PAGPAPAYAMANG GAWAIN Si Pangulong Quezon ang nagpatupad ng iba’t ibang patakaran sa edukasyon.Magsaliksik ka tungkol sa kanyang talambuhay Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-28
GRADE VPROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG KOMONWELT ALAMIN MO Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang inihahayag nito? Kailan nagaganap angganitong pangyayari? Sa nakaraang modyul natutuhan mo ang ilang pagbabago sa pamumuhay ng mgakababaihan. Sa aralin natin ngayon, aalamin natin ang tampok na pangyayari sa buhayng kababaihan sa panahon ng Komonwelt. Handa ka na ba? HKS 5 M-29
PAGBALIK-ARALAN MO Anong mga pagbabago sa pamumuhay ang naganap sa kababaihan sa panahon ngAmerikano? Lagyan mo ng () o ( X ) ang iyong sagotMga Pangyayari X1. Kapag may pupuntahang okasyon ay kailangang may kasama.2. Nakapaghahanapbuhay nang marangal.3. Nakapipili ng kurso na nais pag-aralan.4. Nakalalahok sa mga isports.5. Malayang nakapagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro. HKS 5 M-29
PAG-ARALAN MOBasahin mo ang usapan ng mag-ina na sina Lulu at Aling Nena.Lulu : Inay, isa pala sa mahalagang nagawa ng pamahalaang KomonweltAling Nena ay ang pagbibigay sa mga babae ng karapatang makaboto at maiboto.LuluAling Nena : Oo anak at ang unang babaeng nanguna sa kampanya upang makamit ang karapatang ito ay si Dr. Maria Paz Mendoza Quezon.Lulu Siya ang kumakatawan sa liga sa pagdinig sa batasan tungkol saAling Nena panukalang batas sa karapatan ng babae sa pagboto. Nagsikap siya hanggang sa maging batas ito noong 1933.LuluAling Nena : Ang galing niya Inay. Anu-ano pa ang nangyari upang matamo ng kababaihan ang karapatang ito? : Nagkaroon ng plebisito noong Abril 30, 1937 upang malaman ang saloobin ng mga babae tungkol sa karapatang bumoto. Ayon sa inaasahan, malaking bilang ng kababaihan ang sumang-ayon kaya simula noon nakaboto na ang mga babae sa lahat ng eleksyon. : Sino-sino naman po ang naihalal sa panahong ito? : Noong eleksyon ng 1937, nahalal si Corazon Planas. Siya ang unang babaing konsehal ng Maynila. Noon namang eleksyong pambansa ng 1941, nahalal si Gng. Elisa Ochoa ng Agusan. Siya ang unang babaing mambabatas sa ating kongreso. : Mabuti naman po at itinadhana rin sa Saligang-Batas 1935 ang pagkakaloob ng karapatan sa mga babae na bumoto at maiboto. : Oo anak, kaya ang karapatang bumoto ay isa ring tungkulin. Dapat marunong din tayong pumili ng karapat-dapat na pinuno ng ating pamahalaan.Sagutin mo: HKS 5 M-29
1. Ano ang pagkaunawa mo sa salitang karapatan?2. Bakit masasabing isa ito sa mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt? PAGSANAYAN MOPunan ng wastong sagot ang bawat puwang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. eleksyon Plebesito Elisa R. Ochoa Corazon Planas Salingang Batas 1935 Dr. Maria Paz Mendoza Quezon1. Ang pagkakaloob ng karapatan sa pagboto ng mga kababaihan ay itinadhana sa ______________.2. Ang unang babaing konsehal ng Maynila ay si _____________.3. Ang pagpapasya sa isang pambayang isyu sa pamamagitan ng pagboto ng mga mamamayan kung sila’y sang-ayon o di sang-ayon ay tinatawag na ______________.4. Ang unang babaing mambabatas sa ating kongreso ay si _____________.5. Ang nanguna sa kampanya upang makamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto ay si _______________. HKS 5 M-29
TANDAAN MO Ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa kababaihan ay ang pagkakaloob ng karapatang bumoto at maiboto. Ang karapatan sa pagboto ay itinakda ng Saligang Batas 1935. ISAPUSO MO Narito ang isang ballot box. Isulat mo rito ang mga dapat gawin ng isangmatalinong botante. HKS 5 M-29
GAWIN MO Gumuhit ng larawan ng mga babaing bumoboto. Sumulat ng ilang pangungusaptungkol dito.PAGTATAYAItambal ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. Hanay A Hanay B1. Unang babaing mambabatas A. Elisa Ochoa2. Unang babaing konsehal ng Maynila B. Corazon Planas3. Nanguna sa kampanya para makuha C. Nobyembre 11, 1941 ang karapatan sa pagboto D. Nobyembre 15, 1935 E. Ma. Paz Mendoza Quezon4. Nagkaroon ng plebisito5. Nagdaos ng pambansang halalan HKS 5 M-29
