YGURO T T O I P LDEFRTYGJ KEFBSO SM I K AN I KOPRMAD L EASGHK L D I BGHFA I L HOU S EW I F E Y L H I T A R K I T E K TOMD E C K I SDR T YU KMNX T L RB K D I NHENYEROF XYNO 35
B. Panuto: Magbigay ng limang mabigat na problemang pinapasan ngayon ng mga mangagawang Pilipino 1.______________________________________________________________ 2.______________________________________________________________ 3._______________________________________________________________ 4._______________________________________________________________ 5._______________________________________________________________ Ang bilang na may trabaho at walang trabaho ay mahalaga dahil matatantiya nitokung nagiging mabuti ang kalagayan ng paggawa sa ating bansa. Tingnan natin angkalagayang pang-empleyo ng Pilipinas sa pagdaan ng panahon. KALAGAYAN PANG-EMPLEYO NG PILIPINAS (%), 1997-2001TAON LABOR FORCE EMPLOYMENT UNEMPLOYMENT PARTICIPATION RATE RATE RATE1997 65.5 92.1 7.9 90.4 9.61998 66.0 90.6 9.4 89.9 10.11999 65.8 90.2 9.82000 64.32001 67.5Pinagkunan: 2002 Philippine Statistical Yearbook May iba’t ibang paraan ng pagtantiya ng kalagayan ng lakas paggawa sa bansa.Ito ay sa pamamagitan ng pagkuha sa sumusunod na mga kalagayan: 36
Antas ng mga nasa lakas paggawa = Kabuuang bilang ng nasa lakas paggawa X 100(Labor force participation rate) Populasyon 15 taon-pataasAntas ng may Trabaho = Kabuuang bilang ng may trabaho X 100(Employment Rate) Kabuuang bilang ng lakas paggawaAntas ng walang Trabaho = Kabuuang bilang ng walang trabaho X 100(unemployment rate) Kabuuang bilang ng lakas paggawa Noong 1999 ang lakas paggawa ng Pilipinas ay umabot sa 31.1 million katao.Ang agrikultura, pangkagubatan at pangingisda ay nag empleyo ng 40 pursyento nglakas paggawa., 16 na pursyento sa manufacturing, konstruksyon at pagmimina at 44pursyento sa paglilingkod. Naitala noong Oktobre 2004 ang 89.1 antas ng may trabaho at 66.5 antas ngmga nasa lakas paggawa na umaabot sa kabuuang bilang na 53,562,000manggagawa, subalit mayroon din namang mga walang trabaho na umabot sakabuuang antas na 10.9 GDP GROWTH RATE BY INDUSTRIAL ORIGIN Q1- Q2 Q3 Q4 Q1- Q2 Q3 Q4 03 04AGRI,FISHERY,FORESTRY 3.3 1.6 4.7 5.3 8.1 3.8 7.3 1.2INDUSTRY SECTOR 4.8 3.6 3.7 3.2 5.6 5.6 3.8 6.3SERVICE SECTOR 5.5 5.7 5.7 6.1 6.4 8.3 7.7 6.7Trans., Comm., Storage 8.6 8.4 7.8 9.4 9.2 14.6 11.4 13.3Trade 5.6 5.4 5.3 6.2 6.7 7.1 7.8 5.6Finance 5.5 8.6 6.7 7.4 7.0 9.6 9.0 7.8 37
Dwelling & Real State 3.2 4.1 4.0 4.8 4.0 6.4 6.9 6.5Private Services 5.4 4.9 5.2 5.1 6.5 6.9 6.8 7.0Government Services 2.8 2.2 4.8 1.9 2.3 4.3 2.4 -2.3GROSS DOMESTIC PRODUCT 4.8 4.2 4.8 5.0 6.5 6.6 6.3 5.4GROSS NATIONAL PRODUCT 4.6 6.5 6.5 4.8 6.5 6.1 6.2 5.5SOURCE: National Statistical Coordination Board Karamihan sa manggawang Pilipino ay nasa industriyang paglilingkod. Angpaglilingkod ay binubuo ng anim na mayor na katigorya gaya ng transportasyon; pagiimbak at kumunikasyon; kalakal; pagmamay ari ng bahay at pangangalakal ng lupa;pribadong paglilingkod at paglilingkod sa gobyerno. Liban sa sector ng paglilingkod sagobyerno, lahat ng mga sector ng paglilingkod ay patuloy na nagtala ng paglago noong2003-2004. Ang kasalukuyang “sunshine industries” na mga ”call centers” at “ businessprocess outsourcing” ay patuloy ding nagpapakita ng magandang pangako ng paglago. Ang mga manggawang Pilipino sa ibang bansa (OFW) ay umabot naman sa650,350 ang naka base sa lupa at 214,694 angt naka base sa dagat noong 2004. Silaay nakapagpadala ng mahigit kumulang na 7.6 bilyong dolyares sa bansa. Bagay nalabis na tumulong sa ekonomiya. Dahil marahil ditto, ang mga OFW ay tinaguriang mgamakabagong bayani ng bansa. 38
