Isang programang inilunsad sa panahong ito ay ang “Mag-aral muna bagomagbayad”. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang maykakayahan na makapagpatuloy ng pag-aaral. Bukod dito, nagkaloob din ng mgaiskolarsyip sa mga mag-aaral na mahihirap ngunit matatalino. Mayroon ba sa iyong mga kamag-anak na nabiyayaan na ng mga programangiskolarsyip? Ibig mo rin bang maging iskolar? Ano ang nararapat mong gawin?PAGSANAYAN MOA. Tingnan mong muli ang tsart tungkol sa mga patakaran sa Edukasyon sa panahon ng Ikatlong Republika upang masagot mo ang sumusunod na tanong: 1. Sa anong baitang pinagamit ang wika ng pook bilang wikang panturo? Ano ang naging resulta nito? 2. Bakit nagbuo ng mga paaralang pampamayanan? Ano-ano ang itinuro rito? 3. Ano ang ginawa sa mga aklat na nakalimbag sa Ingles?B. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang edukasyon sa panahon ng Hapones at sa panahon ng Ikatlong Republika? Panahon ng Hapon Panahon ng Ikatlong RepublikaPaaralanWikang PanturoMga Binigyang – diin saPagtuturoMga GuroMga Aklat HKS 5 M- 36
TANDAAN MO Itinakda ang paggamit ng wika ng pook bilang wikang panturo sa Baitang I at II. Nagsagawa ng mga proyekto at programa upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa bansa. ISAPUSO MOIsulat sa kwadernong sagutan ang iyong sagot.Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? 1. Ikaw ay nabiyayaan ng programang “Mag-aral muna bago magbayad”. 2. Ikaw ay napagalitan dahil hindi nakakaintindi ng wikang Ingles.GAWIN MO Nais mo bang gumawa ng manyikang basahan? Ihanda mo ang sumusunod nagamit:Mga basahan Pentel penPanali GuntingSundan mo ang sumusunod na hakbang.1. Gupitin ang mga basahan ayon sa laki ng manyika na iyong gagawin.2. Kumuha ng isang bilog na bagay na ilalagay sa basahan na siyang magiging mukha.3. Itali mo ito4. Gumawa ka ng pangkamay at para sa paa. HKS 5 M- 36
5. Itali mo ito sa kaliwa at kanang bahagi. PAGTATAYAIsulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kwadernong sagutan. 1. Ang sumusunod ang naglalarawan tungkol sa kalagayan ng edukasyon matapos ang ikalawang digmaan maliban sa isa. Alin ito? A. nawalan ng mga kagamitan B. nasira ang mga gusaling pampaaralan C. maraming aklat ang ginagamit sa klase D. lumaki ang bilang ng mga nagsisipag-aral 2. Bakit nagtalaga ng mga paaralang pampamayanan? A. upang lumaki ang kinikita B. upang magbago ang ugali ng pamayanan C. upang matamo ang pangunahing pangagailangan D. upang maituro ang mga gawaing kapakipakinabangn sa pagpapaunlad ng pamumuhay 3. Paano nakatulong sa mga mag-aaral ang programang “Mag-aral muna bago magbayad”? A. napabuti ang pamumuhay ng mag-aaral B. marami ang pumapasok nang libre sa paaralan C. walang pagkakataon ang mahirap na makapag-aral D. nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may kakayahang makapag-aral HKS 5 M- 36
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Anim ang naging pangulo sa panahon ng Ikatlong Republika. Pumili ka ng isangpangulo na nais mong tularan. Magsaliksik ka ng tungkol sa kanyang talambuhay. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M- 36
GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG BATAS MILITAR AT IKAAPAT NA REPUBLIKA ALAMIN MO Batas Militar, narinig mo na ba ito? Taong 1972, ika-21 ng Setyembre nang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang batas militar sa buong bansa. Iba’t ibang damdamin ang nadama ng bawat Pilipino. Sa panahong ito, maraming pagbabago sa pamamahala at pamumuhay ang naranasan ng mga Pilipino. Isa na rito ang mga programa at patakarang inilunsad sa larangan ng edukasyon. HKS 5 M-37