PAGPAPAYAMANG GAWAINSumulat ng islogan tungkol sa matalinong pagboto. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-29
GRADE V PROYEKTO: PANAHANAN SA PANAHON NG HAPONES ALAMIN MO Pagmasdan mo ang nakalarawan. Ano ang masasabi mo? Disyembre 8, 1941 nang sinalakay ng mga Hapones ang bansang Pilipinas nanaging simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naapektuhan nito ang panahanan ngmga Pilipino. Ano-ano kaya ang nangyari sa panahanan ng mga Pilipino noong panahon ngHapon? Ito ang pag-aaralan mo sa modyul na ito. Handa ka na ba? HKS 5 M-30
PAGBALIK-ARALAN MOPanuto: Punan mo ng wastong titik ang bawat kahon, upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat mo ito sa kwaderno.1. Ang pangulo ng pamahalaang Komonwelt. QZ2. Lugar kung saan nahikayat ang mga taga Luzon at Visayas. M DN3. Isa sa binili ng pamahalaan para sa pagbubukas ng panibagong panahanan. HC ND4. Ang batas na pipigil sa paglaganap ng panahanan ng mga Hapones at Tsino. NT -D M Y5. Ang Pambansang Pangasiwaan na namahala sa pagpapaunlad ng Mindanao. P NHNN HKS 5 M-30
PAG-ARALAN MO Natatandaan mo ba ang iba’t ibang panahanang itinayo sa iba’t ibang dako ngbansa sa panahon ng Komonwelt? Ang mga panahanang ito ay winasak nang walangtigil na pagbobomba nang mga Hapones ng magsimula ang Ikalawang DigmaangPandaigdig noong Disyembre 8, 1941. Pag-aralan mo ang mga nakalarawan. Iyan ang pook pampamahalaan na isinaayos sa panahon ng Amerikano. Ngunitdahilan sa digmaan nasira ang mga ito. HKS 5 M-30
Ang mga nagdurugtong sa mga magkakalayong panahanan tulad ng mga tulay atlansangan ay nawasak na rin. Pagmasdan ang mga napinsalang lungsod sa iba’t ibang dako ng bansa. Ang mgatahanan at simbahan ay nasunog dahil sa pagbobomba ng mga Hapones. Ang mga hindinadamay na tirahan ay iniwan na lamang ng mga nakatira ito. Naging magulo ang mga panahanan sa iba’t ibang dako ng bansa. Nagpalipat-lipat ng tirahan ang mga tao dahil sa takot sa mga Hapones. Tanong: HKS 5 M-30
1. Ano ang nangyari sa panahanan ng mga tao sa panahon ng Hapones? 2. Sa iyong palagay, saan sila nanirahan? PAGSANAYAN MOPanuto: Tama o Mali? Isulat ang T kung tama at M kung mali._______1. Ang pagsalakay ng mga Hapones sa bansa ay hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig._______2. Maraming panahanan ang napinsala sa panahon ng Hapones._______3. Di-gaanong napinsala ang mga pampamahalaang gusali._______4. Namundok ang mga taga lungsod nang sumalakay ang mga Hapones sa bansa._______5. Nagpalipat-lipat ng tirahan ang mga tao upang iwasan ang mga Hapones._______6. Lahat ng mga lungsod sa bansa ay hindi nakaligtas sa pambobomba ng mga Hapones._______7. Sumalakay ang mga Hapones sa bansa noong Disyembre 8, 1942._______8. Naging matagumpay ang mga Hapones sa pagwasak ng mga tirahan ng mga Pilipino._______9. Hindi iniwanan ng mga Pilipino ang kanilang tahanan kahit ito ay winasak ng mga Hapones._______10. Mapait na karanasan ang dinanas ng mga Pilipino sa panahon ng Hapones. HKS 5 M-30
TANDAAN MO Maraming panahanan ang napinsala sa panahon ng Hapones. Nagpalipat-lipat ng tirahan ang mga Pilipino dahil sa takot sa mga Hapones. ISAPUSO MO Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba. Pangatwiranan mo ang iyong sagot. Hindinawalan ng pag-asa ang mga Pilipino sa ginawang pananalakay ng mga Hapones. Itinayonilang muli ang kanilang tirahan. Kung nabubuhay ka noong panahon ng Hapones hindika rin ba mawawalan ng pag-asa? Bakit? GAWIN MO Tanungin mo ang iyong matandang kamag-anak kung ano ang karanasan nilanoong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. HKS 5 M-30
PAGTATAYAA. Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. A. B._____1. Ikalawang digmaang A. takot Pandaigdig B. panahanan_____2. Munisipyo, gusali, mga tanggapan C. daan at tulay_____3. Ang magdurugtong sa D. Disyembre 8, 1941 magkakalayong panahanan E. Disyembre 8, 1942 F. pook pampamahalaan_____4. Mga tahanang nasunog_____5. Dahilan ng paglilipat-lipat ng mga tao.B. Panuto: Gawin mo ang palaisipan. Isulat mo ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. Pababa 1- mga napinsala sa panahon ng digmaan 2- dahilan ng paglilipat-lipat ng tirahan ng mga tao 3- ang buwan ng pagsalakay ng mga hapones Pahalang 4- mga nasunog dahil sa pagbobomba ng mga Hapones. 5- mga nilipatan ng mga mag-anak upang makaiwas sa mga Hapones. HKS 5 M-30