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod:1. Ayon sa talahanayan, ano ang mapapansin sa labor force participation rate sa pagitan ng taong 2000 at 2001? _________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________2. Pansinin ang employment at unemployment rate sa pagitan ng taong 2000 at 2001? Ano ang ipinahihiwatig nito? _________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________3. Bakit mahalagang malaman, lalo na ng pamahalaan ang kalagayang pang- empleyo ng bansa? _____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 39
Tandaan Mo! Ang hukbong paggawa ay mahalagang pinagkukunan ng yaman ngbansa. Sila ang lumilikha at nagpoprosesa ng mga kalakal atserbisyo na tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng mganangungunsumo.Ang hukbong paggawa(Labor Force) ay binubuo ng mga taong may edad 15taon-pataas na bahagi ng produksyon ng mga kalakal at naglilingkod.Noong 1999 ang lakas paggawa ng Pilipinas ay umabot sa 31.1 million katao.Ang agrikultura, pangkagubatan at pangingisda ay nag empleyo na 40 pursyentong lakas paggawa., 16 na pursyento sa manufacturing, konstruksyon atpagmimina at 44 pursyento sa paglilingkod.Naitala noong Oktobre 2004 ang 89.1 antas ng may trabaho at 66.5 antas ngmga nasa lakas paggawa na umaabot sa kabuuang bilang na 53,562,000manggagawa, subalit mayroon din naming mga walang trabaho na umabot sakabuuang antas na 10.9Ang mga manggawang Pilipino sa ibang bansa (OFW) ay umabot sa 650,350 nanaka base sa lupa at 214,694 na naka base sa dagat noong 2004 nanakapagpadala ng mahigit kumulang na 7.6 bilyong dolyares sa bansa 40
Gawain 3: PaglalapatPagbabanig. Isulat sa kolum ng mga sumusunod ang kanilang dapat gawin upang magkaroon ng katahimikang pang-industriyalMga Dapat Isagawa Upang Magkaroon ng Katahimikang Pang-IndustriyalManggagawa May-Ari ng Kumpanya GobyernoLagyan ng Tsek (√) kung makakabuti at Ekis (X) kung makasasama ang mgasumusunod sa ekonomiya ng bansa____1. Ang palagihan at malawakang pag-aaklas ng mangagawa____2. Ang “Collective Bargaining Agreement”____3. Ang palagihang pakiki-alam ng gobyerno sa negosyo____4. Ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga mangagawa____5. Ang paggastos sa training ng mga mangagawa____6. Ang malaking gastos para sa “safety equiptment” ng mangagawa____7. Ang maraming holidays____8. Ang madalas na pagpapalit ng empleyado____9. Ang “sub-contracting” ng mangagawa____10. Ang pagbabawal na sumali sa mga union ng mangagawa 41