Ano-ano ang bagay na binigyang-diin sa edukasyon ng mga Pilipino sa panahongito? Tatalakayin natin sa modyul na ito ang kasagutan sa tanong na ito. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa iyong kwadernong sagutan. 1. Walang pormal na edukasyon ang ating mga ninuno. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay ______________. A. nakapipili ng paaralan B. tinuturuan sa silid-aralan C. pumapasok sa malaking paaralan D. nag-aaral sa kani-kanilang tahanan 2. Noong 1900, nagtatag ang pamahalaang Espanyol ng mga paaralang konsistensi bokasyunal sa Pilipinas. Dahilan dito ang mga Pilipino ay ____________. A. naging mga guro at pari B. naging makasining at makabayan C. kinilala at iginalang ng pamayanan D. natuto ng sining sa pagpipinta, paglilok at pagsulat 3. Kung ang pagiging isang Kristiyano ang binigyang diin sa edukasyon ng mga Espanyol, itinuro naman ng mga Amerikano ang ______________. A. pagiging malaya B. paghanga sa kanilang bansa C. pagmamahal sa Poong Maykapal D. Demokratikong paraan ng pamumuhay 4. Sa paaralan ng Ikatlong Republika, binigyang-diin sa edukasyon ang _____________. A. paghahanda sa kinabukasan B. paglinag sa kaisipang kolonyal C. D. paglinag sa kinabukasan 5. Sa panahon ng Komonwelt, nilinang mabuti ang nasyonalismo. Ipinaturo ang talambuhay ng mga bayaning Pilipino at mga awiting Pilipino. Pinagtibay ang Batas Pang-edukasyon 1940. Anong kaisipan ang mabubuo mo rito? HKS 5 M-37
A. mahalaga ang edukasyon sa mamamayanB. may iba’t iabgn uri ng edukasyon sa bansaC. ipinagmamalaki ng ating bansa ang mga bayaning PilipinoD. nagkaroon ng pagbabago sa systema ng edukasyon sa panahon ngKomonwelt PAG-ARALAN MO Sa panahon ng Batas Militar at Ikaapat na Republika (1972-1981) nagkaroon dinng pagbabago sa edukasyon. Basahin mo ang mga plakard na ito.EDUKASYONG BILINGGWAL WORK-ORIENTED PINATUPAD CURRICULUM ISINANIBEDUKASYONG HINDI PORMAL YOUTH CIVIC ACTION PINASIGLA PROGRAM (YCAP) INILUNSADCONTINUOS PROGRESSION IN-SCHOOL OFF-SCHOOLSCHEME (CPS) IPINASUBOK (ISOSA) IPINASUBOK NATIONAL COLLEGE NATIONAL MANPOWER AND ENTRANCE YOUTH COUNCIL (NMYC) INILUNSADEXAMINATION (NCEE) IPINATUPAD Ibayong pagpapaunlad ang ginawa ng pamahalaan sa panahong ito kayanaipatupad ang iba’t ibang programang pang-edukasyon.Ang Edukasyong Bilingwal HKS 5 M-37
Sa programang ito pinatupad ang paggamit ng wikang Filipino at Inglesbilang wikang panturo sa mga aralin. Binigyang-diin ang pagpapakadalubhasa sapagsulat, pagbasa, at pagkikipag-usap sa dalawang wika.Ang Work-Oriented Curriuculum Ipinatupad ito upang matutong magmahal sa mga gawain ang mgakabataang Pilipino. Tinuruan ang mga mag-aaral ng ibat ibang bagay namakatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan.Ang Edukasyong Di-Pormal Layunin nito na matulungan ang mga di nag-aaral na may sapat na gulang.Nagkaroon ng palatuntunan sa radio na tinawag na “Lingap ng Pangulo saBarangay”. Mula rito ay napakinggan ang mga programa ng pamahalaan para sakanila.Ang Youth Civic Action Program (YCAP) Isa itong programa para sa magsisipagtapos upang masukat ang kanilangkakayahan sa mga kursong pangkolehiyo. Natutulungan ang mga kabataangwalang kakayahang pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghimok sa kanila nakumuha ng kursong bokasyunal.Ang National Manpower and Youth Council (NMYC) Tinutulungan nito ang mga kabataang nasa hustong gulang ngunit wala sapaaralan at walang hanapbuhay. Binigyan sila ng mga kasanayan sa mga gawaingpangkabuhayan tulad ng pag-iimbak ng pagkain, pagseseramiko, pagmemekaniko,pagkakarpintero, pag-eelektrisyan, atbp. Bukod sa programang ito nagpatayo rin ng mga tinatawag na pre-fabricatedschool buildings upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral.Ang EDPITAF (Educational Development Projects Implementing Task Force) aynilikha upang mabago o kaya ay gumawa ng mga aklat babasahin para sapanibagong sistema ng edukasyon. HKS 5 M-37
Basahin mong muli ang mga programang nakasulat sa loob ng bilog.Edukasyong NYMCBilinggwal Work- Edukasyong CPS Oriented Di-PormalCurriculum CPS YCAPAlin sa mga programang binasa mo ang ginagawa pa sa kasalukuyan? HKS 5 M-37
PAGSANAYAN MO Suriin mo ang larawan. Aling programang pang-edukasyon ang ipinakikita samga ito? HKS 5 M-37
TANDAAN MO May iba’t ibang pagbabagong pang-edukasyon ang ipinatupad ng pamahalaan sa panahon ng Batas Militar at Ikaapat na Republika tulad ng Work-Oriented Curriculum, Edukasyong Bilinggwal, Continuous Progression-Scheme, In-School, Off-School Approach, atbp. ISAPUSO MO Ano ang maaari mong gawin sa sumusunod na sitwasyon? 1. May kamag-anak kayong may sapat na gulang na hindi nakapag-aral. 2. May kaibigan kang wala sa paaralan ngunit nakikita mong may taglay siyang kakayahan sa mga gawaing pangkamay. 3. Ang iyong itay ay karpintero. Galing siya sa trabaho at marumi ang suot. Kasama mo siya pabalik sa inyong bahay nang masalubong mo ang iyong guro na kasama ang kaklase mo. GAWIN MO Isa sa naging gawain ng mga kabataan noon ay ang paglilinis ng kapaligiran.Maaari mo ring gawin ito hindi ba? Gumuhit ka o gumupit ng mga larawang nagpapakitang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. HKS 5 M-37