DY T PBN N PAGPAPAYAMANG GAWAIN Sagutin mo ang tanong sa ibaba. Pangatwiranan ang iyong sagot. Sa palagay mokung nagtagal dito ang mga Hapones, maayos kaya ang panahanan? Bakit? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-30
GRADE VPROYEKTO: PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES ALAMIN MO Hindi natapos ang pamamahala ni Pangulong Quezon dahil sa biglang paglusob ng mga hapones sa Pilipinas. Nasakop ng Hapones ang buong bansa at itinatag ang Pamahalaang Militar ng mga Hapones. Nagkaroon ng pagbabago sa kabuhayan ng mga Pilipino sa panahong ito. Sa modyul na ito matututuhan mo ang naging kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino sa panahon ng Hapones. Handa ka na ba? HKS 5 M-31
PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat sa iyong kwadernong sagutan.1. Kinakasangkapan ng isang dayuhan sa pagbili ng ari-arian sa bansa. DY2. Katulong ng may-ari ng lupa sa pagsasaka. K KM3. Ang tumutol sa malayang kalakalan. Q ZN4. Ang sangay na nangasiwa sa halaga ng bigas at mais. NRC5. Ang lugar kung saan mabibigyan ng lupa ang mga magsasaka na babayaran sa murang halaga. M ND N HKS 5 M-31
PAG-ARALAN MO Basahin mo. Ang kakulangan ng pagkain, napakamahal na bilihin at halos wala nang mabilingpagkain ang naging suliranin sa Lungsod ng Maynila at maging sa lalawigan. Ang mga palayan ay tinamnan ng bulak. Ang mga alagang hayop at manok aysinamsam ng mga Hapones. Walang mapasukang trabaho ang mga tao sa lungsod. Upang mabuhay naging abalasila sa “buy and sell”. Bumibili at itinitinda nila ang anumang bagay na mapagkakakitaan.Ang iba ay pumunta ng lalawigan upang bumili ng bigas ngunit ang salaping papel omickey mouse ay walang halaga. Napilitang ipagpalit na lamang ng mga tao ang kanilanggamit sa bigas. Ang mga sasakyan na pag-aari ng mga tao ay kinumpiska ng mga hapones. Ang ibana nagbayad ay perang Mickey Mouse ang ibinigay. Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang mga tao sa lungsod. Dulot ng kahirapan ngbuhay nawalan ng disiplina ang mga Pilipino. Nabahala ang Pangulong Jose P. Laurel sa nagaganap sa bansa. Upang malunasanang kahirapan ipinag-utos niyang taniman ang mga bakanteng lote. Itinatag ang BigasangBayan o BIBA ang lumilikha at namamahagi ng bigas sa pamayanan. Naitatag din angkooperatiba ng mga mamimimili. Nilikha ang Sanggunian sa Pagpaplano ng Kabuhayan (National Economics Board)upang mangasiwa sa paglutas ng mga suliranin sa produksyon at pagbibili. AngPambansang Korporasyon sa Pamamahagi (NADISCO) National Distribution Corporationay nilikha rin ng Pangulong Laurel upang maging pantay ang pamamahagi ng paninda sabuong bansa. Hinikayat din ng pangulo na magtulungan at gumawa ng mga paraan ang mga taoupang mapabuti ang kanilang kabuhayan. Itinatag ang Samahang Magkakapitbahay para mapanatili ang katahimikan atkaayusan sa gabi. Dahil sa samahang ito natigil ang laganap na pagnanakaw. HKS 5 M-31
Ilagay dito ang mga natutuhan mo sa iyong binasa. Kopyahin mo sa iyongkwaderno ang tsart. Suliranin sa Dahilan Programa ng Kabuhayan Pamahalaan1.2.3.4.5. PAGSANAYAN MOPanuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat sa iyong kwadernong sagutan. 1. Noong panahon ng Hapon maraming Pilipino ang kumita sa ___________. A. pamamasukan sa pabrika B. pagtatanim ng palay, niyog at abaka C. pamimili at pagbibili ng anumang gamit D. pagbibili nga mga produktong galling sa bukid 2. Ang sumusunod ay kabilang sa mga patakaran ng pamahalaan upang malunasan ang kahirapan noong panahon ng Hapon maliban sa isa. Alin ito? A. pagpapasigla sa produksiyon ng bigas B. pagbibili ng ating produkto sa ibang bansa C. pagtatag ng kooperatiba ng mga mamimili D. pagtatanim ng gulay sa lahat ng bakanteng lupa 3. Ang karaniwang hanapbuhay ng mga Pilipino noon ay ___________. A. pagsasaka B. buy and sell HKS 5 M-31