ARALIN 7 YAMANG PISIKAL AT PAMUMUHUNAN Sa araling ito, iyong matutunghayan ang mga datos ng pamumuhunan sa atingbansa. Uusisiin ang iba’t-ibang uri ng pisikal na yaman ng bansa at uuriratin ang mgabagay na nakaaapekto sa pamumuhunan dito sa ating bansa. Sa huli, ay ilalatag angiba’t-ibang mungkahi upang mapalakas ang pamumuhunan sa Pilipinas Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Nalalaman ang iba’t-ibang uri ng pamumuhunan sa bansa; 2. Nasusuri ang iba”t ibang uri ng pisikal na yaman ng bansa; 3. Naipapaliwanag ang iba’t ibang bagay na nakaaapekto sa pamumuhunan ng bansa; at 4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mapalakas ang pamumuhunan sa bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Lagyan ng T kung Tama o M kung Mali ang bawat patlang._____1. Ang mabilis at maasahang kumunikasyon ay malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa_____2. Ang “farm to market roads” ay obligasyon ng mga pribadong mamumuhunan_____3. Nagiging mas “efficient” ang produksyon sa paggamit ng mga makabagong makinarya at technohiya._____4. Ang lumalalang kalagayang pangkapayapaan at kaayusan ng bansa ay ang pangunahing dahilan sa kakulangan ng pamumuhunan sa bansa_____5. Ang depresasyon ay nagpapababa sa halaga ng mga pisikal na yaman_____6. Ang mga ensentibo sa pamumuhunan na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga 42
dayuhang mamumuhunan ay nakahikayat ng maraming mamumuhunan_____7. Ang dagdag na pamumuhunan ay nakapaglilikha ng dagdag trabaho._____8. Ang mga bagong tayong bahay ay di kabilang sa pisikal na yaman sapagkat di naman ito ginagamit sa produksyon_____9. Ang “inside Trading” sa “stock market” ay makakabuti sa pamumuhunan sa bansa_____10. Ang gobyerno ay hindi kabilang sa mga namumuhunan sa ating bansa Hindi lahat ng bagay sa mundo ay gawa ng kalikasan. May mga bagay na nilikhao ginawa ng tao na tinatawag na yamang-pisikal. Ang yamang-pisikal ay binubuo ngmga istraktura, kagamitan at kasangkapang gawa ng tao na ginagamit bilang sangkapsa proseso ng produksyon.Ang mga ito ay naluluma o nasisira at nagkakaroon ngdepresasyon kaya sa tuwinay dapat palitan. Ang Depresasyon ay ang normal at unti-unting pagkaluma at pagkasira ng yamang pisikal na nagiging dahilan upang bumabaang naibibigay nitong pakinabang. Ang yamang-pisikal ang tumutugon sa pangangailangan ng mga tao tulad ngnasa larawan. Ang “Capital Goods” ay tumutukoy sa mga makinarya at kagamitan ng isangnegosyo o ahensya na kailangan upang lumikha ng iba pang kalakal at paglilingkod.Kabilang ditto ang mga makinang gumagawa ng enerhiya, mga kagamitan sa opisina,elektroniks, dekuryentent makina, kagamitang pang trasportasyon at kagamitang pangpropesyonal, seyentipiko at potograpiya.Importasyon ng Kapital na Kagamitan(Enero-0ktubre 2004) 2003 2004 % Change 8.84TOTAL IMPORTS 33,899,925,920 31,146,671,729 4.44 8.99Capital Goods 12,988,661,273 12,436,878,029Power generating & 1,690,014,758 1,550,578,324specialized machines 43
Office and EDP Machines 2,822,218,029 2,746446,004 2.76 6,943,644,287 6.55Telecom equipt. Elec. 7,398,643,345 -32.18 740,198,856 36.01Land trans.eqpt. 501,994,027 96,410,507 23.65Aircraft,ships and boats 131,132,123 359,600,051Prof. Scientific photo. equipt 444,658,991Pinagkunan: National Statistics Office Ang pormasyong pangkapital ay ipinapalagay na bahagi ng resulta ngekonomiya at mga inangkat na hindi nakunsumo o naibenta at tinuturing nakaragdagan sa stock na kapital ng bansa.GROWTH RATE OF CAPITAL FORMATION IN THE PHILIPPINES Q1-03 Q2-03 Q3-03 Q4-03 Q1-04 Q2-04 Q3-04CAPITAL FORMATION 20.6 -0.8 -4.0 -13.3 10.1 8.0 16.2Fixed Capital 5.6 -0.7 6.1 1.2 8.3 5.9 5.4Construction 1.6 -8.6 -3.3 -0.6 8.3 10.6 5.8Durable Equipment 9.3 6.1 16.7 3.2 8.9 3.1 5.0Breading Stocks & Orchard Dev. 2.1 3.5 5.1 0.2 3.3 -1.3 5.2Pinagkunan: National Statistical Coordination Board Makikita sa itaas na talahanayan ang paglago ng mga yamang pisikal ngPilipinas noong 2003-2004. Ito ay mga ginagamit upang makalikha pa ng mgakalakal at serbisyo na pinagkukunan ng yaman ng bansa. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman1. Anong klase ng buhay mayroon ang tao kung walang yamang-pisikal?2. Sa papaanong paraan mapaparami ang yamang-pisikal?3. Bakit nakakasagabal sa kaunlaran ng ekonomiya ang depresasyon ng yamang-pisikal? 44
Tandaan Mo! Ang Yamang Pisikal ay binubuo ng mga istraktura, kagamitan at kasangkapang gawa ng tao na ginagamit bilang sangkap saproseso ng produksyon.Ang Pamumuhunan ay tumutukoy sa pagbuo ng mga panibagong istraktura,planta at kagamitan na pumapalit sa mga lumang istruktura na nawala na ngpakinabang.Ang Depresasyon ay ang normal at unti-unting pagkaluma at pagkasira ngyamang pisikal na nagiging dahilan upang bumaba ang naibibigay nitongpakinabang..Ang pormasyong kapital ay ipinapalagay na bahagi ng produkto ng ekonomiyaat mgainangkat na hindi nakunsumo o naibenta at tinuturing na karagdagan sastock na kapital ng bansa.Ang “Capital Goods” ay tumutukoy sa mga makinarya at kagamitan ng isangnegosyo o ahensya na kailangan upang lumikha ng iba pang kalakal atpaglilingkod. Gawain 3: Paglalapat Lagyan ng tsek (√ ) kung makakatukong at ekis(X) kung di- makakatulong ang mga sumusunod sa pagpaparami ng yamang pisikal at pamumuhunan sa bansa._______ 1.Ang mabilis at maasahang transportation sa bansa_______ 2. Ang mataas na pasahod sa manggagawa_______3. Ang edukado at mataas na kalinangan ng mangagawa_______ 4. Ang pagbaba ng “credit rating” ng bansa_______ 5. Ang mataas na patubo sa utang_______ 6. Ang mataas na insidente ng kidnapping_______ 7. Ang modernong facilidad sa komunikasyon 45
_______ 8. Ang paggamit ng makabagong technolohiya _______ 9. Ang matatag at malinis na gobyerno _______ 10. Ang malimit na pagsalanta ng bagyo Maglatag ng tatlong mungkahi upang mapalakas ang pamumuhunan atpisikal na yaman ng ating bansa 1.___________________________________________________________ 2.___________________________________________________________ 3.___________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Pinagkukunang-yaman ang mga bagay na nagdudulot ng kapakinabangan at tumutugon sa pangangailangan ng mga tao. Ang lawak ng kabuuang lupain ng Pilipinas ay may sukat na 30,000,000 ektarya. Ang 15,854,922 ektarya ay sakop ng kagubatan, samantalang 14,145,078 ektarya naman ay maaring ipagbili. Biniyayaan ang Pilipinas ng saganang deposito ng mineral na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Noong 2001, nagtala ng pinakamalaking produksyon ng mineral na metaliko ang ginto, samantalang nanguna ang buhangin at graba sa produksyon ng mineral na di-metaliko. Umabot sa 17,460 kilometro ang kabuuang sukat ng katubigang pumapalibot sa Pilipinas, kaya naman nagpapakita ng kalakasan ang produksyon ng isda sa bansa. Yamang napapalitan ang tawag sa mga yamang likas na agad napapalitan matapos gamitin sa madaling panahon, samantalang yamang di-napapalitan ang tawag sa yamang likas na matapos magamit ay hindi agad mapapalitan sa madaling panahon. Walang kabuluhan ang saganang likas na yaman kung walang taong lilinang nito. Ang bilang ng may trabaho at walang trabaho ay mahalaga dahil matatantiya nito ng magiging mabuti ang kalagayan ng paggawa sa ating bansa. Ang yamang-pisikal ay binubuo ng mga istruktura, kagamitan at kasangkapang gawa ng tao na ginagamit bilang sangkap sa proseso ng produksyon. 