PAGTATAYA Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat mo ang sagot sa iyong kwadernongsagutan. Hanay A Hanay B1. Pagsusulat ito na ibinibigay sa A. Edukasyon Billingwal mga nagtapos ng hayskul upang matiyak silang kumuha ng mga B. Work-Oriented Curriculum kursong pangkolehiyo. C. Youth Civic Action Program2. Ipinatupad ang programang ito (YCAP) upang turuan ang mag-aaral na gumawa ng iba’t-ibang bagay na D. In-School Off-School makakatulong sa pagpapaunlad Approach (ISOSA) ng kanilang kakayahan. E. Continous Progression3. Binubuo ito ng dalawang Scheme (CPS) pangkat, ang isa ay nasa loob ng paaralan habang ang isang F. National College Entrance pangkat ay nasa tahanan at nag- Examination (NCEE) aaral ng modyul.4. Binibigyan nito ng pagsasanay ang mga bata na maipakita nila ang pagmamahal at pagmamalaki sa bayan.5. Pinagbuti nito ang pagtuturo sa mababang paaralan upang lahat ng bata ay pumasa sa klase. HKS 5 M-37
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ito ay isang awitin na idineklara nang Batas Militar. Alamin mo ang tono ngawitin. Maaarig magpaturo rin sa nakakaalam nito. Bagong Pagsilang(March of the New Society)May bagong silangMay bago nang buhayBagong bansa, bagong galawSa Bagong Lipunan!Nagbabago ang lahat, (2X)Tungo sa pag-unladAt ating itanghal,Bagong Lipunan!Ang gabi’y magmaliw nang ganapAt lumipas na ang magdamag.Madaling araw ng nagdiriwangMay umagang namasdanNgumiti na ang pag-asa,Sa umagang anong ganda!May bagong silang………. (ulitin)Ano ang mahalagang mensahe ng awitin? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul. HKS 5 M-37
GRADE V PROYEKTO: PANAHANAN NG IKAAPAT NA REPUBLIKA ALAMIN MO Pagmasdan mo ang nasa larawan. Ang suliranin sa pagpapabahay at pagbibigay ng lupang mapagtatayuan ngpamahalaan para sa mga iskwater ay sinikap na mabigyan ng kalutasan sa panahon ngIkaapat na Republika. Nagsikap ang pamahalaan na mabigyang pagkakataon ang mamamayang maykakayahang magpatayo ng sariling tirahan, ang suliranin sa pagpapabahay at pagbibigayng lupang mapagtatayuan ng panahanan para sa mga iskwater. Sa modyul na ito matututuhan mo ang ginawa ng pamahalaan para sapagpaparami sa mga tirahang maaaring ariin sa mababang halaga sa panahon ng Ikaapatna Republika. Handa ka na ba? HKS 5 M-38
PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Isulat mo sa iyong kwadernong sagutan ang titik ng tamang sagot.1. Anong panahon maraming napinsalang tahanan? A. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Komonwelt2. Alin ang mga lungsod na nilipatan ng mga taga lalawigan? A. Lungsod ng Quezon at Makati B. Lungsod ng Caloocan at Maynila C. Lungsod ng Maynila at Kamaynilaan D. Lungsod ng Maynila Lungsod ng Quezon3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangasiwa sa paglilipatan ng mga mamamayan? A. RFC B. PICC C. PHHC D. NARRA4. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumulong sa pagsasaayos ng tahanan ng mga mamamayan? A. RFC B. PICC C. PHHC D. NARRA5. Aling ahensiya ang nagpapahiram ng salapi para sa nais na magpatayo ng bahay? A. RFC B. PICC C. PHHC D. NARRA HKS 5 M-38
PAG-ARALAN MOBasahin mo ang Komik istrip na ito. Usapan ito ng isang opisyal ng pamahalaan at ngisang kolumnista ng pahayagan. Ang suliranin sa Hindi naman maypagpapabahay at pagbibigay ng relocation sites para sa mgalupang mapagtatayuan ng iskwater ang inilaangpanahanan para sa mga iskwater panahanan ng pamahalaan.ay wala yatang kalutasan. Ngunit patuloy pa rin silang Naglunsad ang pamahalaan ngnagiging suliranin ng palatuntunang “Balik Probinsiya.pamahalaan. Binigyan ang mga iskwater ng salaping magagamit sa pagbabalik sa mga sariling lalawigan. HKS 5 M-38