C. pagtatanim ng bulak D. pagmamaneho ng sasakyan 4. Dahil pinatamnan ng bulak ang mga bukirin, nagkaroon ng kakulangan sa ___________. A. kita B. bulak C. pagkain D. sasakyan 5. Gawa ng labis na kahirapan, nawala sa mga Pilipino ang ___________. A. disiplin B. pag-asa C. katahimikan D. paglilibang TANDAAN MO May iba’t ibang suliraning pangkabuhayan ang mga Pilipino sa panahon ng Hapones. May programang pangkabuhayan na inilunsad ang pamahalaan upang malutas ang mga suliranin. HKS 5 M-31
ISAPUSO MO May kapitbahay kang mahirap. Nakita mo na halos hindi na sila kumakain.Paano mo sila tutulungan? Isulat ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. GAWIN MO May nakatiwangwang na bakanteng lote sa inyong harapan. Ano ang gagawinmo sa ganitong sitwasyon? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. PAGTATAYA Panuto: Unawain ang inilalahad ng mga sitwasyon. Tukuyin ang ugat ng sitwasyon. Magpasya ka kung nararapat o hindi. Isulat mo ang sagot sa kwadernong sagutan. 1. Halos walang mabiling pagkain. Kulang at halos walang mabiling ani. Ang ibang palayan ay napalitan ng bulak. Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain. Ugat: Nararapat o Hindi nararapat? HKS 5 M-31
2. Walang mapasukang trabaho. Naging abala sa buy and sell ang mga tao. Walang halaga ang pera. Dahil sa kahirapan nawalan ng disiplina ang mga Pilipino. Ugat: Nararapat o Hindi nararapat? 3. Itinatag ang Bigasang Bayan o BIBA. Namahagi ng bigas sa pamayanan. Linggu-linggo ang rasyon sa pamayanan. Ugat: Nararapat o Hindi nararapat? 4. Ang Sanggunian sa Pagpaplano ng Kabuhayan ay nangasiwa sa mga suliranin sa produksyon at pagbibili. Ugat: Nararapat o Hindi nararapat? 5. Upang malunasan ang kahirapan, iniutos ng Pangulong Laurel na taniman ang mga bakanteng lote at gayon din ang mga bangketa. Ugat: Nararapat o Hindi nararapat? PAGPAPAYAMANG GAWAIN Lubhang mataas ang presyo ng mga paninda ng mga tindahan sa inyong lugar.Subukan mong magtinda ng mababang halaga. Ano kaya ang kahihinatnan nito? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-31
GRADE V PROYEKTO: EDUKASYON SA PANAHON NG HAPONES ALAMIN MO Muling nasubok ang kakayahan ng mga Pilipino na umangkop sa mga pagbabagonang dumating ang mga Hapones. Banzai! Sigaw ng mga Hapones. Iba’t ibang damdamin ang naramdaman ng mga Pilipino sa panahong ito subalithindi nawala ang hangaring makamit ang kalayaan. Ibig ng mga Hapones na makuha ang pakikiisa ng mga Pilipino kaya nagtakdasila ng mga patakaran sa edukasyon. Ano-ano ang ito? Halina, ating alamin! HKS 5 M-32
PAGBALIK-ARALAN MO Napag-aralan natin na may pagbabagong naganap sa edukasyon sa iba’t ibangpanahon. Natatandaan mo pa kaya ito? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba.Gawin ito sa iyong kwadernong sagutan. Panuto: Isulat kung sa aling panahon naganap ang sumusunod na pagbabago sa edukasyon. Isulat ang N – kung panahon ng ninuno, E – Espanyol, H – Amerikano, at K – Komonwelt. 1. Tinuturuan ang mga bata sa kani-kanilang tahanan. 2. Mga sundalo ang mga unang guro. 3. Wikang Ingles ang ginawang wikang panturo. 4. Pinamamahalaan ng mga pari ang mga paaralan. 5. Binigyan-diin ang pagtuturo ng diwang makabansa. Nasagot mo ba nang wasto ang mga tanong? Kung gayon magpatuloy ka. PAG-ARALAN MO Sa klase ni Gng. Eleanor Forbes nag-imbita ng taong sanggunian ang unangpangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang Hapones sa Edukasyon. Ang kanilang taong sanggunian ay si Bb. Rita Mejia na nakaranas ng pamamahalang mga Hapones. Basahin mo ang tinalakay: Ibig ng mga Hapones na mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa kanila kayabinuksan nilang muli ang mga paaralan na isinara nang sumiklab ang ikalawang HKS 5 M-32