46
PANGHULING PAGSUSULITPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Alin ang hindi suliraning pangkabuhayan? A. Kakapusan ng kagamitan. B. Depresasyon ng Makinarya C. Pagkasira ng pinagkukunang yaman D. Pagdami ng mamumuhunan2. Ito ay bimubuo ng mga taong may edad 15 taon-pataas na bahagi ngproduksyon ng mga kalakal at paglilingkodA. Antas ng may trabaho C. EntrepreneurB. Antas ng lakas paggawa D. Hukbong paggawa3. Ano ang pangunahing pakinabang ng mga Pilipino sa yamang tubig ng bansa? A. Pinagkukunan ng enerhiya. B. Turismo C. Transportasyon D. Pangingisda4. Sa produksyon ng mineral na di-metaliko, pinakamalaki angA. Asin. C. Buhanging Silika.B. Uling. D. Buhaging Graba.5. Ito ang itinuturong dahilan ng napakalaking pinsala ng bagyong Winnie at Yoyong noong taong 2004 sa probinsya ng Quezon A. Kaingin B. Pagmimina 47
C. Iligal na pagtrotrosoD. Kakulangan ng kagamitang pansagip buhay6. Ito ay isang halimbawa ng yamang di napapalitanA. Kagubatan C. Yamang mineralB. Yamang tubig D. Yamang pisikal7. Ito ay nagpapakita ng kapal ng tao sa bawat kilometro kwadradoA. Populasyon. C. Hukbong paggawa.B. Densidad ng Populasyon. D. Mamamayan9. Pinakamahalga ang mineral na ito bilang mineral na panggatong sa atingbansa:A. Uranium C. LangisB. Plutonium D. Uling9. Anong rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamalaking populasyon noong taong2000 ayon sa NSO?.A. NCR C. Gitnang LuzonB. Timog Katagalugan D. Kanlurang Visayas.10. Ito ay tumutukoy sa pagbuo ng mga panibagong estruktura, planta atkagamitan na pumapalit sa mga lumang estruktura na nawalan na ngpakinabang.A. Pamumuhunan C. MineralB. Depresasyon D. Densidad11. Ang normal at unti-unting pagkaluma at pagkasira ng yamang pisikal nanagiging dahilan upang bumaba ang naibibigay nitong pakinabang.A. Pamumuhunan C. ImplasyonB. Depresasyon D. Depresyon 48
12. Aling Rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamataas na densidad na 15,864 ayonsa NSO noong taong 2000?A. Gitnang Luzon. C. Timog KatagaluganB. Lambak ng Cagayan D. NCR13. Ang pinakamalaking bahagi ng yamang lupa ng Pilipinas ay klasipikado bilang:A. Agrikultural C. IndustriyalB. Kagubatan D. Residensyal14. Ang responsible sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksyonA. Manggagawa C. EntrepreneurB. Pamumuhunan D. Lider ng Gobyerno15. Ito ang dahilan ng atubiling pamumuhunan sa ating bansa A. Ang paglobo ng populasyon B. Ang pagtaas ng produktibidad C. Ang paglala ng kalagayang pangkatahimikan D. Ang pagtaas ng dolyar16. Kailan hindi magiging pabigat sa ekonomiya ang paglobo ng populasyon? A. Kapag produktibo ang karamihan B. Kapag may magandang serbisyong panlipunan C. Kapag may magaling na namumuno D. Kapag maraming nangingibang bansa17. Ito ang pinakamurang pinagkukunan ng enerhiya sa ating bansaA. Geothermal C. UlingB. Langis at gas D. Tubig 49
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338