Mayroon bang ginawang Isa-isahin ko sa iyo ang mgaparaan ang pamahalaan para sa palatuntunan para samga pabahay? pagpaparami ng mga tirahang maaaring ariin sa mababang halaga. Narito ang inihanda kong tsart. Ang palatuntunang ito na nasa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Human Settlements ay ang National Shelter Program-Pambansang Palatuntunan sa Pabahay. HKS 5 M-38
Pambansang Palatuntunan sa Pabahay1. BLISS – Bagong Lipunan Sites and Services itinayo ito sa mga tinatawag na depressed areas sa mga lungsod at bayan-bayan, pati na sa tabi ng daang-bakal.2. PAG-IBIG – para sa mga namamasukan sa pamahalaan at pribadong tanggapan. Ang sinumang kasapi sa palatuntunang PAG-IBIG ay may karapatang humiram ng salapi na magagamit sa pagtatayo ng bahay.3. Flexihome Program ito ay may tatlong uri: Tirahan para sa isang mag-anak Tirahan para sa dalawang mag-anak na magkadikit Ang multi-family dwelling para sa tatlo o higit pang bilang ang mag- anak.4. Biglang Bahay Bond – biglang pondo para sa pagpapatayo ng bahay at pag-aari ng lote sa maraming mamamayan.5. ZIP (Zonal Improvement Program) ito ay para sa pook ng mga iskwater sa buong bansa, aayusin at pagagandahin ang lupa ng pamahalaan para sa paglilipatan ng mga iskwater.6. Biglang Bahay – layuning makalikom nang sapat na pondong panustos sa proyekto ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpaparaffle (raffle) HKS 5 M-38
Bukod sa mga tirahan ng mga Nagpatayo ng mgamamamayan, may mga proyekto imprastraktura sa mgaba ang pamahalaan para sakanilang pangangailangan? pamayanan ng mga pabahay ang pamahalaan.Anu-ano naman ito? Ito ang mga lansangan, pamilihan, paaralan at mga pagawaan na kung saan makapaghahanapbuhay ang mga naninirahan sa mga pabahay na itatayo. HKS 5 M-38
Maayos ang inilaan ng Sa palatuntunan napamahalaan para sa pabahay. pagpapabahay mahalaga angAng mga nabiyayaan ay tulong na ibinibigay nghindi lamang ang mga pribadong sektor lalung-laloiskwater kundi ang mga na sa paglaan ng pondo.kawani. Napag-aralan mo na ang mga tulong na ginawa ng pamahalaan para sa pabahay.Lagyan mo ng tamang palatuntunan sa pabahay ang bawat petal ng “flower web” Mga Palatuntunan sa Pabahay HKS 5 M-38
Tanong:1. Paano nilutas ng pamahalaan ang tungkol sa pabahay?2. Anu-anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa pagpapabahay ng mga mamamayan?3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagpapautang sa mga kawani ng pamahalaan at pribadong tanggapan? PAGSANAYAN MO Subukin mo ang iyong natutuhan sa modyul na ito. Panuto: Isulat ang napili mong sagot sa kwadernong sagutan. I. Piliin ang maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng mga pook-iskwater. _____A. Kahirapan ng buhay _____B. Paglaki ng populasyon _____C. Pagkawili sa tabing ilog _____D. Paghanap ng mapapasukan _____E. Pandarayuhan sa ibang pook II. Piliin kung alin sa sumusunod ang tumutulong sa paglutas ng suliranin sa pabahay _____A. Relocation site _____B. Pagtatag ng PAG-IBIG _____C. Pagkakaroon ng halalan _____D. Ministry of Human Settlement _____E. ZIP (Zonal Improvement Program) HKS 5 M-38
TANDAAN MO Maraming proyekto ang inilunsad ng pamahalaan upang malunasan ang mga suliranin sa pabahay sa panahon ng Ikaapat na Republika. ISAPUSO MO Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin mo nang buong katapatan ang tanongpagkatapos nito. Maraming iskwater sa inyong lugar ang pinalilipat sa pabahay ng pamahalaanngunit ito ay sa isang malayong lugar. Kung isa ka sa mga iskwater nanaisin mo banglumipat? Bakit? GAWIN MO Naririto ang isang Rap. Basahin at pagkatapos ay isaulo mo. Handa ka na? Iba’t ibang panahanan Sa iba’t ibang panahon May maayos at may tahimik May gulo at may sindak Masarap manirahan Sa sariling tahanan Na gusto mo, gusto ko At gusto ng lahat. Yeah! HKS 5 M-38