digmaang pandaigdig. Ibinigay nila ang sumusunod na tuntunin sa pagbubukas ngpaaralan: Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino Pagtataguyod ng Edukasyong Bokasyunal at Pang-Elementarya. Pagtuturo at pagpapalaganap ng Nippongo o wikang Hapones Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa. Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co – Prosperity Sphere. Matapos maibigay ang mga tuntuning ito, pinabuksan na ang mga paaralan sabansa. Pinahalagahan din ang pag-unlad ng agrikultura, pangingisda, medisina, atinhenyeriya. Ipinagamit ni Pangulong Jose P. Laurel ang Tagalog bilang opisyal na wika sabansa. Mga gurong Pilipino lamang ang pinayagang magturo ng Tagalog, Kasanayan saPilipino, at Edukasyon sa Wastong Pag-uugali. Iniutos din ng mga Hapones angpagtatakip ng iba’t ibang aklat na naglalarawan ng tungkol sa Amerika at iba pangbansang kanluranin.Bb. Mejia : May gusto ba kayong itanong?Mely :Bb. Mejia : Bakit po pinatakpan ang mga aklat na may larawan tungkol sa Amerika?Mely : Sapagkat gusto nilang mawala ang anumang bakas ng diwang Amerikano at maging maka-Hapon ang mga Pilipino. Alam ba ninyo na sa panahon ng pagdarahop ay higit na naging malikhain ang mga Pilipino? Nakalikha sila ng sigarilyo mula sa tuyong dahon ng papaya na binalot sa papel. Gumamit din sila ng binusang monggo, bigas, at mais kapalit ng tunay na kape. Ang galing talaga ng mga Pilipino. Maraming salamat po sa inyo Bb. Mejia. Marami po kaming natutuhan.Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit binuksang muli ng mga Hapones ang mga paaralan sa bansa? HKS 5 M-32
2. Anu-ano ang tuntuning pinairal sa pagbubukas ng mga paaralan sa bansa?3. Ano ang ginamit na opisyal na wika sa pakikipagtalastasan?4. Alin kaya sa mga patakarang ito ang sinusunod pa natin hanggang sa kasalukuyan? PAGSANAYAN MOSuriin ang grapikong presentasyon tungkol sa edukasyon sa panahon ng Hapones.Anu-ano ang patakarang pinairal?Alin sa mga ito ang pinairal din sa panahon ng Amerikano? Alin ang hindi?Pinalaganap ang Itinaguyod Itinuro angkulturang ang NiponggoPilipino edukasyong Pilipino Edukasyon sa Panahon ng HaponesItinaguyod Pinahalagahan ang Ipinaturo angang pag-aaral ng kasaysayan ngpagmamahal agrikultura, Pilipinas atsa paggawa. pangingisda, medisina Edukasyon sa Wastong Pag-uugali HKS 5 M-32
TANDAAN MO May mga patakarang pang-edukasyon na pinaiiral sa panahon ng Hapones tulad ng: - Paggamit ng wikang Niponggo - Pagtaguyod sa edukasyong bilinggiwal - Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, atbp. Ipinatupad ang mga tuntunin sa edukasyon upang mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa mga Hapones. ISAPUSO MO Narito ang mga mukha. Lagyan mo ng tamang ekspresyon batay sa sinasabi sapangungusap. 1. “Naku, kawawa naman ako, di ako makakapasok sa paaralan kasi wala kaming pera.” 2. “Nanay nagalit sa akin iyong Hapon kasi di ko maintindihan ang sinasabi niya tungkol sa aming paaralan.” HKS 5 M-32
3. “Anak, maligayang bati. Salamat nakatapos ka rin ng pag-aaral.” 4. “Nanay, si Elmer na kaklase ko, hindi iniintindi ang itinuturo ng aming guro. Naiinis ako sa ginagawa niya.” Alin sa mga mukhang ito ang dapat mong taglayin sa pagtatamo ng tagumpay sapag-aaral? GAWIN MO Gumawa ng bandila ng Hapones at bandila ng Pilipinas. Maaari mo itong iguhit o maaari ka ring gumamit ng mga art paper sa paglikhanito Ilarawan mo ang iyong ginawa. HKS 5 M-32
PAGTATAYA Hanapin mo ang limang salita na may kinalaman sa sistema ng edukasyon sapanahon ng Hapones. Isulat ang mga ito sa iyong kwadernong sagutan. N I PONGGO ANAROONG I GAL I TRA BLATER I S MEDE S I NA R S I FMC P T KUL TURAR P A G G AWA A PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ng islogan tungkol sa kaugnayan ng edukasyon sa tagumpay ng isangtao. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-32
GRADE V PROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA ALAMIN MO Sa panahon ng Ikatlong Republika, muling nagkaroon ng pagbabago sapamumuhay ng mga Pilipino. Nagkaroon ng iba’t ibang suliranin dulot ng katatapos nadigmaan. Ang mga nanungkulang pangulo sa panahong ito ay naglunsad ng iba’t ibangprograma at palatuntunan upang mapaunlad ang kabuhayan ng bansa. Naging aktibo rin ang kababaihan sa panahong ito. May iba’t ibang bahagi silangginampanan sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ito ang tatalakayin natin samodyul na ito. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ano ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa kababaihan? 2. Ano ang kahalagahan ng sumusunod na petsa? A. Abril 30, 1937 B. Disyembre 14, 1937 C. Nobyembre 11, 1941 HKS 5 M-33
PAG-ARALAN MO Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba. Bahaging Ginampanan ng Kababaihan Ang kababaihan sa panahong ito ay aktibong nakibahagi sa paglutas ng mgasuliraning panlipunan. Ang dating pantahanan lamang ay lumabas at nakilahok sa mgagawaing nakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. May mga nagtayo ng negosyo at angiba naman ay pumasok sa mga tanggapan at pabrika upang makatulong sa kita ng mag-anak. May mga babae rin na pumasok sa pulitika at mayroon ding mga gumawa nglingkod-bayan. Narito ang ilan sa kanila:Geronima Aurora Francisca Pecson Quezon Reyes Aquino Anu-ano ang kanilang mga bahaging ginampanan para sa bayan?Geronima Pecson Malaki ang naging bahagi niya sa pagpapaunlad ng edukasyon. Bilang unangbabaing senador, isinaalang-alang niya ang kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ngpagpapatuloy ng mga batas sa edukasyon tulad ng Batas sa Edukasyong Pang-elementarya ng 1953, Batas sa Edukasyong Bokasyunal, at batas na nagpapahintulot namakapagsanay ang mga guro sa mga paaralang pansining. Nagtatag din siya ng iba’tibang samahang pansibiko at panlipunan. HKS 5 M-33
Aurora Quezon Naging unang ginang siya ng Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni ManuelQuezon bilang pangulo ng bansa. Sa pagiging unang ginang ng bansa, ginugol niya angkanyang panahon sa paglilingkod sa nangangailangan. Sa tulong niya, naitatag angAssosacion de Damas Filipina. Isa itong institusyon na nangangalaga sa mga ulilanglubos at mga babaing naligaw ng landas. Kasama rin siya sa White Cross na tumutulongsa mga manggagawa at kanilang mga anak.Francisca Reyes Aquino Naging tanyag siya sa pagpapanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino.Pinag-aralan niyang mabuti ang ating mga katutubong sayaw at tugtugin sa pamamagitanng pagsasaliksik at pagtungo sa malalayong bayan sa Luzon at Visayas. Gumawa siya ngaklat tungkol dito na ginagamit ngayon ng marami sa pagtuturo ng mga katutubongsayaw at awitin. Sila ay ilang halimbawa lamang mga babaing naghandog ng kanilang talino atpaglilingkod para sa bayan. Sagutin mo: 1. Anu-ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa Ikatlong Republika? 2. Magbigay ng halimbawa ng mga babaing naggugol ng panahon sa paglilingkod at pagkakawanggawa para sa mga Pilipino. HKS 5 M-33
PAGSANAYAN MOIsa-isahin ang mga nagawa ng mga babaing Pilipino sa iba’t ibang larangan.Mga Natatanging Mga Nagawa para sa Babae Bayan TANDAAN MO Naging aktibo sa pagganap ng iba’t ibang bahagi ang kababaihan sa Ikatlong Republika sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagbahagi ng talento, at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa. HKS 5 M-33
ISAPUSO MO May kababaihan na nagkawanggawa para sa kanilang kababayan. Ikaw, maymagagawa ka bang paglilingkod sa iyong kapwa? Ano ang maibabahagi mo bilangmunting mamamayan ng bansa? Itala mo ito. GAWIN MO Magtala ka ng kababaihang may nagawang malaking tulong at kapakinabangan sainyong pamayanan. Sa tabi ng kanilang pangalan isulat ang kanilang nagawa sa inyong pamayanan. Halimbawa: Francisca Reyes Aquino - Nagpanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino. HKS 5 M-33
PAGTATAYA Sipiin mo ang graphic organizer sa iyong kwaderno. Dito mo itala ang iyongsagot sa katanungang ito: Ano-ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa Ikatlong Republiika? Mga Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan sa Ikatlong Republika HKS 5 M-33
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Magsaliksik ng mga limang kababaihang may katangi-tanging nagawa para sabayan. Itala ito sa iyong kwaderno. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-33