PAGTATAYANgayon handa ka na ba sa pagsusulit?I. Panuto: Piliin at isulat mo sa kwadernong sagutan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang ginawa ng pamahalaan upang malutas ang suliranin ng mga iskwater? A. Nagtatag ng pamahalaan para sa mga iskwater B. Pinaalis ang mga iskwater sa kanilang pook-tirahan C. Pinautang ang mga iskwater para sa pagpapatayo ng bahay. D. Pinapunta ang mga iskwater sa pook na kanilang pinanggalingan. 2. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting paraan na makahihikayat sa mga iskwater na mamalagi sa mga panahanang inihanda ng pamahalaan? A. Pagpapatayo ng mga palengke B. Pagpapagawa ng maayos na daan C. Pagpapagawa ng malalaking bahay D. Pagpapatayo ng mga sentrong mapagkakakitaan 3. Alin sa sumusunod ang nagbigay ng salaping magagamit ng iskwater sa pagbabalik nila sa mga sariling lalawigan? A. PAG-IBIG B. Relocation sites C. Balik-Probinsya D. Biglang Bahay Bond 4. Alin sa sumusunod na pabahay ang itinayo sa mga tinatawag na depressed area o mahihirap na pamayanan sa mga lungsod at bayan-bayan? A. BLISS B. PAG-IBIG C. Flexihome Program D. Biglang Bahay Bond 5. Aling proyekto ng pamahalaan ang naitayo sa mga pamayanang pabahay? A. LGU B. Charismatic C. Infrastructure D. Bataan Youth Civic Circle HKS 5 M-38
II. Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa iyong kwadernong sagutan. Hanay A Hanay B____1. itinayo sa mga depressed area A. BLISS B. PAG-IBIG____2. pabahay para sa mga C. Flexihome namamasukan sa pamahalaan at D. Infrastructure pribadong tanggapan E. Relocation Sites F. Biglang Bahay Bond____3. ito’y biglaang pondo para sa pagpapatayo ng bahay____4. ang pagtutugma ng laki at ayos tirahan sa laki ng pamilya____5. ito ang namamahala sa mga pangangailangan na dapat matagpuan sa mga pabahay na ipinatayo ng pamahalaan PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ka ng patalastas tungkol sa kabutihan ng programa sa pagtatatag ngpanahanan.Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul. HKS 5 M-38
GRADE V PROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA ALAMIN MO Tingnan mo ang larawan. Ano ang isinasaad nito? Noong Hunyo 16, 1981 muling nahalal na Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand E.Marcos. Ipinahayag niya ang pagsilang ng Bagong Republika noong Hunyo 30, 1981. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng buhay ng mgamamamayang Pilipino. Isa na rito ang pagkakamit ng wastong edukasyon ng mga mag-aaral. Ano kaya ang naging kalagayan ng edukasyon sa panahong ito? Alamin natin. Nakahanda ka na ba? HKS 5 M-39
PAGBALIK-ARALAN MO Pag-uganayin mo sa pamamagitan ng guhit kung kailan naganap ang sumusunodna pangyayari sa edukasyon.Nagbukas ng Panahon ngmga paaralang Hapones pambayanIpinaturo ang Panahon wikang ngNiponggo AmerikanoNagbukas ng Panahon mga ng paaralang parokyal KomonweltIpinatupad Panahon ang ngYCAP EspanyolNilinang na Panahon ng mabuti ang Ikaapat naNasyonalism o o diwang Republika makabayan HKS 5 M-39
PAG-ARALAN MOBasahin mo ang pag-uusap ng magkapatid na Rico at Che-che.Che-che : Kuya, paano ba ang sistema ng edukasyon noong panahon ng Bagong Republika?Rico : Ipinagpatuloy pa rin ang mga programa at palatuntunan na ipinatupad noong Ikaapat na Republika. hindi ba napag- aralan mo yun sa nakaraan mong aralin?Che-che : Oo kuya, may nabasa pa akong, Earn While You Learn, Balik-paaralan, Operasyon Recycling, at Study Now, Pay Later. Ginagawa pa rin ba ito ngayon?Rico : Oo naman kaya lang, iba-iba na rin ang tawag sa mga programa na yan. Alam mo ba na nagpatupad din sa panahong ito ng bagong kurikulum sa elementarya? Tinawag itong Program for Decentralized Elementary Education (PRODED)Che-che : Ano ang nabago sa kurikulum sa panahong ito?Rico : Binigyang-diin ang paglinang ng nasyonalismo o Pilipinismo mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na grado. Binawasan din ang bilang ng asignatura sa unang dalawang baitang ng elementarya upang mapagbuti ng guro ang pagtuturo ng mga batayang kasanayan sa pagbasa, pagsulat at pagkwenta.Che-che : Bakit binago ang kurikulum? Mahalaga ba ang pagbabagong ito?Rico : Oo, para maiangkop ang edukasyon sa mga layuning pangkaunlaran nang makalikha ng bagong mamamayang Pilipino na may pagpapahalaga sa kanyang kultura at may pagmamalaki sa kanyang pagiging PilipinoChe-che : Anu-ano naman ang mga kasanayang bokasyunal?Rico : Ito ay para sa mga kabataang hindi na nag-aaral gayundin sa HKS 5 M-39
mga maysapat na gulang. Sinasanay sila sa mga gawaing maaaring pagkakitaan tulad ng pagkukulot, pag-iimbak ng pagkain, pagmemekaniko, atbp.Che-che : Ang galing naman kuya, kaya pala si Ate Cely ang sarap maghanda ng pagkain. Salamat kuya sa ibinahagi mong kaalaman sa akin. Bukas marami akong iuulat sa klase. Matutuwa sa akin si Gng. Eleanor Forbes.Rico : Walang anuman Che-che. Sige iayos mo na ang mga gamit mo. Alam mo ba ang ibig sabihin ng Pilipinismo o Nasyonalismo? Tingnan mo anglarawan.Nasyonalismo Pagiging tapat Pagmamahal sa sa sariling Bayan bansa Pakikiisa at ipinagmamalaki sa BayanAnu-anong kursong bokasyunal at teknikal mayroon sa bansa natin? Tingnan mo angmga larawan. HKS 5 M-39
Mayroon ba sa iyong mga kaanak ang may kaalaman sa mga ganitong kurso? HKS 5 M-39
PAGSANAYAN MO Ano-ano ang pagbabagong isinagawa sa kurikulum? Kopyahin mo ang “treeweb” na ito at isulat mo ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. Mga pagbabago sa Kurikulum sa Panahon ng Bagong Republika HKS 5 M-39
TANDAAN MO Binigyang-diin sa edukasyon sa Panahon ng Bagong Republika ang paglinang ng Nasyonalismo o Pilipinismo mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na grado. Binawasan ang bilang ng asignatura sa unang dalawang baitang sa elementarya. ISAPUSO MO Narito ang puno ng mabuting pag-uugali. Pumitas ka ng tatlong bunga atilarawan mo kung paano mo isinasabuhay at isinasapuso ang mga ito. masikapmaka-diyos magalangmatiyaga marangal mapagmahal matulunginnakikiisa maalalahani n HKS 5 M-39
GAWIN MO Alin sa sumusunod ang kaya mong gawin? Iguhit ang kung kaya mo at kung hindi. 1. pagbuburda ng panyo 2. pagpako ng mga sirang paa ng silya 3. pagsulsi ng mga may punit na damit 4. paghahanda ng pagkain 5. pag-aayos ng buhok 6. paggawa ng pitaka 7. paggawa ng extension cord 8. pag-iimbak ng pagkain 9. paggagantsilyo 10. pag-aayos ng bulaklak sa ploreraPAGTATAYA Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyongkwadernong sagutan.Hanay A Hanay B1. sinasanay ang mga mag-aaal sa A. PRODED mga gawaing maaaring B. Pilipinismo pagkakitaan2. pagmamahal sa Bayan C. Baitang I at II3. mga baitang kung saan binawasan D. Baitang III at IV ang mga asignatura E. Earn While You Learn F. Kaasnayang Bokasyunal4. bagong kurikulum sa elementarya5. programang kumita habang nag- aaral HKS 5 M-39
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Sumulat ng isang talata na tatalakay sa nais mong programang pang-edukasyon saPanahon ng Bagong Republika. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-39
GRADE VPROYEKTO: PANGKABUHAYAN SA IKAAPAT AT BAGONG REPUBLIKA ALAMIN MO Sa Modyul na ito matutuhan mo ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ngbansa at ang isinagawa ng pamahalaang Marcos upang maiayos ang kalagayangpangkabuhayan ng bansa. Handa ka na ba? HKS 5 M-40
PAGBALIK-ARALAN MOIsulat ang sagot sa iyong kwadero.Panuto: Anong programa ng pamahalaan ang isinagawa sa pagpapabuti ng kabuhayan ng bansa? Isulat ang titik na tumutukoy dito.______A. Pilipino Muna______B. Reporma sa Lupa______C. Programa sa edukasyon______D. Pagpaplano ng Pamilya______E. Programa sa mga rebelde______F. Pagpapaunlad ng kultura______G. Paghihikayat sa mga aktibista______H. Pagpapautang sa mga negosyante______I. Pagpapabuti sa mga kalsada at tulay______J. Pagbabago sa sistema ng pamahalaan HKS 5 M-40
PAG-ARALAN MO Basahin mo at unawain Dahilan ng Pagbagsak ng Ekonomiya ng Bansa Sa pagpasok ng taong 1983, unti-unting bumagsak ang ekonomiya ngbansa. Umutang ng malaking halaga ang pamahalaan sa IMF (InternationalMonetary Fund). Nagpalabas ng mga bagong salapi ang pamahalaan, ngunitlalo pa itong nagpababa sa halaga ng piso ang salapi ng bansa. Dahil sa pagtaas ng halaga ng langis tumaas din ang halaga ng bilihin.May maliliit na kompanya na nagsara. Nagdulot ito ng kawalan ng trabaho samga manggagawa. Dumalang ang mga turista at nalugi ang ilang malalaking otel. Maymga negosyanteng nangutang nang hindi nagbayad at umalis ng bansa. Marami sa kawani at opisyal ng pamahalaan ay hindi naging matapatsa kanilang panunungkulan. HKS 5 M-40