GRADE V PROYEKTO: PANANAHAN SA IKATLONG REPUBLIKA ALAMIN MO Pagmasdan mo ang nasa larawan. Ano-ano ang alam mo tungkol sa iskwater? Napag-aralan mo ang mga kaguluhan at pinsalang dulot ng digmaan. Maramingpanahanan ang nasira. Dahil dito may mga ilang taga probinsiya na inaakalang mabutiang magiging kalagayan nila sa Kamaynilaan ang lumuwas at nakipagsapalaran dito.Ngunit hindi sila nagkamit ng mabuting pamumuhay lalo na sa panirahan. Dumami nangdumami ang nanirahan at nagkaroon ng pook-iskwater. Sa modyul na ito matututuhan mo ang ginawang hakbang ng pamahalaan upangmalutas ang suliranin sa panahanan. Handa ka na ba? HKS 5 M-34
PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno ng sagutan. Hanay A Hanay B_____1. Mga napinsala sa panahon ng A. Takot digmaan B. Tulay C. Lalawigan_____2. Mga nawasak sa panahon ng D. Panahanan digmaan E. Disyembre 8, 1941 F. Disyembre 8, 1941_____3. Dahilan ng paglilipat-lipat ng mga tao sa panahon ng digmaan_____4. Mga lugar na pinuntahan ng mga tao upang makaiwas sa mga Hapones_____5. Ang araw ng sumalakay ang mga Hapones HKS 5 M-34
PAG-ARALAN MOPansinin mo ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan: “Alam mo ba na maraming tahanan ang napinsala noong panahon ng Hapon?” “Kaya naman nagbalik sa kani-kanilang pook ang mga taong may nasirang tahanan at tumulong ang People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC) at nakapagpatayo sila ng murang bahay.” “Ang mga taga lalawigan ay nagsilipat sa lungsod ng Maynila at ng Quezon at nagpatayo ng kahit anong masisilungan sa mga bakanteng lote, ilalim ng tulay, o kaya ay tabing ilog, estero. “Inaakala nilang madali silang makakita sa lungsod ng hanapbuhay. At ang nangyari dumami nang dumami ang mga tao at iskwater ang tawag sa kanila.” “Kaya naman itinatag ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at pagsasaayos (NARRA).” “Ito ang humikayat sa mga mamamayan na lumipat ng tahanan sa mga pook na di- gaanong masikip ang populasyon.” “May dala akong larawan. Dito ay tumulong ang pamahalaan sa mga mamamayan na isaayos ang kanilang tirahan. Ang People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC),” HKS 5 M-34
“Ang Rehabilitation and Finance Corporation (RFC) sa pamamagitan ng pagpapahiram ng pera sa mga nais magpatayo ng bahay.” Tanong: 1. Paano nagkaroon ng pook iskwater? 2. Saan-saan ito makikita? 3. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga tao na magkaroon ng bahay? Naunawaan mo ba ang pinag-usapan ng magkaibigan? Narito ang isang graphic organizer. Kopyahin at lagyan mo ng tamang salita sabawat bilog. Naririto ang mga salita. Mga napinsalang tahanan Pook iskwater Mga nais magkabahay People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC) Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat – tirahan (NARRA) Rehabilitation and Finance Corporation (RFC) Suliranin Tumulong saSa Panahanan suliranin sa Panahanan HKS 5 M-34
PAGSANAYAN MOPanuto: Isulat ang mga nawawalang titik sa kahon upang mabuo ang tamang sagot. Isulat mo ang sagot sa iyong kwaderno.1. Nagkaroon ng pagbabago sa _______ matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. P NHNN2. Ang tawag sa mga nakatira sa hindi nila lupa ______ KW T R3. Layunin ng PHHC na pagkalooban ang mga mamamayan ng murang _______. P BHY4. Ang NARRA ang nangangasiwa sa ______ sa iba’t-ibang pook tirahan ng mga pamilyang walang sariling lote.P GL PT5. Ang ___________ ang tumutulong sa pagpapabuti ng panahanan ng mga mamamayan.P MH L N6. Sa _______________ makikita ang mga pook iskwater. L L M GT LY7. Ang __________ ay isa sa mga lungsod na pinupuntahan ng mga taga lalawigan. M YN8. Ang ________________ay isa sa mga dahilan kung bakit nagpuntahan sa lungsod ang mga taga lalawigan. HKS 5 M-34
M GH N P B H Y 9. Ang _______ ang nagpapahiram ng pera sa mga tao upang makapagpatayo ng bahay. RC 10. Ang __________ ay nangangasiwa sa mga paglilipat sa mga tao sa mga pook na walang gaanong naninirahan. N RR TANDAAN MO Nagkaroon ng pagbabago sa panahanan sa panahon ng Ikatlong Republika. Tumutulong ang pamahalaan sa pagsasaayos na muli ng mga pamahalaan. ISAPUSO MOPangatwiranan mo ang pangungusap sa ibaba.Kailangan ng tulong ng mga iskwater mula sa pamahalaan. HKS 5 M-34
GAWIN MOGumuhit ka ng iba’t ibang uri ng panahanan. PAGTATAYAHanda ka na ba sa pagsusulit?A. Panuto: Lagyan ng tamang salita ang bawat palaisipan na may kinalaman sa panahanan sa panahon ng Ikatlong Republika. Isulat mo ang sagot sa iyong kwaderno.PAHALANG 1. Ang lugar na masisikip at barung-barong ang tirahan na hindi kanila ang lupain. 2. Ang tulong na ipinagkakaloob ng PHHC upang maisaayos na muli ang napinsalang tirahan. 3. Ang tumutulong sa mga mamamayan upang maisaayos ang panahanan.PABABA HKS 5 M-34
4. Ang naging sanhi ng pagkawasak ng panahanan. 5. Ang panahanang nakaakit sa mga taga-lalawigan. 4. D 5. N TR 3. P M H L2. P B Y N G 1. S B. Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay b. Titik lamang ang isulat. Isulat mo sa kwaderno ang iyong sagot. Hanay A Hanay B____1. Ang ahensiya ng pamahalaan na A. REC B. PHHC tumutulong sa murang pabahay C. NARRA D. Maynila____2. Ang isa sa mga lungsod na E. Isakwater pinaglipatan ng mga taga- F. Makapaghahanapbuhay lalawigan HKS 5 M-34____3. Ang dahilan ng pagdami ng mga iskwater____4. Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa paglilipat ng tirahan____5. Ang ahesiya ng pamahalaan na nagpapahiram ng pera sa nais
magpatayo ng bahay. PAGPAPAYAMANG GAWAINIlarawan mo ang inyong sariling panahanan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. HKS 5 M-34
GRADE VPROYEKTO: EDUKASYON SA IKATLONG REPUBLIKA ALAMIN MOMANUEL A. ROXAS ELPIDIO QUIRINO RAMON MAGSAYSAYHulyo 4, 1946 – Abril Abril 17, 1948 – Disyembre Disyembre 30, 1953 – 15, 1948 30, 1953 Marso 17, 1957CARLOS P. GARCIA DIOSDADO FERDINAND MARCOS Marso 17, 1957 – Disyembre 30, 1965 – MACAPAGAL Disyembre 30, 1961 Disyembre 30, 1961 – Pebrero 25, 1986 Disyembre 30, 1965 Ang Ikatlong Republika ay pinasinayaan noong Hulyo 4, 1946. Nagkaroon ngAnim na Pangulong nanungkulan mula 1946 hanggang 1981. Sa kanilang panunungkulan hindi rin nakaligtas ang pagpapabuti sa kalagayan ngedukasyon sa bansa. HKS 5 M- 36
Ano-ano kaya ang binigyang-diin sa edukasyon sa panahon ng IkatlongRepublika? Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Mahuhulaan mo kaya? 1. Anong P ang unang paaralang naitatag sa panahon ng Espanyol? 2. Anong M ang mga naging unang guro sa panahon ng Espanyol? 3. Anong T ang ginawang opisyal na wika ni Pangulong Laurel sa bansa? 4. Anong T ang tinawag sa mga gurong Amerikano? 5. Anong N ang mga paaralang binuksan upang sanayin ang mga nais maging guro sa mga paaralan? HKS 5 M- 36
PAG-ARALAN MO Basahin at intindihin mo ang talata sa ibaba. Pagkatapos ng digmaan, ang pangunahing suliraning hinarap ng bansa ay angrehabilitasyon o pagpapatatag sa pamumuhay ng mga Pilipino sapagkat malaking pinsalaang nagawa nito. Sa edukasyon, nagkaroon ng suliranin sa mga gusaling pampaaralan gayundin samga kinakailangang kagamitan dito. Tingnan mo ang mga larawan, ganito ang mga senaryo sa edukasyon matapos angdigmaan. Gumugol nang mahabang panahon upang makapagpatayo muli ng mga gusalingpampaaralan at pagsasaayos ng mga kagamitan nito. HKS 5 M- 36
Ipinagpatuloy ang maka-Amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rin angmga kaisipang pangdemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo. May ilang Pilipino na nabahala sa sistema ng edukasyon noon. Isa na rito siArturo Tolentino, isang mambabatas na nagpasimuno ng pagsasaayos ng sistema upangmaiangkop sa malayang Pilipino. Suriin mo sa kabilang pahina ang balangkas ng mga naging pagbabago saedukasyon. Patakaran sa Edukasyon sa Panahon ng Ikatlong RepublikaPaggamit ng wika Ipinakilala ang mga Ipinaturo ang katangi-ng pook bilang paaralang tanging nagawa ngwikang panturo sa pampamayanan mga bayani. IsinalinBaitang I at II upang maiangkop sa sa Pilipino ang mga panahon ng batayang aklat. kahirapanNagkaroon ng Itinuro ang mga Ipinahayag ngtiwala sa sarili gawaing Batas Republikaang mga bata at mapakiki- Blg. 139 angnakilahok sila sa nabangan sa pagtatag ngtalakayan pagpapaunlad ng lupon para s pamumuhay sa batayang aklat pook rural Itinuro rin ang: Kalusugan at kalinisan Makaagham na pagsasaka Pag-aalaga ng manok at baboy Pagluluto at pananahi Mga industriyang pantahananBukod dito may mga programa pa ring sinimulan. HKS 5 M- 36
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162