Pagmasdan mo ang seashell web. Isa-isahin mong basahin ang mga dahilan ngpagbagsak ng ekonomiyang bansa Nagsara ang Maraming Dumalang mga nawalan ng ang mga industriya at hanapbuhay turista kompanya Pangungutang ngNagsara mga negosyanteang mga na hindiindustriya nagbayadatkompanya Mga kawani ng pamahalaan ay hindiBumaba ang tapat sa tungkulinhalaga ngpiso Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Ekonomiya ng BansaPag-aralan mo naman ngayon ang mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan. A. Inilunsad ang KKK o Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran. Layunin nito na mapabuti ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng mga barangay sa buong bansa. Pitong proyekto ang binigyan nito ng pangunahing pansin.1. Ang Agro-Forestry ay ukol sa pagtatanim ng ipil-ipil na mapagkukunan ng panggatong at pagkain ng mga hayop. Madaling patubuin at palakihin ang HKS 5 M-40
2. Ang Agro-Livestock naman ay ukol sa paghahayupan.3. Mga industriyang pantahanan naman ang leathercraft, rattan craft, garments, bamboocraft, woodcraft at shellcraft. HKS 5 M-40
4. Napailalim sa Aquamarine ang pagtatanim ng halamang-dagat at paggawa ng mga palaisdaan.5. Isang lugar ang itinalaga upang maging punlaan ng mga binhi ng mga halaman na tutulong sa produksyon ng mga gulay. HKS 5 M-40
6. Sa Waste Utilization naman napailalim ang produksyon ng biogas at mga pataba. 7. Ang pagtatayo ng mga pamilihang-bayan ay saklaw ng pagpapaunlad ng mga palingkurang-bayan. B. Inilunsad din ang programang Sariling Sikap. Hinikayat ang mga mamamayan na makiisa rito. Pinayagan nito ang mga namamamasukan na magkaroon ng dagdag na trabaho matapos ang oras ng panunungkulan. C. Pinasigla rin ang Agri-Business. Ang agri-business ay mga industriyang lumilinang sa mga likas na yaman.Pagmasdan mo ang graphic organizer. Isa-isahin mong basahin ang mga programa ngpamahalaan upang mapatatag ang kabuhayan ng bansa. HKS 5 M-40
Mga Programa ng Pamahalaan sa Pagpapatatag ng Kabuhayan ng BansaKKK-Kilusang Sariling Sikap Agri-BusinessKabuhayan at Kaunlaran1. Agro-Forestry Kawani ng Linangin ang2. Agro-Livestock pamahalaan ay likas na yaman tulad3. Industriyang maaring mamasukan ng lupa, gubat at pagkatapos ng tubig. Pantahanan kanilang trabaho4. Aqua-marine5. Punlaan ng mga Binhi6. Waste Utilization7. Pamilihang-BayanPAGSANAYAN MOIsulat ang sagot sa iyong kwaderno.Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat. Hanay A Hanay B A. KKK_______1. Nauukol ito sa pagtatanim ng ipil- B. Aqua-Marine ipil C. Agro-Forestry_______2. May kinalaman ito sa paghahayupan HKS 5 M-40
_______3. Pinahintulutan ang mga kawani D. Sariling Sikap ng pamahalaan na magkaroon E. Agro-Business ng dagdag na trabaho A. mga mamimili_______4. Luliminang sa likas na yaman B. mga negosyante C. kawani ng pamahalaan_______5. Layunin nito na mapabuti ang D. pagdalang ng mga turista kalagayang pangkabuhayan ng E. pagtaas ng presyo ng langis bawat barangay F. pagsasara ng mgaB. kompanya_______6. Dahilan ng pagtaas ng bilihin_______7. Pagkalugi ng malalaking otel_______8. Nagdulot ng kawalan ng trabaho sa mga mamamayan_______9. Hindi naging matapat sa kanilang mga trabaho_______10. Umalis ng bansa nang hindi binabayaran ang inutang sa pamahalaan TANDAAN MO May iba’t ibang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. May mga programa ang pamahalaan na ikabubuti ng kabuhayan ng bansa. HKS 5 M-40
ISAPUSO MO Basahin at sagutin ang tanong sa iyong kwadernong sagutan. Ang likas na yaman ng ating bansa ay malaking tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa na dapat ingatan. Paano ka makatutulong sa pag-iingat ng likas na yaman? GAWIN MO Gumawa ng dayorama o mural. Na ipinapakita ang isang pamayanangmaipagmamalaki. Ilarawan ang kapaligiran at hanapbuhay. HKS 5 M-40
PAGTATAYAIsulat ang sagot sa iyong kwaderno.Panuto: Ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa? Pumili ng sagot sa talaan na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik na tinutukoy sa bawat bilang sa patlang. A. Kawalan ng hanapbuhay B. Dumalang ang mga turista C. Bumaba ang halaga ng piso D. Pagsasara ng mga kumpanya E. Pagugutang ng mga negosyante F. Tumataas ang halaga ng mga bilihin G. Pagpapabaya ng mga kawani ng pamahalaan _______1. Dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis hindi na makapamili ng marami si Aling Fely. _______2. Nang umutang ng malaking halaga ang pamahalaan sa IMF, ang salaping dala ni Linda ay para walang halaga. _______3. Dati rati’y may trabaho si Vicky ngunit ngayon ay sa bahay na lang siya. _______4. Hindi pumapasok sa tamang oras si Procy sa munisipyo lagi pang maaga kung umuwi. _______5. Nagpunta ng ibang bansa si G. Santos at hindi na muling nagbalik matapos mangutang ng salaping puhunan sa pamahalaan. _______6. Nalugi ang malalaking otel sa kamaynilaan. _______7. Ang malaking kompanya ni Gng. Poe ay hindi makayanan ang pagbibigay ng suweldo. HKS 5 M-40
Panuto: Ano naman ang ginawa ng pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa? Piliin sa kahon. A. KKK B. Sariling Sikap C. Agri-Business _______1. Nagpasigla sa mga industriya gamit ang likas na yaman. _______2. Naglalayon na mapabuti ang kabuhayan ng bansa. _______3.Nagpapahintulot sa mga kawani ng pamahalaan na mamasukan upang magkaroon ng dagdag na trabaho. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Alin sa sumusunod ang bibigyan mo ng halaga? Isulat sa iyong kwaderno angkasagutan. Pangatwiranan ang iyong napiling kasagutan. 1. Upang maging maunlad ang aming pamumuhay magluluto ako ng kakanin at ibebenta sa mga kapitbahay. 2. Mamamasukan ako bilang katulong sa ibang bansa. 3. Magtatanim ako ng halamang ipil-ipil at mag-aalaga ako ng kambing. 4. Pagbubutihan ko ang anumang trabaho na inilaan sa akin sa kompanyang aking pinapasukan upang ito ay umunlad. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-40
GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGANG SA KASALUKUYAN ALAMIN MO BECGarden of Harmony Mga Programa sa EdukasyonAgham Matematika Tekholohiya Nagkaroon na ng iba’t ibang pangulo pagkatapos ng EDSA Revolution at bawatisa ay may kani-kaniyang patakaran at programa tungo sa pagpapabuti ng kalidad ngedukasyon. Ano-ano kaya ang mga ito? Napaunlad ba nito ang sistema ng edukasyon sabansa? Sa modyul na ito. Pag-aaralan natin ang mga pagbabagong naganap sa edukasyonsa panahon ng pagtatapos ng rebolusyon hanggang sa kasalukuyan. Handa ka na ba? HKS 5 M-41
PAGBALIK-ARALAN MO Marami ka nang natutuhan tungkol sa mga pagbabago sa edukasyon ng mgaPilipino sa iba’t ibang panahon. Subukin mong gawin ang palaisipan sa ibaba. Isulat moang mga titik sa bawat kahon upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan saedukasyon. Gawin mo ito sa iyong kwadernong sagutan. 6. 1. 3. 5. 2. 4. 7. 8. Pahalang 1. mga gurong Amerikano 4. tinuturuan ang mga anak na babae ng paglilinis ng bahay 7. alpabeto ng mga unang Pilipino 8. edukasyong binigyang-diin sa Bagong Republika Pababa 2. ginawang opisyal na wika sa komunikasyon 3. mga gurong Espanyol 5. wikang panturo sa panahon ng Amerikano 6. mga gawaing tulad ng technician, elektrisyan HKS 5 M-41
PAG-ARALAN MO Basahin at unawain mo ang talata sa ibaba. Pagkatapos ng EDSA Revolution, nanungkulan na bilang Pangulo ng Bansa sinaGng. Corazon Aquino, G. Fidel Ramos, G. Joseph Estrada at Gng. Gloria MacapagalArroyo. Sa klase ni Gng Eleanor Forbes, nag-uulat ang unang pangkat tungkol sa mganaisagawang programa o proyekto sa edukasyon ng mga naging pangulo ng bansa. Ako si Corazon C. Aquino, ang kauna- unahang babaeng naging pangulo ng bansa. Naluklok ako sa tungkulin mula 1986 hanggang 1992. Sa aking panunungkulan naisagawa ko ang sumusunod: Pagpapatupad ng Republic Act No. 6655, ang Free Public Secondary Act of 1986 upang magbigay ng libreng edukasyon para sa elementarya at mataas na paaralan. Pagtaas ng sweldo ng mga guro ng 20% para sa taong 1986, 20% sa 1987, at 10% sa 1988. Pagpapababa ng gulang sa pagpasok ng mga bata sa unang baitang mula pitong taong gulang ay naging anim na taong gulang na sinimulan noong panuruang taon 1988-1989. Pagpapatupad ng bagong kurikulum sa haiskul na tinawag na Secondary Education Development Program (SEDP) upang maitaas ang antas ng pagtuturo sa sekondarya. Sinimulan ito noong taong panuruang 1989-1990. Pagpapalimbag ng maraming aklat para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan na umabot ng 26 milyon ang kopya. HKS 5 M-41
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162